Kabanata 22
Ako, ikaw, sa pasko't bagong taon
•••
No'ng gabing iyon, nagtagal pa kami ng kaunti sa tambak. Nag star gazing. Kung ano-anong bituin ang tinuro niya na kumokonekta sa iba at naghuhugis ng kung ano-anong constellations na alam kong gawa gawa niya lang.
Pagkauwi ko no'n sa bahay, itinabi ko kaagad ang tatlong bulaklak na binigay niya. Inipit ko iyon sa katekesis notebook ko kasama iyong label ng coke na may pangalan niya. Habang sinasara ang notebook na iyon, napahawak ako sa aking labi. Iyong ngiti at kilig ko ay tila hindi maka-move on. At no'ng gabing iyon, pareho kami ni sebastian na hindi makatulog...hanggang madaling araw kaming magkatext dahil hindi pwedeng call baka magising iyong dalawa kong kapatid. Kinuwento niya ang ganap sa practice nila sa pagbabanda, wala naman akong masyadong kinuwento sakaniya dahil alam niya naman ang mga ganap sa buhay ko. Magkatextmate kami hanggang sa makatulog ako.
Ramdam na sa kalsada ang ihip ng lamig na dala ng desyembre at ang makulay nitong tradisyon sa mga tao. Nauuso ang ubo at pagsuot ng jacket. Ang relasyon namin ni sebastian ay nagbago ng kaunti. Pakiramdam ko naging mas affectionate kami sa isa't isa. Panay ang tabi niya sa akin sa room, panay naman ang sulyap ko sakaniya kapag nandoon siya sa pwesto niya. Kapag magkasabay kami pumasok o umuwi palagi kaming magkaholding hands kahit kasama namin iyong mga kaibigan namin. Iyong first kiss na iyon ang naging unang hakbang sa umuusbong naming damdamin sa isa't isa.
Dahil sa papalapit na christmas season, ang room namin ay nagkaroon ng mga christmas decor na pinaghatian namin ayusin ng kapalitan naming year—ang third year. Nagsimula na naman ang christmas jingle contest na required salihan ng lahat. At this year, nasa mood si sebastian na mamuno sa amin para rito.
By height ang mga boys, gitna nila si sebastian. Nasa likod namin sila. Mga girls ay naka by height tapos nasa harapan. Parang class picture ang dating. Tinuro ni sebastian ang easy step dahil ang contest ay christmas carol lang naman. Alternate ang galaw ng ulo, by row kapag chorus, kapag verses naman daw ay sasabayan iyon ng palakpak na sumasabay sa ritmo. Kinuha namin ang oras na ito na dapat sa adviser namin...pinayagan naman niya kami basta raw ay hindi kami mag-iingay. Bawat isa sa amin ay may hawak hawak ng kopya ng lyrics ng kanta, nagprint si sebastian ng isa ta's pinaphotocopy ang iba...piso ay dalawang photocopy na kasi.
"Okay! Okay! Lalaki sa mga verses, ha? Babae sa chorus!" bulyaw ni sebastian.
Medyo may kalayuan ang pwesto namin.
"Santa Claus Santa Claus may facebook ka ba? Kung meron ano ang email mo para ma-i-add kita! (hey!) Santa Claus Santa Claus may instagram ka ba? Anong twitter mo para ma-follow ka at ma-hashtag kita!"
Ininprovised ni sebastian ang adlib sa kanta. Ayon ang naisip niyang kunin na jingle dahil common na raw iyong ibang christmas song. Suportado naman siya ni ricky na handang magbeatbox sa navivision ng tropa niya. Wala kaming nagawa kundi suportahan din siya sa navivision niyang performance namin.
"O 'di ba? Short and simple! Tapos agad ng isang araw lang ang practice hindi 'yong umaabot ng ilang linggo!" pagpaparinig ni sebastian sa amin yata?
Hindi na lang ako umimik pero may ilan na nag-react na tinawanan lang niya.
No'ng sumapit iyong competition, okay naman ang performance namin pero hindi iyon naging sapat upang manalo kami kahit runner up ay hindi. Natalo kami sa costume...santa hat at white gloves lang kasi amin samantalang iyong iba ay dinaan sa costume ang contest.
"Sana christmas costume contest tawag dito, eh! Hindi christmas carol! Luto!" bulyaw ni sebastian na halatang pinaparinig sa lahat ng nandoon sa quadrangle.
Nang matapos ang christmas carol event na iyon, nagsisimula na rin ang mga short quizzes sa ilang subjects lalo na sa math. Tutok pa rin ako sa pag-aaral pero si sebastian malay ko kung may pag-asa pa sakaniya...hindi ko ni minsan tinignan ang grade niya sa card.
Nakuha ko ang papel niya, hanggang ten lang naman ang quiz at sa 1/2 paper namin ito sinagutan. Basic questions lang naman na tipong pang last year level, parang nagpapaquiz lang si ma'am para pandagdag sa records. At kagaya ng dati, sa up to ten na quiz na iyon ay may isang tamang sagot si sebastian iyon ay ang value ng pi. Pero hindi pa rin mawawala ang tanga niyang sagot sa isang tanong.
7. State four types of triangle
*Acute triangle
*Obtuse triangle
*Isosceles triangle
*Love triangle
Hindi ko alam kung tanga ba talaga siya o nagtatanga tangahan lang? Right triangle o equilateral triangle pwede niyang option pero pinili niya pa rin love triangle? Kinakabahan tuloy ako kung parehong university pa kaya ang mapapasukan namin dalawa sa college dahil sa mga sagutan niyang ito.
"Balita ko may mga university at colleges next year na dadalaw raw sa school para mag recruit ng mga incoming freshman...entrance exam gano'n." sabi ni susana.
Nasa canteen kami nakapila sa stall ng kanin ulam.
"Parang ang aga naman no'n, kinakabahan tuloy ako kung saang school at anong program kukunin ko." sabi ko.
"Paano kaya kung sabay sabay tayo mag exam sa isang school, noh?" sabi ni oneal.
"Pwede rin!" masayang sabi ni zenaida.
"May namamatahan ba kayong university na gusto niyong pasukan?" tanong ko sa tatlo.
"Hmm, sa manda raw may university ro'n, main campus, doon nag-aral 'yong tita ko." sabi ni susana.
"E di ayon unahin natin 'di ba? Kaso next year na!" sabi ni oneal.
Palihim na lamang akong napabuntong hininga dahil inaalala ko si sebastian. Siguro next year ko na lang din iyon alalahanin. Mahaba pa naman ang panahon. Hayaan ko na muna siya mag enjoy.
Lumipas ang ilang araw, wala masyadong nangyari sa school. Patuloy ang routine namin ni sebastian sa relasyon namin...sabay papasok at uuwi. Kapag may band practice siya, nagpapaalam sa akin habang ako busy sa gawaing bahay o 'di kaya sa schoolworks. Ang relasyon namin ni sebastian ay alam na sa lugar namin kaya nakakailang na kapag magkasama kaming dalawa dahil may mga nang-aasar. Hindi lang namin magawang maging pda o clingy sa isa't isa ro'n dahil nakakailang kapag makita ng mga pamilya namin.
Nagsimula na rin ang unang araw ng simbang gabi. Ibigsabihin no'n, malapit na ang christmas break! Maaga kami pumasok ni sebastian dahil lunes, flag ceremony. Napalingap lingap ako sa pila no'n pero hindi ko siya makita. Marahil nagtatago sa cr dahil ayaw na ayaw no'n ang flag ceremony...boring daw. At halatang kasama nito ang dalawa niyang matalik na tropa dahil tatlo silang wala, eh, halos magkakasabayan lang kami kanina pumasok. Alas singko nandito na kami dahil alas singko trenta ang flag ceremony ngayon.
"Nasaan kaya 'yong kupal na 'yon..." mahina kong sambit sa aking sarili.
"Hoy, beh, iniisip mo r'yan?" biglang saad ni susana sa akin, nasa likuran ko siya. "Tapos na lupang hinirang, panata na!" aniya.
"Ayy! Sabog ako hahaha!" agad ko naman binago ang tindig at pwesto ng kamay ko.
"Si lance ba hinahanap mo? Nakita ko sila kanina tumawid ng bakod papuntang tabing ilog, nagcutting yata?" bulong ni susana, naramdaman ko ang paglapit niya sa aking tainga.
"Cutting?"
"Oo, kita ko kanina magtatapon sana ako ng basura. Sabi pa nga ni lance sa akin shhhh!"
"Yari 'yon sa akin mamaya."
Kupal talaga. Kailan kaya magbabago ang isang 'yon? Tumatandang paurong, eh!
Ilang minuto na ang lumipas sa klase namin sa math. Wala pa rin sa mga upuan nila sila sebastian, ricky, at ismael. Nag attendance na si ma'am at alam kong minarkahan na niya ang tatlo ng absent kahit pa nandoon na ang mga bag nila sa kanilang upuan, ginawan na lang ng alibi nila prynce na umuwi ang tatlo dahil may nakalimutan pero absent pa rin sila kay ma'am. Second subject na ang tatlo nakapasok. Agad naman na tumabi sa extrang upuan sa gilid ko si sebastian no'ng magte-take notes lang kami.
"Saan ka galing, ha? Bakit wala ka sa flag at first subject? Magkasabay tayo pumasok kanina, sebastian." may pangangaral sa tono ng boses kong iyon.
Hindi ko siya pinapansin at nagpapatuloy lang ako sa pagsusulat. Iyong dalawa kong katabi ay lumipat sa bandang harapan para mas madali nilang makita ang sulat sa board samantala ako ay nandito lang at hinihintay matapos ang secretary bago lumipat sa kabilang board.
"Ano...nagkaayaan kasi kami nila ricky, eh. Mahirap tanggihan." tugon niya sa mahinang boses.
Mahina lang naman ang pag-uusap namin pero alam kong naririnig kami ng mga nakaupo sa harapan namin at ayon ay ang kikay girls.
"Madali lang 'yon tanggihan sebastian sadyang gusto mo lang din magcutting. Saan kayo pumunta, ha?" seryoso kong sambit.
"Sa simbahan...nagsimbang gabi."
"Hindi okay ang magcutting para magsimba, sebastian."
"Okay lang kaya..."
"Paano naging okay 'yon?"
"K-kasi ginawa ko 'yon para malito si papa jesus..."
Napatigil ako sa pagsusulat at napatingin sakaniya ng may inis sa aking mukha. Totoo ba talaga ang taong ito? Napasulyap siya sa akin bakas sa mata nito ang kaba sa aking inis.
"Sira ka ba?" wika ko.
"Hindi, bebe loves. Ayos ako. Atsaka sorry na. Gusto ko lang makumpleto 'yong siyam na simbang gabi para magkatotoo 'yong wish ko."
"Wish mo?"
"Oo, huwag ka mag-alala, sinama naman kita sa wish at prayer ko, eh! Kasi alam kong hindi ka naniniwala sa gano'n kaya ako na nagdasal at humiling para sa'yo."
Napakagat na lamang ako sa aking labi, nagbuntong hininga at nagpatuloy na sa pagsusulat muli. Hindi ko na siya pinansin muli.
"Sorry na bebe loves," pabulong nitong sabi.
Ramdam ko ang paglapit niya sa akin. Iyong braso niya at tumama sa aking balat na nagbigay ng kuryente sa aking katawan. Nakidesk siya sa akin na pilit kong nilalayo dahil maliit lang ito pero natutuwa siyang inisin ako lalo kaya pinagpipilitan niya hanggang sa hinayaan ko na lang siya.
Ta's maya-maya may pinakita siya sa akin na sinulat niya sa kaniyang notebook...sa likod nito.
I love you ligaya.
Teka lang, kinikilig ako! Kahit pangit ang pagkakasulat niya no'n alam kong totoo iyon. Para sa akin totoo ang nararamdaman niya sa akin no'ng sinulat niya 'yon.
Matagal na nakapatong iyon notebook niya sa akin. Kaya naman nagsulat na rin ako ng reply ro'n.
Please, mag-aral ka ng mabuti. Love you too!
At narinig ko ang kaniyang munting halakhak at nagsimula na ngang magsulat. May ngiti sa aking labi no'ng nagpatuloy ako sa aking pagsusulat.
Lumipas ang ilang araw pa, nagbunutan na for exchange gift para sa christmas party. Hindi namin nabunot ang pangalan ng isa't isa pero sabay kaming naghanap ng mabibilhan ng regalo sa bayan. 150 pesos ang halaga ng exchange gift namin, 100 pesos lang ang pera ko no'n na naitabi dahil alam kong malaking halaga na 'yon para hingiin kala mama at papa. T-shirt ang binili namin, kinapos ako ng trenta pesos na pinautang naman sa akin ni sebastian...kahit 'wag ko na raw bayaran.
Sumapit ang christmas party, nakakailang simbang gabi na rin sila sebastian...hindi ko talaga maintindihan ang isang 'yon? Pinagdasal daw niya na pumasa siya sa math subject kaso paano mangyayari 'yon kung palagi siyang absent o kaya late? Utak hangin, eh!
Ang theme ng christmas party namin ay throwback 90's pero ang suot ko ay kung anong mayroon ako sa damitan ko. Maayos na itim na t-shirt ni papa ang sinuot ko na hindi ko pinagpaalam pero alam kong papayagan naman ako. Skinny jeans na matagal ko ng sinusuot dahil hindi naman nagbabago ang pangangatawan ko. Sagot ng mga nasa top ang pagkain pero ang tanging dinala ko lang na afford ko ay ang isang jug ng mineral water na binili pa namin sa malapit na water station. Iyong tatlo ang pinagbuhat ko.
Masaya naman ang christmas party, enjoy at kwela ang mga games. Dinala rin nila sebastian ang mga band equipments nila na nirentahan pa nila sa studio at nagpatugtog ng mga rivermaya songs. Siya ang bokalista at isa ring gitarista sa banda nila. Inaamin ko na mas nagmukha siyang nakakaakit tignan no'ng nagtanghal sila sa room. Disco light ang umiilaw pero kitang kita ko ang kinang ng kaniyang dark brown na mata. Kinang ng kaniyang sarili sa harapan habang kumakanta ng may damdamin sa awitin na Hinahanap Hanap Kita. Kinilig pa nga ang mga kaibigan ko no'ng marinig ang pangalan ko sa lyrics. Kinilig din naman ako pero hindi ko pinahalata. Nasa bandang dulo kami nakatayo, binidyuhan ko ang performance nila. Silang lahat sa banda ay kumikinang sa kani-kanilang instrumento. Ngayon alam ko na kung anong klaseng ligaya ang nagpakislap kay sebastian no'ng makita ang isang band performance sa harap niya dahil totoo ngang maaakit ka na maging kasapi ng isang banda.
Ito 'yong sandali na gusto kong maexperience niya. Kumikinang sa bagay na gusto niyang gawin. Kung saan siya masaya. Sabi nila ang musika ay isang piraso ng sining na napupunta sa tainga, at diretso sa puso. Hindi naman nila sinabi na mas malakas pala ang epekto no'n kapag mahal mo ang kumikinang sa musika.
"Proud girlfriend moments ka r'yan teh!" kinikilig na sabi ni oneal sa akin.
"Naman! Talented, eh!"
"Ay! Kabogera! Pinagyabang pa!"
Ilang kanta pa ang tinanghal ng grupo nila. May mga taga ibang section na rin ang nakikinood dahil open ang pinto ng room.
"Para maiba naman, tatawagin ko ang isang malapit na babae sa buhay ko," biglang anunsyo ni sebastian sa harap gamit ang mic.
"Ayiieeee! Haba ng hair mo teh!" ani oneal na may mahinang pagsabunot sa akin.
"Baliw!"
"Taragis na 'yan naglandian pa rito!" bulyaw ni robert na tinawanan naman ng lahat.
"Shut up robert! Tinutukoy ko nanay ko! Shut up po pala sa nanay ko!" bulyaw ni sebastian na tinawanan naman ng karamihan.
Boang. Napangiwi tuloy ako.
"Hindi, joke lang, seryoso na. Gusto ko papuntahin si Miss Maria Ligaya Babon dito sa harap para awitan kayo...maganda boses niya! Nakakaakit!" sumenyas si sebastian sa akin at pinapalapit ako ro'n sa tabi niya.
Matinding pag iling ang ginawa ko kaso bakas sa mukha nito ang pamimilit. Ayoko nakawin ang sandaling ito na dapat sakaniya!
"Ang arte teh! Dalian mo na!" pagtutulak nila oneal sa akin papuntang harap.
"Bebe loves alam mo naman siguro 'yong kanta ng aldub? Thinking out loud?"
"Oo alam ko 'yon...kabisado ko."
"Kantahin mo 'yon, kami na bahala mag adjust para sa'yo, okay?"
Dahan dahan niya hinaplos ang ulo ko na may ngiting nakakadakip. Ako na lang nahiya sa paglalandi niyang iyon sa akin sa harap ng madaming tao. Kinanta ko naman ang nais niyang ipakanta na may damdamin. Sa tingin ko gustong gusto niya pakinggan ang boses ko dahil sa nakakatunaw niyang pagtingin sa akin habang kumakanta na minsan nakakailang patulan.
Natapos ang christmas party na iyon na dadalhin ko sa aking alaala.
Natapos nila sebastiang ang siyam na araw ng simbang gabi. Sinamahan ko siya sa panghuli, bente kwatro ng gabi ng desyembre...kasama namin sila ricky at ismael. Kahit na hindi naman sila gano'n katutok sa misa ay ginawa ko naman ang makakaya ko para makinig. Nagdasal ako ng taimtim at seryoso.
Good health para kala papa at mama. Good grades sa amin ng mga kapatid ko. May makain kami apat na beses sa isang araw. Magandang trabaho para kay papa. Masaganang benta ng ihaw para kay mama. At patuloy na gabayan si sebastian upang palaging ligtas sa kapahamakan. Amen.
Kung ano man ang dalangin ni sebastian ay hindi niya sinabi sa akin. Bawal daw baka 'di magkatotoo.
Unang pasko namin ni sebastian as a couple, binati namin ang isa't isa sa personal. No'ng umaga namasko pa no'n si sebastian sa mga kakilala niyang tricycle driver at mga kapitbahay na galante. Ako, tradisyon namin sa bahay ang magsabit ng medyas sa may pinto at pagkagising namin ay naglalaman na 'yon ng fifty pesos na alam namin na galing kala mama at papa. Dahil nasa edad na ako na nakakahiya na mamasko ay naiiwan lang ako sa bahay dahil sinasamahan ni mama mamasko iyong dalawa kong kapatid. Si papa naman kahit pasko may trabaho pa rin.
No'ng tanghali biglang tinawag ako ni sebastian sa may binatana namin. Ako naman na si taranta ay pinagbuksan siya ng pinto. Inaya niya ako manood ng sine, libre niya. Marami kasi siyang napamaskuhan. Kaya nagmadali akong mag-ayos no'n. Nag pantalon, t-shirt, at doll shoes lang ako. Tinirintasan ko naman ang buhok ko para magmukhang nag effort ako sa date. Suot ni sebastian ay maong, t-shirt, at 'yong paborito niyang sneakers.
Nanood kami ng MMFF entry na Bonifacio. Ayon ang gusto panoorin ni sebastian. Madaming tao sa mall lalo na sa sinehan dahil nga pasko at sabik sa mga MMFF entry. Iyon ang unang movie date namin...unang nood ko rin sa sinehan at iyong sandaling iyon ay tila hindi ko malilimutan. Kaya itinabi ko ang movie ticket ko na 'yon at inipit iyon sa katekesis notebook ko kasama ng iba.
Christmas break, wala akong masyadong ginagawa. Magwawalis sa tapat ng bahay sa umaga. Maghahain ng almusal na madalas ay pandesal at kape. Maglilinis ng bahay. Magsasaing ng alas diyes. Maglalaba ta's isasampay. Si mama ang taga luto kaya pahinga ako no'n. Tanghali ay salitan kami ni marya sa paghuhugas ng plato. Pagkatapos no'n aayain ako ni sebastian na samahan siya sa band practice nila o 'di kaya magcomputer...kapag nagttrashtalk na siya ay agad ko siyang inaawat na parang nanay niya. Ako na ang nangtatrashtalk sakaniya. Tinuro niya rin sa akin ang DOTA pero hindi ko naman kinahiligan. Kaya sa tuwing maglalaro siya no'n at isasama ako ay nanonood na lamang ako sa youtube ng mga video ng JaMich. Iyong sandali rin na iyon ang gusto ko...na palagi niya akong sinasama sa mga hilig niya kahit hindi ko naman iyon hilig.
At no'ng sumapit ang media noche, second monthsary namin, sinorpresa ko naman siya ng letter. Simple lang, isang paragraph ng pasasalamat at mga gusto kong traits niya. Binonggahan ko pa ang design no'n, bumili pa ako ng color bond paper para ro'n. Kinatuwa naman niya iyon at niyakap ako ng mahigpit. Nasa labasan kami at nakaupo sa nakaparadang tricycle ng papa niya. Wala naman siyang inihanda na kahit ano para sa akin pero ayos lang.
"Bigyan na lang kita ng handa namin mamaya? Ano ba handa niyo?" aniya, hawak ng isa niyang kamay ang kamay ko.
"Kaunti lang..."
Wala kasing pera sila papa at mama para maghanda ng marami. Spaghetti, pancit, biko, at ang prutas na nandoon sa mesa ay kiat kiat.
"Bigyan ko kayo ng madami!"
"Baliw, baka pagalitan ka naman niyan ng nanay mo?"
"Okay lang 'yon! Sa inyo ko naman ibibigay, eh."
"Huwag na..."
"Makikain ka na lang sa amin!"
"Sira, may pamilya ako!"
"E di sainyo na lang ako kakain!"
Nakakahiya ipakita ang handa namin...
"Huwag na. Kaniya kaniyang bahay na lang tayo."
"Pero monthsary natin, eh? Dapat magkasama tayo!"
"Palagi naman tayo magkasama, ha?"
"Hindi kaya...may oras lang."
"Araw araw pa rin 'yon."
"Pero gusto ko magkasama tayo ng twelve mamaya." seryoso niyang sabi.
"Sige."
Naging sabik tuloy ako sumapit ang alas dose.
Tumulong ako sa pagluluto ng aming munting handa. Nakabukas na rin ang TV para mag abang sa countdown. No'ng lumabas ako para bumili sana kala aling yoli nakita ko si sebastian na nakaupo na kasama sila kuya noy. Nagsisimula na magtagayan.
"Hoy sebastian! Ang aga aga pa para tumagay, ha?!" bulyaw ko sakaniya.
Alas quatro pa lang naman kasi.
"Please, ligaya? Hahaha hindi naman ako mabilis malasing, eh?"
"Siguraduhin mong aabot ka ng alas dose ha!"
"Oo, promise!"
"Siguraduhin mo talaga sebastian!" may inis sa tono ko. Nakita ko si ricky na katabi ni sebastian na tumatawa tawa. "Ikaw nag-aya rito, eh! Kitang hindi marunong tumanggi 'to sa inuman!" at sabay hampas hampas ko kay ricky.
"Hahahaha ngayon lang naman ligaya!" sabi ni ricky.
Napangiwi na lamang ako at tinalikuran sila. Naalala ko bigla iyong inutos sa akin.
Bandang alas nuebe no'ng nangibabaw ang boses ni tita lolita sa labas...pinapauwi ang lasing niyang bunsong anak. Nainis ako ro'n. Nawala ang sigla ko kaninang umaga. No'ng umaandar ang oras at hindi ko nakikita sa labas si sebastian ay mas nainis ako. Dinamdam ko iyon. Lumabas ako ng bahay at dumayo kala isay. Nagkantahan kami ro'n sakanila. Si ismael ay nakikipag inuman naman kala kuya noy. Umabot ang alas onse no'ng umuwi na ako sa amin upang magcelebrate ro'n. Nakita ko ang pamilya ni sebastian na nag-aayos na ng tapat nila para sa pagsindi ng fountain. Nasa loob ng bahay naman kami ng pamilya ko nag aantay sa countdown habang nagpapaingay si papa gamit ang kaldero't metal na sandok.
Five
Four
Three
Two
One
HAPPY NEW YEAR!!
Rinig na rinig na sa labas ang mga nag iingayan na paputok at boga. Mga torotot, bumibirit na mga lasing at kung ano-anong pang paingay. Binati ko ang aking pamilya...may mahigpit na yakap at halik sa pisngi. Lumabas kami upang batiin ang ilang kapitbahay. Binati ko ang pamilya ni sebastian...lahat sila bukod kay sebastian na tulog na tulog daw sa kwarto niya. Binati ko si isay, sila ricky at ismael. Sila totoy na naparaan at ilang mga kababata pa. Nag GM pa ako sa lahat ng contacts ko upang batiin sila. Natapos ang countdown na hindi ko nakita si sebastian o nabati man lang.
Mga pasado ala una, pagod at busog na kami at handa na matulog. Anim o sampung katok ang nagpaalis ng aking antok. Dahila ako ang malapit sa pinto, ako ang nagbukas. Tumambad sa akin si sebastian na may bitbit na isang platitong puno ng handa nila. Medyo magulo pa ang buhok nito at halatang bagong gising lang.
"Happy new year, ligaya! Sorry!" bungad niyang bati, alanganin ang ngiti.
"Happy new year din sebastian. Sana magbago ka na. Good night." at sinaraduhan siya ng pinto.
Hindi naman na siya kumatok pang muli kaya pumasok na ako no'n sa kwarto. Ibinagsak ang sarili ko sa higaan. Kinapa ang cellphone ko sa ilalim ng unan dahil sa pagvibrate nito. Si sebastian nakakailang text na sa akin ng sorry na medyo kinaiinisan ko kaya kinalas ko ang battery sa aking cellphone at inilagay iyon sa ilalim ng aking unan. Natulog na lamang ako ng mahimbing at umaasang kinabukasan ay maganda ang pasok ng bagong taon sa akin. Sumaakin naman ang kapalaran.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro