Chapter Thirty-Two
sorrrrrry! pasensya na talaga at halos one week akong walang update. Madami kasing naging kaganapan dito sa bahay namin na need full attention ko kaya wala akong time makapagsulat kahit gusto ko. hehehe, kaya sorrry!
eto na lang pambawi. Enjoy reading!!
----------------
CHAPTER THIRTY-TWO
MALALIM na ang gabi ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi ko alam kung dahil ba sa pag-aalala sa kapatid ko o pag-aalala na malapit na kong matunton ng pamilya ko o both. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at tumihaya saka tumingin kay Dakila.
Kanina pa ito tulog. Magkadikit na magkadikit ang mga kilay nito at animo may iniinda. Sinundan ko ng tingin ang kamay nitong kanina pa kumakamot at humahampas sa braso't hita nito. His skin is already red at kung titingnan mong mabuti ay makikita na ang pamamantal.
Napabuntonghininga ako.
Hindi sanay sa ganitong buhay ang kapatid ko katulad ko rin noong nag-uumpisa pa lang akong tumira dito. Naalala ko na puro rin ako pantal sa kagat ng lamok.
Kapansin-pansin rin ang butil-butil na pawis sa mukha nito at leeg. Nakakaawa naman ang kapatid ko. Hindi sanay sa panahon sa Pilipinas. Tumayo ako dahan-dahang naglakad palabas ng kwarto. Kinuha ko muna ang electric fan sa sala namin at saka dinala sa kwarto. Sinaksak ko 'yon sa saksakan at tinutok kay Dakila.
Kahit yung isang electric fan ay umiikot para mahanginan pa rin siya. Sana umayos na ang pakiramdam niya. Oo nga't hindi ako close sa kanila pero mahal ko pa rin ang kapatid ko. Mahal ko sila. Ayokong nakikita silang nahihirapan o nasasaktan.
Hindi ko nga alam kung paano ako nakatulog sa kama ulit. Nagising na lang akong mataas na ang sikat ng araw. Tumingin ako sa katabi ko at napabalikwas ng hinid makita si Dakila.
Shit! Baka umuwi na siya!
Inilibot ko ang buong tingin sa kwarto pero wala ito kaya nagkukumahog akong bumangon. Kamuntikan pa kong mapatid ng sinelas ko pagbangon.
Para lang makitang prenteng naka-upo ang kapatid ko sa mahabang upuan at umiinom ng kape? Nagtataka akong tumingin sa kanya.
"Oy, gising ka na pala."
Nilingon ko si Liza-ng nasa kusina. Nagsasalin ito ng kung ano sa plato.
"Nga pala, yung kapatid mo, ang aga gumising. Naawa naman ako kaya pinagtimpla ko muna ng kape," dagdag nito ng makalapit sa 'kin.
Nakangiwi kong tiningnan si Dakila na parang inosenteng batang nakatingin sa 'kin. Napahinga ako ng malalim. Tiningnan ko si Liza.
"Sige, salamat, Liza. Kakausapin ko muna siya, okay?"
"Sige." Tumalikod ito at bumalik sa kusina. Nagbukas pa nga ng youtube para magpatugtug at 'di kami marinig.
Napangiti ako saka binalingan si Dakila na nakatuon ang mata sa telebisyon. Lumakad ako palapit sa kanya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya. Tumihim ako para kuhanin ang atensyon niya pero hindi naman niya ko tinapunan ng tingin.
Dalawang beses pa kong tumikhim but he acts like he doesn't heard anything. I rolled my eyes at him.
"Dakila, I know you can hear me," I stated, but still, he didn't respond. Sa inis, padabog kong kinuha ang remote at pinatay ang TV.
"Arghh, Malaya!" he dismayed call my name.
I crossed my arms in front of my chest and look at him seriously. Napalabi ito at walang nagawa kundi ang mag-iwas ng tingin.
"Let's talk," umpisa ko.
"About what?" mahina niyang tanong.
"About me." Doon pa lang nagsalubong ang tingin naming dalawa. "I know that you will tell them where I am now . . . but I have a favour to ask. Can you please l-lied and don't tell them where I lived? Masama na kung masama, Dakila, but I love my life now. I have my freedom. I am happy."
Biglang naglaho ang lahat ng emosyon sa mukha ni Dakila.
"Masaya ka? You're happy while our parents are always worried about you?! Happy but you somehow wrecked our family?! Is that the definition of happy for you?!" he raised his voice.
Napalunok ako nang mag-unahan ang pagbagsak ng luha sa mga mata ni Dakila. Wala naman akong makapang boses sa bibig ko upang pigilan ito.
"M-mom . . . she's suffering since you left . . . she-she became different. Every day para siyang walking zombie! Breathing but never alive! Tapos you're happy now kasi you have your freedom?! Fuck it!"
Ikinuyom ko ang kamao ko.
"And now . . . you're asking me that! Are you crazy?! Dapat nga kagabi pa lang sinabi ko na kay Makisig kung saan ka pero I didn't kasi kukumbinsihin kitang umuwi pero what are you doing now? Asking me na itago ka?!" hindi makapaniwala nitong ani.
Nag-init ang magkabilang gilid ng mga mata ko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko upang pigilan ang hikbing gustong kumawala sa labi ko.
"B-bakit . . . kayo lang baa ng nag-suffer?! Pati rin naman ako, ah! I did what best for me! Anong gusto mong gawin ko? Stay and be married to someone I didn't know?!"
"We can help you!!"
"FUCK THAT HELP! YOU DIDN'T EVEN BULGED WHEN PAPA SAID THAT!" I shouted in pain. My tears fell like a heavy rain.
"Don't fuck with me that you tried to help kasi w-wala kayong ginawa! Even Makisig! So fuck your help! You don't want to help me dahil hindi naman kayo ang nasa posisyon ko! Kung hindi ako tumakas ay maikakasal ako sa taong hindi ko kilala. Kung hindi ako tumakas ay baka patay na ako ngayon! Masama bang piliin ko ang sarili ko?! Masama bang ako naman?! After all, sinunod ko naman lahat ng gusto nila . . ."
Lumambot ang mukha ni Dakila.
"S-sister . . ."
"Akala mo ba madali rin sa 'kin 'yon? K-kung hindi niyo ko s-sinakal . . . if you just let me lived my life . . . maybe I stayed. I will stay connected with you all. But hindi. You don't want me back just because I'm me . . . you just want back your doll. Someone to control!" puno ng pait kong ani.
Marahas kong pinunasan ang pisnge ko't malamig na tumingin sa kany. Hindi ako magmamakaawang itago niya kung nasaan ako, he can tell them pero hinding-hinding na ako babalik sa kanila. Never.
"Get ready. I will bring you to the hospital, then you call them para magpasundo." Tumayo ako't iniwan siyang mag-isa doon. Pumasok ako sa kwarto ko. Sumandal ako sa pinto pagkasarado ko't muling hinahayaang bumagsak ang mga luha ko.
Hirap na hirap ako sa paghinga. Pakiramdam ko'y para akong sinasakal at paulit-ulit na sinusuntok sa dibdib sa sobrang sakit nito.
Ako pa ba yung mali dahil mas pinili ko ang sarili ko?
Ako pa pala dahil mas pinili kong iligtas ang sarili ko sa impiyernong pagdadalhan nila sa 'kin?
Napaupo ako sa lapag. Salo-salo ko ang mukha ko habang walang tigil na humahagulgol. Ganito ba talaga kapag naging masaya? Sakit yung palaging sasalubong?
Ilang minuto rin akong nasa ganoong ayos. Nakatitig ako sa kawalan kanina pa simula ng matigil ako sa pag-iyak. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago tumayo. Kinuha ko ang towel ko at ang damit na isusuot ngayong araw tapos ay lumabas na ako ng kwarto.
Mula sa gilid ng mata ko ay nakita kong kinaka-usap ni Dakila si Liza, dumeretso ako sa banyo at ginawa ko ang morning routine ko. After thirty minutes sa loob ng banyo ay lumabas na ko. Nakabihis na at magsusuklay na lamang. I don't have an energy to put my make up on. I just want this to finish.
Binigyan ko ng huling tingin ang sarili ko sa salamin. Namumula ang mga mata pati na tungki ng ilong ko.
Kaya mo 'to, Malaya. Malalagpasan mo rin 'to, bilin ko sa sarili ko.
Nang makalabas ako ng kwarto ay deretso akong tumingin sa labas ng pintuan.
"Dakila, aalis na tayo," malamig kong ani. Nauna akong naglakad palabas. Narinig ko na lang na sinabi ni Liza na ingat kami.
Habang naglalakad palabas ay nakasunod sa 'kin si Dakila. Rinig ko ang mabibigat niyang hakbang sa likuran ko. Nang nasa gilid na kami ng kalsada ay lumingon ako sa kanya. Napalunok naman ito kasabay nang paghinto. Nag-iwas siya ng tingin.
"Wag na wag kang lalayo sa 'kin. Siguraduhin mong nakatutok sa daan yang mga mata mo kung ayaw mong masagasaan, maliwanag ba?" strikto kong tanong.
Nakanguso itong tumango.
"Okay."
Kinuha ko ang isang mahabang strap at inabot sa kanya. Salubong ang kilay siyang tumingin sa 'kin. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Kuhanin mo. Wala akong tiwala sa 'yo kaya diyan ka hahawak, connected sa bag ko 'yan. Kapag ikaw nawala pa, ang tanga mo na lang," brutal kong paliwanag.
"Do I have to? I'm not bata naman, ah!"
"I know, but prevention is better than cure. I don't want to look around when you lost." Inip ko siyang tiningnan. I tapped my foot at the ground to make sure he gets the message, and he did.
Padabog niyang kinuha ang strap sa 'kin at tinali pa sa pulso niyo. Lihim akong napangiti bago nagpatuloy sa paglalakad. Now, I can be sure na kahit hindi ko siya lingunin ay nasa tabi ko lang siya.
Knowing this street kung saan kami nakatira. You shouldn't be too much comfortable; maraming gago dito. Tahimik na nakasunod sa 'kin ang kapatid ko habang papunta kami sa sakayan ng jeep. Parang nag-mute lahat ng paligi at tanging ang mga yapak at paghinga namin ang tangi kong naririnig.
Kaagad din naman kaming nakasakay dahil mayroong nakapila na jeep na dalawa na lang ang kulang. Dalawa pero iisang pwet lang ang naka-upo.
Pinagtitinginan kami pagkasakay namin. Lalo na si Dakila, bakit kasi hindi, napakagwapo naman kasi ng kapatid ko. Kahit sa Santorini ay pinagkakaguluhan siya ng mga babae.
****
HILA-HILA ko si Dakila papasok sa ospital. This is a public hospital, hindi ko kayang dalhin sa private ang kapatid ko dahil kulang ako sa budget. Lumapit kami sa may front desk. Ngumiti ako sa nurse doon.
"Hi, saan pwede magpa-check up? Nabangga kasi ng kotse ang kapatid ko. Nagasgasan lang naman pero gusto kong maka-sure na walang fracture."
"Paki-fill up-an na lang muna 'to tapos punta kayo doon sa may bed and tatawag lang ako ng doctor para matinggan siya."
Kinuha ko ang inaabot niyang papel. Ngumiti ako at hinila ang kapatid ko na pumunta sa isang bakanteng kama. Pina-upo ko siya.
"Eto, fill up-an mo tapos bigay mo sa 'kin after para ma-check ko," ani ko sabay abot ng papel kay Dakila.
Tinatamad na inabot nito iyon at tiningnan bago sinalubong ang mga mata ko.
"Si Mama ang nagsasagot ng ganito ko." Winagayway pa ang papel na hawak.
Taas kilay akong namewang sa harapan niya. Aba, gusto pa yata ng batang 'to na ako ang magsagot.
"Nakikita mo ba si mama?" Umiling siya, then sarcastic akong ngumiti. "Eh, di ikaw ang magsasagot niyan. Alangan namang ako, eh, hindi naman ako ang magpapa-hospital."
He rolled his eyes without saying anything. I smirked. Pinanood ko siyang sagutan ang papel. Hmp. Mabuti naman.
Wala sa sarili napatingin ako sa relos ko sa wrist. Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang alas-nueve na pala ng umaga. Mabilis kong inilabas ang telepono ko. Sinampal ko ang noo ko. Shit. Nakalimutan kong magsabi kay Kazi.
Akma kong ida-dial ang number nito ng maramdaman ko ang kamay ni Dakila na humawak sa braso ko. Nagtatanong akong lumingon sa kanya.
"What?"
"It's done. I thought you're going to check it first," he gives me the paper.
I sigh in defeat and put my phone back inside my bag. After that, I check the information he put there, when it's all correct ay binaba ko na. Hindi rin nagtagal ay dumating na ang doctor.
The first thing he do is to check my brother and asked him questions na pareho naming sinasagot.
"From what I can see, okay naman ang kapatid mo, Miss. But just to be sure, you need to conduct x-rays. I think whole body dahil buong katawan naman nito ay puro gasgas, then after that you can go back here to read the result. For now, I will give you list of medicine na dapat mong inumin for pain and fast healing," the doctor said while writing in a paper.
Inabot ko ang papel at ngumiti dito.
"Thank you so much, Doc," ani ko saka hila kay Dakila paalis doon.
Binasa ko ang mga nakasulat sa reseta. Antibiotic at pain reliever ang mga 'yon. Kung ako lang ay hindi ko mabibili 'yon ng buo. Kagat labi kong inilabas ang wallet ko. Parang may sumuntok sa dibdib ko ng makita ang laman no'n.
Limang daan na lang. Lunes pa naman ngayon, at matagal pa ang sweldo namin. Nakakahiya namang mangutang kay Liza para sa kapatid ko. Kung kay Kazi naman . . . baka isipin pa niyang gold digger ako. At isa pa, nakakahiyang mangutang sa kanya.
Kung sakali, ilang piraso lang na gamot ang mabibili ko. Hindi ko rin siya kayang ipa-xray.
Dinig na dinig mo ang yakap namin sa mahabang hallway. Tahimik at walang masyadong tao bukod sa mga ilang pasyenteng naghihintay din.
Huminto ako at humarap kay Dakila. Napahinto rin ito.
"Hmm?"
Inabot ko sa kanya ang reseta. Nagtataka siyang tumingin sa 'kin. I sigh then took his hands and forcefully giving the paper.
"W-why—what—"
"First, call Makisig or Bayani. Magpasundo ka dito. Then, kayo na ang bumili ng gamot mo at magpa-xray. I can't do that now kasi naka-budget ang pera ko. Yung ipambibili ko ng gamot sa pagkain mo na lang ilalaan para habang naghihintay ka dito ay hindi ka ma-bored." Nilabas ko ang last five hundred pesos ko at inabot sa kanya.
"Take it, this is yours now. Use the hospital's phone to call them. Second, just wait here. Don't go anywhere without them because I want you checked. Third and last, forget what I said early in the morning. Maybe I'm really selfish, so, I let you decide if you want to tell them where I am. I will not hold any grudges," mahaba kong lintanya. Pinilit kong ngumiti kasi na ang sakit sabihin na selfish ako sa ginawa ko.
Maybe I am, I just can't accept it.
"Dakila." I call his name in a serious tone. Then I look directly in his eyes. "I'm sorry if you think I'm selfish. I'm sorry for hurting you . . . Mama and our family." Nagpapasalamat na lang ako na hindi ako pumiyok kahit na nanlalabo na ang mga mata ko sa luha. "But I did what's best for me. And I will do it again if I have to."
Nag-iwas ako ng tingin saka mariing pumikit. Kinalma ko muna ang loob ko bago tumango. Tiningnan ko ulit sa mukha ang kapatid ko.
"Be safe, Dakila. Don't be stupid. Now, remember call Bayani or Makisig, nag-aalala na sila sa 'yo niyan."
"Y-You're leaving me . . . here?" he looked around like a scared little boy.
"Yes, because I still have wo . . . rk." My eyes widened in a sudden realization. Inangat ko ang braso ko para tingnan ang oras at nalaglag sa sahig ang panga ko ng makitang halos alas dose na nang tanghali.
Nagmamadali kong hinugot ang telepono at mabilis binuhay iyon. Tinambol ng malakas ang dibdib ko ng makita ang maraming missed call galing sa iisang numero. Halos isang daan na rin ang mga text messages sa 'kin. Skatá. I forgot na naka silent ang phone ko.
I almost jump when Dakila held my waist.
Masama ko siyang tiningnan.
"Is there any problem?" nag-aalala niyang tanong.
I was about to answer him when my phone lighted and registered a familiar name. I gulped.
"Who the hell is Kazimir?"
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro