Kabanata 13
Ako, Ikaw, at Ulan.
•••
Agosto, ang buwan na hindi ko malilimutan. Malamig ang simoy ng hangin dahil nauuso na naman ang tag-ulan. Kasama na sa pabigat sa bag ang payong. Nagsisimula na rin ang mga gulo mula sa mga frat doon sa ibang school at sa amin kaya madalas may nag-aabangan palagi sa gate ta's sa tabing ilog magra-riot. Iyong huling nasaksihan namin no'ng nakaraang buwan...pauwi...ay mga nagbabatuhan ng bote ng tubig...muntik na nga matamaan si oneil. Hindi ko lang alam kung kasali ro'n sa riot na iyon sila sebastian...hindi ko rin mahagilap dahil nagtatakbuhan na rin ang ilan...pero malakas ang kutob ko na nakisali siya ro'n. Lahat ng gulo sinasalihan naman kasi niya.
"Bloodz versus Creepz pala 'yong mga nag-aabangan sa tabing ilog, eh." sabi ni oneil habang ngumunguya ng binili niyang leeg sa may tabi ng school.
Uwian na, nalagpasan na namin ang eskinita patungo sa tabing ilog...walang ingay ibigsabihin walang riot.
"Kanino mo naman nalaman 'yan?" tanong ko.
"Nasa GM ni lance kagabi, ah? Hindi mo natanggap message niya?"
"Hindi...nasira kasi charger ko. Nanghihiram lang ako sa kaibigan ko kapag 'di niya ginagamit. Nabali kasi no'ng kapatid ko 'yong akin...kung gumamit kasi binabali bali niya pa 'yong chord ta's ayon natuluyan."
Nanghihiram lang ako kay isay dahil 'yong charger niya ay universal charger...iyong kailangan battery lang...kaya kapag nakacharge iyong battery hindi ko alam kung may nagtetext ba. Ilang oras ko 'yon chinacharge para talaga full battery at magamit ko ng ilang araw.
"Alam mo...tinanong ako ni lance no'ng isang araw pala! Nakalimutan ko ikuwento sa inyo!" ani susana.
"Ano?" sabay sabay namin sabing tatlo sa kaniya.
"Nag cr yata kayo no'n ni ze?" sabi niya habang tinutukoy kaming dalawa ni zenaida. "Ta's nakaupo siya ro'n sa tabi mo ligaya...sa row natin sa may gilid siya no'n...naglalaro sa cellphone niya blah blah blah ta's biglang nagtanong sa akin kung nagrereply ka raw ba agad kapag nagtetext ako sa'yo? O kung araw-araw ka raw ba nag G-GM? Sabi ko, hindi ko masyadong napapansin...pero medyo late ka nga magreply minsan..."
"Ayy! Alam na! Confirm na 'yan, sis!" masayang saad ni oneil na may pagkapit pa sa braso ko.
"Ayy! Alam na nga! Crush ka yata ni lance beh!" sabi ni zenaida.
"Oo nga! Confirm! Minsan kaya nahuhuli ko 'yon nakatingin sa'yo habang nagkaklase! Ta's kapag nalalaman niyang nahuhuli ko siya gumaganito siya oh..." sabi ni susana habang dahan dahan nitong dinadampi ang kanang hintuturo niya sa kaniyang labi. "Gano'n!"
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ni susana...medyo alanganin ako ro'n...pero hindi ko makakaila na natutuwa ang puso ko sa natuklasan kong iyon! Parang bagong taon sa kaloob looban ko, sinakop ng mga kwitis at pla pla iyong laman loob ko sa tuwa!
"Mga gaga...trip lang ako no'n!" wika ko, nag mamaang maangan kunwari.
"Malay mo ligaya...crush ka ni lance? I mean, hello? Ang pretty mo kaya!" sabi ni zenaida.
"Luhh?" natatawa ko pang sabi.
Gusto kong sinasabihan akong maganda mula sa ibang tao...parang totoo kasi...parang maganda nga talaga ako!
"Luhh? Deny ka pa? Totoo nga!"
Sumang-ayon din 'yong dalawa.
"Tantanan niyo nga ako...baka maniwala ako niyan."
Natawa sila...tapos positibo talaga silang crush nga ako ni sebastian...sana magdilang anghel sila!
"Anyways, back to the original topic! Basta ayon! Bloodz versus Creepz 'yong mga nagrarambulan sa tabing ilog...mga tanga, eh? Kasali sila lance ro'n! Bloodz sila. Kaya palaging mga naka red scarf sa may braso tuwing uwian 'yong mga 'yon...ayon pala iyong gang trade mark nila!" sabi ni oneil.
"Creepz 'yong blue? Iyong taga kabilang school?" tanong ni zenaida.
"Yup!" sabi ni oneil.
"Kupal talaga 'yon, si sebastian? Feeling niya palagi siyang bida sa mga riot na 'yan kaya palaging sumasali. Kung taga sa amin lang kayo...nako...palagi 'yan nasesermonan ng mama niya! Napaka pasaway kasi. Isang palayaw niyan sa amin ay Wild Kid." sabi ko.
Natawa naman sila.
"Na-guidance kaya 'yon last month! Alam mo 'yon? No'ng na-late sila?" wika ni susana.
Palagi na kasi na-le-late ang tatlong iyon. Si ismael, minsanan. Iyong dalawa ginawang hobby. Hindi ko alam kung bakit...hindi na kasi ako sumasabay sa kanila...naglalakad na lamang ako dahil nagtitipid.
"Late raw sila pero nakakapasok sa first subject." sabi ni oneil.
"Ang lakas ng loob nila lance noh? Sana may gano'ng confidence rin ako hahahaha!" sabi ni zenaida.
"Puro sila kalokohan..."
Naghiwahiwalay na kaming apat sa may stoplight. Makulimlim ang langit, base sa balita may namumuong bagyo sa bansa at maaapektuhan rin ang central luzon. Mahaba pa ang lalakarin ko no'ng may maramdaman ang aking balat na patak ng tubig. Nagsisimula ng umambon. Nilabas ko ang maliit kong payong...pang isahang tao lang. Iniharap ko ang aking bag upang hindi mabasa. Paunti-unti ay lumalakas ang ulan. Napasilong ako sandali sa may malaking puno dahil malakas rin ang ihip ng hangin na nilalakbay ang buhos ng ulan. Ayoko pa naman mabasa ang aking medyas...babaho ang paa ko.
"Ligaya!" bigla akong napatingin do'n sa sumisigaw sa pangalan ko.
Nagmamadaling lumapit sa akin ang tatlo. Mga ginawang pangtaklob ang kanilang bag. Mga polo nila'y tuluyan ng bukas...si ismael kita ang panloob niyang sando, si ricky iyong puting t-shirt, si sebastian iyong black t-shirt. Tama nga sila oneil na may mga nakataling red scarf sila sa braso.
"Ligaya pa-share naman kami!" wika ni ricky.
"Maliit lang payong ko, noh! Hindi tayo karsyang lahat!"
"Ganito na lang, pabitbit na lang ng mga bag namin, maliligo kami sa ulan." sabi ni sebastian habang inaabot sa akin ang kaniyang bag.
"Wow ha!" angal ko.
"Hindi naman mabigat 'to! Walong notebooks lang laman nito tapos mga ballpen! Hindi ako nagdadala ng libro!" aniya.
Tinignan ko lang sila ng masama.
"Please ligaya? Baka mabasa mga gamit namin, eh?" pagmamakaawa ni ismael.
Ngumiwi ako.
"Libre kita ng coke! Ano?" sabi ni sebastian sa akin.
Napabuntong hininga ako.
"Akin na 'yan! Pahawak muna nito!" pagpaabot ko sakanila ng aking bag.
Sinunod naman iyon ni sebastian. Sinuot ko sa aking likuran iyong bag nila sebastian at ricky, magkapatong. Iyong akin at kay ismael ay aking nilagay sa aking harapan. Ayoko mabasa gamit ni ismael, siya lang masipag sa kanilang tatlo.
"Wait lang bebe loves, may ilalagay lang ako sa bag ko," ani sebastian habang tinatanggal ang suot na medyas.
Ipinasok niya ito sa kaniyang bag. Ginaya naman ng dalawa iyon.
Lumalakas pa rin ang ulan. Naligo ang tatlo. Nauuna silang maglakad sa akin. Nagmamadali sila sa tuwing may nakikitang malakas na bagsak ng tubig sa mga dulo ng bubong ng bahay...tinatawag nila itong shower. Tuwang tuwa ang mga kupal.
"Kadiri kayo! Marumi 'yan, eh! Baka may tae ng pusa o ibon 'yong bubong tapos enjoy na enjoy kayo maligo r'yan?" bulyaw ko.
"Ano ka ba, bebe loves? Shower 'to! Libreng shower! Ito 'yong dahilan kaya magiging immune ka sa sakit!" bulyaw ni sebastian ta's naghilamos pa siya ro'n.
"Ang sikreto ro'n ligaya ay tae ng pusa't ibon hahahaha!" sabi ni ricky ta's parang mga ewan na nagtatawanan.
Napa-iling na lamang ako ng ulo at nauna maglakad sa kanila.
Rinig ko pa rin ang tawanan nila...halatang sumusunod sa akin. Gusto ko rin maging kagaya nila...careless...isang definition sa mga teenagers ngayon.
"Nahihirapan ka na ba, bebe loves?" biglang sulpot ni sebastian sa gilid ko. May agwat dahil basang basa siya.
"Oo pero may choice ba 'ko? Basang basa na kayo."
"Hahahaha may coke ka naman sa'kin mamaya, eh. Doon na lang tayo kala aling yoli bumili."
"Kahit 'wag na."
"Load yata gusto niyan pre?" sabi ni ricky.
"May load ako."
"Oh? May load ka pero hindi na dumadaan mga message mo sa'kin? Galit ka ba sa'kin? Naka blacklisted ba ako sa'yo? Nagpalit ka na naman ba ng number?" tuloy tuloy na tanong ni sebastian.
"O.A mo."
"Hindi, sebastian, hindi naman 'yan nagpalit. Sira yata charger niya...'di ba ligaya?" sabi ni ismael.
"Yup."
"Oh? Wala kang charger?" tanong ni sebastian.
"Bingi ka ba? Kakasabi nga lang 'di ba na wala nga? Sira nga?" pagtataray ko.
"Kanino 'to nanghihiram?" tanong ni sebastian kay ismael.
"Kay isay 'yan nanghihiram." sagot nito sakaniya.
"Bigay ko na lang sa'yo 'yong isa kong charger, may isa pa 'ko ro'n gumagana pa naman." sabi ni sebastian. Bakas sa mga mata nito na seryoso siya.
"Sige, sabi mo, eh. Kunin ko mamaya."
"Paalala mo pagnakauwi na tayo, ha?"
"Oo!"
Pagkauwi namin ay matinding sermon ang nakuha ni sebastian sa nanay niya dahil sa pagligo nito sa ulan, sa hindi niya pagsunod na magdala ng payong kaninang umaga, at sa pagpapabuhat sa akin ng kaniyang bag. Kinampihan ko ang nanay niya ro'n at medyo pinagsabihan din siya na hindi naman niya pinakinggan. Umuwi ako ng bahay ng maayos at medyo basa. Nagpalit ako ng damit at kumain ng kung anong pagkain ang nakahain sa mesa...kanin at boiled egg. Nasa bahay si papa, kumikirot pa rin ang paa. Hindi makakapagtinda si mama kung magpapatuloy ang ulan. Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng pinggan. Ta's sinamahan ang pamilya ko na manood ng Eat Bulaga dahil kalye serye nga ang inaabangan. Nanonood ako habang kinukutuhan ni mama. Bahagyang bukas ang pinto upang may liwanag at hangin na pumasok. Hindi naman pumapasok sa loob ang ulan...hindi patungo sa direksyon namin ang hangin.
"Ligaya!" bulyaw sa labas. Lahat kami napasilip sa pintuan.
Si sebastian, bagong ligo, naka blue t-shirt at itim na short. Nakapayong at pinapakita sa akin ang dala niyang charger. Napatayo ako agad at lumapit sa pintuan.
"Salamat." wika ko pagtanggap ng charger mula sa kaniya.
"Sige na, pumasok ka na, manood na kayo." aniya sa kalmadong tono. "Sige ho kuya mario! Ate carol! May inabot lang po ako kay ligaya!" paalam niya sa magulang ko.
At kung minsan...hindi ko na rin talaga alam kung ano 'tong pinapakita at pinaparamdam niya sa akin. Naguguluhan na ako. Nagbabaka sakali ulit ako. Umaasa na naman. Sandali lang naman, sebastian. Taympers. Ipaintindi mo naman sa akin, ipaliwanag mong mabuti baka sakaling maintindihan ko?
•••
Nagpatuloy ang mabigat na pag-ulan dahil sa bagyo. Signal number one sa metro manila...kanselado ang mga klase. Mababa lang ang lugar sa amin kaya madaling bahain lalo na noong Ondoy, sa evacuation center kami natuloy dahil pinasok ang baha sa bahay. Sila sebastian noon nanatili sa bahay nila dahil may second floor naman sila gano'n din sila ricky. Sila ismael katabing room lang namin noon sa evacuation center. Ang evacuation center noon ay iyong elementary school.
"Ligaya! Tara! Maligo ka na rin!" bulyaw nila ricky.
Nakadungaw lang kasi ako sa may pintuan. Pinapanood iyong mga kapatid ko na naliligo sa ulan sa may labas. Tuwang tuwa na naliligo sa may gutter kung saan tinatawag nga nilang shower.
"Ayoko."
"Suplada ka na naman neneng!" bulyaw ni sebastian. Walang suot na pang itaas kundi short lang.
"Maligo ka na rin ate, pagtumagal at nagka edad ka hindi mo na magagawa 'yan." sabi ni papa, nakaupo sa may kutson nanonood ng balita.
"Tara na!" pagpupumilit ni sebastian.
"Ligayaaaa! Taraaaa!" biglang sulpot ni isay, nakisali na rin sa kuya niya.
Tinawag na rin ako no'ng mga kapatid ko.
"Kukuhaan na lang din kita ng damit, ate. Sige na." sabi ni mama.
Wala akong nagawa kundi makisali na rin. Dahan dahan ang pagpunta ko sa pwesto nilang apat. Nandoon sila sa tapat ng bahay nila sebastian, nagsha-shower.
"Sali ka rito!" paghatak sa akin ni sebastian sa tabi niya para maramdaman ko rin iyong shower sa gutter.
Hindi ko mapagkakaila na nakakatuwa nga ang ganito.
"Gagu, ligaya, may tae ng pusa r'yan sa bubong nila sebastian, eh!" bulyaw ni ricky.
"Hahahahaha! Magiging immune ka na sa sakit bebe loves!" sabi ni sebastian.
Napangiwi na lamang ako.
"Tara roon sa labas! Maganda maligo ro'n! May swimming pool!" pag-aya ni ricky, sumang-ayon si ismael.
"Tara tara!" nagsimula na tumakbo ang dalawa, sumunod agad si isay at iyong mga kapatid ko.
"Tara, ligaya?" aya ni sebastian, inaalok iyong isa niyang kamay sa akin.
Para akong tanga na yakap yakap ang aking sarili habang patuloy na umaagos sa aking mukha ang tubig ulan mula sa gutter.
"Madaming bata ro'n na naliligo! Mas masaya ro'n!" aniya.
"Hay, oo na!"
At nagsimula na akong maglakad na yakap yakap pa rin ang aking sarili. Nalagpasan na ako ni sebastian dahil nakayapak itong nagragasa patungong labas bitbit ang kaniyang tsinelas.
Mabagal kong tinahak ang labasan. Hinanap ko sila at natagpuan ko sila sa may pababang kalsada sa may dulo...nagtatampisaw sa may baha. Masaya. Iyong ibang bata nagsuswimming pa nga. Si isay nakita ako at inaya akong samahan siya...pero iyong mata ko'y tila natulala sa kaniyang anyo. Hindi machong katawan...may kaunting bilbil. Iyong nunal niya sa may tiyan malapit sa pusod kitang kita ko. Iyong basang basa niyang buhok na panay paghawi niya. Iyong tawa niyang kay lakas. Iyong mata niyang kay kinang.
Gusto kong maipaliwanag sa'yo, sebastian, ang iyong mga mata, at kung paano ang tunog ng iyong boses ay parang nagsisindi sa mga kwitis na nananahimik sa aking kaloob looban. Kung paanong ang iyong ngiti ay nagpapabilis ng tibok ng aking puso at kung paano sa tuwing nakikita kita ay nagiging kumpleto ang araw ko. Gusto ko sabihin sa'yo...pero hindi ko kaya! Torpe ako! Walang babae ang umaamin sa lalaki! Nakakahiya kung gagawin ko iyon!
"Hoy! Ligaya! Tara!" bulyaw ni isay, bumalik ako sa katinuan.
Nagbabasaan sila ricky, ismael, at sebastian. Iyong baha ay sinisipa nila patungo sa isa't isa...madaming nadadamay na bata.
"Tara!" paghatak ni isay sa akin sa bahaan.
"Hala! Si ligaya lumusong! Naipon na ihi ng daga 'to, eh!" sabi ni ricky.
"Ha-ha-ha!"
"May ihi na rin ni ricky 'to hahahaha!" pagbibiro ni ismael.
"Gagu!" depensa agad ni ricky at sumipa ng tubig baha patama kay ismael. Ginaya rin iyon ni sebastian.
Sa sobrang lakas at paikot ikot si ismael, natatalsikan din ako.
"Hoy! Tumatalsik dito!" bulyaw namin ni isay.
Mas lalong binasa pa kami no'ng tatlo.
"Basketball daw sa court! Sebastian! Ricky! Mael!" bulyaw ni totoy.
Agad naman sumama roon ang tatlo.
Noong medyo humina na iyong ulan, nag-uwian na kami ng mga kapatid ko at si isay. Hanggang gabi nagpatuloy ang pagbagsak ng ulan. Malamig ang simoy ng hangin mas ramdam ngayong gabi...buti na lang at may kuryente pero nangangamba sila papa na baka mawalan kaya nagsimula na silang magcharge ng cellphone at nihanda ang mga kandila't posporo.
From: Neighbor
Bebe loves?
"Hmm? Bakit nagtext 'to? Ano na naman kailangan nito?" bulong kong sambit sa aking cellphone.
Kaso no'ng magtatangka akong magreply ay hindi ito nagsent. Wala na pala akong load. Wala rin akong pera pampaload dahil wala naman pasok...wala akong baon.
"Kung kailan kailangan...kainis." palihim kong dalamhati.
Pumusok ako sa kwarto at doon nagmukmok.
From: Neighbor
Alaws ka load?
"Wala..." as if naman maririnig niya iyon?
Nag S.O.S message na lamang ako sakaniya ng pasaload para malaman niya na wala akong load.
From: Neighbor
OK
"Ano kaya kailangan nito? Ba 'yan! Nakakakaba naman!"
Habang nagbabasa ng e-book, nakatanggap ako ng message. TNT message. Pinaloadan ako ng Unli call and text. Nawindang ako ro'n. Sino naman magpapaload sa akin nito sa ganitong panahon?
From: Neighbor
Natanggap mo ung load? Pinaloadan kta kay kuya! Reps ka kpag natanggap mo.
To: Neighbor
Natanggap q. Bakit? Ano ba un? Bayran q na lng 2ng load sa pasukan. Magkano ba?
From: Neighbor
Wag na bebe loves. Gusto lng kita makatxt. ;)
"Tangina..." tangi kong nasabi. Windang.
Ano raw? Totoo ba 'to? Panaginip ba 'to? Nakainom ba siya? Anong joke 'to? Laro ba 'to? Hindi ako makapaniwala!
To: Neighbor
Wla kbang friends? —_—
From: Neighbor
XD
From: Neighbor
22o! Papaloadan ba kta qng hndi?
To: Neighbor
Trip mo q?
From: Neighbor
Di ah.
From: Neighbor
May sa2bhin aq sau...
Kinakabahan ako! Hindi ko alam kung bakit tila naghahabol ako ng hangin. Para akong nasa isang game show at isa na lang ang life line na pwede kong sayangin para manalo at mauwi ang jackpot prize! Kabadong kabado ako at tila hindi ako mapakali!
To: Neighbor
Ano un?
From: Neighbor
Crush kita ligaya. Seryoso ako.
Windang. Tuliro. May pagdiriwang na nagaganap sa puso't laman loob ko. Hindi lang kwitis at pla pla ang gamit kundi sinturon ni hudas na rin ang gamit sa pagkabog ng puso ko. Naibaba ko sa kutson ang cellphone ko, napahawak ako sa aking bibig at nagpagulong gulong sa higaan dahil sa tuwa. Pigil na pigil ang gusto kong ilabas na sigaw.
AHHHHHHHHHH! KINGINAAAAAA!!! TOTOO BA 'TO!!!!??? AAAAHHHHHHH!! ASGFHJKDVSBESKKAYWIQSE!!??
Hindi pa rin ako makapaniwala na halos kailangan ko pang sampal sampalin ang aking pisngi kung totoo nga at tama ang pagkakabasa ko. Totoo at tama nga! Madaming beses pa ako napahampas sa aking higaan, at hinampas hampas ko pa ang aking sarili ng unan.
"Bwisit...tanging sa'yo lang ako kinikilig ng ganito...kaya sana ayos ayusin mo dahil hindi ako tatanggap ng banat na joke lang 'to!" wika ko sa cellphone.
To: Neighbor
Wag mo q binibiro sebastian!! >~<
From: Neighbor
Promise! Peksman! Mamatay man mga kamag anak ko! D aq nagbibiro! Seryoso ako ligaya. Please maniwla ka. Hindi aq nagbi2ro ngaun.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro