Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23

Babagsak ang Damdamin

•••

Syempre, hindi naman nagtagal ang inis ko sakaniya no'n. Kaunting lambing lang niya ay bumibigay na agad ako. Bumawi naman siya no'n kinagabihan, hinarana niya muli ako sa may tambak. At parang automatic na after no'n ay magkakatitigan hanggang may kung anong tensyon kaming mararamdaman sa isa't isa dahilan ng pagdampi ng aming mga labi sa isa't isa. Kaya lang ang pangalawang beses na ito ay kakaiba sa pakiramdam. Mas matagal kaysa una. Mas malambing, mas sabik, mas alam na ang gagawin...ang galaw ng mga labi. Ang haplos sa braso. Sa pangalawang beses na iyon pareho na kaming hindi na nangangapa sa nangyayari. Hindi na kami gano'n ka inosente.

Kaso pagdating ng bagong taon ang siya naman minalas ng pamilya ko. Si papa naaksidente at napilayan ang paa dahilan upang tumigil sa pagtatrabaho. Si mama naman ang kumayod sa pamilya, labandera paminsan minsan sa umaga, tindera sa hapon ng ihaw ihaw. Gusto ko man tumulong ngunit sabi nila ay mag-aral na lamang akong maigi at hayaan silang buhayin kami dahil responsibilidad nila iyon. Naging kapos ang pamilya namin sa pera, bumalik ang paminsan minsan naming pagkain ng chichirya bilang ulam. Minsan wala akong baon pero ayos lang dahil nililibre ako ni sebastian tuwing recess...ayon ang pinasasalamat ko sa lahat kahit hindi ko man sakaniya masabi ang totoo. Pero nahihirapan ako sa mga kapatid ko...kung may nababaon ba sila at nakakain tuwing recess...sabi naman nila mayroon daw pero alam kong nangungutang si mama kala aling yoli pambaon nila. Wala akong magawa kundi magpursigi sa pag-aaral dahil ayon lang ang alam kong magiging solusyon sa problema namin sa aming kahirapan.

"Sama ka mamaya bebe loves? Magpapractice kami sa studio ulit." sabi ni sebastian, nakikitabi na naman sa extrang upuan sa tabi ko habang 'di nagsusulat ng notes.

"Ano ka ba sebastian, magsulat ka na r'yan. Huwag ka na magdaldal. Dagdag din sa grades ang notes sa notebook at least doon man lang bumawi ka. Malapit na ang exam, malapit na rin ang kuhaan ng cards. Malapit na rin ang mga campus visit at entrance exam para sa college...maging handa ka naman sa future mo."

"Handa tssss...ano menudo parang gano'n? Maging menudo ako?" pamimilosopo niya.

Napasulyap tuloy ako sakaniya at tinignan ang kaniyang ginagawa. Nagddrawing siya sa likod ng kaniyang notebook ng isang anime character...iyong paborito niya no'ng bata siya...iyong basketball player na pula ang buhok.

"Tignan mo 'yan...imbis na sayangin mo 'yong oras mo sa pagsusulat ng notes sinasayang mo sa pagdrawing niyan. Wala ka bang ambisyon na mataas na tipong malulula ka?"

Tinignan niya ako ng nakangiwi.

"Para kang si nanay...parati akong sinasabihan..." aniya ng mahina pero rinig ko.

"Kasi naman ang tigas ng ulo mo. Hindi ka nakikinig. Kanina nakita ko kayo ni ricky, long quiz sa economics, iyong papel mong lengthwise kitang kita ko pinapakopya mo sakanila."

"Luh?" pagtatanggi pa niya.

"Kitang kita ko, 'yong papel mo pinapakita mo sa likuran mo ta's 'yong mga nasa likuran mo nagpepyesta sa sagot mo...pero alam mo nakakatawa sa'yo?"

"Ano?"

"Nagpapakopya ka pero mali mali sagot mo. Ako nagcheck ng papel mo, five over twenty? Ilan kayong gano'n ang score niyan? Tsk."

"At least nagsheshare ng blessings tsk!"

"Sana naman bago ka magshare ng sagot mo 'yong tama naman hindi 'yong sa sarili mo tama 'yon ta's si ma'am lang ang mali."

"Blah blah blah oo na po." halata sa tono niya ang pagkainis.

"Malapit na exam kaya makinig ka ng mabuti sa klase at mag-aral ka ng mabuti para naman may magandang future ka."

"Aanhin ko 'yon kung ikaw na ang future ko?"

Napatingin ako sa kaniya ng masama, nagtama ang tingin namin ta's bigla siyang natawa ng malakas sa kagaguhan niya.

"Ayaw mo ba bebe loves?" bigla niyang sambit.

Alam kong naririnig kami nila susana na nakaupo sa tabi ko at nila arlene na nasa unahang row namin. Rinig ko ang palihim na halakhak ni susana.

"May ubo ba 'yang utak mo? Ayoko! Huwag mo akong gawing future sebastian dahil may iba rin akong pangarap kaya dapat ikaw sa sarili mo mayroon din. Pag-isipan mong mabuti. Magseryoso ka man lang."

"Seryoso naman ako, ah? Sa sinabi ko. Atsaka future? Pangarap? Palagi na 'yang nasusumbat sa akin ni nanay. May pangarap din ako, noh. Pangarap ko yumaman tapos makatulong sa kapwa."

"So pangarap mo maging politician din? Kagaya ng nanay mo na dating kagawad?"

Narinig ko ang kaniyang pagtawa sa sinabi ko.

"Hindi bebe loves, nakakapagod 'yon. Tutulong sa kapwa tapos wala ka naman makukuhang kapalit kundi salamat? Pass sa gano'n! Gusto ko maging mayaman ta's makatulong gano'n lang. Kung gusto mo talagang tumulong sa kapwa mo hindi mo na kailangan kumandidato pa!" natatawa niya pang sabi.

"Ano ka si willie revillame?"

"Pwede rin, noh?"

"Baliw ka na...magsulat ka na r'yan para naman madagdagan grades mo...nakakahiya kasi."

"Ang sakit mo naman magsalita bebe loves hindi mo pa nga nakikita grades ko, eh!"

"May source ako."

Palaging sinasabi ng nanay niya sa akin ang pasang awa niyang grades simula first year kami at alam ko rin na karamihan sa mga iyon ay puro line of seven...highest niya madalas ay mapeh na eighty five ang grade...iyong highest niya ay lowest grade ko.

"Promise bebe loves, do'n sa entrance exam sa univ na gusto mo magkasama tayo...pangako ko makakapasa ako para same tayo ng school! Promise! Panis 'yon!" sambit niya na seryosong seryoso na halos mamanata na tutuparin nga ang sinasabi niya.

"Oh ba't di mo muna umpisahan magsulat ng notes? Paano ka makakapag exam kung 'di ka naman makakapasa ng fourth year?"

Narinig ko ang pagtawa ni susana at ang mahina niyang paghampas sa braso ko.

"Sige sisimulan ko para naman hindi mo na ako ikahiya at ipahiya na parang nanay ko. Pustahan pa, ano?"

"Hinahamon mo ba 'ko?"

"Oo! Pustahan mas mataas grades ko this grading tapos makakapasa ako sa entrance exam? Kailan 'yong early entrance exam? February? Sige! Laban!"

"Sige ba! Anong pusta? Pera ba?"

Wala naman akong pera para ipusta sakaniya.

"Kapag natapos na tsaka natin pag-usapan ang pusta!"

"Okay..."

Tumayo na nga siya sa pagkakaupo bitbit ang kaniyang gamit. Pumunta siya sa may harapan, sa teacher's table kung saan nakapatong doon ang libro na kinokopyahan ng secretary...doon si sebastian nagsulat ng notes.

"Galing mo, ah? Sana effective hahaha!" pabulong na sabi sa akin ni susana.

"Sana nga eh..."

Pinakita naman ni sebastian ang pagseseryoso niya sa pusatahan namin. Isang linggo siyang walang band practice at pinipiling samahan ko siya gumawa ng assignment sakanila kasama iyong dalawa. Para sa pagbabago! bulyaw niya palagi. Isang linggo, consistent na gano'n na ikinatuwa ko. Kahit sa klase nagpakita siya ng pagkainterest na matuto. Tumataas siya ng kamay at sinasabihan ang teacher namin na ulitin dahil hindi niya naintindihan...lalo na sa math! Nagugulat nga mga teacher namin sa inaakto niya, eh.

"Hayup ka girl! Anong droga pinagamit mo kay lance? Nagrerecite na sa klase parang hindi siya!" sambit ni andrea, isa sa mga kikay girls. Nakasabay namin sila sa canteen at bigla akong kinausap.

"Wala...gusto niya magbago, eh. Magkacollege na kasi."

"Sabagay...pero 'di ba may pustahan kayo?"

Tumango lang ako. Narinig nga nila 'yong pinag uusapan namin.

"Ano reward?" tanong niya.

"Hindi pa namin pinag uusapan, tsaka na lang daw kapag natapos na."

"Paano kapag nanalo si lance, teh?" sabi ni oneal.

Nagkibit balikat lamang ako.

"Hala! Baka ano hilingin no'ng reward, ha?" sambit ni susana may pagkiliti pa sa tagiliran ko.

"Nako po! Gets ko 'yon susana! Hahahaha!" sabi ni andrea.

Nag apiran ang dalawa. Natawa lang si oneal na alam ko gets niya ang dalawa. Si zenaida nginitian lamang ako.

"Hindi naman siguro..." saad ko.

"Hindi ka sure!" sabi ni susana, natatawa.

"Sure ako kasi wala naman kaming bahay na pwedeng—" hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko kaya lalong natawa sila sa akin.

Nahiya ako no'ng marealize ko ang dapat kong sasabihin. Hindi ko alam ba't pumasok ang gano'ng gawain sa utak ko! Pakiramdam ko namumula na tainga ko sa hiya! Kami tuloy ang naging maingay sa canteen. At hindi ko alam kung bakit ako pumipila dahil wala naman akong perang pambili ng pagkain dito.

"Ligaya!" bulyaw ni sebastian.

"Speaking of the devil hahahaha!" ani andrea tapos umalis na rin. Natatawa pa rin iyong tatlong kasama ko.

"Maria ligaya!" sigaw pa rin no'ng isa.

"Tawag ka na no'ng magiging ama ng magiging anak mo hahahaha!" asar ni susana.

"Baliw ka na beh!" hinampas ko pa si susana ng mahina tsaka pinansin na ang lalaking tumatawag sa akin sa aking buong pangalan.

"Maria ligaya babon!" bulyaw niya.

"Bakit!?" bulyaw ko rin.

Sinita tuloy kami no'ng isang teacher doon dahil sa pagsigaw namin.

"Dali!" utos no'ng isa.

"Sandali!"

Lumapit naman ako sakaniya. Binigyan niya ako ng ensaymada at coke mismo na may pangalan na joy naman. Minsan nakokonsensya ako kay sebastian sa tuwing binibigyan niya ako ng pagkain...para bang alam niya ang kalagayan namin ng pamilya ko. Na ako walang baon palagi, na kapag may ambagan tuwing groupings at kailangan bumili ng manila paper at pentel pen ay sinasalo ako nila zenaida. Gusto ko talaga yumaman pagtanda. Ayon ang pangarap ko...yumaman. Para hindi na ako palagi binibigyan at tinutulungan.

"Salamat sebastian." nginitian ko lang siya. "Babawi ako next time, okay?"

"Nako! Kahit 'wag na! Para ka namang ano r'yan...girlfriend kita kaya okay lang 'yan na ilibre kita!"

"Kahit na ba..."

"Swerte mo nga ikaw nililibre ni sebastian kami hindi, eh!" sabi ni ismael.

"Bakit? Syota ko ba kayo?" sabi ni sebastian.

"Gawin mo kong syota, pre!" sabi ni ricky.

"Gagu!"

Tapos nagkukunwaring nagsusuntukan sila ricky at sebastian dahil sa pang-aasar na iyon. Tapos magtatawanan silang tatlo pagkatapos. Ayoko lang naman umasa palagi kay sebastian. Nakakahiya rin at baka masanay ako.

"Okay ka lang ba bebe loves?" pag-aalala ni sebastian no'ng mapansin ako.

"H-huh? Oo! Okay lang ako! Kumain ka na ba? Kayo?"

"Oo tapos na! Bumili kami tokneneng sa labas!" masaya niyang sambit.

"Paano kayo nakabili no'n? Eh wala naman binebentang gano'n dito sa canteen."

"Sino nagsabi na sa canteen kami bumili? Sa labas kami bumili ay oppss—" siniko ng mahina ni sebastian si ricky pero naintindihan ko naman ang ibigsabihin no'n.

Natawa lang si ismael.

"Tumawid na naman kayo ng bakod? Grabe."

"H-hindi bebe loves! Ito si ricky gawa gawa kwento pota!" sambit ni sebastian.

Hindi naman ako naiinis o ano, pero tinalikuran ko na sila at lumapit na kila oneal na naghihintay sa akin. May nakasanayan naman na mahirap tanggalin sa sarili...pero sana matanggal niya 'yon sa sistema niya. Kumag pa rin.



To: BEBE LOVES KO

Nasan k sebastian? May assignmnt ah?

From: BEBE LOVES KO

Sorna bebe luvs! May band practice lng kami hehehe gawin q pag uwi q. Sa bahy u na lng ikaw gawa. :*



Sinungaling. Wala naman silang band practice. Nasa may pinto ako ng computer shop na malapit sa amin at rinig na rinig ko ang bunganga no'ng tatlo na nakikipag away pa nga. Lumabas na lang ako ng computer shop bago pa ako makilala ng isa sa mga 'yon at ng bantay na si kuya von.

"Siraulo ka talaga sebastian. Sinungaling." may pagkadismaya sa tono ng boses ko no'n.

Umuwi na lang ako sa bahay at ginawa ang assignment ko at natulog.

•••

Exam day, one seat apart. Alphabetical arrange ang trip ng bantay sa amin. Nagreview ako no'ng gabi, pumasok ng maaga kasabay si sebastian at nagreview sa room. Si sebastian, sandali lang nagreview tapos nadistract na agad ng mga kaibigan niya na manood ng fliptop sa cellphone ni prynce. Tsk tsk tsk. Sabi niya kumain naman daw siya ng balut at mani kagabi...paniniwala niya'y pampatalino iyon. Paano naman kaya siya magiging matalino no'n kung hindi siya mag-aaral? Utak niya talaga...hay nako!

No'ng matapos ang exam, nagsasabay pa rin kami umuwi ni sebastian. Kapag inaaya ko siya mag-aral lagi niyang palusot ay may band practice sila pero sa tuwing sinasabi niya 'yon ay nakikita ko siya sa computer shop na naglalaro ng DOTA. Isang beses kinompronta ko siya ro'n, tapos ang kupal pinili pa rin tapusin ang paglalaro niya kaysa habulin ako at sabayan sa pag-aaral. Tapos kinagabihan panay ang tawag sa akin at text na nagsosorry...syempre gaga ako sakaniya pinapatawad ko kaagad. Pero hindi pa rin siya nagbago. Adik pa rin siya sa paglalaro ng computer game na iyon.

Binalik ang mga test paper namin, mataas naman halos ang mga nakuha ko. Ang ilang araw ng pagrereview ay maganda ang naging bunga! Maganda ang resulta! Nakakataba ng puso at nakakapagpagaan ng kaloob looban. Nakakasabik ipakita kala mama at papa ang score kong aking pinaghirapan na alam kong ikatutuwa nila.

"Anong score mo sa mga exams?" tanong ko kay sebastian no'ng pag-uwi.

"Gusto mo makita?" may alanganin sa mukha niya.

"Oo."

"Hmm, pumasa naman ako pero sigurado akong mas mataas iyo."

"Patingin."

"Huwag na bebe loves..."

"Patingin sabi, eh,"

Napatigil kami sa paglalakad. Tumabi kami sa isang tindahan at nilabas niya sakaniyang bag ang mga papel niya sa exam. Tinignan ko lahat ng score niya. Tingin sa papel tapos tingin sakaniya. Iyong expression niya halatang nahihiya na nadidismaya...napapakagat na siya sakaniyang ibabang labi at hindi napapatingin sa akin.

Napabuntong hininga na lamang ako habang binabalik sakaniya ang kaniyang papel.

"Ang galing mo talaga...kahit sana values ginawa mong nasa forty plus...magpapakatao ka lang naman kunyari ro'n pero mukhang nagpakademonyo ka na naman. Thirty three over sixty? Hay nako. Yari ka na naman sa nanay mo."

"Pero mataas kaya mga score ko ngayon kaysa no'ng second grading exam! Iyong math ko no'n twelve, ngayon twenty na! Iyong physics ko twenty one noon ngayon twenty five na!"

"Wow sebastian...hanggang ilan naman ang exam? Sixty. Ikumpara mo 'yang twenty at twenty five sa sixty, bagsak! Puro ka kasi dota! Ilang beses na kita pinagsabihan...isang linggo ka lang nagbago pero bumalik ka pa rin sa pagiging loko loko mo! Hindi ko na alam anong gagawin ko sa'yo!"

"Oh bakit nagagalit ka sa'kin? May sinabi ba akong may gawin ka? Wala naman, eh! Atsaka tumaas naman mga score ko? Lahat nasa twenty plus bukod sa values! Atsaka ano ngayon kung thirty three ako sa values? Dapat nga perfect 'yon kasi nagpakatotoo ako sa sagot ko! May tanong doon 'di ba, anong gagawin mo kapag nakita mo ang kaibigan mong natalisod sa iyong harapan? Syempre sinagot ko 'yong tatawanan! Kasi tatawanan mo naman talaga 'yon, eh! Atsaka ano naman kung bagsak 'yong score ko na 'yon? Wala na akong magagawa ro'n plano ni lord 'yon para sa akin, eh?"

"Ewan ko sa'yo. Napaka mo talaga." Nauna na ako maglakad sakaniya.

Naririnig ko naman ang yapak niya na nakasunod sa akin.

"Sorry na, ligaya. Hindi naman kasi posible 'yong iniisip mo, eh, hindi ko kayang maging biglang matalino sa loob ng isang araw o ilang linggo lang. Atsaka nag-aaral naman ako, ah? Gumagawa ako ng assignment, nakakapagpasa naman ako ng activity at portfolio. Atsaka ang pustahan natin ay sa grades kung matataasan ko 'yong last grading ko at 'yong pangako ko sa'yo na makakapasa ako sa entrance exam na papasukan nating university..."

"Puro ka salita...tama nga nanay mo sa'yo. Sakit mo sa ulo." mahina kong sambit, hindi ko alam kung naririnig ba niya.

"Tsss! Para kang nanay ko, eh, laging tama. Nakakainis."

Hindi kami nagkibuan hanggang makauwi. Hindi rin kami nagtext sa isa't isa. Sinisi ko tuloy sarili ko sa kwarto na baka kasalanan ko kung ba't siya galit pero hindi ko alam kung paano siya susuyuin...malapit pa naman na monthsary namin. Kung hindi ko lang sana siya sinumbatan sa score niya e di sana okay kami ngayon...hindi ko sana nararamdaman itong kalungkutan sa puso ko. Sa tuwing nag-aaway kami ay pakiramdam ko na kasalanan ko palagi at siya ang tama. Siya pa rin ang iisipin ko at iintindihin ko. Siya naman palagi, walang araw na hindi.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro