Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25

Kasabay ng ihip ng hangin

•••

Sinigaw pa ni sebastian ang pangalan ko sa labas. Marahil aalis na sila upang tunguin ang venue sa JS Prom na roon pa rin naman kagaya last year.

Sinilip ko lamang ang kumakaway na si sebastian. Kumaway naman ako pabalik. Iyong porma niya ngayon ay sigurado akong last year din pero hindi naman iyon halata dahil ang damit ng lalaki ay hindi big deal sa ganitong okasyon...mga babae minsan ang bida sa gano'n dahil ang babae ang pinaka nag-aayos. Nakakainggit...e di sana magkasabay kaming papasok doon sa venue na parang couple of the night.

Patuloy lang ang pagsulyap ko sa masaya niyang mukha habang papalayo sa aking tingin. Kainis! Nang-iinggit pa yata ang kumag!

Buong gabi ako nag-aabang ng text mula kay sebastian...pero para bang kinalimutan ako ng siraulong 'yon! Kung anong ganap? Sino nakakatuwa ang itsura? Sino una niyang sinayaw at huling sinayaw? May nasiraan ba ng heels sa mga girls? Sino nanalong Prom Queen at King? Lahat ng 'yon ay wala siyang binalita sa akin! Sa mga sandaling iyon ay marahil nakalimutan niya ako. Nakakalungkot...kung may pera lang din ako ay nandoon ako kasama nila ngayon...pero eto ako, nagbabasa ng notes. Nag-aaral.

"Okay lang 'yan, ligaya, prom lang naman 'yon...hindi importante." mahina kong sambit sa aking sarili.

Buong gabi 'gang makatulog ako ay hindi nagtext si sebastian sa akin. Isinantabi ko na lang. Marahil nag-eenjoy nga tutal sinabi ko naman sakaniya na mag-enjoy. Baka bukas ay maalala niya na ako at magkwento.

"Umiiyak 'yong carmen pagkatapos sumayaw, eh! Laugh trip! Ayon daw 'yong drama ng taon! Sayang kasi wala ka ro'n, bebe loves, matatawa ka rin sana." ayon agad ang kinuwento niya no'ng pagkalabas niya sakanilang bahay at makita akong nagsasampay.

Tinanghali ng gising ang kupal dahil alas onse na ng umaga ngayon. Nakasandal siya sa dingding ng bahay habang pinapanood akong magsampay.

"Hindi naman siguro ako matatawa sa gano'n...ang lungkot kaya no'n. Nakipaghiwalay siya habang nasa kalagitnaan ng sayaw at madaming tao? Kung ako si carmen iiyak din ako...at hindi kita mapapatawad!" may pagbanta kay sebastian sa huli kong sinabi, tinignan ko pa siya ng masama.

"Huy! Hindi ko naman sa'yo gagawin 'yon, ano? Atsaka..." lumapit na siya ro'n sa balde na may lamang basang damit na aking isasampay, kumuha siya ng isang t-shirt—t-shirt ni papa. Pinigaan niya iyon at pinagpagan bago ipasok ang hanger sa t-shirt at isampay iyon. Pinanood niya siguro kung paano ko gawin ang pagsasampay. Hindi ko ipinahalata ang tuwa sa aking kaloob looban sa maliit na bagay na kaniyang ginawa.

"...planado na future ko sa'yo bebe loves! Ano bang bahay gusto mo? Iyong kagaya kay spongebob? Anong kotse? Ilang anak? Gusto ko rito pa rin tayo nakatira kagaya sa magulang ko...dito na 'gang simula."

"Boang ka na? Kapag ako umasa r'yan sa mga pinagsasabi sabi mo!"

"E di umasa ka! Hahahaha!"

"Bwisit ka!"

Patuloy pa rin siya sa pagtulong sa akin sa pagsasampay. Hindi ko alam kung alam niya ba ang ginagawa niya o biglaan lang niyang ginawa iyon. Buti na lang at puro t-shirt at short lang ang isasampay ko dahil nasa loob pa iyong mga underwear namin.

"Lagi mo tatandaan ligaya, hindi kita sasaktan ng gano'n. Promise! Peksman! Mamatay man angkan ko!" panata niya.

"Kahit mamatay ka?"

"Grabe ka naman!"

"Kita mo na?"

Tapos natawa lang siya ng malakas at no'ng makita siya ng nanay niya na tinutulungan ako magsampay ay matinding sermon ang nakuha niya kaya kumaripas ng takbo patungo sa labas makatakas sa bunganga ng nanay niya.

"Talaga 'yong batang 'yon! Pakitang gilas sa'yo ligaya pero ni hindi ko nga makitang nagpiga 'yon ng nilabhan ko! Bwisit! Mana talaga sa pinagmanahan!" pagrereklamo ng nanay niya na akin naman sinasang ayunan dahil wala naman akong ibang maisagot kundi pagtango lang ng ulo.

Araw ng linggo, nagprepare na kami ni sebastian para sa entrance exam namin ng lunes. Last week kami nag apply through online process. Karamihan sa amin ay doon sa university na iyon magte-take dahil malapit at affordable raw ang tuition. Ang makapag-aral sa isang university kahit public pa ito ay isa ng prebilehiyo na gusto ko makabilang.

After class ay bumiyahe na kami papunta sa Mandaluyong. Nagpalit lamang kami ng t-shirt. Mahigpit ang guard pero nakapasok naman kami sa loob. Malaki na ito kumpara sa school namin ngayon. Ramdam na ramdam ang university vibe na nababasa ko lamang sa ebook. Pagpasok ay madadaanan ang isang maliit na chapel, may cafeteria rin sila na malawak kumpara sa amin. Madaming estudyante no'ng pumunta kami at iyong kasama naming mga lalaki—si sebastian, ricky, at ismael, hangang hanga sa mga babae.

"Hindi ako nakatingin do'n sa singkit, ha!" bwelta ni sebastian no'ng tinignan ko siya ng masama.

"Hindi pala, ah? Paano mo nalaman na singkit 'yon?!" nakapameywang pa ako.

"Hula lang!"

"Tse!" pagtataray ko at lumapit kila susana.

Hinanap na namin ang library kung saan gaganapin ang munting orientation bago ang exam. Nagtanong tanong kami sa ilang estudyante bago matagpuan ang library. Kinakabahan ako habang nakikinig sa isang prof na nag oorient sa amin. Pakiramdam ko nagtataasan ang mga balahibo ko...o baka sa lamig lamang rito sa loob dahil naka aircon? One seat apart ang upuan namin. Halata kay sebastian na kabado siya dahil sa paa nitong hindi tumitigil sa pagnginig...nakapwesto kasi siya sa bandang harapan ko.

Napuno ng katahimikan ang lugar no'ng nagsimula na ang exam. Nagfocus ako ro'n at isinantabi si sebastian. Tahimik din akong nagdasal bago magsimulang sumagot...alam ko naman na nag-review ako pero kakailanganin ko ang gabay upang hindi ma-stress at maayos na masagutan lahat. Sinama ko na rin sa panalangin ko ang mga kasama ko ngayon dito. Gusto ko pumasa rito sa unang subok kasabay nila.

Nauna matapos si sebastian kaysa akin. Naghintay sila sa may cafeteria at nagkukwentuhan ang mga ito tungkol sa mga sagot nila. Naging maayos naman ang exam para sa akin alam ko naman ang ilan doon pero hindi pa rin ako sigurado kung makakapasa ako kaya bago ko ipasa ang aking papel kanina sa prof ay tahimik akong nagdasal muli.

"Kumusta naman ang exam para sa'yo?" tanong ni sebastian no'ng makasakay na kami ng jeep pauwi.

Magkatabi kami sa jeep na siksikan ngayon sa bandang dulo malapit sa driver. Halos kalahati na lang ang nauupuan niya dahil sa pag-abante niya upang umurong ako sa likod at makaupo ng maayos.

"Okay lang naman. Ikaw ba? Naintindihan mo naman ba? Binasa mo ba 'yong description? Madami ka naman bang nasagutan?" sambit ko.

"Ang daming tanong ha? Hindi ko alam...ang alam ko lang ay may sagot naman ako sa lahat. Sana lang talaga sapat 'yon para sa passing score nila?"

"Huwag ka mag-alala, sinama kita sa dasal ko na makapasa."

Huminga siya ng malalim sa sinabi kong 'yon.

"Ako rin, eh, nagdasal kanina bago magsimula. Ayoko mapahiya sa'yo. Nangako ako, eh."

Hindi siya makatingin sa akin at halatang nahihiya iyong sabihin. Palihim akong napangiti sa katotohanang kaniyang binigkas.

"Alam kong papasa ka! Tiwala lang! Atsaka kung hindi man, tutulungan kita maghanap ng university na aapplyan mo."

"E di ba usapan natin magkasama tayo?" napasulyap na siya sa akin ng sandaling iyon.

Wala naman kaming pake kung marinig ng ibang pasahero, o ni manong tsuper, o kaibigan namin ang pinag-uusapan namin.

"Kahit saang school pa tayo mag-aral sa college, kahit ang sasakyan ko man ay isang jeep lang at sa'yo marahil...siguro lang...dalawang jeep at isang tricycle na biyahe, hindi mababago no'n ang pinangako mo sa akin..." sabi ko.

Hindi ko pinapahalata ang mabigat kong paghinga. Iyong tingin niya sa akin ay parang inosenteng bata, hopeful iyon 'yong term ko sa tingin niyang iyon. Kumikinang, sabik, bilugin, iyon ang tingin na gusto ko makita sa kaniya sa tuwing kasama niya ako.

"...na kahit gaano pa kalayo natin sa isa't isa, hindi ibigsabihin na 'di mo tinupad 'yong pangako mo sa akin. Sabay tayo magccollege...sa magkaibang school nga lang...pero sabay pa rin. Hindi man magkasama pero ang importante roon ay sabay tayong tutuparin 'yon. Ayon naman talaga ang importante ro'n, 'di ba?"

Dahan dahan gumuguhit ang labi niya ng isang malapad na ngiti at kinuha ang kamay ko para hawakan iyon—pinag ugnay niya 'yon...walang pakealam sa kung sinong bitter ang maiiritang makita kung gaano ka-sweet kaming dalawa. Sasamantalahin ko na ang pagiging teenager. Ganito katamis ang pagmamahal na matagal ko rin hinintay maramdaman.

Isang linggo ang lumipas no'ng mag exam kami...nakatanggap kami ng text message at email na pumasa kami sa entrance exam...kami ni sebastian. Dininig ng Diyos ang dalangin ko...malakas pa rin pala ako sa kaniya! Palihim akong naluha no'n sa kwarto no'ng mabasa ko iyon...sa wakas iyon na ang magiging simula't tulay ng pagtulong ko sa magulang ko...ayon ang pangarap ko na gusto ko matupad.

Sumapit ang ilang araw kasabay ng ihip ng hangin. Naging busy na kami sa aming mga school works. Completion ng ilang requirements para sa nalalapit na graduation. Pagpractice namin lahat sa senior's ball presentation. Mga bayarin na nahihirapan akong manghingi kay mama dahil sa lumalalang karamdaman ni papa na hindi ko alam kung ano. Pinacheck-up naman na siya sa center pero hindi ko alam kung anong resulta no'n...hindi naman nagkwento sila mama at papa sa akin. Hindi ko rin naman natanong dahil sigurado ako na sasabihin lang ni papa na; "okay lang ako, nak."

Kahit ang totoo no'n ay hindi.

"Limang daan sa senior's t-shirt na susuotin sa senior's ball. Sa senior's ball ambagan para sa pagkain ay one hundred fifty. One thousand four hundred fifty para sa graduation fee...kumpleto na 'yon."

No'ng binabanggit lahat ni ma'am iyong gagastusin namin sa lahat doon ko naramdaman ang takot at inggit. Takot dahil hindi ko alam kung paano iyon sasabihin kay mama na nahihirapan na buhayin kaming apat...takot na kung kanino na naman siya mangungutang. Inggit dahil parang wala lang iyong gano'ng halaga sa iba...na kaya ng magulang nila na bayaran iyon dahil bakas sa mga mukha nila na hindi na nila problema iyon...samantala ako...iniisip ko kung paano at saan ko makukuha ang gano'ng halaga. Si sebastian, may kaya naman pamilya nila. Alam kong makakabayad siya agad kung kailan niya gusto. Sila ricky at mael naman ay oo, kapos din pero hindi kasing kapos namin. Si mael, alam kong magagawan ng paraan ng mama niya iyon dahil nagtatrabaho rin naman papa niya bilang secu. Si ricky, may mga kamag-anak na malalapitan. Ako? Wala akong kamag-anak na malalapitan dahil kung mayroon ay baka nilapitan na namin iyon matagal na. Si ate angie? Malaki pa utang namin sakaniya...nakakahiya kung dadagdagan pa.

Saan kaya ako pwedeng humingi ng tulong? May malalapitan kaya sa barangay? Si kapitan kaya? Si kagawad? Sigurado akong may kilala si aling lolita na puwede kong lapitan sa barangay...tutal mataas naman ang grades ko...nasa class honor pa! Tama! Mamaya susubukan ko! Hindi naman masama na humingi ng tulong sa mga opisyales ng gobyerno kahit hindi pa ako botante, eh?

"Hi bebe loves ko." bungad ni sebastian habang paupo sa katabing upuan.

Hindi ko namalayan ang paglapit niya dahil sa lalim ng iniisip ko.

"Ahh, hi rin."

"May problema ka ba?" seryoso niyang tanong, halos pabulong din na kaming dalawa lang ang makakarinig.

Napasulyap ako kay ma'am na nasa harapan, nagsusulat sa board ng mga binotong pagkain para sa seniors ball. Kaya pala nakalipat ng upuan itong mokong.

"Wala akong problema, paano mo naman na-conclude 'yon?" wika ko habang nakatingin kay ma'am pero hindi naman nakikinig.

"Tanaw kasi kita sa pwesto ko ro'n...habang nakatingin ka sa sapatos mo kinakagat kagat mo labi mo parang nag-iisip ka ng solusyon sa world hunger."

"Boang..."

"Ano nga? May problema ka ba, ligaya?" seryoso niyang tanong na parang sigurado nga siyang mayroon.

Sa tuwing binabanggit niya ang pangalan ko alam ko na seryoso siya...dahil sa tuwing seryoso na usapan lang naman niya ako tinatawag sa pangalan kong ligaya.

"Wala nga...kulit ka?"

"Wala ka bang pambayad? Gusto mo mangutang sa'kin?" parang bulong kung kaniyang sinabi iyon sa akin.

Lalo akong nakaramdam ng lungkot no'ng marinig iyon. Bakit parang ang dali lang para sakaniya sabihin iyon?

"Tigilan mo nga sebastian...kung magsalita ka para bang sa'yo galing ang pera, eh, humihingi ka lang din naman sa magulang mo."

"Ang sakit mo naman magsalita...gusto lang naman kita tulungan."

"Tulungan mo ako kapag sa'yo talaga galing...hindi iyong ang lakas ng loob mo para magpautang tapos hindi naman sa'yo manggagaling."

"Ano naman problema ro'n? At least nakatulong sa'yo."

"Oh tapos paano ka naman? Pauutangin mo ako, paano ka makakakuha ng pambayad niyan?"

"Hindi mo na magiging problema 'yon, akin na 'yon. Problema ko na 'yon."

"E di parang pinasa ko lang sa'yo iyong problema ko...boang ka talaga."

"Okay lang 'yon, 'di ba? Iyong problema mo kasi na 'yan para bang para sa'yo bitbit mo ang buong mundo. Kung ipapasa mo sa akin, parang nagbitbit lang ako ng gamit mo. Hindi mabigat, hindi rin magaan, pero kayang buhatin."

Hindi ko na lang siya pinansin pero ramdam ko ang paglapit ng braso niya sa akin. Nakapangalumbaba kami sa iisang armchair ko...ramdam ko ang kuryente na dumaloy sa laman loob ko no'ng sandaling naghaplos ang aming balat sa isa't isa.

"Salamat sebastian pero hayaan mo na lang akong solusyunan 'yong problema ko...i-cheer up mo lang ako...kakayanin ko masolusyunan 'yon." sinabi ko 'yon na parang bulong at kaming dalawa lang ang nakakarinig.

Hindi ko man makita kung anong reaksyon niya ay sigurado akong nakangiti siya habang nakasulyap sa akin, gano'n siya minsan sa tuwing nahuhuli ko. Sa mga sandaling ito...okay na ako. Kalmado na utak ko. Isinantabi ko muna saglit ang problema ko sa kadulo duluhan ng aking isipan at dinamdam ang kuryenteng binibigay sa akin ni sebastian sa kaloob looban ko paakyat sa aking isipan.

No'ng makauwi ako bandang tanghali, hinintay kong lumipas ang oras kung kailan aalis si sebastian sa bahay nila upang maglaro ng dota kasama 'yong dalawa...tsaka ako pumunta sa bahay nila upang kausapin ang nanay niya. Hindi naman ako nagkamali ng nilapitan dahil tinawagan niya kaagad ang isang congressman upang tulungan ako. Sinekreto namin ito sa magulang ko sa pagmamakaawa ko na rin kay aling lolita.

"Pero kumusta naman ang tatay mo?" tanong nito.

"Okay naman po siya...hindi lang makatayo at parang minsan nahihirapan huminga...pero may gamot naman pong pinapainom si mama sakaniya..."

Hindi lang ako sure kung anong klaseng gamot iyon? Hindi ako pamilyar, eh.

"Osya, next time, huwag ka mahihiyang lumapit sa akin kapag kailangan mo ng tulong lalo na sa mga sponsor mo sa pag-aaral. Ang talino mo pa namang babae, sayang 'yan kung hindi ka makakapagtapos! Atsaka dahil sa'yo may papasukan na university ang lokoloko kong bunso!"

"Hahahaha hindi naman po dahil sa'kin 'yon...gusto rin naman po niya makapasa ro'n."

"Hmm, osya, umuwi ka na at babalitaan na lamang kita kapag naibigay na, okay? Tulungan mo na si mama ro'n."

"Salamat ho ng sobra aling lolita!" niyakap ko siya ng mahigpit na kaniya naman din tinugon at hinaplos ng dahan dahan ang likod ko.

Kaamoy niya si sebastian...amoy fabcon.

"Mag-aral lang kayo ng mabuti, ha? Lalo ka na...para makatulong ka sa mama mo."

"Oho, ayon nga po ang plano ko."

Natapos ang usapan namin sa pagpalitan ng malapad na ngiti sa isa't isa.

Dahil sa sponsor na iyon ay nakapagbayad ako ng lahat ng fees na kailangan ko. Nag-offer din si congressman na sumapi ako sa scholarship na inooffer niya sa mga college students basta ma-maintain ang mataas na grades. Sino ba naman ako para tanggihan ang magandang opportunity na iyon? Hindi ko na lang din muna sinabi kala mama at papa kahit kay sebastian ay nilihim ko lahat kahit ilang beses niya ako tinatanong kung saan kami nakakuha ng pambayad...sinabi ko na lang na sa kamag-anak. Hindi naman mahina sa pakiramdam si sebastian...minsan tama ang kutob niya.

•••

Naging maayos ang lahat. Alam ko sa sarili ko na complete na lahat ng mga school works ko at hindi ko na kailangan ng special project upang tumaas ang marka sa isang subject upang maging ligtas sa graduation...pwera kala ricky at roberto...pinag special project sila sa math at pinaglinis sila ng banyo ng lalaki. Nakahinga rin ako ng malalim na malaman na kasama si sebastian sa mga gagraduate. Duda naman ako na mayroon talagang bumabagsak at hindi nakakagraduate rito?

Araw ng senior's ball, prepared na ang lahat. Sa isang malaking auditorium ng katapat na elementary school ang venue. Suot na namin ang aming section t-shirt. Gray na t-shirt iyong sa amin na color orange ang kulay ng print. Sa front page may silhouette ni padre burgos sa may bandang gilid—kaliwa...na kulay orange at sa likod ay malaking letter B na binubuo ng mga pangalan namin.

Okay naman ang naging performance namin, presentable naman. Hindi rin mawawala ang pagiging sweet ni sebastian buong gabi. Alam naman na sa buong school na girlfriend niya ako...sikat siya sa campus, eh? At wala naman masyadong may pakealam doon. Inabutan niya ako ng tubig pagkatapos ng performance. Pinunasan niya ang mukha kong pawisan gamit ang scarf niya. Magkatabi kami ng upuan. Inabutan niya ako ng paper plate at plastic spoon and fork no'ng magkakainan na. Mga gano'n kilos niya na hindi niya namamalayan na ginagawa niya sa akin ay may malaking impact sa puso ko. Kahit ano naman yatang sweet na gawin niya ay kinikilig ako.

Iyong saya ng senior's night na iyon ay tila tinangay sa akin palayo ng hangin. Pagkauwi ko nalaman ko sa mga kapitbahay namin...kala aling lolita at sa kapatid ko na sinugod si papa sa malapit na ospital dahil nahihirapan daw makahinga.

"Okay ka lang, ligaya?" may pag-aalala sa boses ni sebastian no'ng tinanong niya ako no'n habang hinahaplos ang aking balikat.

Nakatayo siya sa likuran ko habang hinihintay ko ang pag-uwi nila mama at papa sa may pintuan. Pumasok na siya sa bahay upang kumustahin iyong dalawa kong kapatid at tanungin kanina kung kumain na ba sila, kumain naman na sila. Buti naman.

"Okay lang ako...umuwi ka na kaya? Anong oras na...madaling araw na."

Alas dose na kasi ng madaling araw natapos iyong party. Naglakad pa kaming dalawa pauwi na masaya at magkaholding hands. Balak ko pa naman na kung sarado na ang tindahan nila aling yoli at nauna makapasok sa bahay nila sina mael at ricky, bago kami maghiwalay ni sebastian at pumasok sa kaniya-kaniya namin bahay ay bibigyan ko sana siya ng kiss para matapos ng maganda ang araw na ito ngunit hindi na iyon nangyari. Sa isipan ko na lamang iyon nangyari..

"Gusto mo samahan kita maghintay sa mama at papa mo?"

"Huwag na sebastian, umuwi ka na. Alam kong pagod ka na."

"Pagod ka na rin naman, Ah? Magpahinga ka na lang muna kaya? Sigurado naman ako na magiging okay lang ang papa mo. Malay mo paggising mo nandito na sila?"

"Umuwi ka na sebastian tapos pag-uwi mo magpalit ka ng t-shirt kasi pawisan ka. Maghilamos ka na rin bago matulog. Good night."

Tapos pinagtulakan ko siya palabas. Nagpupumiglas siya at ayaw pa rin sumunod sa akin kaya medyo nataasan ko ng boses at ang loko tinaasan din ako ng boses. Para kaming tanga na nag-aaway sa mababaw na dahilan...ang umuwi siya. At sa huli, bumigay na rin siya at naglakad na pauwi. Hindi ko na inabala pang panoorin ang pag-alis niya, sinarado ko na agad ang pinto dahil baka magbago pa isip niya.

Kinabukasan ay ang nakita ko lang sa bahay bago pumasok ay si mama. Nasa ospital pa raw si papa pero uuwi na mamaya. Medyo naging okay na ang isipan ko ro'n. Hinintay ko naman si sebastian para sabay kami at nagsorry agad ako sakaniya na kaniya naman agad tinanggap.

Hindi rin pala niya ako kayang tiisin!

Practice ng graduation na lamang ang inaasikaso namin sa school. Bihira na lang ang pagpasok ng mga subject teacher namin sa klase dahil wala na rin halos oras dahil sa practice. Habang papalapit ang graduation ay hindi ko pinapahalata sa mga kaibigan ko ang bagong problema na dinadamdam ko na parang nagbubuhat ako ng sampung kilong sakong bigas. No'ng makauwi si papa sa bahay patuloy ang paghihina niya. Hindi pa rin sinasabi sa amin ni mama ang dahilan o kung anong sakit mayroon siya. Hindi ko rin naman kinukulit tanungin dahil bakas sa mukha ni mama ang pag-aalala. Siguro bakas din sa mukha ko ang pag-aalala.

Hindi naman na rin ako kinukulit tanungin ni sebastian...pero alam kong may kutob na siya.

•••

TBC.

AN//: Happy New Year, everyone! 2023 is all in the past now, and we finally survived that year! I hope this year will bring us blessings and good days! Though it may not always be a good day, I hope we can have the strength to conquer the bad days on our way. Once again, happy new year! Thank you for staying with me through my stories last year. This year naman ulit, okay? lol.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro