Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 4

Meet Up

•••

Sumapit ang ilang araw, tuwing hapon 'gang mapagpasyahan matulog ay katext ko si joemarie. Nakakatuwa naman siyang tao. Kinuwento naman niya ang hilig niya sa badminton ta's ine-encourage ako na sumali rin.



From: SCHLM8_Joemarie

Kita tayo bukas? Recess? Sa canteen? Sama ko c kath. :)


Bigla akong nagpanic! Jusku! Ano raw? Meet up na agad? Nahihiya ako!

"Ahhh! Naku po! Ano gagawin ko?! Ano irereply ko?!" bulyaw ko.

Nagising pa nga 'yong kapatid ko kaya natarayan ako ng wala sa oras. Tumahimik na lang ako ulit.


To: CM8_Oneil

Beh!!! Naga2ya sya makipagkita bkas! Recess sa canteen!
\(>~<)/


From: CM8_Oneil

OMG!! Push mo yan beh! Inaka! Sabunutan kita jan e! Ikaw na! Inggit aq! TT__TT


To: CM8_Oneil

Kinakabahan aq! Smahan m q bukas!


From: CM8_Oneil

Sa2mhan tlga kita! La2ndiin q yon 4 u! XD


To: CM8_Oneil

Gaga ka!



1 message received



From: Neighbor 1

Pakopya po assgnmnt sa math? Bebe q ligaya.  :*<3



Tss, ganiyan siya, naaalala lang ako kapag may kailangan sa akin lalo na sa assignments na kinokopya niya sa akin.



To: Neighbor 1

Ayoko. :P


From: Neighbor 1

Porket katextm8 mo crush mo kinakalimutan mo na q? :(



"Ganiyan ka. Kainis. Alam mong hindi kita kayang tiisin tanga ka!" wika ko sa harap ng aking de-keypad na cellphone.



To: Neighbor 1

Kunin mo rito. Aabot q sau.


From: Neighbor 1

Yon! Luv u bebe q ligaya! <33


To: Neighbor 1

Gago. Kadiri!


From: Neighbor 1

Otw n q. ;))



Nagragasa akong lumapit sa aking bag at hinalungkat ang laman nito para mahanap iyong math notebook ko. Ginawa ko kaagad iyong assignment pagkauwi't pagkapalit ko ng damit.

No'ng makita ko iyon ay mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto. Wala namang pinto ang kwarto namin, kurtina lang. Isang palapag lang naman ang bahay namin, hindi rin gano'n kalaki.

"Tao po! Ligaya!" sigaw mula sa labas. Alam ko na agad iyong boses na iyon.

"Sandali lang!"

Alam kong tinitignan ako ng magulang ko habang tinatanggal iyong lock na pako sa pinto—lock na iyong pako ay nakatali sa isang matibay na manipis na lubid na nakatali sa isang pako na nakaarko sa pader. May lusutan ito sa pinto. Hindi lang naman iyon ang lock ng bahay—may pako na nakatabingi na iniikot namin sa malapit sa hawakan ng pinto. Hindi kami nakadoor knob dahil gawa lang ni papa ang pinto namin. Gawang plywood.

"Oh!" bungad ko pagkabukas ng pinto. Pataray.

"Ayon, oh! Salamat ligaya, the best ka talaga! Maaasahan kita palagi, eh. Soli ko mamaya. Text kita."

"Baka pakopyahin mo rin sila ricky at ismael?"

"Syempre! That's what friends are for 'di ba? Hahahaha!"

"Bwisit talaga kayong tatlo."

"At bwibwisitin ka namin habang buhay hahahaha! Kami ang bwisit sa buhay mo hahaha!"

"Sauli mo 'yan, ah!"

"Opo! Sige na, text na lang kita. Salamat. Sige ho kuya mario, ate carol!" pagpapaalam din niya sa magulang ko na dinungaw niya pa sa pintuan.

"Sige, sebastian!" sabi ni papa, tuwang tuwa sa kaniya't kinakawayan pa.

"Gusto 'ko ng papa mo neneng hahaha!" aniya.

"Manahimik ka nga. Kadiri lumalabas diyan sa bibig mo."

Naisip niyang gusto siya ni papa pero hindi pumasok sa isip niya na baka gusto ko siya? Hina talaga ng utak ng isang 'to!

"Huwag mo na pakopyahin sila ricky at mael...pati sila nasasanay na." wika ko, nagtataray.

"Hindi pwede 'yon! That's what friends are for nga! Para namang hindi ka nag-aral ng ekawp at values?" umayos siya ng tao, humarap sa akin ng maayos, inipit ang notebook ko sa kaniyang kili-kili—buti na lang at naka t-shirt siya!

"Tinuro sa ekawp, values, at katekesis, maging matulungin..." may pagbilang pa sa kaniyang daliri habang nagsasalita, akala mo talaga seryoso iyong sasabihin. "...mapagbigay, maunawa sa kapwa, mapagpatawad...ang dami ligaya! Makinig ka naman sa klase, 'no ba 'yan?"

"Nakikinig ako sa klase, noh?"

"Pwes, neneng, isabuhay mo rin ang napapakinggan mo sa klase lalo na sa values at katekesis!"

Halata ang pagkapikon sa aking expression. Napakagat na ako sa aking ibabang labi dahil nagtitimpi na ako ng inis.

"Para kang ewan, sebastian. Kopyahin mo na 'yan! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo."

Natawa lang siya ng malakas sa sinabi kong iyon.

"Sige na, pumasok ka na sa inyo, pinapapasok mo 'yong mga lamok! Tanginang mga lamok 'to kanina pa ako kinakagat!" paghahampas niya sa kaniyang binti at pagkakamot sa kaniyang braso. "Text na lang kita kapag tapos na kami mangopya. Salamat, neneng!"

At nakangiti siyang tumalikod sa akin. Sinamantala ko naman ang sandaling iyon para ngumiti rin ng palihim habang dahan dahang sinasara iyong pinto namin.  Kahit ang pamilya ko walang kamalay malay sa pagtingin kong iyon sa kapitbahay namin. Sa anak ng kumpare ni papa. Sa anak no'ng kagawad dito sa barangay namin. Para bang ang tingin nila ay magkakaibigan lang kami...ayon lang.

Nagpatuloy ang pag-uusap namin ni joemarie sa text pero mas sabik ako sa paghihintay ng text ni sebastian. Halos nawala na iyong kaba ko sa magiging meet up namin ni joemarie bukas.


To: SCHLM8_Joemarie

d pa u matu2log? XD


From: SCHLM8_Joemarie

Matutulog ka nb? Ok lng. Goodnyt. See u bukas. :)


"Bahala na sa isang 'to bukas. Kapag napangitan sa'kin, so what?" mahina kong sambit sa aking sarili.

"Taragis na sebastian 'to, anong oras na!" mahina ko pa ring sambit sa aking hawak hawak na cellphone.


To: Neighbor1

An0 na? Anong oras na! >~< Wla kbang blk isoli yan?! 2log na cla papa!


May pagdadamdam sa bawat pindot ko sa numero ng aking keypad.


From: Neighbor1

Sorna bebe ligaya~! Buks q n lng soli XD tntmad na q lumbs e XD dmi lamok jan!


"Kainis. Tss!"


To: Neighbor1

Oo na! Itabi u ng maayos yan! bka mwla mo p yan ha?

From: Neighbor1

D ah! Lagy q agd sa bag q! safe notebook mo skin bebe q0h <3

To: Neighbor1

Timang.


Pinaglalaruan lang nito feelings ko. Bwisit. Hindi ako laruan para paglaruan palagi! Inuuto na naman ako, eh, tapos ako 'tong si tanga kinikilig pa! Hay nako!


"Di aq cold magreply,, tinatamad lng aq magtype kasi kita!"

G00dnight na sainyong lhat! Lal0 na sau!!
Ma2halin p kita XD jk!!

#GM
#Kit@kitx;P

Sending to Neighbor1...Neighbor2...Neighbor3


Sesend ko lang sana sakaniya kaso baka tanungin niya 'yong dalawa at mahalata ako. Ginamit ko na tuloy iyong quotes na sinave ko para pamparinig sa kaniya...kaso bingi nga pala si sebastian kahit babasahin na lang naman niya 'yon. Timang timang talaga utak, eh!

"Kainis! Makatulog na nga!"

•••

Sa tricycle inabot ni sebastian ang notebook ko. Maayos naman, kung paano ko siya pinahiram ay gano'n din no'ng kaniyang binalik. Natatawa pa siyang nagpasalamat no'n, silang tatlo.

"Next time gumawa na kayo ng assignment niyo. Sisingilin ko na kayo sa susunod." wika ko habang binabalik sa loob ng aking bag ang notebook.

"Hala! Love ka naman namin neneng, eh! Hahaha!" sabi ni sebastian.

"Sebastian! Mahiya ka naman! Gawin mo mag isa assignment mo, ha! Simula mamaya! Huwag mo na pakopyahin 'to neneng. Masasanay 'yan." sabi kuya seve.

"Opo, tito."

Sinilip ko naman si sebastian sa likod at nagbehlat sa kaniya. Nagbehlat din siya sa akin na may irita sa kaniyang mukha. Yamot sa maagang sermon sa kaniya ng kaniyang tatay.

Sabay sabay kaming pumila sa tapat ng gate pero hindi kami sabay pumasok sa room. Palaging nagsstop over ang tatlo sa may canteen at bumibili ng pagkain kaya madalas silang napapagalitan at nasasabihan ng late...lalo na si sebastian. Hindi natitinag 'yong hayup na 'yon. Buti pa 'yong dalawa kahit papaano nasasaway, pero siya? Konsumisyon palagi ng mga teacher. Siya iyong teacher's favorite.

"Beh! Mamayang recess, ha?" bungad ni oneil pagkapasok ko. Nakaupo muna siya sa arm rest ng upuan ko.

"Oo, parang excited ka pa sa'kin, ha?"

"Syempre naman! Isa ako sa magtutulay sa'yo patungo sakaniya ayiieee!"

"Gagi!"

"Makikichismis kami ni zenaida, bibili kami sa canteen ta's tatambay ro'n hahaha!" wika ni susana at nakipag apir pa kay zenaida.

"Baliw."

Bumalik tuloy iyong kaba na naramdaman ko kagabi. Huwag naman sana maging pangit ang reaksyon niya sa unang pagkikita namin dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako gano'n kapangit!

Habang lumilipas ang segundo't minuto sa wall clock sa itaas ng black board namin ay hindi ako mapakali...paano kung maganda ang mangyari sa unang pagkikita namin ni joemarie?  Paano ang feelings ko kay sebastian? Tae!

"Okay, magkakaroon tayo ng group activity!" sabi ni sir daliva, teacher namin sa filipino.

At palaging ibang klase siya magpagroup activity...laging random number. Magbibilang ng one to five at kung sino ang magkakapareho ng number ay siyang magkakagroup. Pinauna niya ang bilang sa likuran. Hindi naman ako kinakabahan sa kung anong group activity ang ibibigay, pero kinakabahan ako sa kung sino ang magiging kagroup ko. Inunahan ko ang bilang para malaman kung anong number ako tatapat, gusto ko sana maging ka-group si susana o si oneil kaso hindi pwede magpalit ng upuan.

"Number five..." mahina  kong sabi sa aking sarili no'ng malaman ko kung anong magiging number ko.

Pinatayo ni sir ang mga binabanggit niyang number. Swerte nila zeinada, susana, at oneil dahil kagrupo nila si ate jobani, juanito, at chrisley. May mga magbubuhat sa bawat grupo nila.

"Okay, tumayo ang mga number five!" bulyaw ni sir na sinunod namin.

Sana okay members ko...sana okay members ko...

Tinignan ko ang mga nakatayo, ang mga natitira, mga average student na lang pwera kay sebastian na kinindatan pa ako no'ng malaman niya magkagrupo kami. Napangiwi ako sa ginawa niyang iyon kahit na bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa pagkindat na iyon.

Yes! Magkagroup kami!

Pinagtipon tipon ang mga grupo. Tatlo ang may pitong member, dalawa ang anim at isa kami ro'n. Ako agad ginawang leader sa amin ni sebastian, hindi na ako umangal dahil gusto ko rin naman para mataas ang makuha naming marka. Sa dulo kami nakapwesto, sa sulok kung saan malapit sa pintuan.

"Okay, ganito ang mangyayari, iyong mga lider ninyo lalapit dito at bubunot ng isa rito sa mga itinupi kong papel sa aking palad. Kung anong mabunot niyo ay siyang gagawan ninyo ng sampung halimbawa ng pangungusap gamit iyon  na isusulat niyo sa manila paper at ipiprisinta rito sa harap. Tungkol ito sa talakayan natin kanina—mga iba't ibang bantas at pananda. Iyong mga lider lumapit na sa akin at bumunot na."

"Okay," wika ni sebastian at tumingin sa akin. "Lider, sana iyong madali mabunot mo. Swerte ka ba? Wala ka bang balat sa pwet?"

"Ano ba sebastian sasapakin na kita, eh!"

"Tinatanong ko lang naman? Kasi ako, swerte ako. Akin na kamay mo!"

Weird man pero nilahad ko sa kaniya ang isa kong kamay pero hinawakan niya'y dalawa. Parang sa mga barbie movie o kaya disney princess ang stryle ng paghawak niya. Nahiya naman ako dahil nakikita iyon ng iba naming kagrupo baka ano isipin nila.

Pinikit niya ang kaniyang dalawang mata, huminga ng malalim. Binasa muna ng kaniyang dila ang kaniyang labi, naubo ng peke, dahan dahan iniikot ang ulo.

"Ginagawa mo sebastian?" naiirita kong tanong dahil mukha siyang tanga sa harapan ko.

"Pinapasa ko sa'yo ang aking lucky charm..." aniya.

Natawa naman ang iba naming kasama. Gagu talaga ang isang 'to.

"Ayan! Passing complete na! Magiging swerte ka nang mga thirty minutes!" masaya niyang tugon at sabay binagsak ang pagkakahawak sa kamay ko.

"Bakit thirty minutes lang lance? Hindi mo ginawang whole day na?" natatawang tanong ni ken.

"Luh, premium na 'yon kapag gano'n! May bayad na 'yon!"

Habang nagtatawanan ang mga miyembro ko, lumapit  na ako kay sir at tanging iyong natitirang isang tuping pap ang para sa akin. Binuklat ko na ang papel bago pa makalapit sa mga kagrupo ko. Pinakita ko sakanila ang nabunot ko—Bantas na tandang pananong.

"Oh 'di ba? Sinuwerte ka!" masayang bulyaw ni sebastian.

Nag-ambagan kami para sa pambili ng manila paper at pentel pen—tiglilimang piso. Nilibre na ako ni sebastian dahil ako naman daw ang magrereport mamaya.

"Samahan mo 'ko magreport?" wika ko sa kaniya, sa mahinahon at parang malambing na tono.

"Sige, ako lang sa introduction. Ikaw na mag-explain. Ako na rin hahawak sa manila paper."

Napangiti ako ro'n.

Iyong isang member namin ang taga sulat sa manila paper dahil maganda naman ang kaniyang penmanship. Lahat naman kami ay nag ambag lalo na si sebastian  na puro kalokohan ang sinasuggest na pinag-awayan pa namin.

"Huwag na maging seryoso. Seryoso na nga ang pilipino kaya nakakabagot, eh! Lagyan natin ng pampagising para happy subject, happy student!" aniya no'ng nakikipagtalo sa'kin.

"Hindi naman boring ang pilipino, hindi ka lang kasi interesado. Atsaka ano naman kung seryoso ang sinasuggest ko? Puro ka kasi kalokohan!"

Nanahimik ang iba naming members, naghihintay matapos ang pag-aaway namin na iyon.

"Sinasabi ko lang, eh! Wala naman akong sinabing mali sagot mo. Ang sa akin lang, ayan na 'yon? Ang boring!"

Pagtutukoy niya sa suggestion ko; Ano ang pangalan mo? Saan ka nakatira?

"Kumakausap ka ba ng bata?" patuloy niyang pakikipagtalo.

"Basic question kasi 'yan! Kaysa naman sa gusto mo, kumain ka na ba? Matutulog ka na? Puro kalandian pinaiiral mo!"

Kinamot niya ang kaniyang batok. Bakas sa mukha niya talaga ang pagkairita na pinipigilan lamang niyang lumabas.

"Sige, ganito na lang, seryoso na may kalokohan gawin natin. Huwag ka na umangal lider. Ako na rin magrereport! Hawakan mo 'yong manila paper!"

At dahil sa paalala ni sir ng ilang minuto na lang ang natitira, sinunod na lang namin ang gustong gawin ni sebastian kaysa magtalo pa kami ng walang nagagawa.

Unang tinawag ang grupo namin, tumayo kami ni sebastian. Hawak hawak ko ang manila paper, nakatayo ako sa gitna.

"Kumusta kayong lahat?" panimula ni sebastian. "Ito pala ang gawa ng pangkat lima!"

Sinisilip ko ang kaganapan sa gilid. Tinuturo niya ang manila paper gamit ang ruler. Malinaw at malakas niyang binasa ang mga nakasulat do'n.

"Halimbawa ng bantas pananong! Alam niyo ba ang ibigsabihin ng bantas pananong?" parang teacher kung siya'y magreport.

Inayos nanaman niya ang kaniyang suot na unifom, kanina'y bukas ang dalawang butones na ngayo'y sarado na lahat. Iyon ang tinatawag niya na role model student mode.

"Oo!" sigaw ng ilan.

"Buti naman..." pagkasabi ni sebastian no'n ay nagtawanan ang lahat, pati si sir.

"Ano ang importansya na mayroon sa bantas pananong, sebastian?" tanong ni sir.

"Sir, hindi pa po question and answer portion. Mamaya pa po iyon. Kalma ka lang sir!"

Nagtawanan naman ang lahat pati ulit si sir.


Pangkat 5

PANANONG - ginagamit sa katapusan ng mga pangungusap na patanong.

Halimbawa ng PANANONG:

1. Ako pa ba ang mahal mo?

2. Sino ba naman ako para piliin mo 'di ba?

3. Napag-isipan mo na ba kung sasagutin mo ako?

4. Bakit siya pa?

5. May iba ka na bang mahal?

6. Anong meron siya na wala ako?

7. Ang anak ko o sampung milyon?

8. May takdang aralin ba sa pilipino?

9. Pwede bang mahiram ang kwaderno mo sa pilipino?

10. Bakit ako mangongopya sa'yo?


"Bakit hindi 'yong pang labing isa dapat, noh?" wika ni sir na medyo natatawa.

Tumawa naman ng malakas si sebastian.

"Anong nakakatawa, lance?" tanong ni sir, na-weirdo-han na yata sa isang 'to.

"Syempre tatawa ako r'yan sir, joke mo 'yan, eh!"

Natawa naman kaming lahat. Pinaalis na kami ni sir sa harap, kinalimutan na niya iyong tanong niya kay sebastian kanina.

Sumunod na grupo ang kala ricky—group four. Bantas tuldok ang kanila at nakakatawa rin ang kanilang sagot.

"Sir! Ten commandments 'yang mga 'yan, eh!" bulyaw ni sebastian.

Natawa ako dahil totoo naman.

"Hoy! Hindi ito bawal! Nagtatapos 'yan sa tuldok!" sabi ni ricky na tinuturo pa si sebastian. Si ricky ang reporter nila sa grupo.

"Kinopya niyo lang 'yan do'n, eh!" sabay turo ni sebastian sa may bulletin board na may nakaprint na 10 commandments dahil sa katekesis. "Kaya pala napansin ko pabalik balik ka r'yan kanina, eh!"

"Hindi ko kasalanan na nagbigay ng sign ang Diyos para tulungan kami sa activity na 'to!" sabi ni ricky, natawa naman ang lahat.

Nagpatuloy sa pagbabasa si ricky 'gang matapos. Iyong mga sumunod na group puro seryoso na ang gawa. Walang joke time na nangyari. Puro side comment lang nila sebastian, ricky, at pati na rin si sir ang nagpagising sa klase. Lahat naman kami nakakuha ng mataas na grade of 95.

Nanghingi ako kay susana ng pulbo, nagpahid ako ng pabango bago tahakin ang canteen kasama si oneil no'ng sumapit ang recess.

Madaming  tao sa canteen, mahaba ang pila sa bawat stall ng pagkain. Bumili kami ni oneil ng sopas na tig-ten pesos, nakalagay sa malaking paper cup. At sa gilid kami ng hagdan katabi ng canteen naghintay. Kinakabahan ako.

"Ayan na beh! Nakita ko na si kath!" sabik na sabi ni oneil.

Sinigaw nito ang pangalan ng kaibigan niya. Kasama niya si joemarie.

"Hi." nakangiting sabi ni joemarie sa akin, sa boses na malambing, bahagya pang kumaway.

Palihim kong kinakapitan ang uniform ni oneil sa likod.

Iyong buhok niya sa malapitan ay masasabi kong spiky cut. Halos magkatangkaran lang talaga sila ni sebastian. Maputi nga lang siya at siopao ang pisngi at medyo singkit ang mata at bumagay iyong pamumula ng tigyawat niya sa pisngi. Cute siya.

"Hello, ako nga pala si ligaya."

"Hello, ligaya, nagkita na rin tayo hahahaha!"

Nagshake hands  kaming dalawa, sandali lang. Ta's nagkwento kwento na rin. Nakisali na rin sila kath at oneil sa usapan.

"Hoy!" pag gulat ni sebastian sa akin, tinungkod iyong  alak-alakan ko. "Ay gutom hahahaha!"

Hahampasin ko na sana siya kaso nakaiwas ang mokong.

"Anong meron dito? Ba't kayo nakatambay rito?" tanong niya. Lumipat ng pwesto sa tabi ni oneil at pasimpleng nakikiburaot na naman ng pagkain sa kaniya.

"Lance, si joemarie," pagpapakilala ni oneil sa kaniya.

"Ahhh! Ikaw pala 'yon..." patango tango pa niyang sabi habang ngumunguya.

"Huh? Hahaha! Siya, nakikita ko siya palagi rito sa campus." sabi ni joemarie na nakatingin sa akin at nakaturo kay sebastian. "Famous 'yan, eh."

"Tanga lang hindi nakakakilala sa'kin dito, eh." sabay higop ni sebastian sa sopas ni oneil.

"Kilala ka kasi sa kalokohan at kagaguhan." wika ko, natawa naman si sebastian do'n.

"Hindi ba may girlfriend ka?" biglang sabi ni sebastian, seryoso pero parang hindi sigurado sa tanong niya, nakatingin siya kay joemarie.

"Oo, meron." nakangiting sagot nito sa kaniya. "Player ng volleyball team. First year." nakatingin na
si joemarie sa akin pagkasabi no'n.

"Oo, nakita ko kayo dati, sabay kayo pumasok tsaka umuwi. Osya, iwan ko na kayo. Hahanapin ko pa sila ricky, sumisilay na naman siguro sa section one!" paalam ni sebastian, pabebe ang ngiti at nagtaas baba pa sa akin ng kilay bago umalis.

Kupal talaga.

Nagpatuloy pa rin ang pagkukwentuhan naming apat pero na-turn-off ako kay joemarie. Ang kupal may girlfriend na pala tapos ang lakas mag entertain ng ibang babae! Hindi naman pogi!

"Kitakits na lang tayo sa campus, noh? Magkaibigan na tayo, ha?" sambit ng kupal.

"Oo naman. At least may kaibigan na 'ko sa ibang section. Ikaw rin kath, kunin ko number mo?"

"Ay sige!" masiglang sabi ni kath.

Si kath lang ang naging kaibigan ko sa ilang-ilang. Ang kupal nginingitian ko lang sa tuwing nakikita ko. Nakita ko na rin ang syota niya. Singkit at maputi rin. Bagay sila.

Natapos ang second year na nasa top pa rin ako ng klase—top five. Laging natutuwa si mama sa tuwing nakikita iyong grade kong maipagyayabang naman talaga.

"Bwisit kang sebastian ka! Tignan mo grade nito ni ligaya! Ang tataas! 'yong sa'yo, ano 'to? Hindi ka ba nag-aaral, ha? Hindi ka ba nakikinig sa mga lessons niyo?" bulyaw ni tita lolita sa labas ng room.

"Nay, seventy-five ang passing grade, aanhin ko naman 'yong sobra?" depensa ng kupal niyang anak.

"Hayup ka talaga! Puro line of seven jusku! Ano na mangyayari sa'yo niyan?!"

"Nay, kalma ka lang! Second year pa lang naman ako, bawi ako next school year! Promise! Tara na, libre mo na 'ko sa jollibee!"

"Uuwi na tayo! Hinihintay na tayo ng papa mo sa labas! Atsaka anong jollibee? Mag-aral ka pag-uwi mo!"

"Ingat ho kayo." paalam ko.

"Sabay na kayo sa'min, ligaya, carol. Halika na!" pag-aaya ni tita lolita, kalmado ang tono ng boses, iyong alok niya ay amin namang tinanggap.

Sa loob ng tricycle nakaupo ang mga nanay namin tapos magkatabi kami ni sebastian sa likod. Nasa gitna ako.

"Mataas ang grade mo, 'di ba? Nasa top ka rin. Hindi ka nililibre ng mama mo magjollibee?" mahina pero seryosong tanong ni sebastian sa akin.

"Hindi...walang pera. Ipambili na lang 'yon ng ulam namin."

"Hmmm, pero deserve mo rin na makatikim ng gano'n. Iyong grades mo pinaghirapan mo 'yan syempre, alam ko 'yon. Nakikita ko naman sa room. Pero mas maganda na sa kabila ng paghihirap mong 'yon dapat nakakatikim ka rin ng gantimpala. Maliit na bagay pero nakakamotivate 'yon para magpatuloy sa kung ano man nasimulan mo."

Nakatingin lang ako sakaniya na nakatingin sa paligid habang dirediretso ang biyahe. Gustong gusto ko ang nakikita kong tanawin. Iyong hubog ng kaniyang ilong, labi, tingkad ng kulay brown niyang mata, ang katamtamang haba ng kaniyang pilikmata, iyong ilang pimple marks na naiwan sa pisngi niya...

Patay. Ayokong gustuhin na hanggang magkaibigan lang kami. Parang 'yong puso ko ayaw pumayag sa gano'n.

Dahan dahan siyang lumingon sa akin, nagtama ang aming tingin.

"Ano na?" aniya sa iritang tono.

"Huh?"

"Wala ka man lang response sa magandang sinabi kong 'yon? Ikaw lang sinabihan ko ng maganda't motivational na kataga sa lahat ng kaibigan ko tapos 'di mo narinig? Bingi ka ba? Ang lapit lapit na natin sa isa't isa, oh!"

"Sorry ha! Nag-iisip kasi ako...wala ka kasi no'n."

"Luhh, sorry ha?"

Napangisi lang ako. Pero dinamdam ko ang salitang kaibigan. At kahit anong parinig ko sa GM ay kailanman hindi papasok sa maliit niyang kokote na para sakaniya iyon...alam ko naman...pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na itigil.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro