Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Seven

hi! Sorrrry if matagal ang update ko, marami kasing ganap sa bahay na need pagbigyan ng more focus. Thank you sa pag-intindi! I hope magustuhan niyo 'to! 

----------

CHAPTER THIRTY-SEVEN

BAYANI'S P.O.V.

"HINDI ko naman aagawin sa 'yo," mas mahinahon kaysa kanina kong sabi.

Sinimangutan niya ako saka naglakad papunta sa table niya. Ibinaba ni Dakila doon ang kung anong nakabalot sa basahan. Ihinarang pa niya ang sarili niya para lalo kong hindi makita. Umupo ako sa may gilid ng kama.

"May tinatago ka sa 'kin, Dakila. And I will found out that soon kaya mabuti pang aminin mo na," may halong pagbabanta kong wika sa kaniya.

Mas lalo lamang siyang sumimangot sa 'kin. He crossed his arms in front of his chest.

"Wala akong tinatago sa 'yo, Bayani. I promised. Masyado ka lang sigurong naiinip kaya iyan ang naiisip mo," aniya habang nakikipaglaban ng tingin sa 'kin.

Tinitigan ko siyang mabuti.

The way his body moves. Na parating aligaga. May tinatago isya sa 'kin. At malalaman ko rin 'yon. Hindi lang naman sa galaw niya ako nakamasid, pati na rin sa ugali niya. Simula sunduin namin siya sa hospital ni Makisig, iba na ang naging kilos niya. Parating malalim ang iniisip.

Isama mo pa na kaninang pagdating ni Papa. Halatang hindi niya 'yon nagustuhan. Which is odd because we're both close with him. Kung nasa Greece kami ay hindi siya aakto ng ganiyan.

Kaya sigurado akong may tinatago siyang sikreto. And I'm going to know it.

MALAYA'S P.O.V.

HUMAPLOS ang palad ko sa maninipis na palihibo sa dibdib ni Kazi. We're in his office bed. Natatakpan ng itim na duvet ang walang saplot naming katawan. Naka-unan ako sa dibdib niya kaya hindi ko makita ang kaniyang mukha, pero base sa malalim na paghinga ni Kazi ay alam kong tulog ito.

We cannot help ourselves. Nang maglapat ang mga labi namin ni Kazi ay muli akong nagpa-ubaya sa apoy na tumupok sa 'ming mga katawan. I enjoyed it . . . like the first time.

Ilang beses naming ginawa 'yon. Paulit-ulit hanggang sa mapagod na kaming dalawa at kusang bumagsak ang katawan namin.

Dahan-dahan akong tumingala at pinagmasdan ang maamong mukha ni Kazi. Kapag tulog mukhang ang sobrang bait niya, ibang-iba kapag gising na. Lalo naman sa kama. Nag-init ang pisnge ko dahil sa naisip.

Hmp. Puro harot kaya walang trabahong natatapos eh. But kidding aside, I'm so sore. Lalo na ang gitnang bahagi ng katawan ko.

Huminga ako ng malalim at inipon ang lahat ng lakas para marahang alisin ang mabigat na braso ni Kazimir na nakapatong sa bewang ko. Tinuptop ko ang kumot sa 'king katawan at saka bumaba sa kama pero bago 'yon ay nilagay ko muna ang unan kong ginamit para yakapin niya.

Dinampot ko ang mga damit na nagkalat sa lapag. Sinuot ko ang mga damit ko at saka tiniklop ang sa binata. Inilagay ko 'yon sa may gilid ng kama.

Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto ay nilingon ko muna si Kazi. Yakap-yakap niya ang unan ko at malalim na natutulog. Napangiti ako.

Nagulat pa ako ng lumabas ako ng private room ng maabutan ko si Alexis na nasa office ni Kazi. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya samantalang siya, chill lang.

"Gising ka na pala. Akala ko hindi na kayo lalabas," makahulugan niyang ani.

Kaagad inatake ng pamumula ang pisnge ko. Wala sa sariling napatingin ako sa damit ko, hindi naman lukot masyado. Kung hindi niya siguro ako nakitang lumabas galing sa loob ay hindi niya ko pag-iisipan ng ganon?

"Ahm . . ." Ngumising aso ako. "Pasensya na talaga, sa 'yo ko na naiwan lahat g trabaho ko."

Nahihiya rin naman ako kay Alexis. Noong nagu-umpisa ako dito halos siya rin ang gumawa ng lahat, pati ba naman ngayon, siya pa rin?

Matamis na ngumiti sa 'kin ang lalaki bago sumanyas na 'wala 'yon.'

"Trabaho ko rin naman ito kaya walang kaso. Ano, gusto mo ba ng makakain o kaya maiinom?"

Umiling ako. "Hindi na, salamat. Tutulungan na lang kita. Para kasing ang daming pinapagawa sa 'yo ni Kazi," ani ko saka naglakad palapit sa kanya.

Tumulong ako sa pagliligpit ng kalat namin kanina ni Kazi. Inilagay ko 'yon sa basurahan at sumunod kay Alexis palabas ng office. Naunang umupo sa table ko si Alexis kaya umupo ako sa available chair.

Sa mga sumunod na oras, naging busy na sa pagta-type si Alexis. Base sa status ng lamesa ko, halatang lahat ng mga natambak kong gawain ay natapos na niya. Mukhang wala naman na akong gagawin thanks to him, I opened my phone na lang and message Liza kung kumusta sila ni Dakila sa bahay.

Liza: Umalis na yung kapatid mo kanina pa. Hindi na nga nakapagpaalam.

Tumaas ang isang kilay ko sa nabasa. Umalis ng hindi nagpaalam? Aba, loko 'yon ah. Mabilis akong nagtipa ng message sa kanya.

I should be worried na umalis ng walang paalam dahil baka sabihin niya sa pamilya namin kung nasaan ako pero wala naman akong ibang nararamdaman bukod sa kakalmahan at kaunting inis.

Nasubok ko naman na siya. Hindi niya ako isinumbong at magtitiwala ako sa kaniya.

Malaya: Okie, Thanks. Wag ka mag-alala pagsasabihan ko. Ingat.

Nang ma-send ko ang message ay binuksan ko ang laptop ko. Doon ako nag-check kasi baka may bagong trabaho na dumating. Sayang naman ang sweldo ko kung di man lang ako magtratrabaho.

Huminto ako sa pagbro-browse ko sa laptop ng may maalala ako. Nilingon ko si Alexis. Naramdaman siguro niyang nakatingin ako sa kaya kaya nagtatanong siyang tumingin sa 'kin.

"Ahm, nga pala. Anong inuutos sa 'yo kanina ni Kazi? Sino yung tinutukoy niyong dumating?" curious kong tanong.

Namutla si Alexis. "H-ha?"

"Yung kanina. No'ng naabutan ko kayo," ani ko.

Napakamot sa batok niya si Alexis at ilang na napatawa. Ilang beses akong nange-engganyong tumango para sabihin niya sa 'kin ang alam niya. I'm not noisy naman pero I can't help it. Baka makatulong ako sa kanya. Sa kanila. Mapapadali yung trabaho.

"Ahhh . . . yung ano . . . k-kaybigan ni Sir. Tama. Kaybigan ni Mister Vasiliev, tapos pinapasundo sa 'kin sa airport pero nabalita sa 'king nakasakay na raw siya pauwi," paliwanag nito.

Kinunutan ko siya ng noo.

Kaybigan ni Kazi?

M-may kaybigan si Kazi?

I want to laugh to myself. Of course he has friends' kasi normal na tao siya. Pero . . . nakakapagtaka na hindi ko pa nakikita o nakikilala. May balak kaya si Kazi na ipakilala ako sa kanila?

Siya nga hindi mo naipakilala kay Liza, eh, tapos gusto mo ipakilala sa kaybigan niya? Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

Hays. Okay na 'yon, besides, ilang linggo pa lang naman kaming in a relationship talaga. I think nasa ayos naman ang flow. No need magmadali. I should not overthink. Bumalik ako sa ginagawa ko kanina.

Dahil masyado akong na-busy sa ginagawa, nakalimutan ko ng natutulog si Kazi sa private office nito at baka gising na siya.

Napa-angat na lang ako ng tingin ng marinig ang bumukas ang pintuan. Nanlaki ang mata ko ng makita ang seryosong mukha ni Kazimir na nakatingin sa 'kin. Tiningnan ko ang kabuuan nito.

Nakasuot na ito ng slacks at sleeves niya na puti, pero hindi nakabutones ang tatlong butones sa taas kaya kitang-kita ko ang maninipis nitong balahibo sa dibdib.

Napalunok ako.

Kinakabahan akong tumayo at alanganing ngumiti sa kanya. Tiningnan ko si Alexis na abala pa rin sa ginagawa kaya lumakad ako palapit sa kanya. Parang ahas na puma-ikot ang braso nito sa bewang ko. Hinaplos ko ang likuran niya pagkatapos ay hinila niya ako papasok sa loob ng office.

"Kumusta ang tulog mo?" malambing kong tanong sa kaniya ng maisarado ko ang pinto.

Mas lalo lamang niya akong sinimangutan. Napatawa ako.

"Bakit?"

"How come you get up in the bed without waking me? Didn't I tire you enough?" nagtatakang niyang tanong habang nakatingin sa 'kin.

Napahalakhak ako sa sinabi niya.

"Ano ka ba, eh, mas pagod ka kaya sa 'kin." Inalis ko ang braso niya sa 'king bewang at saka ako umalalay sa kanya para paupuin siya sa kaniyang swivel chair. Sumunod naman siya sa 'kin, kaya lang puma-ikot ulit sa bewang ko yung braso niya.

"Tss. Next time don't leave the bed without me. Tapos makikita pa kitang kasama si Alexis. You should be next to me in bed. Sore in pleasure," inis na sabi nito.

Hinaplos ko ang pisnge niya

"I'm limping naman. Sore. Kaya lang, kaylangan ko talagang mag-work kasi nahihiya ako kay Alexis. Ayokong isipin niyang inaabuso ko siya. Like, sumusuweldo ako pero walang ginagawa, hindi ba ang unfair naman no'n?" mahinahon kong paliwanag.

Mukhang naiintindihan na rin naman ni Kazi ang gusto kong sabihin dahil naging kalmado na ang hitsura nito.

"But next time don't leave, okay? Wake me up if you'll leave so I know."

"Okay."

Mag-agree na lang ako kaysa pahabain pa ang usapan namin. Okay naman kay Kazi 'yon dahil wala na ulit siyang sinabi. Binuksan nito ang sariling computer at nagtipa. Umalis ako sa kaniyang tabi at pumuwesto sa likuran.

Minasahe ko ang balikat ni Kazi.

"That's right . . . keep doing that, dove," Kazimir groaned kaya sinunod ko ang gusto nito. Mula sa reflection ng computer ang pagpikit nito. Napangiti ako.

"Madami ka yatang na-postpone na meeting ngayong araw tapos mamaya may meeting ka ulit, ire-reschedule ko ba yung iba?"

"Hmmm. Yes, same time and day next week. I'll meet them," he said.

"Okay." Tinigil ko ang pagmamasahe sa kanya. Malambot ang tingin ni Kazi na nilingon ako. Hinaplos ko ang kaniyang pisnge bago humalik doon. "Be back later."

Lumabas ako ng office at pumunta sa pantry. Nagtimpla ako ng kape, pagkatapos ay ginawan ko na rin siya ng sandwich. After I finished making meryenda for Kazi, I make another one for Alexis. Pambayad sa kabutihan niya. Nilagay ko 'yon sa tray tapos dinala na palabas.

Huminto ako sa table namin ni Alexis. I saw him look up when he notice me.

"Hey, here's your meryenda. Hope you like it." Ibinaba ko ang tasa ng kape at tinapay sa gilid niya.

"Wow. Thank you! Napaka-sweet naman," natatawang sabi ni Alexis ng kuhanin niya ang tinapay at kumain.

Ngumiti ako. "Syempre naman baka sabihin mo pinapahirapan kita," pabiro kong ani at muling dinala ang tray. Tumalikod ako sa kanya at tinahak ang office ni Kazi. I open the door. Kazi is busy reading kaya hindi na ako masyadong nag-ingay.

Maingat kong ibinaba ang tasa ng kape sa gilid para hindi matabig pagkatapos ay yung tinapay naman katabi no'n.

**********

SAKTONG six o'clock ay nakaayos na ang mga gamit ko para makaalis na. Ni-sure kong nakapatay ang computer at maayos ang lahat bago ko kinuha ang bag ko. Sinukbit ko sa balikat ko ang bags ko at lumakad patungong elevator.

Pinindot ko ang open button, I wait for a few seconds bago bumukas ang pinto ng lift. Pumasok ako sa loob at pinindot ang first floor button.

Umalis sina Alexis at Kazi kaninang ala-singko para sa isang meeting, nagpa-iwan na ako kasi 'di ko naman alam kung anong pag-uusapan nila. Like this isn't my choice naman.

Nasa ground floor na ng magbukas ang lift. Lumabas ako at naglakad papunta sa exit. May ilang mga empleyadong ngumingiti sa 'kin kapag nakikita ako kaya tinatanguan at ngitian ko rin sila.

Mainit na hanging panghapon ang sumalubong sa 'kin pagkalabas ko ng office building. Maingat ay puno ng mga sasakyan ang kalsada. Sakay ang mga taong pauwi na sa kanilang mga tahanan. Nilakad ko ang waiting area para makasakay ng jeep.

Inilabas ko ang phone ko para i-check kung may message ba, ng makitang wala naman ay nag-scroll na lang ako sa internet habang naghihintay ng masasakyan. Binalik ko sa phone ang sa bag ko ng may humintong isang walang sakay na jeep sa harapan ko.

Mabilis akong sumakay sa loob para hindi maunahan ng ibang mga pasahero. Nagbayad ako at tumingin sa labas.

If I was still the naïve and masunuring Malaya, hindi ko mai-imagine ang sarili kong sumasakay sa jeep at nakikipag-unahan para lang maging komportable. Hindi ko mararanasang mahirapan ng ganito. That Malaya hindi niya kakayanin.

Kaya this is one hell a good job for me. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro