Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 16

Kuryente Sa Balat

•••

No'ng nalaman ni Donna na magkababata kami ni sebastian, hiningi niya ang number ko after no'ng C.A.T namin. Tapos plinug na siya ni sebastian sa isang GM na na-receive na ng iba. Akala ko tapos na ang third party sa aming dalawa mukhang may dadagdag na naman!

"Kainis! Hindi naman gwapo 'yong kupal na 'yon, eh? Ba't ang dami kong kaagawan? Jusku!" wika ko sa aking sarili, mag-isa lang ako sa kwarto.





From: Unknown Number

Hi ligaya? Donna here. :)


"So what?"

Sinave ko ang number niya.


To : CAT_Donna

Yes po?

From: CAT_Donna

Pwde ba mkpag friends?

To: CAT_Donna

y not? XD

From: CAT_Donna

ty! Sa school lang aq strict ha? kpag saturday. :D

To: CAT_Donna

No big deal yon! XD


Nagkwentuhan pa kami ng matagal, tungkol sa mga gusto namin at hindi. Gusto kong cartoon ay si Spongebob Squarepants ta's iyong kaniya ay Adventure Time. Iyong pagkahumaling ko kay spongebob ay marahil alam na ng iba dahil iyon ang cover photo ko sa fb, ang wallpaper ko sa cellphone at keychain ko sa bag. Nagkakamabutihan na kami ng loob at palagay ko magkakasundo kami dahil halos pareho lang din kami ng mga gusto't hilig.


From: CAT_Donna

Alam mo b na may crush aq kay lance? Umamin aq saknya kaso friends lng daw tingin nya sakin... :(

To: CAT_Donna

Ahh, friendly kc yon. us2 nya mdaming friends. XD

From: CAT_Donna

May nili2gawn ba sya? Kilala m?

To: CAT_Donna

D e, d nmn nya nkkwen2 sakin. Bka kla ricky at ismael nsabi nya?

From: CAT_Donna

D nga rin nla alam e. Wla raw nasa2bi. Baka wala noh? May pag-asa pa q! LOL!

To: CAT_Donna

Oo nga! Meron k p pag-asa! Its never too late! XD


"Luh, masyado naman 'to...umasa ka ng matagal din para pareho tayo! Good luck na lang sa'tin!"

Tapos kinuwento ko kay susana iyon...ang text ko sakaniya ay mahaba na para bang essay dahil may limit ang text message dinugtungan ko pa...detailed na detailed ang pagkakasend ko sakaniya tapos natawa lang siya. Hindi makapaniwala na dalawang babae ang nagkakagusto kay sebastian, eh, pangit naman daw ugali no'n. Hindi ko nga rin alam sa sarili ko ba't siya pa? Ilang buwan na lang naman at matatapos na ang high school life ko...pero gusto ko pa rin 'yong thrill na magpakatanga sakaniya, eh! Hanggang matapos siguro 'to? Siya iyong thrill sa buhay ko?


From: Neighbor

Gudeve po! Kumain na bebe luvs q? <3


"Kainin mo mukha mo! Ang landi mo! Tse!" pagtataray ko sa aking cellphone. Ta's maya-maya nagta-type na ako ng reply sakaniya. Kainis!


To: Neighbor

Di pa. Wla pang ulam.


Totoo naman...hindi pa kami kumakain dahil nag-aabang pa kami ng tira sa paninda ni mama. Ayon ang magiging ulam namin ngayong gabi...pero kanina pa luto ang kanin.


From: Neighbor

Hala! Cge dalhan kta jan ng tira qng ulam! hntayin mo q~

To: Neighbor

Gagi! Wag na! Uy!


Ta's hindi na nga siya nagreply. Maya-maya may sumisigaw na sa pangalan ko sa labas, nakuha no'n attensyon ni papa kaya tinawag pa ako sa loob ng kwarto. Paglagpas ko sa pintuan, nandoon nakatayo si sebastian may bitbit na mangkok.

"Sabi kong huwag na, eh." mahina kong sambit habang tinatanggap iyong inaabot niya. "Hintayin mo na 'tong mangkok niyo, huhugasan ko na."

"Kahit huwag mo na hugasan, ako na lang sa bahay."

Pero hindi ko siya pinakinggan at dirediretso na akong naglakad patungo sa kusina. Narinig ko pa ang pagbati niya kay papa at ang pagpapatuloy ni papa sakaniya sa loob.

"Anong dala mo, sebastian? May birthday ba sainyo?" tanong ni papa.

"Wala ho, walang may birthday. Itlog maalat po 'yon may natira pa kasi ta's sabi ni ligaya nagugutom na raw po siya kaya ayan, sakto may sobra pa."

"Hoy hindi 'yon totoo papa! Hindi pa po ako gutom!" Napatingin tuloy ako sakanilang dalawa.

Baka anong isipin ni papa sa sinabi niyang iyon! Oo gutom na ko pero kaya ko pa naman magtiis para sabay sabay kaming kumain dahil iyon ang nakasanayan ko.

"Gutom ka na pala, ate? Dapat sinabi mo agad sa amin...nauna na sana kayo ng mga kapatid mo."

"Hindi kasi po...hindi naman ako gutom..."

"Joke lang ho iyon kuya mar. Pinapabigay ni nanay talaga 'yan kasi nga ho may sobra pa. Binigyan din po sila ricky at ismael." sambit ni sebastian na alam kong nagsisinungaling.

"Gano'n ba, sige, salamat sa inyo, ha? Ang babait nga naman talaga ng kapitbahay namin hahaha!"

Pagkatapos ko hugasan ang mangkok, inabot ko iyon kaagad kay sebastian, nagpasalamat at pinagtulakan na siya palabas sa pintuan kasi ayaw pa umalis, gusto pa makinood.

"Wala ba kayong TV?" sambit ko.

"Mayroon kaso iba channel pinapanood ni tatay, eh! Gusto ko 'yong pinapanood ng papa mo! Stephen chow movie!"

"Tigilan mo!"

Pinagtutulakan ko siya hanggang sa bahay na nila. Ang tigas kasi talaga ng ulo ng isang 'to!

"Ayan! Sinundo pa kita pauwi!"

"Salamat po hahaha!"

Napangiwi na lamang ako.

"Kumain ka na, ha? Bigyan mo na rin mga kapatid mo. Sinakto ko talaga sainyong tatlo 'yon."

"Salamat, ha? Pero next time huwag na, okay? Joke lang kasi 'yon masyado mo namang sineseryoso...parang hindi ikaw si sebastian na nakilala ko."

"Huwag mo kong binibiro ng gano'n, ligaya, mabilis akong mag-aalala pagdating sa'yo, eh." seryoso niyang sabi na kinagulat ko ng kaunti.

"Huh?" tangi kong nasabi.

Tulala akong nakatingin lang sakaniya na may pagkabigla sa sinabi niyang iyon.

"Sige na, uwi ka na. Papasok na 'ko. Kakain pa kami, eh, hahahaha hindi pa rin kami kumakain!"

"Gagsti ka sabi mo—"

Hindi na niya ako pinatapos dahil agad na siyang pumasok sa loob ng bahay nila. Umuwi na rin ako no'n at kumain ng kaniyang binigay. Gusto ko ang itlog maalat, bihira nga lang din namin maging ulam dahil 'yong panahon ngayon ang presyo ng kamatis ay tumataas.



To: Neighbor

Tnxx sa fud. Busog na q. Pero kung d pa kau kumakain bka magtaka si tita lolita bat kumonti ulam nyo?



Matagal bago pa siya nagreply no'n. Marahil ay kumakain nga. Hinintay ko ang reply niya. Pumasok ako sa kwarto at nagbasa ng lecture namin sa physics. Ito ang subject na medyo mahina ako.



From: Neighbor

Ok lng yon! Madmi maglu2 si nanay q! Retired kagawad sya db? Buong brgy pinapakain non dati!

To: Neighbor

Kahit na. Naka2hiya e.

From: Neighbor

Masanay ka na! Magi2ng nanay mo rin nmn sya sa future XD

To: Neighbor

Baliw! Gudnyt na!



Inilagay ko na ang cellphone ko sa ilalim ng aking unan at natulog nang may ngiti sa labi dahil sa future na iniimagine ni sebastian sa aming dalawa. Maaga pa ako gigising bukas para mag-ayos dahil alam kong sabay na naman kami ni sebastian papasok sa school.

•••

Malapit na ang First grading exam. Ibigsabihin no'n malapit na rin ang pasahan ng mga portfolio sa halos lahat ng subject. Mga compilation ng mga quizzes, long test, at activities sa isang folder. Pagandahan na naman ng mga portfolio na wala akong laban dahil hindi naman ako very artistic pagdating sa D.I.Y, wala ring oras si mama para asikasuhin ang akin dahil may dalawa pa akong kapatid na uunahin niyang tulungan. Buti pa portfolio ni sebastian maayos tignan kaysa akin. Ka-level ko si ricky sa mga ganito...dikit lang sa bond paper ta's kaunting sulat ayos na basta may maipasa...parang hindi nga raw babae gumawa sabi no'ng mga dati kong teacher.

"Akin na bebe loves, i-lettering ko front page mo." ani sebastian, nakatabi na naman sa akin.

MAPEH time at Art ang subject namin for this week. Pasahan ng portfolio sa Art. Kinuha ni sebastian iyong akin, nanghiram ng pentel pen at pastel kay susana. Niletteringan ang front page ng portfolio ko na halos may kaunting hawig sakaniya.

"Ang galing, ha? Salamat." wika ko pagkabigay niya no'ng matapos.

"No big deal, bebe loves. Sabihan mo lang ako, gagawin ko 'yan." nakangiti niyang sabi.

"Sabi mo 'yan, ah."

"Oo nga!"

Tapos tahimik na ulit. Busy na ako sa pagdidikit ng mga activities ko sa bond paper. Paste ang gamit kong pangdikit dahil nahihiya akong manghiram ng glue kay susana at zenaida lalo na't ginagamit nila. Si sebastian ang bumili, nilibre niya na ako kahit sinabi ko na 'wag na dahil limang piso lang naman pero pinilit niya pa rin. Hindi ko alam kung itong mga pinaggagawa niya ay isusumbat niya sa akin sa mga susunod na araw?

"Bebe loves, may tanong ako..." aniya.

Busy rin siya sa pagdidikit ng mga activities niya.

"Ano 'yon?"

"Kung ang mga ibon na lumilipad ay mahal ng Diyos...paano naman ang mga penguin?"

Napatigil ako sa tanong niyang iyon. Napaisip din bigla ng malala na pawang ang tanong na iyon ay kapag nasagot ko ay magbabago na ang pananaw ko sa lahat!

"Pati manok?" dugtong niya pa.

"Kailangan ko ba talagang sagutin 'yang tanong mo?"

"Huh? Hindi pa ako nagtatanong."

"Huh?"

Tapos tumawa siya ng malakas...hininaan niya no'ng mapansin niyang nandito pa rin si ma'am sa room.

"Joke lang 'yon. Ang seryoso mo naman bebe loves hahaha! Nag-iisip ka ng sagot noh?"

"Napaisip din kasi ako, eh."

"Huwag ka na mag-isip, go with the flow na lang."

"Kaya ka laging napapahamak kaka-go with the flow mo, eh."

"Ano ka ba, may kasabihan nga 'di ba...when things get worse, drink redhorse hahaha!"

Napatingin na lang ako sakaniya ng masama kaso busy siya sa ginagawa niya.

"Kakasama mo kala kuya noy talaga..."

"Ano ka ba para ka talagang nanay ko, hindi naman 'yon masama hahaha!"

"Ewan sa'yo."

Tapos tahimik na naman ulit. Walang kibuan. Si ma'am MAPEH lumabas muna at hinayaan kami sa aming ginagawa.

Nabigla ako no'ng may nagsalpak ng earphone sa kanan kong tainga. Napatingin ako sa aking katabi, tapos na siya sa kaniyang ginagawa at seryosong nakatapat sakaniyang cellphone. Maya-maya nagsimula na ang kanta. Bahagyang lumapit siya sa akin upang hindi mahila ang earphone na suot naming dalawa. Nakasandal siya sa may gilid ng arm chair ko...nakapangalumbaba habang pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa aking portfolio.

Tahimik lang ako ngunit ninanamnam ko ang bawat lyrics sa awitin ng eheads na kapangalan ko ang title. Tahimik naming pinapakinggan ito. Ninanamnam ko ang sandali na tila ba kaming dalawa lang sa classroom at walang nakatingin. Walang ibang tao kundi kaming dalawa lang. Ito 'yong sandali na gusto kong maramdaman palagi kahit napakabihira mangyari.

Naramdaman ko ang pagdikit ng kaniyang balat sa aking braso. May kuryenteng dumaloy mula sakaniya patungo sa kalooblooban ko! May spark akong naramdaman! Siya rin kaya? Naramdaman din niya ba iyon?

"Ang sweet naman! Ayieee!" biglang sulpot ni oneil sa harapan ko. "Kayo na ba?"

Binigyan ko lang siya ng matalas na tingin. Natawa siya tapos nakipagkwentuhan na kay zenaida. Hindi na kami inistorbo pa sa moment namin na iyon.

Kasabay ng pagtapos ng kanta ay siyang pag-inat ni sebastian. Dahan-dahan niyang tinanggal ang nakasalpak na earphone sa aking tainga. Tumayo siya sa pagkakaupo bitbit ang kaniyang portfolio at mga gamit.

"Ricky! Tara sa canteen?!" bulyaw niya no'ng makatayo.

Hinarang pa siya no'n ni oneil sa gitna pero biniro niya ito ng akmang hahalikan sa pisngi pero iyong biro na 'yon ay sinabayan din ni oneil.

"Gagu ka hahahaha!" ani sebastian at inurong na si oneil para makadaan siya palabas.

"Grabe ka lance! Sa harap pa talaga ni ligaya?" sabi ni oneil kaya lalong natawa si sebastian.

"Huwag ka magselos behh, ako talaga una ni lance." pagbibiro ni oneil habang paupo sa pwestong inalisan ni sebastian.

"Baliw!"

"So, ano na status niyo ba? Huh?" tanong ni susana.

"Wala..."

"Luh? Ano 'yong nakita ko? As a friend? Gaga!" sabi ni oneil.

Iyong boses nila ay mahina lang tipong kami lang makakarinig.

"Bahala kayo r'yan..." sabi ko.

"Hindi ba talaga nanliligaw sa'yo 'yon? Palaging nakatabi sa'yo, eh, ang sweet pa niya sa'yo." tanong ni susana.

Ngumiwi lamang ako.

"Ay nako malalaki na kayo! Kung ano man 'yan, kung pa lowkey-lowkey nais niyo, o pasecret secret pa 'yan, malalaman at malalaman pa rin ng mga chismosa 'yan." sabi ni oneil.

Napanguso na lamang ako habang nakatingin sa aking portfolio. Paano naman magiging kami kung hindi naman siya nanliligaw ng maayos at hindi niya rin ako tinatanong? Setyembre na pero pinapakita lang niya puro bare minimum! Hindi naman masama na maging pabebe kahit na gusto ko siya, eh? Babae rin ako kahit papaano. Hindi rin ako ang unang gagalaw sa baso...dapat siya!

•••

Unang week ng september, dalawang araw ro'n ang exam. Alas syete ang pasok, alas dose ang uwian. Maliit na bag ang bitbit ng karamihan iyong iba tulad ng samahan ni sebastian ay pad paper lang tsaka ballpen ang dala.

"Bebe loves, good luck sa test, ha? Galingan mo!" aniya na may pagtapik pa sa braso ko bago umalis sa tabi ko.

Sabi niya magpapahangin lang ta's maya-maya nakikishare na ng notebook sa akin dahil magrereview rin daw siya...pinahiram ko ng notebook ko, naki-share ako kay susana. Ayokong mapag-usapan sa room. Pakiramdam ko ay may kung ano-anong kwento na ang umiikot tungkol sa akin pero hindi ko lang nasasaktuhan na mahuli.

Inayos ang mga upuan, isang balikat ang agwat na distansya. Ibang teacher ang bantay sa amin, third year teacher. Alphabetically arrange ang seating arrangement...nasa bandang unahan ako.

Tahimik ang room no'ng nagsimula ng ipasa ang test questionnaire. Kapag nauna kang matapos pwede mo na ipasa sa harap at hintayin ng tahimik matapos ang iba. First exam subject ay Math, kinagulat ko na naunang matapos si sebastian dahil nagpasa na siya agad. Hindi lang naman ako ang nagulat kundi karamihan din sa amin. Sumensyas pa siya na basic lang...pero duda ako ro'n. Alam kong hinulaan niya lang halos ang sagot niya ro'n.

Tahimik ang buong period 'gang magrecess.

"Anong sagot mo sa physics, number thirty five! Iyong which of the following force done in a moving particle gano'n?" bungad na tanong ni susana sa akin pagkalapit.

"Hindi nga rin ako sure, eh, pero conservative energy sagot ko yata?"

Masayang hinampas hampas ni susana ang kamay ko.

"Pareho tayo! Okay, tama 'yon!" aniya.

"Hala! Conservative ba? Kinetic yata sinagot ko ro'n!" sabi ni zenaida.

"Luh? Ako nga kung ano lang tumigil sa emie nimi mini mo ko ayon na sinagot ko, eh!" sabi ni oneil. "Osya! Tara na kain na us!"

Magkakaakbay kaming apat na tinungo ang canteen. Sa may kabilang pintuan nakita ko sila sebastian, ricky, ismael, prynce, juanito, at si donna na nagkakatuwaan. Magkatabi pa si donna at sebastian, halatang halata si ate mo girl! Naiinis ako sa aking nakikita! Lumalaban talaga siya at ayaw magpatalo!

"Anong bibilhin niyo?" tanong ni zenaida no'ng makapasok kami sa loob.

"Sopas soup ngayon 'di ba?"

"Oo nga pala! Okay, sopas tayong apat!" sabi ni susana.

Si oneil ang pumila, abang kami sa gilid. No'ng makuha na namin ang aming binili, naglakad na agad kami palabas ng canteen. Tinungo namin ang room at sa pwesto ko muna sila tumambay.

Pumasok si donna sa room kasama ang mga grupo nila sebastian. Nangamusta siya at ngumiti sa akin, nginitian ko rin pabalik pero hindi kami nag-usap. Hindi kami nag-uusap sa school kundi sa text lang.

"Mamaya pala pumunta kayo sa bahay..." sabi ni zenaida.

"Bakit? Anong mayroon?"

"Anong bakit? Gaga! Birthday niya ngayon!" sabi ni oneil.

Muntik pa akong mabilaukan no'ng malaman iyon.

"Hala! Nakalimutan ko beh! Sorry!" agad naman akong tumayo sa pagkakaupo ko at niyakap si zenaida, nagbeso beso pa kami. "Happy birthday beh!"

"Salamat! Mamaya ha? Mga one siguro? Sabay sabay na kayong tatlo, ha?"

"Kami lang ba invited?"

"Hmm, ayoko kasi ng marami..."

"Sige sige, mamaya." mahigpit ngunit malambing kong hinawakan ang kamay ni zenaida.

Na-guilty ako ro'n dahil sa tuwing birthday ko nauuna siyang bumati sa akin, sinasakto niyang alas dose ng madaling araw. Ta's mahilig pa siya magbigay ng birthday cards. Sixteen na siya, espasyal na edad din daw 'yon para sa mga babae, pero wala man lang akong regalo!

Magkakasabay kaming apat na umuwi. Pagkarating ko sa lugar namin, akala ko may tatlong binata na naman ang nakatambay sa tindahan at umiinom ng RC maliit...pero wala. Wala sila ro'n ngayon.

"Hindi pa nakakauwi?" tanong ko sa aking sarili.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad ng may bahid na pag-aalala. Nilabas ko ang aking cellphone at nagsimula ng magtype ng text message.



To: Neighbor

Nasan kau? D q kau naabutan sa tindahan ah?



Kaso binura ko ito at hindi na pinagpatuloy ang balak. Binalik ko sa aking bulsa ang cellphone at napahawak na lamang sa strap ng bag ko.

Bakit ko naman tatanungin siya ng gano'n? Ano ba kami? Wala naman! Anong pake ko kung nasaan siya ngayon? Baka isipin niya pa na inaabangan ko ang paghihintay nila ro'n sa tindahan. Hay nako. Ayaw ko talaga sa mga araw na ganito. Kung saan literal na nararamdaman ko ang bawat milya sa pagitan ko at niya.

•••

TBC

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro