Kabanata 18
Oktubre Ko'y Sa Iyo
•••
Sunrise and sunsets hits differently in October. Hindi ko alam kung bakit, pero things hits differently in October. Ang malamig na simoy ng hangin. Ang taglagas ng mga dahon sa puno. Ang kulay ng langit ay kombinasyon ng ginto't kahel ay kumikinang at naglilikha ng magandang kulay ng taglubog. Gabi ng lagim na pinag-uusapan ng karamihan na malapit ng mapanood sa TV. Mga desenyo ng ilang tindahan ay napupuno ng mga sapot na gawa sa bulak. Mga kalabasang gawa sa plastic na mayroong mukha. Oktubre na...heto na ang buwan ng kababalaghan!
At ang unang kababalaghan na naranasan ko ay ang pagbabago ni Sebastian. Nakakapanibago ngunit nagugustuhan ko ang pakikitungo ni sebastian sa akin...kahit na ang pakikitungo ko sakaniya ay kagaya pa rin ng dati. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa totoo lang! Hindi ko alam kung ano 'tong ginagawa niya! Tuwing recess palagi niya ako nililibre ng ensaymada at zest-o sa canteen kaya nakakapag-ipon ako. Nakakainis pa ro'n kapag napupunta sakaniya papel ko sa mga quiz ay ang panget niya magcheck! Medyo mahaba parang gusto na lumagpas sa papel! Tapos nilalagay niya pang corrected by ay 'yong palagi niyang tinatawag sa akin! Nakakabanas minsan pero maingat kong tinatago iyon bilang memory. Patuloy pa rin ang pagsabay namin sa pagpasok. Nasa kaniya pa rin iyong ilan kong libro, palagi niyang bitbit kaysa sarili niyang libro. Bago pa umuwi bumubulong pa siya muna sa akin na mauuna na siya...tipong kunwari bubungguin niya ako o madadaanan lang. Tuwing gabi panay text din siya kung kumain na ba ako? Na sinasagot ko naman ng oo kahit minsan hindi pa...last time kasi nagdala siya ng ulam...ayoko naman maulit 'yon, nakakahiya. Tapos kapag hindi ako nagreply sa kaniya na lumipas na ang isang oras ay maya-maya may pasaload alert message na akong natatanggap. Tapos kapag may balik naman ako for practice dumadating pa rin siya na nakabisikleta, manggugulo pero handang utusan na bumili ng meryenda tapos libre na naman niya ako. Boang! Nakakainis! Hindi niya alam kung gaano ako hirap pigilan ang aking nararamdaman na kilig! Sinong hindi mahuhulog sakaniya kapag gano'n ang ginagawa niya?! Nakakainis! Araw-araw tuloy may pyesta sa laman loob ko! Ang sarap pala sa pakiramdam ng mahalin, parang nanalo sa lotto!
"Kayo na ba ni lance, ligaya? Pinopormahan ka na niya, noh?" tanong ni jessica, nakasabay ko magbanyo.
"Hindi, ah." naghuhugas ako ng kamay sa may lababo ta's lumapit siya ro'n upang magre-touch.
Bawal make-up sa school...tsk. Red lips na red lips pa siya. Hindi talaga maaawat ang ibang girls sa pagsuway sa school rules.
"Weeh? Alam mo ba usapan kayo palagi sa room?" aniya.
"Tsss, para pag-usapan sa'min?"
"Na obvious naman pero ayaw niyo pa umamin? Literal na dikit ng dikit kaya sa'yo si lance ngayon kaysa last year. Parang buntot mo, girl. Laging dumadayo sa upuan ng mga babae. Nanliligaw pa lang ba siya?"
"Ewan."
"Hays, first time mo magkaroon ng manliligaw?"
"Pffft! Ang bata ko pa, noh. Sixteen pa lang ako."
"Ano ka ba! Same lang tayo! Pero nakakatatlo na 'ko. Atsaka crush ko dati si lance, noh. Sinubukan ko nga landiin 'yon sa text, eh. Ang kupal pinagtripan lang ako. Anyways, mag-ingat ka na lang do'n. Mga first boyfriend hindi 'yang pangmatagalan...panandalian lang 'yan. Puppy love lang madalas 'yan kaya don't give it your all kasi if you did, nako po! Talo ka!"
Ang very random ng moment namin na ito ni jess. Isa siya sa mga "kikay" girls sa room kaya hindi ko alam kung magiging close ba kami, actually hindi naman kami close pero siguro dahil magkaklase kami may damdamin na kailangan pa rin namin tulungan o bigyan ng advice ang bawat isa. Pamilya ika nga.
"Salamat sa payo, jess." nakangiti kong sabi sa salamin dahil doon ko siya tinitignan.
"No biggie, girl! Any time ano ka ba! Don't be shy!"
"Hahaha sige..."
Pero alam kong wala ng next time itong girl to girl moment namin dahil final year na namin ito bilang high school student. Sabay kami ni jess bumalik ng classroom. Pagbalik namin sa room, nasa kaniya kaniya ng mundo ang iba. Kapag ganito isa lang ang ibigsabihin...wala kaming teacher sa subject na iyon.
Kalat kalat na ang mga upuan. Si ricky, ismael, at sebastian pinagdugtong ang tatlong upuan sa pwesto nila upang gawing higaan. Isang row, pwesto ni ricky, bandang dulo, kaniyang bag ang unan, braso ang pinangtakip niya sa kaniyang mata habang prenteng nahiga at nakapatong ang paa sa isang arm chair...tanggal ang sapatos at nakapaa na lamang. Harap na row no'n, fourth row, si sebastian. Ginawang unan ang bag ni prynce. Tinanggal ang polo niya at ginawa iyong pantakip sa mukha niya...naka white t-shirt na lamang siya. Nakapatong din ang isang paa sa arm chair, tanggal ang sapatos at nakamedyas na itim. Prente ang higa, kagaya ni ricky na kopyang kopya nila si juan tamad. Third row, si ismael, Nakatagilid ang higa. Ginawang pangtakip ng mukha ang bimpo niyang itim. Straight ang higa at nakasapatos pa rin. Naiipit ang id niya sakaniyang kili-kili.
"Mga walang takot talaga 'tong mga 'to, oh." wika ko no'ng makaupo sa aking upuan habang tinitignan ang tatlong tulog.
Pinagtripan naman din sila ni juanito at nagpicture sa tatlo...iyong paluha sila at kunwaring mga patay ang tatlo at nagdadalamhati sila.
"Pota ka!" bulyaw ng isang bagong gising na sebastian.
Naghabulan ang mga kalalakihan. Hindi ko na lang pinansin iyon. Napatingin ako sa gilid na pader...sa may bulletin board dito sa room.
"Last day ng pasok natin today..." dalamhati ko.
"Oo nga noh! Shet! Cleaner pa 'ko!" sabi ni susana.
"Hintayin ka namin. O gusto mo tulungan ka na rin namin?" pag-alok ni zenaida.
"Oo nga, susana. Ako na lang mag-chairman of the board...ayon naman gawain ko kapag cleaner ako, eh." sabi ko.
"Hala! Thank you mga beh! Love you!"
"Love you too rin beh! Tapos stop tayo ro'n sa bilihan ng tusok tusok? Tapos Bili na rin tayo gulaman!" ani oneil.
"Iyong dating gawi ba?" sambit ko na may pagngisi.
Nagtinginan kaming apat na may mapaglarong ngiti at may kasabay pang pagtaas baba ng kilay. Iyong gawain namin na tipid hack. Tipong bibili kami ng tusok tusok...iyong tawag namin sa tigpipisong pritong embutido na hinalo sa harina at pinabilog bilog? KKB kami ro'n ta's ambagan na kaming apat sa isang gulaman na tig-sasampung piso. Apat kaming magsshare sa isang gulaman na may isang straw. Gawain namin na hindi na namin binago dahil nag eenjoy kaming gawin.
Tapos maya-maya may nagtakip na sa dalawa kong mata. Alam ko na agad kung sino. Sa kamay pa lang niya...na pinilit kong tanggalin. Sa paghaplos ko ng balat niyang hindi gano'n kakinis...alam ko na at sigurado ako kung sino.
"Ano ba 'yan, sebastian? Wala ka na naman bang kaibigan?" pagmamaldita ko.
Rinig ko ang tawanan ng tatlo, ibigsabihin no'n si sebastian nga ito at ayaw pa umamin.
"Wala raw siyang friends, ligaya. Pati rin daw girlfriend hahaha!" sabi ni oneil.
Wala akong reaksyon na pinakita dahil sigurado akong aasarin lang nila ako lalo.
"Hala! Ligaya! Inaamoy ni lance ulo mo!" sabi ni susana natatawa pa nga.
"Mabaho raw! Hahahaha!" sabi ni oneil.
"Mabango buhok ko, noh! Amoy sunsilk na green 'yan!"
Narinig ko ang tawanan nila. Ayaw pa rin tanggalin ang kamay na nakatakip sa aking mata.
"Hala! Inamoy ulit! Hahahahaha!" bulyaw ni oneil.
"Parang kiss na sa ulo 'yon, ah?!" sabi ni susana na todo ang kilig.
napahawak tuloy ako sa aking buhok. Hinaplos haplos ito ng dahan-dahan.
"Gagu! Hindi!" depensa ni sebastian.
Tinanggal na niya ang kamay niyang nakatakip sa aking mga mata. Agad akong napalingon sakaniya na may matalas na tingin. Iritado kunwari.
"Sorry bebe loves hahahaha! Cute mo mapikon, eh!" aniya na may malapad na pagngiti at kumikinang na tingin sa akin. "Jamming tayo? May gitarang dala si prynce."
Sumenyas ang kaniyang mukha ng pag-aaya. May pag nguso pa nga na alam ko sa sarili ko at sa desisyon ko sa buhay na papayag ako ro'n dahil ang hirap tanggihan kapag nagpapacute siya!
"Sige sige, manahimik ka lang."
Nagmadali siyang lumapit kay prynce. Palihim kong kinalma ang aking sarili kunwari hindi sabik.
"Ligaya!" pagtawag sa akin ni sebastian. "Do'n tayo sa harap!" pagturo niya pa ro'n.
"Ayoko nga! Baka biglang may pumasok na teacher, eh!"
"Hindi, 'yan!" tapos kinuha na niya iyong gitara at pumunta sa harap. Hinila iyong dalawang upuan na nasa harap papunta ro'n sa gitna. "Bilis!" bulyaw niya sa akin na may pagsenyas pa.
"Ehhh!"
"Dalian mo na! Hindi ka papagalitan niyan ako bahala! Bilis!"
"Sandali, ah!"
May pagdabog akong tumayo sa aking inuupuan. Kunwaring may inis no'ng naglakad ako papuntang harapan. Dahan dahan akong umupo sa upuan na katabi niya.
"Anong kanta gusto mo bebe loves?" tanong niya habang tinotono ang gitara.
Nag-isip akong ng malalim. Seryoso na parang tanong iyon sa isang pop quiz na kailangan ko masagot ng tama at mabilis.
"Iyong alam mo na alam ko na chords bebe loves, ha?"
Mas nilaliman ko pa ang aking pag-iisip. Hindi naman sa alam ko ang mga paborito niyang kantang tinutugtog sa gitara...alam ko lang iyong gusto niyang vibe. Iyong pang tambay na mga kantahan. Hiphop at opm bands madalas kong naririnig na pinapatugtog niya sakanila kapag weekends o kapag wala siyang magawa at busy iyong dalawa niyang tropa.
"Sige, iyong kanta na lang ng six cyclemind? Ano ba 'yon...Tambay?"
"Alam mo 'yon?" may pagkamangha sakaniyang mukha.
Nalaman ko lang naman iyon dahil sa'yo...ginusto ko 'yon dahil gusto mo.
"Syempre...ano 'ko alien?"
Natawa lang siya at sinimulan na kalabitin ang string. Naririnig ko na ang intro, inaabangan ko na ang simula ng kanta. Huminga muna ako ng malalim at tumingin sa mga nanonood sa amin na kaklase. Sanay na sila sa ganito...tuwing walang teacher at kakanta kami sa harapan. Si sebastian sa gitara, ako ang vocals. Minsan kapag may nagdala ng beatbox ay sumasali si ismael sa jamming namin dalawa.
Kinanta ko ang awitin. Sinasabayan ako ni sebastian, hindi kami nagsasapawan bagkus perfect ang harmony ng aming boses...bagay raw sabi na rin ng ilang nakarinig na. Nagcocompliment daw.
Kitang kita ko ang kinikilig na tatlong kaibigan ko. Nang-aasar pa nga kaya madalas ang pagngiwi ko. Marami ang sumasabay sa pagkanta namin at para bang christmas party ang ganap kahit magha-holloween pa lang naman.
Sa tuwing napapatingin ako kay sebastian ay siya ring pagsulyap niya sa akin. Magkakatitigan kami ta's ngingitian niya ako habang umaawit na may kasabay na pagkindat pa nga na tinatarayan ko lang pabalik.
Nakailang kanta rin kami bago dumating iyong next period teacher namin. Dali-dali kaming bumalik sa aming mga upuan at nanahimik. Hindi naman kami pinagalitan, hindi naman terror ang teacher namin sa T.L.E.
"Cleaners! Hoy boys na cleaners huwag kayong tumakas!" bulyaw ni susana.
Nanatili kami sa room upang tulungan ang kaibigan namin na cleaner ngayong araw.
"Tinakasan ka na naman..." wika ko.
"Yare talaga 'yong mga 'yon sa akin sa pasukan." inis na sabi ni susana.
Tinapik tapik ko na lamang ang kaniyang balikat atsaka tinungo ang harapan sa may blackboard. Kinuha ko iyong basahang towel na color yellow... may initial na nakasulat iyon sa tag...LSJ. Ito yata ang bench n bath towel ni sebastian na nawawala niya no'ng nakaraan...ginawa na pa lang pambura sa board.
"Oh well," wika ko at ginamit ko na ring pambura iyong towel ni sebastian.
Pa-unti unti na lang ang ingay na niririnig ko sa room. Naglalabasan na ang iba. Busy pa rin ako sa pagbubura ng mga sulat sa board. Tumitingkayad ng kaunti upang maabot iyong taas na part.
"Ligaya," mahina't malumanay na pagtawag sa pangalan ko.
Napalingon ako ng bahagya, muntik na magtama ang mukha namin sa isa't isa. Napaatras ako ng kaunti. Lumapit siya sa akin, hinawakan ako sa kanang balikat, akmang may ibubulong sa akin.
"Ligaya, ilang buwan na akong nanliligaw sa'yo hindi mo ba napapansin? Hihingiin ko na sagot mo...kahit itext mo na lang sa'kin...may load ka ba? Papaloadan kita...hihintayin ko sagot mo. Seryoso ako." bakas sa tono ng boses niya na seryoso nga siya.
Pagtapos niyang sabihin iyon ay agad na siyang naglakad patungo sa pintuan. Patuloy tuloy hindi lumilingon. Nagawa pa ngang akbayan iyong kakadaan lang na kakilala niya mula sa katabing section. Naiwan akong nakatayo sa aking pwesto at tila paralisado...hindi makagalaw. Tuliro't windang.
Ano raw?! Nabingi na rin yata ako kahit na bawat salita na ibinulong niya kahit nga paghinga ay pinakinggan ko ng sobra! Walang mintis, walang pinakawalang salita sa bulong niyang iyon!
"Huy! Ligaya!" pagtawag sa akin na nagpagising sa diwa ko. "Dalian mo na r'yan, beh! Magbubura ka lang ng board! Kita ko 'yon! Binulungan ka lang, eh, ayieee! Hahahaha!" kantyaw ni susana.
"Boang!"
Bumalik ako sa aking ginagawa ngunit pa-ulit ulit ang bulong ni sebastian sa utak ko na para bang LSS ako ro'n...Last Sinabi Syndrome. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang gagawin...para siyang nagmamadali na ewan!
"Ano binulong sa'yo?" biglang sulpot ni zenaida sa aking gilid.
"Wala..."
"Weeeh?"
"Oo nga. Uwi na raw siya ayon lang!"
"Kailan magiging kayo?"
"Kapag puti na ang uwak."
Natawa siya.
Baka kinabukasan...o baka mamayang gabi? Nilalaro rin ako ng aking desisyon. Hindi dapat agad agad...hindi ako basta babae lang na puwede niya makuha't mapa-oo ng gano'n gano'n lang. Hindi puwede!
"Tama..." sambit ko sa aking sarili. "Hindi dapat gano'n." pagpapatuloy ko sa aking gawain.
Lumipas ang ilang araw. School break. Dumaan ang sabado, linggo, lunes, martes, miyerkules, at huwebes...ang pangungulit ni sebastian ay nagpatuloy hanggang dito sa amin. Sa tuwing nakikita niya akong nagwawalis sa tapat ng bahay, nagsasampay ng nilabhan, nagtitinda ng ihaw-ihaw, o miski bumili lang sa tindahan nila aling yoli ay agad akong nilalapitan ni sebastian upang bulungan na naghihintay siya ng sagot...na hindi ko pinapansin. Nagugulat na lang din ako na may nagpapasaload sa akin ng limang piso araw-araw! Jusku! Tapos panay text sa akin mula umaga 'gang gabi...inaalam ang ginagawa ko kapag 'di niya ako nakikitang lumalabas ng bahay. Kaya biyernes, ika-31 ng october, tanghaling tapat, nasa loob ako ng bahay nanonood kami nila mama ng Eat Bulaga no'ng maisipan kong sagutin na ang makulit niyang tanong.
From: Neighbor
Kumain ka na? When mo q sa2gutin? Willing 2 w8 nmn aq bebe luvs. No pressure! <3
To: Neighbor
Oo na! Sinasagot na kita! Okay ka na?
From: Neighbor
Luh? :O
From: Neighbor
Seryoso yan? Walang halong kemikal? Wala na bawian yan ligaya!! Period no eraser na yan! Kain susi! Tapon duplicate key!!
To: Neighbor
Oo na nga e! Totoo yan! Kulit kulit mo kasi!
From: Neighbor
Hahahaha gulat lng aq. Happy aq bebe luvs. Thank youuu! Sa wakas XD
San ka? Libre kita Ice scramble! meron d2 sa labasan!
To: Neighbor
Bahala ka
From: Neighbor
Cge cge. Thank you ulit bebe luvs! Worth the wait ka!:* <3
"Tsss...bolero." pero nakangisi kong sinabi iyon sa aking cellphone.
Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking cellphone, nililihim kala mama ang aking katext at tinetext. Pinipigilan hindi ngumiti ng todo upang hindi mahalata. Ganito pala magsimula ang isang relasyon. Palihim lahat.
To: All
"Walang saysay ang panalangin ko kung hindi ako ang hahanapin mo."
Good Afternoon. FFTB!
#GM
#TagalXP
Sent
From: Neighbor
Mas maganda ka pa sa hapon! XD
FFTCOMSHOP! XD
Plug:
+639174455667
-Ricky
- Matangkad
-Mabait
-Kasama ko tumambay kahit saan
-Tagay anytime anywhere! G PALAGI!
Pag pinagtripan nyo to, lagot kayo sakin!!
GM.
#SPONGEBOB031<3
Sunrise and sunsets hits differently in October talaga. Hindi ko alam kung bakit, pero things hits differently in October...this october. I have given my October to him. The end of October was our first day as a couple. Totoo ngang may magandang nangyayari sa katapusan. My long-held feelings for him finally reached his heart.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro