Epilogue
Siya
•••
Sabi nila "Women just overwrite their love life with new ones", para sa akin ay hindi iyon totoo. Dahil gaano pa karami ang dumating at dumaan na bagong pag-ibig o mga lalaking naiinteresahan ko...sa likod ng isipan ko ay ang sandali at panahon na pinagsamahan at pinagsaluhan namin ni sebastian noon...ay ang sandaling mahirap alisin at kalimutan sa buhay ko.
Tawag nila rito ay first love. Isang klase ng pag-ibig na madalas na nangyayari sa murang edad. Sa kalaunan ay bigla na lang kayong magsasawa sa isa't isa o maghihiwalay kayo dahil lang sa maliit na bagay o kalokohan na parang naglalaro lang at madaling umayaw. But when you get older, you may look back and think it wasn't love. But the truth is, it was. It was love for what you knew love to be. Hindi ko pagsisisihan ang masasayang oras at sandali na na-experience ko kay sebastian. Kahit na wala na kami, kahit na nalunod na ang damdamin namin sa ibang tao. Hindi ko ipagkakaila na ginawa niyang espesyal ang buhay ko noon. Lumaki kami ng sabay, kahit na lumaki kaming lumalayo ang damdamin sa isa't isa.
Ngayong kasal na talaga si sebastian...happily married with the love of his life...wala akong ibang hangad kundi ang maging masaya sila sa hinaharap at magtagal hanggang sa huling hininga nila. At ang ngiti ko ngayon ay walang bahid ng sama ng loob sakanila kundi kasiyahan lamang—genuine happiness and gratefulness. At marahil ang tadhana ay may nakalaan na magandang plano para sa akin. Kahit mabagal ang pagdating no'n, kahit matagal pa, ayoko rin naman na madaliin iyon...ang darating na gusto kong magtagal. Alam ko na dadating din 'yong oras para sa akin kaya sa ngayon ay sila muna.
"Maria Ligaya Babon!" sambit no'ng host sa reception.
May pa-message kasi pa lang ganap sa kasal na ito. Mga message for the bride and groom. Unang tinawag ang sa side ni sebastian...pamilya at kaibigan. Nauna sila ismael at ricky kaysa sa'kin kaya nagkaroon pa ako ng kaunting oras para paghandaan ang sasabihin ko at tinayp iyon sa aking cellphone.
Tinawag sa pangalawang beses ang pangalan ko at tinuro na nga ako nila sebastian kaya nahiya akong tumayo't lumapit doon sa munting stage sa harap. Inabot sa akin no'ng host ang mic, huminga pa ako ng malalim at halatang kabado dahil sa panginginig ng hawak ko sa aking cellphone.
"Huwag nakakaiyak, ligaya, ha?" bulyaw ni sebastian kaya napangiwi ako dahil sa sinabi niyang iyon.
I cleared my throat, breath in and out again bago magsimula.
"Firstly, congratulations sainyong Dalawa, Sebastian and Daniel. I wish you a happy and blissful married life moving forward. And naghanda ako ng maikling message...gusto ko lang sabihin na...salamat, sebastian. For the time we spent together, simula pagkabata hanggang ngayon. Kahit na hindi ko masasabi na isa akong close friend, kagaya ng pagkaclose friend mo kala Ricky at Mael. Salamat dahil nanatili ka sa tabi ko bilang isang malapit na kaibigan. Nandoon ka sa tabi ko sa halos lahat ng dalamhati na dumaan sa buhay ko, kaya nagpapasalamat ako sa'yo dahil pinaramdam mo at naramdaman ko ang pagmamahal mong tunay, kaya naman sana ngayong kasal ka na, ang tanging hiling ko lang sana ay huwag mong paiyakin o saktan si Daniel, kundi alagaan mo siya sa hirap at ginhawa. Sa pagmamahal naman...mahirap kalabanin ang nakatadhana nga at kitang kita naman sa mga mata mo na mahal mo siya ng sobra...at sa tuwing kapiling mo siya ay kitang-kita rin namin iyon. Sa wakas, nahanap mo na ang babaeng nakatadhana sa'yo na mamahalin at pahahalagahan mo hanggang sa makakaya mo kahit paulit-ulit pa. At kay Daniel, pinapaubaya ko na sa'yo si Sebastian, sana mahalin mo rin siya ng 'gaya ng pagmamahal niya sa'yo. Alam kong maaasahan ang lalaking 'yan. Masaya siya kasama at masarap din siya magmahal, kaya sana ay mahalin mo siya at pahalagahan. Dahil ngayon ko lang napagtanto ang pagkakaiba ng mahal at mahalaga, pero ikaw, para sakaniya, ikaw 'yong dalawang salitang 'yon...totoo. Once again, congratulations, Mr. and Mrs. Jimenez. I prayed you had a happy and blissful married life."
At ang ngiting ibinigay ko sakanilang dalawa ay totoo. Walang bahid ng selos. Talagang masaya ako para sakanila...kahit na hindi ko naman talaga nabasa ang tunay na mensahe ko para kay sebastian...at ang mensahe na iyon ay marahil para sa akin na lang...dahil kahit na kumukupas na ang pagmamahal ko kay sebastian, mahalaga pa rin siya sa akin. At ngayon, ang aming pagmamahalan ay nasa aming nakaraan na lamang na kaming dalawa lamang ang nakakaalam ng totoong kwento. Hindi naging maganda ang pagtatapos ng kwento namin pero ito pa rin ang pinakamagandang love story na alam kong nangyari.
Sebastian,
Gusto ko lang sabihin sa'yo na salamat sa pagpaparamdam mo sa akin ng pagmamahal mo na hanggang ngayon ay bibitbitin ko sa akin kahit saan ako mapunta...kahit kasal ka na. Hindi mo lang ako tinuruang magmahal, sa totoo lang, tinuro mo rin sa akin ang pagkakaiba ng ilang salita kagaya ng tahanan at mundo, ng mahal at mahalaga, ng pansamantala at pangmatagalan. At salamat dahil sa mga salitang iyon na tinuro mo ay alam ko na naging ako ang ipinapahiwatig no'n para sa'yo sa maikling panahon noon. Ngayon, ang mga salitang iyon bukod sa pansamantala ay ipinapahiwatig na nito para sa'yo ay si daniel. Gusto ko lang sabihin na dapat lang. Okay na ako, I moved on. Hindi ko alam kung masasabi ko ba 'to sa kasal or what? Kung masasabi ko ba 'to kung lasing ako? Pero gusto ko lang sabihin na masaya ako para sa inyo. Totoo. Sobra. Ang nakaraan ay mananatili na lamang sa nakaraan at ang ngayon ay dapat paghandaan at tanggapin para sa future ay mas maganda ang kalalabasan. Mahal kita, sebastian, hindi man kagaya noon dahil sa madaming nangyari sa aking puso, pero mahal kita dahil kaibigan kita. Tinuring mo akong kaibigan noon, naging magkaibigan muna tayo bago tayo nagkarelasyon, at mananatiling magkaibigan hanggang kailan gusto natin...ayon ang tadhana natin siguro? Ang matagpuan ang isa't isa at maging magkaibigan. At kung sa susunod na buhay...kung sa pamamagitan ng ilang himala ay matagpuan natin ang ating sarili sa posisyon na umibig muli, iibigin kitang muli.
•••
Wakas.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro