Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Twenty-Three

CHAPTER TWENTY-THREE

"OH, bakit namumula ka?"

Napalingon ako ng magsalita si Liza sa gilid ko. Ilang beses akong kumurap bago tumingin sa paligid at napagtantong kanina pa pala ako nasa bahay. Umiling ako bilang tugon at inubos na ang kape sa baso ko.

Napanukso akong nginitian ni Liza.

"Uyyy, ano 'yan, ha? Hindi wala 'yan. Pakipasa naman ang tea!" aniya pa.

Mahina akong tumawa. "Walang tea, Liza. Mainit lang kasi," dahilan ko.

"Wag ka na mag-deny, anteh! Umuwi na siguro si Kazimir, noh? Noong isang linggo kasi para kang patay tapos ngayon blooming ka na ulit. Ano, dzai? Nadiligan?" pilya niyang tanong.

Mas lalong nag-init ang pisnge ko ng sabihin niya ang 'nadiligan', paano, naalala ko na naman ang huling sinabi ni Kazimir sa elevator. You have no idea on how much I want to eat you. Nakakaloka! Eat!

Just imaging his head between my thighs kinikilabutan na agad ako. Not sure if sa takot.

"Basta safety sex ha. Always use condom o kapag gusto bare, mag-piils! Huwag ng dumagdag sa populasyon sa Pilipinas tapos ipapaalaga lang sa mga magulang!" paalala ni Liza na ikinatawa ko.

Nakakaloka talaga ang babeng 'to. Kung ano-ano na lang ang tinuturo sa 'kin. Well, what she said is true naman kasi. Always safety when it comes to sex so there will be no unexpected and unwanted babies lalo na sa panahon ngayon, sobrang mahal ng bilihin and sa nangyayari sa climate natin ay hindi applicable na gumawa ng baby kasi sila lang din ang mahihirapan. Unless may kaya ka.

"Hmp. Nako. Tigilan mo ko, Liza. Why not mag-ayos ka? Kumain tayo ng sam-g!" aya ko.

Nagningning ang mga mata ni Liza ng banggitin ko ang sam-g. Day off namin ngayon ni Liza kaya pareho kaming nasa bahay. Wala naman kaming masyadong gagawin kaya pwede kaming gumala.

Pumasok ako sa kwarto ko para makapagbihis na rin. Nasa gilid ng aparador ko ang mga damit na pinamili namin kahapon. Hindi ko pa naayos dahil plakda ako pagka-uwi ko. De bale, mamaya na lang pag-uwi namin.

******

"HMMM!" She's humming along the song playing inside the store. I confusedly look at her kasi para siyang broken hearted kung umarte.

Pinakinggan kong mabuti ang boses, I think it's Taylor Swift. If my memory serves me right, her new album will be released. TTPD if I'm not wrong. Ilang araw na kasing hinihintay ni Liza ang paglabas no'n. And the songs are really heart breaking. Heartbroken siguro ang singer kaya ganoon.

"Gusto mong tissue?" mapang-asar na tanong ko kay Liza na ikinatigil niya.

Sunod-sunod itong tumango sabay dakma sa tapat ng dibdib nito. Umarteng umiiyak at pinahaba ang nguso.

"Yes, please! Huhuhu! Ang shaket-shaket kasi, beh! Grabe yung emotions, yung voice niya and yung lyrics! I mean, yung so long, London, ang saket saket!!—"

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay sinubuan ko siya ng isang baby potato na kanyang kinatigil. Nanlaki ang mga mata nitong nakatingin sa 'kin. Naka-awang pa rin ang labi nito kaya naman ginawan ko na siya ng pabor. Tinaas ko ang kamay ko't sinarado ang bibig niya.

Tumawa ako nang sinimangutan niya ako sabay nguya.

"Alam mo ang sama ng ugali mo!" inis niyang ani pero tinawanan ko lang.

Nag-umpisa kaming kumain dahil may naluluto nang karne. Habang kumakain ay sumasayaw-sayaw at arte si Liza na tinatawanan ko lang. Hindi ko maintindihan kung bakit ba ito sakit na sakit.

"So, kumusta naman ang relasyon niyo ni Kazimir? May naganap na ba?" mahinang tanong ni Liza.

Mabilis na tumibok ang puso ko ng banggitin nito ang pangalan ni Kazimir. Nakangiti akong tumingin sa kanya bago binaba ang chopstick.

"We are good actually!" I said dreamily. "He's sweet and caring. Minsan nga feeling ko hindi siya totoo. He feels like a dream . . . every woman wants. Alam mo yung five languages of love, nagagawa niya lahat ng 'yon sa isang araw. Lalo na yung word of affirmation. Palagi."

"Tapos yung hahawakan niya ako sa bewang . . . yayakapin, iki-kiss sa pisnge." Ngumiti ako.

Mamumungay ang matang nakatingin siya sa 'kin. "Sa relasyon na lang talaga ako ng iba kinikilig!" anito.

"Eh, ikaw? Kaylan ka magkaka-boyfriend? Habang buhay ka na lang kikiligin sa 'min?"

Umirap ang babae, "pa'no ako magkaka-boyfriend wala namang lalaking nagtatangka. Puro sex ang habol nila sa 'kin." Bored siyang tumingin sa 'kin. "Isipin mo naman, Malaya, kung ikaw ang nasa kalagayan ko iiwanan mo rin ang mga lalaking wala na ngang trabaho at gusto pa palagi ang sex. Kesyo magsasama raw kami sa iisang bahay tapos doon lang ako ta's sa nanay niya kami hihingi ng pangkain sa araw-araw. Susko! De bale nang maging single wag lang magutom!" mapait niyang sabi bago sumubo.

"Kaya mage-enjoy na lang ako maging single."

That's actually sad, because the standards of Filipino men are the virginity of a woman. I heard that if you're not virgin when you got married they will think of you as a whore—which is not good! Or if your body counts are higher than men they think you're a slut. Wrong as fuck.

Virginity should be standards. Brain and heart should. And besides, if you don't have a uterus you don't say about our body.

Hinawakan ko ang kamay ni Liza at pinisil 'yon. Nagtataka siyang tumingin sa 'kin.

"Don't worry, makakahanap ka rin ng lalaking handa kang mahalin ng buong-buo."

Nag-teary eye ang mata nito saka gumanti ng ngiti. Ipinatong niya ang kamay niya sa ibabaw ng sa 'kin at deretso akong tiningnan sa mga mata.

"Huwag kang mag-alala. Alam ko 'yan. Siguro nasa ibang babae pa 'yon at nagpapaka-trauma sa relationship para ako ang magpa-heal sa kanya," pabirong sabi nito.

Liza has her own way to make every serious conversation into a funny one. I hope someday makahanap siya ng isang tao na tatanggapin lahat sa kanya because she deserves to be happy.

"Huwag nga ako. Dapat relasyon niyo ni Kazimir ang dapat pinag-uusapan. Buti nga pinayagan ka niyang umalis ngayon."

"Nagsabi naman ako sa kanya na mamimili rin tayo ng grocery natin," sagot ko saka nagsahok ng karne sa cheese. "Saka, hindi naman siya mahigpit pagdating sa ganito. Basta naga-update ako," dagdag ko.

"Buti naman, 'yung ibang lalaki lalo na mayayaman, eh, may pagkaseloso at possessive."

"Hindi naman gano'n si Kazi. Mabait siya. Hinahayaan niya ako," ani ko pa.

"Eh, ano na ba kayo ngayon? Nasa ligawan stage, mag-M.U.? Situationship? Or work buddies with benefits?" tanong niya.

"Ligaw pa rin . . ." Nag-iwas ako ng tingin, "pero pinag-iisipan ko na kung kailan ko siya sasagutin. N-nakikita ko namang totoo ang pagmamahal na pinapakita niya sa 'kin." Nakangiti kong ani nang maalala ang ginagawa ni Kazimir.

Kahit hindi ko nakikita ay na-imagine ko na ang pang-irap ni Liza na mas lalo kong ikinangisi.

"True ba naman? Sagutin mo na lang kapag kakain kayo sa fancy na kainan o kaya kapag kayong dalawa na lang. Mas maaga mong masasabi mas maganda."

"Sige pag-iisipan ko. Gusto ko kasi kapag sinagot ko siya memorable. Yung hindi niya agad-agad makakalimutan." Gusto ko yung sweet and special para sa 'ming dalawa—na kapag tumanda kami ay may makwe-kwento kami sa mga apo namin.

Hindi ko na namalayang napatagal na pala ang pagtitig ko sa kawalan. Napabalik na lamang ako sa reyalidad nang batuhin ako ng tissue ni Liza. Tatlong beses akong kumurap saka siya nagtatanong na nilingon.

"Alam ko naman girl na may love life ka, okay, pero wag mo namang isampal sa 'kin ha," pabiro niyang sabi na kinatawa ko.

"Ade sorry na! Malay mo kasi makita mo rin yung for you sa tabi-tabi."

"Hays. Duon muna siya sa malayo!"

Natawa ako sa huling binitawan niya bago kami nagpatuloy sa pagkain. Hangg sa naka-ilang plate rin kami ng pork. Busog na busog kami ng matapos kumain. Sumandal kami sa upuan at nagtawa nang magkatinginan. Paano kasi gutom kaming nagpunta tapos ngayon uuwing malalaki na ang tiyan.

Dumighay si Liza na kinalaki ng mata ko. Nginisihan niya ko bago tumayo. Nakapagbayad naman na kami so pwede na kaming umalis now. Nanghihina akong tumayo para sumunod kay Liza na nasa pinto na. Ang hirap maglakad, sobra! Nanghihina ang buong katawan ko.

Pumaikot sa braso niya sa braso ko at sabay kaming naglakad papunta sa nakamalapit na grocery store. Sagot ko kasi ang pagkain namin this month kaya, eto, busy kami sa pamimili ng kung anong mga needs sa house.

Ako ang nagtutulak ng cart papunta sa may canned goods section while Liza is using a basket where she's putting soaps and other detergents and bathroom essentials. Napatigil ako sa akmang pagkuha ng isang brand ng corned beef ng marinig ang nagkakagulong boses.

Hinanap agad 'yon ng mga mata ko pero kumpulan lang ng tao ang aking nakita. Nagkibit balikat ako at lumipat na sa kabilang aisle. Nakakatuwa lang na nakakaluwag-luwag na kami ngayon, hindi katulad noong unang buwan na walang-wala kami ni Liza dahil siya ang may sagot ng lahat. Ngayon kahit papaano hindi na kami matatakot na maputulan ng kuryente at tubig.

Nagkita kami ni Liza sa may cashier, puno na rin ang dala nitong basket kaya nilagay na niya sa ilalim ng cart.

"Nakuha mo na ba lahat ng kaylangan natin?" tanong ko sa kanya habang naghahanap ng maikling pila.

"Sa tingin ko, oo. Tama naman yung kinuha kong napkin, 'di ba? Bet mo yung sisters?"

"Hmmm." I hummed. Wala rin kasi akong magagawa, mas magastos ang tampons and hindi siya usual dito sa Pilipinas. Malalayo pa kami if gustuhin kong bumili no'n.

"Nga pala, sa palengke na tayo bumili ng gulay saka karne, nakita ko kanina yung mga ano nila dito mahal masyado," reklamo nito.

Pumila na kami ni Liza sa pinakamaikli ang pila. Naghintay lang siguro kami ng ilang minuto dahil patapos na ang nauna sa 'min. Pagkatapos no'n ay pinatong na rin namin ang mga product sa ibabaw.

"Four thousand six hundred five pesos po," ani ng babae.

Inilabas ko ang card ko; agad nito 'yung kinuha at ni-swipe. After naming makapagbayad ay iniwan namin ang mga pinamili namin do'n at babalikan na lang pauwi. Siguro maghahanap na lang kami ng tricycle para ideretso kami sa bahay.

Kagaya ng napag-usapan ay nagpunta kami sa palengke. Mas mura and mas fresh ang bilihin do'n kaya worth it naman kung mahal. Bumili kami ng manok, baboy, isda at mga gulay at prutas. After naming makabili humanap na kami ng malaking trike para makauwi na.

******

"PAGODA ako do'n, ha."

Nilingon ko si Liza na bumagsak ng upo sa kawayang upuan. Nginisihan ko ito. Inayos kasi nito ang grocery namin sa kusina habang naghahanda ako ng meryenda namin. Binaba ko ang juice at tinapay sa lamisita.

"Ayan. Magmeryenda ka muna, gusto mo bang kumain ng hapunan para makapagluto?" Umupo ako sa pang-isahang upuan. Pinanood kong magsalin ng juice si Liza at nang maka-inom ay saka pa lang bumaling sa 'kin.

"Nako matutulog na ako, girl. Sobrang busog ako hanggang ngayon," aniya sabay himas sa tiyan.

Tumango ako. Sabagay, ako rin naman busog pa dahil kanina. Feeling ko nga yung kalahati ng kinain namin kanina hindi pa bumaba. Bloated pa rin ako dahil sa sam-g kanina.

"Same, matutulog na rin ako. Maaga pa ako bukas sa office at madraming kaylangang gawin." Umabot din ako ng baso at nagsalin ng palamig dahil sobrang init ng panahon ngayon.

"Nakakapagod maging adult. Pwede bang bumalik na lang ako as grade one?" kunwaring iyak ni Liza na nakahilata na sa upuan.

Sa true lang nakakapagod pala maging adult. Akala ko noon masaya pero mahirap pa lang mabuhay nang walang umaalalay sa 'yo. Kaya nga ang sabi ko sa sarili ko, hinding-hindi ako ipaparanas ang ganitong buhay. Dapat malaya sila sa gusto nilang gawin habang nakukuha ang gusto at kaylangan nila.

Nagkwentuhan pa kami sandali bago siya nagpaalam na matutulog na. Samantalang niligpit ko yung pinag-inuman namin. Hinugasan ko muna siya bago ko ginawa ang night routine ko.

I was about to sleep when I heard my phone rang. Nakapatong siya sa side table kaya mabilis kong naabot. The callers ID show's Kazimir's name kaya sinagot ko na ito.

Ngumiti ako.

"Hi," malambing kong ani.

"Dove . . . how's your day?" he asked using a sexy tone.

Kagat labi akong tumagilid ng higa. Pinipigil ko ang ngiting kanina pa gustong umusbong sa labi ko.

"Nakakapagod pero masaya. Ikaw, kumusta?"

"I miss you terribly, dove. I can't wait for tomorrow so I can hug and kiss you all day," paos nitong sabi.

Eto na naman po siya.

Umakyat yata lahat ng dugo ko sa 'king pinge kasabay ng pagtibok ng puso ko na parang hinahabol ng kabayo. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

"Ano . . . bolero," mahina kong bulong na nakarating dito.

"I'm not bolero, dove. I do really miss you kung ako lang ang masusunod ay hindi kita papalayuin sa 'kin, pero ayoko namang ikulong ka palagi sa tabi ko because you deserve to be free like dove to do wonders and enjoy life."

Parang may kung anong humaplos sa dibdib ko ng sabihin niya ang mga iyon. Lumunok ako ng ilang beses dahil parang may malaking bara sa lalamunan ko.

"Kazi . . ."

For the first time, there is someone who wants me to be free . . . who let me be free.

-------------

Ako na naghahanap ng isang Kazimir! Jusq! 

What do you think about the chapter? Comment down your thoughts and vote if you like ittt! 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro