Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Nine

CHAPTER THIRTY-NINE

INSTEAD na sagutin ako ay dinamba nila ako ng yakap. Pinipigilan kong umiyak ulit but my tears are kept on falling down. They didn't say anything but we understand each other in this way.

Ilang sandali kaming nasa ganoong pwesto ng pare-pareho kaming naging kalmado. Humiwalay ako sa kanila. Pinunasan ko ang pisnge nilang basang-basa ng luha. Gumanti naman sila.

"I will not say anything with them. Hindi kita isusumbong, Malaya. I promise," mahinang sabi ni Bayani.

"Thank you." Ginulo ko ang buhok niya kasabay ng paggulo ng buhok ni Dakila.

"So, the drama is now over. I'm hungry, what are we going to eat?" nakangising tanong ni Dakila.

Nagkatinginan naman kami ni Bayani sabay nailing. Miski man ako ay nagugutom na sa tagal ng oras ng iniyak ko. Bigla akong napatayo ng maalala ko na may nakabukas nga pala akong kalan kanina.

"YUNG NILULUTO KO!"

I was about to run out of my room when Dakila caught my wrist. Nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"We already took care of that. Hindi nasunog. It's actually back in the freezer because we didn't cook it," paliwanag niya.

Medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Binawi ko ang braso ko.

"Okay. Anong oras na ba?" Tumingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng kwarto ko. Tanghali na pala, and hindi pa ko nakakapasok baka nagtataka na sina Kazi.

"Tatawag lang ako sa office para sabihing hindi ako makakapasok ngayon, okay? Sandali lang." Kinuha ko ang phone ko. Ni-dial ko ang number ni Kazi sa office, habang nagri-ring ay lumakad ako palabas ng kwarto. For sure mag-aalala na naman siya sa 'kin.

Umupo ako sa may sala. Napangiti ako ng sagutin ni Kazi ang tawag ko.

"Dove, where are you? Are you okay?" sunod-sunod nitong tanong.

Napangiti ako. "Okay naman ako, Kazi. Pasensya na nga pala, ha, ipapaalam ko lang na hindi ako makakapasok," wika ko. Tumingin ako sa pinto ng kwarto ko na para bang nakikita ang dalawa kong kapatid.

"M-masama kasi ang pakiramdam ko. A-ayaw kong mahawahan kayo kaya 'di na ako pumasok. Ahm . . . baka bukas na ako pumasok—"

"Do you have a fever? Kaylan ka nagkasakit? I will tell Alexis na dalhan ka ng gamot," pagpuputol nito sa sinasabi ko.

Oh, no, he can't be here!

"NO!" Natigilan ako ng ma-realize ko lumakas ang boses ko. Tumikhim ako. "What I've mean is . . . huwag na kasi makakaabala pa ako. I'm okay here. Inaalagaan ako ni Liza," ani ko.

Matagal bago nakasagot si Kazi pero sa huli ay nag-agree naman ito. Mas lalo akong napangiti dahil do'n.

"Alright, magpagaling ka, okay? Sabihan mo ko kapag ka lumala ang sakit mo then we're going to hospital."

"I will, thank you. Take care rin," I said before ending the call.

Napasandal ako sa upuan. I'm still thinking yung sinabi ni Liza. Should I ask his help? Hmm . . . there's a big chance na ihinto nila ang kasal kapag nalaman nilang may boyfriend na ko.

Dahil sa malalim na pag-iisip, hindi ko na namalayang lumabas na pala ng kwarto ang mga kapatid ko. Napabalik ako sa reyalidad ng may humawak sa 'king braso.

"Nagkausap na kayo ng boss mo?" curious na tanong ni Dakila.

"Ha . . . oo." Ilang beses akong kumurap saka pinilit na ngumiti sa kanila. "A-anong gusto niyong kainin? Nagugutom na kayo, 'di ba?" Pag-iiba ko ng topic.

Sunod-sunod silang tumango. Tipid akong ngumiti.

This could be our new bonding. Ipinatong ko sa kawayang center table ang phone ko. Lumakad ako papunta sa kusina. Namewang ako at tiningnan ang estanteng pinaglalagyan namin ng mga instant food.

"Ano ba 'yan?"

"I think it's a pasta," sagot ni Dakila kay Bayani.

I rolled my eyes at them. Mga anak mayaman nga naman. Gusto kong matawa sa naisip na 'yon kahit alam kong katulad lang din ng reaction nila ang reaction ko noong una kong makita ang pancit canton.

"It's an instant food here in the Philippines. Dakila is right, it's a pasta. Pansit!" paliwanag ko habang kumukuha ng mga luluituin. Nilagay ko ang mga iyon sa lamesa pagkatapos nagsalin na ng tubig sa isang kaldero na isinalang ko sa kalan.

"Hindi ba masama sa katawan 'yan?"

"Minsan lang naman kaya okay lang."

"Yeah, besides, first time 'to!"

Nilingon ko ang dalawa kong kapatid na ngayon ay busy sa pagtingin-tingin ng gamit sa loob ng bahay.

I wonder, ano kayang kaya ang magiging reaction nila kapag nalaman nilang may boyfriend na ko. Napangiti ako sa naisip. Maybe, they will be shock. As in since I never introduce someone to them. Wala rin naman kasing nagtangka.

Ibinalik ko na ang atensyon ko sa pagluluto. Inigihan ko talaga para sa dalawa kahit pa sabihing instant food lang 'to. After maluto ng boiled eggs ay tinawag ko ang mga kapatid ko. Mabilis naman silang tumugon sa 'kin. Nagtatanong ang mga matang tumingin sa 'kin

"You see, I have four eggs here. Tig-iisa tayo. I want you to learn how to remove the shell in their way." I mean, we never really had a chance to open our own boiled egg. Kapag dumarating siya sa 'min it's either talop na or naka-open sa middle so we can eat it.

Salubong ang kilay na nakatingin sa 'kin si Bayani, samantalang nakangisi at mukhang excited si Dakila. Matamis akong ngumiti sa kanila.

"Well. Grab yours na," sabi ko saka kumuha ng isang itlog.

Dahan-dahang kumilos ang dalawa at kumuha ng tig-isang itlog. Pinakita ko sa kanila ang ginagawa ko. Binasa ko muna ito ng tubig bago pinukpok sa matigas na bagay. Nang makakita ng crack ay nag-umpisa na kong magbalat. Tinitingnan ko ang dalawa kung tama ba ang ginagawa nila. Nagulat pa ako ng bigla na lang tumili si Dakila.

Gulat ko siyang nilingon.

"What happened?!"

Mangiyak-ngiyak na itinaas ng binata ang kamay nitong hawak ang isang itlog. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ko o maaawa sa ka kanya dahil do'n.

Napalingon ako sa may pinto ng dali-dali iyong bumukas at iniluwa si Liza na may face mask pang suot. Pangamba at gulat din ang nasa mata nito.

"NASAAN?! NASAAN ANG SUNOG?!" nag-aalala nitong tanong habang nililibot ang tingin sa paligid. Napalingon din ang mga kapatid ko dahil do'n.

Ngumiwi ako at ngumuso paturo sa hawak ni Dakila.

Unti-unti namang naging kalmado ang mukha ni Liza habang naguguluhang tumingin sa 'ming tatlo. Napa-ungot ito bago mabibigat ang hakbang na lumakad palapit sa 'min. Bumaba ang tingin nito sa itlog at sa bumalik sa mukha ni Dakila ang tingin.

She rolled her eyes and annoyed na nag-groan.

"Shet na malagkit! Akala ko naman kung ano nang nangyari tapos nabasagan lang pala ng itlog." Tumabi siya sa 'kin at kinuha ang itlog sa kamay ko at kinagatan. Napangiti ako bago kinuha ang isa pang itlog.

"Ano bang kakainin niyo?" Nilibot pa niya ang tingin at huminto 'yon sa lamesa. "Wow, canton!"

Inabot ko kay Dakila ang maayos na itlog at saka sila tinulak ng marahan papunta sa lamesa. May mga plato naman na roon kaya ang gagawin na lang talaga namin ay kumain. Inabutan ko sila ng mga kubyertos.

Unang kumuha si Liza, pagkatapos ay inabot nito sa mga kapatid ko hanggang sa makarating sa 'kin. Naglagay ako sa 'king plato at nakangiting pinanood ang dalawa na kumain.

I'm waiting for their reaction. At first, wala kasi parehong kunot ang noo but I felt relief when I saw them took another bite.

Nagkatinginan kami ni Liza. I nod at her and she smiled as well.

"Wow! This is so good, ha!"

"Yeah! I like it!" Binalingan ni Bayani si Liza, "where did you buy this—no. I think I will buy the company itself."

"Yeah I agree with you. Let's talk Makisig later to buy the company," pag-sang-ayon naman ni Dakila sa sinabi ni Bayani.

Grabe talaga ang mayayaman.

Inilingan ko sila.

"At sinampal na naman nga po ako ng kahirapan!" napahawak sa dibdib niya si Liza habang nakatingin sa mga kapatid ko. "Naols ha. Kapag nagustuhan bili lang nang bili, financially stable ang atake!"

Napatawa ako.

Napanguso sina Dakila at Bayani.

"Bakit, di ka ba bumibili ng mga bagay kapag nagugustuhan mo?"

"Hindi agad-agad kasi kaylangan pag-ipunan," sagot ni Liza at kinuha na ang plato na may pagkain. "Sige na nga. Pasok na ko sa kwarto ko kasi may tinatapos akong kdrama, buyyyyers!"

Sinundan ko ng tingin si Liza hanggang makapasok siya sa kwarto niya. Naiwan naman kaming tatlo ng mga kapatid ko. Tiningnan ko sila.

"Alam niyo, hindi porke may pera dapat bumili agad nang mga bagay o kahit na company na hindi pinag-iisipan. Pwede naman kayong bumili ng isang pack ng canton or kahit box if gustong-gusto niyo. Let's keep in mind that father is working hard to earn that money and we're not supposed to use it for unnecessary things."

I know this sound like matanda na, but since I work, I already learn how to value money. Kasi hindi naman madaling kitain 'yon. Mahirap lalo na sa mga katulad naming mahihirap at nagtra-trabaho. Gusto kong matutunan nilang hindi magtipid pero maging wise sa paggastos kasi tumataas din ang cost of living sa kahit saang bansa.

They sigh.

"Okay. You won," ani Dakila.

"Pero what if mag-start tayo ng sariling company? What do you think?" tanong ni Bayani.

"Well, do you have the money? Who will handle the company? Don't you remember that Makisig is handling our companies along with Dad? I don't think they can add more one na hindi sila nababaliw. And dapat mag-check kayo kung paano ginagawa 'yon, and kung saan mas kikita. Trial and error. Plus we need to have investors and marketing," ani ko.

There's a hint of sadness in his eyes after I said that. Mukhang na-discourage ko pa yata. I sigh. Inabot ko ang kamay ni Bayani na nasa ibabaw ng table. Nagtataka siyang tumingin sa 'kin.

"Don't worry, Bayani. We'll research more, okay? Bago mag-decide na mag-start ng bagong company? Okay? For now, try to invest sa mga manufacturer and learn para kapag ka ano makapag-start ka ng sarili mo."

Unti-unting nagliwanag ang mukha nito at magkakasunod na tumango sa 'kin. Tinapos na namin ang pagkain at ako na ang nagpresintang maghugas ng pinagkainan namin. Ang dalawa ay nagpunta sa may sala at nanunuod ng TV.

Nakasarado pa rin ang pinto't bintana namin. Ayoko kasing may maka-isyosos maki-chismis.

"Malaya, there's no cable!" ani Dakila na nagpapalipat-lipat ng channel base sa pag-iba-iba ng boses sa TV.

I sigh. Pinatay ko ang gripo at nagpunas ng kamay bago lumakad palapit sa kanila.

"Wala talagang cable dito. Kung ano ang nandiyan iyan lang ang panuorin," ani ko sabay upo sa tabi niya. Kinuha ko ang remote at nilagay sa isang channel. Noontime show ang palabas ngayon kaya 'di na sila mabo-bored.

"Ayan na lang panuorin niyo. Kasunod niyan mamaya yung mga drama at news pagdating ng six o'clock. By the way, 'di ba kayo hahanapin sa bahay?" nagtatakang tanong ko.

Now, the two are looking and intently watching the noontime show. Like it's talking about the exes and the reason why they broke up then the hosts gives an advice or reason—like lightening what the other party do wrong.

"Nahh, they are busy," Dakila answered when I nudged him.

I frowned, "why?"

"Because father is already here. Mom is not locking herself in their room—sure father will bring her outside to enjoy and relax," ani Dakila.

"Makisig is the one who's busy in the company, so they really will not notice our disappearance."

So father is really here . . . Naging mailap ang mga mata ko.

"Ahm . . . nagalit ba siya noong umalis ako?" mahina kong tanong.

"Sino?"

"Papa."

Nagkatinginan silang dalawa. I rolled my eyes. Hindi naman masamang mag-ask ako kung ano ang naging reaction nila noong umalis ako.

"What? Wala naman sigurong masama if maging curious ako, 'di ba?"

Dakila sighs and tap Bayani's back.

"Tssk." Masama munang tumingin si Bayani kay Dakila bago ako tiningnan. "He is kinda . . . mad at first. Galit siya sa mga tauhan kasi nga natakasan mo sila. Galit siya kasi tumakas ka. Napatalsik nga yung guards na mga nagbabantay no'n kasi 'di raw nila ginagawa ang best nila. Di nila nalaman na may secret passage ka pala palabas ng bahay. After that, naging busy na siya sa work at paghahanap sa 'yo. Tapos . . . he became more cold lang. Ruthless lalo sa work. Marami raw natanggal na employee sa company kasi nga kahit maliit na kapalpakan hindi niya pinapalampas."

He became more ruthless?

"But . . . don't be guilty about it kasi ginawa mo lang naman yung alam mong best for you. And we understand you now," ani Dakila. Yumakap ito sa bewang ko. "Wag ka mag-alala, ate, hindi ko hahayaang ipakasal ka nila Papa sa hindi mo kilala. I promise."

Umawang ang labi ko.

"What did you call me?" gulat kong tanong.

Matamis siyang ngumiti sa 'kin, "Ate. Mama said you're ate because you're older than us. I never call you that but I think it's time now." Humigpit ang yakap niya sa 'kin.

Nag-init ang dalawang gilid ng mga mata ko. Napatingin ako kay Bayani. Nakangiti rin siya sa 'min. Ibinukas ko ang isa kong braso, hindi pa nagtagal ay sumali na rin siya sa 'min at nakiyakap.

Oh, gosh.

Hindi ko akalain na ito pang paglalayo namin sa isa't isa ang maglalapit sa 'min. Hindi ko naisip na magiging close pa kami at tatawagin niya kong ate. Gosh. I wanna cry! Huhuhu.

Ilang minutes kaming nasa ganoong ayos ng lumayo sa 'kin si Dakila. Kinunutan niya ko ng noo.

"Hindi ka ba natuwa sa sinabi ko?" nagtatakang tanong niya.

Kinunutan ko siya ng noo. "What do you mean? I'm happy nga na tinawag mo kong ate, eh."

"Ay!"

"Tanga."

Parehong napa-face palm ang dalawa at lumayo sa 'kin. Namewang ako sa harapan nila.

"Ano bang sinabi?"

Nagkatinginan ulit sila.

"Alam mo, naniniwala na ako sa sinasabi nilang may selective hearing ang mga babae," ani Dakila.

"Same. Narinig niya lang yung 'ate', eh, katulad no'ng sa meme sa internet na 'wag daw mag-attitude porke maganda' ta's maganda lang yung narinig," ani Bayani.

Mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko. Hindi ko sila maintindiha. I think I'm lost in the translation, eme!

Dakila rolled his eyes. "I said I will not let them wed you to some dude."

"Oh!"

Pinandilatan niya ko, "Yeah, oh! I saw him already, tho, I don't trust him that much."

"Me too. Makisig said na mabait naman siya but we can't be too sure," Bayani added.

I'm touch naman sa sinabi nila. Ohh. I'm happy na may kakampi na ako sa hindi pagpapakasal.

Ginulo ko ang buhok nilang dalawa.

Tipid akong ngumiti.

"Thank you so much, boys. I really appreciate it," nakangiting turan ko.

They laugh and smile at me. Nagkakatuwaan na kami ng may biglang kumatok sa pinto. Tumayo ako—hindi na nag-abala pang tingnan kung sino 'yon at basta na lang binuksan iyon ng malaki.

And my world stopped when I see Kazimir's smiling face. Umawang ang labi ko.

The shine in his face vanished when he saw me. He frowned.

"Dove, I thought you're sick? How are you feeling?" malamig ngunit may pag-aalala niyang tanong. Sinalat niya ang noo ko. "Normal ang temperature mo."

Before I could even open my mouth there's a serious voice speak behind me. Mariin akong napapikit. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro