Kabanata 12
Counting Stars
•••
Ang Diyos binigyan ako ng puso na sa isang tao lang iibig. Binigyan ako ng utak na isang tao lang ang iisipin. Binigyan ako ng mata na isang tao lang ang susulyapin. Mga paa na sa isang tao lang maghahabol. Ang unfair...na sa mga bagay na nilikha ng Diyos ay kailangan may parte ro'n na para sakaniya. Pero alam ko na papabor din sa akin ang panahon...maawa rin ang Diyos sa one sided love na ito. Mapapalaya din ako dahil kahit papaano ay naisisingit ko ito sa aking dalangin. Kung ito'y pagsubok na para hindi siya mahalin ay aking tatanggapin ang hamon...hanggang matuto ako.
Recess, bumili kami ng tig sampung piso na soup sa canteen. Ito ang madalas na afford ng baon kong thirty pesos. Panay na rin ang reklamo ni papa sa gabi sakaniyang nangingirot na paa...dagdag pa na highblood siya...kaya sa tuwing inaatake ng sakit si papa, si mama naman ang nagtatrabaho magdamag. Labandera no'ng mayaman na kapitbahay nila sebastian sa umaga, tindera ng ihaw ihaw sa hapon. Proud ako sa magulang ko...tatlo kaming magkakapatid pero nagagawan nila ng paraan ang pang araw-araw na gastusin.
"Bet ko talaga sopas diyan! Medyo madaming sahog ta's creamy!" sabi ko habang ngumunguya.
Pabalik na kami ng room, napatigil kami no'ng ang daming tao sa may gilid ng room, mga estudyante na nagkukumpulan sa may hagdan.
"Anong meron?" tanong ni oneil.
"Malay ko? Magkakasama tayo 'di ba?" pamimilosopo ko na hindi niya pinansin at nakipagsiksikan sa mga kaklase namin na nandoon sa eksena.
Nakipagsiksikan din sila susana at zenaida. Tumabi sila sa mga kikay girls upang sumagap ng chika. Nasa likuran lang ako bitbit ang aking sopas, tumitingkayad para makita ang kaganapan doon sa pinaiikutan ng iba. Iyong inner chikadora ko ay kusang lumalabas...gusto makasagap ng kaganapan mula sa ibang tao pero nahihiya ako magtanong!
Pinilit ko ang sarili ko na makita ang kaganapan. Nakita ko si arlene nakatayo sa gitna hinaharanahan ng isang binata mula sa section four na alam ko ay kabilang doon sa kilalang samahan ng mga gwapo rito sa school...si Justin. May kinakalabit itong acoustic guitar. Sa likuran niya nakatayo ay tatlong tropa niya na kabilang din sa samahan na iyon. Iyong matangkad may bitbit na isang placard na nakasulat ay;
Will you be my girlfriend?
Iyong dalawa naman hawak ay teddy bear na dinikitan ng pinadevelop na pictures ni arlene na halatang kinuha sa facebook niya. Ito 'yong klase ng pantasya na gusto naming mga babae na maranasan. Iyong kagaya sa mga nababasa namin sa wattpad. Iyong tipong hinaharana sa school. Nakaka inggit si arlene dahil nasa kaniya na talaga lahat...pati ganitong klase ng proposal...siya lang sa klase namin ang nakaranas ng ganito!
Nakaka inggit talaga pero may kung ano sa nararamdaman ko na natutuwa sa pangyayaring ito. May ngisi sa aking labi habang ninanamnam ang sopas. Nakatayo ako sa may pintuan, sa likurang banda ng room, tinitignan ang tahimik na nakatango na si sebastian at may nakasalpak na earphone sa tainga nito. Hindi yata alam ang nangyayari sa labas dahil baka tulog? Pasalit salit ako ng tingin mula sa kaganapan sa labas at kay sebastian na parang malalim ang tulog at walang alam sa nangyayari ngayon sa crush niya.
"Hoy! Tangina mo pre," wika ni ricky no'ng nilapitan siya nito at hinila iyong chord ng kaniyang earphone. "Ano pinapakinggan mo, ha? Katangahan? Hahahaha!" bahagyang iniangat ni ricky iyong dulong chord ng earphone ni sebastian...hindi pala iyon nakakonekta sa cellphone niya.
Broken hearted yata ang kupal...bwisit! Buti nga sakaniya!
At naghiyawan na nga ang mga estudyante sa labas...sinagot ni arlene si justin. Nakita ko ang mabilis at nahihiyang paghalik ng binata sa pisngi ng kaklase ko, nagpaalam tsaka kumaripas ng takbo paakyat ng hagdan.
"Hala...ang tahimik naman ng mga boys today, ha?" sabi ni oneil pagkapasok ng room.
Iyong mga lalaki sa amin ay nakaupo sakanilang mga upuan at busy sa pagseselpon...halatang broken hearted...mga nawalan ng pag-asa...buti nga sakanila! Si ricky inaasar pa si sebastian at iyong iba dahil mga naunahan ng taga-ibang section...as if naman may mga chance sila kay arlene? Halatang high maintenance ang isang 'yon.
"Busted agad hindi pa nga mga nanliligaw hahaha!" pang-aasar ko.
Maalat ang tingin na ibinigay ni sebastian sa akin...ta's tumayo ito sakaniyang upuan at tumabi sa akin.
"Manggugulo ka na naman dito?" pagtataray ko.
"Luh? Ayaw mo no'n? Ginugulo ko buhay mo? Hahahaha!"
"May saltik ka na sa ulo, sebastian."
"May saltik lang sa'yo..." casual niyang pagkakasabi na para bang sanay na siya sa ganitong usapan sa akin.
"Ayieeee bagay kayo!" pangangantyaw nila zenaida.
Ngumiwi lang ako pero deep inside gusto ko iyong ideya.
"Bagay raw tayo bebe loves, oh? Hahahaha!" sabi ni sebastian.
"Hindi tayo bagay, tao tayo."
Natawa na lang ulit siya ta's hinablot iyong pagkain ko pati kutsara ko tsaka kumain do'n.
"Akin 'yan! Bumili ka ng iyo!"
"Hmm, sarap! Masarap talaga ang pagkain sa canteen kapag iba bumili hahahaha!" sabay balik niya sa akin ng pagkain ko at kutsara.
"Ayy, may laway ko na 'yong kutsara...okay lang 'yan! Hindi ka naman mamamatay ro'n agad!" aniya habang nakatingin ako sa kutsarang ginamit niya.
"Ayy ang sweet! Indirect kiss! Hahahaha!" pang-aasar ni oneil.
"Kadiri, ah! Iyo na 'to!" pagbigay ko sakaniya no'ng pagkain ko.
"Luhh, pabebe 'yan? Ano ka si yaya dub? Hahahahaha!" tapos ginawa niya pa 'yong pabebe wave na nauuso ngayon.
"Hahahaha bagay sa'yo lance!" sambit ni susana.
Mga sinuportahan pa nga ng mga kaibigan ko ang kalokohan niya kaya lalong nagpapansin.
Lumilipas ang araw...lalong lumalaganap ang pagkasikat ng love team nila Alden Richards at Yaya dub. Kapag uuwi ako sa bahay ng tanghali, tutok na tutok sila mama at iyong bunso kong kapatid sa TV para manood ng kalye serye sa Eat Bulaga. Nagiging topic din ito sa school...kahit sila sebastian updated sa mga episode no'n at madalas ginagaya si lola nidora sa classroom o ro'n sa amin sa looban...kung paano magtaray si lola nidora ay siyang kuhang kuha niya habang pinapagalitan iyong mga wild kids sa kalsada.
Medyo may pagkaweirdo lang kay sebastian sa mga nakalipas na araw. Hindi ko maipaliwanag kung isa na naman ba itong trip o wala lang siyang magawa sa buhay niya? Madalas ang pagtabi niya sa akin sa classroom, minsan pinapauna ko na paupuin si oneil sa tabi ko para lang hindi siya makaupo ro'n. Pero dumadayo pa rin siya at umuupo sa may sahig. Hindi ko alam kung tamang hinala lang ako o iyong wall fan lang ang pakay niya sa pwesto namin at hindi ako? Hindi ko man na sila kasabay pumasok at umuwi ay para bang hinihintay niya ako sa may labasan...sa tindahan nila aling josie kasama sina ricky at ismael. Kapag may balik naman kami...ro'n kami sa tabing ilog...sa likod ng school nagpapractice o kaya ro'n sa munisipyo...makikita ko siya ro'n ng bandang hapon, sila nila ricky at ismael na nagbibisikleta. Dumadayo pa 'gang doon para mang-asar sa amin. Pinipilit ko ang sarili ko na hindi magpaapekto sa mga pagpapapansin niya...at ang madalas niyang pagtawag sa akin ng bebe loves na tila nakasanayan ko na marinig mula sakaniya. Ayoko mag-assume ng kung ano-ano pero parang ayon na nga ang intensyon niya? Napakasama niya...pero tumatalab ng sobra!
Lord, kung pagsubok mo po ito ay bigyan niyo ako ng lakas na 'wag magpaapekto sa ginagawa niya sa akin!
Agosto, buwan ng wika. Isa sa mga assignments namin ay magtranslate ng english song into tagalog. Tsempo pa no'n na nakasalubong ko sa computer shop si sebastian kasama sila ricky at ismael...pinaalala ko iyong assignment para magkaroon kami ng rason magkausap.
"Paprint mo na rin ako bebe loves. Ako na magbabayad sa print." ani sebastian na nakaupo sa may tabi kong pc. Busy sa paglalaro ng dota.
"Anong kanta?"
"Hmm, iyong counting stars ba 'yon? Lss ako ro'n, eh! Ayon na lang!"
Hindi na rin ako umangal at prinint iyong kaniya. Masyadong maingay na rito sa comp shop. Mga nagtatrashtalkan na, eh, dinadamay pa mga magulang na parang mga tanga. No'ng naprint na iyon ay naglaro na lamang ako ng pet society...ta's no'ng mabored ako ro'n lipat naman ako sa Y8 ng cooking games.
"Ano 'yan, ligaya?" pagsilip ng katabi ko sa ginagawa ko. "Hahahaha! Pambata pota! Ano, nag-aaral ka na magluto para paglutuan ako kapag mag-asawa na tayo? Hahahaha!"
Mag-asawa? Kami?
Rinig na rinig ko ang sinabi niya kahit may nakatakip na headphone sa mga tainga ko. Hindi ko aakalain na sasagi sa munti niyang isipan ang ideya na mag-asawa kami?
"Ayy, kapag mag-asawa tayo baka magbatuhan lang tayo ng mga pinggan, eh! Hahahaha!" aniya natatawa.
Hindi ko na lang pinansin ang sinasabi niya. Nagyoutube na lamang ako at nanood ng mga trending na music video.
Handa na ang song lyrics na hawak ko. May tagalog translation na rin na nakasulat sa isang pad paper. Ang napili kong kanta ay iyong Let Her Go ng Passenger. Matinding debate sa isipan ko kung ito ba o Just the Way You Are ni Bruno Mars ang gagamitin ko pero mas nagwagi iyong let her go.
Kapag magpepresenta sa harap kailangan ay pakanta ito. Pareho sa tono ng orihinal. Ang pagtawag ni ma'am lipon ay randomly pick kung sino gusto niya. Nauna si Ricky, inihanda niya Thinking Out Loud ni Ed Sheeran.
Umubo muna si ricky ng isang beses. Huminga ng malalim. Tumayo ng tuwid. Nagbilang pa ng hanggang tatlo bago magsimula.
"Kapag ang iyong binti ay 'di na gumagana 'gaya ng dati
At hindi kita mawalis sa iyong paa
Ang bibig mo kaya'y maaalala ang lasa ng aking pagmamahal
Ang iyong mata'y ngingiti sa iyong pisngi..."
Natatawa lang kami sakaniya dahil pinipilit niya ang kaniyang translation sa tono...na hindi talaga tumutugma. At ang nakakatawa pa ro'n ay hindi kagandahan ang boses niya pero iyong expression niya ay mala concert ang peg! Feel na feel!
"At mahal ako'y mamahalin ka hanggang mag setenta
At sanggol ang puso ko ay mahuhulog ng matigas 'gaya no'ng bente tres
At ako'y nag-iisip kung paano mahulog sa pag-ibig sa misteryosong paraan
O baka sa paghawak ng kamay
Oh ako ay mahuhulog sa'yo araw-araw
At gusto ko sabihin sa iyo na..."
No'ng matapos na siya, masiglabong palakpakan ang natanggap niya. Sumunod na tinawag ay si sebastian. Confident itong humarap sa aming lahat...prepared. Umubo rin ng isang beses. Binasa ang kaniyang labi. Lumunok. Nagvocal warm up pa nga. Tumayo ng tuwid. Hawak sa kaniyang kodigo na parang isang choir sa simbahan. Bumilang ng 'gang tatlo bago nagsimula.
"Kanina, kani-kanina ako'y walang tulog
Nananaginip tungkol sa bagay na pwede sa'tin
Pero sanggol, ako'y, ako'y nagdadasal ng malala
Sabi, "Hindi marami bilang pera, tayo'y magbibilang ng bituin"
Oo, tayo'y magbibilang ng bituin..."
At kagaya rin ni ricky...pinagpipilitan din niya ang tono sa kanta, pero ang nakakatawa pa ro'n damang dama pa nga niya. May papikit pikit pa ng mata ang kupal. Kahit siya hindi rin mapigilan ang pagtawa kapag wala sa tono. Ta's no'ng part na ng mabilis sa kanta niya ay matinding halakhakan ang narinig sa room.
"Kunin ang pera, panoorin masunog
Lunurin sa ilog ang mga aral na natutunan ko
Kunin ang pera, panoorin masunog
Lunurin sa ilog ang mga aral na natutunan ko
Kunin ang pera, panoorin masunog
Lunurin sa ilog ang mga aral na natutunan ko
Kunin ang pera, panoorin masunog
Lunurin sa ilog ang mga aral na natutunan ko..."
No'ng natapos siya akala mo kung sinong nanalo ang expression niya. Tinaas pa nga niya ang isang kamay na may hawak ng kodigo niya at madramang naglakad pabalik sa kaniyang upuan.
The rest of the class, normal at seryoso na lang. Mga side laugh lang nila sebastian ang nagpapatawa sa amin. Lahat naman kami ay nakapagpresenta sa klase.
"Tara! Bili tayo ng food sa canteen? May giniling daw!" sabi ni oneil pag-aaya sa amin pagkalapit.
Sangayon agad iyong dalawa. Tumanggi ako.
"Wala akong baon ngayon, eh. May sakit kasi si papa no'ng isang araw pa. Hindi na ako humingi...para sa mga kapatid ko na lang. Pero samahan ko kayo bumili!" wika ko.
"Ano kakainin mo?" pag-aalala ni zenaida.
Alam naman nila ang kalagayan namin. Open naman ako sakanila. Nakatungtong na rin sila sa bahay namin na maliit no'ng may practice sa dula no'ng noli. Alam nila kung gaano kami kakapos minsan.
"Ano ka ba, hindi naman ako mamamatay agad kung hindi ako makapag recess ng isang beses, noh? Atsaka may baon akong tubig. Based sa google, mabubuhay ang isang tao sa pag-inom ng tubig...kahit hindi kumakain. Survival hacks daw 'yon."
Pinilit ko na lang silang tatlo na lumabas. Kasabayan namin sila sebastian at friends niya...nilagpasan nga lang kami at nagpaunahan sa canteen.
Sinabayan ko sa pagpila ang tatlo kahit hindi naman ako bibili. Pinipigilan ko ang pagkalam ng aking sikmura habang pumipili sila ng bibilhin. Nagpasya na ako na maghanap na lamang ng table para sa amin para naman hindi ako lalong magutom.
"Dito!" pagkaway kaway ko no'ng makita ko si susana bitbit ang order niyang giniling.
"Hindi ka talaga nagugutom? Papautangin kita." aniya habang papaupo.
"Huwag na! Ayoko naman magkaroon ng utang noh! Okay lang ako promise! Kumain ka na r'yan!"
"Sure ka?"
"Oo nga! Kulit, ah?"
"Eh paano ka pumasok kanina? Naglakad ka lang?"
"Oo, exercise rin 'yon."
"Seryoso, dapat hindi ka nagpapagutom beh! Masama 'yon!"
"Hindi nga ako gutom...kulit? Hahahaha! Masyado naman kayong maawain."
"Bahala ka..."
Ta's sabay na dumating sina oneil at zenaida bitbit ang kanilang order na giniling din.
"Tirhan kita ligaya, gusto mo? Hindi ka naman maarte 'di ba? Pwede mo naman gamitin itong kutsara ko." pag-alok ni oneil.
"Hahahaha grabe kayo! Okay nga lang ako! Huwag niyo ako alalahanin! Kumain na kayo, go!"
Ta's habang busy sila sa paglapang ay tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa aking cellphone at nagbasa ng e-book.
"Oh, bebe loves, iyo na lang." biglang may naghagis sa tapat ko ng isang ensaymada.
"Ano 'to?" pagtataray ko.
"Iyo na lang. Mayroon na 'ko, eh." aniya ta's tumabi sa akin.
Hindi naman nag-ingay iyong mga kaibigan ko na kesyo sakto dahil wala akong pera pambili ng pagkain. Nang asar lang sila kay sebastian.
"Okay, salamat." wika ko at tinanggal sa plastik ang tinapay at kumagat.
"Ang yaman naman pala ni boss lance namin! Hahahaha!" wika ni susana.
"Ano ka ba..." tapos lumapit siya ng kaunti sa gitna, tipong may ibubulong kala susana na kailangan hindi marinig ng iba. "Nakaw ko lang kasi 'yong binigay ko kay ligaya..."
"Hayop ka talaga!" bulyaw ko sabay hampas ng malakas sa likod ni sebastian.
"Aray ko!" natatawa niya pang sabi.
Natatawa na lang din 'yong tatlo kong kasama.
"Okay lang 'yan bebe loves, hindi naman ikaw nagnakaw, eh. Ligtas ka pa rin sa ten commandments." sabi ng kupal.
Tinitignan ko lang siya ng masama.
"Ayoko na niyan!" pag-abot ko sakaniya no'ng binigay niya sa aking tinapay.
"Hindi naman ikaw ang paparusahan ng Diyos, ah? Ako naman. Atska papatawarin naman ako no'n...kasi iyong ninakaw ko binigay ko naman sa isang nangangailangan. Wala kang baon 'di ba? Ako bahala. Nanakaw ako tinapay r'yan para may makain ka lang."
Gagu.
"Baliw ka na..." mahina kong sambit, ta's hindi ko namamalayan na ngumiti ako sa kaniya na parang nahihiya.
Nginitian ko ang kupal?! Shit!
"Ngumiti ka? Wow!" aniya, nang-aasar.
"Nginitian ka?" pagdududa nila susana.
"Ngumingiti ako, noh! Sira!" ta's binawi ko iyong tinapay at kumagat muli.
"Hindi kasi siya ngumingiti sa akin..." wika ni sebastian kila susana.
"Bebe loves, hindi mo kasi ako nginingitian kapag magkausap tayo...o kapag kinakausap kita. Totoo ang himala! Hahahaha!" aniya na natatawa.
"Tsss!" at ngumiti ulit ako bago kumagat sa tinapay.
Lord, forgive me for I have smiled genuinely habang kausap siya! Alam kong hindi ako 'to lord, gutom lang siguro ako? Hindi talaga ako 'to, lord! Lord? Lord? Nandyan ka po ba lord? Tinetest niyo po ba ako ngayon?
"Bagay sa'yo ngumiti, ligaya. Mas bumabagay sa pangalan mo." mahiana't seryoso niyang sabi. Ramdam ko ang seryoso sa pagkakabigkas niyang iyon.
Bumagal ang aking paghinga pero mabilis ang pagtibok ng aking puso.
Lord, kung test ito, o pagsubok, patawarin niyo po ako't binigo ko kayo.
•••
TBC.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro