Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

Touch Me Not

•••

Kinabukasan, bumili ako ng bagong sim...bente pesos isa sa tindahan ni aling yoli. Nag GM na ako sa lahat ng contacts na sinave ko pwera lang kay sebastian. Pero parang hindi man lang niya napansin na nagpalit ako ng number. Inabot ng isang buwan wala pa rin siyang pakealam. Taragis. Lintik na 'yan. Walang pakealam. Kahit na binilhan ko pa siya ng band aid no'ng makita kong may sugat sa kamao niya...natuloy yata iyong riot nila sa labasan. Bwisit. Ang simple simple lang pero hindi niya napansin na hindi ako nagpapadala ng text sa kaniya.

"Ang kupal na 'yon..." mahina kong sambit sa aking sarili.

Isa pang kinaiirita ko ang halata niyang pagsilay silay kay arlene. Pagpasok, recess, pag-uwi. Kahit no'ng mag practice exam, nakaupo ako sa bandang likuran niya, kitang kita ko ang nakapangalumbabang sebastian na nakatulala kay arlene. Kaimbyerna.

At ang nakakainis pa ro'n ganito na ang bagong sitting arrangement namin tuwing filipino time. Nasa likuran ako at natatanaw ko ang kalandian niyang taglay sa iba. Iyong paano ko siya tignan ng palihim ay gano'n din siya sa iba.

"Oh, ba't ka nakabusangot diyan?" mahinang sabi ng katabi ko, si ismael.

"Hindi ko maintindihan sinasabi ni ma'am, eh." pagsisinungaling ko kahit na naiinbyerna talaga ako sa pagtingin ng kupal sa babaeng gusto niya.

"Weeh? Alam mo..."

"Ano 'yon?"

"Wait, isusulat ko."

Nagsimula siyang magsulat sa likurang pahina ng notebook niya.

Crush mo ba si sebastian?

"Gagi..." may pagtatanggi pa nga sa expression ko.

Natawa lang siya ng mahina.

"Halata, baliw."

"Patingin ka na ng mata, mael. Mali ang hinala mo."

"Mapagkakatiwalaan mo 'ko kahit papaano, ano ka ba." mahina niya pang pagsiko sa akin. "Tayo tayo na nga lang magkakaibigan dito, eh. Umamin ka na sa'kin."

"Asar 'to, kulet." at binalik ko na ulit ang tingin ko sa harap habang nakapangalumbaba. "Oo na, meron na, 'wag kang maingay, ha? Atin dalawa lang 'to."

Ngumiti siya at nagthumbs up.

"Alam mo ba, tinanong niya ako kung may load ka raw ba, kasi hindi ka na nag-G-GM sa kaniya." mahinang pagkukwento ng katabi ko.

"Maniwala sa'yo...e di sana hiningi niya number ko."

"Nahihiya raw siya. Sabi niya sa'kin."

"Kwento mo, mael. Kwentong barbero."

Natawa siya saglit ng mahina.

"Totoo. Tanungin mo pa siya."

"Ayoko nga, tanga 'yang kaibigan mo, eh."

"Bahala ka."

Hindi ako maniniwala ro'n, pero may kalahating porsyento ng damdamin ko na baka nga totoo iyong sinabi ni ismael? Hay nako! Gaga talaga ko sa pag-ibig!

"Ang magiging final project niyo sa akin ay makagawa ng  role play ng Noli Me Tangere ni Rizal dito sa room. Mula unang kabanata hanggang wakas kailangan maipasok niyo sa buong oras ng filipino time natin. Kung sosobra, kakausapin ko ang susunod niyong teacher. Itong matitirang minuto ay ibibigay ko para sa inyo, para mag-usap usap kayong lahat paano niyo gagawin at sino ang gaganap. Mayroon kayong twenty minutes, okay? Sige, see you tomorrow." wika ni sir at taimtim na umalis ng room.

Pagkaalis niya, nagsimula na ang gulo.

"Magsitahimik kayong lahat!" bulyaw ni sebastian sa harap.

Nagsisimula ng bumalik ang iba sa kanilang mga upuan para sa susunod na klase. Nanatili kami ni ismael sa pwesto namin dito sa likod.

Tinawag ni sebastian sina chrisley, susana, at juanito. Si ricky rin nakisali sa harap at pumwesto sa gilid ni sebastian.

"Oh, paano natin gagawin 'yon? Hindi ako fan ni rizal, eh. Hindi rin ako nakikinig sa klase. Pero pakiramdam ko kaya ko namang gampanan 'yong role ni ibarra." sabi ni sebastian.

Sumang-ayon naman ang iba. Totoo naman, marunong din naman siya umarte at mag-inarte. Atsaka bagay nga sakaniya ang role na Crisostomo Ibarra dahil bukod sa marunong siyang umarte, makarisma ang kupal at confident sa sarili.

"Ako na lang 'yong pari! Si padre damaso!" presinta ni ricky.

Nag-uusap na ang lahat. Nabibigyan na ng role ang iba kahit hindi pa alam kung kaya ba o magagampanan ba nila ang karakter na ibinibigay.

"Si arlene, bagay sakaniya si maria clara!" sabi ni chrisley.

Sumang-ayon naman ang lahat, malapad ang ngiti ni sebastian. Hindi na rin naman ako umasa sa role na iyon.

Si ismael ginawang elias. Si chrisley si Sisa. Si Oneil, ayaw man niya ay tinanggap niya ang role na basilio kasama ang isa naming kaklase na maliit bilang crispin. No'ng makunpleto na ang mga karakter, ang natira ay naging extra. Kasama ako ro'n. Extrang katulong para sa hapunan. Extrang tauhan sa iba pang eksena. Kasama si zeinada at ilan, kami ang gagawa ng props—ambagan ang lahat.

"Ligaya!" bulyaw ni sebastian, sumesenyas, pinapalapit ako sa harapan.

Tumayo naman ako sa aking pagkakaupo at pumunta roon kung saan pinag iikutan nila ang parisukat na table.

"Bakit?" tanong ko.

"Ikaw na rin mag-ayos ng script. May libro si chrisley, hiramin mo. Tapos may comic strip daw na mabibili no'n sa nbs, samahan kita bumili, aabono na 'ko. Tapos ikaw na rin magnarrate. Magaling ka magbasa, eh. Malinaw kasi pronouncoation mo dahil mababa boses mo, bagay."

Hindi ko alam kung si sebastian ba talaga nagsabi no'n dahil parang papuri ang sinasabi niya.

"Ahh...sige. Ako bahala. Kailan ba kailangan?"

"Sa sabado." agaran niyang sagot. "Guys! Sa sabado ha! Doon sa amin, may court do'n! Mga after lunch! Text niyo lang ako kapag naligaw kayo! Papasuyo rin ako sa kuya ko na tulungan tayo!" bulyaw niya sa klase, dalawang beses niya pang inulit. Iyong una ay tonong nakikiusap pa, iyong pangalawa maawtoridad na.

"Bili tayo mamayang uwian, diyan lang sa malapit na nbs." paalala niya pa sa'kin.

"Sige."

Inabot niya iyong libro ng noli sa akin na may kasama pang pagkindat. Ngumiwi lamang ako, tipong nandiri sa ginawa niya. Natawa lang siya ta's balik na ulit sa pagkaseryoso sa usapin ng dulaan. Bumalik na lamang ako sa upuan ko at binasa ang unang kabanata ng libro para makagawa na rin ako ng narration.

"Sorry, matagal ba 'ko? Hahahaha!" wika niya paglabas ng room. Cleaner pala ang kupal, naghintay pa tuloy kami ng matagal sakaniya.

"Oo, sobra." tugon ko.

"Sorry na bebe neneng hahaha!"

"Parang tanga..."

Nauuna akong maglakad sa kanila. Nakasunod ang tatlo at parang bubuyog na nagbubulungan sa likod ko na naman.

"Didiretso pala kami ni ligaya sa nbs, sasama kayo?" rinig kong sabi ni sebastian.

"Pass pare, aalis si mama ngayon. May meeting ng 4ps, walang magbabantay no'ng tindahan niya." sabi ni ricky.

Nagtitinda kasi ang mama niya ng simpleng palamig sa may labasan, sa tabi ng court.

"Ako rin, uwi na lang ako. Boring sa nbs, eh. Hindi ko trip do'n. Kayong dalawa na lang ni ligaya." sabi ni ismael.

"Sige sige, ako na bahala sa bebe ko hahaha!" sabi ni sebastian.

"Kadiri, ah." wika ko na tinawanan nilang tatlo.

Patuloy pa rin ako sa paglalakad.

No'ng marating na namin ang stoplight kung saan maghihiwalay na kami ng landas nila ricky at mael, kinabahan ako.

"Magdate muna kayong dalawa, ah!" bulyaw ni ricky no'ng makatawid na kasabay si ismael.

"Gagu!" tugon ni sebastian.

Kinabahan tuloy ako, kaming dalawa lang. Napahawak ako sa strap ng bag ko.

"Kailangan mo pa ba ng tulong sa script?" bigla niyang tanong sa'kin, sumasabay sa paglalakad ko.

"Hindi na, kaya ko 'yon. Matatapos ko 'yon sa sabado."

"Sigurado ka? Kasi malapit na rin 'yong jingle rap, 'di ba every month 'yon? This month ay...english month yata? Sasali ka ulit sa gano'n 'di ba? Palagi naman kayong sumasali sa mga gano'n, eh. Kayo ng mga grupo ng katalinuhan hahaha!"

"Syempre, dagdag grades 'yon. Hindi ka kasi nakikicooperate. Hindi naman sa amin lang 'yon kundi sa buong section natin. Kitang labanan niyo ng bawat section, eh. Buti nga nagpepresinta pa kami."

"Kasi nga dagdag grades, 'di ba?" may pagkasarkastiko sa tono niyang iyon.

"Kaysa naman sa'yo. Gagi ka. Tinanong ka sa oral recitation kanina sa math, hindi ka makasagot. Shunga ka. Aral aral din kasi."

"Sometimes silence is the best answer kasi! Malay kong hindi alam ni ma'am ang kasabihan na iyon?"

"Sira ulo."

"Ayos nga po ulo ko hahaha!"

Napangisi ako.

"Kung ayos 'yan bakit ang baba ng mga score mo sa mga quiz at long test? Consistent ka, alam mo ba 'yon? Consistent na lowest score palagi." sambit ko.

"It is what it is, ligaya. Atsaka ako, binabasa ko muna 'yong questions bago hulaan. At least umeeffort pa ako."

"Hahahaha ang gagu mo talaga, noh?"

"Gagu me? Sometimes hahahaha!"

May saltik na talaga ang isang 'to. Kaya palaging highblood si tita lolita sakaniya, eh. Kahit sino pa yata maging magulang niya talagang maha-highblood.

No'ng marating na namin ang nbs, naghiwalay kami upang mas mabilis namin mahanap ang komik ng noli me tangere.

"Ay pota!" bulyaw niya.

Mabilis akong lumapit kung nasaan siya. Hindi naman malaki ang NBS branch na mayroon dito sa amin.

"Bakit?" pag-aalala ko no'ng makalapit.

"May bagong edition ng K-zone!"

"Akala ko naman...hindi mo pa nahanap? Magtatanong na lang ako sa counter."

"Sige, sige, sisimplehan ko lang buksan 'to para mabasa ko." itinago niya ng mabuti ang magazine at tahimik na tinanggal ang plastic cover nito.

Sira ulo talaga.

Lumapit ako sa counter at nagtanong. Itinuro naman nito kung saan ko makikita ang pakay ko. Nakabili kami sa halagang isang daan, si sebastian ang nagbayad.

"Bili tayo no'n! May pera ka pa ba?" aniya no'ng may nakitang naglalako ng fishball, kikiam, kwek kwek at iba pa.

"Mayroon pa naman. Kaya pa makabili niyan." tugon ko.

"Sige, tara!"

Hinawakan niya ang palapulsuhan ko sa kaliwang kamay, habang tinitignan kung ligtas na bang tumawid papuntang kabila. Sabay kaming tumawid, kahit wala namang sasakyan ay tumakbo kami.

Fishball ang binili niya. Piso ay dalawang piraso. Gano'n na rin ang binili ko.

"Isa pa nga ho, kuya. Lima pa ulit." wika niya.

"Sige, kuha ka na r'yan sa luto." sabi no'ng tindero.

Hindi lang kami ang bumibili, may ibang estudyante rin. Dinudumog yata si kuya dahil sa sawsawan niya. Pinanood ko lang ang pagkuha ni sebastian ng fishball. Binilang ko rin ang bawat pagtusok niya.

Gagi, sumosobra na siya ng kuha!

"Hoy," mahina kong tawag sa kaniya.

"Hmm?"

Lumapit ako at bumulong sa kaniya.

"Hayop ka, sobra na 'yan sa limang piso!"

Natawa lang siya at kumindat sa akin. Mandurugas talaga ang isang 'to. Nagbayad lamang siya ng sampung piso na dapat ay bente!

"Grabe ka talaga sebastian! Ang sama mo! Lugi sa'yo si kuya!" bulyaw ko no'ng makalayo na kami.

"Ano ka ba, kinukuha ko lang 'yong dapat sukli ng iba!"

"Palusot mo, noh?"

"Nauuhaw ako, nauuhaw ka rin ba?"

"Libre mo ko?"

"Oo ba! Parang ayon lang!"

Bumili siya sa tindahan na palaging binibilhan nila sa tuwing naglalakad kami. Matanda na ang tindera, bumili siya ng dalawang RC maliit, seven pesos isa. Pinaplastic niya ito. Inabot niya sa akin ang isa. Nagbayad siya ng isang daan.

"Salamat." wika ko bago humigop sa inumin.

Busy siya sa pagbibilang ng sukli. Tinignan ko ang hawak niyang pera, sakto lang naman. Apat na benteng papel, sais na barya. Eighty-six lang naman ang sukli.

"Nay, kulang ho ng sampung piso ang sukli!" aniya.

Huh??

Hindi naman umapila ang tindera at nagbigay pa ng sanpung piso.

"Salamat po!" ani sebastian sa tindera at nauna pa siyang naglakad sa akin.

"Pang ilang anak ka ba ni satanas, ha?" sambit ko sa kaniya.

"Bunso hahahaha!"

"Pati matanda dinudugas mo!"

"Ano ka ba, mababawi rin niya 'yon! Atsaka may napuntahan naman iyon, ha? Iniinom mo na nga, eh!"

"Ako pa ginawa mong masama! Bwisit ka! Makonsensya ka nga!"

"Grabe ha? Hindi ko naman inaaraw araw 'yon!"

"Kahit na!"

"Ang KJ mo naman bebe ko."

"Para kang tanga!"

Natawa lang siya lalo. Ginagawa akong joke time ng kupal na 'to.

"Salamat sa libre, ha." wika ko bago pumasok ng bahay.

"Teka pala! Nagpalit ka ba ng sim?" tanong niya.

"Bakit?"

"Baka blinock mo number ko? Ang tagal ko na walang natatanggap na gm mula sa'yo. Nag aattendance check kasi ako ng mga tao sa contacts ko, eh."

Tama nga si ismael, dapat naniniwala na ako sakaniya.

"Nagpalit ako, may bago na 'kong number."

"Bakit hindi mo sa'kin sinasabi? Penge ng bago mong number dali!"

Inilabas niya ang kaniyang cellphone na myphone na touchscreen at inabot sa akin.

"Bago cellphone mo, ah." sambit ko habang tinatayp ang number ko sa cp niya.

"Pinaglumaan ni kuya selvestre. Ganda noh? Touch screen! May laro r'yan, pou!"

"Ano 'yon?"

"Parang aalagaan na tae hahaha! Gusto mo laruin tae ko? Hahahaha!"

"May saltik ka na ba? Umuwi ka na nga, yari ka na sa nanay mo."

Natawa lang siya, ibinulsa ang inabot kong cellphone niya at tinalikuran na ako. Pagpasok ko sa bahay, ang naabutan kong nakahain sa mesa ay kanin at iyong ulam namin ay mang inasal na chichirya, anim na piraso. Kapag gano'n ibigsabihin no'n ay wala pang sahod si papa at hindi nagtinda si mama. Okay lang sa amin ng mga kapatid ko, sanay na kami sa ganitong sitwasyon. At bago kumain, ilang beses muna hihingi ng sorry ang magulang namin sa amin na para bang kasalanan nila na ayon lang ang nakahain sa mesa.

Ayos lang naman sa amin. Alam namin na hindi kami mayaman o hindi rin kami gano'n nakakaangat sa buhay. Masarap naman ang ulam ngayon lalo na kapag sinawsaw sa suka. Minsan kasi ang ulam namin ay kanin na may toyo at kaunting mantika.

Pagkatapos kumain at maghugas ng pinagkainan, ginawa ko kaagad ang script. Binasa ko ang libro at komik. Nakabuo ako ng narration at kaunting diyalogo. Habang ginagawa iyon ay naiisip ko ang kalalabasan ng role play namin.

"Hehehe mukhang masaya..." kinikilig ko pang sambit sa aking sarili.

Sa sahig ako nagsusulat, nakadapa sa malamig na sementadong sahig. Patuloy na nag-iimagine sa mga senario sa role play.

•••

Tinawag pa ako ng tatlo sa tapat ng bahay upang sabay sabay kami pumunta sa court. Tuwing walang pasok tinutulungan ko si mama magtinda ng ihaw ihaw, tuwing hapon naman siya nagbebenta kaya okay lang na umalis ako ngayon. Kasama namin si kuya selvestre...siya ang tutulong sa amin upang maayos ang takbo ng play. Kasali kasi siya sa drama club ng school na pinapasukan niya ng college.

Bitbit ko ang komik at isang pad ng papel kung saan sinulat ko ang script para sa unang kabanata. Pinaphotocopy ko na rin ito sa ilang piraso para sa mga may role.

"Ikaw narrator ligaya?" tanong ni kuya selve.

"Opo kuya, ako po. Pinagpuyatan ko rin po 'yong script ng ilang araw. Nasa ika limang kabanata na po ako."

"Sige, kunin mo lang iyong importanteng eksena sa bawat kabanata kasi maikli lang ang oras na binigay sainyo."

"Ayon nga po ginawa ko."

Si kuya selvestre, may pakiramdam ako na parang kagaya siya ni oneil o baka dahil malinis at maayos lamang siya tignan kumpara kay sebastian? Pero wala naman nakwento si sebastian na iba kaya baka pakiramdam ko lang? Atsaka mabait si kuya selve at kuya steven, doon lang talaga sa bunso nagkatalo...imposible rin na ampon 'yon dahil kamukha ni tita lolita si sebastian.

"Kumpleto na ba?!" bulyaw ni sebastian pagkarating sa court.

"Si arlene na lang kulang, pwede na magpractice sa actingan!" sambit ni susana na nakuha ang role ng isang donya.

Napayagan naman kami na gamitin ang court dahil sa nanay ni sebastian na kagawad ng barangay.

"Anong oras ba usapan niyo?" tanong ni kuya selve, nakatayo sa tabi ko.

"After lunch, mga one po kuya."

Tumingin ito sa relo niya, napasilip ako, late na nga si arlene. Kung tutuusin late na nga kami dumating tapos mas late pa siya. Nasa kaniya pa ang major role.

"Wait lang, tawagan ko siya! May number ako no'n!" sabi ni sebastian at agad na tinawagan nga.

May number pala siya no'n? Akala ko ba nahihiya siyang hingiin iyon dati? Paano niya nakuha? Imposibleng display lang 'yon sa contacts niya. May PM na panigurado sila sa isa't isa!

"Sino ba 'yong hinihintay?" tanong ni kuya selve.

"Si maria clara namin. Maganda. Crush ng kapatid mo po."

Nakahalukipkip akong tinitignan si sebastian na nakangiting may katawagan. Itong kupal na 'to na naka Never give up t-shirt na kulay black at naka blue na superman baller...jersey short...jologs ng porma! Bagong ligo pa talaga tsss! Bakit ko pa kasi ginaya 'yong kulay ng t-shirt niya? Kaimbyerna! Dapat nagwhite t-shirt na lang ako!

"Maganda?" tanong ng katabi ko.

"Opo kuya. Sobra. Maganda, maputi, makinis, atsaka singkit. Pinagkakaguluhan sa school."

"Hindi ka ba pinagkakaguluhan sa school niyo, ligaya? Walang pumoporma sa'yo? Maganda ka naman, ah? Simple ang ganda mo, hindi man makabasag pinggan, pero maganda ka sa malapitan. Atsaka morena ka. Kung titignan mas bagay ka nga gumanap bilang maria clara."

"Wala, eh. Hindi yata nila 'yon nakikita sa akin. Ikaw lang malinaw ang vision ng mata kuya."

"Pwes, hayaan mo na. Si maria clara sa libro masyadong mabait, mapagmahal, at masunurin. Hindi nga bagay sa'yo."

"Hala kuya naman, eh! Mabait, mapagmahal, at masunurin din naman ako!"

Natawa siya. Pareho sila ng kapatid niya kung tumawa.

"Sira, iyakin si maria clara sa libro. Hindi ka naman iyakin. Bagay sa'yo maging si Gabriela Silang, palaban."

"Thank you kuya selvestre! Tama ka ro'n!"

Kinilig naman ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ako iyakin...depende sa sitwasyon siguro?

"Malapit na raw siya! Ako na mag abang sa kaniya sa labas!" bulyaw ni sebastian, nagmamadali pa nga.

"Lakas tama ni bunso ro'n sa maria clara, ah? Maganda nga siguro." sambit ni kuya selvestre.

Biglang pumait ang timpla ng mukha ko.

Pagbalik ng kupal, bitbit niya pa ang bag ni arlene. Ang liit lang naman ng domo bag na iyon para bitbitin pa niya. Tapos naka black t-shirt din si arlene! Parang nag-usap pa sila sa kulay ng susuotin nila! Mas lalong pumapait timpla ng mood ko ngayon!

Nagpractice sila ng unang kabanata. Rinig ko ang mga turo ni kuya selvestre. Rinig ko rin ang mga bagsakan nila ng diyalogo na ginawa ko. Tumulong ako kala zenaida na gumawa ng props. Una naming ginawa ang malaking background na gawa sa pinagtagpi tagping puting cartolina upang drawingan ng loob ng bahay ni kapitan tiyago.

"Oh, marunong ka pala magdrawing, eh!" sambit ng kupal sa likuran ko. Kahit hindi ko pa siya nakikita ay kabisado ko na ang boses niya.

"Kung manggugulo ka lang, umalis ka na rito at bumalik ka na ro'n."

"Break time. Akin na, ako na magdrawing!" akmang aagawin niya iyong lapis na gamit ko pero hindi ko iyon binitawan at inagaw ko iyon pabalik.

"Huwag ka sabing magulo, eh! Kitang busy ako! Atsaka 'wag mo nga kong hawakan!" hinatak ko ang aking kamay na kaniyang hawak hawak dahil sa pang-aagaw ng lapis.

"Luhh, ang maldita mo ngayon, ah? Inaano ka ba? Ikaw na nga 'tong tutulungan, eh. E di 'wag!" at umalis na nga siya at naglakad papunta kala ricky na may dinidribol na bola ng basketball.

Hmmph! Magsama sila ng maria clara niya. Pagbuhulin ko pa sila, eh! Nababadtrip tuloy ako lalo!

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro