Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 15

Agosto ko'y ikaw

•••

Normal na umaga pero may kaunting bahid ng sabik sa pagkikitang muli naming apat na magkakaibigan. Isang linggo rin kami hindi nagkausap ng harap harapan kundi text text lang. Pero sa pagbalik ng klase ay siya ring balik sa mga gawain bilang mag-aaral. Nagkaroon ng surprise quiz si ma'am economics tungkol sa lesson niya last time. Kaniya kaniyang hingian ng papel, ako, nanghihingi ako kay zenaida o kay susana. Sila sebastian manghihingi ng one whole kay juanito at hahatiin iyon sa apat. Tutupiin sa apat ta's lalawayan ng kaunti ni sebastian gamit ang kaniyang dila upang mapunit agad. Napapansin ko parati iyon dahil medyo tanaw ko ang pwesto niya tuwing eco...pinuwesto siya malapit sa harapan dahil pasaway nga siya.

"Okay, pass your paper sa front!" bulyaw ni ma'am.

Nagpasa lahat. Ang checking ay by row depende sa pagcollect ni ma'am ng papel at kung kaninong row niya ito ipapalit. Coincidentally...na bihira lang mangyari...sa akin napunta iyong papel ni sebastian. Kumpleto ang sagot niya, one to ten. Nilagay ko sa corrected by ay smiling face lang. Hinintay ang pagbanggit ni ma'am sa mga tamang sagot...nagtatawag pa nga siya ng pangalan. Ilang number na ang lumagpas at wala pa rin siyang tamang sagot...ni-isa wala pa.

"Who build the great wall of china?" bigkas na tanong ni ma'am at nagtawag ng pangalan ng sasagot sa huling tanong.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sagot ni sebastian o hindi...halos bonus question na nga lang ito dahil natalakay na ito ng ilang beses last school year.


10. Chinese people


"Emperor Qin Shi Huang..." ang tamang sagot.

Mali ang sagot ni sebastian pero chineck ko pa rin. Palihim kong pinalitan ang sagot niya ng tamang sagot.

"Hay nako...one over ten." mahina kong sambit habang sinusulat ang score niya sa upper right corner ng papel.

Tapos sa bandang ibaba ng aking corrected by na pinaikling cby ay may iniwan akong comment.


cby: :)

Mag aral ka naman!



Tapos ipinasa na ang papel sa harap. Binanggit ni ma'am ang mga score bago ibalik sa may-ari...naka eight over ten ako.

"Lance Jimenez! One over ten! Palakpakan natin!" bulyaw ni ma'am.

Nagpalakpakan naman kami. Nahihiyang kinuha ni sebastian iyong papel niya kay ma'am.

"Mag-aral ka raw ng mabuti!" sambit ni ma'am.

"Hahaha sige po ma'am," may pagkamot pa sa batok na sabi ni sebastian.

Nagpatuloy ang klase. Naglecture si ma'am. Ang pinaka nakakaantok na subject para sa akin ay economics talaga. Tila ba ito ang weak subject ko. Hindi ko siya maappreciate.

"Huy, beh," palihim na pagsiko ni susana sa akin.

"Bakit?"

"Kanina ko pa 'to napapansin..."

"Iyong ano?"

"Si lance..." lumapit pa siya sa akin ng kaunti upang marinig iyong bulong niya. " Kanina pa siya nakatingin sa'yo na parang tanga..." may ngiti sa labi niya no'ng sinabi iyon.

Gamit ang kaniyang nguso, tinuro niya ang pwesto ni sebastian. Tumingin ako sa gawi na iyon. Nakita ko si sebastian na nakapangalumbaba habang nakatingin sa akin...hindi nakikinig kay ma'am. Parang magkaka-stiff neck sa pagkakalingon at no'ng makita akong nakatingin sakaniya ay ngumiti ng malapad hanggang sumingkit ang mata kahit hindi naman siya singkit.

"Papansin lang 'yan..."sabi ko sa aking katabi at agad inilipat ang aking tingin kay ma'am.

"Baka may gusto sa'yo?"

"Pffft!"

Kitang kita ko pa rin sa peripheral vision ko ang kupal na nakatingin sa akin. Hindi niya lang alam ang epekto nito sa puso ko. Boang! Windang! Tuliro sa sandali na ito! Mga kwitis na...hindi pala kwitis kundi pla-pla na ang pumuputok sa puso ko! Kalma, ligaya! Nagpapapansin lang siya! Bored lang 'yan tapos ikaw ang trip!

Napasulyap ulit ako sakaniyang gawi, nakatingin pa rin siya sa akin, kumindat ng mabilis at mabilis din akong lumayo ng tingin...mabilis din ang tibok ng puso ko. Sinulyapan ko ulit siya ngunit sa may pintuan na siya nakadungaw.

Hindi ko na maintindihan iyong sinasabi ni ma'am sa harapan. Nawala na ang isip ko sa klase...lumilipad na ang isipan ko sa mga titig niya kanina. Boang! Kung alam niya lang na gusto ko rin siya ay tapos na sana ang pagpapakipot na ito. Kung may magsabi lang sana sakaniya baka tanungin na niya ako ng maayos kasi sasagutin ko rin naman siya!

"May crush ka ba kay lance, ligaya?" biglang tanong ni susana, mahina lamang parang bulong,

Napatingin ako sakaniya.

"Bakit?"

"Wala lang...so...mayroon?"

Napatingin na ulit ako kay ma'am, napangalumbaba na ako.

"Ewan."

"Ewan means yes."

Hindi na lang ako nagsalita,

"Silence means yes din." aniya.

Hindi ko na lang siya pinansin. Narinig ko ang mahina niyang tawa kaya napaside eye ako sakaniya, nagsusulat na siya sa likod ng kaniyang notebook ng kung ano ano.

"Gusto mo siya, noh?" halos pabulong niya pa ring sambit.

Nagkibit balikat lamang ako. Tapos maya-maya kinalabit niya ako at may palihim siyang inaabot na sulat sa akin, pinilas na papel mula sakaniyang notebook.


Hindi ko sasabihin. Promise! ;)


Hindi ako nagpakita ng reaksyon. Dahan dahan kong ibinalik ang papel sa kaniyang tupi at ibinulsa iyon.

P.E time. Kakabalik lang namin ng room nila susana at zenaida galing cr upang magpalit ng uniporme. Maayos kong itinupi ang uniform ko at ipinatong ito sa aking arm chair. Kinuha ko ang maliit kong suklay sa aking bag, kinuha ko rin ang aking manipis na kulay itim na tali na ginagawa kong bracelet, kinagat ko ang dulo nito, tapos nagsuklay na ako ng buhok.

Habang nagtatali ng buhok napasulyap ako sa gawi nila sebastian...nakatingin na naman siya sa akin habang itinatali ni ismael iyong pulang scarf sakaniyang braso. Kumindat na naman siya. Agad akong napatingin sa iba. Hinigpitan ko ang pagkakatali ko ng pusod sa aking buhok, may kaunti sa side bangs ko ang naiwan.

Pumanta kami sa quadrangle lahat. Pila ulit by height, boy and girls. Katapat ko na naman si sebastian. Tinuro sa amin ni ma'am ang steps ng wellness dance. Tawang tawa kami dahil masyadong pambata.

"Dapat kabisaduhin ito! At may contest na mangyayari! Makinig muna kayong lahat, lumapit muna kayo rito!" bulyaw ni ma'am.

Nagkaniya kaniya ng upo ang lahat. Katabi ko si oneil.

"Starting next week, saturday, magkakaroon kayo ng C.A.T! Ano ang C.A.T?" ani ma'am.

Nagtaas ng kamay iyong kaklase namin na si jimmy,

"Citizen Army Training." sagot niya.

"Oh! Tama nandito pala si jimmy, isang ROTC officer ng school! Sergeant ka na 'di ba?"

"Yes, ma'am."

Si jimmy na palaging inaasar nila sebastian. Mula first year nag apply na siya for ROTC kaya gano'n ang kulay ng balat niya...bilad kasi raw sa araw during training.

"Ayan, sila jimmy and iyong iba pang officers ang maghahandle sa inyo. They will train you for at least eight saturdays? Tama ba?"

"Yes, ma'am."

"C.A.T is mandatory! Kasama iyon sa grade for MAPEH! That is every saturday, seven a.m! May waiver na need ipapirma sa magulang, ibibigay ko mamaya. But for now, back in line! Another practice let's go!" tapos limang bagsak ng palakpak nakabalik na kami sa aming mga pila.

"Magiging isang araw na lang walang pasok natin! Ahhh!" ani oneil.

Naglalakad na kami pabalik ng room. Nakakapit ako sa braso ni zenaida, si oneil naman kay susana.

"Ano ka ba, beh! Isipin mo na lang may baon ka ng sabado!" sabi ni zenaida.

"Ayy oo nga noh!"

Okay lang naman magkaroon ako ng saturday class...babalik na sa trabaho si papa. Medyo kaya na.

Pagkabalik namin sa aming room, karamihan ng mga lalaki ay hindi na nagpapalit ng p.e to uniform. Kami naman magkakaibigan ay doon na lang sa room nagpalit kagaya ng iba. Medyo mapanghi kasi ang cr ng girls. Tinanggal ko ang aking rubber shoes na minana ko pa sa kapatid ni mama, nakamedyas lamang ako, sinuot ko ang aking palda at dahan dahan hinila pababa ang suot kong jogging pants. Okay lang naman dahil nakacycling ako. Hindi na ako nagpalit ng t-shirt...kaming tatlo hindi na...at iyong iba. Si Arlene lang iyong masyadong masunurin na talagang nagpapalit from p.e uniform to school uniform na para bang nasa private school siya...wala naman pake ang mga teacher namin madalas sa ganito.

"Bebe loves!" napalingon ako agad.

"What?"

"Ayy taray! Inglesera ka na? Wow! Kapag lasing lang ako nag iingles, eh!"

"Ano 'yon? Nandito ka na naman. Wala ka bang sariling upuan?"

"Mayroon, kaso hindi ba puwede rito? Iyo ba 'tong extra seat? May pangalan mo?"

"Ano ka ba, lance? Crush mo ba si ligaya? Para kang buntot niya!" ani zenaida.

"Huy, bunganga nito, bebe loves kailan mo ba 'ko sasagutin? Ayaw mo yata, eh?" natatawa niyang sambit.

Pinaglalaruan na naman niya ako! Kainis!

"Bakit? Nanliligaw ka ba?" tanong ni susana nakangiti.

"Uso pa ba 'yon? Sa section bonifacio lang uso 'yon, eh! Hahaha iyong may pa-effort effort!" sagot ng kupal.

Tumingin si sebastian sa akin, nakaupo na ako sa aking pwesto at naglalaro ng 2048 sa hiniram kong cellphone ni zenaida dahil palihim akong nagchacharge sa may gilid.

"Gusto mo ba ng gano'n, bebe loves? Iyong kita ng lahat dito sa school? Iyong pasikat?" tanong ni sebastian.

"Pinagsasabi ng demonyong ito?" masamang pagtingin ko sakaniya.

Natawa lang siya habang umuupo sa extra seat sa bandang dulo na katabi ko.

"Huy, bawal magcharge rito..." aniya.

"Pake mo?"

"Ang maldita mo sa'kin ta's minsan mabait ka? Parang malambing pa? Nililito mo ako, ligaya, para kang mixed signal...pero hayaan mo na, paborito ko naman halo-halo, eh, hahahaha!"

Look who's talking?! Ako pa? Ako pa ang mixed signal sa amin? Sino kaya? Ang kapal talaga ng mukha nito! Kung alam lang niya nararamdaman ko sa tuwing pinaglalaruan niya ako!

"May saltik ka na naman sa ulo, sebastian. Hindi biogesic gamot diyan, ha?"

"Alam niyo para kayong aso't pusa! Bagay kayo!" sabik na sabi ni oneil, napangiwi lang ako.

Siniko ako ni sebastian ng mahina. "Rinig mo 'yon, bebe loves? Bagay raw tayo? Hahaha!"

Nag roll eyes lang ako at ngumiwi...pero deep inside...gustong gusto ko iyong idea na 'yon. Matagal na!

Buong klase ay tumabi si sebastian. Nagpapaunahan pa nga sila ni oneil sa extrang upuan na iyon na palaging si sebastian ang nauuna. Hindi ko alam sa lalaking ito...ano ba ang nangyayari sakaniya. Sila zenaida at oneil nagtataka na rin at panay tanong sakaniya kagaya ng paulit ulit nilang tanong.

"Beh! Gusto ka niyan ni sebastian, sinasabi ko sa'yo." bulong na sabi ni zenaida.

"Ewan ko."

Cleaners ang row namin tuwing thursday, nakatoka ako palagi sa may board, tagabura. Nagwawalis si zenaida sa harap pero sinasabayan ng tsismis.

"Ikaw lang may call sign sakaniya. Sa'yo parati tumatabi. Minsan nakatingin sa'yo hindi mo yata napapansin?"

"Tapusin mo na 'yan para makauwi na tayo agad...baka abutan pa tayo ng mga third year dito."

"Pero kapag niligawan ka niya? Sasagutin mo?"

Napabuntong hininga ako, Natural! Ilang taon kong hinintay 'to, eh!

"Hindi ko alam." tangi kong sinagot.

"Feeling ko si lance 'yong tipo na hindi publicly open...iyong kagaya ng ginawa ni justin kay arlene?"

"Paano mo naman nasabi 'yon?"

Nagkibit balikat siya. "Sa tingin ko lang...kasi wala ka naman nabalitaan ni-isa na naging girlfriend niya rito sa school, 'di ba? Wala rin siyang nilalandi sa ibang section? Actually, ikaw nga lang, eh. Iba siya sa'yo...hindi mo ba napapansin 'yon? Sabagay...magkababata nga pala kayo..."

"Ano ka ba...ano kinalaman na magkababata kami? Pffft, hindi ko alam tinutukoy mo."

Lumapit siya sa akin, sobrang lapit, parang malupitang sikreto ang ibig niyang sabihin sa'kin.

"Ang manhid mo naman beh! Hahaha! Hindi mo talaga nakikita o napapansin, huh? Kung paano ka niya tignan ay hindi kagaya ng tingin niya sa ibang babae! Pero anyways, baka talaga nililigawan ka niya na hindi mo sa amin sinasabi, ha?"

Mahina ko siyang itinulak,

"Magwalis ka na! Anong oras na beh!" bulyaw ko na kaniya namang tinawanan.

Naglakad lang ako pauwi, malapit na ako sa looban no'ng makita ko iyong tatlo na nakatambay pa sa tindahan at umiinom ng RC maliit.

"Ngayon ka lang bebe loves?" sambit no'ng paborito kong kumag.

"Nakita mo na ngang ngayon lang nagtanong ka pa?" pagtataray ko at tuloy tuloy sa paglalakad, hindi sila pinapansin.

"Ang suplada...pasuplada ng pasuplada 'yan si ligaya araw-araw, noh?" rinig kong sambit ni ricky.

"Dapat kay sebastian lang, eh? Pati tayong dalawa damay. Labo!" rinig kong sabi ni ismael.

Rinig ko rin ang tawanan nila.

•••

Nagpatuloy ang pagsabay sabay ni sebastian sa akin tuwing umaga kahit na sinasabihan ko na ayoko ay matigas pa rin talaga ang ulo niya. Pero tuwing uwian, kasabay niya ang dalawa ta's palagi ko silang naaabutan sa labas...sa may tindahan.

Minsan, kapag recess, binibigyan niya ako ng fudgee bar. Malaking bagay iyon sa akin dahil minsan wala akong baon, o nag-iipon ako just in case na may bayaran na malaki lalo na't fourth year high school na ako at alam kong may mga biglaang projects na kailangan ipasa kaagad.

Panay pa rin ang sali ko sa mga tugsay at jingle rap. Tuwing may practice nakikita namin ang tatlo na nagbibisikleta...dinadayo kami. Sila ang tagabili namin ng meryenda, ambagan kami pero palihim na sinasabi ni sebastian sa akin na sagot niya na ang meryenda ko.


From: Neighbor

San praktis nyo bebe luvs?

To: Neighbor

Tabing ilog.



From: Neighbor

San praktis nyo today bebe luvs?

To: Neighbor

Sa tapat ng munisipyo.



At hindi ko naman alam na pupunta pala siya sa tuwing sinasagot ko ang tanong niyang iyon. Ang weird niya! Pero hindi ko maipakita sakaniya ang kilig ko! Wala akong masabihan! Feeling ko nakakahiya dahil alam nila na strong ang image ko! Na hindi ako madaling mahulog sa ganitong mga eksena!

Sumapit ang saturday class. Kasabay ko ang tatlo...nagtricycle kami...sumakay kami sa papa ni sebastian. Pinanood pa ako ni papa no'n makaalis sa amin ng may ngiti. Seven am to twelve noon lang naman ang klase namin. Required na uniform ay ang P.E uniform. May binebenta naman na C.A.T t-shirt sa may mapeh department kaso bilang sa mga daliri sa section namin ang hindi umorder...kasali ako ro'n.

Kilala nila ricky ang mentor namin. Si Corporal Donna, taga section rizal...section one. Naka ROTC uniform ito. Kung tumindig ay parang sundalo. Ang seating arrangement namin ay hiwalay ang lalaki sa babae, by alphabetical order. Cadet ang tawag sa amin mga baguhan. Hindi ko gets kung bakit need pa namin ito matutunan? Kailangan ba 'to sa college?

Umpisa pa lang...ang boses niya'y malakas at matapang, pero halata ang pagkadalaga. Nagpakilala siya sa harapan ta's nagroll call gamit ang master list niya. Pagkatapos no'n ay nagsulat na siya sa board, nagsulat kami sa papel. Tahimik ang lahat, sumusunod sa sinasabi.

"Pagkatapos niyo magsulat, magbbreak muna ng twenty minutes tapos magsisimula na tayo sa lecture."

Break time, agad na naglapitan sila sebastian kay donna. Silang mga tropa niya kinausap siya. Halata ang closeness. Hindi ko alam kung saan sila nagkakilala. Lumabas na lamang ako ng classroom at sinamahan ang tatlo na bumili ng pagkain sa canteen.

"Buti na lang wala 'yong malditang tindera ng shake ngayon..." sabi ni oneil na tinutukoy ay iyong isang tindera na napakasungit sa mga estudyante na akala mo'y kasarapan ang tindang shake na powdered lang naman!

"Sabi ng kuya ko, ang C.A.T daw more on physical training." sabi ni zenaida.

Nakapila na kami sa hilera ng hotdog sandwich.

"Mga squats daw gano'n? Tapos unity?" pagpapatuloy niya.

"Kilala raw nila ricky 'yong trainer natin, eh. Tropa raw nila." sabi ni susana,

"Paano mo naman nalaman 'yan?" tanong ko.

"Sabi ni ricky kaninang umaga...nagchichikahan kami kanina sa labas! Nakilala nila 'yon sa isang mutual friend daw? Tapos sabi ni prince, may crush daw 'yon kay lance dati pa! Textmate raw 'yong dalawa rati kaso hindi yata siya trip ni lance hahahaha! Hanggang ngayon may crush pa raw!" pabulong na sagot ni susana.

"Chismosa ka talaga beh!" sabi ni oneil.

"Chismis ang lumalapit sa'kin, mare!"

"Hala, ligaya, baka agawin pa bebe loves mo niyan? Hahaha!" ani susana.

"Tsss! Pake ko sa dalawang 'yon?"

Subukan lang niya! Ilang taon ako naghintay na mabaliw sa'kin ang kupal na 'yon! Huwag niya ng tangkain!

Bumalik kami sa room, nandoon iyong corporal namin sa harapan, nandoon din ang kupal kasama ang tropa niya. May kinakain na burger si donna, iyong sila sebastian dumadakot sa baon ni prince na malaking Nova.

Pinagilid niya ang mga upuan kaninang umaga, kaya hinila ko ang isa at tinapat iyon sa kung saan nakatutok ang wall fan. Sinamahan naman ako nila susana, zenaida, at oneil. Si zenaida nagpipicture picture pa nga, nauuso na kasi ang facebook dahil sa access nito sa mga cellphone. Pero pinopost lang nila ito sa group page namin na Ready To Go BurGoes.

"Ayan, si ligaya! Bebe loves ni lance 'yan, eh!" bulyaw ni ricky.

Kinabahan ako. Parang gusto pa kami pag-awayin, ah? Nakaupo lang ako rito. Wala pa akong ginagawa!

"Bebe loves?" rinig kong sabi no'ng donna.

"Ligaya!" tawag ni ricky. "Maria Ligaya!"

Alam niyang ayokong tinatawag ako sa buong pangalan ko, eh!

"Bakit?!" hindi ako tumingi sakanila.

"Si Donna nga pala!" pagkasabi niya no'n ay doon na ako lumingon.

Nginitian ko ang dalaga, ngumiti rin siya, singkit ang mata. Siopao ang pisngi na medyo namumula dahil sa mga tigyawat. Nakadekwatro ang upo, naka puting t-shirt na lamang siya at nakatuck in iyon sa pants niyang pangsundalo. Sapatos niya'y pang sundalo.

"Hi po." bati ko.

"Hello, ligaya?"

Tumango tango ako atsaka lumayo na ng tingin. Inayos na ang aking upo.

"Girlfriend mo, lance?" rinig kong tanong ni donna.

Bigla akong kinabahan sa tanong na iyon...

"Pffft! Hindi." rinig kong sagot ni sebastian.

Parang taglagas sa puso ko dahil ramdam ko ang pagpigtal nito sa kung saan man ito nakabunga.

Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi ko pinansin si sebastian. Isang linggo!

Paulit ulit na lang! Palagi niya akong pinaglalaruan! Nakakainis!



From: Neighbor

Anniversary ng TENDER JUICY HOTDOG NGAYON. Ipasa mo ito sa 10 tao bago magtapos ang araw, kung hindi, magiging hotdog ka! Wag kang tumawa yung tita ko hotdog na! Ayaw kita maging hotdog! Pls pass!



"Bahala ka sa buhay mo! Pampam!" sambit ko sa aking cellphone at nagtalukbong na ng kumot.

Palagi siya nagsesend ng mga GM na walang kwenta. Walang palya, araw-araw! Perfect attendance!

Tuwing umaga nagpapahatid na ako kay papa gamit ang bisikleta niya. Angkas niya ako sa likod. Ginawa ko iyon para lang hindi makasabay si sebastian sa school. Pagod na 'ko!

"Kanina ka pa tinitignan ni lance, beh." bulong ni susana.

"Hayaan mo 'yan. Baliw na 'yan, eh."

Nakuha kaagad ni oneil ang upuan sa tabi ko dahil pinaupo ko kaagad siya. Itinabi ko kaagad ang bag niya ro'n.

"Bakit? Anong ginawa sa'yo?" tanong ni oneil.

"Wala...papansin. GM ng GM parang tanga."

"Huh? Hindi pa nga ako nakakatanggap ng GM niya since...last week?" sabi ni susana.

Napatingin ako sakaniya na may bahid na pagtataka sa aking mukha.

"Weh?"

"Oo nga!"

"Same here! Ako rin, hindi pa." sabi ni oneil.

Gano'n din daw si zenaida. Pinakita ko sakanila ang GM niya sa akin no'ng mga nakaraan. Alam kong GM iyon dahil mayroon nakalagay sa ibaba. Pinakita rin nila ang last GM na natanggap nila kay sebastian, last week pa nga.

"Sa'yo lang pinapadaan ang GM na 'yan, beh." ani susana.

Bigla naman pasok ni ma'am mathematics sa klase kaya naputol ang aming pag-uusap.

Hindi ko na talaga alam...ang kumplikado ng love. Minsan, pinaparamdam niya sa akin na may pagkakataon talaga ako sa kaniya...na magugustuhan niya rin ako bukod sa kaibigan. Pero kapag sinusubukan kong kunin ang pagkakataong iyon, parang wala naman akong pag-asa. Umaasa lang ako. Ang hirap! Gulong gulo na ako!

"Our lesson for today is linear equation!" bulyaw ni ma'am.

Imbis na math ang tutukan ko...sa kaniya ako nakatutok. Nakasulyap ng palihim. Maya't maya ang tingin na sana'y mapansin.

Wala akong pake kung gaano pa ito kakumplikado, gusto pa rin kita.

•••

TBC.

AN:// Hello! How's the long weekend? Sana nag enjoy ka! I did, actually, nagpahinga ako hahaha! I enjoyed some weekend plans...kahit halos lahat 'yon ay staying at home dahil more on a home buddy ako. So anyways, I hope you did enjoy that short day off...as you should! Tandaan, magpahinga rin 'pag may time! Mwah mwah tsup tsup!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro