Kabanata 1
Si Ligaya
•••
Five years old ako noong lumipat kami ng bahay. Taga-probinsya na napadpad sa siyudad at nanirahan sa isang squatters area. Ang una kong naging kalaro ay si Isay...mas bata sa akin at kapatid ni ismael. Si isay lang 'yong may lakas ng loob na ngitian ako at ayain makipaglaro ng hula hoop niya no'ng sumilip ako sa labas ng bahay. Siya rin ang nagpakilala sa akin sa lahat ng mga bata sa looban. Kung sino ang kalaro niya ay dapat kalaro ko rin. Sa isang laro ng batuhan bola ko nakilala ang mga kaibigan ni ismael na sina ricky at sebastian. Nabriefing naman na ako ni isay noon bago ko pa makilala ang tatlo kaya hindi pa nila ako kilala ay kilala ko na sila.
Nasa tambak kami, lugar na parang field kung saan maraming bata ang naglalaro. May mga puno ng mangga, bayabas, at aratiles. Malawak ang field, pwede kang magyapak dahil sa maliit na damong mayroon ito. Sa katabi nito ay tila may maliliit na parang chocolate hills kung tawagin nila, roon naman maraming nanghuhuli ng tutube ang iba...minsan alitaptap kapag sumasapit ang pagsilip ng dilim. May kaunting parte naman para ro'n sa mga nagbibisikleta. At sa bandang dulo, malapit sa may malaking pulang gate palabas ng lugar ay ang gawa-gawang court para sa mga nagbabasketbol. Sa field na iyon ay pwede rin magpalipad ng saranggola. May mga makahiya sa kung saan saan, mga bulaklak na hindi ko alam ang tawag...puting talulot at dilaw ang gitna. Madami ring halaman ng amorseko, malapit sa mga bulaklak na hindi ko alam ang tawag.
Itinuro ni isay sa akin ang daan noon kung saan sa gilid pa ng bahay nila aling baby may isang hagdan patawid ng bakod papuntang tambak. Ito ang tinatawag nilang lihim na daanan. Hinatak ako ni Isay papunta roon sa field kung saan madami pang mga bata.
"Sali kami!" sigaw ni isay sa kanila.
"Sino 'yang dayo na 'yan? Taga rito ba 'yan?" sigang saad ng batang sebastian sa akin habang hawak hawak ang isang bola na basketball ang desenyo pero 'yong pambata lang at pinapahanginan.
Ang tambak daw kasi ay teritoryo ng mga bata sa looban lamang. Bawal daw ang mga outsiders lalo na iyong katabing barangay. At si isay, madalas sumasali sa sparing...pero 'yong sparing ay pagalingan sumayaw, palambutan ng katawan.
"Kaibigan ko 'siya. Bagong lipat. Katapat lang ng bahay niyo 'di mo alam?" ani isay na nakapameywang pa nga at tinatarayan si Sebastian.
"Luh, inaano ka na naman isay? Tinatanong ko lang, eh! Taray nito. Osya, game na! Game na! Kampihan na ulit!" bulyaw no'ng sebastian.
Naging magkakampi kami sa isang grupo ni sebastian kasama sila ricky, isay, at iyong anak ni aling martina. No'ng matira kaming dalawa ni sebastian tila ba kinabahan ako bigla. Competitive si sebastian, ayaw magpatalo. Simpleng laro ng batuhan bola ay akala mo olympics. Grabe siya umilag sa bola. Halos siya nga lang iyong target ta's ako takbo takbo lang sa gilid na parang saling kitkit lang ako rito.
"Hahahaha bobo!" bulyaw ni sebastian kay totoy no'ng hindi siya matamaan kaya halos siya talaga ang target ta's ako nandito lang sa gilid tumatakbo ng mabagal.
Malakas na bato ni totoy sa bola, no'ng una akala ni sebastian ay pababa ang bato kaya tumalon ito ng malakas ngunit trick lang pala kaya nasapul siya sa may tiyan.
"Boom! Out ka na!" bulyaw ni totoy sa kaniya habang namimilipit sa sakit si sebastian sa may tiyan.
"Grabe naman pagbato mo! May galit ka ba sa'kin!?" sabi ni sebastian, namimilipit pa rin sa sakit.
"Hahahaha tama na iyak aling lolita! Iyakin ka pala, eh!"
"Sino si lolita?" tanong ko kay isay na nakatayo sa aking gilid.
"Nanay ni sebastian. Kagawad dito."
"Ahh..." tanging nasambit ko habang tumatango tango.
Bumalik kami sa laro, pinepressure ako ng team ko...lalo ni sebastian.
"Ilag! Saluhin mo 'yong bola para mabuhay ako! Saluhin mo!" sigaw nito sa akin.
Sa kaloob loobang pagtataranta ko sinikap kong saluhin ang patamang bola sa akin ngunit mabilis ang bola, dumulas ito sa aking kamay...nataya ako...talo kami.
"Bakit mo sinalo 'yong bola!? Hay nako! Parang 'di nakalaro niyan! Ano ba 'yan!" inis na sabi ni sebastian habang dinadampot ang bola.
"Sabi mo kasi saluhin ko!" irita kong tugon.
Kahit bago ako rito sa lugar, hindi ako magpapaapi!
"Kapag palobo! Do'n mo lang pwede saluhin 'yong bola, kapag palobo!"
"Wala kang sinabi! Sabi mo saluhin ko na! Sigaw ka kasi ng sigaw!"
"Aba, ako pa nga? Patawa 'to, oh!"
At ayon ang unang hindi namin pagkakasunduan ni sebastian. Palagi kaming magkaaway. Nakakainis pa ro'n pareho kami ng school na pinapasukan kaya palagi ko siyang nakikita sa flag ceremony, sa canteen, sa hallway, sa hagdan, sa kung saan saan...buti na lang hindi kami magkaklase dahil section one ako ta's siya section three. Sa tuwing nagkakasalubong kami no'n tinatarayan ko siya, napapangiwi lang siya.
Mas kinainis ko no'ng magkaroon na siya ng iaasar sa akin. Nagsimula iyon no'ng Grade four. Pang-umaga kami.
"Neneng! Dalian mo at sumabay ka na kay pareng seve!" bulyaw ni papa.
Nagmadali akong mag-ayos no'n, kakatapos lang akong suklayan ni mama at maayos na inilagay iyong hairband na hello kitty sa ulo ko. Buntis no'n si mama sa pangatlo kong kapatid, iyong pangalawa ay grade three, panghapon pa.
Hinatid ako no'n ni papa hanggang sa paradahan ni kuya seve. Nasa likuran na nakaupo si sebastian, katabi si ricky. Nasaloob si ismael, do'n ako tumabi.
"Na kay neneng na 'yong bayad niya, pre. Paalalayan na lang, ha?" wika ni papa kay kuya seve.
"Sino si neneng kuya mario?" tanong ni sebastian.
"Si ligaya, neneng palayaw niya."
"Ahh! Neneng? Hahahaha okay po! Kami na po bahala kay neneng! Maaasahan niyo po 'yan!"
Kinabahan ako ro'n. Buong katawan ko parang kinabahan. Mas kinabahan pa ako sa pagkakaalam ni sebastian sa palayaw ko kaysa sa mga nambubully sa akin sa room. Bakit naman kasi ang panget ng palayaw ko?
Siniko ako ng mahina ni ismael.
"Neneng," aniya nang aasar.
Palihim ko naman kinurot ang kaniyang braso 'gang umaray siya.
Sumilip si sebastian pati ang tatay niya, napatingin din si papa sa amin sa loob.
"Oh bakit?" tanong ni papa.
"Wala ho! Natapakan ko pala 'yong paa niya..." pagsisinungaling ko.
"Osiya, ingat! Babay na neneng!" paalam ni papa. Kumakaway ito. Hindi umaalis sa kinatatayuan 'gat hindi pa kami nakakalayo.
"Mahal ka ng papa mo, ah?" sabi ni kuya seve. Hindi ako sumagot.
"Ikaw tay? Bakit hindi mo ako mahal?" pagdadrama ni sebastian.
"Tigilan mo nga ako, sebastian. Mag-aral ka naman ng mabuti. Galingan mo naman sa school."
Natawa lang ako.
Pagkatapos no'n inaasar na niya ako ng Neneng sa tuwing nagkakasalubong kami sa school...hanggang sa bahay. Pampam. Pero sa kabila ng inis at galit ko, nakakatuwa isipin na dahil do'n ay naging close kami.
Grade five, panghapon kami. Mas lumala ang pambubully sa akin sa room.
Madaming bully sa section one, dahil lang bago ako at hindi gano'n kayaman. Binubully ako no'ng mga akala kong kaibigan. Iyong nakatabi ko no'n kakatransfer ko lang. Iyong mga naunang kumausap sa akin. Inaasar nila ako dahil nalaman nila ang mama ko nagtitinda ng ihaw ihaw sa tapat ng bahay, ta's 'yong papa ko construction worker. Amoy usok daw ako at 'yong mama ko. 'Yong papa ko amoy lupa naman daw. Nakaramdam ako ng hiya no'n dahil sa klase ng trabaho mayroon ang magulang ko. Dahil karamihan ng mga kaklase ko ay anak ng teacher, kamag-anak ng teacher, magulang nasa abroad, o maganda ang mga trabaho ng magulang nila...maipagmamayabang talaga. Kahit na public school lang kami, ang section namin ang tinitingala sa talino't yaman. Kahit na iyong nambubully sa akin ay mahina ang utak, mahina sa klase, nangongopya sa akin.
Nakaupo sila sa likuran ko, row four kami. Kinukurot nila ang tagiliran ko. O minsan pasimpleng hihilahin ang buhok ko...kunwaring sinusuklayan nila ta's mamaya hihilahin na ng malakas...masakit. Iyong katabi ko walang pakealam naman. Lahat sila rito alam kong alam nila ang nangyayari sa akin pero dinaig pa nila ang may kapansanan. Ang baon ko hinihingi nilang dalawa...babae rin sila kaso matapang, mataray, maldita, maingay. Tahimik lang ako dahil wala ako...walang lakas ng loob na magsumbong. Hindi ako komportable rito.
Maipagyayabang naman talaga ang pagiging section one. Tuwang tuwa ang magulang ko. Pero may panahon na hinihiling ko na magkaroon ako ng sakit para hindi ako makapasok. Hindi ako gumagawa ng assignments dahil inuuna ko iyong kanila. Naging mailang ako sa tao at tahimik. Natakot ako sa mga tao dahil sa kanila. Naranasan kong hindi magkaroon ng kaibigan pero may nakakausap naman ako rito bukod sa dalawang nambubully sa akin...pero hindi sa puntong kaibigan ko sila. Classmate, oo. Nakakatakot sa school. Ilang taon pa lang ako, ilang taon din nila iyong ginagawa sa akin. Ayaw nila akong tantanan, ako na lang nag-adjust. Tinamad akong mag-aral ng mabuti. Hindi ko 'yon sinabi sa magulang ko dahil ayoko mag eskandalo sa school o sa room...baka lalo lang ako mabully. Pinipilit ko pumasok kahit takot na takot na talaga ako. Kabang kaba palagi sa room.
"Ano ba 'yan ligaya! Amoy inihaw ka! Ang aga aga pa lang, ah? Hahahahaha!" sabi ni kim, iyong kung mambully sa akin ay wagas.
Siya iyong nakaalam na ayon ang trabaho ni mama dahil no'ng dumayo siya sa amin, nakita niya ako at ang mama ko na nagtitinda. Kabilang barangay lang sila nakatira atsaka gala talaga siyang babae lalo na kapag walang pasok. Papa niya nasa abroad, mama niya business woman, nagpapafive-six. Maputi siya, matangkad, kulang sa laman, singkit ang mata, may bangs at hanggang balikat ang straight na buhok. Katandem niya palagi na parang side kick iyong si Karen. Matangkad din, kulang sa laman, morena, kulot ang itim na buhok na madalas niyang pinupusod. Papa niya security guard, mama niya may karinderya. Hindi ko alam kung bakit pa nila kinukuha ang baon ko? Kinse pesos lang naman pera ko...kanila bente. May babayaran pa akong soup. Pataasan pa ang kailangan na tray dahil kapag mababa, cleaner ka. Minsan sa kinse pesos na iyon natitira ay syete. Pinapagalitan ako ng adviser namin na si ma'am lopez, bakit syete lang tray ko. Hindi na lang ako sumasagot. Madalas akong cleaner. Mukha raw naman akong taga gano'n. Salbahe sila sa akin. Ramdam na ramdam ko iyon. Ramdam ko na mag-isa lang ako sa classroom. Kung sana lang ka-grade ko si isay, baka sakaling may mabuting classmate at kaibigan pa ako na ipagtatanggol ako sa kanila.
Hindi ko alam kung galit ang namumuo sa puso ko sa mga kaklase ko. Sa top ten namin limang tao lang ang deserve sa ranking nila. Iyon ay ang top one hanggang five. Iyong iba? Duda ako. Anak sila ng teacher, kamag-anak ng teacher, pero hindi sila kamangha mangha sa klase. Iyong iba sinusuhulan iyong top one namin. Mahirap lang din ang top one namin, papa niya construction worker, mama niya housewife. Panganay pa siya. Okay lang sakaniya magpakopya basta nababayaran siya. Minsan nililibre siya ng tray. Swerte no'ng mga 'yon sa kaniya...nababayaran 'yong talino niya. Okay lang sakanila na hindi siya asarin...mapang-asar din naman siya. Lalaki kasi...atsaka may kapit sa mga teacher...top one, eh? Future valedictorian sa batch namin. Sponsored ang pagiging boy scout niya no'ng isang mayaman na kamag-anak ng teacher. Talo pa rin ako. Mahirap lang ako at medyo may alam. Siya? Mahirap na matalino na madiskarte na uto-uto at bayaran.
"Naligo ka ba ngayon? Ha?" wika ni karen habang pinaglalaruan ang kinuhang hibla ng buhok kong medyo basa pa.
Nasa hallway pa lang kami, sa may gilid ng library, malapit sa hagdan.
"Naligo ako, kaya nga basa, eh." tugon ko. Mahigpit ang pagkakakapit ko sa strap ng aking backpack.
"Akin na pera namin. May bibilhin kami sa canteen." sabi ni kim.
Sarado pa ang library...kumakain pa yata ang librarian sa baba. May mga estudyanteng dumadaan pero hindi kami binibigyang pansin...mukha lang kasi kaming nag-uusap.
"Hindi ka namin nakita sa pila, eh? Saan ka ba nakapila?" sabi ni kim.
"Sa dulo."
"Dapat lumapit ka samin ta's inabot mo 'yong pera para nakabili pa sana kami ng pagkain sa labas!"
Bago kasi magpapasok ng gate may pila pa sa quadrangle per grade at per section.
"Ano ba 'yan, ligaya? Wala ka bang utak?" sabi ni karen.
"Wala akong pera. Magkano lang baon ko. Binayad ko sa tricycle."
"Ay wow! Nagtatricycle ka? Hahahaha may pera na kayo? Hindi na kayo nagiihaw ng mama mo? Hahahaha!" pang aasar ni kim.
"Siguro 'yong baby sa loob ng tiyan ng mama nito hinihika na!" sabi ni karen.
"Naka-high na sa usok hahahaha!"
"Special child 'yon paglabas hahahaha!"
Hindi na ako natutuwa o natatawa sa kanila. Madalas nilang asarin si mama na wala namang ginagawa sa kanilang masama.
"Nakakatawa na kayo niyan?" may galit sa tono ko.
"Ay! Ginalit mo si ligaya! Hahahahaha!" sabi ni karen.
"Hindi na siya si ligaya, siya na si galit! Hahahahaha!"
Lumapit sa akin si kim ng kaunti at pinitik ang noo ko ng malakas. Umaray ako, natawa lang sila. Gusto ko umiyak...wala pa ako sa classroom nito...hindi pa nagsisimula ang klase...ma-le-late ako nito at sa akin ibabaling ng teacher 'yon. Hindi naman ako paborito o kilala o pinapansin sa klase. Walang sasalo sa'kin.
"Hoy! Payatot! Bakit mo pinitik 'to?!" bulyaw ng isang lalaki. Boses pa lang alam ko na kung sino.
Nilingunan ko siya, kasama niya si ricky at ismael. May kinakain silang dirty ice cream. Magkakasabay kaming pumasok pero nagkakahiwalay na kapag bumaba na kami sa tricycle.
"Luh? Pinitik? Pinitik daw kita ligaya?" Pagmamaang mangan ni kim. Nilalakihan ako ng mata.
Hindi ako sumagot, nakatango lang ang ulo ko, hinahaplos ang aking noo.
"Hoy payatot! Malinaw mata ko! Pinitik mo, kitang kita ko! Umaray pa nga siya, eh!"
Ramdam ko na nasa gilid ko na silang tatlo. Parang shield.
"Angas nito, oh? Makapagbintang!" sabi ni kim.
"Luh? Ayaw pa rin umamin, oh? Maang maangan pa!" sabi ni ricky.
"Hindi nga kasi! May lamok sa noo niya, pinatay niya lang!" sabi ni karen.
"Hahahaha lamok daw, pinitik? Gung-gong?" sabi ni ismael.
Naramdaman ko ang paglapit ni sebastian kala kim, nakikita ko ang kaniyang paghakbang sa kanila.
"Aray!" no'ng marinig ko ang bulyaw na iyon ni kim napaangat ako ng ulo. Nakalapat ang kamay ni kim sa kaniyang noo. "Baliw ka ba?!"
"Ay, may lamok, eh. Pinitik ko rin." sabi ni sebastian.
Narinig ko ang pagtawa ng dalawang katabi ko.
"Hoy! Bakit nandiyan pa kayo? Anong oras na!" biglang pagsulpot ng isang teacher, paakyat ito ng hagdan.
"Inamo!" sambit ni kim kay sebastian bago pa siya hilahin ni karen paalis. Buti hindi narinig no'ng teacher.
Late na kami.
"Tara na? Sabay ka na sa'min, neneng." sabi ni sebastian.
Tinarayan ko pa silang tatlo at nangunang maglakad. Pero binagalan ko ng kaunti dahil kakaalis lang din nila kim. Ayoko magsabay sabay kami ng pagpasok sa room.
"Binubully ka ba ng mga 'yon?" tanong ni sebastian sa akin.
Nakasunod silang tatlo.
"Hindi pa ba halata 'yon?" sabi ni ismael.
"Gantihan na namin para sa'yo, neneng? Gusto mo ba 'yon?" sabi ni ricky.
"Tigilan niyo nga! Hindi ko kailangan ng tulong niyo. Kaya ko sila." pagsisinungaling ko.
Hindi ko sila kaya.
Nagmadali na akong umakyat. Pagdating ko sa classroom tapos na sila mag pray. Buti mabait ang adviser namin, hindi na ako pinahiya pa sa klase, pinadiretso na ako ng upo. Kaso tuloy pa rin ang pangungurot mula sa likuran ko.
'gang mag-uuwian. Sa pagkakataon na ito hindi ako cleaner. Hindi nila nakuha ang pera ko. Bago bumaba may pila-pila pa para hindi magtulakan pababa ng hagdan. Nakita na namin na nasa hallway na rin ang section nila sebastian. Kitang kita siya dahil nasa unahan siya ng pila. Iyong uniporme niya bukas na at kitang kita na ang puting sando niya. Sa pagiging tulala ko sa kawalan, naramdaman ko ang pagbigat ng bag ko. Nasa likuran ko sila kim. Kinuha ko 'yong bag ko at binuklat ito...nasa loob na nito ang isang bunot, floorwax, eraser ng board, at 'yong bilog na basahan na may floorwax.
"Bakit mo inuuwi 'yan, ligaya?" sabi ni kim. "Ma'am! Si ligaya nag-uuwi ng bunot! Gagawing pang-ihaw!" sabay haglpak niya.
Nagtawanan naman ang iba. Hindi na lang ako kumibo at tinanggal ang mga iyon sa bag ko. Umalis ako sa pila para ibalik iyon sa loob ng room. Nakaabante tuloy sila ng pila. Nagparaya na naman ako.
Umalis saglit ang adviser namin, nasa ibaba, nag-aabang ng go signal kung kailan kami papababain.
"Ikaw naglagay no'n, eh! Kitang kita namin dito!" bulyaw ni sebastian, may pagturo pa kay kim.
Nagmaang-maangan pa si kim. Kinampihan naman siya ni karen. Kinampihan din ng iba naming kaklase.
"Hala! Grabe mga section one, oh? Hindi mo nakita 'yon? Nakita ko nakita mo, eh!" sabi ni sebastian sa lalaking nakapila sa gilid ko.
Si Richard, apo ng teacher. Mahina sa klase. Tahimik. Inaasar din nila kim pero hindi gano'n kagrabe kagaya sa akin. Umiling ito.
"Ay! Ang hirap naman pala maging section one, may requirements na kailangan malabo mga mata! Hahahaha!" sabi ni sebastian.
"Lance! Ano ba 'yan?" suway no'ng adviser nila sa kaniya. Kakabalik lang nila kasama ang adviser namin.
"Ma'am! May bully po kasi sa section one! Binubully 'yong kaibigan namin! Nakita namin kanina nilalagay niya 'yong mga floorwax at bunot sa bag niya! Paano kapag nalagyan 'yong notebook niya ng floorwax? Magiging amoy floorwax 'yong notebook at 'yong bag niya!" sabi ni sebastian.
"Atsaka ma'am kaya late kami kanina kasi nakita namin pinitik no'n ng mga 'yon kaibigan namin sa noo! Malakas! Umaray siya! Mangiyak ngiyak nga kanina, eh!" sabi ni ricky.
"Totoo ba 'yan?" singit ng adviser namin. "Sino nambubully sa'yo, ligaya?" tanong nito sa akin.
Napatingin ako kala kim at karen, nanlalaki na naman ang mga mata nila sa akin kaya hindi na lang ako sumagot.
"Ito ma'am, oh! Ito!" biglang pagturo ni sebastian sa dalawa, lumapit pa nga ito sa kanila. "Hindi lang po masabi kasi natatakot sa kanila! Mukha rin naman pong mangangagat, eh!"
"Gag—" hindi natuloy ni kim ang nais sabihin na masamang salita dahil nandito si ma'am lopez.
"Totoo ba 'yon, kimberly?" seryoso ang boses ni ma'am.
"Hindi po, ma'am! Hindi totoo 'yon!"
"Totoo 'yon! Huling huli ka na nga sa akto, eh, mamaang maangan ka pa? Tigas ng mukha. Hindi marunong mahiya." sabi ni sebastian na akala mo siya iyong nabully.
Nagbuntong hininga naman si ma'am.
"Panget pala mga ugali sa section one, ma'am?" sabi ni sebastian sa adviser ko. "Buti na lang pala nasa section three ako hahahaha!"
"Lance! Balik ka nga rito sa pila! Ang kulit mo talagang bata ka!" bulyaw ng adviser nila.
"Hindi ka pala bagay sa section one, ligaya, mga walang puso tao r'yan! Mayroon ka no'n, eh!" pahabol pa nito bago bumalik sa pila nila.
Ayon ang unang beses na tinawag niya ako sa pangalan na gusto kong tawagin. Kaya naman pala niya...alam naman pala niya paano banggitin.
Pinauna na silang bumaba. Huli pa kami dahil section one nga. Binalik ko naman iyong kinuha nila kim sa loob ng classroom. Sa dulo na ako pumila.
"Okay ka lang ba, ligaya?" tanong ni ma'am no'ng lumapit sa akin. Hindi ako sumagot.
"Bukas, ililipat kita ng upuan. Okay?" mahina nitong sabi.
Na alam ko na walang mangyayaring pagbabago. Hanggang sa gano'n lang ang kayang gawin ni ma'am lopez. At tama nga ako...walang nangyari. Nilipat ako sa row one, sa dulo. Pero tuwing recess o wala pang teacher, dinadayo pa rin ako nila kim para asarin at saktan. Hilahin ang buhok ko ng palihim. Lagyan ng bubble gum ang palda ko. Mas lalo silang naging agresibo. Mas lalo akong natakot. Mas lalo akong tinamad mag-aral. Mas lalo akong nawalan ng gana pumasok.
"Hoy payatot! Sumosobra ka na, ha!" bulyaw ni sebastian.
Uwian. Inabangan ng tatlo sila kim. Hindi ako cleaner ngayon.
"Itong bansot na 'to, ang angas mo, ah?!" sabi ni kim kay sebastian may pagduro duro pa.
Mas matangkad si kim kaysa sakaniya pero kasing tangkad nito si ricky. Katangkaran naman ni ismael si karen.
"Tigilan mo pambubully kay ligaya! Baka gusto mo ibalik ko sa'yo pinag gagagawa mo sa kaibigan namin?! Angas ka, ha! Ayos Ayusin mo panduduro mo!" bakas ang galit sa boses ni sebastian.
"Crush mo siguro si ligaya, noh? Hahahahaha! Bagay kayo gagu! Magsama kayo amoy imburnal!" sabi ni kim.
"Gagu ka rin! Ayusin mo pananalita mo, ah? Hindi ko crush 'yon! Kaibigan ko lang 'yon! Atsaka akala mo kami lang mabaho rito? Mas malala pa nga ikaw, eh! Mama mo may kabit! Isang tricycle driver do'n sa amin! Kadiri papatol na lang sa mahirap pa! Ta's nagpapafive-six mama mo 'di ba? Panay tago naman sa mga bumbay! Hahahahaha!" sabi ni sebastian.
Nasa gilid lang ako ng gate, malapit sa stage rito sa quadrangle.
"Halaaa! Mama mo may kabit? Hahahahaha!" sabi ni ismael.
"Gagu, chismis din papa niya may pamilya na raw sa ibang bansa kaya hindi umuuwi sa kanila hahahaha!" pang-aasar ni ricky.
Hindi ko alam ang tungkol sa kwentong iyon kay kim.
Hindi nagsalita si kim. Nakatayo lang ito at namumula ang mukha sa inis.
"Oh? Gagalit ka? Bakit ka galit? Nilabas namin baho mo? Kadiri. Nakakahiya. Ang lakas ng loob mo pang mamersonal, ah? Uwi ka na! Umiyak ka ro'n sa mama mo may kabit!"
Umalis na lang si kim na hindi sumasagot kay sebastian. Sumunod si karen do'n. Nagtawanan ang tatlo at nag-apiran.
"Kanino niyo nalaman ang tungkol do'n sa magulang ni kim?" tanong ko paglapit sa kanila.
"Kay kuya pedring at kuya noy! Kabit ng mama no'n si kuya pedring dati, eh. Ngayon ibang tricycle driver na raw. Nakwento ko kasi sa dalawa 'yong tungkol sa ginawa sa'yo." tugon ni sebastian.
"Atsaka hayaan mo na 'yong babaeng 'yon! Nalasap niya ang nararapat sa kaniya! Katotohanan naman sinabi namin, eh." sabi ni ricky.
"Hinahayaan mo lang na bulihin ka no'n?" sabi ni ismael.
"Hindi, ah...ayoko lang ng gulo."
"Pwes! Gusto ko ng gulo! At kapag may nang-away sa'yo r'yan sa section one, sabihan mo lang ako! Susugurin ko ka agad! O kaya next grade magpalipat ka na lang ng section. Huwag ka na ro'n! Hindi naman lahat ng tao ro'n matatalino, eh! Sige, matalino, pero aanhin mo ang talino kung wala kang puso? Bobo ka kapag gano'n." sabi ni sebastian.
No'ng grade six, nalipat ako ng section. Section two. Nagalit ang magulang ko sa akin pero sa huli tinanggap na lang nila. Naging kaklase ko si ismael, si sebastian at ricky nanatili sa three. Nasa one pa rin sila kim at karen. Baka nga totoo ang sinabi ni sebastian...hindi lahat ng nasa section one ay may puso. Sayang ang talino kung walang puso. Dahil no'ng nalipat ako sa section two, mas naramdaman ko ang pagkakaroon ng kaklase. Hindi na ako takot pumasok...hindi na ako kinakabahan. Naging magaan ang lahat. Ngunit nagkaroon ako ng trust issues sa mga bagong taong nakikilala ko. Tanging si ismael lang ang masasabi kong kaklase kong kineep ko no'ng grade school.
At pagsapit ng highschool...kaba ang nararamdaman ko. Nakapaskil na sa labas ng gate ang mga pangalan at section ng mga freshman. Inisa isa ko 'yon basahin.
"Ligaya!" bulyaw sa pangalan ko.
Nakita ko si ricky na kumakaway sa akin. Pinapalit ako sa pwesto niya. Kasama niya ang dalawa. Para silang Zaido pulis pangkalawakan...palaging magkasama. Parang kami ni isay, tinatawag na super twins sa looban.
"Bakit?" bungad kong tanong.
"Section banaba tayo." sabi ni ismael.
"Magkaklase ulit tayong dalawa?"
"Anong kayong dalawa lang? Hello! Magkaklase tayong apat!" sambit ni sebastian.
Hindi pa ako naniwala. Lumapit ako sa gate at hinanap ang section na tinutukoy nila. Pang lima ito. Hinanap ko muna ang pangalan ko para makumpirma ang sinasabi nila.
I - BANABA
GIRLS
-
-
BABON, MARIA LIGAYA T.
-
-
Hinanap ko naman ang pangalan ng tatlo...
I - BANABA
BOYS
-
-
-
JIMENEZ, LANCE SEBASTIAN A.
-
-
MERCEDES, ISMAEL D.
-
-
-
-
SANTANA, RICARDO M.
-
-
Iyong kaba ko biglang nawala. Nakahinga ako ng maluwag ngayong kasama ko sila sa highschool.
•••
TBC
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro