Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 10

Dance and Play

•••

Naka suit and tie sila sebastian at ricky. Black and white. Si ismael ay nakavest na color gray, white long sleeves at pink tie. Bagay sakanila ang porma, malinis at gentleman tignan. Maayos din ang buhok nila, halatang nag gatsby wax. Iyong buhok nila ay slicked back, pero iyong kay sebastian ang mas nakakaakit. Bagay kasi sakaniya, sa mukha niya at sa porma niya. Hindi mo aakalain na bully ang lalaking ito dahil sa inosente niyang mukha.

"Ikaw ba talaga si ligaya?" sambit ni ismael.

"Ganda ng anak mo, carol." wika ni tito seve.

"May pinagmanahan lang ho. Osya, ingat ka ate, ha? Mag enjoy kayong lahat! Atsaka pakibantayan si ligaya, ha?" wika ni mama.

Nangako naman ang tatlo sakaniya.

"Sige po, ma. Sakay na ko. Ba-bye!"

Pumasok ako sa loob ng tricycle. Si ismael nailang pa tumabi sa akin.

"Ganda mo ngayon, ligaya. Parang hindi ikaw hahaha!" wika ni ismael.

"Ang gwapo mo ngayon. Hindi ko aakalain na kayo mo magmukhang tao."

Natawa lang siya sa ganti kong iyon.

Pagkarating namin sa venue, isang rented na villa na parang function hall. Napansin ko kaagad ang mga kaibigan ko na naghihintay sa may tapat ng gate. Pagbaba ng tricycle ay dahan dahan akong naglakad patungo sakanila.

"Ang pi-pretty naman ng mga besties ko today! Kainis! Hindi ako pwede mag dress din! Ang unfair!" sambit ni oneil, naka vest na black at red wine na long sleeves ito. Black slack at black shoes. May dress code kasi, ang mga bakla ay consider pa rin na lalaki sa kasarian kaya nabibilang pa rin sila sa dress code ng mga lalaki. Ayon ang rule. Ang mga shiboli naman ay pwedeng sundin ang dress code ng mga lalaki. Medyo unfair doon.

Twenty-fourteen pa lang naman...hindi pa gano'n binibigyan pansin iyon. Hindi pa naman masyadong big deal iyon sa mga tao. Ewan ko na lang sa mga susunod?

"Ang pretty mo rin naman oneil!" wika ko.

"Natural beauty 'yan, beh! Tara na nga sa loob!"

Sabay sabay kaming pumasok sa loob at hinanap ang designated seat namin. Per section ito. Sa isang round table ang sakop lang ay sampung katao. Magkakalapit naman kaming magkaka-section, hindi nalalayo. Si zenaida, Ako, si oneil, si susana, si chrisley, juanito, pamela, ismael, sebastian, at ricky ang sumakop ng isang round table. Suking suki ang digital camera ni chrisley ngayong gabi.

"Ang ganda mo today, ligaya!" masayang sabi ni zenaida sa akin.

"Pinakita niya talaga ang body figure, eh! Kabog! Panalo ka na!" sabi ni susana.

"Mag invade tayo sa mga fourth year mamaya! Pwede raw 'yon, eh! May kilala akong fourth year, puntahan natin mamaya tapos pasayaw tayo!" masayang sabi ni oneil.

Game na game naman si susana at zenaida.

"Ano ka teh, ayaw mo?" tanong ni susana sa'kin.

"Ahmm, go! Sige! Mamaya!" nakangiti kong tugon.

Lumapit naman ang mga kikay girls sa table namin at binati ang kagandahan ko. Binalik ko rin naman ang pagbati nilang iyon sakanila. Si sebastian tahimik lang sa upuan niya at busy sakaniyang cellphone. Nagsisimula ng dumilim, bukas naman na ang mga ilaw. Tumutugtog na rin ang malakas na stereo. Ang drinks ay matinding binabantayan ni ma'am de ungria doon sa may gilid. Bawal makalusot ang alak. Mamaya pa raw ang food, catering daw kasi. Iseserve raw iyon sa amin. May mga tao na sa gitna ng dance floor, mga sumasayaw sayaw na. Ang tugtog ay pang party at hindi slow dance.

"Anong ginagawa mo, tol?" rinig kong tanong ni ricky kay sebastian.

Nagkukunwari na lang akong nakikinig sa usapan nila oneil, susana, at zenaida.

"Nilalaro 'tong tae ko, connect the colors." boses ni sebastian.

"Iyong pou mo? Malaki na ba?" boses ni ismael.

"Medyo." boses ni sebastian.

At tila napatigil ang lahat no'ng dumating sa pwesto namin si arlene. Lahat ng mata ay nasa kaniya. Naka color olive cocktail dress ito na above the knee. Ang glitter sa suot niya ay kumikinang na color gold. Naka itim na pumps. Naka itim na gloves na hanggang siko. Buhok niya'y hindi nagbago, nakalugay pa rin, iyong usual hairstyle niya pero naka small tiara na headband. At ang make up niya...sobrang simple lang. Blush, pink na lipstick, ta's nag eyeliner lang siya. Ang simple, tinalo iyong halos isang oras na preparation ko.

"Wala na, kaniya na ang spotlight. Siya na ang bida hahahaha!" mahinang sabi ni susana.

Napasulyap ako kay sebastian na sinusundan ng tingin si arlene hanggang sa upuan nito.

"Kaniya naman palagi ang spotlight..." mahina kong dalamhati.

Hinintay muna namin na makakain kami bago sumayaw. Iyong iba nanguna na sa dance floor. Ang grupo nila sebastian ay nauna na roon. Bumalik no'ng makitang may pagkain na sa table.

"Five slow dances daw tapos five party dances para sa mga magbabarkada!" sambit ni oneil.

"Sino nagsabi?" tanong ko.

"Sila ricky! Kung sino sino sinasayaw na taga ibang section ng mga 'yon!"

Nasayaw na kaya ni sebastian si arlene? Si arlene kaya ang first dance niya?

"Tara na beh! I-first dance mo 'ko!" sabi ni oneil sa'kin.

Gusto ko sana si sebastian ang first dance ko...kaso hindi ko mahanap ang kupal! Nasaan na kaya 'yon?

"Ano na beh? Tara na! Isayaw mo na 'ko!" paghihila ni oneil sa'kin papuntang dance floor.

Nagsimula ang slow music. Ang aming hawak sa isa't isa ay iba. Imbis na si oneil ang lalaki ay naging ako, ta's siya iyong babae sa amin. Habang kasayaw ko ang aking kaibigan, ang mata ko'y may hinahanap sa paligid.

"Sino gusto mo makasayaw, beh? Lapitan natin?" sambit ni oneil.

"Wala naman...kahit sino siguro? Kahit mga kaklase muna natin sayawin natin?"

"O sige, nasaan na ba 'yon sila lance?" hinahanap na rin niya ang gusto ko makita.

"Ayon sila ricky, oh!" sabay turo niya sa isang sulok gamit ang kaniyang nguso.

Magkasama sila ricky, ismael, at prince sa mga drinks. Nagtatawanan. Nag-uusap. Nasaan naman na kaya iyong leader nilang pandak?

"Mukhang first dance ni lance si arlene, ha?" sabi ni oneil.

Napatingin tuloy ako ro'n sa tinitignan niya. Kasayawan nga niya si arlene. Si arlene lang ang mukhang nakikita ko pero pamilyar ang likod ni sebastian sa akin. Iyong height difference nilang dalawa na hindi tugma. Iyong porma nilang hindi rin nag-co-compliment sa isa't isa. Iyong tinginan nilang naiilang. Iyong hawak nilang nahihiya.

Masama ang kutob ng isipan ko ro'n. Alam ko 'yong ganiyang modus. Mutual feelings pa yata ang nagaganap sakanila sa mga oras na ito habang ang feelings na nararamdam ko ngayon ay dalamhati't pagkabigo. Wala talaga yata akong pag-asa. Nakakapangselos. Nagseselos ako kay arlene...bakit siya ang unang inalok ng sayaw at hindi ako? Nakakapangselos...pero wala naman akong karapatan dahil hindi naman siya sa akin.

"Oy, beh! Naririnig mo ba 'ko?" bigla akong napatingin kay oneil.

"Huh?"

"Sabi ko, ang ganda mo pero bingi ka!"

"Sorry na, ano ba sabi mo? Hindi kasi kita narinig dahil sa tugtog." pagsisinungaling ko.

"Isasayaw ko sila susana at zenaida, pagkatapos no'n maghunting na tayo ng maisasayaw na mga fourth year!"

"Maghahanap ng maisasayaw? Excuse me lang beh, babae ako. Hindi ako lalaki."

"Ano ba 'yang kadramahan na 'yan, ligaya? Hindi na uso sa panahon natin 'yang pagiging maria clara, ah! Kung hindi ka aamin sa isang lalaki, wala kang mapapala. Kung hindi mo sila aayain ng sayaw, hindi ka nila isasayaw!"

"Grabe ka naman..."

"Totoo kaya!"

Pero gusto ko maramdaman 'yong kagaya sa mga nababasa ko tuwing may prom. Iyong inaalok sila ng sayaw. Pero mukhang effective lang 'yon sa mga magaganda...hindi sa nagmamaganda lang.

"Hay, oo na nga!" pagbigay ko.

Wala na rin naman saysay dahil alam kong hindi ako sasayawin ni sebastian. At lalo na nakita ko sila ni arlene na mukhang pagkatapos ng gabi na ito ay magsisimula na silang magligawan kinabukasan. Ayoko makita 'yon pero wala akong magagawa. Baka tama nga ang sinabi ni oneil...kung hindi ka aamin ay walang mangyayari?

Nakakatakot din umamin...ayoko mailang sakaniya. Ayoko masira 'yong pagkakaibigan namin. Ayoko pati sila ricky at ismael ay mailang saakin. Kung sana lang ay parehas kami ng nararamdaman ay hindi ako nahihirapan ng ganito mag-isip ng tama! Bakit kasi ako lang ang pinana ni kupido? Bakit hindi kaming dalawa na lang? Nakakainis!

Pero alam ko sa sarili ko na gusto ko pa rin siya...mas nakakainis lalo!

"Mukhang nagkakamabutihan sila lance at arlene, oh?" sabi ni oneil.

Napalingon na naman tuloy ako sakanilang dalawa. Natatawa si arlene, marahil nagjojoke si sebastian sakaniya. At nagkaroon ng pagkakataon na umikot sila. Nagkapalit ng pwesto. Tanaw ko na ang mukha ni sebastian. Ang kupal wagas kung makangiti...parang nanalo sa lotto na hindi naman tumataya!

Hindi na talaga ako maniniwala sa pag-ibig! Ayoko na! Simula ngayon! Paano naman na ako maniniwala sa pag-ibig niyan? Na sa tuwing tumitingin ako sakaniya ay sa iba siya nakatingin? Na sa pagkahulog ko ay iba ang sinasalo niya? Dapat alam ko ang distansya ko, dahil alam ko na ngayon na hindi siya magiging akin.

Nang matapos ang sayaw na iyon, nilapitan naman ako ni ismael. Pangatlong sayaw ko si ricky. Pagkatapos no'n kaming apat nila oneil, susana, at zenaida ay tinungo na ang area ng mga fourth year. May kakilala si oneil sa mga iyon na ka-clanmate niya. May mga sumayaw naman sa amin doon, out of generosity. Mga gentleman. Iyong nakasayaw ko, si ronnel, fourth year section dagohoy, pala ngiti. Matangkad sa akin, malinis ang ayos ng buhok, chinito, palangiti, medyo mapayat. Mga tipo na fb famous lalo na sa school namin. Habang nagsasayaw ay kaunting introduction lang...exchange of names, age, section, mga teacher namin, binigyan niya rin ako ng fourth year advice baka sakaling kailanganin ko raw. Mabait siya. Ang mature niya rin tignan. Hindi natapos ang sayaw namin sa fourth year doon dahil pinasayaw naman ni ronnel iyong iba niyang kaklase sa amin. For memories na rin daw nila na may nakasayaw sila dahil graduating na nga. Beneficial sa both parties. Pandagdag bilang sa kung ilan ang nasayaw at isinayaw ngayong js prom. Ginagawang payabangan.

Pagbalik sa table namin para uminom ay inaya na rin ako ng ilang kaklase namin na sumayaw. Hindi na lang din ako tumanggi. Game naman ako. Tuwing party party song, nagraragasa na agad kami nila susana, zenaida, at oneil sa dance floor. Minsan hinihila pa namin si chrisley at iyong iba. Babalik kami sa table namin kapag slow dance na dahil ang sakit sa mata no'ng mga magpapartner na sumasayaw at gumagalaw lang naman ng left and right. Halos nakasayaw ko na yata ang mga kaklase ko maliban kay sebastian na iba-ibang babae mula sa ibang section ang sinasayaw...iyong mga campus famous.

Okay lang naman, nakasayaw ko naman si ronnel na fourth year at famous din! Siya puro mga schoolmate na ka-year lang naman sinasayaw! Tss, mahina!

"Isa pa! Isa pa! Dali party rock 'yong tugtog!" sabik na sabi ni susana na hinihila na naman ako patungong dance floor.

Nagpahila na lang din ako. Tapos no'ng nandoon na kami sa dance floor nakita namin ang iba naming kaklase sa isang sulok magkakasama, lumapit kami ro'n.

"Game! Game! Paikot tayo tapos parang train tayo na umaandar! Tapos 'yong gusto sumayaw pumunta sa gitna! Game game!" bulyaw ni sebastian.

Sinunod naman namin. Nasa harapan ko si oneil, nakakapit ako sa dalawa niyang balikat. Likod ko si susana na nakakapit naman sa aking balikat. Kumpleto kaming isang section, malawak ang sinakop namin sa dance floor. Napansin ko rin si sebastian...buti na lang nasa pagitna siya nila ricky at juanito. Si arlene gitna nila jessica, medyo malayo kala sebastian. Hindi ko talaga kakayanin na kung magkasunod pa sila pati rito.

Ikot ikot tapos no'ng nag chorus biglang tumalon sa gitna ng bilog si oneil at nagsasayaw ng sexy dance!

"Bakla ka! Go!" bulyaw ni susana. Todo support naman ang iba. Natatawa lang ako habang pumapalakpak.

Habang nagsasayaw si oneil sa gitna tuloy ang lakad paikot. Pagkatapos ng chorus, bumalik sa ikot si oneil pero naiba na ang pwesto. Doon na siya banda kala prince. Gano'n pala 'yon. Maya maya gumitna na si ricky, nag teach me how to dougie. Naglabas na ng cellphone si prince para ma-videohan ang kaganapan.

Nagpatuloy ang laro namin na iyon. No'ng wala ng nagkukusa nagtutulak na sila ng tao sa gitna...sinimulan 'yon ni sebastian, tinulak niya sa gitna si pam. Si pam sumayaw ng parang mahiyain na sayaw...kilala si pam bilang shiboli. Medyo kinakabahan ako no'ng iniisa isa na nila 'yong tinutulak. Si arlene tinulak na rin ni oneil. Mahiyain ang sayaw niya pero parang sexy na kumekendeng...parang ahas? Nakakainis kasi ang ganda niya! Malakas ang laban niya sa Star of the Night!

Nakasayaw na sila susana at zenaida. Nasa pagitna na ako nila pamela at juanito na parehong tapos na rin. Bumibilis na ang tibok ng puso ko. Napapakagat na ako sa aking ibabang labi. Die Young na ang tugtog. At ayon na nga...tinulak na ako ni pam. Napatingin pa ako sakaniya habang nakatayo sa gitna...sinusundan siya ng tingin. Tapos iyong tatlo kong kaibigan todo suporta pa sa akin.

"Ligaya! Ligaya!" bulyaw nila na ginaya na rin ng iba.

Lalo akong nahiya.

"Go bebe loves ko!" rinig kong sambit ni sebastian.

Napahinga ako ng malalim. Hindi ito ang oras para maging Kj. Sumayaw ako. Chest pop na sobrang gigil. Kumendeng kendeng. Nagcharap charap dance rin ako no'ng kay ryzza mae. Tapos nag running man...at dahil do'n biglang nasira iyong sandals ko. Bumuka ito, nagkaroon ng bunganga. Nagtawanan ang mga kaklase ko pati na rin ako. Dinaan ko na lang kunwari sa tawa pero deep inside nagpanic ako.

Shet! Hiram lang 'to! Naku po!

Hinubad ko ang suot kong sandals. Binitbit ko iyon at bumalik sa ikot. Pumagitna na ako kala ricky at ismael. Nag-aalala ako sa nasira kong sapatos pero hindi ko iyon pinahalata.

Huling sumayaw ay si sebastian. Nagrobot dance siya, nagwave dance, at iyong binababa ang sarili. Nagpatawa naman siya no'ng nagchest pop ng gigil habang nakakagat ang labi. Sa likuran ko siya pumwesto pagkabalik niya sa ikot. Pa-train-train-poot-poot kami umeksit sa dance floor. Tawang tawa kami sa aming trip. Halatang nainggit ang ibang section doon.

Bago i-announce ang star of the night, nagkaroon ng cotillion, mga section one ng third year at fourth year lang naman ang nakasali sa performance na iyon. No'ng matapos, binanggit na ang nanalo sa star of the night...si celina ng section two third year ang nagwagi. Maganda rin iyon, campus famous. Mula first year panlaban na talaga ang ganda niya. Brain, talent, at beauty mayroon no'n si celina. At maganda rin ang gown niya ngayon...parang cinderella style pero sleeveless. Better luck next time na lang kay arlene next year.

Natapos ang event, pero nagpagroup pic pa kami kasama ang aming adviser. Totoo ngang hindi iyon malilimutan na experience sa highschool life. Buti na lang talaga at nakasama ako!

"Hindi na yata tayo susunduin ni tatay...anong oras na, eh? Baka tulog na 'yon." sambit ni sebastian.

Nakayapak na ako at bitbit ang aking nasirang sandals. Nauna na umuwi iyong tatlo kong kaibigan dahil may mga sundo. Nakatayo kami sa tapat ng gate ng villa.

"Maglalakad tayo?" tanong ko.

May pera naman akong pamasahe...ewan ko lang sa tatlong ito.

"Oo, wala 'kong dalang pera, eh. Dinala ko lang sarili ko rito." sabi ni sebastian. Pinakita pa niya ang dalawa niyang bulsa na wala ngang laman kundi panyo at cellphone.

"Ito na lang ligaya...suotin mo na lang sapatos ko." Sambit ni sebastian.

Tinanggal niya ang sintas ng suot niyang black shoes. Nakaluhod ito sa harap ko. Hindi ko namalayan na napansin niya pala ito.

"Huh? Huwag na! Kaya ko magyapak lang pauwi!"

"Sira ka ba? Sayang porma mo ngayon! Nag ganyan ka pa tapos nakapaa ka? Atsaka baka mayari ako sa papa mo! Sabihin pinaglakad kita ng nakapaa r'yan, eh! Suotin mo na 'to!"

Tinanggal na niya ang sapatos niya at pati ang medyas niyang puti na ibinulsa pa niya. Inayos niya ito sa harapan ko. Isusuot ko na lang talaga.

Nakakainis! Nakakabwisit! Sa tuwing dumidistansya ako sakaniya para mawala iyong nararamdaman ko ay siya itong biglang bubulaga at magpapakilig sa puso ko! Nakakainis! Nakakabwisit!

Napalunok ako. Binasa ko ang aking labi. Sinuot ko ang sapatos. Dahan dahan niya pa nga inalalayan iyong paa ko pasuot sa sapatos niya. Medyo malaki ang size nito sa akin pero kaya naman kung hihigpitan ang pagkakatali sa sintas na siya rin ang gumawa.

"Ayan! Tara na? Anong oras na. Naiinitan na ako sa suot kong 'to!" angal niya.

Pareho sila ni ricky na nakasampay sa balikat ang kanilang coat.

Para akong prinsesa na naka black shoes kasama ang mga body guard ko. Hindi ako nagbibiro dahil parang tanga 'yong tatlo na nagpretend pa na mga body guard at ginawang baril ang kanilang daliri. Iyong kay sebastian pa nga ay ice pick daw dahil mas matinding weapon daw 'yon na ginagamit ng mga holdaper.

"Wait lang sebastian! Sapatos mo!" pagpigil ko sakaniya sa pagpasok sa bahay nila no'ng makarating na kami sa lugar namin.

"Ayy! Nakalimutan ko hahahaha!" tapos patakbo siyang lumapit sa akin. "Nag-enjoy ako sa pagyapak pauwi hahaha!"

Hinubad ko ang sapatos niya at nagsuot ng tsinelas na nasa tapat lang naman ng bahay namin.

"Salamat." pag-abot ko sakaniya ng sapatos.

"Wala 'yon..." hindi pa siya umalis sa harapan ko no'n. Nakatingin lang siya sa paahan niya.

"Bakit? May sasabihin ka pa?" tanong ko.

Napatingin ako sa paligid. Wala naman tao. Walang tambay. Tanging ilaw lang sa tapat ng bahay nila ang lumilikha ng liwanag sa madilim na kanto namin.

Napatingin na siya sa akin.

"Hindi kita nasayaw kanina..." wika niya, parang malungkot...o sa palagay ko lang iyon?

"Okay lang naman sa'kin. Nasaan ka ba kasi kanina?"

"Ikaw ang nasaan kanina?! Kapag aayain kita palagi kang may kasayaw na, eh! Mayroon pa nga mga hindi naman natin schoolmate...Iyong mga nakakasayaw mo kanina! Ikaw lang hindi ko nakasayaw na babae sa section natin! Si oneil nga nakasayaw ko, eh! Mga teacher nga natin na babae nakasayaw ko rin!"

"Hayaan mo na, sayaw lang naman 'yon."

"Hindi ba importante sa'yo 'yon? Huh?" may bakas ng pagtataka sa mukha niya.

Importante sa akin ang first dance...pero sa iba mo rin naman binigay kaya ano pang sense no'n?

"Hindi naman noh. Ang importante sa akin ay kung nag-enjoy ba ako? Nag-enjoy naman ako kanina!" tugon ko.

Matagal niya akong tinignan sa mata. Kiniling ang kaniyang ulo. Bitbit niya ang kaniyang sapatos gamit ang dalawang daliri sa kaliwang kamay. Iyong kanan niyang kamay ay ipinasok sa kanang bulsahan ng suot niyang slack.

"Okay. Good night na. Kitakits bukas sa practice." aniya seryoso sabay talikod at naglakad na ng nakayapak patungo sakanila.

Tumalikod na rin ako at kumatok sa pinto ng bahay. Nakailang katok at tawag muna ako bago mapagbuksan ng pinto ni papa. Paglingon ko ay wala na ro'n si sebastian, nakapasok na yata ng bahay nila. May susi yata siya na tinago sa likod ng bulsa niya?

"Ang ganda mo naman kanina, ate." nakangiting sambit ni papa pagkapasok ko. "Pinakita sa akin ni mama mo picture mo kanina. Maganda ka naman na pero mas gumanda ka kanina."

Napangiti ako ro'n. Naisantabi ang ilang narinig kong puri para sa akin mula sa ibang lalaki kanina no'ng marinig ko ang pagpuri ni papa sa akin. Sakaniya talaga ako tunay na prinsesa...araw-araw at palagi. Hindi prinsesang mayaman sa salapi at luho kundi prinsesa na napupuno ng pagmamahal sa puso.

Ito marahil ang pag-ibig na alam ako...ang pag-ibig na pinapakita sa akin ng mga magulang ko.

•••

Ilang practice ang lumipas. Ilang softdrinks ang nainom. Ilang away-bati sa practice ang nangyari. Ilang republikan at hambog ng sagpro krew ang napatugtog tuwing break time...dumating na rin ang araw na kailangan na namin ipakita ang aming pinaghirapan.

Sa room lang ang venue. Nagpaalam kami sa teacher namin bago ang filipino subject na bigyan kami ng kahit ten minutes na free time para makapaghanda at makapag ayos. Mapalad kami na pumayag ito.

Sinabit ang hiniram na kurtina kala pam. Kulay green pa nga ito na bulaklakin...apat para sakop ang kabilang dulo. Naayos na ang sound system, naiurong na ang mga upuan sa likod upang malawak ang ginawang entablado. Ang props ay nakaayos na rin sa likod kung saan ginawa naming mala backstage...malapit sa CR ng girls. Handa na rin ang tinola na niluto pa ng papa ni chrisley. Ang costume ay nakahanda na rin at nakatabi sa gilid kasama ng mga ibang props na nakapatong sa isang long table na hiniram kala juanito. Ang sound system ay nakapwesto na sa harap. Bandang gilid malapit sa kurtina. Ang background na mga sinaunang bahay ay nakadikit na sa may blackboard.

Narrator ako kaya may hawak akong script. Pupwesto ako malapit sa sound system dahil ako rin ang operator ng mga background music na dinownload pa nila sebastian. Cellphone ni sebastian ang gagamitin...nakakonek ito sa speaker gamit ang chord.

Tinungo ko muna ang ginawa naming backstage dahil nandoon silang lahat, nag-aayos ng susuotin at ng ilang props.

"Walang mineral na tubig!" sabi ni zenaida.

"Wala sa canteen?" tanong ko.

"Wala, ubos na raw. Walang tubig 'yong pitsel para sa salo-salu."

"Ganito na lang...may mga baon ba kayong tubig? Ayon na lang muna ilagay sa mga baso tapos itong pitsel lagyan niyo na lang ng tubig gripo...r'yan kayo sa cr kumuha...sabihan na lang 'yong iba na nasa eksena na 'yon na huwag kukuha ng tubig sa pitsel."

"Sige sige, sabihan mo na lang sila, ligaya. Kukuha ako tubig." at bitbit ang pitsel pumunta si zenaida sa cr.

"Juanito! Ricky! Kayong lahat! lapit kayo sa'kin!" pagtawag ko sa mga nasa eksenang iyon.

Lumapit sila sa akin. Mga tapos na magbihis at mag-ayos.

"Si sebastian?" tanong ko kay ricky.

"Nagbibihis pa sa cr."

"Okay...mamaya pala sa eksena ng salo-salu...hindi ba kakain kayo ng tinola? Huwag kayong kukuha ng tubig sa pitsel, okay? Hindi malinis 'yong nasa pitsel pero 'yong tubig na nasa baso mamaya malinis 'yon...pwede 'yon inumin. Okay?"

Naunawaan naman nilang lahat iyon. Tapos maya-maya dumating na ang teacher namin sa filipino. Nag goodluck pa nga siya sa amin. Umupo siya sa inihanda naming upuan niya. Nagpapasok pa siya ng ilang estudyante mula sa kabilang section dahil walang teacher ang mga ito.

Halatang kabado ang lahat.

"Okay guys, nagpractice naman tayo ng matindi para rito! Ayusin natin, okay? Sabi nga ni kuya no'ng nagpapraktis tayo, be epic! Okay, kamay kamay!" sambit ni sebastian.

Lahat kami nasa backstage.

Nilapat namin ang isa naming kamay sa gitna kagaya ng gusto niyang gawin.

"Be epic bautista! Go! Go! Go!" cheer nito na ginaya namin at sa pangatlong Go ay sabay sabay naming binaba ang aming mga kamay. "Oras na guys para umarte!" bulyaw pa ni sebastian bago pumasok na sa loob at handa maghintay sa kaniyang eksena.

Umupo na ako sa aking pwesto. Hawak ko sa kaliwang kamay ang script at sa kanan ay ang mic. Nasa armchair nakapatong ang cellphone ni sebastian. Sarado pa ang kurtina, hinihintay ang aking simula.

Hingang malalim ligaya. Huwag kang magkakamali. Wooh!

"Balitang balita sa buong kamaynilaan ang isang malaking pagtitipon na magaganap sa mga huling araw ng Oktubre. Lahat ay aligaga at labis na naghahanda para sa pakikipagsosiyalan sa nasabing pagdiriwang."

Nahati na ang kurtina. Nagsimula na ang dulaan. Nakahanda na ang camera...nakavideo na. Si patricia ang tagakuha, nakatayo siya sa likuran ng teacher namin.

Umpisa pa lang, iyong kaba ko ay tila napalitan ng kilabot...dahil malayo sa praktis ang pinakita sa unang eksena. Naging seryoso sila. Para silang mga artista na nagtatanghal na talaga. Nakakatuwa. At sa pangalawang eksena, kasama ni kapitan tiyago, pinakilala si ibarra. Si sebastian, walang duda, pinahanga ako sa kaniyang pagtatanghal. Kapag seryoso talaga siya sa isang bagay ay lumalabas ang kaniyang galing.

Sa eksena na iyon ay sakaniya lang ako nakatingin. Sakaniya lang ako nanonood. Siya lang ang paborito kong karakter doon.

Dumating ang eksena ng hapunan. Isinara saglit ang kurtina, ipinasok ang mesa't upuan. Pumwesto sa mga designated seat ang karakter. Bimuksan na muli ang kurtina. Naging extrang katulong ako sa eksena. Bitbit ang tinola na nasa platito...inihain sa mga karakter na nakaupo't nag-aabang. Ilang extra ang naroroon...si zenaida nagpasok ng isang pinggan na puno ng kanin. Iyong iba naglapag ng mga pinggan, kubyertos, at iyong basong may tubig. Ako ang ang nagbitbit ng pitsel at inilagay ito sa bandang gitna malapit sa kanin.

Tumayo ang mga katulong sa gilid at pinanood kumain ang mga bida.

Sa eksena, magrereklamo si padre damaso sa nakuha niyang ulam na leeg at pakpak. Kumain ulit sila. Napansin ko ang pag-inom ni sebastian at halos maubos nito ang baso niya. Nag-usap pa sila ibarra at laruja sa eksena. Pero itong si sebastian na habang nasa karakter ni ibarra ay inabot ang pitsel at nilagyan ng tubig ang kaniyang baso. Walang nagsalita. Walang umalis sa karakter, pero lahat sila napansin ang ginawa ni sebastian na iyon.

Ininuman ni sebastian ang baso na kaniyang nilagyan ng tubig. Walang umalis sa karakter. Walang nag-adlib, pero ramdam ang pagpipigil ng tawa.

"Paumanhin ho sa inyong lahat, kinakailangan ko na hong umalis..." bigkas ni sebastian sa karakter na ibarra.

Sumubo pa siya ng huli sa pagkain at uminom pa ulit. Inubos ang tubig sa baso niya at naglagay ulit.

"Ngunit parating na si Maria Clara. Hindi mo ba siya aantayin?" bigkas ng karakter na kapitan tiyago.

Uminom muli si sebastian. Hirap na hirap na ako magpigil ng tawa. Kanina pa kami nagsisikuhan ni zenaida.

"Pasensiya na ho ngunti mayroon pa kong mas importanteng bagay na kailangang asikasuhin." paalam ni ibarra at tuluyan na ngang umalis sa pagtitipon.

Nagclose curtain. Inilabas ang kubyertos, baso, pitsel, pinggan, mesa at upuan. Nasa backstage si sebastian nagpapalit para sa susunod na eksena. Pagkalabas namin ay natawa na kaming lahat pero wala pa rin kamalay malay si sebastian kung bakit.

"Bakit nga?!" aniya naiinis. Inaayos ang kaniyang buhok.

"Wala! Wala! Mamaya na namin sabihin sa'yo!" wika ko at pumasok na muli sa room at tinungo ang pwesto ko bilang narrator.

Nagpatuloy ang dula. Na-execute ng maayos ang bawat eksena. Tumagal ang dula ng almost one hour. Napa-extend pa tuloy ang teacher namin at kinausap iyong susunod na subject teacher namin na sasakupin na niya ang oras nito...pumayag naman. Natapos ang dula ng maayos, malinis, at on script. Nawala man ang audience namin dahil may klase pa sila, matinding palakpak naman ang binigay ng teacher namin sa aming performance. Tuwang tuwa ito at proud sa aming nagawa. Kami ang unang estudyante niya na nakapagpresenta ng maayos na performance ng noli me tangere. Worth it iyong mga balik-balik namin at pagpraktis. Isang pamilya nga talaga kami.

"Bakit kayo natatawa kanina?" tanong ni sebastian.

Naayos na muli ang kwarto. Natanggal na ang mga kinabit na props.

"Gagu ka pre! Ininom mo 'yong tubig sa pitsel, eh, marumi raw 'yon!" sambit ni ricky, kakapasok lang galing banyo.

"Huh?"

"Sa gripo kasi ng cr kinuha 'yong tubig no'n! Iyong baso na unang binigay, 'di ba may tubig na 'yon?"

"Oo..."

"Ayon ang malinis pre! Display lang dapat 'yong nasa pitsel! Gagu ka nakailang inom ka pa!"

"Gagu ka rin 'di mo ako sinabihan bago 'yong eksena na 'yon! Tangina dirty water pweeee!"

Natatawa pa rin ako dahil nagfaflashback iyong eksena kanina.

"Nakalimutan ka yata sabihan...pero sinabihan kami no'n. Hayaan mo na, may anti-tetano na tinurok naman yata sa'yo, sebastian, noh?" sabi ni ismael sa kaibigan.

"Gagu!"

At ang third year life namin ay nagtapos sa maganda at simpleng closing party ngunit bago 'yon, pinahirapan muna kami sa pagpirma ng clearance. At sa isang iglap, panibagong school year na naman ang kakaway sa amin.

Panibagong school year na may lihim pa rin akong pagtingin kay sebastian. Parang tanga. Parang ewan. Sa tuwing nililihim ko ang pagkislap ng damdamin ko sakaniya na parang kuwitis lang sa umpisa ay mas lalo itong lumalala. Iyong kuwitis ay nagiging sinturon ni hudas.

"Ligaya! Magkakaklase pa rin tayo!" bulyaw niya habang kumakaway kaway pa nga at pinapalapit ako sakaniya.

Gusto kong malaman niya...pero ayokong sabihin.

•••

TBC.

AN:// Mainit na panahon ngayon! Huwag kalimutan mag drinking session...ng tubig! Stay hydrated always! Goodnight!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro