Kabanata 21
Ako, Ikaw, Isang Gitara at Isang regalo
•••
No'ng gabing iyon, habang busy sa paggawa ng assignment sa science, tinawag ako ni papa.
"Si sebastian nasa labas ate hinahanap ka." wika ni papa na may malapad na ngiti.
Sandamakmak na text message at dalawang tawag ni sebastian ang hindi ko pinansin dahil sa pagtatampo ko. Hindi ko rin namalayan na kagaya niya ay matampuhin din pala ako.
"Sabihin niyo po tulog na..." mahina kong sambit.
"Naghihintay, may sasabihin yata sa'yo? Sabihin ko sandali lang?" sambit ni papa na buti na lang hindi narinig 'yong sinabi ko kanina baka magtanong pa siya at kampihan ako.
Napabuntong hininga na lamang ako.
"Pasabi po wait lang po..."
"Sige," ta's narinig ko na ang sigaw ni papa kay sebastian.
Tinapos ko muna iyong ginagawa kong assignment sa science, no'ng matapos ay agad ko itong sinara at binitbit. Tinungo ko ang labas ng bahay, nakita ko si sebastian na tinutulungan si mama na magpaypay sa paninda. Nagtatawanan sila.
"Ayan na, 'yong assignment. Balik mo na lang sa'kin bukas sa room." may inis no'ng inabot ko sakaniya iyon ng agresibo.
"Huh? Hindi naman ako mangongopya, eh? Oh!" pagbalik niya ng notebook sa akin.
"Oh, bakit mo 'ko hanap? Anong kailangan mo?" pagtataray ko.
"Ligaya, 'wag ka naman ganiyan baka isipin ni mama carol inaaway kita..."
"Hindi ba?"
Nilingunan niya si mama, "Nako mama carol hindi ko po inaaway si ligaya, ha! Siya po nang-aaway sa'kin!" aniya pagsusumbong kay mama na tinawanan lang siya.
Hinampas ko siya sa braso ng malakas.
"Kita niyo na, mama carol!" bulyaw ni sebastian na may pagturo pa sa akin.
Hinatak ko siya palayo, sa kanto ng tindahan ni aling yoli upang hindi kami marinig ni mama at iyong mga bumibili.
"Ano ba kailangan mo? Atsaka 'wag mo tawaging mama ang mama ko! Hindi mo siya mama! Tigilan mo!" pagsusuplada ko, nakapameywang pa.
"Ano bang problema mo ligaya? Nandito ako para magsorry sa'yo." seryoso niyang sabi na may pagkamot pa sa batok.
"At bakit ka magsosorry? Anong kasalanan mo?"
"Hay nako, kung ayaw mo, bahala ka! Dapat nga nagsosorry ka rin, eh! Tignan mo wala pa tayong isang buwan nagbabangayan na agad tayo? Para kang nanay ko, eh," mahina ang pagkakasabi niya sa dulo pero rinig ng dalawa kong tainga 'yon.
Wala na lang akong sinabi, inirapan ko lang siya. Hindi niya deserve ang paliwanag ko dahil makitid ang ulo niya!
"Sorry na bebe loves." seryoso niyang sambit, dahan dahan kinukuha iyong kamay ko para maglambing.
"Hoy! Tanginang 'yan, bibili lang ako naglalandian pa kayo r'yan sa tapat ng tindahan!" bulyaw ni ricky.
Hahawiin ko sana ang kamay ko kay sebastian dahil sa hiya pero hindi niya ito binitawan at tumabi sa pwesto ko.
"Inggit ka lang pre hahahaha!" pang-aasar ni sebastian sa kaibigan niya.
"Bati na kayo?" tanong ni ricky, tinignan pa 'yong pagholding hands namin, "Ahh, bati na nga hahaha!" aniya bago bumili.
"Siraulo..." mahina kong saad na tinawanan lang ni sebastian.
"Ano gusto mo? Libre ko." wika ni sebastian na may ngiti na sakaniyang labi.
"Coke."
"Okay,"
Bumili siya ng coke, inabot niya ito sa akin at ipinagmayabang ang pangalan niya na nasa label ng inumin.
Lance
"Para alam mo kung sino nanglibre sa'yo bebe loves hahaha!" pagbibiro niya.
"Hindi kasi common ang pangalan ko."
"Kaya nga Joy 'yong akin, eh!" pinakita niya pa sa akin ang pangalan sa inumin niya.
"Joy?"
"English ng ligaya!"
"Baka ibang joy 'yan, ha!" pagbibiro ko.
"Ahh, wait," nag-isip pa siya kaya kinurot ko siya sa tagiliran na medyo nagpaangat sa kaniya.
"Sakit!" dalamhati niya at nagbehlat lang ako.
Halos nakalimutan na namin si ricky na nakatayo lang sa tapat namin at bakas sa mukha nito ang pagiging bitter. Bitbit niya iyong binili niyang ketchup na pack habang umiinom ng RC maliit.
Pag-uwi ko sa bahay, bitbit ko pa rin ang coke na binili ni sebastian. Inubos ko ito at tinanggal ang label, inipit ko ito sa katekesis notebook ko, iyon lang ang tanging notebook ko na hindi hinihiram ni sebastian.
Napalitan ang mabigat kong damdamin no'ng gabing iyon ng saya. Nakabawi siya kaagad...gano'n na lang din siguro ako mabilis mapasaya niya. Basta siya, hindi ko kayang magtampo ng matagal.
Lumipas ang ilang araw, sumapit ang huling araw sa buwan ng mapayapa, may dampi ng kalungkutan sa hangin at medyo malamig na buwan ng nobyembre. Thirty-one ang monthsary namin pero dahil walang thirty-one ang november, ginawa ko iyong thirty—holiday. Bonifacio day. Walang pasok. Maaga akong gumising upang gumawa ng monthsary gift kay sebastian. Nakikita ko itong ginagawa palagi ni justin kay arlene sa school...at kilala ko si sebastian...hindi siya mahilig sa mga effort na kagaya no'n kaya ako na lang ang gagawa para sakaniya tutal ako rin 'tong hulog na hulog sakaniya.
Nagcomputer ako kahapon habang nagpapractice ng banda si sebastian. Nagdownload ako ng video galing sa youtube at sineyb ko ito sa memory card ng cellphone ko...may card reader naman ang comp shop. Tutorial ito ng isang maliit surprise box. Iyong alkansya ko kinuhaan ko para pang gastos ng mga colored paper at colored marker. Origami surprise box lang naman ang gagawin ko, iyong magpapop-up ay puso na may nakalagay na Happy Monthsary!
Ginawa ko 'yon ng buong umaga. Pinapagalitan ko 'yong dalawa kong kapatid kapag pinapakealaman o dinidistract nila ako sa ginagawa ko.
To: BEBE LOVES KO
Anong oras ka uuwi?
From: BEBE LOVES KO
Mga hapon cguro? Bakit po? Miss mo na q? XD
To: BEBE LOVES KO
Asa! tgal m nmn umuwi? Bkt hapon pa?
From: BEBE LOVES KO
Basta...
From: BEBE LOVES KO
Kitakits laterr bebe loves! Abangan mo q sa labas tas hug m q XD
"Baliw..." pero may ngisi sa labi ko.
From: BEBE LOVES KO
Happy 1st motmot to us! Love you! <3 See u later! <3
"Baliw..." malapad na ngiti ang pilit kong tinatago habang binabasa ang text message niya.
Wala na...sabik na 'ko makita siya at mabigay ang regalo ko sakaniya mamaya! Anong oras pa lang, masyado pang mahaba ang oras na hihintayin ko. Ito 'yong panahon na sana iyong oras ay mabilis umikot dahil hindi ako makapaghintay.
Madami na 'kong nagawa upang pampalipas ng oras. Naglaba ng mga de-color na damit, nagsampay sa labas, naghugas ng pinggan, naglinis ng bahay, nagsaing, naligo...nagpabango na sa mga espesyal na okasyon ko lang ginagawa.
"Kaunting oras na lang..." nakangiting sambit ko habang nakatingin sa orasan sa may pader.
Iyong kapatid kong pangalawa na si Marya ay naniningkit ang tingin sa akin. Hinuhusgahan yata ako? Magkatabi kami sa upuan, nandito kami sa sala nanonood ng sunday sitcom sa tv.
"Bakit?" irita kong sambit sakaniya. Mas mataray kasi siya sa akin.
"May date ka, noh?" aniya.
Dalawang taon lang ang agwat namin sa isa't isa, close naman kami kaya madalas kami kung magtarayan at mangealam sa isa't isa. Iyong bunso naman namin, mas close sila.
"Secret!"
"Alam na namin, ate. Secret secret ka pa r'yan. Sabihin ko kaya kay kuya sebastian paloadan ako?"
"Tigilan mo marya, ah."
Nagbehlat lang siya ta's balik na sa panonood. Mas matalino sa'kin si marya kaya inaasahan ko rin siya na magiging successful sa future...magiging katuwang din namin para tulungan naman iyong bunso na makatapos sa pag-aaral hanggang college.
Sumapit ang hapon, panay ang silip ko sa bintana. Palubog na ang araw pero wala pa ring bakas ni sebastian sa labas.
Hayup na 'yon...anong depinisyon niya ng hapon? Kapag madilim na?!
"Sinisimulan na naman ako nitong kumag na 'to..." mahina kong sambit sa aking sarili.
Hawak hawak ko na iyong box na ibibigay ko sakaniya, palihim kong itinatago ito sa pamilya ko dahil baka asarin ako...na si sebastian ginagawan ko ng ganitong sorpresa pero sila hindi?
No'ng nagvibrate ang cellphone ko, bumilis din ang tibok ng puso ko. Agad kong binuksan ang bagong message na mula sa pangalan na hinihintay kong tao.
From: BEBE LOVES KO
Labas ka bebe loves may pu2ntahan tau! :)
"Huh?" tangi kong nasabi pero sumunod pa rin naman sa nais niya.
Nagpaalam ako kala mama at papa na lalabas muna ako saglit. Nakita ko si sebastian na naghihintay sa akin sa tapat ng bahay, bukod sa maayos at normal niyang suot ay suot din niya ang isang matamis na ngiti. Bitbit ko ang aking regalo, ta's siya ay may bitbit naman na gitara.
"Bakit ka may dala niyan?" tanong ko agad at may pagturo sakaniyang bitbit.
"Basta...tara! Doon tayo sa tambak! May papakita ako sa'yo!" masaya nitong sambit at hinatak na ako.
"Sandali!" angal ko pero tinawanan niya lang.
Hindi ko alam kung bakit kami tumatakbo patungo sa tambak...pwede naman namin lakarin lang. Umakyat kami ng hagdan, inalalayan niya ako't pinauna upang makatawid sa kabilang bakod papuntang tambak. Ngayon na lang ulit ako nakatapak rito. Huli kong punta ay no'ng bata pa kaming mga ka-edaran ko at naglalaro kami rito halos araw-araw.
Narinig ko ang pagbagsak ng yapak ni sebastian sa likuran ko. Kinuha ko ang aking cellphone sa bulsa ng suot kong short at binuksan ang flashlight no'n.
"Anong trip mo at dito pa? Ang dilim dilim na..." reklamo ko.
"Tara dito..." nagsimula na siya maglakad patungo sa isang pwesto, sumunod lamang ako habang pina-flashlight-an ang daan.
"Tada!" bulyaw niya no'ng marating namin ang pakay niya.
May malaking tela na nakalatag sa lupa na pinapatungan ng malaking bato ang apat na kanto nito upang hindi liparin.
"Kaninong kumot 'yan, sebastian?" tanong ko dahil halatang kumot iyon na nabibili sa bayan na floral ang design...kulay blue. Halatang kumot na ginagamit pa nga.
"Kumot ko, kinuha ko kanina sa bahay ng patago kay nanay."
"Sira ka ba? Madudumihan 'yan tapos mayayari ka pa sa nanay mo!"
"Puro ka naman bunganga, bebe loves." sabay kamot niya sa ulo. "Huwag ka mag-alala sa akin, umupo na lang tayo!"
Hinatak niya ako paupo. Inayos niya ang hawak sa kaniyang gitara. Nanatiling ilaw namin ay ang flashlight sa cellphone ko, ang bituin sa langit, at ang crescent moon. Wala naman tao rito, may bahay ngunit sobrang layo ng distansya kaya sure akong walang makakakita sa amin at ichichismis kami sa iba.
Halata naman ang pakay niya sa gitara. Sinimulan niya ng kalabitin ang string nito. Unang chord na binagsak niya ay alam ko ng harana ang kakantahin niya. Hindi man gano'n kaliwanag sa pwesto niya ay kitang kita ko ang pagtingin ng mga mata niya sa akin. Pati mata niya'y kumikinang sa dilim.
"Puno ang langit ng bituin...at kay lamig pa ng hangin...sa 'yong tingin ako'y nababaliw giliw..." malambing at malumanay niyang pag-awit, hindi ko napigilan ang sarili ko na huwag siyang sabayan.
Ngumiti siya ng malapad no'ng marinig ang boses kong sumasabay sakaniya. Para tuloy hinaharana namin ang isa't isa hanggang sa siya ang aking gitarista at ako naman ang kaniyang singer.
"Ibubuhos ko ang buong puso ko...Sa isang munting harana...Para sa 'yo..."
No'ng matapos ang kanta, hindi pa rin mawala ang ngiti sa aming mga labi. Pinalakpakan ko naman siya pagkababa niya ng kaniyang gitara sa gilid.
"Ayy! Wait!" aniya sabay tumayo sa pagkakaupo niya. Pumunta siya sa mga maliliit na bundok kung tawagin namin no'ng maliit kami at nagsimulang may kunin doon.
Nagmadali naman siyang bumalik sa pwesto ko na may bitbit na bulaklak...tatlong maliit na bulaklak...puti ang petals at medyo dark yellow ang gitna. Ibinigay niya ito sa akin ng dahan dahan na tila sinasadya niya iyong slow-mo effect.
"Happy first monthsary sa'tin, bebe loves." aniya ng nakangiti.
Tinignan ko naman ng mabuti ang binigay niyang tatlong bulaklak. Hindi naman bago ito sa paningin ko dahil no'ng bata ako ay lagi kaming pumipitas nito ni isay at iniipit namin sa aming tali.
Hiningi ni sebastian iyong isang bulaklak at iniipit ito sa aking tainga na hinayaan ko na lamang.
"Salamat, naappreciate ko 'tong effort mo. Sobra!"
"Hindi nga bongga, eh, kapag may trabaho na 'ko bongga na every motmot celebration natin hahahaha!"
"Ayy oo nga pala...ito para sa'yo..." inabot ko naman ang regalo ko sakaniya. "Ginawa ko lang 'yan...sana magustuhan mo."
"Hala! Ang effort mo naman bebe loves! Salamat dito! Ano ba 'to?"
"Surprise box, buksan mo dali!" utos ko na ginawa naman niya.
Natuwa naman siya sa ibinigay ko at namangha sa kung paano ko iyon nagawa. At least isa rin iyon sa mga talent ko siguro?
"Happy first monthsary, sebastian." nakangiti kong sabi sa malumanay na boses.
"Bagay sa'yo kapag hindi ka galit magsalita sa'kin hahaha!"
"Baliw...hindi ako palagi galit sa'yo, ah!"
"Oh? Gagalit na agad?" pang-aasar niya.
Sinuntok ko siya ng mahina sa dibdib. Natatawa lang siya habang bakas sa mukha ko ang inis...napakagat na nga lang ako sa ibabang labi ko upang kumalma. No'ng mahimasmasan siya ay dahan dahan niyang hinawakan iyong kamay ko na sumusuntok sa kaniyang dibdib. Biglang bumagal ang paghinga ko...bumagal ang tibok ng puso ko...bumagal ang oras na kanina'y gusto kong madaliin. Nakangiti siya at malambing ang tingin sa akin. Titingin sa mata ko ta's bababa iyon sa labi kong hindi ko na kinakagat ngayon. Tingin sa mata ko ta's bababa sa labi ko...ilang beses sa ilang segundo niya iyong ginawa kaya kinabahan ako.
Dahan-dahan niya akong hinila papalapit sa kaniya. Masyadong malapit ang mukha namin sa isa't isa, rinig na rinig ko ang paghinga niya...mabagal...malumanay...kalmado. Itong sandali na ito ay halos nababasa ko lamang sa mga ebook...hindi ko maiisip na mararanasan ko ang ganitong feeling sa totoong buhay!
Kasabay sa hindi namin maipaliwanag na ihip ng hangin ay ang katahimikan sa lugar...tanging mga tunog ng hindi namin alam na insekto ang background music namin. Unti-unti ang kaniyang tingin ay nag-lock sa akin. Iyong ngiti niyang malambing ay waring nawala, napalitan. Pilit kong tinatago ang nangangatog kong kamay, ang kumakabog kong puso na para bang tumatakbo ako ng mabilis sa isang marathon. Iyong paghinga ko ay mabagal ngunit kitang kita kung paano dahil sa pag-sunod sa ritmo ng dibdib ko na alam kong napansin niya. Dahan dahan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko ay humahaplos paakyat sa aking balikat. Nakasuot ako ng t-shirt pero ramdam na ramdam ko ang kuryenteng pinadaloy niya sa akin.
Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Ramdam ko na ang init ng hininga niya na kanina'y mabagal na ngayon ay medyo bumilis.
"Ligaya..." aniya sa boses na parang paos. "Puwede ba?"
Hindi na ako sumagot at dinampi ko na ang labi ko sa labi niya. Mabilis lang pero pakiramdam ko'y mabagal. Nagkatinginan muli kami, iyong ngiti niya ay bumalik na sakaniyang maaliwas na mukha. Pakiramdam ko namula ako pagkatapos kong gawin iyon.
"S-sebastian a-ano kasi—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa pagkakataon na ito, siya naman ang humalik sa akin.
Iyong hawak niya kanina sa balikat ko ay umakyat sa aking baba. Inalalayan niya ako sa aming halik. Pikit ang mata at ngayon ay ramdam, mabagal, malumanay, matamis, may halong nerbyos sa aming labi pero patuloy pa rin. Kumakatog ang aking puso ng sobrang sobra! Iyong laman loob ko hindi ko na kayang ipaliwanag ang nagaganap sa mga sandaling ito! Iyong labi niya sa labi ko, itong first kiss na ito ay hinding hindi ko malilimutan. Itong sandaling ito ay mananatili sa aking isipan at alam ko na hindi ako papatulugin nito mamaya!
Dahan dahan ay inilayo niya na ang kaniyang labi sa akin. Iyong hawak niya sa baba ko ay umangat sa aking pisngi. Nagkatinginan kaming dalawa tila kinakapos ng hangin. May parang pangamba sa aming mga mata pero hindi ito naging hadlang sa malambing naming tingin sa isa't isa. First kiss...hindi ko naisip na ganito pala iyon kasarap sa pakiramdam. Iyong sandaling iyon...tila kaming dalawa lang sa mundo, ang oras ay hindi gumagana, ang sandaling iyon ay ang pagkasabik namin sa isa't isa. First love at First kiss...inangkin niya na. Wala na kong masasabi kundi kaniyang kaniya lang talaga ako, at siya sa akin.
"Ligaya...I love you." nakangiti niyang sabi, diretso ang tingin sa akin sa tonong malambing pakinggan.
Ngumiti naman ako na parang nahihiya, "I love you too, sebastian."
Tapos niyakap niya ako ng mahigpit at hinaplos haplos ang likod ko. Naramdaman ko rin ang kaniyang paghalik sa buhok ko, habang ninanamnam ko ang sandaling ito na nakayakap sakaniya at inaamoy ang pamilyar na amoy niya. Ito iyong sandali na ayoko matapos ka agad.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro