Kabanata 9
Junior
•••
Makinang ang gabi. Gusto ko ang buwan ng desyembre lalo na kapag sumasapit ang dilim. Kitang kita ang kinang sa mga bahay. Kahit iyong mahihirap sa amin, kahit kami, may nakasabit na parol sa tapat ng pinto. Iyong may mga kaya sa lugar namin may mga christmas light. Hindi palagi nagpapatalo sila tita lolita sa pakinangan ng bahay na para bang may contest kung sino pinaka magandang bahay ngayong pasko. Nakakatuwa rin masaksihan ang mga batang nangangaroling sa kalsada. Tambol na gawa sa lata ng gatas ta's may tila rubber band na binanat ang nakatakip do'n. Mga tansan na niyupi at binutasan sa gitna sabay pinagsama sama sa isang alambre para gawing tambourine.
Dahil christmas break, gumawa kami ng grupo nila sebastian, kasama sila ricky, ismael, isay, kapatid kong si mary at christine. Pinapa-una namin sila mary at christine sa isang bahay, tambol at tambourine ang instrumento nila. Kapag may nagbibigay sakanila ay tsaka kami susunod doon sa bahay na 'yon. Mahina ang bigay na sampung piso sa amin dahil full package performance kami. Mag gigitara si sebastian, may tambol si ricky na mula pa sa papa niyang yumao na at dati raw parte ng banda. Si ismael gumawa ng tambourine na gawa sa mga tansan. Si isay naka christmas hat pa at siya ang taga palakpak namin habang kumekendeng kendeng. Ako ang vocals na sasabayan ni sebastian. Malakas na bigayan sa amin ay trenta pesos. Iipunin namin 'yon hanggang twenty-four tsaka namin paghahatian sa huling araw ng karoling.
Sila sebastian kinukumpleto ang nine days na pagsisimba tuwing gabi...paniniwala kasi ay kapag nakumpleto iyon ang dalangin mo ay matutupad. Samantala kami ay tuwing bente singko ng umaga nagsisimba, kumpleto kaming pamilya, bago mamasko. At sa edad kong fourteen, hindi ko ipagkakaila na namamasko pa rin ako sa mga ninong at ninang ko. Sayang ang madami kong mga ninong at ninang kung hindi ko pamamaskuhan. Panganay raw kasi ang madaming mga ninong at ninang dahil doon iniimbitahan ang lahat ng mga kaibigan at kakilala ng magulang. Noong bata ako nakakaabot ako ng dalawang libo o higit pa, ngayon mga isang libo na lang. Iyong iba mga damit at gamit na ang binibigay sa akin. Si sebastian madiskarte, tatlo o apat lang naman ninong at ninang niya pero nakakamagkano tuwing pasko dahil kahit hindi niya ninong at ninang, basta kilala niya ay humihingi ng pamasko...lalo na sa mga tricycle driver sa labasan at iyong mga tao sa barangay.
"Hoy! Ligaya! Merry christmas!" bulyaw niya no'ng makita akong papauwi na.
Kinakasa na niya iyong bagong bili niya sigurong pellet gun.
"Merry christmas din." nakangiti kong sambit.
Kumindat pa siya bago tinutok iyong laruang baril sa lata na nakatayo sa may tapakang hagdanan ng kapitbahay nila at pinaputok iyon.
Parang bata pero nakakaakit iyong itsura niyang iyon sa paningin ko.
Masaya rin ang bagong taon sa looban. Halos lahat tuwing media noche ay may handang barbeque. Sa amin ay simple lang. Pansit, spaghetti, tsaka barbeque. May ilang bilog na prutas tulad ng orange, kiat-kiat, grapes, at dalandan. Bawat madaanan noon ay pwede kang humingi at humirit ng patikim sa handa nila. Welcome ang sinoman sa bawat tahanan. Palagi akong pinapapunta ni tita lolita roon sakanila kapag sumasapit ang alas dose para kumain at kumanta sa videoke nila sa bahay. Ta's magpapaagaw sila tito seve at tita lolita sa labas nila ng barya pagkatapat ng alas dose. Kami kami namang mga kabataan doon ay magsisimula ng tumalon ng mataas. Si Sebastian palagi naming binibiro na taasan niya pa baka sakaling magkahimala.
Bawat bahay ay may inuman din. Kaya madaling makita sila ricky, ismael, at sebastian na nakikipag inuman na agad kala kuya pedring at kuya noy. Sa labasan naman puro paputok. Si isay bumili pa ng pla-pla, sa akin naman torotot. Pasabugan din ng stereo sa amin, papangitan din ng boses na inaasar pa namin ng palihim ni isay.
"Happy new year, ligaya!" bulyaw na bati sa akin ni sebastian, kumakaway kaway pa nga, halatang lasing na.
"Tsk tsk tsk, happy new year din sainyo!" bati ko sakanilang nag-iinuman.
Tadtad ng messages ang cellphone ko. Puro GM ng mga bumabati para sa bagong taon. Mga nakapagload at na-registered ng maaga ang kanilang sim number. Madalas pahirapan kasi magpaload tuwing sasapit ang noche buena at media noche. Kinabukasan pa ang iba nakakamessage. Ang technique namin ni isay ay, tuwing 23 at 28 ng december kami magpapaload. Ireregister namin iyon ng pang tatlong araw.
"Ligaya! Bebe loves!" bulyaw ni sebastian, pinapalapit pa ako sakaniya.
"Huwag ka lumapit diyan. Lasing, eh. May amats." sabi ni isay sa akin.
Hindi niya alam na may gusto ako sa lalaking may amats na iyon.
Nakahalukipkip ako, si isay nakapameywang.
"Bakit?!" bulyaw ko, kunwari galit.
"May balance ka pa? Kahit limang piso lang?"
"Bakit?"
Para kaming tanga na nagsisigawan. Isang bahay lang naman ang agwat mula sa kinatatayuan namin.
"Pa-pasaload naman ako, please!" pagmamakaawa niya. Nakanguso't dalawang kamay nakalapat sa isa't isa na parang nagdadasal.
"Ang pangit, ah." inis na sambit ni isay, mahina lang naman.
Hindi naman pangit si sebastian, cute nga. Sadyang ayaw lang talaga ni isay sakaniya dahil palagi siyang inaasar nito na maarte at pabebe.
"Ligaya, please?" sabi ni sebastian.
Palihim akong napabuntong hininga. Isa rin 'yan sa mga kahinaan ko...kapag nagmamakaawa siya sa akin.
"Bayaran mo 'ko! Ten pesos!" bulyaw ko.
"Oo ba!"
"Kiss na lang daw bayad ligaya! Hahahaha!" bulyaw ni kuya pedring.
Kinutya kutya na tuloy si sebastian no'ng iba.
"Eeww! Kadiri!" pag-iinarte ko.
"Crush mo ba si ligaya, sebastian?" bulyaw ni kuya noy.
Malakas na tawa ang sinagot ni sebastian tsaka tumagay.
"May gusto ka ba sa anak ni mario?!" sambit ni kuya not ulit.
"Tropa lang kami ni ligaya! Mas lalaki pa nga 'yan sa'kin minsan, eh! Sakit manapak niyan!" sabi ni sebastian.
Mabigat na buntong hininga ang palihim kong binuga. Tropa pa rin ba 'gang ngayon?
Lumapit ako sakanila. Seryoso ang tingin. Tumigil ako sa tapat ni sebastian at sinapak siya sa pisngi. Pagkatapos no'n tinalikuran ko na siya at dumiretso na ako ng lakad. Hinablot ko ang kamay ni isay paalis.
"Bakit mo sinapak?" may pagkamangha sa tono ni isay.
"Bagay lang sakaniya 'yon! Atsaka hindi niya naman maaalala 'yon, lakas amats niya ngayon!"
Dumiretso kami hanggang sa dulo. Dinayo namin ang taga-roon. Nakikain at nakisaya. At no'ng tamaan ako ng konsensya ay pinasaloadan ko na lamang si sebastian. Baka bumakat kasi iyong suntok ko sa pisngi niya. Ako lang din magdadamdam no'n!
To: Neighbor
Sori. Ikaw kasi e!
Kinabukasan, naalala ni sebastian ang nangyari. Nagsorry siya sa akin kahit na hindi niya lang alam kung bakit ko siya sinapak, at nagbayad pa siya ng sampung piso. Iyong pisngi niya medyo namaga pero hindi naman daw masakit at wala naman daw ngipin na natanggal. Pero kahit gano'n ay nagsorry rin naman ako. Nadala ako ng damdamin.
Pagbalik sa school, busy na naman. Panibagong grading. Panibagong lessons. Mga preparations para sa nalalapit na mock exam. Ang papalapit na dulaan sa filipino. Ang announcement ng JS Prom!
"Pareha kaya ng mga prom night sa nababasa natin sa e-book 'yong mangyayari?" sabi ni susana.
Kakatapos lang ng mock exams namin. Hanggang alas tres lang ang pasok. Walang pasok ang mga 1st year at second year. Alphabetical arrange ang mga pangalan ng estudyante sa mga designated rooms. Halo halo iyon, lalaki't babae. Nasa letter B ako at buti na lang ay malapit ang apelyido namin nila susana, zenaida, at oneil. Pareho kami ng designated room. One seat apart ito kaya bawat isang room ay occupied ng twenty students. Ang bantay na teacher ay mula sa ibang school. Bawat isang subjects ay forty-five minutes. Isang oras ang break time. Halos hindi ko nasilayan ang presensya ni sebastian mula kaninang umaga. Sabay man kami pumasok, nag goodluck pa nga siya kahit na siya ang mas nangangailangan no'n.
"A-attend kayo ng JS prom?" tanong ko sa tatlo.
"Oo beh! First time 'yon! Makakasayaw tayo ng slow dance! Pwede mo raw makasayaw crush mo!" sabi ni oneil.
"Crush mo pa ba si joemarie?" tanong ni zenaida sa akin.
"Hindi na noh! Tagal ko ng hindi 'yon crush."
"A-attend ka ba? Bayaran na next week." sabi ni susana.
"Ayon nga problema ko, eh. Wala akong pambayad. Kung makautang man sila papa, wala rin akong masusuot na dress."
"Wala ka bang mahihiraman? Kamag-anak? Kapitbahay?" sabi ni oneil.
"Hmm, hindi ko alam. Subukan ko kung may mahihiraman ako pero 'yong bayaran kasi...malaki rin kasi ang five hundred pesos. Pwede na 'yon pambili ng mga pangangailangan namin sa bahay."
"Ano sabi ng papa mo? Nasabi mo naman ba?"
"Kapag sinabi ko 'yon, gagawa 'yon ng paraan para may pambayad ako. Ayoko naman mangutang sila ulit para sa'kin. Atsaka sayaw sayaw lang naman 'yon. Hindi naman 'yon importante."
"Ikaw bahala...pero nakakalungkot 'yon! Baka ikaw lang ang hindi sumama sa'tin?" sabi ni susana.
"Okay lang...hindi ko naman ikamamatay 'yon, eh."
"Sana makasama ka!" wika ni oneil habang niyayakap ang kanang braso ko.
"Ano ka ba! Ma-e-enjoy niyo 'yon kahit wala ako!" nakangiti kong sabi.
"Pero sana makasama ka para tayong apat kumpleto!" sabi ni susana.
Nagkibit balikat na lamang ako. Ayoko mangako sakanila sa isang desisyon na makapangsarili. Siguro tumatak na rin sa isip ko na kapag usapang gastos ay palagi ko muna iisipin ang magulang ko...kung kaya ba nila o hindi. Ganito na siguro ako lumaki. Ganito na siguro ako mag-isip.
Nakakainggit din sila sa totoo lang. Gusto ko sumama. Gusto ko pumunta. Kung iyong pagiging mahirap lang sana namin ay iyong makakayanan lang namin palipasin, mas magaan siguro sa isipan ko ngayon.
"Hoy! Neneng! Ang bagal, ah?!" bulyaw ni sebastian. Kumakaway pa ng kamay. Nandoon sila sa may pader nakasandal, gilid ng lying-in clinic. Tapat kasi ito ng school.
"Sure ba kayo na hindi kayo ni lance?" sambit ni susana, nakataas ang isang kilay sa akin.
"Tropa lang kami. Hindi kami non." tugon ko.
"Tropa raw?" saad ni oneil, hindi naniniwala.
"Oo nga! Atsaka kilala ko kung sino crush niya..."
"Si Arlene noh?" sabi ni zenaida.
"Paano mo nalaman?"
"Ano ka ba, lahat ng boys may crush doon!" sabi ni susana.
"Kabog 'di ba? Inaasahan na magiging prom queen 'yon si arlene!" sabi ni oneil.
"Baka marami sasayaw sakaniya ro'n, noh? Tapos may mga aamin!" sabi ni zenaida.
"Hoy! Neneng! Bagalan mo pa!" bulyaw ni sebastian.
"Sandali lang naman! Aba!" bulyaw ko pabalik.
"Ang ingay, ah?" sabi ni susana.
"Parte na siguro ng pagkatao namin ang sigawan ang isa't isa..." sabi ko.
Nagpaalam na ako sa tatlo at patakbong nilapitan sila sebastian.
"Hindi ka ba marunong maghintay?" pagtataray ko no'ng makalapit.
"Tagal tagal kasi! Maglalaro pa kasi kami ng dota!" sabi ni sebastian.
"E di sana hindi niyo na lang ako hinintay, 'di ba? Aga aga pa, eh!"
"Ang taray taray mo! Buti nga naalala ka pa namin isabay, eh!"
"Wow! Salamat, ha?" tapos nauna na akong naglakad sakanila.
Tahimik lang akong naglalakad. Hindi ako lumilingon sa tatlong kupal. Tinatangka ko talaga na bilisan ang paglalakad para may distansya sa amin. Pagod ang utak ko dahil sa exam tapos iinisin pa ako ngayon ng kupal na 'yon? Tanga ba siya?
"Huy! Neneng! Wait lang, aba! Uwing uwi ka na ba?!" bulyaw nito pero hindi ko pinansin.
Bahala ka sa buhay mo r'yan.
Napahinto ako sa stoplight. Nagkaroon ng rason para maabutan nila ako.
"Huy, ligaya," boses ni sebastian, tinutusok iyong kanan kong braso. "Galit ka ba?" tanong niya, seryoso.
Hindi ko nga siya pinansin. Siya nauna mag attitude sa aming dalawa, eh.
Inulit niya pa ulit ang ginawa at tinanong niya kanina.
"Galit yata, tol." boses ni ricky.
"Baka meron siya ngayon?" boses ni ismael.
"Gano'n ba 'yon? Hindi ko alam, eh. Menopause na kasi nanay ko. Atsaka walang babae sa'min." sabi ni sebastian.
"Oo, gano'n 'yon, sebastian. Kada buwan ganiyan si isay, eh. Ang moody. May tantrums palagi."
"Ang hirap i-handle ng mga babae, tol. Promise!" sabi ni ricky.
Napa-irap tuloy ako no'ng marinig ko 'yon.
"Suyuin mo na, tol." sabi ni ricky.
"Bakit ko susuyuin? Kami ba?" boses ni sebastian.
Kupal talaga.
"Oh, bakit nagtatampo?" boses ni ricky.
"Malay ko r'yan sa babaeng 'yan! Bigla nga akong 'di pinapansin, eh." boses ni sebastian.
"Ligaya..." pagtawag ni ismael sa'kin.
Hindi ko sila pinansin.
No'ng pwede na tumawid, binilisan ko ang paglalakad. Baka nga magkakaroon ako ngayong buwan dahil itong mood ko ngayon ay naiinis dahil kay sebastian. Hanggang sa makauwi sa bahay, pasalubong ko ay inis na aking nararamdaman.
"Bakit pa kasi hindi ko siya pinansin!? Kainis! Haynako!" dalamhati ko pagpasok ko sa kuwarto.
"Kamusta exam, ate?" tanong ni mama no'ng sumilip sa kuwarto.
Bitbit niya pa iyong paninda niya na nakalagay sa isang tray.
"Ahh, okay lang naman po." umayos ako ng pagkakaupo sa kutson.
"May bayarin ka ba? Sabihin mo lang."
"Hmm,"
Napaisip tuloy ako kung sasabihin ko ba kay mama ang tungkol sa JS o hindi. Gusto ko talagang pumunta. Pero alam ko naman na walang pera sila. Hindi rin naman iyon tatapat sa sahod ni papa.
"Ano? Sabihin mo lang sa'min. Gagawan natin ng paraan 'yan." malumanay ang tono sa boses ni mama.
"Meron po, eh." pag-amin ko.
"Ano 'yon? Magkano naman?"
"Medyo malaki, five hundred. Next week ang bayaran."
"Five hundred?"
Hindi man ipahalata ni mama ang gulat ay alam kong nag-iisip na siya kung saan niya kukunin ang gano'ng halaga.
"Pero okay lang naman kahit hindi ako makasama...JS prom lang naman po iyon. Hindi naman importante. Atsaka wala akong susuotin na dress. Tsaka sandals. Huwag niyo na alalahanin 'yon, ma! Madami na pwedeng mabili sa five hundred, eh!"
Tinignan lang ako ni mama ng malambing.
"Sabihan ko si papa mo, baka magawan namin ng paraan. Kailangan mo sumama ro'n...mga kaibigan mo yata magpupuntahan doon. Hindi mo malalaman kung masaya kung hindi ka dadalo, hindi ba?"
"Mama...huwag na. Wala naman kayong sapat na pera, eh."
"Pera lang 'yan. Makikita pa namin 'yon ni papa mo. Pero ikaw, mag-enjoy ka habang bata ka pa. Kami ni papa mo ang bahala sa pangangailangan niyo."
"Pero ma..."
"Sasabihin ko 'yan sa papa mo."
At umalis na siya. Tinungo na ang labas. Magbebenta na yata ng ihaw. Napakamot tuloy ako sa aking ulo.
Sumapit ang martes ng gabi, sa hapag kainan. Ulam namin ay ang hindi naubos na benta ni mama. Nag-abot si papa ng five hundred buo sa akin.
"Pambayad mo 'yan doon sa JS prom mo." sabi ni papa.
"Pero pa..."
"Huwag na magpero pero! Hindi 'yan utang. Kumuha ako ng sideline sa tubigan kala aling rosa sa kabilang kalsada. Ayokong hindi ka kasama ro'n, ha? Si mama mo nanghiram na kila ate angie mo ng dress."
"Oo, nanghiram na ako. Baka bukas ibigay niya ta's sukatin mo. Marami raw siya, eh. Pati heels meron, pahiramin ka raw niya. Gusto niya siya na rin mag-aayos sa'yo." sabi ni mama.
Si ate angie ang anak ng kapatid ni mama. Matanda sa akin, ka-edaran ng panganay na kuya ni sebastian. Taga kabilang kalsada.
Gusto kong maiyak dahil sa magulang ko. Ang swerte ko't sila ang naging magulang ko. Alam kong hindi madali ang pagiging magulang sa tatlong anak pero kinakaya nila iyon at sinisigurado nila na nakukuha namin ang mga bagay na mayroon din ang ibang bata. Hindi rin nila kami ginugutom. May saplot kaming nasusuot at may tirahan kaming inuuwian. May kuryente't tubig. May TV at electricfan. Kahit kapos ay nagagawan nila ng paraan.
Pangako at babawi rin ako sakanila!
•••
"Aba! Ang pretty mo naman neneng!" sambit ni ate angie.
Kakatapos lang niya ako make-up-an. Iyong klase ng make-up na kahit gabi ay pansinin. Naayusan na rin niya ang buhok ko, ponytail style tapos kinulot niya ang dulo. Inayos niya ang side bangs ko. Inisprayan niya rin ang buhok ko ng hairspray upang hindi magtayuan ang mga patay na buhok.
"Okay, sukatin mo na ang dress! Tignan natin kung bagay!" excited niyang sabi.
Inabot sa akin ni mama ang dress, lumipat ako sa kwarto upang magpalit. Sa dami ng pinapapili ni ate ay nagustuhan ko iyong vintage 1950s peggy hunt crepe dress niya na color dark brown. Regalo raw ito sakaniya no'ng ninang niya dati galing abroad.
Paglabas ko ng kwarto halos hindi nakapagsalita sila mama at ate angie.
"Oh my gosh neneng! Ang pretty pretty mo! Ang ganda! Bagay sa'yo!" sabik na sabi ni ate angie. Lumapit ako sa kaniya at pinaikot ikot pa ako ng dahan dahan.
"Picturan ko lang siya, angie!" sabi ni mama na agad naman kinuha iyong cellphone niya na qwerty at may back cam.
Ilang pictures pa bago ang mga final touches ni ate angie sa akin. Pinahiram niya sa akin ang maliit na puting perlas na hikaw niya, maliit na perlas na kwintas, at puting purse na karsya ang cellphone ko, panyo, maliit na salamin, at kaunting pera pamasahe. Sinuot ko na ang pinahiram niyang patent platform ankle - strap pumps na color white, buti na lang magkasize kami ng paa ni ate, size thirty-seven. Si mama naman pinasuot ako ng silver na bracelet, manipis ang mga chains at napapalibutan ng mga heart. Iyon ang bracelet niya na pinaka iingat ingatan dahil galing pa ito kala lola. Tuwang tuwa si ate angie sa ayos ko. Hindi ko rin mapigilan ang sarili ko na hindi mamangha no'ng makita ko ang itsura ko sa salamin.
Ako ba talaga 'to? Ang ganda ganda ko! Kainis!
Nakailang picture taking ulit kami lalo na't ayos na ayos na ako.
"Ate, nandiyan na sila sebastian, hinihintay ka na sa labas. Si kuya seve maghahatid sa inyo." sabi ni mama.
"Thank you po talaga ate! Isosoli ko rin 'to pagkatapos labahan!" wika ko kay ate angie na nililigpit na ang kaniyang make up kit.
"Sige lang, neneng. Enjoy the prom!"
Final touches, pabango. Ready na ako lumabas.
Inalalayan ako nila ate angie at mama sa paglabas. Pagdating ko ro'n iba ang tingin na ginawa ng tatlo sa akin. Tinignan nila ako mula ulo 'gang paa. Sabay sabay pa nga sila na parang pinagpraktisan.
"Bakit?" naiilang kong tanong.
Nakatingin ako kay sebastian na hindi makapagsalita.
Anong masasabi mo sebastian? Gusto ko marinig ang opinyon mo...kahit ngayong araw lang. Kahit ngayon lang. Sabihin mo naman na maganda ako sa paningin mo. Look at me with heart eyes, please?
•••
TBC.
AN//: Goodnight, loves!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro