Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 19

Classroom Couple

•••

At hindi rin nagtagal ang paglilihim sa relasyon naming iyon...unang nakaalam ay sina ricky, ismael, at isay dahil ang madaldal na si sebastian ay nakwento agad kala ricky ang tungkol doon at kumalat iyon kay isay. Wala sana akong balak sabihin sa tatlo kong kaibigan ang balitang alam kong ikakatuwa nilang malaman pero nahahalata nila sa GM ni sebastian na may something...pinagpatuloy ko ang pagtanggi pero no'ng tinanong nila si sebastian ay agad itong sumagot ng katotohanan kaya hindi na ako nakatanggi.

No'ng unang araw namin ni sebastian, nanonood kami ng parada ng holloween costume sa may labas ng looban. Nilibre niya pa ako no'n ng fishball ta's ang saw sawan pa no'n ay ang nakasanayan na namin na suka't sauce na nagcocompliment well sa isa't isa. Kahit wala naman akong kamag-anak na ibinurol do'n sa sementeryong malapit ay sumama ako dahil nag-aya si sebastian. Madaming tao sa sementeryo dahil araw ng mga patay...madaming dumadalaw sa mga kamag-anak nilang namayapa na. Wala rin naman silang kamag-anak na patay na nakalibing do'n pero gusto lang niya makisali sa karamihan. Dahil sobrang daming tao mahirap umabante, siksikan, nahihirapan ako sumunod kay sebastian na sanay makipaglabanan ng tulakan sa kahit kaninong humaharang. Naiwanan nga niya ako no'n dahil siguro sa kabagalan ko maglakad..akala ko nga 'di ko na siya makikita no'n dahil hindi ko naman dala iyong cellphone ko buti na lang malakas boses niya.

"Ligaya! Maria Ligaya Babon!" bulyaw niya sa madaming tao.

Pinilit kong hanapin kung saan iyon nagmumula hangga't makita ko iyong kumakaway na pulang scarf sa hindi kalayuan. Alam kong kaniya iyon dahil may suot siyang gano'n na nakatali sa kaniyang braso kanina. Ginagawa niya iyon kapag wala siya sa teritoryo niya.

Tinaas ko maigi ang aking kamay at winagayway iyon sa paraan na mapapansin niya.

"Sandali! Papunta na!" bulyaw ko.

Sinundan ko lang iyong pulang scarf hanggang sa matanaw ko na siya. Dahan dahan niyang ibinaba iyong pagkaway niya.

"Ang bagal mo naman kasi humabol bebe loves, nag-alala ako baka may humila sa'yo kanina."

"Ang bilis mo kasi maglakad parang hinahabol ka ng oras! Nakalimutan mo pa ngang may kasama ka, eh?"

"Luhh, nag-alala nga ako no'ng paglingon ko wala ka! Tara nga rito!"

Hinawakan niya ang kaliwa kong kamay at hinila niya ako palapit sa kaniyang tabi't inakbayan. Nailang ako sa pagdampi ng kaniyang kamay sa aking braso. Nilapit niya talaga ako sakaniya dahil siksikan na naman...napayakap tuloy ang kaliwa kong kamay sa likod niya at nakakapit ako sa tagiliran niya.

"Bebe loves tsansing ka, ha? Hahahaha!" aniya natatawa pa.

"Sira! Masikip kasi!"

"Aysus! Ang bilis mo dumamoves sa'kin! Ilang araw pa lang tayo hahahaha!"

"Ewan ko sa'yo. Isipin mo na lahat bahala ka r'yan."

Akmang tatanggalin ko na ang pagkakakapit ko sakaniya ngunit kinuha niya ang kamay ko at pinuwesto ulit iyon do'n.

"Huwag mo tanggalin...sinabi ko bang ayoko sa ginawa mo?" mahina niyang wika na hindi ko na tinugon pa.

Pinuntahan namin ang puntod ng papa ni ricky. Nandoon si ricky at hindi kasama ang pamilya niya. Nandoon din si ismael. Kumpleto na naman ang tatlo...nakisali na lang ako. Gawain na pala nila ito tuwing araw ng patay. Katabi ko si sebastian, kaharapan namin ang dalawa. Nasa lupa kami at nakaupo sa nakalatag na karton. Kinuwentuhan lang nila ako ng mga nakakatakot na pangyayari sakanila at sa sementeryo...natakot ako syempre ngunit hindi ko iyon pinahalata. Tapos no'ng pag-uwi magkasabayan kami ni sebastian at magkahawak ang aming kamay, nangunguna sa amin ang dalawa tila ayaw masaksihan ang eksena...hindi yata sanay.

"Malapit na pasukan, ha? Nagawa mo na ba assignment mo?" tanong ko kay sebastian.

"May assignment? Ilan?"

"Tatlo, sebastian. Hindi mo pa yata nauumpisahan, ano? F.Y.I hindi ko gagawin assignments mo, noh."

"May assignment sa math?"

"Oo..." bakas ang pagkadismaya sa mukha ko.

"Sebastian, kopya ka kay ligaya tapos alam mo na..." wika ni ricky sabay taas-baba ng dalawa niyang kilay.

"Oo nga, girlfriend mo naman na siya, eh, hahahaha!" sabi ni ismael.

Tinignan ko lang ng masama ang dalawa. Nag-apiran pa sila habang natatawa.

"Pwede ba?" nagpapacute na tanong ni sebastian.

"Subukan mo lang may kutos ka sa'kin. Gawin mo mamaya pag-uwi natin. Huwag kang tamad. Huwag kayong tamad! Ga-graduate na kayo pero ganiyan pa rin kayo, tsss! Magbagong buhay na kayo..." wika ko ta's tinignan ko ng matalas si sebastian. "Lalo ka na!"

"Wala 'to sebastian...parang nanay mo lang 'yang ugali ni ligaya! Magiging under ka r'yan!" bulyaw ni ricky.

"Kanina ka pang bwisit ka!" irita kong sabi at hinabol siya para kutusan.

No'ng makarating kami sa looban agad nagkaroon ng distansya sa amin ni sebastian. Hindi pa kasi alam ng pamilya namin ang kung anong ganap sa aming dalawa. No'ng pag uwi nagtext agad siya...nagpaalam na tatambay muna sa labas kasama 'yong dalawa. Pinagbawalan ko pero hindi pa nagrereply ang buwisit. Nakatambay na yata! Gulo pa naman ang laging cravings no'n kapag nakatambay sa labas!


From: CAT_Donna

Beh may tanong lng aq sau. :)

To: CAT_Donna

Ano un beh?



Kinabigla ko ang kaniyang pagtext sa akin. Parang out of nowhere! Hindi naman na kami nagkakatext dalawa kaya ano naman kayang eksena niya?



From: CAT_Donna

Kau ba ni lance? :)

From: CAT_Donna

Napansin q lng kc sa GM ni lance.

From: CAT_Donna

Favorite mo kc spongebob db? :)



Doon ko nakalimutan ang isang bagay...hindi lang pala ako ang nagmamahal sa isang lalaki. May iba rin. Nakalimutan ko na baka may masaktan din? Kasi sigurado ako na masasaktan si Donna kapag nalaman niya ang totoo...kasi gano'n din ako kapag binaligtad ang sitwasyon. Dagdag pa na inasahan niya ako sa damdamin niya kay sebastian at akala niya'y magkaibigan lang kami at hanggang doon lang. Alam kong kinumbinsi ko siya na hanggang doon nga lang pero nagkakamali rin naman ako. Wala naman akong masamang intensyon na lokohin siya. Nagkakamali ako pero hindi ako masamang tao.


To: CAT_Donna

I'm sorry donna. Sorry talaga kung nsaktan kita! :'(

To: CAT_Donna

Hindi ko sinasadya. Promise. Sana maintindihan mo q.

To: CAT_Donna

Di nmn cguro kasalanan ang magmahal db?

From: CAT_Donna

Okay lang, ano kb! Masaya q for u! Sana magtagal kau! :)

To: CAT_Donna

Talaga? Salamat po :)) <3

To: CAT_Donna

At sorry tlga!!!



After no'n hindi na ulit kami nag-usap. Wala ng GM niya na dumadaan sa contacts ko. At no'ng unang araw ng pasukan, nagkasabayan kami sa tapat ng gate. May kalayuan ngunit tanaw namin ang isa't isa. Kasama ko no'n si sebastian, nagsasalita at nagkukwento ngunit ang tingin ko ay na kay donna na walang imik. Tila kunwari hindi kami kilala. Ayos lang naman sa'kin ang trato niyang iyon...dahil kung babaligtarin nga ang sitwasyon ay gano'n din naman ang gagawin ko.

Balik eskwela no'n, kumalat agad ang tungkol sa amin ni sebastian sa room. Nakakailang para sa akin pero natutuwa si sebastian sa reaksyon no'ng iba. Paano ba naman, kino-congratulate siya.

"Congrats, beh! Hindi ka na single. Kung kailan senior year na natin umusbong love life mo! Kabog!" sambit ni susana.

"Ano ka ba, study first pa rin ako."

"Weeh? Bruha ka! Inunahan mo 'ko!" wika ni oneil, nauna siyang makaupo sa libreng upuan sa tabi ko.

Ayoko rin muna katabi si sebastian dahil naiilang ako. Baka anong sabihin sa akin ng iba. Ayoko naman pagsalitaan ng kung ano-ano dahil lang nagkaboyfriend ako.

"Sinabihan ko na rin si sebastian na kapag nasa school kami, magkaklase kami. Ayoko maging attention ng mga gawagawang kwento r'yan." sambit ko.

"Napaka mo naman...okay lang naman maging pda kayo rito sa school. Hindi ba si jess at si james naging sila last year? Pda sila palagi rito sa likod? Wala naman pumansin." pabulong na sabi ni zenaida.

"Siya 'yon...iba ako. Ayoko ng mga gano'n."

"Paano kapag monthsary niyo? Kagaya rin ba kay arlene? Pasabog palagi monthsary surprise ni justin kay girl. Effort kung effort. Kailangan alam talaga sa buong campus." pabulong na sabi ni susana.

"Mukha bang gagawa ng gano'ng eksena si sebastian? Papansin siya, oo. Pero hindi nag eeffort 'yon."

"E di ikaw gumawa! Tulungan ka namin."

"Tagal pa...katapusan pa kaya huwag kayong excited."

"Luhh si bakla, excited din naman nililihim pa." sabay kiliti ni oneil sa akin sa tagiliran, napaurong tuloy ako. "Ano nagustuhan mo kay lance, ha?"

Tinignan ko lang siya na may pagngiwi. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin.

"Ano nga?" pangungulit na rin ni susana.

"Basta...akin na lang 'yon."

"Ayy kabog ka!" sabay kiliti na naman ni oneil sa tagiliran ko.

Agad nagbalikan sa mga upuan ang iba no'ng pumasok ang teacher namin sa values. Kaunting tanong tanong tungkol sa nangyari sa amin sa school break ta's naging seryoso na naman siya. Para siyang living form ng mood swing.

"By groups ito! Mahahati kayo sa five groups. Countdown mamaya, ayoko may mag-iiba ng pwesto. On the spot role play ito at ang topic ay ang tinalakay natin last meet up. Magfoform muna ng groups, nakaready na sa akin ang bubunutin na topic. Okay, start ng bilang!" bulyaw ni ma'am.

Nagsimula na rin ako magbilang...hinihiling na sana maging ka-group ko man lang si oneil...o kahit sinong nasa top para hindi na ako mamroblema pa.

Five...number five ako. Nasa group five ako. Hindi ko ka-grupo si oneil...kagrupo niya si susana.

"Five!" rinig kong bulyaw ng pamilyar na boses.

Kagrupo ko si sebastian. Ang isang bagay na ayoko mangyari!

Narinig ko na ang boses ni susana, binulyaw na ang number four.

"Five." katamtamang sambit ko ta's tinukso na ako nila susana at zenaida.

Kaasar pa nito...ako lang ang may top sa grupo namin. Bubuhatin ko na naman panigurado ang responsibilidad sa grupo dahil lang nasa top ako at tingin nila sa akin ay masipag na matalino.

Binigyan ni ma'am ang bawat grupo ng pwedeng pwestuhan upang makapagplano sa gagawing activity. Ipinapuwesto niya ang grupo namin sa may gilid na hagdanan.

"Hi, bebe loves." nakangiting sambit ni sebastian no'ng tumatabi sa akin.

Nakangiti ito, tinignan ko lamang siya. Sa isang baitang kami naupo, sa unahan. Walang ibang nagtangkang tumabi sa aming dalawa. Buti pa si sebastian, may tropa sa grupo namin...si prynce...pero tropa niya naman halos lahat ng kaklase namin.

"Sino leader ninyo? Siya bubunot. Una kayong bubunot." biglang sambit ni ma'am na inaalog alog ang kanang kamao.

Sasabihin ko sana ang pangalan ni sebastian ngunit naunahan niya ako.

"Si bebe—ayy si ligaya po ma'am!" pagturo niya pa sa akin.

"Bebe..." wika ni ma'am na parang galit pero halatang nang-aasar.

Lumapit si ma'am sa akin at inilahad ang kaniyang kanang kamay, pumili ako ng isa sa mga nakatuping papel.

"Palayaw niya kasi 'yon, ma'am hahaha!" bwelta ni sebastian.

Ngumiwi lang si ma'am sa kaniya.

"Akala ko ba neneng, pre? Hahahaha!" sabi ni prynce.

"Shhh!" ani sebastian.

Hindi ko na lamang sila pinansin. Binuklat ko ang papel at pinakita kay ma'am ang nakasulat.

"Disadvantage sa pamilya. Goodluck, gandahan ninyo. Be creative but realistic, okay? Sige na, magsimula na kayo. May twenty minutes lamang kayo para magprepare." aniya bago umalis.

"Ano gagawin natin, bebe loves?" tanong ng katabi ko.

"Aarte, ano pa ba?"

"Alam ko...pero anong aartehin natin?"

"Pamilya. Isang nanay, Isang tatay, ta's mga anak. Disadvantage tayo, ha? May suggestion ba kayo?" tumayo na ako sa aking pagkakaupo at hinarap sila.

Sampu kami sa isang grupo. Limang lalaki, limang babae.

"Kayo na ni sebastian ang nanay at tatay!" sabi ni prynce.

"Ayoko nga!" agad kong pagtanggi.

"Ayaw mo maging asawa 'ko, bebe loves?" biglang pagdadrama ni sebastian. Nakanguso pa nga!

Hinampas ko siya ng hindi kalakasan sa braso.

"Napaka mo..." mahina kong sambit na tinawanan niya lang.

"Tangina lance korni mo! Hahahaha!" bulyaw ni james.

"Kadiri kamo hahahaha!" sabi ni prynce.

"Ina nyo!" sabi ni sebastian, talagang nilingunan pa ang dalawa.

"Seryoso na! Wala na tayong oras! Hindi pa tayo nakakapagsimula!" sambit ko.

Agad naman silang nakinig. Tumayo si sebastian sa pagkakaupo, lumapit sa akin at inakbayan ako.

"Osya, kami ng dalawa ang magulang! Si prynce, anak ko 'yan!"

"Hala siya, oh?" reaksyon ni prynce.

"Bakit? Lugi ka pa? Tignan mo itsura ng magulang mo! Maganda't gwapo tapos lugi ka pa? Kami nga mas lugi sa'yo! Anak ka namin tapos panget ka?"

"Gagu!"

Rinig ang tawanan ng ibang kagrupo namin sa pang-aasar na iyon ni sebastian sa kaibigan niya.

"Ikaw bebe loves? Sino gusto mong maging anak?" malambing naman ang tono ng boses niya no'ng pagkasabing iyon.

Nakakapanibago pa rin...hindi ako sanay.

"Kung sino may gusto..."

Nakahalukipkip ako pero hindi ko pa rin inaalis ang pagkakaakbay ni sebastian sa akin. Matagal kong hinintay ang moment na ito at tila ba wala naman silang pake ro'n.

"Ilan bang anak gusto mo, ha? Five?" wika ni sebastian, napatingin tuloy ako sa kaniya tas kinindatan niya pa ako.

"Tigilan mo nga ako! Wala ng oras, sebastian." pagkairita ko.

"Hahaha sorry na po. Seryoso na." wika niya pero di niya pa rin tinatanggal ang pagkakaakbay sa akin.

Dalawa ang anak, si prynce ang panganay, si roxy ang bunso. Tatay ko si james, si patrick at marie ang kapatid ko na kapitbahay lang namin. Si vien naman ang narrator. Dahil disadvantage ang sa amin napili namin ang act of violence sa isang tahanan. Mabilis lang ang aming naging usapan, halos adlib lang ang balak naming lahat, ang narrator lang ang pinag-isipan namin ng sasabihin. Hindi na kami nagpractice o ano man, aasa na lang kami sa aming narrator at bahala na ang acting skills namin.

"Okay! Times up! Pasok na kayo!" bulyaw ni ma'am.

Bumalik kami sa aming mga pwesto. Pinaurong ni ma'am paatras ang mga upuan upang lumuwag ang harapan. Random ang pagpili ni ma'am ng number, hindi kami ang unang tinawag na grupo pero kami iyong naging pangatlo.

"Okay group five!" sigaw ni ma'am.

Agad na kaming naglapitan sa harapan. Iyong wala pang eksena ay naghintay sa may pintuan. Nag-introduce na ang narrator.

"Sabado ng gabi sa pamilyang Jimenez. Natutulog ng mahimbing ang nanay at dalawa nitong anak..."

Naglatag kami ng gamit na manila paper upang higaan.

"Nang biglang umuwi ang tatay na lasing."

Biglang pasok ni sebastian sa eksena, pagewang gewang habang tumutungga ng tubig sa tumbler ni prynce.

"Hoy! Magsigising kayo r'yan! Tulog tulog pa kayo! Walang matutulog sa pamilyang 'to, ha!?" bulyaw niya, kuhang kuha ang boses ng isang lasing. Medyo sinipa pa nga ng mahina si prynce bago ilapag sa may table sa gilid ang tubigan na hawak niya.

Agad kaming bumangon na tatlo, si roxy yumakap sa akin, si prynce nakatayo sa tabi ko.

"Nakauwi ka na pala...hindi ka man lang nagsasabi na gagabihin ka...may tinira kaming pagkain mo r'yan baka gutom ka." wika ko.

"Saang pagkain? Paano ka nakaluto e wala nga tayong kusina at kalan!"

Tawanan naman ang mga nanonood sa adlib ni sebastian.

"Nag order kami...take out." bwelta ko kaagad.

"Wala na nga tayong pera tapos puro pa kayo gastos!"

Pinagsisipa ni sebastian iyong manila papaer sa sahig. Umarte si roxy na takot na takot.

"Tay! Itigil niyo na 'yan! Natatakot na sa'yo si roxy!" sambit ni prynce at naging shield namin.

"Ikaw! Ampon ka lang, eh!" tawanan na naman mula sa audience. "Hindi kita tanggap na anak! Panget mo, eh!"

"Hindi rin kita tanggap na tatay! Wala kang pera, eh! Ako pa yata bubuhay sa'yo!" bwelta ni prynce.

Bakas sa mukha ni sebastian na nagpipigil siya ng tawa.

"Aba't sumasagot ka na, ah! Matapang ka na, ha? Hetong sa iyo!" at sinikmurahan kunyari ni sebastian si prynce.

Maganda ang acting na ginawa ro'n ni prynce, mukhang kapanipaniwala ang pagkirot niya.

"Anak!" tumakbo ako sakaniya at hinaplos ang kaniyang balikat. Sumunod sa akin si roxy.

"Nanay, I'm scared!" ani roxy, comedian din.

"Sebastian itigil mo na ito! Lasing ka na naman! Ganiyan ka palagi kapag lasing!"

"Bunganga mo, ah! Lalaban ka na sa'kin, ha?!"

"At biglang dumating ang tita ng mga bata upang makisyoso at tulungan ang nanay." sambit ng narrator kaya pumasok si marie sa eksena.

"Anong kaguluhan ito, ha?! Gabing gabi na!" ani marie.

"Pambihira! Wala pa tayong pinto, bebe loves?! Saan napupunta iyong binibigay ko sa'yo, ha?!" sambit ni sebastian.

"Saan pa ba kundi sa alak mo!" bwelta ko. "Ate! Pakuha naman ng mga bata!"

Inutusan kong tumakbo ang dalawa papunta kala marie upang makausad na sa eksena.

"Tatawag ako ng back-up! Hintayin mo lang!" ani marie at umalis na.

Tumayo ako at hinarap si sebastian. Nakapameywang.

"Bakit mo sinuntok ang anak natin?!" bulyaw ko.

"Ayiiee nice one! Anak agad!" rinig kong bulyaw ni oneil kaya nahiya ako ng kaunti...napangisi ako.

"Payag ka anak mo 'yon? Ako, hindi! Sino tatay no'n umamin ka sa'kin!"

"Inaakusahan mo pa akong manloloko?! Grabe ka na, ha! Wala ka na sa tamang pag-iisip! Ano akala mo sa sarili mo? Guwapo? Hindi ka naman gwapo!"

"Hindi ako gwapo?! Hindi?"

"At pinagbababasag ng tatay ang lahat ng pinggan nila at hinagis ito sa sahig." litaw ng narrator.

Kinuha ni sebastian ang mga nakalabas na notebook ng aming mga kaklase at pinagbababato iyon sa sahig.

"Itigil mo na yan!" sigaw ko.

Feeling ko drama actress talaga ako. Pwedeng panlaban sa best actress award!

"Huwag mo 'ko utusan!"

"Sabing itigil mo 'yan, eh! Wala na nga tayong pera tapos nagbabasag ka pa r'yan! Nababaliw ka na! Lagi na lang tayong ganito!" lumapit ako kay sebastian at pinaghahampas siya ng hindi kalakasan sa likuran at sa braso.

"Ano ba! Tigilan mo 'yan!" bulyaw niya.

"Hindi! Nauna ka! Sinaktan mo anak natin!" Pinaghahampas ko pa rin siya sa katawan at ulo.

"Sabing tigil, eh! Kulit ka?!"

Tapos hinatak niya ako papunta sa may board. Dahan dahan na hinawakan ang aking ulo at kunwaring ipinupukpok ito sa may board paulit-ulit. Naghiyawan at nagtawanan ang mga manonood. Totoo na ang paghampas hampas ko kay sebastian.

"Tang—" muntik ko pa siya murahin dahil naririnig ko ang palihim niyang pagtawa.

"Tama na!" bulyaw ko at no'ng nakapumiglas ako sa ginagawa niya ay bigla ko siyang nasampal ng malakas sa pisngi, totoo.

Nagulat kaming dalawa. Nagulat ako sa ginawa ko. Naghiyawan ang manonood sa ginawa ko. Kahit si ma'am natawa rin sa eksena. Rinig ko ang pagsigaw ng mga kaibigan ko sa pangalan ko.

"S-sorry...hala! H-hindi ko sinasadya...bebe loves...s-sorry!" napatakip na ako sa aking bibig, nagpupumilit na huwag matawa.

Si sebastian nanahimik habang hawak ng kaliwang kamay nito ang kaniyang kaliwang pisngi na sinampal ko. Nakatingin siya sa ibaba at dahan dahan iniangat ang tingin patungo sa akin.

"S-sorry..." wika ulit.

Gusto ko lalo matawa sa reaksyon niya.

"Aray ha?" aniya na may maliit na pagtawa pa. "Actingan lang kasi bebe loves bakit mo tinotoo? Ang sakit!" mahina niyang sambit habang hinahaplos ang pisngi.

"Sorry!"

"At biglang dumating ang kuya kasama ang tatay ng babae." biglang segway ng narrator.

"Asaan ang nanakit sa anak ko?!" bulyaw ni james.

"Iyang asawa niya ho tay!" sabi ni patrick at turo kay sebastian.

"Nagkakamali ho kayo dad! Ako po sinaktan ng anak niyo!" bwelta ni sebastian.

Dad? Palihim kaming natawa ro'n.

"Hindi, ikaw nakita ko! Pati mga anak mo takot sa'yo!" sabi ni patrick.

"Sige, hawakan mo 'yan patrick at tuturuan ko ng leksyon."

Hinawakan ni patrick si sebastian...ipinuwesto ang kamay nito sa likod at hawak hawak niya iyon. Medyo matangkad ng kaunti si patrick kay sebastian.

"Hindi ko ginawa ang anak ko para gawin mong punching bag kapag lasing ka!" bulyaw ni james at kunwaring pinagsusuntok si sebastian sa tiyan at mukha.

Ibang klase rin ang actingan nila. Parang mga action star.

"Tama na 'yan, tay! Huwag niyo na siyang saktan! Tignan niyo...wala na siyang malay!" sambit ko.

Nagkunwaring walang malay si sebastian sa sahig. Binitawan na siya ni patrick.

"Tara, kapatid. Puntahan mo na ang mga anak mo kay marie...nag-aalala sila sa'yo."

"Pero 'yong asawa ko..."

"Ako na bahala rito, nak. Sige na, puntahan mo na sila ro'n!"

At dalawa kami ni patrick na umalis sa eksena.

"Magsalita ka, bakit ka ba naglalasing! Kung may problema ka mag-usap kayo! Hindi ganiyan!" bulyaw ni james.

"Hindi naman niya ako maiintindihan, dad." sabi ni sebastian.

Madami ang natawa sa tawag niya kay james. Kahit si james din ay nagpupumilit hindi matawa.

"Ano ba kasi 'yon?"

"Ayaw niya kasi ako pagbigyan, dad! Dalawa lang anak namin gusto ko lima! Pagod ako sa work tapos nauuna pa siya matulog! Wala na kaming loving-loving time! Naiintindihan niyo naman ako dad, 'di ba?"

Nagpipilit talagang hindi matawa ang dalawa pero bakas sa mga mukha nito na gusto na nilang ilabas ang tawang pilit nilang huwag kumawala.

"Pag-usapan niyo 'yang dalawa! Kapag sinaktan mo ulit ang anak ko at mga apo ko...puputulin ko 'yang birdie mo!"

Tawanan na naman.

"At diyan na po nagtatapos ang aming dula." segway ng narrator.

Nagpalakpakan naman ang lahat. Agad akong lumapit kay sebastian at hinawakan siya sa braso.

"Sebastian sorry kanina, ha? Masakit ba talaga?" wika ko, nag-aalala.

"Gagu, sakit no'n! Nagulat ako sa'yo ro'n bebe loves!"

"Sira ka kasi! Nanguna ka, eh! Pinagpupukpok mo ko sa board!"

"Mahina lang naman 'yon!" ta's tinapik tapik niya ang aking ulo ng dahan dahan...tatlong beses sa aking pagkakabilang. "Pero okay lang...tinawag mo naman ako sa call sign natin, eh. Bawi na rin 'yon hahaha!" aniya.

Tapos naghiwalay na kami at bumalik sa aming upuan. Tahimik ko na lamang pinanood ang presentation ng natitirang grupo.

Nakakuha ang grupo namin ng 98 na grade...pinakamataas. Makatotohanan daw ang pagganap naming lahat. Bawi nga ang pagsampal kay sebastian.

Nagpatuloy ang klase na parang normal lang...na okay lang na may magkarelasyon sa room. No'ng break time nilibre ako ni sebastian ng ensaymada. Tumabi pa siya sa akin no'n at inunahan si oneil sa upuan. Kaunting tanong mula sa tatlo kong kaibigan...kunga paano nagsimula, sino umamin, kailan? Na sinagot naman ni sebastian. Wala na akong matatago, buking na buking na.

"Hindi tayo sabay uuwi mamaya?" mahina niyang tanong na halos parang bulong.

"Hindi, kasabay ko sila. Sabayan mo na lang din sila ricky at ismael. Baka magtampo 'yon sabihin sa'kin inagaw pa kita sakanila."

"Luhh, hindi kaya. Marunong ako ng time management bebe loves."

"Time management...sus! Sa kalokohan mo. Alam mo dapat nagseseryoso ka na sa buhay mo ngayon kasi malapit na tayo grumaduate. Dapat may plano ka na for college."

"Ayoko magcollege. Ayoko na mag-aral. Gusto ko na magtrabaho."

"Boang." tinignan ko siya ng masama. "Magpursigi kang magcollege..."

"Bakit naman? Ayaw mo ba magtrabaho na lang ako para may pang date tayo? Ikaw mag-aaral ng college tapos i-de-date kita pagsahod ko."

"Boang ka na. Mag college ka para magandang trabaho makuha mo...malaking sahod. Para parehas tayong may pera pang date."

"Gano'n ba 'yon? Sige na nga. Mag-iisip na ko for college. Saan ka ba? Gusto ko kung saan ka."

"Diyan lang sa malapit na university. Isang jeep lang daw."

"Sige, doon din ako."

"Sabay tayo magtake ng entrance exam. Sa february pa naman daw."

"Okay! Para sa future hahahaha!" tapos nakangiti na siyang kumain ng burger na nabili niya sa canteen.

Nakangiti na rin akong kumain ng ensaymada na galing sakaniya. Hindi ko lang alam kung libre 'to o hindi pero dahil bigay niya ay lubos ko itong ninamnam.

Lumipas ang oras, dumaan ang ilang subjects. T.L.E time namin may pinagsulat kami sa notebook ni ma'am. Food and beverages ang topic namin sa T.L.E, prepared si ma'am kahit na aalis siya saglit at may pupuntahang meeting sa faculty dahil pinakabit nito ang ilang manila paper na halos sumakop sa buong board. Medyo maliliit na malinis ang sulat. May drawing pa ng mga ingredients sa gilid. Hindi pa naman ako kagalingan magdrawing.

"Ako na magddrawing sa'yo, bebe loves? Papahiramin mo naman ako ng notebook 'di ba?" aniya, nakaupo na naman siya sa tabi ko.

"Sige, drawing mo lahat 'yon dito sa gilid, magtira ka na lang ng space para sa susulatan ko...madaming space."

Inabot ko sakaniya ang aking notebook at sinimulan niya na ang pagdrawing. Pero bago 'yon ay isinalpak niya sa kaliwa kong tainga ang earphone, sa kanan naman sakaniya. Ipinatong niya ang kaniyang cellphone sa armchair ko, nakabukas ito sa playlist niya na parang sinasabi na ako na bahala kumontrol sa music na papakinggan namin habang nagddrawing siya. Habang tahimik siyang nagddrawing sa tabi ko. Iyong takip ng ballpen niya ay kagat niya ang dulo tila hindi iyon napapansin dahil sa focus niya sa kaniyang ginagawa. Pinapanood ko lang ang galaw ng kaniyang ballpen. Nakapangalumbaba akong pinapanood siya...habang nakikinig sa pinili kong music na You and Me ng Lifehouse. Iyong mukha niyang tinatamaan ng kaunting liwanag mula sa labas. Ang kulay kayumanggi ay tila nababagay sakaniyang mata. Hulog na hulog talaga ako sa lalaking ito. Gusto ko ipakita...gusto ko sabihin...ngunit nahihiya ako.

Ang relasyon namin ni sebastian ay tila ba bago pa lang. Inosente sa paningin ng iba. Nangangapa pa raw. Gano'n naman siguro talaga iyon kapag highschool at first relationship...hindi magsisimula sa perpekto. Sabay kami papasok, kapag may libreng oras sa classroom nakakabwelo siya na tabihan ako at kausapin at patawanin at asarin. Kapag uwian inaabangan niya ako ro'n sa may tindahan kasama no'ng dalawa. Madalas pa no'n nagtetext siya sa akin...kung kumain na ba ako, mga good morning at good night...kapag magcocomputer siya o maglalaro sila ng dota. Magtetext naman ako kapag magcocomputer rin ako tapos may nakatabi ng slot sa akin doon sa tuwing pumupunta ako sa computer shop...nirereserve niya na agad. Kahit na hindi ko naman siya masyado iniistorbo kapag naglalaro siya.

This time, magkatapatan kami ng pc. Nagfafacebook na lamang ako at tamang soundtrip sa youtube dahil tapos ko na ipaprint iyong assignment namin. Dinalawa ko na para kay sebastian ang isa.



Ligaya Babon: Prinint na kita ng assignment kunin mo na lang kay kuya von mamaya pagtapos mo

Lance Sebastian Jimenez: Thank you bebe loves!!!

Ligaya Babon: 👍🏻



Balak ko na sana maglog-out kaso biglang nagpop up ang chat message namin ni sebastian.



Lance Sebastian Jimenez: Tangenang mukha yan

Lance Sebastian Jimenez: Parang nanay


Gagu 'to. Pagkatapos ko printan ng assignment sasabihin niyang mukha akong nanay?!



Ligaya Babon: Ay wow! Tanginang mukha rin yan mukhang kargador!

Lance Sebastian Jimenez: Nanay ng magiging anak natin

Lance Sebastian Jimenez: Saet mo magsalita bebe loves!
Di ba pwedeng babanat lang? TT__________TT

Lance Sebastian Jimenez: Nalate ng send anukaba! :((



Gagu talaga. Tapos naglog-out na ako.

"Out na po kuya sa pc six!" bulyaw ko at tumayo na sa aking pagkakaupo.

"Out ka na bebe loves? Text kita mamaya pagkatapos namin!"

"Bahala ka...may balik kami ngayon, eh."

"O sige, ingat ka, ha? Text na lang kita!"

Gano'n ang eksena namin minsan. Alam niya na priority ko pa rin ang aking pag-aaral dahil iyon ang pangako ko sa aking magulang. Ang kinakatuwa ko lang kay sebastian ay kapag may balik balik ako for practice sa sinasalihan namin na tugsay every month. Palagi siyang umeeffort na bumisita at panoorin kami kahit hindi naman siya kasali. Pinipilit ko rin naman siya sumali para kako sa grades din pero sadyang ayaw niya dahil sayang  daw ang oras dahil kapag tumanda siya hindi niya na magagawang mag enjoy at makipaglaro.

"English month kasi ang november 'di ba? Sabi ni ma'am magfocus sa theme...ngayon anong kanta gagawin natin?" wika ni susana.

Nagbbrain storming ulit kami ng pandagdag dahil may time limit na ibinigay sa tugsay for english month. Nawala ang focus ko no'ng maramdaman ko ang vibration ng aking cellphone sa bulsa ng suot kong short.



From: Neighbor

Punta na q dyan. Medyo miss na kita e. XD


At sinong hindi kikiligin niyan? Dating panalangin ay siyang nagkatotoo na. Kakaiba rin ang naging plot twist ng buhay ko ngayon...akala ko hindi mangyayari pero minahal niya rin ako pabalik.

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro