Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 14

Panata

•••

Napuyat ako whole night kakaisip sa sinabi ni sebastian. Hindi ko na nagawang replyan siya no'ng gabing iyon...hindi ko alam ang sasabihin. Ilag na ilag ako sakaniya buong isang linggo buti na lang walang pasok no'n dahil sa bagyo at pagbaha. Kahit pagsilip sa labas 'di ko makayanan gawin.

Linggo ng hapon, nagpapatulong si mama sa pagtinda ng ihaw-ihaw. Kalmado na ang langit, nakalabas na ng bansa ang bagyo. Nilamon na ng lupa ang tubig ulan. Madami ng bata ang muling naglalaro sa labas.

"Bebe loves, pabili po."  hindi ko siya tinignan, focus lang ako sa iniihaw kong isaw at bituka sa naunang customer.

"Lapag mo na lang dito, sa tabi." wika ko habang binibigyan ng espasyo iyong pinili niya.

"Tulungan na kita bebe loves? Tagapaypay?" aniya ta's lumapit sa tabi ko.

"Huwag ka na mangealam, maghintay ka na lang diyan."

"Gusto nga kita tulungan, eh."

"Hindi ko kailangan...hintayin mo na lang. Huwag kang makulit."

"Hoy sebastian!" sambit no'ng bumibiling isa na anak ni aling yoli na si pidol.

"Bakit pidol? May nang aaway ba sa'yo?" sabi no'ng katabi ko.

Kahit sinabi ko na huwag na tumulong ay hindi natinag. Pumunit ng karton na nakatabi sa ilalim na ginagawa ko rin pamaypay at iyon ang ginawang pamaypay niya.

"Gagu wala. Tahimik na buhay ko pre!" sabi ni pidol.

"Oh, bakit? Ikaw ba nauna sa'kin bumili rito? Bagal kasi ng tindera, eh, hahaha!"

Tinarayan ko lamang siya sa sinabi niyang iyon.

"Gagu hindi hahahaha baka sigawan ako niyan ni ligaya..."

"Bakit naman kita sisigawan, pidol? Boang ka na ba?"

"Kasi palagi mong sinisigawan si sebastian, eh? Who knows?"

"Gano'n lang siya magshow ng love sa'kin, pre! Dinadaan sa sigaw para rinig na rinig hahaha! Parang nanay ko nga, eh!" ani sebastian.

"Mas boang ka!" bulyaw ko sakaniya.

"Kitams?" aniya sa kausap niyang si pidol sabay turo sa'kin.

Inirapan ko na lamang siya at pinagpatuloy ang pag iihaw.

"Pinopormahan mo ba si ligaya, pre?" tanong ni pidol.

Hindi ko sila pinapansin pero makikinig ako!

"Ayaw pa nga ako sagutin, pre! Pa-hard to get ang bebe loves ko na 'to!" sabay pag-akbay sa'kin ni sebastian na agad ko naman tinaboy.

"Ano ba!" pagkainis ko.

"Inamo pre, ayaw niya yata sa'yo! Hahahaha! Huwag mo pilitin kasi!"

"Ayaw mo ba sa akin ligaya? Sabihin mo agad para itigil ko na 'to..." biglang seryosong sabi ni sebastian. May paawa effect sa mukha niya.

Kinabahan ako roon! Hindi ko alam kung seryoso ba siya o ano?!

"Ewan ko sa'yo." mahina kong sabi pero hindi ko pa rin siya tinitignan.

"Ang sweet niya, noh? Hahahaha!" ani sebastian at ako ang tinutukoy. "Joke lang, pre, tropa lang kami nito ni ligaya..." dugtong niya na nagpabigat sa paghinga ko.

"Oo nga pala! Birthday ko pala ngayon, pre! May handaan sa bahay, punta ka? Nandoon sila ricky, mael, at totoy. Ikaw rin ligaya kung gusto mo?" sabi ni pidol.

Tumanggi ako pero binati siya.

"Oh? Happy birthday, pre! Mabuhay ka hanggat kaya mo! Bakit bumibili ka pa ng ihaw? Wala yatang pagkain sainyo, eh! Lakas mag-aya pota!" sabi ni sebastian.

"Kingina, aayain ba kita kung wala? Atsaka may inuman do'n ngayon! Tia Maria's Zombie timpla ni ricky! Tara!"

Mga kaibigan talaga nito mga bad influence, eh! Syempre ang tanga hindi tatanggi.

"Tia Maria? Experiment ba ni ricky 'yan?" sabi ni kupal.

"Oo! Yabang nga, eh! Ano? Nagtext na ako sa'yo kanina 'di ka nagrereply! Sabi ni mael huwag na pilitin kung ayaw, eh!"

"Gagu! Lowbat cellphone ko, nakacharge sa bahay. Pag-isipan ko...baka pagalitan ako ni nanay, eh."

"Luh? Akala ko ba pasok sa kanan labas sa kaliwa lang 'yon? Tangina pre, nagbabago ka na ba? Hahahaha hindi na ba ikaw 'yong sebastian na nakilala ko?"

"Gagu! Hahahahaha!"

Tanga silang nagtawanan kahit wala naman nakakatawa.

Inihanda ko na ang binili ni pidol. Sinupot at nilagyan na rin ng timpladong sauce na nakabalot. Inabot ko ito sakaniya ng may kaunting inis na palihim.

"Tara na sebastian!" pagpupumilit ni pidol.

"Oo, sige, sunod ako!" sagot ng tanga.

"Sumunod ka, ha?!"

"Oo nga!"

Nakikita ko sa peripheral vision ko si sebastian na pinapanood ang pag-alis ng kaibigan niya. Tsss!

"Malapit na maluto 'yong iyo." sabi ko.

"Ano gusto mong take out, ligaya? Menudo kung mayroon? Spag? Dalhan kita!" aniya na masaya pa nga.

"Lahat ng handang mayroon, dalhan mo 'ko!"

"Luhh grabe ka naman bebe loves? PG ka hahaha!"

Hinampas ko siya ng malakas sa kaniyang braso.

"Pupunta ka lang kasi gusto mo uminom! Anak ka ba ni kuya pedring? Pangarap mo rin ang maging lasinggero, noh?"

"Hindi ko pangarap 'yon, noh! Grabe ka naman sa'kin? May braincells din ako kahit papaano noh! Hindi ako kagaya nila kuya pedring at kuya noy! Naturuan lang nila ako...mentor ko sila sa gano'n. Atsaka iinom at iinom ka rin naman daw pagtanda mo kaya mas mabuti na matuto ka habang bata ka pa para alam mo kung hanggang saan ang limits mo."

"Paniniwala 'yan, pang tanga, tsk! Nako sebastian sinasabi ko sa'yo, pagkakamali ang malulong sa masamang bisyo habang bata pa!"

"Ano ka ba, ang negative thinker mo naman? May kasabihan nga 'di ba, every mistakes can teach you how to dougie." natawa siya pagkasabi no'n.

Ngumiwi lang ako. Kawawa naman 'to. Hindi ko rin talaga maintindihan kung bakit sakaniya pa ako baliw na baliw? Hindi naman siya gano'n matipuno, hindi rin naman siya maginoo, macho, singkit, maputi, mayaman, mabait, matalino? Halos lahat ng iyon ay wala sakaniya! Pero heto ako, gagang gaga sakaniya na parang kinulam...na kahit sa mga mali niya ay tila tama sa paningin at pandinig ko!

Boang ako sakaniya! Hibang! Lakas ng tama!

No'ng maluto na iyong ihaw niya ay siyang pagraragasa niyang pag-alis papunta kala pidol. Taga dulo pa kasi iyon. Schoolmate rin namin at kababata. Taga kabilang section si pidol...iyon 'yong last week na nachismis sa school na nagbabaon daw ng alak. Hindi naman umabot ng guidance dahil chismis lang naman ng iba na kumalat lang.

"Mukhang masyado kayong nagkakamabutihan no'ng anak ni lolita, ha?" biglang sulpot ni papa na may bitbit na mga paninda ni mama.

Medyo hindi na namamaga ang paa niya at kahit papaano ay tumutulong kay mama para naman daw ay may magawa siya sa pamilya habang 'di makapasok ng trabaho niya.

"Luh? Hindi po, ah! Nambubwisit lang 'yon, eh. Alam mo po ba papa na iyon si sebastian ang pinaka magulo sa school? Kilala 'yon ng mga teacher sa school dahil sa mga kalokohan niya!"

"May gusto ka ba kay sebastian, ate?" ramdam ko ang pagngiti ni papa sa tonong iyon.

"Wala po, ah!" pagsisinungaling ko. "Friends lang kami no'n...ang bata bata pa namin, eh!"

"Ano naman masama sa crush, ate? Paghanga lang naman 'yon?"

"Kung may hahangaan man sa amin dalawa, ako 'yon. Dapat hangaan niya ako!"

Ang kupal palaging hangang hanga sa sarili niya! Kaimbyerna, eh!

"Hahahaha alam mo, ate, okay lang naman kung magkagusto ka sa isang lalaki basta ba huwag mo pababayaan ang pag-aaral mo. Hindi ka namin pinagbabawalan ng mama mo na umibig, darating ka rin naman sa gano'ng punto ng buhay mo na magmamahal ka bukod sa pamilya mo. Ang sa akin lang sana ay huwag ka maglihim, papa mo ako pero pwede mo rin ako maging kaibigan." nakangiti niyang sabi habang inaayos iyong mga paninda.

Pinapanood ko lang ang ginagawa niya habang panguso nguso dahil sa sinabi niya.

"Pa..." mahina at malumanay kong sambit.

"Hmm?"

Nakafocus pa rin siya sa ginagawa niya.

"Paano kung may isang lalaki na umamin sa'kin na crush niya raw ako? Ano gagawin ko?"

"Crush mo rin ba siya?"

Hindi ako sumagot. Nahihiya ako umamin. Natawa si papa at tinignan na ako sa mata. Lumapit at hinaplos ang ulo ko ng dahan dahan...bagay na gusto kong ginagawa niya kapag may nagawa akong kinatutuwa niya.

"Bata ka pa nga para malaman ang tunay na ibigsabihin ng pag-ibig...pero kailangan mong maramdaman iyon para maunawaan mo. Kung gusto mo rin siya, sige lang, ate. Pero paalala ko lang sa'yo, pag-aaral ang tututukan, ha? Huwag pababayaan. Pwede umibig, pwede rin mag-aral ng mabuti. Huwag lang muna mag-aasawa, ha? Iyon ang bata ka pa para gawin. Huwag tumulad sa amin ng mama mo, nag-asawa ng maaga kaya ganito buhay natin."

"Luhh, papa, grabe...asawa agad?"

Natawa lang siya at nag-ayos na ulit ng paninda. No'ng matapos siya ay bumalik ulit sa loob upang magtimpla ng kape para raw kay mama. Kung kagaya lang ni sebastian si papa siguro mas tanggap ko pa kung bakit ako magkakagusto sa kaniya.

"Ligaya!" biglang sambit ng nagbabalik na si sebastian.

Speaking of the devil...

May bitbit itong paper plate na puno ng mga iba't ibang handa galing birthday-han.

"Ano 'yan?" tanong ko.

"Sa'yo, take out mo galing kala pidol. Dinaig mo pa super meal sa jollibee niyan hahahaha!"

Inabot niya ang paper plate na puno ng pagkain na akin naman kinuha. Sa isang paper plate mayroon spaghetti, pancit, slice ng cake, isang slice ng pizza, isang stick ng ihaw na binili sa amin kanina ni pidol, menudo sa gitna, may biko, dalawang pirasong puto atsaka shanghai.

"Kinumpleto mo talaga 'yong handa nila, noh?" wika ko.

"Sabi mo, eh! Ano bang ayaw mo r'yan? Bigay mo na lang sa mga kapatid mo. Atsaka ito, oh!" pag-abot niya ng isang zest-o strawberry.

"Ano 'yong birthday celebration ni pidol, kids party? Zest-o talaga?"

"Inuwi ko lang 'yan, isa 'yan sa mga hinahalo sa tia maria's zombie!"

"Tia maria? Ano 'yon? Ang weird naman no'n..."

"Gin plus sprite plus zest-o strawberry! Pinaghalo halo 'yon! Ano 'yon, club drink daw. Nalaman ni ricky sa youtube tapos tinimpla ro'n."

"Maaadik ka talaga niyan sa alak, sebastian. Kayo ni ricky, magiging bisyo niyo talaga ang pag-inom, sinasabi ko sa'yo." pagpapaalala ko sakaniya na ilang beses na. "Salamat pala rito." dugtong ko patukoy sa binigay niya.

"Ayaw mo ba na umiinom ako? Hindi naman magiging bisyo 'yon, eh? Occasionally lang naman...kapag may birthday gano'n."

"Occasionally? Eh palagi nga kita nakikita na tumatagay kala kuya pedring tuwing gabi kapag may inuman session sila r'yan sa tapat nila."

"Respeto sa mga nakatatanda kasi tawag do'n. Kapag hindi ko tinanggap 'yong tagay nila parang hindi ko sila ginagalang."

"Katwiran mo bulok!"

"Bakit ka ba ganiyan? Hindi pa nga tayo pero pinagbabawal mo na ako agad uminom hmmp." ngumuso pa ang kupal.

"May saltik ka na sa ulo! Pinagsasabihan kita para sa ikabubuti mo! Hindi naman ako makikinabang niyan ikaw rin naman atsaka 'yong kalusugan mo! Atsaka may chismis kay pidol sa school...alam mo ba 'yon?"

"Syempre naman! Ang chismis ang kusang lumalapit sa'kin bebe loves!"

"So, totoo ba?" nakapameywang na ako.

Nakatayo pa rin siya sa harapan. Pinagigitnaan kami ng malaking mesa na pinapatungan ng aming paninda.

"Oo, totoo 'yon! Huwag ka na lang maingay, ha? Buti hindi umabot sa guidance 'yong balita na 'yon kundi yari siya! Tinatago niya 'yon sa tubigan niya, eh! Gawang metal kasi tapos hindi kita iyong laman sa loob. No'ng una nga sabi niya C2 lang 'yon tapos pagtikim namin, shet! Red horse! Tumpak! Hindi kami pwede magkamali sa lasa no'n! Gagu 'yon, eh, hahaha! Kapag recess may abutan ng tagay sa kabilang section na nagaganap once a month hahahaha! Tapos may nakaready na snowbear pagkatapos hahahaha!"

"Tapos hinayaan mo lang 'yon na mangyari?"

"Syempre...kung hindi baka suspended na 'yon si pidol. Nayari pa 'yon sa mama niya. Earthquake nga pangalan ng mama niya sa contacts niya, eh! Atsaka tropa namin si pidol, kasama namin sa frat 'yon, eh. Hindi namin pwede pabayaan."

"Alam mo ba na tinotolerate mo 'yong masamang gawain ng kaibigan mo? Atsaka naeenjoy mo rin? Masama 'yon! Magbago ka na nga sebastian. Habang patagal ng patagal pasama ka ng pasama."

"Sagutin mo muna ako, tsaka ako magbabago." seryoso ang kaniyang ton.

"Baliw ka na ba? Nanliligaw ka ba?"

"Matagal na bebe loves, 'di mo ba ramdam?"

Nagpakurap kurap na lamang ako. Windang sa narinig. Hindi makapaniwala sa sinasabi niya na parang ang daling sabihin.

"Huh? Ano sabi mo?" tanong ko.

Nanunuyo ang aking lalamunan. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Taranta ang mga braincells ko...nawalan ng tamang direksyon! Nawindang!

"Wala! Sabi ko ang ganda mo kaso bingi ka lang! Sige, dinala ko lang talaga 'yang pagkain sa'yo, babalik pa 'ko ro'n. Kumakanta si ricky, papatigilin ko kasi baka bumagyo ulit! Hirap na naman ako makasilay niyan? Hahahaha!" sabay kindat niya sa akin. "Eat well! Tirhan mo mga kapatid mo, ha? Huwag kang selfish!" dugtong niya pa.

"Hindi ako selfish, noh! Bibigyan ko talaga sila ang dami dami nito!"

"Hahahaha sige na, mamaya na lang ulit, text ako sa'yo mamaya." kumaway pa siya bago naglakad palayo.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. Totoo ba ito? Totoo bang si sebastian 'yon? Naguguluhan na ako! Ginugulo niya ang puso't isip ko! Pinaglalaruan niya ako! Napapakagat na ako sa kuko ng aking hinlalaki dahil sa pag-iisip ng mga trip ni sebastian sa akin...kung trip nga ba ito?! Kung nilalaro lang niya ang damdamin kong sabik! Kainis!


From: Neighbor

Saby tau pasok bukas?


To: Neighbor

Nagla2kad lang aq db? tapos ikaw sinasaby ka ng papa mo.


From: Neighbor

So what?


To: Neighbor

Ewan sau! Bahala ka!


From: Neighbor

Cge bukas XD
w8 mo q bebe luvs ha? Saby tau pasok!


To: Neighbor

Oo na!


From: Neighbor

Goodnyt na. 2log ka na. :) <3


To: Neighbor

Goodnyt din. Umuwi kn b? Bka nasa inuman ka prin?


From: Neighbor

XD secret! Nyt na! :* bukas n lng!


"Sweet dreams talaga 'to..." mahina kong sambit sa aking sarili.

Sinarili ko ang kilig na nararamdaman ko ngayong gabi habang yakap yakap ang aking cellphone.

•••

"Sebastian! Ano ba! Kanina pa naghihintay rito si ligaya!" bulyaw ng mama niya.

"Napaka bagal kumilos, jusko! Uminom pa kasi ro'n sa birthday-han sa dulo kagabi kaya ayan...tinanghali ng gising! Pati ikaw dinadamay tuloy! Iwan mo na kaya 'yan ligaya at mauna ka na? Kapag hinintay mo pa 'yang impakto na 'yan ma-le-late ka na." sabi ni tita lolita.

"Nay! Matatapos na 'ko! Ligaya, wait lang, ha! Huwag ka makinig diyan kay nanay!" rinig kong bulyaw mula sa loob ng bahay nila.

"Hindi ka kasi gumising ng maaga kitang pang-umaga kayo! Nakasabay ka pa sana sa papa mo! Inom inom ka pa kasi! Ano ka, lasinggero!? Bata bata mo pa natututo ka ng mga masasamang bisyo na 'yan!"

Palihim na lamang akong napapabuntong hininga. Hindi ko pinapahalata ang pagkainip ko. Maaga akong nagising upang mag-ayos ng sarili. Nagsuot ako ng wavy na headband na color white. Plansyado na plansyado ang uniform ko. Nagpulbo rin ako hanggang leeg. Dinamihan ko ang pagpahid ng pabango sa akin...iyong lewis and pearl na color pink. Over ang preparation ko sa aking sarili kaysa sa dati dahil lang sabay kaming papasok...kaming dalawa lang dahil nauna na sila ricky at ismael.

"Heto na! Pasensya na, ligaya. Tara na?" paglabas ni sebastian sa kanilang bahay.

"Nakuha mo baon mo sa ibabaw ng ref?" tanong ng mama niya sakaniya.

"Nakuha ko ho. Sige na nay, alis na kami. Aga aga binubulabog mo na naman ang mga kapitbahay natin tsk tsk!" sambit ni sebastian sa nanay niya bago mangunang maglakad paalis.

Malinis ang porma niya. Basa pa ang buhok at halatang sinuklayan ng maayos. Plansyado ang uniporme na alam ko na si tita lolita ang gumawa. Isang butones lang ang bukas sa uniporme niya. Bitbit niya sakaniyang bag ay sa isang strap lamang na nakasabit sa kaliwa niyang balikat.

"Ang bagal mo naman maglakad, bebe loves? Ma-le-late tayo niyan!" aniya.

"Sino kaya may kasalanan, ano?"

"Hahaha dalian mo na po...bagal bagal naman..."

"Sandali lang, puwede?"

"Hahahaha habulin mo ko..." akmang tatakbo pa nga siya. "Joke lang! Sabay tayo!" ta's tumigil siya at hinintay ako makasabay sakaniya.

Lumipat siya ng puwesto, gumilid siya, ako ro'n sa may safe zone ta's siya 'yong nasa makakasalubong ng sasakyan.

"Bakit mo pala naisipan na sumabay sa'kin, ha? Lasing ka kagabi no'ng nagtext ka no'n, noh?" wika ko, may mapag-usapan lang.

"Gusto lang kita kasabay, bawal ba 'yon? Ayaw mo ba?"

"Nakakapanibago lang kasi...hindi ka naman ganiyan. Amats siguro 'yan. Inom pa kasi."

"Ligaya, seryoso ko sa mga sinasabi ko sa'yo, ha. Promise."

"Okay..." tangi kong nasabi.

Kaunti lang ang distansya naming dalawa. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa strap ng aking bag. Hindi ko alam ang ginagawa ko sa aking labi tila hindi mapakali kagaya ng puso ko na hindi rin kumakalma.

"Mabigat ba bag mo? Gusto mo bitbitin ko?" aniya.

"Huh?! Huwag uy! Magaan lang 'to...ilang libro lang dala ko. Kaya ko na 'to!"

"Bakit 'yong boses mo parang nagbibinata, bebe loves? Hahahaha lumalim habang tumatagal? Bagay sa'yo...matapang ka kasi. Amazona ka naman minsan hahahaha!"

"Wow ha? Ikaw nga napaka tamad mo! Hindi ka nagdadala ng libro, hindi ka nagsusulat sa klase kapag may pinapasulat, minsan hindi ka rin gumagawa ng assignment, tapos naririnig ko si tita lolita sa umaga kapag weekend na hindi mo tinutupi hinigaan mo!"

"Hindi ako tamad, okay? Hinihintay ko lang na sipagin ako!"

"Kailan pa mangyayari 'yon? Kapag end of the world na?"

"Tapos na end of the world 'di ba? No'ng twenty-twelve pa? Twenty-fourteen na ngayon bebe loves! Hindi na mangyayari 'yan. Mamamatay na lang mga tao."

"Ha-Ha-Ha!"

Tapos katahimikan na naman. Pakiramdam ko iyong distansya namin unti unting lumiliit. Para bang may force na tumutulak sa akin na mapalapit sakaniya! Guardian angel ko yata? Tinutulungan na ako! Thank you po!

"Patali nga ako nito, bebe loves, patali sa braso ko." aniya at inaabot sa akin ang pulang scarf niya.

"Kasali ka talaga sa kalokohan na bloodz and creepz, noh?" kinuha ko naman ang scarf.

Tumigil kami sa isang kanto. Itinali ko iyong scarf sa kaliwa niyang braso.

"Yolo kasi, you only live once! Kapag matanda na ako hindi ko na magagawa 'yong mga bagay na ganito! Uugod ugod na ako tsaka lang ako makikipag riot? Ano 'yon? Minsan lang daw ang ganito sa highschool, cherish the moment daw!"

"Tanga ka talaga, noh?"

"Aray ha! Sakit nito magsalita!"

"Bato bato sa langit, tamaan ka sana."

Pagkatapos ko maitali iyong scarf sakaniya ay nauna na akong maglakad. Sumunod naman siya agad.

"May nakakatuwang nangyari nga no'ng nakaraan, eh. Damay pati barangay..." aniya no'ng makasunod sa akin.

"Buti hindi kayo nahuli?"

"Hindi naman...'di ba uwian no'n...may riot malapit sa school tapos walang nagawa 'yong barangay, ta's iyong pilay pa na tambay malapit sa barangay nakisali pa hahahaha gagu! Laughtrip, eh!"

"Tigilan mo na kaya mga kakasali sa riot na 'yan, sebastian. Hindi 'yan maganda...lalo na graduating ka pa."

"Bakit naman? Masaya naman, eh. Exciting. Pwede kong ikwento sa mga magiging anak ko sa future."

"Hindi ka talaga nakikinig, noh? Mas pakikinggan mo sarili mo kaysa ibang tao. Pasaway ka talaga."

"Sabihin mo nga...anong dapat kong baguhin sa sarili ko para magustuhan mo ako?"

"Huh?"

Anong klaseng tanong 'yan? Syempre wala! Nagustuhan na kita kahit napupuno ka ng kasamaan, eh?

"Gusto mo rin ba ako, ligaya?" seryoso niyang tanong.

"Huh?" para akong nabingi. Ito na naman iyong pop quiz niya na hindi ko kayang sagutin kahit alam ko naman ang sagot!

"Tsss, nevermind na nga! Nabibingi ka palagi kapag ganiyan usapan!" tapos naglakad na siya.

Nauna siya maglakad. Binibilisan niya ang paglalakad. Dalawang kamay niya ay nasa loob ng bulsahan ng suot niyang pants. Halata ang malalaking hakbang na ginagawa niya.

"Sandali lang naman, sebastian! Sabi mo sabay tayo! Pagkatapos kita hintayin kanina magmamadali ka ngayon!" bulyaw ko.

Lumingo siya.

"Ang bagal mo naman! Dalian mo at lunes ngayon, may flag ceremony! Ma-le-late tayo! Haharangin na tayo ni mang boy niyan!" bulyaw niya at nagpatuloy na sa paglalakad ng mabilis.

Sumusunod na lamang ako. Ugali talaga ng lalaking 'to hindi ko maintindihan! Daig pa babaeng may dalaw!

Pagkarating namin ng school, sarado na ang gate. Ilan rin ang estudyante na na-late. First time mangyari ito sa akin...ang ma-late at masarhan ng gate. Medyo kinakabahan ako dahil nasa top ako at ang pangit pakinggan kung isang top student sa klase ay hindi responsableng estudyante.

"Okay lang 'yan, ligaya. Pagkatapos ng lupang hinirang papapasukin ka niyan ni mang boy." sambit ng katabi ko, no'ng pagkasabi niya no'n ay para bang ang lapit lang ng bibig niya sa likod ng tainga ko.

"Paano mo nasabi?"

"Sigurado ako. Madalas akong late, 'di ba? Babae pinapapasok ni mang boy kapag late. Iyong iba hihintayin pa matapos unang subject bago papasukin. Ipapalista 'yong pangalan ta's ibibigay sa guidance."

"Veteran ka na pala, eh. Pangit ng record mo sa guidance."

"Hindi naman nalilista pangalan ko, eh. Tignan mo mamaya. Nasa pila na rin ako ng flag ceremony. Mauuna ka lang pumasok."

Napalingon tuloy ako sakaniya. Malapit nga lang siya sa akin. Magkatangkaran lamang kami kaya nagkatinginan agad kami sa mata. Tinaas-baba niya ang kaniyang kilay ng isang beses habang nakangiti. Dahan dahan akong lumingon paharap dahil nagwapuhan ako sa ginawa niyang iyon. Shet! Kainis! Aga-aga, eh!

Tama nga ang sinabi niya. Pinapapasok ni mang boy ang mga babaeng estudyante lalo na kapag maganda...iyon ang priority niya. Napalingon pa ako no'n kay sebastian bago pumasok ng gate kaso para bang nawala siya ro'n sa kinakatayuan niya kanina.

Hinanap ko ang pila ng aming section. Hiwalay ang pila ng babae at lalaki. Nasa dulo ako, nakita ko sa bandang gitna sila susana at zenaida. Kakatapos lang ng lupang hinirang at sumunod naman ay ang panatang makabayan. Nakapanata ang lahat. Maayos at tuwid. Ang nagsasalita gamit ang mikropono sa harapan ay isang estudyante mula sa section one. Ang sasabihin niya ay uulitin lang namin.

Kalagitnaan ng panata ay may kumalabit sa aking braso. Tinignan ko kung sino, si sebastian pala nakapila na rin sa mga lalaki, dulo rin.

"Oh? Paano ka..." pagkamangha ko.

"Sa likod, tumawid bakod ako hahahaha!" medyo mahina niyang sambit.

"Huh?"

"Sa tabing ilog kasi 'di ba may malaking puno ro'n? Aakyatin mo 'yon para makatawid ng bakod, doon sa bagong building ang baba mo no'n. Tapos dahan dahan lang lakad papunta rito hahaha galing ko, noh?" sabay kindat niya.

Natawa naman ako sa diskarte niyang iyon. Binalik na namin ang aming atensyon sa panata. Rinig na rinig ang sigaw ni sebastian at dahil doon ay hindi ko mapigilan na hindi matuwa sa walang kwenta niyang ginagawa. Kahit anong gawin niya yata ay kinatutuwa kong makita, eh?

Hindi naman siguro masama na mamanata ng kakaiba? Dahil panatang makabayan...iniibig ko talaga siya!

•••

TBC.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro