Kabanata 7
Moments
•••
Nagpatuloy ang practice. Mga balik after class. Hindi ko siya masyadong pinapansin kapag hindi tungkol sa play o sa props ang tanong niya. Naging hands on si sebastian sa play na halos sa subject na filipino lang siya interesado at iyong iba ay wala na siyang pakealam.
"Shocks!" pabulong kong sambit. "May ballpen ka pa?" tanong ko sa katabi kong si oneil.
"Wala na beh, isa lang black ko tsaka red."
Tinanungan ko rin sina susana at zenaida kaso wala rin silang extra. May pinapasulat pa naman sa amin sa notebook ng values. Medyo mahaba. Sira sira na naman ang seating arrangement. Nakiupo kami sa harapang row...sinusundan ang sulat ng secretary of the board. Nilapitan ko na rin si ismael na nakikitable sa may teachers table. Lumabas si ma'am canceran, may meeting siguro sa faculty kaya pinagsulat kami ng kay haba haba at chechekan niya pagbalik.
"May ballpen ka pang black, mael?" tanong ko.
"Wala, isa lang 'to. Kay sebastian, marami 'yon. Nanghihingi lang ako ro'n, eh."
"Tsk. Hindi kami bati no'n, eh."
Napatingin ako kay sebastian na nakaupo sakaniyang pwesto katabi si ricky. Mga hindi nagsusulat, nagseselpon lang at mukhang nanonood na naman ng fliptop battle. Nakasalpak sa tainga nila ang earphone, kaliwa iyong kay sebastian, kanan kay ricky.
"Hindi kayo bati?"
"Hindi ko siya bati."
Natawa lang ng mahina si ismael.
"Humiram ka na ro'n, hindi naman nagsusulat 'yon. Nanghihiram 'yon ng notebook sa'kin." medyo pinagtulakan pa ako nito paalis sa harap niya.
Napakiling ako ng ulo at napabuntong hininga ng palihim. Naglakad ako patungo sa pwesto nila sebastian.
"Hoy!" siga kong sabi kay sebastian habang hinampas ng mahina ang braso nito para mapansin.
"Bakit?" inis nitong tanong.
"Pahiram ng ballpen, hindi ka naman nagsusulat diyan, eh."
Napangiwi siya at tinignan ako ng masama.
"Dalian mo na baka burahin na 'yong side na 'yon ng board!" pagturo ko sa kanang bahagi ng blackboard.
Tinanggal niya ang nakasalpak na earphone, kinuha ang kaniyang jansport bag na nasa kaniyang likod at binuksan ang maliit na zipper nito.
"Mamili ka r'yan!" aniya at inilabas lahat ng kaniyang black ballpen na kinalat sa kaniyang arm chair.
"Iyo 'yan lahat?"
"Iyong isa, bili. Iyong pito, nakaw. Mamili ka na!"
"Nakaw?"
"Shh! Mga hiram ko na 'di ko na binabalik. Alam mo, matanong ka! Daig mo pa questionnaire! Pumili ka na lang! Bagal bagal!"
Kinuha ko iyong pandang mataba. Tinesting ko muna ito sa balat ng kamay ko kung may tinta nga na mayroon naman.
"Ito. Akin na lang 'to." wika ko at tinalikuran na siya.
Nagsimula na ulit akong magsulat. Natapos ang klase ni ma'am values na hindi na siya nakabalik. Sumunod na klase ay Aralin Panlipunan, lipat na naman ng seating arrangement. Sa side ng bulletin board ang aking pwesto, tapat ng wall fan. Sa bandang likuran ko nakapwesto si sebastian na katabi ay si zenaida. Katabi ko naman si ricky. Madalas nagpapalit ng upuan sina ricky at zenaida.
"Wala raw si sir!" bulyaw ni lerry pagpasok ng room.
Naghiyawan ang lahat. Last subject namin kasi ito. Nagkanya kanya na ng pwesto ang iba. Tumabi na sa amin sila oneil at susana.
"May bago akong download na e-book!" sabi ni susana.
"Sino author?" tanong ko.
"Xiomai! Spg beh! Grabe!"
"Sige, bluetooth mo sa'kin! Lahat na ng meron ka! Pati mga bagong download mong mp3!" sabi ko na ginawa naman niya.
Naging libangan ko ang pagbabasa ng e-book na galing sa wattpad. Una kong nabasa ay iyong kay haveyouseenthisgirl. Sinundan nila Alyloony, beeyotch, Aril_dane, forgottenglimmer. Nagsimula no'ng second year no'ng ipabasa sa akin iyon ni susana. Tapos nag-explore na kami ng ibang genre...nagsawa na kami sa romance. Lumipat kami sa horror, class 3-c. Lumipat sa darker side ng romance, iyong a wife's cry...at itong mga storya ni xiomai.
Rinig na rin namin ang pagsisimula ni sebastian mag gitara sa likuran. Palagi na niyang bitbit ang gitara niya at madalas nagtutugtog kapag walang teacher o kapag recess.
"Ligaya, tara kanta ka?" aniya.
"Sakto! Dala ko song lyrics ko!" wika ni zenaida. Nilalabas na sakaniyang bag iyong clear book niyang puno ng mga printed na song lyrics.
"Request kayo, dali!" bulyaw ni sebastian. "Tara na, ligaya, jamming!" pagsipa niya sa upuan ko.
Nilingunan ko siya at tinignan ng masama. Sinenyasan niya lang ako na parang nagsasabi ng tara. May pagpilit sa kaniyang mga mata na parang nagmamakaawa na hindi ko maintindihan.
Alam niya na maganda ang boses ko dahil tuwing fiesta sa barangay ay sinasali ako nila mama sa singing contest na minsan nananalo at minsan runner up na sa tuwing gano'ng patimpalak ay magkalaban kami. Prize ang pakay ko, samantala siya gusto lang palaging magpasikat.
"Ayaw mo ha..." aniya ta's biglang hinila iyong upuan ko palapit sa kaniya.
Napasigaw tuloy ako.
"Para kang tanga!" pilit kong inaabot si sebastian para masuntok ngunit umatras siya ng kaunti.
"Jamming na kasi tayo bebe ko!" bulyaw niya.
"Bebe ko?!" reaksyon ng mga kaibigan ko.
"Kayo na?!" tanong ni susana kay sebastian.
Malakas na tawa lang ang tugon ni sebastian sa kaniya.
"May saltik na sa ulo 'yan, eh! Kailangan palagi ng atensyon, unawain na lang natin!" sabi ko habang tinitignan pa rin ng masama ang kupal.
"Anong kanta gusto mo bebe loves?" kinakalabit na niya ang kaniyang gitara.
"Para kang tanga, sebastian! Tigilan mo nga kakatawag sa'kin ng ganiyan! Ang korni pa!"
Natawa lang ulit siya.
"Bebe loves!"
"Parang kang tanga!" inis kong sabi na kaniya namang nagugustuhan.
Hindi ko rin maintindihan ang nararamdaman ko. Baliw na yata ako! Nahihiya ako na gusto ko rin naman ang atensyon na iyon mula sakaniya.
"Kayo na ba? Lance?" tanong ni oneil na parang sabik na sabik malaman.
"Nililigawan mo ba?" tanong ni zenaida na may malapad na ngiti.
Napangiwi ako. Kunwaring hindi nagugustuhan ang nangyayari.
"Hindi, ah." tugon ni sebastian.
"Pero crush mo siya?" nakangiting tanong ni susana.
Umiling iling ako. Hindi ko magawang lumingon kay sebastian ngayon. Nakakailang. Naririnig pa ng iba naming kaklase ang usapan. Lalo na ang mga kikay girls na ngayon siguro ay pinag-uusapan na ako.
"Hahahaha! Gagu." rinig kong sabi ni sebastian pero nagtilian ang tatlo. Niyuyugyog pa ako.
"Ano ba!" inis kong sita sa tatlo.
"Maganda naman si ligaya, ah?" sabi ni zenaida.
"Bakit? Sinabi ko bang pangit siya? Hindi naman siya pangit, eh. Hindi ko nga sinasabi 'yon sakaniya." tugon ni sebastian.
Ramdam ko ang mahigpit na kapit ni zenaida sa aking braso dahil sa kilig. Kinikilig iyong tatlo, pinapahalata talaga nila. Ta's ramdam ko rin ang pamumula, hindi man sa mukha ko baka sa aking tainga at pagpapawis ng aking ilong dahil sa mga sinabi niya. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nakakakaba. Sino ba naman hindi mahuhulog ang loob sakaniya kung ganiyan siya?
"Ikaw ligaya, crush mo si lance?" tanong ni oneil.
"Pffft! Hindi noh!" mabilis pa sa news flash no'ng sinagot ko 'yon.
"Aruuuy! Hahahaha!" rinig ang tawanan nila. Hindi ako makarelate kung bakit.
"Matapang kasi na babae 'yan, eh, si ligaya. Hindi basta basta nahuhulog ang feelings hahaha!" sabi ni susana.
"Game na! Jamming na! Request na kayo ng kanta!" bulyaw ni sebastian.
Nilapit sa akin ni zenaida iyong lyrics book niya. Kanta ni jireh lim ang request niya na pamilyar naman ako dahil uso ito ngayong taon at madalas mapapakinggan sa kahit saang radio station at napapasama sa top 10 list ng myx philippines.
Inumpisahan na niya ang pagstring sa intro. Magkabilang Mundo ang tugtog. Nakatingin lang ako sa lyrics, hinihintay ang ritmo. Inayos ko ang buhok ko, Inipit ang hibla sa likod ng aking tainga. Nakapalibot na ng upo ang aking mga kaibigan, sirang sira na ang disiplina sa sitting arrangement. Lumunok ako, umubo ng isang beses, pilit. Huminga ng palihim. Binasa ang aking labi. Bahagyang napalingon kay sebastian. Nakaupo siya sa arm chair ng kaniyang upuan na gawa sa matibay na kahoy. Nakatuon ang mata sa hawak niyang gitara na nakapatong sa kaniyang hita. Napatingin siya sa akin at ngumiti. Hindi ko inalis ang tingin sa ngiting iyon.
Sa lahat ng pwede kong panghinaan, bakit ngiti niya pa? Dagdag pa 'yong tingin na iyon...na alam kong mas kumikinang kapag tinitignan niya ang taong gusto niya. Pero gusto ko ang kulay ng mata niya, dark brown, parang kape at kasing kulay ng ibang mata ng ibang tao. Pero mas matingkad tignan ang kaniya sa paningin ko, nangingibabaw ang kaniya.
Sakto sa melody, kumanta na ako.
"Magkalayong agwat, gagawin ang lahat, mapasa'yo lang ang pag-ibig na alay sa'yo..."
•••
Lumipas ang ilang araw, marami ang naging uso. Gwiyomi, na halos lahat ginagawa pati na rin ako na kasama ang tatlo kong kaibigan. Tanging hiling ay huwag mapost sa facebook ang video na iyon. Harlem shake na madalas ginagawang trip ng mga kalalakihan sa room. Namamatay na ang pagtangkilik sa domo bag at mga doodle, pati iyong baller na superman, jelly shoes, at colorful belts na parang power ranger...ngunit napalitan ng colorful skinny jeans kasabay ng mga checkereds na long sleeve. Nagsisimula na rin ang pag-usbong ng bagong cellphone na touchscreen, ang cherry mobile. Si prince, mayroon siya no'n. Siya pa lang ang may gano'ng cellphone sa room. Suki ang cellphone niyang iyon sa mga picture ng bawat kababaihan at ilang kalalakihan, kahit kami nasubukan na namin ang camera 360 at Retrica niya. Sigurado kami na ilang mukha namin ang mayroon sa gallery niya. Ang cellphone niyang iyon ang naging cellphone ng buong room namin. Pawala na rin ang qwerty phones, lalo na ang mga nokia na de-keypad. Nauuso na ang samsung. Medyo outdated na ako pero nagkaroon din ako ng bagong cellphone, samsung galaxy trend - S7392 na color white. Sinangla kay papa, hindi pa tinutubos. Wala itong front cam pero kumpleto naman ng kailangan ko para malibang.
"Nawawala raw cellphone ni prince." sabi ismael papalapit sa dalawa niyang kaibigan.
Aralin panlipunan time, walang teacher. Kakatapos lang din namin mga may top na magpractice para sa tugsayawit na gaganapin next week para sa A.P month.
Nakaupo ang tatlong kupal sa may bandang likuran namin...mga nagpapahangin na naman kahit na mahangin naman na sila sa ulo.
"Sinisisi raw ni prince si robert." sabi ni ismael.
"Alam ko!" pabulong na sigaw ni sebastian, rinig ko ang usapan nila. "Natatawa nga 'ko, eh!"
"Bakit?"
"Ako nagtago, eh, hahahaha! Huwag ka maingay!"
Demonyo talaga, pinag-aaway pa ang magkaibigan.
"Hindi pa ba natin ibibigay, pre?" rinig kong sabi ni ricky.
"Mamaya na natin ibigay 'pag umiyak na."
Demonyo talaga.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mangealam sa kanilang tatlo sa tuwing may ginawa silang kalokohan.
"Isoli niyo na, gusto niyo pa ng gulo, eh." mahina kong pagsita.
"Luhh, pampam ka?" pagtataray ni sebastian at nakukuha na naman niya ang inis ko.
Tinarayan ko lang siya at inirapan. Nakisali na rin ako sa mga kaibigan ko na nakaupo sa sahig, pinapanood iyong video ng practice namin na kinunan ni jed gamit ang samsung na qwerty niyang cellphone.
"Balik na nga natin, ricky. Tagal umiyak ni prince, eh." rinig kong sambit ni sebastian.
Rinig ko ang pag-atras ng kaniyang upuan, napasulyap ako no'ng naglalakad na siya patungo sa upuan ni prince sa bandang harapan ng kabilang side. Hindi ko naman ikinatuwa iyon dahil malapit doon si arlene na katabi ang mga kikay girls.
Nagpanggap na lang akong nanonood sa video namin.
"Nakita namin ni ricky sa bandang hagdan, sa gilid no'n, pinakasulok. Halatang tinago, pre! Nilapitan ko nga, eh, kasi parang pamilyar sa cellphone mo, kaya dinala ko para tanungin sa'yo. Sa'yo pala talaga! Buti na lang nakita ko!" rinig kong paggawa ng kwento ni sebastian.
"Salamat, lance! Buti nakita mo! Mayayari ako sa mama ko, eh!" sabi ni prince.
"Aysus! Hindi kita pwedeng pabayaan, tropa kita, eh!" alam kong nagpapasikat lang siya ro'n sa area na 'yon kaya niya iyon sinabi. Kupal talaga, eh. Alam na alam kung paano ako inisin.
"Tara, isa pang practice?" aya ko sa mga kasama ko.
Pumayag naman sila kuya juanito at ang iba. Bumalik kami sa may harapan. Si sebastian nakaupo na sa tabi ni prince, nakadekwatro at prente ang pagsandal sa upuan.
"Go guys! Buhatin niyo ang buong bautista! Galingan niyo! Lalo ka na bebe loves ko!" bulyaw niya.
Nagbehlat lang ako at tinarayan na naman siya. Natawa lang siya sa ginawa ko.
Bebe loves ko...bebekwasan kita sa ulo, eh!
Lumipas ang isang linggo, araw ng tugsayawit. Naging excuse kami sa klase. Ang theme ay mala history, pero ang costume namin ay parang pulubi. White t-shirt na pinunit punit...buti lumang t-shirt 'to. Tapos may uling ang aming mukha't damit na parang galing kaming sunog o payatas. Itim na leggings, nakayapak, props namin ay itim na trashbag na ginawa naming vest. Scarf sa aming ulo na may nakaipit na mga dahon na palihim naming kinuha sa may tabing ilog. Nanghiram pa kami ng scarf sa mga boys sa room. Nakahiram ako kay ricky, bench 'n bath towel kasi ang mayroon si sebastian, feeling rich kid ang kupal.
No'ng tinawag na ang section namin, naramdaman ko na ang kaba kahit na matagal na rin kaming lumalahok sa ganitong patimpalak. Ginanap ang competition sa may auditorium, maliit lang iyon dahil sakop lang nito ay dalawang classroom.
Naka on-position na kaming labing-isa. Pyramid, no blockings, nasa gitna ako pero hindi unahan. Naghihintay kami ng ritmo ng beatbox. Nakayuko ang mga ulo namin, tayong tuwid at may tindig, pero 'yong mata ko gumagala ng tingin sa bawat sulok ng audi. Hanggang sa may makita akong pamilyar na mukha mula ro'n sa may pinto. winawagayway ang hawak na manila paper at halatang pagmamadali ng lettering nito gamit lamang ang pentel pen.
GO BAUTISTA! MWAH MWAH TSUP TSUP :* TELEBERT TELEBERT!
Alam ko na si sebastian ang humahawak ng manila paper na 'yon kahit natatakpan siya no'n, at marahil katulong niya sa paghawak si ricky. Silang dalawa lang naman ang may lakas ng loob na mag cutting class sa amin...at sigurado ako na kapag nahuli sila ay sa guidance ang bagsak nilang dalawa.
Pinipigilan ko ang aking pagngiti. Kinakagat ko na ang aking ibabang labi dahil sa kaba't pagpipigil ng ngiti. Seryoso ang tema, tungkol sa gera. Hindi pwedeng tumawa o ngumiti. Kahit mahirap ay pinilit ko. Hindi ako tumingin sa may pinto, pero alam kong hindi pa sila umaalis. Patuloy ang pagwagayway ng manila paper. Natapos namin ang performance ng maayos. Nagawa ko ang performance ng maayos. Walang maling steps sa choreo. Walang maling lyrics sa kanta. Iyong araw-araw na pagbalik balik namin ng maaga ay worth it.
"Zoom galeng galeng bautista!" bulyaw nila sebastian at ricky sa may pinto.
Binaba na nila iyong manila paper, kita ko na rin ang mukha niya. Isang malapad na ngiti ang sinenyas ko. Ngumiti rin siya na may kasamang thumbs up, gano'n din si ricky. At pagkatapos no'n ay nagmadali na silang umalis.
Tumagal pa kami hanggang matapos ang program at sabihin ang nanalo. Hindi kami nakasama sa top 3, pero hindi rin naman siguro kami kulelat. Over thirteen or fifteen na kasali, hindi na rin masama ang maging pang lima...lalo na't lucky number namin iyon.
"Nasaan si sebastian?" tanong ko kay ricky pagkabalik namin sa room.
Last subject na, A.P. Wala si sir. Wala rin si sebastian pero nandito si ricky.
"Na-guidance ang gunggong! Nahuli kami ni ma'am de ungria sa canteen bumibili, eh, tapos na raw recess, anong ginagawa namin do'n? Hahahaha!"
Si ma'am de ungria. Isa sa mga terror teacher sa school. Hindi pa man namin siya naging teacher pero isa siya sa ayaw namin makahalubilo lalo na't math teacher pa siya at terror nga. Halata pa lang sa tingin.
"Oh, bakit ikaw hindi? Magkasama kayo nagcutting no'n, eh." sabi ko.
"Gunggong nga, eh! Inako mag-isa. Niligtas ako. Sabi niya kay ma'am na hindi ako kasama, inutusan lang din ako ni sir na pabalikin siya sa klase. Yari na naman 'yon kay aling lolita!"
"Bakit pa kasi kayo nagcutting?"
"Para suportahan daw kayo. Atsaka president daw kasi siya, kailangan niyang gawin 'yon. Nagmadali nga bumili ng manila paper at pentel pen sa canteen no'ng recess, eh. Tignan mo," pinakita niya iyong manila paper na ginawa ni sebastian. "Ang pangit ng pagkakagawa, mema gawa lang hahahaha!"
"Maganda naman, eh. Kitang kita mula sa harap kanina...hindi pangit. Ikaw ang pangit." pagtataray ko at naglakad na palayo sakaniya.
"Hala?" rinig ko pang sambit niya, rinig ko rin ang pagtawa ni ismael.
No'ng makabalik sa room si sebastian, malakas na hagalpak ang binulyaw niya. May saltik na sa ulo. Siya lang ang kilala ko na na-ga-guidance na masaya. Suki na siya ng guidance simula pa first year...every school year na yata siyang may dalaw sa guidance.
"Patawag magulang?" tanong agad sakaniya ng ilang boys.
"Hindi na, napagod na sila sa'kin hahahaha! Warning lang ulit. First time ko kasi this year, eh." casual niyang sagot.
Hindi ko talaga alam kung saan niya nakukuha iyong confidence na 'yon pagkatapos niyang gumawa ng kalokohan. Napaka immature. Hindi tumatanda sa pagkakamali.
"Huy, bebe loves ko, congrats pala, ah! Galing mo kanina, ah? Zoom galeng galeng!" aniya sa akin na hindi ko pinansin.
Binati niya rin isa-isa 'yong iba. Si juanito binati niya pero may pang-asar. Nagpaka busy na lang ako sa pagsuklay ko sa aking buhok.
Dahil wala pa rin teacher, nagkumpulan na naman ang mga lalaki sa likod. Gamit nila cellphone ni ricky. Nakasalpak sa tainga nila ricky at sebastian ang earphone, tig-isa sila. Si ismael nandoon na rin nakikisali sa tawanan.
"Ano bang pinapanood nila ro'n?" tanong ko bigla.
Nakaikot na naman kami sa sahig, kasama na namin si chrisley. Kumakain ng binili naming nova sa canteen.
"Happy Tree Friends daw sabi ni ricky sa'kin no'ng nakaraan, eh, pero parang hindi." sambit ko.
"Anong happy tree friends? Hindi ba pinapanood din natin 'yon?" wika ni susana.
Nagpakalat ng mga episode kasi no'n ay si prince. Nagpasapasahan na lahat. Pinapanood namin iyon kapag walang teacher. Natatawa kami sa pagkabrutal ng mga magkakaibigan doon. Nauso tuloy i-drawing 'yong mga characters na 'yon sa board.
"Tapos?" sabi ko.
"Ibigsabihin no'n wala silang rason para magkumpulan diyan sa likod. Lahat sila puro lalaki. Kapag may babaeng lumalapit, pinapalayo! Si Oneil lang pinapalapit nila, eh!" sabi ni susana.
Wala si oneil, nagbanyo. Hinintay pa namin siya na dumating para makichismis.
"Gaga, anong happy tree friends? Nanonood sila ng bold. Mga gagu 'yang mga 'yan, eh! Panoorin ko rin daw! Kadiri!" sabi ni oneil.
"Nandoon na sila sa stage ng puberty nila." sabi ni chrisley.
"Ang maging malibog?" sabi ni susana.
"Hmm, parang gano'n? Sex education na kailangan nila."
"Baka natin din? Mahilig tayo magbasa ng spg na e-book 'di ba? Parang pareho lang naman 'yon." sabi ko.
Pero hindi sumang-ayon si susana ro'n, hindi ko na lang siya pinakinggan ng mabuti.
Napalingon tuloy ako sa mga nagkukumpulan sa likod. Si sebastian tinatakpan iyong bibig niya ng kaniyang towel. Siya ang may hawak ng cp sa gitna. Napabalik ako ng tingin sa mga kaibigan ko pero iyong isip ko nasa ibang dimensyon na.
Nasa stage na rin yata kami ng puberty na naiisip ang mga gano'ng gawain...na hindi detalyadong tinuturo sa school. Hindi rin tinuturo ng magulang. Marahil nalaman ni sebastian ang tungkol sa gano'n doon sa computer shop...o kala kuya pedring at kuya noy sa tuwing napapakwentuhan siya sa mga 'to.
At maya-maya bigla na lang nagkagulo sa likod. Iyong mga upuan nag-urungan. Nilalayo nila ricky si sebastian kay robert. Nahati sila sa dalawa na kung paano hatiin ni moises ang dagat. Nagliliparan ng mga bastos na salita sa classroom. Nanahimik ang mga kababaihan ngunit ang daldal ng mga tingin. Lumapit na rin doon si juanito. Pumagitna na at pinipilit na awatin sila. Patuloy pa rin sa pagbomba ng mga masasamang salita si sebastian, ginagantihan na rin ni robert iyon na parang mga bala na patuloy sa pagputok.
Ang bilis ng kabog ng dibdib ko. Ngayon ko lang nakita si sebastian na galit at namumula ang tainga sa galit. Ang tanging iniisip ko ay kakagaling lang niya sa guidance, baka bumalik pa siya ulit...kaya pumagitna na rin ako. Baka sakaling kumalma ang kaganapan at hindi masilip ng ibang teacher sa ibang section ang nangyayaring kaguluhan.
"Pota! Tumigil na kayo!" malakas at galit kong sambit. Tinignan ko si robert na nanduduro pa sa kaaway. Tinignan ko si sebastian na patuloy sa pagtalak. "Please, please lang. Tama na!" pagmamakaawa ko.
Tumigil si sebastian, huminga ng malalim, nagpumiglas sa pagkakakapit sa kaniya ng kaibigan niya, at tumingin sa ibang kaklase. Humarap sa iba. Hindi na magawang tumingin sa'kin.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro