Chapter Twenty-Nine
hiii! naging busy lang ako netong nakaraang araw dahil napakadaming ganap kaya medj mabagal sa update. Thank you!
---------
CHAPTER TWENTY-NINE
UMAWANG ang labi ko ng padabog na ibinaba ni Liza ang mga pinamili niya't inis na tumingin sa 'kin, bago pa man ko pa man din maibuka ang bibig ko ay itinaas na niya ang daliri niya para pigilin ako.
"May nakasalubong lang naman akong pobre sa grocery kanina! Napakayabang! Akala mo naman gwapo! Tapos ang masaya, ginulat pa ko ng busina no'ng naghihintay ako ng masasakyan!" nanggagalaiti nitong kwento.
Instead na uminom sa baso kong may lamang tubig ay inabot ko na lang iyon sa kanya para kumalma naman ito kahit papaano.
"Ano ba kasing nangyari?" mahinahon kong tanong.
Umirap si Liza sa hangin at padabog na kinuha ang tubig saka uminom. Pinanood ko lang siya hanggang sa unti-unti na siyang kumalma.
"Upo ka muna," tukoy ko sa upuang bakante sa tabi niya.
Padabog itong umupo.
"Hindi na nga nag-sorry, akala mo naman! Bakit, kasalanan ko bang hindi sila tumitingin sa dinadaanan nila?!" pagmemerkulyo pa nito.
Huminga ako ng malalim. "Nako, wag mo na masyadong isipin 'yon at ikaw lang ang mai-stress. Karma will run them back," pagpapagaan ko sa loob niya.
"Sana lang kasi kung hindi ako, ako ang magiging karma niya!" Padabog na tumayo si Liza at binuksan ang mga pinamili niya.
Nakaka-miss din pala si Liza at ang bahay na 'to. Ilang linggo lang akong nawala pero parang ang laki na ng pinagbago ng bahay. Mas naging . . . home siya para sa 'kin.
Habang naglalabas ng mga pinamili ay tumingin siya sa 'kin.
"So, kumusta ka naman? Like, kumusta ang bakasyon kasama ang boyfriend mo?" may halong pang-aasar sa tono nitong tanong.
"Okay naman . . . masaya. Alam mo ba if he will agree lang, pwede na akong tumira do'n kasi it's so beautiful there. The water is inviting, too," I said dreamily while remembering our stay in the island.
I sigh.
"Sa susunod ay aayain kong bumalik doon si Kazi. Kapag pumayag siya ay isasama kita para makita mo rin kung gaano kaganda ang isla," ani ko.
Nagliwanag naman ang mukha nito. "Ayan ang gusto ko! Sayang naman kasi 'tong pang-summer figure ko kung hindi naman malalakad." Pumose pa nga ito na parang isang model na ikinatawa ko.
Tinulungan ko siya nang maglagay na siya ng pagkain sa cabinet.
"Eh, kumusta ka naman nitong nagdaang araw? Wala namang problema?"
Bumuntonghininga muna siya bago sumagot. "Normal lang naman, girl. Work at bahay lang tapos kaunting grocery minsan kapag nauubusan na pero okay lang. Ikaw nga, mas gumanda ka ngayon. Mas naging tan ka!" puri niya sa kutis ko.
"Sayang kasi kapag hindi sinulit yung araw sa isla. Hindi ko na alam kung kailan kami babalik doon ni Kazi," ani ko.
Nakangisi siyang tumingin sa 'kin habang hawak ang mga delata na ilalagay dapat sa cabinet.
"Ano namang reaction ni Kazi nang sagutin mo siya?" may halong pang-aasar sa tanong nito.
Agad namula ang mga pisnge ko dahil doon. Hindi ko talaga matatakasan ang mga ganyan ni Liza. Napahawak ako sa pisnge ko sa hiya at para na rin patigilan ang pag-iinit ng pisnge ko.
"Ayieeeee! Anong nangyari?! Nag-kiss ba kayo? Second base or home run?!" she eagerly asked and lumapit pa sa 'kin.
Napanguso ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. And that confirms everything. She squeal while stomping her feet from the ground. Binitawan nito ang hawak na delata para hawak ako sa kamay at hilahin papunta sa sala. Umupo kami sa mahabang kawanag upuan at mapaglarong tumingin sa 'kin.
"Kwento mo! Naghalikan ba kayo? Ano?!"
Hindi naman halatang excited siya para sa love life ko. Binawi ko ang kamay ko at matamis na ngumiti sa kanya.
"Ano . . . hindi siya nagsasalita tapos akala ko ayaw niya pero nabigla lang daw siya sa saya tapos ayon. Nag-celebrate kami," kwento ko. Nag-celebrate sa ilalim ng malaking puno, nagpakapagod at nagka-inan.
"Ay shala!! Saan 'yon sa isla? Sa beach?"
Umiling ako. "No, ano sa isang small falls na may lake. Nag-alala kasi siya sa 'kin kasi medyo natagalan ako sa ilalim tapos ayon."
Lumambot naman ang hitsura nito kasabay ng pamimilog ng mata.
"Shala!! OMG! Sanaol! Pero beh, congratulations!! Wish ko ang happiness at tagal ng relasyon niyooo!" masiyang ani Liza at yumakap sa 'kin. Napangiti ako at gumanti sa yakap niya.
"Thank you, Liza! Sana nga magtagal ang relasyon namin. Gusto ko kasing siya na rin ang maging last ko," mahina kong ani.
Inilayo akong bahagya ni Liza at nginitian.
"Oo 'yan kasi choice niyo naman if hahaba ang relasyon niyo or hindi. Basta kapag niliko ka ni Kazi sabihin ko sa 'kin para alam kung kailan ko siya bubugbugin, okie?" nakangiting tanong niya.
Biglang nag-init ang gilid ng mga mata ko.
Pinilit kong ngumiti sa kanya nang nagsalubong ang kilay niya't nagtatanong na tumingin sa 'kin.
"Sorry, ah!" Pinunasan ko ang luhang nagbabadyang tumulo sa mga mata ko at huminga ng malalim. "First time kasi 'tong may nagsabi sa 'kin ng ganyan . . . para tuloy akong may Ate," natatawang paliwanag ko.
Hinahayaan kasi niya ako. Unlike my brother who always just wants me to obey. Never ko siyang naramdamang nakasuporta sa 'kin. Basta kapag sinabi nila, kailangang sundin.
Tumamlay naman ang mga mata ni Liza na nakatingin sa 'kin, pero kaagad din 'yong nagbago at matamis na ngumiti. Sinalo niya ang magkabilang pisnge ko.
"Huwag kang mag-alala kasi di ka na mawawalan ulit ng ate."
Matamis akong ngumiti at yumakap sa kanya na malukod naman niyang tinanggap. Ilang sandali ay narinig ko itong tumawa kaya natawa na rin ako. Humiwalay kami sa isa't isa at nagkatinginan para lang tumawa ulit.
"Napaka-drama!" ani Liza.
"Nasaan ang script?!" panggatong ko.
Sabay kaming umiling at tumayo. Binalikan namin ang mga grocery at inayos na. Pagkatapos namin do'n ay pagpasya na kong matulog dahil pagod pa rin ang katawan ko galing sa byahe pauwi galing isla. Si Liza naman ay nag-aayos na para sa trabaho niya ngayong gabi. Kaya ng umalis siya ay pumasok na rin ako ng kwarto.
Nakahiga ako sa kama ng maramdamang nag-vibrate ang phone ko. Mabilis ko 'yong kinuha. Napangiti ako ng makita kung sino ang caller. Agad ko 'tong sinagot.
"Hi!" malambing kong bati kay Kazi sa kabilang linya. "Did you get home safe?"
"Hi, dove. Yeah. Kakarating ko lang din," anito.
Napatagilid ako ng higa. "Mabuti naman. Magpahinga ka na para may lakas ka bukas kasi back to reality na naman tayo." Na-check ko kasi ang schedule namin through goggle calendar tapos puno halos ang week na 'to.
Mapapagod na naman ang baby ko niyan.
"Yeah, I heard from Alexis. Let's not talk about that, how's your day, dove? I want to know what you do nang maka-uwi ka," anito.
Nagsalubong ang kilay ko at natawa sa inakto nito. Muli akong napatihaya ng higa at tumingin sa kisame.
Nai-imagine ko na ang seryosong mukha ni Kazi habang nakatingin sa 'kin gamit ang mga mata niyang napakaganda.
"Wala naman masyadong nangyari. Nag-stay lang ako sa bahay tapos tinulungan si Liza mag-ayos ng grocery na pinamili namin, inantay ko lang din siyang makaalis ngayong gabi para sa work niya tapos eto na ko patulog na. Ikaw, what happened to you day?"
"Nothing as well. I just stayed in the office to sign some papers and then go home. Do you want us to date tomorrow?"
"Hm . . . walang pwedeng singitan kaya sa susunod na lang kapag maluwag na ang schedule mo. Masyado kang mapapagod niyan. Gusto mong maagang tumanda?" Pananakot ko. Pero I doubt na papangit si Kazi kapag tumanda siya. Baka nga mas lalo lang itong gumwapo.
He chuckles.
"Why? Kapag pumangit ba ko iiwan mo ko?"
"Hmmm." Umakto akong nag-iisip. "Pwede, kasi pangit ka na," ani ko sabay mapang-asar na tumawa.
"As if I'll let you go," seryosong ani Kazi na ikinatigil ko. "Kahit ayaw mo na hindi ka pa rin makakawala. You're mine, Malaya. Just mine," puno ng possessiveness nitong ani.
Nagwala ang mga paruparu sa tiyan ko at hindi ko na napigil ang pagsilay ng ngiti sa mga labi ko.
"Ahm . . ." hindi ko alam ang sasabihin ko! I don't want to be claimed like a possession before . . . ayokong parang bagay akong inaangkin pero kapag si Kazimir ang gumagawa ay imbis na magreklamo ang puso ko mas lalo pa 'tong bumibilis.
Anong ginawa mo sa 'kin, Kazi?
"You don't have to say anything. Just . . . stay, dove," he whispered. "Let's sleep with the call is ongoing. I want to hear you breathe."
Ahhhh! Kazi! Mas lalo mong pinapatibok ng malakas ang puso ko!
Inilayo ko ang phone sa bibig ko at impit na tumili sa unan upang mabawasan no'n ang lakas ng boses ko. Nang pakiramdam ko'y kalmado na ako ay muli kong idinikit ang phone sa tenga ko. I inhale and exhale hanggang sa kaya ko nang magsalita na parang hindi kilig na kilig.
"S-sige . . . if that's you want . . . but if the call ended baka na-l-lobatt na ko," paliwanag ko. Teka lang, ba't ko naman kailangan pang magpaliwanag sa kanya? Dahil ayaw mo lang namang isipin niyang ayaw mo siyang kausap, ani ng isang bahagi ng utak ko.
"Okay. Sleep well, dove. Dream of me," he said before mawala as linya.
I muted the call para safe sa kung ano mang madudulas sa bunganga ko dahil feeling ko anumang oras ay magtititili ako. Kinagat ko ang labi ko at pinakinggan na lang si Kazi. Bukod sa tunog ng paghinga nito ay nakarinig din ako ng mga kaluskus at pagtulo ng tubig.
He's taking a shower?!
I bit my lips when I started to imagine his body . . . damn. Cazzo! Umiling ako at pumikit ng mariin. No. Not that thought, Malaya! Don't be like that! Payo ko sa sarili ko. I sigh heavily and unmuted the call.
"Kazi . . . goonight," bulong ko sabay pikit. Hanggang sa nagpadala na ako sa dilim na may ngiti sa labi.
*****
"MASTER KAZIMIR, your parents are here."
Nahinto ako sa pagbabasa ng isang importanteng dokumento dahil sa sinabi ng Butler ko. Blangko ko siyang tiningan.
"What are they doing here?" malamig kong tanong.
What they are here to slap me again for cursing their favorite nephew? Tss.
My butler was about to said their reason but I raised my hand to stop him from talking. I'm not interested for what they are going to say.
"Tell them to leave instead. Mention to them that they can't go here unless they have my permission," I said before looking to the papers again.
"Noted, master," he said before leaving.
The door is about to close when its forcefully opened. Magkasunod na pumasok sina Mom at Dad. Binitawan ko ang hawak kong ballpen at kunot noo silang tiningnan.
"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo sa bahay ko?" walang pakialam kong tanong sa kanila bago tiningnan si Stark, "leave us. Make me my coffee."
Hindi na ako nag-abala pang paupuin sila dahil ayoko silang magtagal. They can say whatever they want to say and leave. I don't want to be stressed because of them. I just had my quality time with Malaya, and those being here ruined my mood already. Ibinalik ko ang tingin ko sa papel.
"Won't ask us to sit, son?" My mother ask, unfortunately.
"No. Ayoko rin naman kayong magtagal. Ano bang ipinunta niyo dito?" tanong ko ng hindi inaalis ang tingin sa papeles na binaba.
"You imbecile! I know what you're doing these past few months! I know what you did to your cousin!" my father angrily blurted.
I rolled my eyes.
"So, your spies make their move, huh," mapang-uyam kong ani bago sumandal sa upuan ko. Tiningnan ko sila. "So what?"
I smirked when father's face is already burning in red. My mother shake her head.
"Darling, why don't you just listen to your father? Hmm? So, we can go back to our businesses. Don't bother and steal things from your cousins—"
"I am not stealing. I just make a move," prente kong pagpuputol sa sinasabi nito.
Nakakatawa silang dalawa. Ano bang akala nila sa 'kin? Teenager na walang sariling desisyon? Tss.
"Motherfucker!" Sumugod sa 'kin si Dad at mahigpit na humawak sa kwelyo ko at hinila niya ako patayo.
Umuusok na ang ilong nito habang nakatingin sa 'kin. Kuyom na kuyom ang kamao niyang nakahawak sa damit ko.
"What? You're going to hit me? Go on. I dare you!" I said lowly, laced with danger.
Agad nagbago ang expression sa mukha ng matanda bago padabog na bumitaw sa 'kin. Naniningkit ang mata niya kong dinuro.
"Wag kang gago at tigilan mo ang panggugulo mo sa pinsan mo, Kazimir! Hindi ka na bata para agawan siya ng kanya! Nagtratrabaho ng mabuti yung tao pagkatapos gagaguhin mo?! Don't wait me make my move!" galit nitong ani.
Hindi ko napigilan ang pagalpas ng tawa sa 'king mga labi. Nakakaloko ko silang tiningnan bago inilingan.
"What will you do, old man? Ground me?" mapang-uyam kong tanong bago lumakad palapit sa bar station ng office ko. Nagsalin ako sa isang baso.
"Besides, wala akong inaagaw sa magaling mong pamangkin. I'm just working. Like he is. Kung nawawalan siya ng mga kliyente, kasalanan ko pa ba 'yon?" Inisang lagok ko ang alak bago tumingin sa 'king Ina. "And what's her purpose? To join you convince me?"
Umiling ako. They should change their tactic. Hindi na gagana sa 'kin ang ganyan.
"Of course not, honey! Pero nabalitaan naming may girlfriend ka na raw. We want to meet her. Saang pamilya siya galing?"
"Hmm . . . you will not meet her. None of you can—"
"Why are you hiding, Kazimir? Ano na namang gulo ang ginawa mo?!" malakulog na pagputol sa 'kin ni Dad.
"Nothing!" I said innocently before smirking. "Yet."
"Asshole!"
"Thanks for the compliment." Lumakad ako palapit sa kanila. "Now leave—"
Napatingin ako kay Mom nang humawak siya sa braso ko. Tinaasan ko siya ng kilay bago marahas na binawi ang braso ko. Nandidiri akong lumayo sa kanya at umupo ulit sa pwesto ko kanina.
Napatikhim ang Ginang sa pagkapahiya samantalang ang ama ko naman ay lumapit lang din sa lamesang may alak at nagsalin sa baso.
"Actually . . . we want to ask you to support and help your cousin, Azi. He's struggling and his fiancée is missing. We have to help him," mahinahon nitong paliwanag.
Tumaas ang kilay ko. Ano namang pakialam ko kung naghihirap ang putanginang 'yon? Edi mabuti ng malaman niya ang hirap ng buhay.
"And give him some of your investors. Alam kong ninanakaw mo sa kaniya ang mga iyon kaya ibalik mo para hindi siya malugi," ani Dad.
Hindi ko na napigilang tumawa ng malakas dahil sa sinasabi nila. Nakakaloko ko silang tiningnan bago napa-iling.
"Ha . . . so the golden child doesn't shine anymore? Hindi ba niya kayang galingan sa pagtratrabaho kaya naman lumalapit kayo sa 'kin? And why would on fucking earth I will help him?! Hindi pa ko nasisiraan ng bait katulad niyong dalawa. Pabayaan niyo siya, kaya hindi matuto dahil bine-baby niyo. Now, he know life is not rainbow and cake," nakangisi kong ani bago tinuro ang pinto.
"The door is right there. I know you know you way out. Why not leave now." Pinagdikit ako ang mga palad at tiningnan sila.
My father cursed me for the tenth time before walking away. Sumunod sa kanya si Mom na walang sariling desisyon. Masama ang mga mukha dahil wala silang nahita sa 'kin. Umiling ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
They will never gonna meet my dove. Unless I'm already dead.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro