Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Thirty-Eight

CHAPTER THIRTY-EIGHT

DAKILA'S P.O.V.

SUMILIP ako sa ibaba ng hagdan para makita kung sinong kausap nina Mama at Papa. Isang matangkad na lalaki, kasing tangkad ni Makisig. Nilingon ko si Bayani ng maramdaman ko ang pagtabi niya sa 'kin.

"Who's that?" tukoy ko sa lalaking hindi ko kilala.

"Malaya's fiancée. Nagpunta siya dito para kausapin sina Papa at Mama. Pinag-uusapan nila yung ibang ways para mahanap siya."

"As if they can," bulong ko sapat para marinig ni Bayani.

Hinarap niya ako sa kanya. Kunot noo at puno ng pagtataka.

"Anong ibig mong sabihin? Did you know where Malaya is?" mahina nitong tanong.

Kinabahan ako bigla. Nag-iwas ako ng tingin. Ibinalik ang tingin sa lalaki sa ibaba. Now, I can see my Dad tapping that man's back.

"What his name again? Unang beses ko siyang makita dito," pag-iiba ko ng topic.

"Jared yata. Iniiba mo usapan, ha."

Inirapan ko si Bayani. Tumayo ako at tiningnan siya ng deretso sa mga mata.

"As if I know kung nasaan siya, since umalis siya ng Santorini," pagkasabi ko no'n ay tumalikod ako para bumalik sa kwarto ko.

Bored na bored na ako dito sa bahay. Gusto kong bumalik sa bahay ni Malaya para doon ulit matulog at makipag-kwentuhan sa kaniya pero alam kong hindi pwede for her safety as well. Binagsak ko ang katawan ko sa kama at pagod na tumingin sa labas ng bintana.

Kung nakina Malaya siguro ako ngayon baka ginugulo ko siya o nagluluto. I want to stay with her closely.

Tss, then I remember the guy downstairs.

Siya pala ang dahilan kung bakit lumayas si Malaya. Kaya hindi ko siya gusto. Nakaranas ng hindi maganda ang kapatid ko dahil sa kasal nila. Mas mabuti pang nakababad sa tubig dagat ng Santorini si Malaya kaysa ganitong nagtitiis siya sa hirap.

Mama and Papa should stop talking to that man. Dapat na nilang itigil ang arrange marriage sa kapatid ko para pwede na ulit siyang bumalik. And suddenly a light bulb lighten in the top of my head.

I will talk to my father and tell him to stop the marriage, then I will go to Malaya to speak to her to come back because she will not be married anymore. She will be free. Iyon naman talaga ang dahilan ng pagtakas niya.

Naging mabilis ang paglipas ng gabi dahil sa pag-iisip ko ng mga plano. Madilim pa sa labas ng bumangon ako. Naligo agad ako at nilabas ang mga gamit na dadalhin ko. Huminga ako ng malalim until I'm ready.

Pinihit ko pabukas ang doorknob. Isinilip ko muna ang ulo ko sa paligid para tingnan kung may tao ba sa paligid, pero ng wala akong makita at agad akong tumayo ng deretso at marahang sinarado ang pinto.

I tiptoed pababa ng hagdan to ensure I will not make any sound.

And I'm happily jump when I'm outside. Inilabas ko ang susi ng kotse ko sa bulsa. Ganitong oras minsan wala yung guard sa gate dahil nag-aalmusal sila kaya malaya akong makakatakas.

Hindi ko binuhay ang makina kasi maririnig nila. Ang ginawa ko. Binuksan ko ang kotse, nilagay ko sa backseat ang dala kong bag at saka tinulak palabas ang sasakyan. The gate is electronic, may pinindot lang ako at bumukas na iyon. Panay ang lingon ko sa paligid habang nagtutulak kasi parang may nakatingin sa 'kin.

Kumunot ang noo ko bago umiling.

Nagiging paranoid na ako, shit.

Malayo na ako sa bahay ng sumakay ako sa kotse. Inayos ko muna ang rear view mirror bago ko binuhay ang makina. Ngumiti ako. Ready to see, Malaya!

********

MALAYA'S P.O.V.

NAGHIKAB ako habang palabas ng kwarto ko. Five thirty pa lang ng umaga at kaylangan ko pang mag-ready ng kakainin ko. Sandali akong pumasok sa loob ng banyo para isabit ang towel ko bago lumabas at tumayo sa may kusina.

Naglabas lang ako ng tatlong itlog at limang hotdog. Nagsaing ako ng tatlong gatang para hanggang mamayang lunch na.

Busy ako sa paghahanda ng pagkain ko ng bumukas ang pinto ng bahay. Sa pag-aakalang si Liza 'yon ay hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

"Oh, kumusta ang gabi mo, Liza? Gusto mo bang kumain?" tanong ko ng hindi siya nililingon. Gumilid ako para makapagtimpla ng kape.

Dalawang tasa na ang ginawa ko para sa 'ming dalawa. Nang matapos ay lumingon ako. Nabitawan ko ang hawak kong tasa ng kape ng makita ang pumasok.

Nanlaki ang mga mata ko.

"H-hi?"

Tinaas ni Bayani ang kanang kamay niya para mag-wave sa 'kin. Binitawan ko ang hawak kong tasa sa ibabaw ng mesa at namewang sa harapan niya.

Lumagpas sa balikat niya ang tingin ko. Naningkit ang aking mga mata ng makita si Dakila na nakangiwi.

"G-good morning!"

Halata ko ang kaba sa boses nito ng batiin niya ako. Galit akong nagpalit-palitan ng tingin sa kanilang dalawa.

"ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!" malakas kong tanong ng makabawi ako sa pagkabigla.

Hell! My other brother is here as well! Hindi 'to reunion!

Lumakad palapit sa 'kin si Dakila na kakamot-kamot sa batok. Kitang-kita sa gwapo nitong mukha ang pagkadisgusto rin sa mga nangyayari dahil sa talim ng tinging ipinupukol niya kay Bayani na ngayon ay inililibot ang tingin sa buong sala na para bang wala lang sa kaniya na nandito ako.

"Sorry! Hindi ko talaga sinasadya! Hindi ko alam na sinusundan na pala niya ako. Nalaman ko na lang ng nasa pinto na kami ng bahay mo. Promise. I didn't tell him where you are!" Nakataas ang kamay na sabi ni Dakila.

"Yeah, he is so stupid not to notice me following him. I like your place, ha, feels cozy but girly," Bayani agreed.

Bored siyang tumingin sa 'kin. "Your house is cozy but it looks so cheap. Ano yung pader? It's that a roof? And it smells awful. Ano ba 'yon? Tsss!" Malakas na tumawa si Bayani. "You leave our house-Santorini . . . for this God-forsaken life?! Look at this! You are mahirap here! How can you live?!"

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

"A-anong--?! Pwede ba!" malakas kong sigaw at lumakad palapit sa kanila. Hinawakan ko sila sa magkabilang braso. Hanggang ngayon ba naman ay iinisin nila akong dalaga?! Itinulak ko sila palabas sa bahay at humarang sa pintuan.

"Why pati ako?!"

"Because you lead him here! I told you na huwag ka ng bumalik, 'di ba?! Look at us right now kasama mo na si Bayani! Sinong susunod?! Si Makisig hanggang makarating na kina Mama at sa fiancé ko?!" bulyaw ko.

"Of course not!" they said in unison.

"Malaya, listen to me, kung gusto kitang isumbong, eh 'di sana noong una pa 'di ba?! But I didn't tell to any soul kung nasaan ka! Nasundan ako! Hindi ko 'yon ginusto!" laban ni Dakila.

"Oo nga. Saka ano naman kung malaman nila? Ayos nga 'yon para mai-uwi ka na! Hindi mo alam kung anong hirap ang pinagdaanan ni Mama no'ng umalis ka!" masungit na sabi ni Bayani.

Akma akong sasagot ng mapansin ang mga taong dumadaan na curious na nakatingin sa 'ming magkakapatid. Kaya kahit labag sa loob ko ay muli ko silang hinila papasok ng bahay. Malakas kong isinarado ang pinto't bintana.

Tinuro ko ang pahabang upuan na kanilang inupuan naman.

"Shut up, don't force her to go home! Ikaw ang may kasalanan nito, eh! If hindi mo ko sinundan, hindi mangyayari 'to!"

"And now, you're shouting at me! Kung sinabi mo sana agad na alam mo kung nasaan si Malaya, sana wala yung ganito!"

"This is your fault! I'm just helping my sister! She doesn't need to be married!"

"She needed to! Para sa kabutihan niya 'yon sabi ni Makisig!"

Mariin akong napapikit. Mas sumasakit yung ulo ko dahil sa bangayan nilang dalawa. Nang dumilat ako ay umiikot na ang paningin ko.

Nanghihina akong umupo sa isang upuan. Nakatingin sa kawalan.

Ano ng gagawin ko? My brothers knows kung nasaan ako. Kaunting panahon na lang at maaring malaman na rin nina Makisig at Mama't Papa kung nasaan ako. Itutuloy nila ang kasal at baka hindi na ako makatas ulit kapag hinuli nila ako.

Should I ask for Kazimir's help?

Ayokong magpakasal kung hindi lang din siya ang magiging asawa ko.

Hindi ko na namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Itinakip ko ang mga palad ko sa 'king mukha at mas lalong napahagulgol.

"P-please! Just s-shut your mouths and leave! A-ayokong bumalik! This is all wrong! Dapat ay hindi niyo ko hinanap o pinuntahan!!" malakas kong sigaw sa kanila pagkadilat ko.

Mukhang natigilan naman ang dalawa dahil natahimik sila.

Sinamaan ko sila ng tingin.

"Leave and never came back! I don't want you here! Leave me in peace!!" utos ko. Mabilis akong tumayo at dinalawang hakbang ang kwarto ko. Malakas kong ibinagsak ang pinto at muling humiga sa kama.

Fear is slowly devouring my whole being.

I cried so hard.

I don't want to go back. I don't want to be prisoner again. Ayoko ng maging malungkot ulit! I rather be mahirap then mayaman na nakakulong.

Lumipas ang oras na wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Nagulat na lang ako ng bumukas ang pinto. Nilingon ko ang pangahas na 'yon at nakita si Liza na nakasilip. When she saw my face, tinakbo niya ang pagitan namin.

Bumangon ako at niyakap siya.

"Shh! Anong nangyari?!" puno ng pag-aalala niyang tanong habang hinahagod ang likuran ko.

Napa-iyak na naman ako. Humigpit ang yakap ko sa kaniya.

"T-they will f-find me soon!" bulalas ko. I don't care if malaman pa niya ang totoo. All I want is malabas ito.

"Ha?! Sino? May humahabol ba sa 'yo?" Inilingan ko siya. "Eh, ano?! Magsalita ka!"

Inilayo ko ang katawan ko sa kaniya bago siya tinitigan sa mga mata. Her eyes are full of concerned. Pinilit niyang ngumiti habang pinupunasan ang pisnge ko.

"Magkwento ka. Anong ganap?"

"Magagalit ka sa 'kin," pabulong kong sabi. She frowned. "I-I lied . . . n-nagsinungaling ako na galing ako sa p-probinsiya."

"Oh, tapos?" parang wala lang na tanong nito. "Alam ko naman. Sa ganda mong 'yan, tapos kung magsalita ka ng english parang natural natural sa 'yo."

Umiling ako at dahan-dahang nagsalita.

"A-anak ako ng isang mayaman, Liza. My father is a businessman in Greece. The two boys outside are my brothers. They already found me, Liza! They will force me to get married to someone I didn't know! P-please, help me! I don't know what to do anymore!" pagsasabi ko ng totoo.

"Ha?! Teka muna sandali h-hindi ako makasabay!" ani Liza na nakataas ang kamay.

I sigh and look at her.

"My real name is Malaya Vasilios, Liza. I'm the only daughter of Sebastian Zeus Vasilios. I-I ran away because my father wants me to be in an arrange marriage. That's why I'm thankful to you na pinagawan mo ko ng pekeng mga dokumento para makatulong sa pagtatago ko."

Nagpapasalamat akong hindi ako pumiyok.

"Shit?!"

"Yes . . . that's the truth. And once they found me pipilitin nila ulit ako, Liza! They will force me again. P-please, help me! Nahanap na ako ng mga kapatid ko. Sooner or later Makisig and Papa will find me, too. H-help me. They can't find me, please," pagmakakaawa ko.

Naguguluhan man ay tinaguan niya ako.

"O-oo naman. Anong tulong baa ng k-kaylangan mo?" Tumayo si Liza at seryosong tumingin sa 'kin, "dapat sabihin mo sa boyfriend mo para mas matulungan ka niya." Naging hopeful ang tono ng boses ni Liza na para bang isang maganda ideya ang sinabi niya.

Nag-aalangan ako. "Paano kung hindi niya tanggapin? O kaya magalit siya?"

Mabilis umupo sa tabi ko si Liza. "Syempre magpapakilala ka, sasabihin mo sa kanyang hindi mo 'yon intention. Saka isipin mo, kapag ka sinabi mo sa kanya ang totoo pwedeng hindi ka na pilitin magpakasal ng mga magulang mo kasi meron ng boyfriend."

"Eh, paano kung iwan niya ako dahil do'n?"

Ayoong iwanan niya ako. Mahal ko na si Kazi kahit di ko pa aminin sa kanya 'yon. At kung iiwan niya ako ay di ko alam ang gagawin ko.

"Paano naman kung hindi?! Malaya, imagine, mayaman yung jowa mo at kaya ka niyang tulungan!"

Huminga ako ng malalim. Pinag-isipan kong mabuti ang sinabi ni Liza. Madami kasing pwedeng mangyari kapag nagsabi ako kay Kazi ng totoo. Everything will change after that.

Kinagat ko ang labi ko.

I sigh.

"Okay. Pag-iisipan ko," ani ko ng maging kalmado na ko.

Tinapik ni Liza ang likod ko at binigyan ako ng assuring smile. Unti-unti na rin tuloy akong napangiti.

"H-how come hindi ka galit sa 'kin?"

"Kasi may kanya-kanya naman tayong tinatagong sikreto, miski ako meron na 'di ko magawang sabihin sa 'yo o sa kita sinong tao sa paligid ko. Kaya naiintindihan kong naglihim ka sa 'kin. Medj masakit syempre kasi nag-secret ka pero nawala na 'yon no'ng sinabi mo. At least pinagkatiwalaan mo ko na ipinagpapasalamat ko," mahaba niyang paliwanag.

"Thank you," mahina kong sabi.

"Wala 'yon. Magkaybigan tayo, eh!" aniya bago tumayo. "Nga pala, nasa labas pa yung mga kapatid mo. Kung gusto mo silang kausapin, papapasukin ko sila."

Tipid akong tumango sa kaniya. Gumalaw si Liza papunta sa may pinto. Binuksan niya 'yon. Nakita ko sa labas sina Dakila and Bayani, they look sad while looking at me. I gestured them to go inside, kasabay ng paglabas ni Liza.

I tap the side of the bed para sabihing doon sila umupo. They did naman.

"I'm sorry for being a jerk," ani Bayani.

"Me too. Sorry 'di ako nag-ingat. Dapat nag-ingat ako," ani Dakila.

Tipid ko silang nginitian, "and I'm sorry, too, I'm just scared to be found by Makisig. You know him, he will drag me back home ayaw ko man o gusto. All I want is to be left alone, I just want to live a normal life. Okay na sana but they want me to be married sa taong hindi ko kilala. Kung sa inyo rin gawin iyon ay sigurado akong magagalit din kayo—" Natatawa akong umiling. "—actually, hindi nila gagawin sa inyo 'yon kasi lalaki kayo. You can chose someone na mahal niyo talaga, pero bakit pagdating sa 'kin, hindi pwede? Bakit kapag ako may restrictions na?"

I don't care kung puno ng hinanakit ang boses ko. I just want to end this with them right now.

"Is it because I'm a woman? You are all malaya, outside, while ako? Kinukulong niyo sa bahay! Kinukulong! Sa tingin niyo anong mararamdaman ko? That's why I left, Bayani. Sobrang too much na yung ipapakasal ako sa hindi ko naman kilala!"

Pareo silang napayuko. I think they can understand my point.

And somehow, gumaan ang pakiramdam ko. I feel like may nabawas na tinik na nakatusok sa dibdib ko.

Nang mataas sila muli ng tingin sa 'kin ay nangingintab ang mga mata nila dahil sa pinipigil na luha.

"S-sorry, we don't know gano'n na pala ang nararamdaman mo."

"Sana matagal mo ng sinabi, we can talk this as a family."

Gusto kong tumawa ng malakas dahil sa sinabi nila. Anong we can talk this as a family, eh, hindi nga nila ako pinapakinggan. Wala akong boses sa bahay na 'yon.

"If I do, may makikinig ba at magco-consider?" mahina kong tanong.

They both look at each other.

Like they already know the answer.


-----------------------

Bakit kasi ang unfaiiiir ng mga magulang kapag ka sa babaeng anak at lalaki na? 

Comment down below if you like this chapter mga anteh! Wag din kalimutang mag-vote! mwuaps!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro