Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter 9

Chapter 9: Picture

"Fuck the cage. I surrender," he whispered in his rasp voice.

His eyes were now closed and his tongue was trailing the ribbons of blood on my wrist. I leaned closer and pressed my forehead on his chest. He was breathing heavily—as if that sudden movement gave more restraint.

I tiptoed and started kissing the side of his jaw, he tensed, opened his eyes again, and bared his fangs. "H-Harper . . ."

My arms looped around his nape and I tilted my head. I offered my neck for him. "Go on. Surrender to me, Your Majesty."

Kreios's quickly swept me off my feet.

The light inside the stoned room went dimmer until the small flames turned into bigger fires, but the sudden brightness turned into darkness and the only thing I could see were his red glowing eyes.

The incense of the small glowing candle on the bedside table glimmered in form.

He looked so predatory— like a monster inside a cave that was about to ravish me.

I felt my back on the bed. I pushed myself with my elbows, but when he grabbed the back of my legs and pulled me closer all I did was look at him like a helpless prey. He parted my legs apart as he towered over me. He was kneeling in front of me with a hand on his waist and one brushing his hair up.

Unti-unti kong inangat ang dalawa kong kamay upang higit siyang pagbigyan. "Fuck."

He pulled over his black fitted upper clothes and threw them away before he bent over and drowned me with his kisses. I run down my hands on his hair— a head without a crown.

Kreios could be a tyrant behind the shadows— or what they called the wicked king dressed in foolish demeanor, but King Kreios Sageton Doyle's always different between my arms.

"Between your legs . . ." he whispered.

"It has always been yours, Your Majesty."

He chuckled. He started giving me kisses on my neck, down to my shoulders, to my breasts, even with my dress on.

Tangay na ni Kreios ang isang parte ng kasuotan ko nang kapwa kami natigilan at nagkatitigan nang may nagsalita mula sa labas. It was the voice of his general.

"Please forgive us, Your Majesty! We're all aware of your heavy investigation about the queen's situation, but we have an urgent problem outside."

"Shit."

Mas humigpit ang yakap ko kay Kreios at ipinulupot ko ang mga hita ko sa baywang niya ngunit umiling siya sa akin.

"As much as I want to hear you gasping for air and calling my name, I need to attend this." Humalik siya sa ibabaw ng noo ko at humiwalay siya sa akin.

Muling nagkaroon ng liwanag sa silid ni Kreios, hinanap niya ang kasuotang inihagis niya at agad niya iyong isinuot. Bahagya na akong bumangon at sinundan ko ng tanaw si Kreios, buong akala ko ay hahayaan na niya akong naroon lang sa kama nang mabilis siyang nakabalik.

Sa isang iglap ay nakatuon ang isang tuhod niya sa kama at dalawang kamay niya'y agad na hinawakan ang palapulsuhan ko. Ang cadena mula sa nasirang kulungan ay humaba at nagawa nitong itali ang mga kamay ko. Mahaba naman ang cadena at magagawa kong makapaglakad sa loob ng silid ngunit hindi ko maiwasang humanga sa pagiging segurista niya.

"I'll get back to you."

He playfully bit with his fangs an inch in front of my face while his other hand cupped one of my breasts.

Bumaba pa siya sa kama at tinalikuran ako. Nang buksan na niya ang pintuan ay napansin ko pa ang pagsilip ng kawal sa akin. Nagulat na siya nang nakaupo na ako sa kama ngunit napahinga nang maluwag nang makitang may cadena pa rin ako.

Hindi na lumingon pa sa akin si Kreios hanggang sa tuluyan na niyang sarhan ang pintuan. Napahinga ako nang maluwag bago ako humiga sa kama at tumulala sa mga batong nakadungaw sa akin.

Hindi na ako nagulat na agad kaming makakarating ni Kreios sa ganitong sitwasyon. All we did was sneakily bite each other for the past few years— I might have the urge to make love to him in different situations, but we managed to control ourselves. Bagay na siyang hinahangaan ng nakararami sa amin. Dahil nasisigurado ko na sa sandaling may mangyari na sa pagitan namin ay mahihirapan na akong humiwalay sa kanya.

He wasn't wrong about me being the Gazellian— dahil wala pang nakakawala sa ganoong sumpa sa salinlahi namin. I always considered it as a curse, dahil nagiging matindi namin itong kahinaan na halos hindi na nagkakaroon pa ng kakayahang mag-isip nang maayos. At wala pa sa mga kapatid ko ang nagawang lampasan ang bagay na ito.

All of them were willing to die once they happened to be separated from their mate. Kaya sinigurado ko na wala nang higit na mangyayari sa pagitan namin ni Kreios kundi pagtikim sa dugo ng isa't isa kung hindi pa namin panahon.

Ngayon ay nasa loob na ako ng kanyang emperyo at malayo na sa suliranin ng Sartorias siguro nga'y tamang ngayon ay siya na ang tingnan ko. Biglang pumasok sa isip ko ang magaang ngiti sa akin ni Lily nang itulak niya ako.

"Ito na nga ba ang panahon ko, Ina?"

Bumangon na ako sa kama at bumaba na ako. Tinapunan ko ng tingin ang sirang kulungan at yapak akong naglakad-lakad sa silid ni Kreios.

I could hear the noise of the chains as they followed me around. Buong akala ko'y magagawa ko pang gampanan ang ipinangako ko kay Dastan noon. I volunteered to meet our Uncle Tiffon with King Tobias, but when his mate, Kezalli, appeared and everything happened with Divina, the princes of the prophecy, and Atlas and Veda, nawala na ang mga plano namin.

Narito na ako sa Mudelior ngunit hindi ko maiwasang isipin ang mga iniwan ko sa Sartorias. Hindi ko alam kung tama ba na narito ako gayong dumating na ang panahon na magagawa ko nang tumulong. Ngunit sa huli'y inako muli iyon ni Lily at hinayaan niya akong maging masaya kay Kreios.

Huminga ako nang malalim at tumuon ang atensyon ko sa libro na siyang hawak ni Kreios kanina. Nang sandaling buksan ko iyon ay may nalaglag na papel sa sahig. Napatitig lang ako roon saglit bago ako yumuko at kunin iyon.

Akala ko'y sulat lang iyon, ngunit iyon pala'y isang larawan. Iginuhit na larawan ng tatlong binatilyong mga bampira. Agad tumulo ang luha ko na may pait sa aking mga mata nang makilala ko ang nasa kanan ni Kreios na siyang nasa gitna.

It was Desmond and he was smiling.

Inaamin ko na kailanman ay hindi ko nagustuhan ang pagtakbo ni Kreios mula sa kanyang lolo at ang pagatalikod sa kanyang responsibilidad at magandang posisyon sa mundong ito, ngunit may parte rin sa akin na nagpapasalamat sa kanya dahil kung hindi siya tumakbo ng mga panahong iyon ay walang maituturing na kaibigan si Desmond.

They were brothers and I witnessed how he'd do something for him. Agad kong pinunasan ang luha ko dahil sa tuwing naalala ko si Desmond ay naalala ko rin si Finn, dahil sa lahat ng aming magkakapatid ay sila ang nagkaroon ng pagkakataong magkakilala.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahawak na ako sa bibig ko para mapigilan ang paghagulgol ko. Hindi ko na kinaya ang emosyon ko dahil ang dalawa kong kapatid na ito'y ngayo'y hindi ko na makitang nakamulat ang mga mata at nakangiti sa akin.

Desmond sacrificed his life a long time ago and offered his eyes for Divina, while Finn's trying to give up his life. Napasalampak na ako sa sahig habang nangangatal ang kamay kong nakahawak sa larawan nilang tatlo.

Kung kanina ay akala ko'y tanggap ko nang kaya ko nang simulan ang buhay ko sa Mudelior, ngayon ay nanlalabong muli ang desisyon ko. Dahil sa sandaling si Kreios na lang ang isipin ko, sa paanong paraan pa ako nakatulong sa mga kapatid ko? Bakit hanggang ngayon ay pinipilit nilang akuin ang lahat at hindi humingi ng tulong sa akin?

"Finn . . ."

Habang lumuluha ako at pinagmamasdan ang kapatid kong si Desmond, bumalik sa aking mga alaala ang mga istoryang ikinuwento sa akin ni Finn nang una siyang ipakilala ni ama kay Desmond. Noon ay akala ko'y hindi ko magagawang pakinggan ang kuwentong iyon na hindi nasasaktan para kay ina, ngunit habang nakikita ko ang kislap sa mga mata ni Finn at ang mga tawa niya sa saglit na sandaling magkasama sila ni Desmond noong mga bata pa sila'y nagpagaan sa dibdib ko. Na sa kabila nang masakit na nakaraan ni Desmond ay nagkaroon siya ng pagkakataong makasama si ama at ang isa sa kapatid ko.

Ngunit ang kaalamang ang dalawang kapatid ko ay inagaw sa akin . . .

Tumayo na ako at marahas kong hinawakan ang mga cadena sa kamay ko. Ibabalik ko pa sana ang larawan sa aklat ni Kreios nang maagaw ang atensyon ko ng lalaking nasa kaliwa ni Kreios. Umawang ang mga labi ko at naglandas ang daliri ko sa mukha ng nakangiting batang binatilyong bampira.

"Ano ang ginagawa mo sa larawang ito, Livius?"

***

"Are you sure that this is okay?"

"Oo naman! My brother will take care of you."

Nakangiting sabi ng anak ng tagasunod sa aming palasyo. Sa tuwing tapos na ang pag-aaral ko kasama si Casper ay lumalapit na ako kay Lailani. Madalas kaming magtago sa likuran ng isang malaking estatwang kawal at doon kami nag-uusap.

"May apat na oras akong bakante ngayon at mag-isa lang ako sa silid. Ipinahanda ko na ang mga pagkain at inumin sa loob ng silid ko. Sinabi ko na rin kay Casper na huwag na siyang pumasok sa silid ko."

Nang sabihin ko iyon ay magkasunod kami ni Lailani na nagtungo sa silid ko at nagpalit kami ng kasuotan. Dahil si Lailani ay magandang tagasunod sa palasyo, madalas din siyang usapan ng mga nakatatandang tagasunod at sinasabing anak siya sa labas ng isang maharlika. Hindi nalalayo ang haba ng buhok at hugis ng katawan namin ni Lailani kaya hindi na kami nahihirapan magpalit ng kasuotan.

Nilagyan niya rin ako ng panyo sa aking ulo at ang madalas na takip sa kalahati ng mukha ng mga tagasunod sa tuwing naglilinis sila.

"Ang kapatid kong si Livius ay kasama sa mga naghatid ng mga bagong tinapay sa palasyo. Maaari kayong sumabay sa malaking kariton na dala nila! Basta babalik ka, Harper, ah? Baka kitilin nila ako."

"Oo naman! Salamat, Lailani!"

Nakatingkayad na ako sa aking pintuan at dahan-dahan ko na itong isinasarado nang makarinig ako ng tikhim mula sa likuran ko. Agad akong bumagsak sa sahig at nanlalaki ang mga mata ko kay Dastan na nakatungo sa akin. Katabi niya si Zen na salubong na salubong ang kilay.

"Tapos ka na bang linisin ang silid ng aming prinsesa?" Tanong ni Zen na pinagkrus ang kanyang mga braso.

I never heard him talk with other servants.

Agad akong tumayo mula sa sahig at yumuko sa kanya. Ilang beses akong tumango.

Narinig kong huminga nang malalim si Dastan at may inilahad siya sa aking kuwintas. "Lailani nga ba ang ngalan mo? Maaari mo ba itong ibigay sa 'yong ina? Pinabibigay ito ni Reyna Talisha dahil sa pagiging tapat niya nang ilang taon."

Lumuhod na sa akin si Dastan at may isinuot siya sa aking kuwintas. Ilang beses akong kumurap sa mga kapatid ko. Hinawakan ko ang kuwintas at napatitig ako rito.

Kailan pa nagbigay ng kuwintas si ina sa mga tagasunod?

Nagtataka na ako. Nakikilala ba nila akong dalawa?

Si Zen naman ang tumikhim, agad tumayo si Dastan habang nakatitig sa akin. "Madali! Gawin mo na ang trabaho mo! Ayokong nagsasayang ng oras sa palasyo!" Malakas na sabi ni Zen sa akin.

Lumingon siya kay Dastan na nakatitig pa rin sa akin. He cleared his throat. "Yes. And I don't touch the commoners."

Ngumiwi si Zen. "Huh? That's awful—"

Kumuha ng panyo si Dastan mula sa kanyang dibdib at pinunasan niya ang dalawang kamay niya na tila hinawakan niya ako.

Hindi nila ako nakikilala!

Agad na akong yumuko muli sa kanila. "Makararating kay ina ang kuwintas mga mahal na prinsipe!"

Nagmamadali akong bumaba at nagtungo na ako sa tagiliran nito kung saan tinatanggap ang mga kalakal na ipinapasok sa palasyo. And there, I saw the empty wagon with a boy who's a little bit younger than Zen who was sitting on it.

"Harper!"

"Livius!"

I followed the wagon, he extended his hand and I jumped on it. Tawa kami nang tawa habang nakaupo roon tanaw ang palasyong iniwan ko. Napaangat ako ng tingin sa bintana nang tila may napansin akong nakadungaw roon.

"I have a story to tell, Livius! Alam mo ba na hindi ako nakilala nina Zen at Dastan kanina? I outsmart them! Akala ko magaling silang makiramdam dalawa. I managed to fool them!"

Ngumiti sa akin si Livius at nag-init ang pisngi ko. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro