Chapter Thirty
CHAPTER THIRTY
I WAKE up late than usual because of what happened last night. Hindi naman kasi tumigil doon ang mga magulang ko. Lalo na si Mom na walang tigil sa pagme-message at call sa 'kin para pilitin akong tulungan ang pinsan ko.
Sa tingin ko'y tinanggalan siya ng pera ni Dad kaya panay ang sipsip niya ngayon dito. Wala nang pam-party at panggala kasama ang kaniyang mga amiga. She's still a user until now. I scoff.
Hinubad ko ang suot kong boxers at nagpunta sa banyo para maligo. Pagkatapos ay lumabas akong nakatapis lang ng isang putting towel sa bewang. Pumasok ako sa walk in closet ko para kumuha ng isusuot ngayong araw.
Napangisi ako ng maalala ang pinapaki-usap sa 'kin ng mga magulang ko kagabi. They want me to help him. Funny. Wala pa akong ginagawa para pabagsakin ang paborito nilang pamangkin pero kusa na siyang bumabagsak ngayon.
After dressing, I went out of the room. Kinuha ko lamang ang ilang mga papeles na natapos ko kagabi bago ako lumabas ng bahay. The driver is waiting for me in front, bukas na ang pinto sa passenger seat. Pumasok ako sa loob at hinintay na makapasok ang driver sa kotse.
"Sir, deretso na ho ba tayo sa office niyo?" tanong nito sabay tingin sa 'kin mula sa rear-view mirror.
Suddenly, Malaya's smiling face pop up in my mind. Hindi ko napigilan ang pagsupil ng ngiti sa mga labi ko. She really did not end the call last night until my phone ran out of battery.
"Go to Malaya's place. We're going to pick her up," I said before looking out the window.
I can already imagine her shocked face when she saw me waiting outside.
****
NAKANGITI akong bumangon sa kama. My body feel so energized dahil kagabi. Kagat labi akong napatingin sa telepono kong wala ng battery na hindi ko na nagawang i-charge kagabi. Inabot ko ang charger at nag-charge habang hindi pa ko umaalis.
Lumabas ako ng kwarto at nagpunta ng kusina. Kumuha ako ng itlog at ham sa ref para makapagluto na ng agahan. Napalingon ako ng bumukas ang pinto. Pumasok doon ang pagod na si Liza.
"Oh, good morning!" masigla kong bati sa kanya. "Do you want coffee?" tanong ko pa.
Nagtatakang tumingin sa 'kin ang babae. Luminga pa siya sa paligid bago ibinalik ang tingin sa 'kin.
"Wow, maganda yata naging tulog mo kagabi," aniya at lumakad sa pabilog na mesa pagkababa ng bag sa kawayang upuan.
"Parang ganoon na nga." Inipit ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko bago tumalikod. Pinipigil kong ngumiti nang malawak para hindi ako mukhang teenager na naka-usap ang crush niya sa unang pagkakataon.
"Ay hala. Hala! Anong nangyari pagkaalis ko, ha?! Nag-SOC ba kayo ni Kazimir?!" eksheradang tanong ni Liza habang nakatingin sa 'kin.
Nakalabi at kunot ang noo akong tumingin dito. Nagtataas baba ang kilay niya na para bang kalokohan ang nasa isip.
"Anong S-SOC?"
"Sex on chat!"
Namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. Nabitawan ko pa ang lalagyan ng kape dahil do'n.
"Of course not! Ano ka ba naman, Liza! Nagka-usap lang kami at walang ganyan!!" nahihiya kong ani bago tinapos ang pagtitimpla ng kape. Lumakad ako palapit sa kanya at inabot yon. "Nagka-usap kami. Call lang hanggang mamatay ang tawag kaya ako masaya!"
Then, why sound defensive, Malaya?
Kasi nakakahiya! Like . . . we're not on that phase yet. Nakakahiya lalo na't—agad namula ang mukha ko.
"Wag nang defensive, bebe gurl! Alam mo nagawa ko na 'yan noon sa ex boyfriends ko. Minsan nga video call pa tapos—"
"Ahhhhhhh!!! Wala akong naririnig---waaahhhh-waaaaah-waaaah!!" Tinakpan ko pa ang dalawang tenga ko. Alam ko namang vocal sa sex life niya si Liza dahil iyon ang trabaho niya pero I can't pa rin!
Humalakhak naman ang bruha kaya tiningnan ko siya ng masama. Lumayo ako at lumapit sa kalan.
"Lukarit ka talaga kahit kailan. Ano bang gusto mong almusal?" pag-iiba ko ng topic.
"Hay. Kung ano na lang din yung sa 'yo. Hindi na kasi ako babangon mamaya para sa lunch. Matutulog na lang ako para masaya," aniya.
Tumango ako.
"Ang dami bang nangyari sa trabaho mo?" mahinahon kong tanong.
Nag-iwas ng tingin sa 'kin si Liza, "medyo. Pero more on sayaw lang ako ngayon kasi last time na nagpa-take out ako hindi naman nagbayad," anito saka pinilit na ngumiti.
"Magbibihis muna ako, gurl. Tawagin mo na lang ako kapag tapos na, ha?" aniya bago tumayo't umalis. Hindi na ko hinintay na makasagot.
Pinanood ko siyang pumasok sa kwarto niya bago ako nagbuntonghininga.
Siguro ay may nangyari na naman sa trabaho nito kaya ganoon ang hitsura niya ngayon. Naawa man ako at gustong tumulong, wala rin akong magawa kasi pareho kaming walang pera. Mamumulubi kami kapag nagkataon. Kung nasa dating estado pa siguro ako baka natulungan ko siya.
Someday matutulungan ko rin siya. I promised that.
Nag-focus na ko sa pagluluto at pagre-ready ng pampaligo ko. Nang matapos ako magluto ay kinatok ko na sa kwarto niya si Liza pero walang sumasagot. Mukhang nakatulog na yata. Ipinagtabi ko na lang siya ng ulam at kanin para kung magising siya mamaya ay makakain siya.
Nag-almusal akong mag-isa at naligo na pagkatapos magligpit. Habang nag-aayos ng sarili ko ay hindi ko maiwasang mapatingin sa salamin. Kumunot ang noo ko. There's something different with me today—in my face? I'm not sure, pero . . . parang talaga, eh.
Ipinagwalang bahala ko 'yon at lumabas na ng kwarto. Male-late na ko sa kabagalan ko. Madami pa namang gagawin sa office ngayon.
Tatlong beses akong kumatok sa kwarto ni Liza.
"Liza, aalis na ko, ha. Ingat ka," malumanay kong paalam bago lumabas ng bahay. Ni-sure kong naka-lock lahat ng windows before ko ni-lock ang pintuan. Habang naglalakad palabas ay naririnig ko ang mga kapitbahay namin.
"May magara nga raw na kotse diyan sa labas!"
"Aba! Sino na namang kapitbahay ang nakaahon sa hirap?! Dapat mapuntahan para makahingi ng grasya!"
"Ay, ewan! Basta kanina pa nakaparada sa harap yung sasakyan mukhang may inaantay! Kaya nga yung mga tambay diyan sa labas tuwang-tuwa!"
Kumunot ang noo ko.
Until now nacu-culture shock pa rin ako sa mga tao rito. Lalo na yung sa chismisan. Like magugulat na lang ako na pinag-uusapan na pala nila ako lalo na no'ng bagong dating ko lang dito. Gosh. I can still remember how Liza fight one of the marites. Pero now, kiber lang, bahala sila sa buhay nila.
Napatigil ako sa akmang pagtawag ng jeep ng makilala ang kotseng nahinto sa harapan ko. Then the window roll down. Umawang ang labi ko ng makilala ang lalaking nasa loob. Umangat ang isang gilid ng labi nito.
"KAZI?!" hindi makapaniwalang tawag ko.
Binukan nito ang pinto sa side niya at bumaba. Lumakad siya palapit sa 'kin at hinapit ako sa bewang para ikulong sa mahigpit niyang yakap.
"Good morning, dove," he greeted and kissed my forehead.
"M-morning," I stutter. Hindi makapaniwalang nandito siya sa harapan ko ngayon. "A-anong ginagawa mo dito?!"
Hinaplos ni Kazi ang pisnge ko at humalik sa tungki ng ilong ko. Walang pake sa mga matang matiim na nakatutok sa 'min animo mga nanunuod ng isang scene sa pelikula.
"Masama bang sunduin ka?"
"No, nagulat lang ako kasi you didn't call," ani ko at hinila na siya papunta sa kotse. Hindi na kasi ako komportable sa bawat tingin at naririnig kong bulungan.
Nakaalalay sa bewang ko si Kazi nang pumasok ako sa loob ng kotse. Sumunod ito at tuluyang inikot ang braso sa bewang ko nang pareho na kaming komportableng naka-upo sa loob.
"Let's go," he ordered the driver before softly looking at me. "I want to surprise you that's why I didn't call. I just tried my luck if you're still here."
Hinaplos ko ang pisnge niya bago inilapit ang mukha ko at kinantilan siya ng isang magaang halik sa labi. Nang maglayo ang mga labi namin ay nakita ko siyang nakapikit. And our eyes locked.
"Thank you sa pagsundo sa 'kin ngayon, Kazi," malambing kong pasasalamat bago yumakap ng mahigpit sa kanya. Napapikit ako ng maamoy ko ang panlalaking amoy nito. Ang bango-bango talaga niya.
"Welcome, dove . . . have you already eaten or do you want us to eat first?"
I opened my eyes to look outside the car window. "Hm, nakakain na ako bago umalis. Ikaw ba? If hindi ka pa kumakain we can stop by then ordered a food for you." Lumayo ako sa kanya at tiningnan siya.
Pinaglaruan nito ang dulo ng buhok ko.
"I haven't had my breakfast yet, but if hindi kita kasabay kumain, let's just go to the office and I'll have my coffee there, okay?"
Sinimangutan ko siya bago ako lumayo sa kanya. I crossed my arms and look serious.
"Kazi, almusal ang pinaka-importanteng meal sa isang araw dapat ay kumakain ka bago ka pumunta ng office. Dumaan muna tayo sa fast food tapos saka tayo dumeretso sa office, okie?" pakikipag-negosasyon ko bago tumingin sa driver nito. "Kuya, daan po muna tayo sa Jollibee para makapag-order."
"Sige ho, ma'am," anito at nagmani-obra ng sasakyan.
Naramdaman ko ang kamay ni Kazi na pumatong sa ibabaw ng hita ko. Inabot ko naman 'yon at pinagkrus ang mga daliri namin.
Sumandal ako sa likod ng upuan at tiningnan si Kazi. Busy na ito sa pagtingin sa phone niya kaya hindi niya nakikitang nakatitig ako sa mukha nito.
Napanguso ako ng mapansing nangingitim ang ilalim ng mga mata nito. Mukhang 'di yata siya nakatulog ng maayos kagabi? Pati yung balbas niya pero tumutubo na rin. But instead na makapangit mas lalo lamang nakakadagdag sa appeal niya.
I looked down to our intertwined fingers. Napangiti ako. Nagmumukhang kikiam ang mga kamay ko tuwing katabi ang palad ni Kazi. Ang laki-laki naman kasi nito.
Isang idea ang pumasok sa isip ko.
Sinilip ko muna mula sa gilid ng mga mata ko kung nakatingin ba si Kazi at nang safe naman ay pasimple kong kinuha ang phone ko. Ni-open ko ang camera at kinunan ng larawan ang magkahawak naming kamay. Ewan ko ba pero mas lalo lamang kumabog ng malakas ang puso ko nang humigpit ang hawak ni Kazi at ipinakita pa nito ang kamay niya.
Nag-angat ako ng mukha at natigil ng makitang nakitang nakatingin na pala siya sa 'kin. His eyes are full of tenderness.
"Ahm . . ."
Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin kaya napigil ko ang hininga ko. I can already smell his minty breathe, hindi ko na nga namalayang nakuha na pala niya ang phone ko sa akin. Nagising na lamang ako nang makarinig ng 'click'.
Maraming beses akong kumurap at tumingin sa pinanggalingan no'n ng ipatong ni Kazi ang baba niya sa balikat ko saktong tumama ang paningin ko sa screen ng phone.
Unti-unti akong napangiti ng makita ang ayos naming dalawa ni Kazi. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko nang ma-realize ko ang ginagawa niya.
If I can only freeze the time para ganito kami palagi.
"Smile, dove," Kazi whispered.
I smile like what he ordered me to and then he click the button. I make another pose na kinangiti ni Kazi. Hanggang sa namalayan na lang naming pareho na kaming gumagawa ng mga wacky poses na pareho naming tinatawanan habang nagtitingin ng mga nakuhanan nitong larawan.
This is the first time I see him . . . somehow . . . carefree like he's really happy. Pinisil ko ang kamay niya.
*******
"DO you want me to bring you coffee?"
Tumingin ako sa ibinabang almusal ni Kazi. He's about to finish it all na dahil kanina sa kotse ay pinakain ko na siya.
"No, I can already handle it, dove. Can you please, confirm the meeting with Mr Anderson? After that, call the HR Head to come here," anito.
"Okay." Lumabas ako ng office at lumapit sa table ko. I dialed Mr Anderson's secretary's number. "Oh, hi! I'm Malaya from Vasiliev Group of Companies. We just want to confirm the meeting with Mr. Anderson at eleven o'clock in Glories Restaurant today."
"Hi! I'm Jessie, yes, we'll push through the meeting."
"Okay. Thank you!" I ended the call and pushed the intercom. "Sir, Mr. Anderson's secretary confirm the meeting today. I will call the HR to go up here."
"Okay, thanks."
Pagkatapos no'n ay tinawagan ko na ang HR Head para papuntahin sa office ni Kazi. Habang naghihintay ng bagong utos, nag-ayos muna ako ng calendar. I will thank Alexis later sa pagsalo niya sa trabaho ko noong nagbakasyon kami dahil wala na ako halos gagawin!
Like, life saver ka talaga, Alexis!
The elevator opened kaya napatingin ako doon, lumabas doon ang HR Head. Nakangiti ko siyang sinalubong.
"Huy, galit ba?" tanong ni Michelle.
Umiling ako. "Hindi naman, baka may itatanong lang sa 'yo." Pagpapagaan ko sa loob niya. Pano ba naman kasi takot ang mga 'tong mapagalitan ni Kazi. Kung ako man, eh, sila pa kaya.
Nakahinga ng bahagya si Michelle. Huminto kami sa may pinto. Tiningnan ko siya.
"Ready na?" tanong ko. Tumango siya at kumatok ako ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. "Sir, Ms Coneta is here." Hanggang pumasok na ito. Nag-thumbs up ako sa kanya at ngumiti bago sinarado ang pinto.
And our day continue like that. Umalis kami ni Kazi before mag-eleven para hindi ma-late sa meeting, then we ate our lunch there, and in the afternoon we had a board meeting to attend and there's a last meeting na hindi na ako sinama ni Kazi dahil masyado nang late.
"Sure ka bang kaya mo na, Kazi? I can go with you. Maaga pa naman," tukoy ko sa meeting niya ngayon.
Malapit lang din naman sa 'min 'yon kaya hindi ako mahihirapang maka-uwi.
"Dove, it's okay, besides this is my friend. Kahit wala nang secretary na kasama ay okay lang. Hmm . . . basta, call me when you got home safe. Hindi kita mapahatid sa driver ko dahil naipit sa traffic," aniya.
Napanguso ako.
"Sure ka? nakakahiya naman—"
Naputol ang sasabihin ko ng biglang ilapat ni Kazi ang labi niya sa 'kin. Natigil ako sa pagsasalita at gumanti sa mga halik niya. Nang malalagutan na kami ng hininga ay saka pa lang siya lumayo sa 'kin.
"I know you're tired, dove. Get some rest already and I'll call you kapag nasa bahay na ako. Let's do video call this, alright?" he's comforting me using that. Hmp.
"Fine. Be careful."
"I will."
Inalalayan niya ko pasakay sa tinawag nitong Uber kanina. He kissed my lips one last time before ako pumasok sa loob. Kazimir pushed the door closed. Ngumiti ako at nag-wave sa kanya. I mouthed 'take care' to him bago kami tuluyang nakalayo.
Hanggang sa malayo na kami ay nasa labas pa rin ng sasakyan ang tingin ko. Ang mga sasakyang nalalampasan namin. Marami pa namang taong papauwing naglalakad o papunta sa sakayan dahil maaga pa nga.
Dati, hindi ko alam kung gaano kahirap ang mga ginagawa nila. Now, I understand why they look so tired. Tapos byahe pa.
Naalis doon ang tingin ko ng mag-vibrate ang phone ko. I frowned when I saw Liza's name on the caller. Mabilis ko itong sinagot.
"Hey!"
"Hi, sorry sa istorbo pero pauwi ka na ba? Pwede mo ba akong ibili ng gamot sa pharmacy? Medyo masakit kasi ang katawan ko tapos puson kaya hindi ako makapasok sa work. Paki-bili naman ako ng pain reliever tapos ng hot compress. Bayaran ko na lang sa 'yo pag-uwi mo?" medyo mahinan nitong paki-usap.
Hay. Akala ko naman kung ano na.
"Okay, sige. Mag-ingat ka diyan, malapit na rin naman ako," ani ko saka binaba ang tawag. Tumingin ako sa driver na nakatingin din pala sa 'kin. Tipid ko siyang nginitian.
"Manong, pakibaba na lang po ako diyan sa tabi." Turo ko sa tapat ng pharmacy malapit sa 'min.
Nagtatakang tumingin sa 'kin ang driver, "eh, ma'am, bilin ko nang nagbayad sa 'kin iuwi ko raw ho kayo ng ligtas. Mukhang 'di pa naman ho dito yung bahay niyo."
Kumibot naman ang puso ko sa thoughtfulness ni Kazi.
"Nako, manong, okay lang po. Malapit na sa 'min 'to at may bibilhin pa po kasi ako."
"Osige, pero sagot mo ko sa boyfriend mo, ha. Ayokong malintikan," anito sa tonong kinakabahan.
Nakangit akong tumango at bumaba. Tumalikod na ko at naglakad papasok sa loob ng pharmacy. Kumuha ako ng heat compress at naglakad papunta sa may counter kung saan ka makakabili ng mga gamot.
I was busy talking with the pharmacist, asking kung anong gamot ang effective na over-the-counter for pain, when I heard a familiar voice.
Nanigas ang buong katawan ko't nanlaki ang mga mata.
"Adelfí."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro