Chapter Thirty-Five
CHAPTER THIRTY-FIVE
BAYANI'S P.O.V.
"WHERE is your twin, Bayani?" Natigil ako sa akmang pagsubo ng spicy noodles ng humarap sa harapan ng malaking TV si Makisig. Bored akong napa-irap sa hangin bago ibinaba ang hawak.
"In his room."
"No, he is not there. Pinuntahan ko siya but he is missing. Nasaan na? Kakauwi niya lang at hindi pa siya magaling tapos wala na naman siya," problemadong ani Makisig.
"Malay ko do'n. Kanina nandiyan lang ta's ewan ko na ngayon," saad ko bago pinapatuloy ang pagkain ko.
Saan ng aba nagpunta si Dakila? Kakabalik lang niya tapos nawawala na naman siya ngayon. Ano naman kaya ang kalokohang ginagawa niya?
"Tsk! Your teacher will came here now, pero ipapa-cancel ko na lang dahil wala naman ang kakambal mo. Can you find him and tell him to go in my office. I need to talk to him about his attitude." Makisig walk away after that.
Sinundan ko siya ng tingin at umiling. As if mahahanap ko siya ngayon. Ni-enjoy ko muna ang pagkain ko habang nanunuod ng TV pagkatapos ay niligpit ko ang pinagkainan ko't pumanik sa hagdan.
I'll try to look at him first in the unused room baka kasi may ginagawang kalokohan ang isang 'yon at hindi ako sinasama. But it's been an hour, hindi ko pa rin nakikita kahit anino nito.
I rolled my eyes for the hundredth time and went to my room. Humiga ako pero hindi para matulog kundi hintayin si Dakila. Humanda siya sa 'kin mamaya.
I took my phone to send him a message.
Dakila gwapo mana sa 'kin:
Where are you, dude? Hinahanap ka ni kuya. Pag hindi ka nagpakita, yari tayong dalawa.
After I send that message ay nag-scroll ako sa internet pampatay ng oras. Hanggang sa nakatulugan ko na nga ang paghihintay kay Dakila
I thought when I wake up ay nandoon na si Dakila, but I've heard from the maids that he is still missing.
Tumaas ang kilay ko habang nakatingin kay Makisig na busy sa pagdutdut sa phone niya. Mom is unaware that one of his sons does not go home last night. Baka mas lalo lang siya malungkot at matakot kapag nagkataon.
Lumapit ako kay Makisig at tinabihan siya ng upo.
"Did you found him already?" I asked.
Masama niya akong nilingon. Tinaas ko ang dalawang palad ko dahil sa paraan pa lang niya ng pagtingin ay alam kong pinaghihinalaan niya na akong ako ang nagtago sa kakambal ko.
"Wala akong ginagawang masama, ah! Hindi ko alam kung nasaan siya!" defensive kong sabi.
"Siguraduhin mo lang, Bayani, kapag nalaman kong magkasabwat kayo niyang kakambal mo ay humanda ka sa 'kin!" banta ni Makisig.
Tumawa ako ng mahina bago naglagay ng pagkain sa plato.
"Pupuntahan ko si Mommy sa kwarto niya," ani ko sabay tayo. Dala-dala ko ang dalawang plato palabas ng kusina at nagpunta ako sa kwarto ni Mom sa second floor.
I didn't bother to knock kasi nakabukas na ito. Hinanap siya ng mga mata ko and I smiled when I saw her in the veranda. Lumapit ako doon.
"Good morning, Ma!" bati ko at saka binaba ang plato sa harapan niya. Sakto namang mayroong juice at kape na nadala doon.
Matipid siyang ngumiti sa 'kin. Pinipilit na gawing matamis kahit na yung mata niya ay puno ng lungkot.
"Thanks, Bayani . . . kumain ka na ba, anak?" mahina niyang tanong.
Umiling ako, "not yet. Balak kong magsabay tayo, Ma." Umupo ako sa upuan sa kaniyang harapan at inabutan siya ng kubyertos.
"Dig in, Ma. Dapat ay may lakas ka," ani ko. Our breakfast is a combination of American and UK's. A pancake, sausage, sunny side up and bacon. Not so healthy because Mr. Chef is not yet here.
Tumango si Mama at nag-start na kumain. Pinanood ko siyang kumain. Medyo may gana na ngayon kaysa noong nasa Santorini kami kung saan hindi talaga siya kumakain.
I hope magtuloy-tuloy na.
*****
MALAYA'S P.O.V.
"DAKILA!" I shouted when I saw him opening the stove. Mabilis siyang lumingon sa 'kin. "What are you doing?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Cooking?"
"I see that. But why? Are you not going home? Anong oras na, ah," puna ko bago pumasok sa loob ng banyo. Isinabit ko sa sampayan ang towels at underwears ko and then muling lumabas.
He smile, "actually, okay lang na wala ako do'n sa bahay kasi hindi naman ako hinahanap. But I will go home later, after or before lunch. Then babalik ulit ako later at night," he said like it's a plan.
I sigh.
He can't be here! Magtataka ang mga kapitbahay kung sino siya dahil ito ang unang beses na makita nila ang kapatid ko. Or second, basta hindi pwede.
"You can't stay here, Dakila. You know that. Ayokong pag-usapan ng ibang tao."
"So? Anong pag-usapan? Ayaw mo no'n, sikat ka?" nakangiti niyang tanong.
I rolled my eyes in annoyance pero agad din 'yong nagbago ng maalala kong bago lang siya dito. Hindi niya kilala sina Marites at Marisol.
Kinamot ko ang ulo ko at namewang. Tiningnan ko siyang mabuti.
"Well, sikat in the bad way kasi pag-uusapan ka nila dito. Lahat ng gawin mo pag-uusapan nila. They like CCTV's na pinapanood ka, and right now? I know some of them already have an idea na may lalaki akong pinapapunta sa bahay ko."
He nod then shrugged his shoulders, "I don't care. Basta. I will go home when I want to." Tinuro niya ang CR. "Why don't you take a bath and go to work? 'Di ka dapat ma-late," anito.
Inis ko siyang tiningnan na agad ko ring binawi dahil tama naman siya. I can't be late right now, after what happened yesterday.
I sigh in defeat na lang. Pumasok ako sa banyo at ginawa ang morning routine ko. Nang matapos ako ay nagtapis ako ng towel sa katawan at lumabas na. Naabutan kong nakatayo pa rin sa likod ng kaklanan si Dakila at nagluluto.
Nilagpasan ko siya at dumeretso sa kwarto ko. I change into my work clothes very quickly. Naglagay na rin ako ng light make-up bago lumabas ng kwarto ko. Sakto naman na inaayos na ni Dakila ang lamesa. Mabilis akong lumapit doon at umupo.
Mabuti rin palang nandito siya para may tagaluto, ani ng isang bahagi ng isip ko.
Kukuha na sana ako ng itlog ng bumukas ang pinto. Sabay kaming napalingon doon ni Dakila. I saw Liza coming inside with her wide smile.
"Naks naman! May almusal na agad! Mukhang masarap ha," puri nito pagkalapit. I pour hot water in my coffee and motioned her to sit down which she did.
"Yap. Kaya umupo ka na riyan," ani ko at tiningnan si Dakila. "Sit down, as well, tapos kain na."
Mabilis tumalima ang kapatid ko. After kong makapagtimpla ng kape ay humigop agad ako at naglagay na ng pagkain sa plato ko.
"Wow! Yummy ha!"
"Thanks, Liza. Ako nagluto niyan," puno ng pagmamalaking sabi ni Dakila.
Mangha namang tumingin sa kapatid ko si Liza. Pumalakpak pa ang gaga kaya mas lalong natuwa si Dakila.
"Sarap magluto! Nga pala anong ginagawa mo dito? Hindi ba umuwi ka na?" Bumalik siya sa 'kin. "Akala ko nihatid mo?"
Nilunok ko ang kinakain ko.
"Hinatid ko na bumalik lang." Hinarap ko si Dakila. "Sino nga pala ang naghatid sa 'yo?"
Matamis niya akong nginitian. "Kinabisado ko yung daan noong papunta tayo sa hospital, then, bumalik ako sa hospital at saka dumaan pabalik dito sa bahay mo."
"Galing, ah! Nakaya mo 'yon?!"
"Syempre! Saka madali lang naman malaman kasi nagtanong-tanong din ako," prenteng sagot nito.
Napa-irap na lang ako. Kalokohan din talaga minsan ni Dakila. Imagine na-trace niya ang bahay namin just like that?
"Anong nangyari sa pisnge mo," baling ni Dakila doon.
"What?" pa-inosente kong tanong.
Tumaas naman ang kilay ni Liza at uminom ng kape.
"Ay pa-inosente si anteh mo, gurl! Ano raw nangyari sa pisnge mo? Di m ba na-chika sa kaniya na—"
Before pa niya masabi na sinampal ako ng nanay ng boyfriend ko ay sinubuan ko siya ng itlog. Sinenyasan ko siya na tumahimik. Umawang ang labi nito at nakaka-intinding tumango. Pa-simple akong tumingin sa kapatid ko na nagtatakang nakatingin ngayon sa 'kin. Pilit ko siyang nginitian.
Si Dakila at Liza ang panay usap tungkol sa mga bagay-bagay. Ako naman ay nagpaalam na ng maubos ko ang kape ko dahil baka maipit sa traffic mamaya ang jeep at ma-late pa ako. Nagpaalam ako kay Liza at binilinan si Dakila na umuwi na pagkatapos.
HABANG nasa byahe, bumalik sa isip ko ang mangyayari mamaya sa office. I can't help to overthink kung anong mangyayari. Medyo kinakabahan ako kasi baka nandoon ulit ang Mom ni Kazi at magalit with his father na.
DUMERETSO ako sa table ko pagdating ko ng office. I noticed some of unfamiliar things in top of my table. Mukhang hindi pa umaalis si Alexis.
Kumuha na lang ako ng extra chair para tig-isa kaming dalawa. Nang okay na ay dumeretso ako sa may pantry para kumuha ng water and nilagay ko 'yon sa may table.
Lumakad ako papunta sa office ni Kazi. I didn't bother to knock dahil 'di naman nakalapat yung pinto kaya nagka-chance ako na makasilip sa loob. Nakita ko si Alexis at si Kazi na nag-uusap. Kumunot ang noo ko dahil parang seryoso iyon base sa mga mukha nila.
I don't hear so much of it kasi medyo mahina silang nagsasalita.
"Sir, the airlines notified me that he's already here in the country. What should we do next?"
"Nothing . . . yet. Just tighten the security and make sure they will never see her," seryosong ani Kazi.
Sino yung dumating? Why does they need to tighten the security with someone? And who's she?
"When will you tell—"
"Malaya, what are you doing there?"
Kazimir's cold voice makes me jump in surprise. Nakita pa niya ko? Tiningnan ko muna ang sarili ko if presentable ba ko before tinulak pabukas ang pinto. Tinaas ko ang kanang kamay ko para mag-wave sa kaniya. Matamis akong ngumiti sa kaniya't kay Alexis na gumilid.
Naging professional ang tayo ni Alexis habang pinapanood kami ni Kazi.
Lumakad ako papasok sa loob.
"H-hi?" mahina kong ani nang magtapat kami.
Sumandal si Kazi sa upuan at nagtatanong na tumingin sa 'kin. Ilang beses akong napalunok dahil sa paraan niya ng pagtingin sa 'kin.
"Ahm . . . I was waiting for you and Alexis to f-finish what your t-talking about kaya n-nasa labas ako."
"Is that so?" he confirming.
"Y-yes . . ."
Kahit parang hindi naniniwala ay sumenyas siya sa 'king lumaapit pa ko na sinunod ko naman. Mahina akong napatili ng bigla niya kong hinila paupo sa kandungan niya. Nanlalaki ang mga matang sinalubong ko siya ng tingin at akmang tatayo ng hinawakan niya ng mariin ang bewang ko.
I can feel my face heating up in our position.
Nahihiyang isiniksik ko ang mukha ko sa pagitan ng kaniyang leeg at balikat. I can heard Alexis' low chuckles.
"You can go now, Alexis. Just do what I said and bring us some coffee," malamig na utos nito sa lalaki.
I didn't heard Alexis said anything. Narinig ko ang yapag nito paalis then the door that opened and closed.
"Nahihiya ako," bulong ko.
"Hmm? Kanino?" marahang tanong ni Kazi habang humahaplos sa likuran ko.
"Kay Alexis! Nakita niya tayong nasa ganitong posisyon!" Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya ng deretso sa mga mata. "Ano na lang ang sasabihin niya?!"
Hinawakan ng binata ang pisnge ko. Maka-ilang beses niyang dinampian ng magaan na halik ang labi ko. Pumikit ako at ipina-ikot ang mga braso sa batok niya at saka pinalalim ang halik. His kisses taste so sweet. Kaya palagi kong inaasam, eh.
Nang malalagutan na ako ng hininga ay kusa akong lumayo.
"You shouldn't care what they think, dove, 'cause we're only showing our love with each other. Masama bang maging sweet sa isa't isa?"
"No naman . . . kaya lang I'm really shy," bulong ko at muling yumakap sa kanya.
"Don't be, dove. Be proud," mariin niyang bilin sa 'kin.
I rolled my eyes. As if madaling gawin 'yon. Gusto kong ipagdiinan sa kaniya yung differences namin kung bakit nakakahiya lahat but I keep my mouth shut na lang.
"Nga pala, naka-usap mo na ang Mommy mo?"
"Not yet. Why?"
"Akala ko kasi magpapaliwanag ka sa kanya about sa relationship natin. You know, tulad ng mga napapanood sa televenovela," ani ko.
Ngumisi si Kazi. "Dove, I don't need their approval for the woman I will cherish. I make my own choice. And I choose you. So you don't have to worry about them. Gustuhin ka man nila o hindi, wala akong pakialam."
"B-but . . .they are your family. Blood is—"
Nakangisi pa ring umiling si Kazi bago ako hinawakan sa pisnge. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin.
"Come on, just kiss me and don't mind them," utos nito.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro