Kabanata 17
Alam Na Nila
•••
Maaga kami nagkita kitang tatlo nila oneil at susana sa may bayan. Nagpaprint pa muna kami ng mga picture ni zenaida at ginawa namin itong mala photo album, ito ang regalo namin sakaniya. May mga sweet sixteen message kaming isinulat doon.
Isang jeep ang sasakyan namin papunta kala zenaida. Pagkarating namin doon ay winelcome kaagad kami ni tita. May banner na nakadikit sa pader nila kung saan nakalagay ang Happy Birthday Zenaida, mga pagkain na nakahanda na sa mamahalin nilang mesa...glass kasi gawa ito. Nakaporma si zenaida, short dress ta's halatang nag make up ng very light. Bumagay sakaniya ang concept na parang twilight...dark short dress ta's highcut na converse, naka braid na mermaid tail.
"Happy birthday beshy namin!" bati namin sakaniya.
Niyakap namin siya isa-isa ta's pinilit namin siya hilain papasok sa kwarto niya upang iabot ang munti naming regalo. Nahihiya kaming makita nila tita ang afford namin na regalo kapalit ng masasarap na luto niya.
"Kami lang ba bisita mo today?" tanong ko.
"Hindi, nag imbita pa 'ko ng ibang mga kaibigan ko."
"Nasaan na sila?"
"Ewan ko nga rin, eh. Papunta na siguro?"
Tinignan niya iyong regalo namin at tuwang tuwa naman siya lalo na sa mga epic pictures niya na kinuha pa namin sa facebook. May mga dumating pa siyang bisita na hindi namin kilala marahil mga kaibigan niya no'ng elementary o mga kababata niya rito. Nasa veranda lang kami nakaupo sa may mahabang upuan na gawa sa matibay na kahoy.
"Parang O.P tayo rito, noh?" bulong ni oneil.
"Outnumbered tayo mga beh." sabi ni susana.
"Anong gagawin natin?"
"Alam ko na!" ani oneil tapos nilabas niya iyong cellphone niya habang natatawa.
Hindi ko alam kung ako 'yong balak niya at tahimik na lamang akong nagbasa ng e-book sa cellphone ko. Nagkwentuhan pa kaming tatlo ta's maya-maya nag-ayaan na kumain. Sa isang paper plate pinagkarsya namin ang lahat ng handang mayroon si zenaida. Sa Veranda ulit kami pumwesto dahil napuno na iyong sa sala ng mga bisita niya.
"What's up guys! Ilabas ang menudo!" kinabigla namin ang bulyaw na iyon ni sebastian pagkapasok na pagkapasok sa gate.
"Luh? Ba't nandito sila?" pagtataka ko.
Kasama niya sila ricky, ismael, prynce, at juanito.
"Party crasher kayo? Hahahaha!" sabi ni oneil.
Lumapit ang lima sa amin. Tumabi sa akin si sebastian.
"Saan si birthday girl?" tanong ni ricky.
"Nasa loob, kinakausap 'yong ibang bisita niya." tugon ni susana.
"Tara na sa loob? Gugutom na 'ko, pre! May menudo, oh!" sabi ni sebastian atsaka tumayo sa pagkakaupo.
Mga nakasimpleng pormahan lang sila...t-shirt at maong. Si sebastian may cap na iniwan sa tabi ko. Pumasok sila sa loob at rinig na rinig namin ang boses nila. Narinig namin ang pagkagulat ni zenaida dahil napatili pa nga at napatawa dahil tinawag nila sebastian at ricky na tita ang mama niya.
"Sarap ba bebe loves? No'ng menudo?" tanong ni sebastian pagkabalik. Puno rin ang dala niyang paper plate ng halos lahat ng handa.
"Super meal 'yan?" wika ko.
"Hahaha syempre! Birthday-han, eh, panlaban ako sa mga ganito!"
"Bakit pala kayo nandito? Invited ba kayo?"
"Hindi,"
"Ba't kayo nandito?"
"Malungkot daw kayo sabi ni oneil, eh?" sabi ni ricky.
"Buti na lang magkakasama kami nagcomputer do'n sa mineski no'ng nareceive namin GM ni oneil." sabi ni ismael.
"Nagdodota kayo ro'n?" tanong ni oneil.
"Oo, minsan sa hundreds." sabi ni prynce.
"Pati si juanito?"
"May social life naman ako, noh. Hindi ako puro aral lang." aniya.
"Paano niyo nalaman bahay nila zenaida?" tanong ko.
"Alam mo bebe loves, ang dami mong tanong! Ayaw mo ba na nandito kami?"
"Tinatanong ko lang..."
"Syempre tinanong namin kay oneil!" sabi ni ricky na pabulyaw.
"Oo nga! Naisip ko rin 'yon!" bulyaw ko.
Natawa naman sila. Gusto nila talaga iniinis ako!
"Ricky, nililigawan ba ni sebastian si ligaya?" biglang tanong ni oneil.
Muntik pa ako mabilaukan sa pagkabigla ng out of nowhere question na 'yon!
"Huh? Hindi mo pa ba nililigawan, pre?" tanong ni ricky kay sebastian.
"Shhh!" sambit ni sebastian habang nakadampi sa nguso nito ang plastic spoon niya. "Secret!" masaya niya pang sabi.
Napatingin lang ako sakaniya ng may alanganin at pagtataka.
"Ayiiieeeee! Hahahahaha!" reaksyon ng dalawa kong kaibigan.
Natawa lang ng malakas si sebastian at pakindat kindat pa sa akin.
"Kailan mo sasagutin 'tong kaibigan namin, ligaya? Ha?" sabi ni ismael.
"Ba't ko naman sasagutin? Nanliligaw ba?"
"Ohhhhh!!!" reaksyon ng lahat pwera kay sebastian.
"Luh? Ano ba gusto mong klaseng ligaw? Hinaharanahan sa room tuwing recess?"
"Ohhhh!!!!!"
"Ewan ko sa'yo."
"Luh? Ewan ko rin sa'yo."
Kapal nito, siya pa may ganang magtampo r'yan? Siya nga Malabo, eh! Ako ang may Karapatan na magtampo rito hindi siya!
"Crush mo ba si ligaya, sebastian? Iyong totoo kasing sagot!" sabi ni oneil.
"Pffft!" pagngisi niya.
Hindi ko na lamang siya pinansin at ang tanong na iyon. Kumain na lamang ako ng tahimik. Bahagyang umurong ng kaunti kay susana kaya nagkaroon ng distansya sa amin ni sebastian.
"Ano?!" pamimilit ni oneil.
"Oo naman syempre!"
"AHHHHHH!!!" tili nila susana at oneil.
Nabilaukan na talaga ako sa sinabing iyon ni sebastian! Napaubo na rin ako dahil sa pagkabigla. Inabutan ako ni susana ng inumin niyang Royal. Alam kong nag-apiran ang magtotropa dahil narinig ko ang tawanan nila.
"Anong nagustuhan mo kay ligaya, ha?" sabik na tanong ni susana.
Hindi na ako makatingin kay sebastian! Pakiramdam ko namumula na ako sa kaba't hiya!
"Maganda naman siya, ha? Matalino, minsan mabait, masipag pa 'yan atsaka mabuting anak. Wala akong masamang masasabi r'yan, eh! Bukod lang sa bungangera siya minsan parang nanay ko hahahaha!"
Naramdaman ko ang palihim na pagsiko sa akin ni susana. Kinikilig siya para sa akin. Hindi niya lang alam na piyesta na sa laman loob ko! Kung ano anong paputok na ang sumabog para maging ganito kalakas at kabilis ang kabog ng puso ko ngayon! Tuwang tuwa ang mga laman loob ko!
Pinipilit kong hindi ngumiti at mag kunwari na wala itong epekto sa akin kahit na mayroon at Malala pa nga! Idagdag pa ang panunukso ng mga kaibigan namin!
"Totoo ba, Sebastian? Crush mo si Ligaya?" ani ricky, hindi pa rin makapaniwala.
Mas lalo na ako!
Hindi ko alam kung anong facial expression pinakita ni Sebastian kay ricky dahil hindi naman ako nakatingin sakanila pero rinig ko ang pagmura ni ricky sabay tawa pa nga.
"Hayop ka, pre!" bulyaw pa ng ani ricky.
"Halata naman, Sebastian, eh." rinig kong sabi ni Ismael.
Tapos malakas na pagyugyog ang ginawa sa akin ni Susana. Alog talaga kung alog, eh!
"Eh, ikaw, ligaya? Crush mo si Sebastian?" biglang tanong ni prynce.
Ngumiwi ako. Hindi ba halata?
"Ewan." Sagot ko.
"Halaaa! Ewan means yes!" bulyaw ni oneil. "Ayieee! Umamin ka na rin, teh! Pabebe ka rin? Yaya dub ka?"
"Boang ka? Ewan nga, eh!"
"Pakipot pa aysus!" may pang-aasar sa expression na iyon ni oneil. "Ako na lang ligawan mo, lance! Sagutin kita agad! Hahahaha!"
"Luh? Akala ko ba kay ricky ka?"
"Sa umaga sa'yo ako, sa gabi sakaniya hahaha!" ani oneil tinuro pa 'yong dalawa.
"Hahahaha ang sigla mo naman oneil! Pakutos nga!" sabi ni ricky.
"Kiss na lang kita!"
"Kiss mo 'to!" tinutukoy ni ricky ang kamao niya.
Ubos ko na ang pagkain ko. Nahihiya pa ako pumasok sa loob para makitapon dahil na rin sa mga bisita ni zenaida na hindi ko naman kilala.
"Akin na 'yan bebe loves, ako na magtatapon."
Napatingin tuloy ako sakaniya...iyong ngiti niya kakaiba...parang ang lambing tignan? Malinaw naman ang paningin ko kaya sigurado ako sa Nakita ko. Imposibleng binabangungot ako ngayon kasi masyadong Maganda ang pangyayaring ito para maging isang bangungot?
"Salamat."
Tapos kumindat pa siya sa akin bago umalis. Sila oneil at Susana ang lakas mang-asar! Nakakailang tuloy lalo na't nandito rin ang mga tropa ni Sebastian at tinatawanan ako! Lalo na sila Ismael at ricky! Panigurado akong malalaman ni isay 'to!
"Pwede mo na utus utusan si Sebastian, Ligaya!" sabi ni Ismael.
"Huh?"
"Oo nga! Pwede mo na siyang utusan hahahaha! Hindi 'yon makakahindi sa'yo! Nanliligaw 'di ba?" sabi ni Juanito.
"Hindi nga nanliligaw."
"Nanliligaw na 'yon! Imposibleng hindi! Hello, Ligaya, kami 'tong super-duper tropa ni Sebastian? Kilala namin ang tropa namin na 'yon! Actions speak louder than words do'n! Kitang kita nga namin ni Ismael palagi, eh, amats 'yon sa'yo!" wika ni ricky.
"Weehhh? Inaangat mo lang 'yong tao kasi tropa mo."
"Hahahaha! Isa rin 'yan pero totoo sinabi ko!"
"Kilala ko rin 'yang tropa mo, noh? Sa tagal niyong pagkakakilala sa isa't isa nandoon ako sa pagitan no'n, noh?"
Ano siya, siya lang kaibigan? Ilang beses nga pinamukha ng kupal na 'yon na kaibigan niya lang ako, eh! Tapos sabay crush niya 'ko ngayon? Totoo ngang people change.
"Ayaw magpatalo, pre! Hahaha!" sabi ni Ismael kay ricky.
"Nako yari tayo r'yan hahahaha!"
Hindi ko na lang pinansin ang dalawa. Bumalik din si Sebastian kasabay si zenaida tapos ayon ulit naging topic...hindi pa rin ako umamin. Nakakahiya. Ayoko asarin nila. Ang pag-amin ko sa nararamdaman ko ay hindi isang biro lamang para pagtawanan. Kung may makakaalam man no'n ay si Sebastian lang.
•••
Lumipas ang mga araw, natapos ang first periodic exam. Natapos ang ilang araw ng checking of papers at iyong pagtaas taas ng kamay sa mga tamang sagot...ta's binibilang 'yon para malaman ang percentage kung ilang estudyante ang nakakuha ng tamang sagot. Paglipas din ng araw ay Iyong pinapakita ni Sebastian ay tila kakaiba. Paano ko ba sasabihing kakaiba? Medyo sweet? Medyo mabait? Medyo gentleman? Hindi siya 'yong Sebastian na nakilala ko na handang makipag bangayan sa akin kapag nagtatama tingin namin.
"Bebe loves, favorite mo ba si spongebob?" tanong niya habang nakabuntot sa akin at ramdam ko ang paghawak niya sa spongebob keychain ko na nakasabit sa bag...regalo ni Susana sa akin last year.
"Hindi pa ba obvious?"
Sabay na naman kaming pumasok. Iyong dalawa naman sumasabay sa tatay ni Sebastian. Inaabangan ang lider nila sa may gate ng school.
"Talaga? Ang cute, ah? Mahilig ka pala sa mga pambatang cartoons."
"Hindi lang 'yon pambata."
"Hahaha okay! Huwag ka na mainis."
"Hindi ako naiinis. Ano ko bata?"
Naramdaman ko ang pagbitiw niya sa keychain.
"Ang cute kaya minsan ng mga babaeng medyo isip bata...huwag lang 'yong OA. Kagaya mo, cute pero hindi OA."
Palihim akong napangiti sa sinabi niya. Napahigpit ako ng hawak sa strap ng aking bag. Pakiramdam ko ang ganda ganda ko ngayong umaga!
"Kung ano-ano pinagsasabi mo r'yan. Dalian mo na! May flag ceremony pa, eh!" pagmamaldita ko na naman tapos binilisan ko ang paglalakad na nasundan naman niya.
Pumwesto siya sa bandang kanan kung saan mararamdaman mo ang mga nagdadaanan na sasakyan.
"Parang ang bigat naman ng bag mo, bebe loves. Ilang libro ba dala mo?" tanong niya.
"Lahat."
"Lahat?! Ano ka, top one?"
"Ikaw kaya wala kang dinadala kasi wala kang top!"
Napatakip siya ng kaniyang bibig. Halatang magdadrama ng peke para makuha ang loob ko.
"Ang saet mo naman magsalita, bebe loves! Ikaw na may top, ako na bobo!"
"Hindi ako nagsabi niyan, ha? Ikaw."
"Okay,"
Tapos kinuha niya iyong sabitan ng bag ko, ramdam ko ang pag-angat niya sa bag kong mabigat.
"Stop muna tayo ro'n sa tindahan, bebe loves?"
"H-huh? Bakit naman?"
"Para malipat mo 'yang mga libro mo sa bag ko. Ako na magbubuhat ng mga 'yon hanggang school tapos kunin mo 'yong kailangan mo lang na libro sa akin. Ang bigat, eh! Parang nagdala ka ng isang kilong bigas! Ano ka, kargador?"
"Hayup ka...unggoy!"
Natawa lang siya sa pang iinis sa akin. Napapakagat na ako sa aking ibabang labi dahil sa inis. Bwisit 'to!
"Anong kargador? Sira ka ba! Parang hindi ka in love sa'kin, ah?" bulyaw ko.
Napalitan ang tawa niya ng isang malapad na ngiti.
"Nginingiti ngiti mo r'yan?!"
"Wala, aware ka na gusto kita, eh. Tara na, ro'n na sa tindahan bebe loves..."
Hinila na niya ako papunta ro'n. Pinilit niya talaga na ilipat ko ang mga libro ko sa bag niya ngunit pinilit ko rin na huwag na kaya ang ending hati na lang kami ng bitbit.
Pagdating sa school, muntik pa kami masaraduhan ng gate...tumakbo talaga kami ng mabilis para lang makahabol ngunit npatigil kami sa gilid dahil nagsimula ng patugtugin ang intro ng Lupang Hinirang.
"Kamay sa puso..." bulyaw ng guro sa harapan na sinunod naman ng lahat.
Medyo magkadikit kami ni Sebastian. Ramdam ko ang pagsagi ng balat niya sa braso ko.
Nagsimula ng umawit ang lahat, inaangat na ang bandila ng pilipinas, lahat nakatingin doon, nakatingala sa bandila.
"Magagalit ba ang lupang hinirang kung ang iniibig ko ay ikaw, Ligaya?" mahina ngunit dinig ko ang sinabing iyon ng aking katabi.
Napalingon kaagad ako sakaniya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin...imbis na sa bandila na inaangat sa pole...
Seryoso ang mukha niya, ang mata niya ang nagsasalita sa akin. Kumikinang ito at pawang nagsasabi ng totoo. Ramdam ko ang bilis ng kabog ng aking puso. New year celebration na naman sa kaloob looban ko.
"Sa flag ka tumingin..." tangi kong nasabi atsaka ibinalik ang aking atensyon sa pag-awit.
Tumaas ang balahibo ko sa paglapit ni Sebastian sa akin upang bumulong! Dahan dahan kasi siyang dumikit sa akin, parang ahas. Ramdam ko ang paghinga niya muna bago magsalita.
"Ayoko tumingin sa flag, dahil mas maganda ka tignan."
Ayon lang sinabi niya at hindi na ako nagkaroon ng lakas ng loob upang tignan siyang muli dahil alam ko kung gaano kapula panigurado ang mukha ko ngayon...pati tainga. Sulit din pala ang hindi ko pagkain ng almusal dahil busog na agad ako sa atensyon niya.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro