Kabanata 3
Crush
•••
Sumapit ang second year, magkakaklase pa rin kami. Dama De Noche. May nadagdag na transferee, si Jessica. Kikay masyado. Panibagong adviser at panibagong seating arrangement na naman...kaliwa puro boys at sa kanan puro girls, naka alphabetical arrange. Napalayo si Oneil sa amin ngunit hindi iyon naging hadlang para sa pagkakaibigan namin, dahil tuwing recess ay lumalapit siya sa puwesto namin. Si sebastian naman, inaamin ko na nagkakaroon nang dating ang binata sa akin. Hindi ko maiwasan na hindi siya sulyapan sa klase. Iyong mga biro niya ay tinatawanan ko. Ginagawa ko na lamang na defense mechanism ang pagtataray ko sa kaniya sa tuwing aasarin niya ako o papansinin. Lalo pa siyang nakilala sa school no'ng sinali siya sa lakambini bilang partner no'ng muse mula sa section four. Pinakita rin niya iyong husay niya sa pag gigitara sa performance para sa talent, kumanta iyong babaeng partner niya. At dahil do'n, mas madami na siyang nakilalang schoolmates, lalaki o babae mula sa ibang sections.
Nagkaroon din ng usap usapan na nililigawan niya iyong naging partner niya sa lakambini. No'ng nalaman ko iyon, hindi ko siya pinansin sa room o sa school kapag hindi kailangan. Kapag sa lugar naman namin, gano'n din. Iniiwasan ko siya kahit patuloy siya sa pagpapapansin sa akin...deadma lang. Hindi ko alam kung naging sila ba no'n o hindi? Gano'n pa rin naman ang mga GM niya...codename sa ibaba tapos #GM.
Baka hindi naging sila? Dahil kung sila nga ay dapat may hashtag na number o codename nila ang GM na sinesend ni sebastian sa ilalim ng kaniyang original codename. Pero ano bang pake ko ro'n? Wala dapat.
Kaya naghanap ako ng ibang crush. Iyong badminton player ng school. Madalas namin madaanan kapag papunta kami sa computer lab sa klase namin sa T.L.E, nagpapraktis sa quadrangle. Kasing height ni sebastian, maputi at medyo chubby lalo na iyong pisngi kaya cute siya kung tumawa.
"Ayon crush ko, oh!" sabi ko kay oneil. Tinuro 'yong lalaki na hindi ko naman talaga crush...pinipilit lang.
Madalas ko naman talaga siyang napapansin sa tuwing napaparaan sa hallway tuwing oras ng T.L.E.
"Oy! Talaga ba?" ani oneil.
"Oo...bakit? Kilala mo?"
"Bruha ka! Iyong isa kong kaibigan, si kath! Kaklase niya! Ipa-plug kita gusto mo?"
Hindi ko alam kung tama ba ang napakita kong reaksyon. Parang nakakatawa kung iisipin.
"Huwag ka ng mahiya! Simulan mo na lumandi!" sabi ni oneil sa akin na may paghampas pa sa aking braso.
Inilabas niya ang kaniyang cellphone sa bulsa ng pants niya.
"Loka ka!" pag-aagaw ko sa cellphone niya.
Nanatili kami sa hallway nakadungaw sa lalaking iyon na nagpapraktis ng badminton. Hinihintay namin na lumabas sina susana at zenaida dahil nagpapacheck pa sila kay ma'am ng ginawa nila sa ms word.
"Hoy!" paggulat sa amin mula sa likuran.
"Parang timang 'to..." mahina kong dalamhati at akmang hahampasin na sana si sebastian. Kasama niya ang dalawa.
"Para kayong powerpuff girls, 'di naghihiwalay." wika ko.
"Sino sinisilip niyo r'yan, ha?" sabi ni sebastian.
"Iyong crush ni ligaya!" sabi ni oneil.
"Huy! Hindi, ah!" pagdedepensa ko.
"Sino? Sino?" sabik na wika ng tatlo.
Tinuro ni Oneil ang lalaking hindi ko naman kilala at mukhang nadadawit sa kalokohan na ito.
"Kuya! Crush ka raw nito!" bulyaw ni ricky sabay turo sa akin.
Kasing bilis ng ninja no'ng ako'y umatras para hindi masilip.
"Hayup ka ricky!" pabulong na sigaw ko. Para akong namumula sa hiya rito sa gilid ng classroom.
Gusto ko na lang magpalamon dito sa pader!
"Crush mo 'yon, ligaya?" sabi ni sebastian na medyo nakakunot ang noo.
Kapag seryoso siya tsaka niya lang ako tinatawag sa gusto kong pangalan.
Itinanggi ko ng malubha ang paratang.
"Sinabi niya sa'kin! Siya nagturo sa'kin hahahaha! May number ka ba no'n, lance? Plug mo raw si ligaya!" wika ni oneil.
"Tss, hindi ako nangongolekta ng mga number mula sa mga panget!" sabi ni sebastian, sabay lipat ng tingin sa akin, "Crush mo 'yon? Maputi lang 'yon, eh!" aniya.
"H-hindi ah..." mahina kong sambit, nahihiya.
"Kapag nagsama kayo para kayong 3 in 1 na kape! Siya 'yong creamer, ikaw 'yong kape hahahaha!"
"H-hindi kasi..."
"Hindi ano? Hindi mo siya crush?"
"Hindi siya panget! Mas panget ka nga, eh! Okay lang kung para kaming kape kasi at least bagay kami!" Napahalukipkip pa ako at inirapan si sebastian.
"Hala ka beh! Hulog na hulog ka sa kaniya? Hahahaha ipapaplug kita sa kaibigan ko!"
Lumapit si oneil sa akin at humawak sa aking braso. Dahan dahan na akong nilalayo sa aking kinatatayuan.
"Kapag nakuha mo agad number niya, landiin mo na, ah?" aniya habang nakatingin sa cellphone niyang de-keypad.
"Si ligaya dalaga na hahahaha!" bulyaw ni ricky habang nangunguna ng maglakad palayo sa amin kasama ang dalawa.
Nagbehlat ako kay ricky ta's napatingin kay sebastian na medyo nahuhuli ng lakad. Nakatingin ito sa labas...sa mga nagpapraktis ng badminton sa quadrangle. Ta's napalingon siya sa akin. Hindi ko alam kung napansin niya ba iyong sandaling pagkatuliro ko. Tinalikuran na niya ako at parang cool kid na nagpatuloy sa paglalakad paalis sa kung saan natatanaw ko.
"Hoy!" pag gulat ni zenaida sa amin, inakbayan kami bigla ni oneil.
"What are you doing?" maarteng sabi ni susana.
"Hinahunting 'yong crush ni ligaya!" wika ni oneil.
"Sino!?" sabik na sabi no'ng dalawa.
Tinuro naman ni oneil iyong lalaki ulit. Nakakahiya tuloy...pero paninindigan ko na lang siguro?
"Beh! Ang cute niya!" sabi ni susana sa akin na may pagtusok pa sa aking tagiliran.
Parang timang na kinikilig iyong tatlo.
Uwian, alas syete. Hindi ako cleaner pero hinihintay ko matapos si sebastian at ricky. Kasama kong naghihintay sa tapat ng room—malapit sa hagdan si ismael.
"Crush mo talaga 'yon? Alam ko taga section eleven 'yon, eh." aniya.
"Ahh, hindi ko alam. Ipaplug nga raw ako ni oneil do'n. Kaibigan niya 'yong kaklase no'n."
"Madalas na mabalitaan ko madaming nagkakatuluyan sa plugging. Malay mo maging gano'n din kayo rin ng crush mo, 'di ba?" nakangiting sabi ni ismael sa akin.
"Ha-ha-ha."
Kung alam lang nila kung sino talaga crush ko...
"Tara na! Tara na! Uwi na!" bulyaw ni sebastian paglabas ng room.
Magkakasabay kaming umuwi. Naglalakad lang kaming apat. Nakasanayan ko na rin sumabay sa kanila simula pa no'ng first year.
"Si stephen, tol, nilagay ko 'yong pambura sa bag niya hahahaha!" pabulong na sabi ni sebastian kay ismael.
Nagtawanan naman ang tatlo.
"Ang sama mo talaga, eh, noh? Alam mo ba na bullying 'yon?" pagtataray ko at nauna ng maglakad pababa ng hagdan.
Rinig ko naman ang kanilang pagsunod.
"Hindi 'yon bullying, joke time lang 'yon!" aniya.
"Pre, nabully kasi 'yan no'ng elementary, 'di ba?" mahina pero rinig kong sabi ni ricky.
Kahit hindi ko nakikita ang mga expression nila naiimagine ko kung ano iyon—si sebastian marahil tinatakpan ang bibig niya at nanlalaki ang mata sa kahihiyan. Si ismael palihim na natatawa sa reaksyon ng kaibigan niya. Si ricky na sigurado akong sinabihan si sebastian ng bobo.
Bahagyang nakalayo na kami sa school. Nasa bayan na kami at marami rin estudyante ang naglalakad pauwi na nakakasabay namin. Dahil popular ang tatlo, parang halos maraanan naming lalaking estudyante mula sa school namin ay binabati sila o binabati nila. Para siyang kakandidato kagaya ng nanay niya.
"Paano pala 'yon, ligaya? Kapag naging kayo ng crush mo hindi ka na sasabay sa amin pagpasok at pag-uwi niyan!" sabi ni ricky.
Nagkibit balikat na lamang ako.
"Syempre! Kakalimutan na tayo niyan ni neneng kasi may syota na siya no'n. Hindi na tayo niyan papansinin." sabi ni sebastian.
Napalingon ako sa kanila kaya napatigil sila sa paglalakad. Sakto at kulay red ang naka ilaw sa tawiran.
"Hindi totoo 'yan, ah!" inis kong sabi. "Alam mo, sebastian, napaka bitter mo! Kapag ganiyan talaga naiisip mo lalayuan talaga kita! Atsaka wala kong ipapakilala sa'yong syota ko kasi baka takutin mo lang, eh, ang pangit pangit mo!"
Nagtawanan sina ismael at ricky. Si sebastian naman nagulantang.
"Gagu..." mahinang sabi ni sebastian.
"Pangit ka pala sebastian, eh, hahahaha!" wika ni ricky.
"Pfft! Bulag ka ba, neneng? Tignan mo kong mabuti! Elementary pa lang may nagkaka-crush na sa mukhang 'to!"
"Wala kong nababalitaan, sebastian! Guni guni mo lang 'yon!"
"Luh? Okay ka lang?"
Tinakpan ko ang aking dalawang tainga at tinalikuran na siya.
"Blah blah blah blah wala 'kong marinig!" pang-aasar ko.
Hanggang makalapit na kami sa barangay namin nagbabangayan kami ni sebastian. Bigla naman nagvibrate 'yong cellphone ko sa aking bulsa. Kinuha ko ito;
1 message received
From: +639992244556
Hi po :)
"Sino 'to?" mahina kong sambit.
To: +639992244556
Hu u?
1 message received
From: CM8_Oneil
Beh! Naplug ka na raw nya sa crush mo! Pm plug XD Joemarie Escolano pangalan! Tun0g fresh beh! XD
2 message received
From: +639992244556
Joemarie Escolano ng II-Ilang Ilang
From: +639992244556
Kaibigan ka ni kath db? :)
To: +639992244556
Yes po! Sorry. Hndi q alam. Di kc nakasave number mo sa contacts q. :))
"Sino 'yan?" biglang tanong ni sebastian, nakiki usyoso. Gumaya naman ang dalawa.
Tinago ko ang aking cellphone sa kanila sa aking dibdib.
"W-wala!" maang maangan ko.
"Weh? Patingin nga!" ani sebastian at pinagpipilitan kunin ang cellphone ko.
Dahil magkatangkaran lang kami hindi naging mahirap ang pagkuha niya ng cellphone ko. Lalo na't kinikiliti niya ang tagiliran ko at tinutulungan pa siya no'ng dalawa.
"Sino 'to? 'yong crush mo?" tanong ni sebastian habang binabasa ang text message no'ng joemarie. "Pfft! Landi pota! Hi po? Gagu, nanlalandi agad, eh!"
Inagaw ko naman sa kaniya ang cellphone ko.
"Ano naman ngayon? E di mas madadalian na 'ko dumamoves sa kaniya!"
Napangiwi si sebastian. Hindi ko na lang pinansin at tinignan ang screen ng maliit kong cellphone. Dinagdag ko sa contacts iyong kay joemarie.
"Luh, kinikilig?" wika ni sebastian.
"Ngayon lang natin masasaksihan magdalaga si ligaya!" sabi ni ismael.
"Matagal na 'kong dalaga."
1 message received
From: SCHLM8_Joemarie
Okay lang. Gawa mo? :)
Hindi ko ipagkakaila na napangiti ako ro'n. Ngayon lang may nagtanong na lalaki sa akin ng gano'n. Hindi naman kasi ako sikat sa school. Hindi rin gano'n kalawak ang contacts ko. Napatigil kami sa kanto kung saan may naglalako ng fishball. Bumili iyong tatlo habang ako'y nasa gilid lang at hinihintay sila. Ka-text ko pa rin 'yong joemarie.
To: SCHLM8_Joemarie
Pauwi pa lng aq ng bhay.
From: SCHLM8_Joemarie
Late na a?
To: SCHLM8_Joemarie
Hninty q pa mga ksbay q. Cleaner kc.
"Alam mo, masasaktan ka lang sa lalaking 'yan." biglang sambit ni sebastian no'ng makalapit sa akin at ngumunguya ng binili niyang kikiam at kwek-kwek. "Grabe! Ang sarap talaga ng sauce niyo, kuya!" bulyaw pa nito na may laman ang bunganga.
Kakaiba rin kasi magsauce 'to si sebastian. Sa kaniya ko lang nalaman na pwede pala pagsamahin ang maanghang na sauce atsaka suka. Weird pero sinubukan ko rin no'ng siya 'yong naglagay ng sauce sa binili ko.
"Pa'no mo naman nasabi 'yan, ha?"
"Luh, e di gamit ang bibig ko! Shunga nito. Nasa top ka niyan?" halata ang pagiging sarkastiko niya.
"Ha-ha-ha funny." inirapan ko lamang siya.
"Pero totoo sinasabi ko. Halata sa mukha no'n. Maniwala ka sa'kin." seryoso niyang sabi.
Ngumiwi lamang ako. Inosente mukha ni joemarie, hindi rin siya gano'n makabasag tingin o hindi siya kapansin pansin sa unang tingin.
"Bahala ka r'yan. Basta sinabihan kita." aniya.
"Huwag mong pakialaman buhay ko, pwede? Hindi ko naman pinakialaman 'yong iyo."
"Iyong akin? Huh?" pagtataka niyang tanong, hindi niya yata gets ang tinutukoy ko.
"Si Isabelle! 'yong partner mo sa lakambini. Sus! tanggi tanggi ka pa r'yan, tusukin kita niyang stick, eh!"
"Luhh? 'yong babaeng 'yon sa section four? Pfft! Patawa ka? Hindi ko 'yon crush noh! May jowa 'yon kaklase niya!"
Hindi ko alam pero natuwa ako sa balitang iyon. Hindi dapat ako nakikinig sa mga tsismis nila susana at oneil.
"Weeh?" wika ko.
"Oo nga! Atsaka 'di ko 'yon papatulan. Hindi siya 'yong type ko. Ang arte no'n, eh! Akala mo naman mayaman, hindi naman." sabay kain niya ng isang kwek-kwek.
"So, sino pala crush mo?" mahina kong tanong. Nagpapanggap na may katext ako para 'di niya mahalata na interesado ako sa magiging sagot niya.
"Wala nga, eh?" seryoso niyang sagot.
"Weeh? Kahit sa classroom, wala?"
"Lalo na sa classroom! Hindi ba't pangalawang tirahan ang classroom? Pangalawang magulang ang teacher? Kapag pumatol ako sa isang kaklase e di parang pumatol ako sa isang kapatid. Stupid." nagpa-iling iling pa siya sa huli.
Tila nagblangko ang isipan ko. Nangamba sa sinabi niyang iyon. Sayang naman ang ginugol kong panahon para maging kagusto gusto niya. Inaabangan ko pa ang paglabas niya ng kanilang bahay sa hapon upang masilayan ang kulay ng suot niyang t-shirt upang magaya ko at para pareho kami. Pero alam ko naman na wala siyang gusto sa'kin. Nilinaw naman niya iyon noon na kaibigan niya lang ako. Pero kahit na, ako na lang ang magmamahal ng patago't palihim...kahit masaktan ako ay ayos lang...sarili ko lang ang pwede kong sisihin. Atsaka baka malay ko...
Sabay tingin ko sa aking cellphone at sa pangalan ng aking ka-text.
Magbago rin ang tibok ng puso ko? Hindi ko lang masabi ngayon...
Naghiwahiwalay kaming apat no'ng marating na namin ang aming mga tahanan.
Good Evening!
Justgothome [frm] sch00l wtt them ;)
Raah? Txt sa may want!
GM.
#Waiting4Ü
Send to all
Natapos ang usapan namin ni joemarie no'ng magpaalam na siyang matutulog. Kaunti ay nakilala namin ang isa't isa. Sinabi ko sa kaniya ang pangalan ko at ang section ko—hindi niya ako kilala. Inilarawan ko naman sa kaniya ang sarili ko—morena, v-cut ang gupit 'gang braso ang itim na straight na buhok, may side bangs na ako lang din nag gupit. Hindi niya pa rin daw ako napapansin sa school. Siraulo, pinamukha talagang 'di ako famous. Famous naman ako sa room namin tss!
Good Night!
Ma22log na me! :))
@ Dama De Noche: See ü 2morow! <3
GM.
#Tenkyusatimemo :)
#BukasÜlit :))
Send to all
Matutulog na sana ako no'n kaso hinintay ko pa ang GM niya. Gawain ko na iyon palagi simula no'ng makuha namin iyong number ng isa't isa.
From: Neighbor
Awts :(
Napaso ako :(
Good night sa inyong lahat! Ma2log kau gang gusto nyo! Bahala kau sa buhay nyo!
||
#Sbstn_14
#GM
Alam kong 'di para sa akin o tungkol sa akin ang GM niyang iyon. Nagbabakasakali lang na magparinig siya ro'n...pero dapat tigilan ko ng umasa.
"Hay nako! Makatulog na nga lang!" wika ko.
Chinarge ko muna ang aking cellphone, iniwan iyon ng gano'n para pag gising ko full charge na. Tumabi na ako sa kapatid ko na mahimbing na ang tulog. Sakop namin ang maliit na kwarto ta's sila papa at mama sa may sala natutulog, naglalatag ng kutson do'n.
At natulog na lamang ako dahil wala naman kaming assignment. Wala rin akong ka-text. Walang rason para magpuyat.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro