Chapter Six
CHAPTER SIX
PARANG may nagbarang kung ano sa lalamunan ko dahil sa sinabi nito. Tinabol ng malakas ang dibdib ko. I'm not naïve, alam ko ang prostitution. And what does she mean na ipapasok din ako?!
Nanlalaki ang mga matang lumingon ako kay Liza na may bahid ng inis sa mukha. Lumingon siya sa 'kin at apologetically na ngumiti. Pinagpapawisan ako ng malamig. Kaya ba kami nandito dahil do'n? Ipapasok niya ako—
"Siraulo ka! Hindi ano! Sa gandang 'yan, hindi lang prostitute 'yan! Saka, legal na trabaho ang ipapahanap ko sa 'yo para sa kanya, hindi ganoong uri. Ano 'yon nasa impiyerno na ako tapos manghihila pa ako pababa ng iba? Edi mas humaba ang sintensya ko do'n!" ani Liza saka lumapit sa 'kin.
Hinawakan niya ako sa magkabilang braso saka hinarap sa kanya. I can see sa eyes niya na medyo natatakot din siya pero nandoon ang gentleness and truth sa mga sinabi niya kanina.
"Hindi kita ipapasok sa prosti, Malaya. Hindi. Kung gano'n lang din pala, sana hindi na kita pinagawan ng certificate, 'di ba?" mahina niyang tanong.
Nagbukas-sara ang bibig ko pero wala namang salitang lumabas don. Hanggang sa maintindihan ko na ang sinabi ni Liza sa 'kin. Nilunok ko ang kung anong nakabara sa lalamunan ko at tinitigan siya sa mata.
She is right. Kung ipapasok nga naman niya ako sa ganoong trabaho sana noong unang kita pa lang namin. But she didn't.
"I-I trust you . . ."
Ngumiti siya at pinisil ang braso ko. Tipid akong ngumiti. Sabay kaming tumingin sa chubby girl na kausap nito kanina.
"Ay sorry! Akala ko kasi recruit mo, knows mo naman, 'di ba, noon mahilig ka sa gano'n."
"Noon 'yon! Ngayon wala na," ani Liza saka umupo sa white couch. Umupo rin ako sa tabi nito.
"Oh, eh bakit kayo nandito ngayon? Wala akong mapapa-utang sa 'yo," ani ng babae at umupo sa gaming chair nito paharap sa computer. Napaharap ako sa isang monitor nito na nasa pader, it's connected with CCTV pala outside. You can see how much tao ang meron do'n.
"Oo na. Nga pala, Rose, si Malaya 'to. Malaya, si Rose friend ko 'yan. Makakatulong 'yan sa 'tin para sa paghahanap mo ng trabaho," pagpapakilala sa 'min ni Liza.
Bumaba ang tingin ko sa babae. Nakatingin siya sa 'kin. Kumindat pa bago ngumiti. Napangiti rin ako.
"Naks, ganda ng name. Malaya. Freedom in English. Sanaol malaya," hirit nito bago kami tuluyang hinarap. "Ano ba kasing work 'yong gusto niyo? Wala akong opening dito."
From my peripheral vision I saw Liza roll her eyes.
"Tanga! Papagawa lang kami sa 'yo ng google account netong si Malaya para may email na siya tapos gawan mo rin siya ng resume tapos maga-apply siya sa—" Napalingon sa 'kin ang babae. "Anong trabaho ang gusto mo?"
Maraming beses akong kumurap. Is she asking for my opinion? I'm going to choose for myself?
Tinaasan ako ng kilay ni Liza at ilang beses na pumitik sa harapan ko. Saka lang ako bumalik sa reality.
"Ahm . . . ina-ask mo ako ng gusto kong work?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Naguguluhan itong tumango. "Oo. Ikaw kaya magtratrabaho kaya dapat gusto mo, noh!"
Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko. This is the first time, too. I thought she's going to pick for me kasi . . . huminga ako ng malalim saka ngumuso at unti-unting ngumiti.
"I want to work into corporate world. Mayroon naman akong kaunting background about do'n. I'm sure hindi ako mahihirapan."
"Okay. Sandali lang, ginagawa ko na ang email ng alaga mo. Tapos may dumaang hiring kanina sa 'ki. Corporate job tulad ng hanap niya. Baka doon makapasa siya."
Rose looks so busy while typing at the keyboard. Tutok na tutok din ang mga mata niya sa monitor ng laptop. Maybe kaya malabo ang salamin niya dahil na rin sa palaging pagtitig sa computer or gadgets.
Kapag nagtatanong si Rose ay sinasagot ko ng mabilis dahil ginagawa na niya ang resume ko. Kaylangan maganda ang laman nito dahil malaking company daw yung pagpapasahan niya at strict ang mga tao do'n. Naka-upo lamang kami doon. Liza is busy at her phone, too kaya wala akong maka-usap talaga.
But at least she stayed.
After a few more hours ay nakapagsumite na ng mga resume ko si Rose. Pinakita niya sa 'min ang companies na napili niya kaya naman nasa likuran niya kami para tingnan 'yon.
"Sure ka bang lahat 'yan legal saka safe?" mapanuring tanong ni Liza.
"Tss, oo naman. Ako pa ba?"
Nakita ko ang mahinang paghampas ni Liza sa braso ni Rose na ikinalaki ng mga mata ko. One thing I notice about people here they are kinda violent. I mean . . . I can saw in a broad daylight na nag-aaway sa labas ng bahay.
"Aray! Grabe ka naman sa 'kin, teh! BPO tapos ibang callcenter agency ang pinag-apply-an ko sa kanya. Yung iba naman---ohhh! Ayan na pala!"
******
"AYAN ang tinutukoy na company ni Rose." Turo ni Liza sa isang mataas na building sa harapan namin. Itinakip ko ang hands ko sa itaas ng kilay ko para takpan ang nakakasilaw na sinag ng araw para makita ng maayos ang tinuturo nito.
My lips parted when I saw the name's building. Vasiliev Group of Companies. I think I heard this one before.
Hinila ako ni Liza patawid ng kalsada para makapunta sa building. Binitawan na rin ako ni Liza ng makatawid kami. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ngumiti.
"Ayan! Perfect na perfect, gurl! Galingan mo sa interview, ha! Dito lang me mag-wait sa labas kasi bawal sa loob!" ani Liza.
I looked myself sa reflection ko sa glass door. I'm wearing a corporate attire already. The skirt is hanggang gitna ng hita ko, and my blazer are black as well as my skirt. My polo is white and I'm wearing a shoes na hiniram pa ni Liza just to match my attire today.
After we send my resume kasi kagabi in a lot of companies who's hiring, ang pinakamabilis na nag-response ay ang VCG. I'm applying as a secretary of the CEO.
"Are you sure? Baka mainip ka, you can wait naman—"
"Shala, don't inglish-inglish me! My ano—nose is bleeding already. Okay lang naman na dito lang ako sa tabi-tabi. Malay mo maka-booking pa," pilya niyang sagot.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango. Pinisil ko ang kamay nito bago naglakad papunta sa entrance, before ako pumasok ay lumingon ako sa kanya. She's smiling sa 'kin hanggang ears while fisting her hands na parang sinasabing 'go lang' or 'fighting'.
Humarap ako at pumasok sa loob. I'm amaze sa ganda ng reception ng company. Its high-tech and well, everyone looks presentable. From the guards to the receptionist.
"Hi, good morning. I'm here for the interview in secretarial position," I said to the girl. She smiled at me.
"Good morning, ma'am. Go straight to the white elevator, it will bring you to the HR and they will be the one who will interview you. It's on thirteenth floor."
My mouth 'o' when I heard the floor but I didn't give a violent reaction. I just nod and smile before I walk towards the elevator. Sumakay ako sa loob and pinindot ang thirteenth floor.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita kung gaano kadami ang aplikante for secretarial position. Ang haba ng pila from the door ng HR to the elevator door. The girl in the last line looks at me with her eyebrow raising.
"Doon ang pinakadulo!" She pointed the another line. Mahaba rin ng tingnan ko. Napalunok ako. I should go here early. Hindi ko naman alam na ganito kadamia ng aplikante. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa last line. Nagtataka ako because everyone here is looking at me like I'm a prey.
Umupo ako at tumingin sa harapan ng straight. Pasimple akong tumingin sa mga kasabayan ko, and all of them are pretty. Para silang mga models and actress, and some of them does not have a folder na dala. Why? May pinagbigyan na ba sila?
And why they are not wearing a formal attire?
Napatingin tuloy ako sa sarili ko. Am I overrated? Masyado ba? But . . . this is what applicants wear when they apply in our—in the company.
I sigh. Maybe hindi tama ang suot ko . . . ang tagal ko ba namang walang idea sa nagaganap sa company, eh. Hindi bale, good impression na lang din naman.
Time flies so fast, I didn't notice na ako na pala ang susunod na sasalang sa interview. Yung iba naman kasi is mabilisan lang talaga. I don't know what happened to them. I'm thankful pa nga na mababawasan ang ka-kompitensiya ko kahit papaano.
"Malaya Valero."
Tinaas ko ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan ko. I saw a women standing in the doorway, frowning at me. Mabilis akong tumayo saka naglakad palapit sa kanya. Matamis akong ngumiti. Inirapan ako ng babae.
"Pasok na!" asik nito.
Lihim akong napanguso. Ang sungit naman. Tulad ng nais niya, pumasok ako sa loob. I saw a single chair in front of a table kaya doon ako lumakad paupo. May naka-upo namang lalaki doon. He looks so serious with his thick eyeglasses.
"Good afternoon, Sir," I said in all smile.
He just nod before lending me his hands. My mind unconsciously give my curriculum vitae. My heart beats loudly when he opened my documents. I hope he don't notice that it's all fake, the paper but not what academic program I finished.
You know it's a falsification of documents. When they know that I'm giving them fake information, they can put me in jail.
"Hmm . . ."
My palms are getting wet. I can feel the stare of the lady in the side. I didn't look, instead, I composed myself.
"Hmm . . . Miss Vallero, tell me about yourself."
Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamuna ko bago siya kumpiyansang sagutin.
"I'm Malaya Jane Vallero, twenty-five years old. I graduated at University of the Philippines as cum laude in Bachelor of Science in Business Administration."
"You graduated cum laude, what are you doing here? No offense, Miss Vallero, but you seems smart, but your applying in a secretarial position. Don't you think it's more likely for you to find some high paying job with the course you graduated?"
I don't like the way he says secretarial position. Bakit, masyado bang mababa sa kanila ang ganoong pwesto?
"Sir, Vasiliev Group of Companies is a known company in the Philippines. Not just Philippines but around the world. And being secretary of a knowledgably leader will be a great experience and pleasure to me. No offense, but the CEO of this company is smart, talented and well smart again." Pilit akong ngumiti dahil wala na akong maidagdag sa sasabihin ko. Hindi mo pa naman kasi nakikita. "My stay here will be a great experience for someone like me who need more knowledge about the business world. It doesn't mean that I'm a cum laude I'm already smart enough to know how this world works. I still need a role model for me to become a better leader myself. That's why I apply here, as a secretary of Sir Vasiliev, I can learn a lot from him."
Ngumiti ang lalaki sa 'kin. I take that as a good hint.
"Hm . . . okay. If we will give you a chance to take the position what can you do for this company?" Sumandal ito sa upuan habang nakadikit ang dalawang kamay na para bang naghihintay ng isasagot ko.
"If you hired me, I can assure you, Sir, I will do my best to help to make this company on top. I will give my best to become a better secretary. Help everyone if needed. I will protect the company's name and of course our CEO," proud kong sagot.
Tumango-tango ang lalaki saka tumayo na ikinataka ko. Kunot noo rin akong napatayo. Laking gulat ko ng maglahad siya ng kamay sa harapan ko. Malaki itong ngumiti sa 'kin.
"Congratulations, Miss Vallero. You can start tomorrow," aniya.
Namilog ang mga mata ko. Umawang pa ang labi ko. Hindi ba ako niloloko ng pandinig ko. I am hired? That fast!
"Ahm . . . sir?"
"Haha, Miss Vallero, I said you are hired. You can start tomorrow," pag-uulit ng lalaki na para bang natutuwa sa inasal ko.
"Agad-agad?" hindi ko maiwasang masabi.
Natawa sa 'kin ang lalaki bago tumango. "Yes, Miss Vallero. Sa lahat ng in-interview ko ikaw lang ang may matinong sagot. Karamihan sa kanila gusto lang magtrabaho dito para mapalapit kay President for personal relationship. Mas mabuti ng ikaw, kesa yung iba na alam kong magiging sakit ng ulo pagdating ng araw."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Mabilis kong tinanggap ang kamay nito at nakipag-shake hands. Lahat ng agam-agam ko ay nawala dahil do'n. Para akong isang batang nakatanggap ng regalo sa kanyang mga magulang ng lumabas ako ng opisina. Hindi matanggal ang ngiting nasa labi ko. Naka-dikit na yata siya.
Nang bumaba ako ng building ay naabutan ko si Liza na kumakain ng kung ano sa gilid. There's a white ball, orange ball and brown breadsticks looks a like in her cup. Mabilis itong lumakad palapit sa 'kin ng makita ako. Nagtatanong ang mga mata niya.
"Ano, girl, pasado ba? Mala-Miss Universe ba ang sagutan natin sa loob?" sunod-sunod niyang tanong.
Kagat labi akong humawak sa kamay niya at matamis na ngumiti sa kanya. Her eyes widened with a quick realization.
"CONGRATS GURLLLL!!!!!" She hugged me tight. Gumanti ako ng yakap sa kanya. Kung hindi niya siguro ako tinulungan ay baka kung saan na ako napunta. Inilayo niya ako sa kanya.
"Thank you, Liza. Thank you for helping me na makahanap ng trabaho."
Nginitian niya ako. "Walang anuman, gurl! Masaya ako para sa 'yo!" Kinuha niya ang kamay ko. "Dahil nakapasa ka sa iyong work, dzai, magsa-sam-g tayo!!!" Excited niya akong hinila paalis ng lugar na 'yon.
Kumunot ang noo ko. "Ano 'yong sam-g?" Nagtatakang tanong ko. Napalingon sa 'kin ang babae, her eye rolls on me. It's my first time hearing that. Is that a famous restaurant? Or a food?
"Sam-g! Samgyeopsal! Korean barbeque 'yon. Masarap. Nakakakain lang ako no'n kapag nakaka-ll o kaya naman may celeb."
"Ahhh . . . okay! Tara, sam-g tayo!" excited ko na ring yaya.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Sobrang galak ang nararamdaman ko dahil hindi ko akalaing sa unang beses kong maga-apply ay matatanggap agad ako. Kinabahan pa ako na baka malaman nilang peke ang papeles na dala ko pero mabuti ay hindi. Makakapagtrabaho na ako. Makakabawi na ako sa tulong ni Liza at higit sa lahat ay may mapapatunayan na ako sa sarili ko.
I will prove them that I can work, too. Not just a trophy wife for someone.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro