Kabanata 5
Siya at iyong pagtingin
•••
Third year-section bautista. Kami kami ulit ang magkakaklase. Nabawasan ng isa, si ate jobani, nag transfer sa malapit na school sakanila. At kapag may umaalis ay may pumapalit. Si Arlene Lopez, matangkad, balingkinitan, maputi, medyo singkit, may nunal sa sintido, hindi malapad ang noo, makinis ang mukha't maaliwas tignan, halatang hindi gumagamit ng kahit anong make-up. Makintab tignan ang mahaba't straight niyang buhok, mukhang madulas kung susuklayan kahit tuyo na. Parang nagboblower pa siya ng buhok bago pumasok. Mukha pang mayaman dahil sa malinis na uniporme, magandang quality ng black shoes, kumikinang din halatang bago—bagong kiwi. Mahinhin ang galaw niya sa harapan, maria clara kung ilalarawan. Nagpakilala siya sa harap ng may boses na malambing at may ngiting nakakaakit...kahit babae ay kaya niyang akitin—sa inis at inggit. Siya na talaga!
Nag-introduce yourself ulit. Hindi na kabado ang karamihan. Nagbotohan na naman ulit ng class officer, nagpakitang gilas na naman si sebastian at ni-nominate ang kaniyang sarili pero this time siya na ang nagwagi.
"Tss, pasikat." lihim kong dalamhati.
Tapos nanalo naman na vice president si ricky. Pinagplanuhan na talaga nila 'to. Si ismael hindi nagpanominate, nanatili lang na average student sa klase at kaibigan ng dalawa. Buti naman.
"I nominate Arlene for muse!" bulyaw ni sebastian, nakataas ang isang kamay, hindi naman siya tinawag pero nagsalita.
Naalarma ako ro'n. Iyong pangangalumbaba ko sa desk ay nawala. Napatingin ako kay sebastian na sumenyas kay ricky gamit ang kilay nito na may kasama pang mapaglarong ngiti. Palihim naman akong napalingon kay arlene, ngiti nito'y nahihiya.
Tss, gusto rin, ayaw lang pahalata. Kainis. Ang landi rin ng kupal na sebastian na 'to! Unang araw ng klase binabadtrip ako!
At totoo nga ang hinala kong iyon. May gusto ang kupal kay arlene. I mean, sino namang hindi? Ang perfect niya! Ang linis niya! Ang bango niya! Ang tangkad niya! Ang kinis niya! Ang puti niya! Mahinhin siya! Malambing ang boses! Sinong lalaki ang hindi siya sasambahin? Kahit taga ibang section palaging sumisilip sa room namin para silayan siya. Nakaka-inggit sa totoo lang...kaya hindi namin tinangka nila susana, zenaida, at oneil na kaibiganin si arlene. Bukod sa hindi naman malapit ang apelyido niya sa amin ay naunahan din kami ng mga kikay girls na kaibiganin siya. Ang grupo ng kikay girls ang ayaw namin maging tropa't group members. Puro inarte, pagpapaganda't pagpapapansin ang alam at hindi rin sila gano'n kagalingan sa klase. Pero famous sila. Madami silang kilalang contacts sa iba't ibang section. Joke time sila palagi ni sebastian at ricky. Nilalandi ta's inaasar. Halata namang crush nila jessica, rosie, at abigail si sebastian at ricky. Halata sa mga kilig kilig nila na nakaka imbyerna tignan.
Nakapangalumbaba lang ako, naka indian sit dito sa may quadrangle. Subject namin ay P.E, mga naka p.e uniform kami. Kulay red ang kulay ng manggas ng aming t-shirt na puti, palatandaan na third year student kami. Color green kapag first year, yellow 'pag second year, at blue 'pag fourth year. Ang jogging pants namin ay color black na font color ay red. Tela niya'y hindi cotton, pero presko suotin. Uso sa amin mga girls ang pagtupi ng pants 'gang below the knee. Ang sikreto namin ni susana ro'n ay goma na ginagawa naming garter para kumapit.
Nakatulalang nakatingin lang ako kay ma'm navaro. Teacher namin sa mapeh. Maliit, medyo payat, kulot ang itim na nakapusod na buhok. Halata na sa mukha ang edad niyang may katandaan na rin. Masungit at matapang ang teacher namin na ito. Strikta kasi raw matandang dalaga. Palaging naka ready for P.E ang porma—polo shirt at jogging pants. May nakasabit sa leeg niyang whistle at timer na maliit.
Nakatulala lang ako habang nagdidiscuss si ma'am sa harap. Last lesson namin ay tungkol sa footsteps ng waltz. Ngayon, hindi ako nakikinig. Hindi pumapasok sa kokote ko iyong sinasabi niya sa harap pero pinapanood ko pa rin siya.
Pinagsasabi mo r'yan, ma'am?
Nasa bandang gitna kami nakaupo nila susana, zenaida, at oneil. Sa pinakalikuran naman ang grupo ni sebastian, hindi nakikinig dahil dinig na dinig ko ang bulungan nila.
"Okay, by pair ito, ha! By partner! Lalaki't babae!" bulyaw ni ma'am.
Pinapila kami nito sa gitna, left side ay mga boys. Right ang mga girls. By height ang pila—pang anim ako sa girls.
"Okay, harapin niyo ang magiging partner niyo rito sa sayaw na 'to!"
Sinunod naman namin ang instructions ni ma'am. Hinarap ko ang magiging partner ko. Ineexpect ko na baka si oneil iyon dahil simula pa lang first year siya na palagi ang nakakapartner ko sa mapeh pagdating sa height...pero ngayon hindi siya. Pang lima si oneil ngayon sa pila. At iyong lalaki na katapatan ko na magiging partner ko...narealize ko na katangkaran ko rin pala siya. Si dark brown haired boy, dark brown eyed boy, moreno boy, famous boy, neighborhood boy, kupal boy, noisy boy, guidance boy...
"Ligaya!" bulyaw niya.
"Ano?" pagtataray ko.
Wala siyang sinabi bagkus ngumisi ang kupal sabay kindat sa akin. Hayup. Malandi boy. Nilalandi na naman ako ta's ang gagang puso ko alam na ngang laro lang 'yon bumibilis ang tibok. Kinikilig!
"Waltz tayo! Ano ulit ang waltz!?" patanong na bulyaw ni ma'am.
Hindi kaming lahat sabay sabay ng pagsagot, may nauna't may nahuli. Iyong iba sinasadya na hindi sumabay 'gaya ni sebastian.
"Okay, ngayon hawakan ang isang balikat ng nasa inyong harapan! To give more space! Huwag kayong mag-alala, malawak ang quadrangle!"
Ginawa naman namin iyon. Lumuwag ang puwestong aming kinatatayuan.
"Ngayon, lumapit sa inyong partner. Ganito ang paghawak!"
Nagdemo si ma'am sa harap, ginawa niyang example iyong kaklase naming lalaki na nasa harapan.
Lead si sebastian, follow ako. Inilugar niya ang kaniyang kanang kamay sa aking shoulder blade. Iyong kaliwang kamay ko naman ay nakapatong do'n sa kanang balikat niya. Magkahawak ang libre naming kamay, shoulder level ang taas.
"Ayan ha, nakatsansing ka na sa'kin, bebe ko." mahinang sabi ni sebastian.
"Baka ikaw 'yon? Dirty hands ka pa naman. Matinding paghuhugas ng kamay gagawin ko pagtapos ng p.e."
"Luhh, okay ka lang? Buti nga pumapayag akong hawakan mo kamay ko, eh. Ang lambot ng kamay ko, hindi pa pawisin. Iyong sa'yo ang gaspang, pawisin pa!"
"Hindi kaya! Kamay dalaga 'to, noh!"
"Luhh, sino nagsabi? May nakaholding hands ka na ba bukod sa pamilya't kaibigan mo?"
Diniinan ko ang paghawak ko sa kanya. Medyo mahaba ang kuko ko sa daliri kaya baka bumakat iyong pagdiin.
"Aray!" bulyaw niya. Napatigil tuloy si ma'am at napatingin sa amin.
"Kayong dalawa! Anong nangyayari r'yan ha!?"
"Si ligaya po ma'am! Nananakit!" sigaw ni sebastian.
"Nang-aasar po kasi siya, ma'am!"
"Pagbubuhulin ko kayong dalawa r'yan! Umayos kayo! Lalo ka na jimenez! Ikaw na naman, palaging ikaw na lang!"
Palihim akong nagbehlat kay sebastian na hinahaplos iyong kamay na napuruan. Nagsorry siya kay ma'am at bakas sa expression na pinakita niya sa akin ang nais niyang ipahiwatig—gusto niya ako kutusan.
Nagpatuloy ang p.e, tahimik kaming dalawa. Nakatingin sa harapan at sa kumpas ni ma'am. Madalas ang pagtingin namin sa aming mga paa, mabilisan naman ang pagsulyap ko sa kaniyang mukha. Mabilis at palihim.
Kaliwang paa niya'y aabante, sa akin naman ay aatras. Paa namin magkikita sa gitna, slide sa kaliwa, point. Aatras pabalik sa kinatatayuan.
"Okay! Ngayon naman ang basic turn!" bulyaw ni ma'am.
Nagdemo ulit siya sa harap, hinila ulit iyong kaklase naming lalaki. Pinagawa sa amin ang circular motion na one-fourth at three-fourth turn. Left side na paa ang i-aabante ng bawat partner, smooth na iikot mula ro'n. Ta's aabante iyong lalaki gamit naman ang kanang paa, sa babae aatras gamit ang kaliwang paa. Ta's iikot ang magpartner, paa'y nakaparallel sa kaliwa. Ta's iyong lalaki ipupwesto ang paa nila sa katabi ng kaliwang paa, at ang babae ay ipupwesto iyong kaliwang paa katabi ng kanang paa kasabay ng pagtapos ng tugtog at ng sayaw.
"Nakuha ba!?" tanong ni ma'am. Iba't ibang sagot ang natanggap niya.
Hindi pa rin kami kumakalas ni sebastian sa aming pagkakahawak. Sa aming puwesto. Sa aming distansyang sobrang lapit. Hindi ako makatingin sa kaniya, nakatingin lang ako kay ma'am na parang wala lang pero ang totoo ay tulirong tuliro na ako.
"Ako ma'am!" bulyaw ni sebastian. Pinalapit ito sa harapan. Hinatak niya ng parang wala lang iyong kamay niyang nakalapat sa akin at mabilis na pumunta sa harapan.
Pina-upo muna kami ni ma'am sa smooth na sementadong sahig ng quadrangle. Umupo na lang ako basta basta, sa gilid, bandang harapan. Naramdaman kong may tumabi sa akin pero hindi ko iyon pinansin. Pinanood ko lang sila ma'am at sebastian na nagdedemo sa harap. Pinapanood ko lang ang nakatalikod na sebastian na sumasayaw ng waltz.
"Parehong kaliwa ba paa mo, jimenez!?" bulyaw ni ma'am sa kaniya no'ng matapakan niya ito.
"Ma'am, hindi po! Kung parehong kaliwa yan e di sana alam ko, at alam din ng magulang ko po!"
"At sasagot ka pa talaga ng pabalang, ha!" sabay pagpingot ni ma'am sa kaliwang tainga niya.
Tumawa ang lahat ng nanonood. Bumalik sa seryosong pagtuturo si ma'am kasama si sebastian. Umikot sila, nagpalit ng pwesto. Tanaw ko na ang mukha ni sebastian. Napasulyap sa gawi ko. Bumilis ang tibok ng puso ko, nataranta ito. Ngumisi siya saglit at naging seryoso na. Maya maya ang pagpalit ng tingin—mula kay ma'am at sa gawi ko.
Shet!
Naging seryoso siya sa pagsasayaw. Kabisado niya ang mga steps. Hindi na ito laro-laro lang kagaya ng ginagawa niya no'ng sumasayaw kami. Nagyayabang na naman siya. Nagpapasikat. Nagpapa cool.
Shet...
Nakaramdam ako ng kakaiba sa pagsulyap niya sa gawi ko. Dahan dahan akong tumingin sa aking katabi. At doon ko lamang napansin si Arlene, katabi ko, nakangiting nanonood sa harap. Kahit side view, ang ganda niya. Ang aliwalas niya. Sinong hindi nga naman maaakit sa kaniya? At napatingin muli ako kay sebastian, nakangiti ang kupal. Hindi sa akin, kundi sa katabi ko.
One look and I knew iba na. Shet. Ibang babae ang balak pormahan ni sebastian. Ibang babae ang dumakip sa kaniya. Hindi sa section four, hindi sa ibang section, kundi rito rin sa amin. May kutob na ako no'ng unang araw ng pasukan, no'ng ni-nominate niya si arlene bilang muse. Akala ko hindi na 'yon lalala pa dahil ang ni-nominate nilang escort ay si Lerry...iyong hindi maganda ang mukha. Pero ngayon, mukhang seryoso siya. Ako ang naloko.
Sabay sabay ulit kaming umuwi. On time kami lumabas dahil wala sa amin ang cleaners ngayon araw. Nangunguna ako sa paglalakad, sumusunod sila. Tahimik lang akong nakikinig sa usap usapan nila.
"Tanginang ngiti 'yon, nadale pati kaluluwa ko pre!" rinig kong sabi ni sebastian.
"Nakuha mo ba number?" sabi ni ricky.
"Hindi, gagu, hiya ako, eh!"
"Crush din 'yon ni ismael, eh. 'di ba mael? Crush mo rin siya?"
"Oo, sinong hindi? Gagu ganda ganda no'n, eh. Kamukha no'n 'yong anak ni sir chief sa be careful with my heart? 'yong maarteng babae!" sabi ni ismael.
"Oo nga noh! Kaya pala may hawig na artista! Pero kanina nakangiti siya sa'kin, eh! Nagwapuhan yata hahahaha!" sabi ni sebastian.
"Baka natatawa sa'yo. Ang dali dali lang daw ng steps pero hindi mo madale hahahaha! Slow learner ka? Sa dota ka lang pala mabilis matuto, eh!" pang-aasar ni ricky.
At kilala ko ang pikon na sebastian. Kung hindi verbal abuse ganti niya, physical attack.
"Naghahamon ng riot mga taga pagkakaisa sabi ni totoy pala kagabi." seryosong sabi ni ricky. Change of topic na sila.
Mahilig talaga sa riot, gulo, away o kung ano man tawag do'n ang mga ito. Gumawa pa nga ng gang sa lugar namin. Kwadro Alas ang pangalan. Naka-vandalism sa pader do'n sa labas ang pangalan na iyon. Alam ko na agad kung sino nag vandalism no'n—si sebastian. Sa kalokohan niya minsan pinapagana ang artistic side niya. Sumasali sa mga poster making sa school para ma-excuse sa klase dahil alam kong tinatamad siya mag-aral.
"Tangina ng mga anak kanal do'n, ah? Yayabang! Bakit naman?" sabi ni sebastian.
"Iyong si kuya jay-r, syota kasi taga-roon. Reyna Elena yata nila tuwing flores de mayo. Hindi matanggap na taga-saatin nakapag oo hahahaha!"
"Kailan daw? Mamayang gabi?" tanong ni ismael.
"Yata? Abang abang na lang sa labasan." sabi ni ricky.
"Sige, pagtulog ni nanay, tambay ako ro'n." sabi ni sebastian.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Nagtitimpi ng inis. No'ng hindi ko na kayang itimpi, nilingunan ko na ang tatlo.
"Kayo, puro kayo gan'yan! Mahiya naman kayo sa magulang niyo! Paano kung mapahamak kayo? Kilala ang taga pagkakaisa na mga siga at pala-away. Kung away nila kuya jay-r 'yan, hayaan niyo 'yong mga kaedad nila na sumama ro'n. Away nila 'yon kaya dapat away lang nila." naiinis kong sabi out of pag-aalala lang sa kanila.
"Ay wow!" sabay palakpak pa nga ni sebastian.
"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako."
"Alam ko. Halata naman, eh. Tapos 'yong boses mo pa nakakatakot kapag nagagalit...pang lalaki! Hindi bagay sa itsura mo!"
"Ewan ko sa'yo! Bahala kayo r'yan! Mabugbog sana kayo hmmp!" at pataray naman akong lumingon at nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko ang pagsunod ni sebastian sa gilid ko. Sumasabay sa paglalakad ko.
"Oh, gagalit ka na naman? Pinaglihi ka ba sa sama ng loob ni aling carol? Atsaka pake mo ba? Ikaw ba mabubugbog? Kung ano man mangyari, don't boobs it!" aniya.
Patuloy pa rin kami sa paglalakad.
"Anong don't boobs it?" tanong ko, nakasalubong na ang aking kilay.
"Don't boobs it, huwag mong dibdibin!"
"Manyak."
Natawa naman ang dalawa sa likod.
"Kayo rin! Damay kayo ro'n! Dapat hindi kayo sumusunod sa lalaking ito, eh!" pagturo ko pa kay sebastian. "Mas matangkad kayo rito ta's natatakot kayo?"
"Ano ka ba, small but terrible kasi ako! Pumapatol ako sa kahit na sino, bata, matanda, o babae!"
"Siraulo ka ba?"
"Hindi, ayos ulo ko, oh!" pinakita niya pa ito sa akin. "Atsaka don't boobs it nga 'di ba? Kumalma ka! Hindi kami mapapahamak kasi mahal kami ng Diyos hahaha!"
"Kung ako si jesus, hindi ko kayo ililigtas, eh. Bahala kayo sa buhay niyo!" wika ko.
Natawa lang sila. Natuwa ako na natatawa si sebastian sa wala kong kwentang re-but. Sa tagal ng pagsasama namin kabisado ko na ang tawa niya. Ang tunog nito, hindi mababa't mataas na nota kundi katamtaman lang, medyo mabilis, hindi mabagal ang rinig sa ha-ha-ha-ha-ha. Lima ang tawa niya kapag pinuri siya, lagpas do'n kapag masaya siya o natatawa talaga siya. Kapag tatawa siya medyo napapapikit siya. Kitang kita ang kulubot na namumuo sa gilid ng mata niya sa tuwing gano'n. Saglit na pipikit ta's didilat agad. Kabisado ko na sa tagal ng panahon.
No'ng matapos siya sa pagtawa, inakbayan niya ako.
"Huwag ka na mag-alala, neneng." mahinahon niyang sabi.
"Mag-aalala ako kasi mga tanga-tanga kayo!"
"Aray ha!" sabi ni ricky.
Nagtawanan ang dalawa.
"Sabagay ganiyan talaga kapag kaibigan, noh? Kaya may karapatan ka para mag-alala sa amin." wika ni sebastian sa akin ng nakangiti. Napalunok ako.
"Napapaisip ako kung bakit ko kayo kaibigan e mga wala namang kayong dulot." tangi kong sinabi.
"Hahaha sabagay! Pero wala kang choice neneng! Kami ang binigay sa'yo. Kami ang pagtitiisan mo hanggang nabubuhay ka hahaha!" natatawa niya pang sabi.
Nagkunwari na lang akong ayoko sa ideya na iyon. Pero ang totoo ay gusto ko ang namuo naming pagkakaibigan.
Bumalik na ulit sa ibang topic ang tatlo. Tungkol naman kay Christian, kaklase namin. Nanliligaw sa isang senior student at tila ayaw siyang sagutin. Hindi ko alam kung saan nila nasasagap ang mga chismis na iyon. Tinalo pa nila ako.
"Sabi ko kay chris, magpatuloy ka lang sa panliligaw gagu!" wika ni sebastian, kasabayan na ulit niya ang dalawa maglakad. "Tandaan mo, love is tough, kaya kailangan mong maging isang tite...dapat palagi kang matigas hahahaha!"
Nagtawanan naman silang tatlo. Napangiwi lang ako sa joke niyang bastos. Kakasama niya siguro kala kuya noy 'yon. B.I ang dalawang matandang 'yon lalo na sa mga bastos nilang biro.
Nang marating ang lugar namin, unang nagpaalam si ismael, sunod si ricky. Dalawa kami ni sebastian ang huli.
"May tanong ako sebastian."
"Ano 'yon?"
Nasa gitna na kami, tapat ng aming mga bahay.
"May crush ka ba kay arlene?"
"Ha?" maang maangan niya pa kahit narinig ko naman kanina ang usapan nila.
"May crush ka sa kaniya, noh?"
Natawa lang siya.
"Oh, nak nandyan ka na pala." paglabas ni mama sa bahay. Magtitinda na yata.
Tinulungan naman ni sebastian si mama magbibit patungo sa nakalatag na mesa sa tapat ng bahay. Lumapit na rin ako ro'n para tumulong ayusin.
"Salamat sebastian, ang bait mo naman." sabi ni mama bago pumasok sa bahay.
"Osya, kitakits na lang bukas. Tutal wala namang assignment ngayon, wala kang mahihiram sa'kin." sabi ko.
"Halata ba? ligaya?"
"Iyong ano?"
"Nacrush ko siya?"
Para akong inatake ng hika no'ng marinig iyon kahit wala naman akong gano'ng sakit.
"Oo, sebastian. Halatang halata ka. Timang. Sige na, good night."
Tinalikuran ko na siya at pumasok ng bahay.
Pagpasok ko sa kwarto, dahan dahan kong ibinaba ang aking bag sa sahig. Madiin na kinakagat ang hinlalaki sa kanang kamay ko. Mahigpit kong hinahawakan ang gilid ng aking palda. Sandaling luha ang pumatak sa aking kaliwang mata na agad ko naman pinunasan ng aking kamay. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng aking palda. Kumuha ako ng isang notebook sa bag ko at binuklat iyon sa likuran, kumuha rin ako ng bolpen. Isinulat ko ro'n ang mga importanteng contacts ko. Pangalan atsaka number nila pwera lang kay sebastian. Nang matapos ko iyon ay shinutdown ko ang cellphone ko, binuklat ang likod, kinalas ang battery at kinuha ko ang sim card no'n at akin itong binale.
Bibili na lang ako ng bagong sim card bukas. Sawi ako ngayon.
•••
TBC.
AN: Hindi ko birthday ngayon, tapos na...somewhere in MAY. But this note here is something like a life update (not so sure if it is)...Anyhow, when I reached 23 years old, I wanted to be something. So I did. I tried different paths, different hobbies, and different things. And trying to be something at that age was really exhausting. But thankfully, I did make it. I became something that I am proud to have reached. Those something are not an easy path to take; bumpy roads are longer than smooth ones, but as one of my character said (margarita sa ganito ganiyan yata?) Normal ang mahirapan pero hindi ang sumuko. Isinabuhay ko ang payo na 'yon.
Now that I'm 24 years old—not too young nor too old—I want to be the best version of my something. 🤍
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro