Kabanata 24
Pebrero ko'y iyo pa rin
•••
"Okay sige, magseseryoso na 'ko. Promise! Peksman! Kain susi! Mamatay man angkan ko!" panata niya sa harapan ko.
Naglalakad kami pauwi. Sinundan niya ako dahil hindi ko siya pinansin kanina sa school. Hinayaan ko lang siya tumabi sa akin at magdaldal mag-isa...kahit na mahirap para sa akin na hindi agad siya pansinin at kausapin pero kailangan...para malaman naman niya na seryoso ako.
"Turuan mo ako! Makikinig ako sa'yo! Mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin!" aniya.
"Ilang buwan na lang graduation na sebastian...kulang ka na sa oras."
"Hindi naman nagmamadali ang mundo para sa pagbabago, ah? Tanggap ko na 'yong grades ko gano'n pero at least sa 4th grading exam may chance ako makakuha ng mataas 'di ba? Tapos tataas marka ko sa grade. Kung tutuusin katanggap tanggap pa rin naman 'yong grado ko, eh. Sabi ni kuya steven hindi naman daw sa grades nakukuha ang pagyaman kundi sa diskarte sa buhay."
"Tsss, sinasabi lang 'yan ng mahihirap na hindi nag-aral ng mabuti. Ang taong lamang sa edukasyon ay lamang din sa opportunity...sabi 'yon sa akin ni papa."
"Pwes, bebe loves, mali si papa ro'n."
"Papa mo?"
"Papa natin...'di mo masasabi 'di ba? Hahahaha!"
Gusto ko talaga na sinasabi niya iyon na parang planado na niya ang future namin...na nakikita niya na kami na talaga hanggang dulo.
"Boang ka...sa tingin mo tayo na talaga hanggang huli?" wika ko.
"Bebe loves, ikaw lang ang gusto kong makabatuhan ng plato balang araw."
"Gago ka!"
Natawa siya ro'n.
"So, ano, masama ako?"
"Hindi ah! Para ka kasing nanay ko! Kaya ko nasabi 'yon kasi kung para kang nanay ko, e di gagayahin ko na lang din ang tatay ko 'di ba? Si nanay nagbabato ng plato, si tatay gano'n din hahahahaha!" pagbibiro niya.
Hindi naman talaga nagbabatuhan ng plato ang magulang niya. Nagbabangayan, oo. Pero iyong tatay niya kalmado lang naman palagi, iyong nanay niya lang hindi...mana siya sa nanay niya. Kuhang kuha niya ugali no'n lalo na kapag naiinis.
"Gusto ko lang makapasa ka sa entrance exam...magsisimula na 'yon sa february, sebastian. Malapit lang, isang sakay lang ng jeep. Semi-private pero pwede naman daw tayo maging scholar ni kapitan...mag-apply lang."
"Sa february pa naman, eh,"
"Mabilis lang ang panahon sebastian kaya dapat hindi mo sinasayang lang sa kung ano-anong bagay na walang magandang dulot sa'yo."
"Kaya nga magseseryoso na, eh?"
"Ikaw?" tinignan ko siya na may pagdududa.
"Ipapasa ko 'yon, magtiwala ka sa'kin. Kung hindi man ako maging matino ngayong highschool malay mo sa college magbago na 'ko, 'di ba? Atsaka tama ka naman...sabi rin ni kuya selvestre, tama ka. Dapat magkaroon na 'ko ng pangarap lalo na kapag college raw doon nagsisimula ang tunay na pangarap. At pinapangako ko sa'yo, ligaya, makakagraduate ako ng college dahil sa tulong mo. Pinaparealize mo kasi sa akin palagi kung gaano kaimportante ang college...pero dapat ikaw rin, ha?"
"Ako, sigurado ako. Sa iyo ako hindi sigurado kung kakayanin mo mag-aral hanggang college. Mabilis ka sumuko. Math problem pa nga lang ayaw mo na agad problemahin."
"Ayoko ng math, eh! Kukunin kong kurso sa college 'yong walang math!"
"Ikaw bahala..."
"Promise bebe loves magseseryoso na 'ko! Para sa atin!"
Inaamin ko na kinikilig ako sa tuwing sinasabi niya na para sa amin iyon...pero hindi ko rin ipagkakaila na mali rin ang paghahangad na iyon. Sa ginagawa niya parang sa akin nakasalalay pati ang future niya na dapat sa kaniya mismo.
"Para sa iyo, sebastian. Dapat kahit anong mangyari iniisip mo ang future mo! MO! Hindi natin, hindi ko, kundi iyo at sa pamilya mo!"
"Bakit parang mag-aaway na naman tayo dahil doon? Kakabati lang natin, eh? Stop na, bebe loves! Huwag na tayo mag-away ulit!"
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Mag-aral ka...'yon lang...please. Para sa'yo rin 'yan." may pagmamakaawa sa tono ko.
Narinig ko rin ang malalim niyang buntong hininga ngunit hindi na siya nagsalita pa bagkus pinilit niyang agawin iyong bag ko at kaniya itong binitbit. Inilagay niya ito sakaniyang harapan at nauna maglakad sa akin. Dalawang bag na tuloy ang bitbit niya...iyong kaniya at akin. Nasa kaniya pa rin ang ilang libro ko at halos tatlo o apat ang nasa bag ko dagdag pa ang sampung notebook, ilang portfolio, at tubigan.
"Baka nabibigatan ka na sebastian..."
"Okay lang, ligaya. Para naman medyo magaan pakiramdam mo. Hindi man kita kayang tulungan sa pag-aaral mo dahil hindi ako pinagpala sa katalinuhan, kaya naman kitang tulungan magbitbit ng gamit mo 'di ba? Kahit ayon na lang...bigay mo na sa'kin 'to hahahaha!"
Hinayaan ko na lang siya...hindi na ako nakipagtalo na kaya ko naman buhatin iyon. Kung ganito ang paraan niya ng pagbawi sa akin ay okay na rin naman pala ang mabilis kong pagpapatawad sakaniya.
Hindi pa rin tumigil ang pag eeffort ko para kay sebastian tuwing monthsary namin. Sa ipon ko ro'n ko kinukuha ang aking pinaggagastos para sa paggawa ng monthsary gift. Sa bahay ko ito ginawa, nagdownload pa ako ng calligraphy tutorial sa youtube para sa magandang banner. Nanghiram ako kay zenaida ng mga markers at pastel. Tinulungan pa ako nila ricky at ismael na hawakan iyong banner tapos doon sa bahay nila ricky namin ginawa 'yong surprise kasi wala naman 'yong mama niya tuwing tanghali dahil nagtitinda ng palamig sa may labas. Nilibre ko na lang sila ng mang juan at rc maliit kapalit ng pagtulong sa akin.
"Alam mo ba ligaya, iyong mga ginagawa mo sa motmot niyo para kay sebastian dinidisplay niya sa kwarto niya parang tanga nga eh hahahaha!" sabi ni ismael, medyo may agwat kaming dalawa kala sebastian dahil bumibili sila ni ricky sa tindahan.
"Anong parang tanga? Dapat lang, noh! Atsaka 'yong binibigay niya rin sa akin tinatabi ko."
"Korni niyong dalawa..."
"Kapag nagka girlfriend ka na maiintindihan mo rin 'yon! Na hindi iyon korni!"
"Pfft! Korni!"
"Bwisit ka!" sabay hampas ko sakaniya sa braso.
Si ismael talaga ang close ko sa tatlo. Pakiramdam ko siya iyong kaibigan na maaasahan ko hanggang pagtanda. Na kahit anong mangyari sa amin ni sebastian siya iyong pwede kong pagkwentuhan. Si ricky? Hindi. Pass sa kupal na 'yon. Siraulo 'yon, eh.
Naging busy ang lahat lalo na kaming mga nasa senior year ng high school. May mga ilang colleges na ang pumupunta sa school para manuyo ng mga posibleng in coming freshmen. Si sebastian, kapansin pansin muli ang pagbabago at pagbabalik loob sa pag-aaral. Hindi man gano'n kaseryoso dahil hindi na yata mawawala sa dugo niya ang pagiging loko loko ay nakikita ko ang pagbawi niya sa mga score niya sa quizzes at long test. Hindi ko man din napansin kaagad na hindi man siya active academically sa room pero active siya sa mga activities, groupings na may kinalaman sa actingan, at ilang extra curricular activities kagaya ng intrams at sumali pa nga siya ng basketball team kaso hindi sila napili sa final pick dahil bihira lang sila umattend ng practice...tinatamad ang tatlo bumalik sa school ng tanghali.
February, ang buwan ng pag-ibig. Kung saan maikli at mabilis lamang ang panahon ngunit marami raw nangyayari. Hindi gaanong kainit, hindi rin gaano kalamig ang ihip ng hangin at panahon kapag pebrero...kaya raw marami nagsasabi na ang panahon na ito ay masarap umibig at ibigin. Active ang lahat sa mga events. Ang P.E ay tungkol sa mga ballroom dances dahil nalalapit na rin ang JS Prom...na hindi ako sigurado kung makakasama pa ako dahil alam kong kapos ang magulang ko ngayon sa pera. Hindi ko rin alam kung aattend ba si sebastian dahil hindi rin naman namin iyon pinag uusapan...busy kami sa aming kaniya kaniyang gawain. Halos dalawa o tatlong oras lang kami minsan nagsasama at ayon ay kapag gagawa ng assignments...madalas tuwing gabi nagtetext naman kami at palagi naman din kami nagkikita sa school at sa bahay. Magkasabay pa rin naman kami pumasok pero bihira ang pagsabay sa pag-uwi dahil minsan dumidiretso ako sa practice para sa nalalapit na seniors ball. Halos araw-araw, hindi na nga ako sanay na hindi siya makita sa isang araw kahit noon pa man. Tapos parang coincidence na minsan kinakantyawan kami nila ricky kapag nakikita kaming pareho ang kulay ng t-shirt—madalas black. Pinag-usapan daw namin kahit na coincidence talaga. Sa gano'n palang sinong hindi kikiligin?
"Ricky! Si noel may liligawan daw sa section one! Tara gitarahan natin! Tulungan natin suyuin medyo torpe 'yon si noel!" bulyaw ni sebastian pagkapasok sa room galing sa canteen.
Naglalakad ito palapit sa akin habang nakalingon sa kausap niyang si ricky. Nag-abot ito ng ensaymada sa akin atsaka naglakad na palayo sa akin at palapit sa kaibigan niya.
"Dala mo ba gitara mo?" sambit ni ricky.
Nagkunwari na lamang akong walang pakealam sa pinag-uusapan nila at kunwari na nakikinig sa pinag-uusapan nila susana sa tabi ko kahit na ang tainga ko ay nakatuon lamang kala sebastian.
"Hindi ko dala pero pwede natin hiramin 'yong gitara ni mang boy, tara?" sabi ni sebastian at sinulyapan ko ang paglabas nila sa room.
Bakit parang mas sabik pa siya haranahan kung sino man 'yon? Bwisit. Ako nga 'di niya maharanahan sa dito sa school, eh!
At ilang minuto bago tuluyang matapos ang oras ng recess ay nagkaroon ng eksena sa quadrangle. Kabilang kami ng mga kaibigan ko ang nakichismis doon. Sila sebastian na naman ang may pasimuno...hinaharana iyong isang estudyante na hindi ko kilala. Tapos iyong manliligaw ay nakatayo lang sa gitna nila. Aaminin ko nakakainggit...samantalang iyon sa amin ni sebastian ay sa text lang nangyari. Nakakainggit na nagagawa niya iyon sa iba kahit tulong lang pero sa akin parang kinakahiya niya.
Nagpalakpakan ang lahat ng manonood no'ng umoo ang babae. Pagkatapos no'n balikan na ang lahat sa kani-kanilang classroom. Nawalan ako ng gana para ubusin iyong ensaymada na binigay ni sebastian kanina na iniwan ko sa aking upuan. Maayos ko itong binalot sa plastic at tinapon sa basurahan sa may likuran.
Iyong pagtatampo ko ay tila nawala rin naman agad no'ng tumabi ulit siya sa akin sa isang subject no'ng may pagkakataon at pilit nito inaagaw ang atensyon ko kay ma'am para makinig sa kuwento niyang barbero.
"Galit ka pa rin ba?" tanong niya, magkasabay kami umuwi.
Hindi magkahawak ang aming kamay ngunit may maliit na distansya sa gitna namin. Bitbit niya pa rin ang bag ko kahit pinilit ko siyang 'wag na gawin iyon ngunit siya pa rin ang nagwagi.
"Hindi naman ako galit. Bakit mo naisip na galit ako sa'yo, ha? Parang palagi mong iniisip na galit ako sa'yo."
"Nararamdaman ko na galit ka...hindi mo kasi ako pinapansin tapos kapag pinapansin mo ako parang may tingin na naiirita ka? Gano'n ka kapag galit, eh! Hindi ka ba galit sa'kin talaga?
"Hindi nga..."
"Kapag galit ka sabihin mo sa'kin kung bakit at ano 'yong nagawa kong mali kaysa hindi ako pinapansin tapos parang mind games ginagawa mo hindi ko alam anong gagawin ko...kung galit ka ba o mayroon ka ngayong buwan."
Napatigil ako sa paglalakad at napabuntong hininga. May kaunting hakbang na layo no'ng mapansin ni sebastian na huminto ako sa paglalakad.
"Oh, bakit?" aniya na nagtataka ba't ako napahinto.
"Hindi ako galit, nagtatampo lang ako kasi may mga bagay na 'di mo kayang gawin sa akin pero nagagawa mo sa iba." direkta kong sabi ta's nagpatuloy na ako sa paglalakad at nilagpasan siya.
"Kagaya ng ano, ligaya? Anong nagawa ko sa iba na hindi ko nagawa sa'yo?" humahabol siya sa paglalakad ko.
"That's for you to know and for you to find out tsss!"
Hindi ko siya matignan sa mata dahil nahihiya ako sa sinabi ko. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa at kaniyang kinuha ang kaliwa kong kamay upang hawakan ito. Tinignan ko lang ang paghawak niya sa kamay ko na dahan dahang hinahaplos ng kaniyang hinlalaking daliri. Ramdam ko ang namamawis niyang palad pero ipinagwalang bahala ko na lamang iyon dahil nilamon na ako ng sandaling ito.
February 12, nalalapit na rin ang JS Prom na gaganapin ng 13, biyernes at walang pasok kaming mga nasa junior at senior year. Hindi ako kasali dahil hindi ako nakapagbayad ng five hundred pesos. Sinabi ko naman kala mama at papa dahil kasama ulit iyong tatlo...sila ricky, ismael, at sebastian. Nakaipon yata ang dalawa sa mga raket nila o mga pustahan na pinanalo o mga ending na pinapatayaan nila ta walang nananalo. Si sebastian may kaya naman ng ang pamilya nila kung ikukumpara sakanilang apat kaya hindi na nito kailangan pang dumiskarte dahil alam kong kaunting lambing niya lang sa nanay niya ay bibigay rin iyon. Alam ko 'yon dahil gano'n din ako.
Hindi ko naman na pinilit ang magulang ko na bigyan ako ng limang daan para makasama sa JS Prom ngayong taon at iyon na rin ang maging huli dahil senior year na ako. Dinamdam ko iyon ng palihim ngunit tinanggap ko rin naman. Wala naman akong magagawa...kung nag-ipon at pinagpatuloy ko lang ang pag-iipon ko ay tiyak nakalimkom na rin ako ng pangbayad doon, kaso patuloy nababawasan ang ipon ko dahil sa mga pasorpresa ko kay sebastian...dagdag pa na hindi na rin ako palagi nabibigyan ng baon...kung nabibigyan man ay minsan sapat lamang na pambili ng pagkain tuwing recess. Dinamdam ko na si sebastian makakasama at makakasayaw ng ilang babae tapos ako hindi. Nasa bahay lang. Natanong niya ako ng isang beses tungkol doon no'ng magbabayad na siya...
"Hindi ka sasama sa JS prom, bebe loves?" tanong niya na hindi ko alam kung kanino niya nabalitaan? Marahil isa sa mga kaibigan ko.
"Hindi, eh. Ikaw ba?"
"Magbabayad na sana ako ngayon..." pinakita niya sa akin ang hawak niyang limang daan na buo.
"Ahh...enjoy!" may pilit na ngiti kong sabi, hindi ko lang alam kung maiisip niyang pilit lang iyon.
"Hindi ka talaga sasama? Wala ka bang pambayad? Gusto mo—"
Hindi ko na siya pinatapos dahil sumabat na ako agad.
"Sumama ka na kahit wala ako! Ano ka ba? Halata naman na gusto mo pumunta roon, eh? Hindi naman kita pagbabawalan. Mag enjoy ka! Last JS mo na 'yon kaya dapat magsaya ka kahit wala ako! Sayaw lang naman 'yon, okay lang ako. Na-experience ko naman na 'yon last year, eh, kaya okay na 'ko."
"Last JS mo rin 'yon, ligaya! Atsaka last year hindi pa tayo no'n. Paano kung gusto ko first and last dance kita sa JS ngayon? Kaya sumama ka na! Ikaw lang yata hindi pupunta sa section natin, eh! Papautangin kita!"
"Ang kulit mo, sebastian! Huwag na nga, eh! Kainis. Ano ka batas ko? Pumunta ka kung gusto mo, huwag mo 'ko pilitin." medyo nataasan ko siya ng boses no'n, buti na lang recess at walang teacher.
Hindi muna siya no'n nagsalita pero nakatingin lang siya sa akin ng seryoso.
"Bahala ka nga!" aniya halatang inis at umalis na sa tapat ko.
Inirapan ko lang siya at nagpakabusy ako no'n sa pagbabasa ng ebook sa cellphone ko. Pero nagkaayos din kami no'ng uwian. Siya ang unang lumapit sa akin at sumabay sa pag-uwi. Nagkwento ng nakakatuwang pangyayari sa school kanina...sakanilang tatlo. Hindi niya na binuksan pa ang topic na tungkol sa JS prom no'n na akin namang kinatuwa. Hindi ko alam kung ito ba 'yong way niya para magsorry sa akin dahil hindi naman niya nasabi 'yong salita pero ayos naman din sa akin 'yon...wala rin naman akong balak na hindi kami magkaayos kaagad.
Pinagawa kami ng valentine's day card sa art...activity namin na kailangan ipasa. Oslo paper atsaka paste lang ang binili ko sa may canteen tapos nakihati na lang ako ng color bond paper kay zenaida. Salitan din kami sa gunting niya at pentel pen.
Ang card na ginawa namin ay para sa aming apat. Palitan kami ni susana, gano'n din sila oneil at zenaida. Hindi ko na inabala pang gawan si sebastian dahil ipapacheck ito kay ma'am. Ayoko mabasa ni ma'am kung ano ang isusulat ko para sakaniya kaya napagdesisyonan kong gumawa ng iba para sakaniya at ibigay iyon sa sabado.
Kinolekta ni ma'am ang card. Grineydan ito at naggawa pa ng pakulo. Tinawag ang may-ari ng card at tinawag kung kanino nakapangalan iyon. Karamihan sa lalaki ang sinulat na card ay para kay arlene na alam naman nila na may boyfriend sa ibang section...isa sa nagsulat sakaniya ay si ismael na inasar asar pa namin sa klase no'ng iaabot na ang card na ginawa nito kay arlene. Iyong kay ricky sa ibang section akala niya nakaligtas siya kaso hinahandle rin pala ni ma'am ang section ng crush niya kaya pinatawag sa room at ang kupal nahiya pa't nagpakipot. Pinagtutulakan na siya ni sebastian sa crush niya. Sandaling hindi niya raw malilimutan iyon.
Tapos tinawag ang pangalan ni sebastian.
"Girlfriend mo pala si ligaya?!" pagkabigla ni ma'am no'ng kukunin na ni sebastian iyong card niya sa kaniya.
"Hahahaha bakit po ma'am? Ayaw niyo? Tutol kayo?" pagbibiro ni sebastian habang nagkakamot pa ng batok niya.
"Oo! Bakit ikaw?" pagbibiro ni ma'am halata sa tono ng boses niya. "Anong nakita sa'yo ni ligaya, ha?"
"Luhh ma'am, syempre kagwapuhan! Hindi pa po ba 'yon obvious? Hindi naman ako matalino, eh!"
Hinampas pa ni ma'am si sebastian no'ng card niya.
"Siraulo ka talaga! Oh! Bigay mo na 'yan!"
Naghiyawan na ang lahat no'ng dahan dahan na naglakad si sebastian patungo sa pwesto ko. Parang gusto kong magpalamon ng tuluyan sa upuan ko...parang hinihila ako ng upuan ko. Nagsimula rin sila ricky maghum ng pangkasal...lalong nagpadagdag sa hiya ko! Napatakip na lamang ako ng aking mukha. Rinig ko ang pakikisali ni ma'am sa hiyawan.
"Bebe loves ko..." rinig kong sabi ni sebastian tapos biglang nagtawanan lahat ng kaklase namin. Si susana hinampas ako sa braso at pilit inaalis ang pagkatakip ko sa aking mukha.
Alam kong nakatayo na si sebastian sa harap ko dahil nakikita ko iyong sapatos niyang makintab.
"Advance happy valentine's day, ligaya." malakas ang hiyawan sa room pero rinig at dama ko ang pagkaseryoso sa sinabi niyang iyon.
Tinanggal ko na ang pagkakatakip sa mukha ko at tinignan siya na may pagbusangot. Pinipigilan ko ang aking kilig sa pagkagat sa loob ng ibaba kong labi. Tinanggap ko ang card niyang iyon na walang sinasabi at tinignan lang iyon.
Simple lang ang gawa niya, marunong naman kasi siya maglettering at magdrawing kaya hindi niya na kailangan pa ng mga color bond paper, gunting, at glue para gawing maganda ang card...ballpen lang okay na...kaso iyong sulat niya talaga hindi gano'n kalinis...hindi rin gano'n kaganda. Binasa ko ang letter sa card.
Hi bebe loves ko,
Basahin mong maigi, love kita. Napakalinaw at ganoon kasimple. At alam ko kung minsan maaari akong maging isang disappointment sa'yo, na bihira kong malaman kung ano ba talaga ang gusto ko sa buhay o nag-iisip ba ako bago kumilos, pero dapat mong malaman na sa kalahating buhay ng mga kamangha-manghang gulo na ginagawa ko, ikaw ang pinakaunang bagay na naramdaman kong tama. Kaya huwag ka na magtampo kung may mga bagay na ginagawa ko sa iba at hindi sa'yo dahil may bagay naman na kaya kong ibigay sa'yo na hindi ko kayang ibigay sakanila—kiss syempre hahahaha! Hindi mo rin kailangan maging maganda katulad ng iba, maging maganda ka bilang ikaw. Mabuhay ka hanggat gusto mo...Ikaw pa naman ang gusto kong makabatuhan ng plato balang araw. Happy valentine's day. Happy birthday na rin. Merry christmas at happy new year! Love u!
Bebe loves ni ligaya.
Pinilit ko itago ang aking kilig...napakahirap pero kinaya ko naman. Sinong hindi naman kasi kikiligin niyan?
Tapos tinawag na ni ma'am iyong pangalan ko. Napabalika ko sa diwa sa klase. Nilapag ko ng maayos sa desk ko iyong card at naglakad na patungo sa unahan.
"Bakit hindi naman si lance ang ginawan mo ligaya?" wika ni ma'am.
Bigla akong nakonsensya.
"Ahhmm..." nahihiya kong sambit.
"Okay lang po ma'am!" bulyaw ni sebastian, napatingin tuloy kami sakaniya. "Sapat na po 'yong pagsagot niya sa akin at mga monthsary gifts." may pagkindat pa siyang ginawa.
Napaka talaga! Gusto ko siyang murahin dahil sa kahihiyan pero dahil nandito si ma'am ay hindi ko magawa. Tinignan ko lang siya ng masama habang 'yong mga kaklase namin ay inaasar ako pati iyong tatlo kong kaibigan.
"Napaka siraulo talaga..." mahina kong sambit na alam kong narinig ni ma'am dahil natawa siya sa akin.
Bahagyang tumango ako pagkakuha ko sa aking card. Diretso lang tingin ko kahit ramdam ko ang mga tingin ni sebastian sa akin habang pabalik ako sa aking upuan at ibinigay kay susana ang card na ginawa ko.
Gusto ko lalong magpalamon sa upuan ko.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro