Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nineteen


CHAPTER NINETEEN

THE reception of the party is so extravagant. Everything inside shouts class and money. I bit my lips when I looked around. All the people here are rich and powerful. Halatang-halata sa tindig, kilos at pananamit nila. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil ito ang unang beses na makikipag-interact ako sa kanila.

Paano kung magtanong sila tungkol sa kompanya at hindi ko masagot?

Or maybe think if your brother is here or someone know your family is here and tell them that you're hiding in the Philippines! You shouldn't go here, Malaya! You know that! Sigaw ng isang bahagi ng utak ko.

Wala na rin naman kasi akong magagawa kundi ang pumayag. Mag-iingat na lang ako para hindi nila ako makilala kung meron man. Sigurado namang hindi ko makaka-usap ang lahat ng tao sa kwartong ito dahil sa dami nila.

Napalingon ako sa tabi ko ng maramdaman ang pagpalupot ng isang matigas na braso sa bewang ko kasabay ng pag-angat sa hangin ng pabango niyang panlalaki. Kahit na may telang naghihiwalay sa mga balat namin ay ramdam na ramdam ko ang mainit niyang palad. Nakatingin lang sa karamihan ng tao si Kazimir—I decided to call him that at hindi na Mister kapag ako lang mag-isa.

"Are you hungry, dove?" he asked.

I shook my head and looked away. "No, Sir. Nangangawit lang po."

Mukha naiintindihan naman niya ako dahil simula kaninang dumating kami ay nakatayo lang kami dahil may kinaka-usap siyang mga tao. Hinila niya ko palapit sa lamesang wala pang naka-upo. He only release my waist when he pull a seat for me, but when he sat down his hands made their way in my thigh.

If other man do it I will surely shout for help because I'm not comfortable, but with him. Okay lang. Masarap pa nga minsan sa pakiramdam na magkadikit kami, hindi lang ako sanay dahil siya ang unang nagparamdam sa 'kin ng ganito.

Nang may dumaang waiter ay kumuha ng dalawang champagne ang lalaki. Inabot niya sa 'kin ang isa na magalang ko namang inabot. Inilapit ko ang baso sa bibig ko't uminom. It's been a while since I drink.

I can still remember my first time drinking alcohol. I became a mess that night. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"A penny of your thoughts."

Nilingon si Kazimir. "Ahm . . ." He smiled.

"What are you thinking?" he asked in light tone while drawing shapes in my thigh. Paano naman makakapag-concentrate nito?

"I'm t-thinking about . . . w-what happened . . ." I almost moaned loudly when his hands move closer to my private area. Mabilis akong dumilat para tingnan ang paligid. People have no idea what we are doing here.

That's because there's a long table cloth hiding his hands. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at nagmamakaawang tumingin kay Kazimir. Matamis niya akong nginitian bago humalik sa pisnge ko't bumulong.

"Let's dance," he said.

His hands moved to my waist and pulled me up to the dance floor. A sweet song aired and it's starting to get crowded. His hands are both in my waist while mine is in his shoulder. Our bodies are too close that even air cannot pass.

We started to sway our body.

Nag-angat ako ng tingin para lang salubungin ang abong mata ni Kazimir. Ilang beses akong napalunok dahil may kakaiba sa mga mata niya. There's softness in his eyes.

"You are so beautiful."

"And you're such a sweet talker."

He smile, "I'm just saying the truth, my lady." Inipit niya ang buhok sa likuran ng tenga ko. "You are so beautiful that sometimes I'm scared to blink, baka sa muling pagdilat ko wala ka na."

Malungkot akong ngumiti, napakaganda ng mga sinasabi niya pero . . . alam kong darating ang panahong kakaylanganin kong umalis at magtago para hindi makita ng pamilya ko. Pero pwede ko namang i-cherish ang pagkakataong ito hanggang sa huli.

"B-bakit ka ganyan magsalita? Nalilito na ko, Mr. Vasiliev. Pinapakitaan mo ko ng kakaibang mga bagay," naguguluhan kong tanong.

He bit his lips to stop himself from smiling, "woman, I didn't know na manhid ka pala," mahina niyang sabi bago ako inikot. We're already in the middle of the dance floor. Napapagitnaan ng mga taong nagsasyaw din.

"Why me?"

"Why not you? You're beautiful, smart and hardworking. I like you very much, Malaya. So much. I hope you feel the same but if it doesn't, it's okay because I can work hard, so you can like me," seryosong-seryoso siya sa sinasabi niya.

"B-but it's against to the company rules. And I-I'm your employee."

Kumunot ang noo niya. "Nothing's wrong with that, Malaya. I'm single, unless you're not."

"I'm single, too, but it's something lang kasi you're my boss and you like me. Nagu-umpisa pa lang naman ako sa pagtratrabaho sa 'yo—iisipin nilang nilalandi kita. Sasabihin nilang kaya ako nakapasok dahil nilandi kita." Mapait akong nag-iwas ng tingin, "ngayon nga sa tingin nila kaya ko nakuha ang trabaho ko."

Dumilim ang mukha niya. "Who said that? I'm going to fire them—"

"That is not necessary, Mr. Vasiliev—"

"Call me by my name," he stopped me.

I stopped then shake my head, "Kazimir, you don't have to fire them. I'm just saying na we can't because we just can't."

No office romance for me. Bawal 'yon.

"We can. Like what I said we're both single. Unless you're not."

Counted ba sa status ang arrange marriage? Tumaas ang kilay ni Kazimir habang naghihintay ng sagot ko. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala."

Ngumiti si Kazimir kasabay ng paghinto namin. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. I can smell his mint breathe.

"Then it's settled. I will court you, Malaya. Because I like you. So much. Don't ever doubt my feelings for you," he whispered then kiss my forehead.

Napapikit ako't dinama ang mainit niyang labi. Nang huminto ang tugtog ay umingay naman ang palakpakan ng mga tao. Dumilat ako at lumayo kay Kazimir. Nakadikit sa 'kin ang mga mata niya at hindi yata maalis na.

Bago pa man kami maka-upo ay may mga kalalakihan nang sumalubong sa 'min. Nakipag-shake hands ako sa kanila.

"Who's this beautiful lady, Vasiliev? Wife?" tanong ng matandang lalake.

Nag-init ang pisnge ko sa sinabi niya saka napayuko. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Mukha ba akong may asawa na?

Mahinang tumawa si Mr. Vasiliev at inilagay ang kamay niya sa likod ko. Like claiming me.

"Not yet, Mr. Sandoval. I'm still courting her."

"Ohhh. I understand. Ngayon ko lang nalaman na marunong ka palang manligaw. I still remember what people said about to you, you're a player."

Hmp. Halata naman sa kanyang maraming babaeng naghahabol sa lalake, nakita ko 'yon sa mismong office pa gumawa ng kababalaghan.

"Don't say that in front of her. Baka maniwala 'yan," ani pa ng isang lalake.

Nagtawanan pa ang ibang lalake dahil sa sinabi ng isang lalake. Tapos napunta ang usapan nila sa business kaya naman nagpaalam muna akong pupunta sa buffet table.

"Want me to join you?" pabulong niyang tanong.

Umiling ako at saka humawak sa braso niya para alisin 'yon sa bewang ko. "Hindi na, just talk to them."

I didn't wait him to respond. Mabilis akong tumalikod sa kanila papunta sa buffet table. Maraming mga pagkaing nakahain sa lamesa, galing sa iba't ibang bahagi ng bansa, but my eyes are glued with chocolate fountain and marshmallows.

Kumuha ako ng malaking plato before lumapit sa marshmallows. I put a right amount lang for me and nag-take na ng chocolate. After that pastries naman ang napagdiskitihan ako. My plate is almost full ng matapos akong kumuha. I look around to find a vacant place when I heard someone talk behind me.

"Need a hand with that?"

There's a blue eyed man with a blonde hair smiling at me nang lumingon ako, the he proceeds to walk in front of me.

"I can handle, thanks," tipid kong sagot. Inabot niya sa 'kin ang kamay niya na tiningnan ko lang dahil hindi ko naman kayang makipag-shake hands ng may hawak.

"The names, Donald Ballesario. What's your—Oh!" binaba niya ang kanyang kamay ng makitang hindi ko 'yon matatanggap.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Malaya." Nagtungo ako papunta sa pinakamalapit na lamesa sa 'kin. Nakasunod si Donald na hindi ko alam kung bakit.

"What company you belong? I work in IT department," he added.

"That's nice." Hinila ko ang upuan saka ako umupo. Pagkatapos ay nag-umpisa akong kainin ang cookies but the man sits right next to me which makes me uncomfortable dahil sobrang lapit niya.

Binitawan ko ang hawak ko saka pilit ang ngiting lumingon sa kanya. I don't want to be rude, so I'm thinking kung paano ko siya mapapaalis sa tabi ko.

"Sir, wala ka po bang kaylangang gawin?" tanong ko na mabilis niyang inilingan.

"Wala, Malaya. Can I call you Malaya? Ang ganda mo. Anong ginagamit mong sabon?" tanong niya at akma akong hahawakan ng umatras ako. Namilog ang mata ng lalake.

"Don't be scared with me. Sa gwapo kong 'to kakatakuhan mo? Hahahaha." Inabot niya ang isang kamay ko at akmang hahalikan sa likod ng mabawi ko agad.

"Ikaw ha! Masyado kang pa-dalagang Pilipina pero okay 'yan. Gusto ko 'yang ganyan. Okay magpakipot ka muna and I'll go with it, hahaha."

Ang sakit sa tenga ng tawa niya. Pwede ko kayang isubo sa bibig niya ang isang malaking cupcake para matigil na siya sa pagsasalita? Para kasing may something off with him.

"Ahh—" before I could even said a word ay nauna na siyang magsalita.

"I can get you water or wine," alok niya.

"Hindi na kaylangan. Mayroong waiter naman. Can you leave?" mahinahon kong tanong sa kanya.

Sinimangutan niya ako. "Bakit naman? I'm a good company—"

"Because I don't like her talking to men."

I'm thanking God that he came! Eto ang kanina ko pa hinihintay. My savior! Kinagat ko ang labi ko at mabilis tumayo. Tumabi ako kay Kazimir na mabilis namang humawak sa bewang ko.

"Are you okay, dove?" he asked while looking at me.

Sunod-sunod akong tumango at sinalubong ang tingin niya. Hindi ko na-realize na nakahawak na pala ako sa kanya.

"Can we go home?"

Ngumiti siya. "Of course, dove. Let's go," aniya na hindi man lang tinapunan ng tingin si Donald.

"Pwede kong iuwi ang nasa plato ko?" tanong ko ng maalala ang pagkain ko. Tumingin siya sa 'kin. Nagniningning ang tuwa sa mata niya habang nakatingin sa 'kin.

"Of course, dove." Nagtaas ng kamay si Kazimir at lumapit sa 'min ang isang waiter. "Put this one in take away bag. Bring it in the lobby," malamig na utos nito saka ngumiti na bumaling sa 'kin.

"Hindi ka na ba hahanapin?" tanong ko ng lumabas kami ng silid.

"They will not notice me there. And I will not let you go home alone, dove. So it's better to go home with you," he said.

He's thoughtful.

Nakakatuwa lang. Bumaba ang kamay niya sa 'kin na malugod ko namang tinanggap.

Paglabas namin ng hotel ay nasa harapan na ang kotse nito. The driver open the door for me pero hindi ako pumasok.

"Wait lang. I'm waiting for my—" Nakasunod ang mata ko sa pinto ng hotel. Ang tagal-tagal naman ng pagkain ko. Nakakahiyang paghintayin si Kazimir.

Bumaba ang tingin ko sa kamay ni Kazimir na pumipisil sa kamay ko. Ilang sandali kong tinitigan ang kamay naming magkahawak. Parang sinadya iyon para sa isa't isa dahil sakto siya.

"Dove, there's your marshmallows."

Nag-angat ako ng tingin sa pinto. It opened and lumabas ang waiter na kinausap namin kanina. Bumitaw ako sa pagkakahawak ni Kazimir at saka lumapit dito. Malawak ko siyang nginitian.

"Thank you!" masiglang pasasalamat ko bago humarap kay Kazimir. Pinakita ko sa kanya ang hawak ko saka naunang pumasok sa loob ng kotse. From the side of my eyes I saw him shake his head. Tumabi siya sa 'kin pauwi.

I excitedly open the paperbag and took out my marshmallows. Hindi ko nakain 'to kanina dahil kay Donald. Edi sana kung hinayaan niya akong makakain kahit na kaunti naging good mood pa ko habang kausap siya. Hmp.

Pero mabuti na lang at niligtas ako ni Kazimir. Kung hindi siya dumating baka hindi ako nakaalis kay Donald.

Napangiti ako ng malasahan ang matamis na tsokolate. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nimanamnam.

"You like it, dove?" he asked.

Napalingon ako sa kanya saka tumango. Nag-smile ako sa kanya. Kumuha ako ng isang marshmallows na naka-dip sa chocolate.

"Try it," alok ko.

He look down to my hand and look in my eyes again. Mayroong alinlangan sa mga mata niya. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

"Ayaw mo?"

Niluwagan nito ang suot na bowtie and he open the first button of his polo. Sumandal siya sa likod ng upuan.

"Hindi sa ayaw, but I don't have a sweet tooth," paliwanag niya.

"Ahhh." Tumango ako. Sad naman na hindi siya kumakain ng matamis. He's missing something in his life sa hidni pagkain ng matamis. Akma kong isusubo ang mallows ng mabilis niyang hinablot ang kamay ko at sinubo iyon.

Nanlaki ang mga mata ko nang dumampi ang labi niya sa daliri ko. His gripping in my wrist, hindi naman masakit pero secured.

Umawang ang labi ko ng sipsipin niya ang daliri ko. Habang ginagawa niya 'yon ay nakatitig siya sa 'kin. Napasinghap ako dahil sa tingin niyang iyon.

Nang masigurado niyang malinis na ang daliri ko ay magaan niya 'yong hinalik-halikan. Matamis niya akong nginitian ng bitawan niya ang kamay ko. Dahan-dahan ko naman iyong binawi.

"In other thought, I'm starting to like it, dove. Maybe if I taste it again I will have a solid answer."

Nagbukas sara ang bibig ko pero walang salitang lumalabas. Bagkus, inilapit ko sa kanya ang lalagyan pero nakangisi niya lang akong inilingan. Bago ko pa man mahulaan ang gagawin niya'y naunahan na niya ako.

He claimed my lips again and his tongue is already exploring my mouth. Nabitawan ko ang hawak ko sa pagkabigla.

*****

NAKATINGIN ako sa labas ng bintana kung saan kami nakatira ni Liza. Nilingon ko si Kazimir na nakatunghay din pala sa 'kin. Inalis ko ang seatbelt na suot ko at ngumiti sa kanya.

"Salamat po sa paghatid sa 'kin. Mag-ingat ka pag-uwi." Hindi ko na siya papapasukin sa loob dahil baka mabigla siya sa atmosphere sa lugar na 'yon.

Tumango siya. Bubuksan ko sana ang pinto ng hawakan niya ako sa braso. Tinaasan ko siya ng kilay ng lumingon ako.

"Have a goodnight, Malaya. Dream of me," malambing niyang bulong bago nag-lean papunta sa 'kin at humalik sa pisnge ko.

Napalunok ako sa ginawa niya.

"Take care, dove. Go now, I will leave after you get inside the door," bulong niya.

"Take care, too. Goodnight . . ."

Before akong bumaba ng sasakyan ay narinig ko na naman siyang nagsalita pero hindi na ako lumingon.

"What I said is real. I like you. And I'm going to court you, Malaya. I'm sincere, that's why I hope you give me a chance."

Bumaba na 'ko ng sasakyan at walang lingong naglakad palayo. Nang dumating ako sa bahay ay pumasok na ko sa loob. Nakapatay lahat ng ilaw pero alam kong nandoon pa si Liza dahil sa sapatos na nasa gilid.

Sumilip ako sa may bintana para tingnan kung naroroon pa ang kotse ni Kazimir, at hindi pa nga 'to umaalis. Nakababa ang bintana ng kotse at nakatingin sa gawi ng bahay. Namumula ang pisngeng umatras ako ng magtama ang paningin namin.

Meirda! Baka akalain niyang tinitingnan ko pa siya!

Dahan-dahan akong umupo sa upuan. Ang sarap sabunutan ng sarili ko. Tss! Ano bang inaasahan ko? Na magpupunta siya dito para lang sa 'kin? Na susundan niya ako? Eh, 'di ba nga pinapa-uwi ko na siya.

Hinilamusan ko ang mukha ko.

Pero maniniwala baa ko sa sinasabi niya? Ano lang ba ko para magustuhan niya? Eh ang layo-layo ko sa mga babaeng dine-date niya. Lalo na't walang-wala ako ngayon. Mas mahirap ako sa kanya. Ang layo ng pagitan naming dalawa.

And what if he is just using me to get back to someone or make someone jealous? Paano kung saktan niya lang ako sa hulihan.

Wala alam tungkol sa pagmamahal. I never had a relationship experience. Not even once. How can I be sure that's it's real?

"Oh, pak! Ang ganda ng porma mo, anteh! Saan ka galing?"

Nag-angat ako ng tingin kay Liza. Nakatayo siya sa may tabi ng pinto ng kwarto ko. Pupungas-pungas pa siya ng humarap sa 'kin, pati ang buhok niya ay magulo pa rin.

"Galing ako sa party," mahina kong sagot.

"Sa party pala, eh, bakit ka nakasimangot?"

Nagbuntonghininga ako. Nakakahiyang sabihin na umamin sa 'kin si Kazimir na gusto niya ako. Baka isipin ni Liza na isa akong delulu—her term.

She will not judge me naman yata.

"Okay! My boss said na gusto niya raw ako and I don't know paano mag-react, kasi naman boss ko siya and bawal ang office romance!" nahihirapan kong paliwanag sa kanya.

Nagkamot ng ulo sandali si Liza, pagkatapos ay malakas niya akong tinawanan na kinasimangot ko.

"Bakit ka tumatawa?"

Nakahawak sa tiyan siyang lumakad papunta sa 'kin tapos ay tumabi ng upo sa 'kin. Nginisihan niya ako.

"Alam mo tanga ka rin minsan, hano? Sunggaban mo na! Minsan lang 'yan! Mas mabuti ngang magkagusto 'yang boss mo sa 'yo para maiahon ka niya sa hirap dito. Isipin mo 'yon, CEO ang may gusto sa 'yo!" madiin niyang ani.

"Ihhhh!" Napanguso ako. "Eh paano kung hindi naman kami magtagal? Masasaktan ako! Tapos bu-bully-hin ako ng mga co-workers ko!" Naalala ko na naman yung nangyari sa loob ng elevator no'n. Pinag-usapan nila ang suot kong damit.

Umirap siya sa 'kin, "gurl! Wag mong intindihin ang sasabihin ng ibang tao! Basta gusto niyo ang isa't isa—pero gusto mo ba siya?" Taas kilay niyang tanong.

Gusto ko ba siya?

"Na . . . nagwa-gwapuhan ako sa kanya. Komportable ako . . . pero hindi ako sigurado sa kanya. Baka lokohin niya ako."

"Ayun naman pala, eh! Gusto mo siya. Gusto ka niya. Go na! Walang mangyayari kung hindi mo susubukan. Paano kung 'di ka naman pala sasakyan, 'de nasayang lang yung pagkakataon—maging TOTGA mo pa siya," giit niyang paliwanag sa 'kin.

Napabuntonghininga ako. Someone she is right naman. Pero—

"Liligawan ka ba niya? Kung oo, chance mo na 'yon para makilala siya ng husto kasi syempre dadalas na ang pagkikita niyo. At kung hindi mo siya ma-bet-an, pwede mo namang patigilin na," ani Liza.

"Ganoon ba 'yon?" hindi ko siguradong tanong.

Bukod sa hindi ko pa nararanasang maligawan, hindi rin uso 'yon sa Santorini. Kapag gusto niyo ang isa't isa understand na agad na in a relationship kayo and that's dating. Dito pala iba.

Nagbuntonghininga ako ulit.

"Okay, fine. I will give him a chance."  


-----------

What's your thought about this chapter? Kung nagustuhan niyo, maari niyong pindutin ang star button at maari rin kayong mag-iwan ng mga comment sa comment section! Salamat sa pagbabasa!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro