Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Nine

Hello, this might be the last update for this week dahil magre-review ako for our exam sa Saturday. But if I can, I will double update na lang ulit para makabawi. 

Thank you so much for reading! Enjoy!!


CHAPTER NINE

"NO, sir, of course not. Malaya just didn't recognize you for a second." NIlingon ako ni Alexis at sinensyasang lumapit sa kanya. Sumunod ako at nahihiyang tumingin kay sir Vasiliev.

"I'm really sorry for not recognizing you, Sir. It's my mistake and I will—"

"Don't make promises that you will break someday. Just do you job properly." His not looking at me while saying those words. Nakatuon ang mata nito sa papeles sa table. Sunod-sunod akong tumango at tiningnan si Alexis, he gave me a thumbs-up before walking palapit sa table ni Sir. Sumunod ako sa kanya.

Binaba nito ang papeles sa table at tumayon kahanay ni James. Tiningnan ko silang dalawa. Para silang nasa military training sa ginagawa nila. Stand straight at deretso ang tingin habang maayos ang pila. Makikipila rin sana ako ng magsalita si Mr. Vasiliev. Lumingon ako sa kanya.

"Stand behind me, I need someone nearer when I asked for something," he utter.

I gulped then nod without hesitation. Pambawi man lang. Tumayo ako sa likuran nito kayaga ng nais niya. Lumagpas ang tingin ko sa balikat nito. He is signing some papers na hindi ko mabasa kung ano. Napansin niya sigurong nakatingin ako dahil lumingon ito bigla.

Mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Ngayon pa lang ako napasok sa office ni Mr. Vasiliev, ang masasabi ko lang ay ang ganda nito. Maayos ang pagkaka-arrange ng mga gamit. I remember my brother's office na puro lang din black, gray and white ang makikita. Kakaunti lang din ang kagamitan. Merong long couch, single couch at office table na ginagamit ni Sir with some visitors chair.

Meron iilang cabinets na mukhang pinaglalagyan ng importanteng dokumento.

"Alexis will accompany me with James. Malaya, stay here because I will talk to you later," he said in dismissal voice. Tumayo ito at walang lingong naglakad palabas. Tiningnan ko si Alexis at tinaasan siya ng kilay pero tinaas niya lang din ang kamay niya sabay nagkibit balikat.

Nang maiwan ko mag-isa sa silid ay malaya akong nakalibot at nakahinga na rin. Para kasing sumisikip ang lahat kapag nandiyan si Mr. Vasiliev.

Bumaba ang tingin ko sa name plate sa lamesa nito. Binasa ko ang pangalan dito.

Kazimir Lazio Vasiliev

Chief Executive Officer

His name sounds good. Kazimir. Kumunot ang noo ko. Parang narinig ko na siya somewhere pero hindi ko ma-identify kung saan.

************

"MALAYA VALLERO, twenty-five years old. You got the initial interview with HR department?" he asked while looking at my resume.

"Yes, they hired me after that."

"Have you signed the six months contract before you become a regular employee?"

I frowned. May contract signing na magaganap? Hindi yata ako na-inform tungkol do'n.

"No. Hindi ako na-inform na meron po pa lang contract signing," ani ko.

Binaba nito ang hawak na folder saka pinagsaklop ang dalawang kamay. Tiningnan niya ako sa mata.

"Well, we have. I will let Alexis print the needed document and I'll let you sign it tomorrow after my attorney checks it."

I nod. "Okay, Sir. Ahm . . . may iba pa po ba kayong sasabihin?" tanong ko.

Hindi ito sumagot, bagkus ay tiningnan niya lang ako sa mata. Para bang may malalim itong iniisip na hindi ko maarok. Tumikhim ako para kuhanin ang atensyon niya. Nag-iwas ito sandali ng tingin bago ibinalik sa 'kin.

"Miss Malaya, did you come from here? Manila or you have lived in provinces?"

Pinaglaruan ko ang daliri ko sa kamay. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Why is he asking me that?

"T-tumira po ako sa probinsiya pero dito ako nag-aral ng college sa Manila. Dito na rin ako nag-stay pagkatapos kong maka-graduate." I'm thankful na hindi ako nautal habang nagsasalita.

"Hmm . . . do you still have any family member?" he asked curiously.

Mabilis akong umiling, "sad to say wala na po. I lived in my grandfather but even before I graduated in college he passed away. I don't know who's my parents is."

Ang galing mong gumawa ng story, Malaya. You should be a writer and not a corporate employee.

Tumaas ang isang kilay ni Sir na para bang hindi naniniwala sa sinabi ko. Lumunok ako. Kapani-paniwala naman 'yon? Yung HR Head nga napaniwala ko, eh.

"Really?"

"Yes," I confidently answer.

"You doesn't seem a pure Filipino," he said.

Napalunok ako saka nag-iwas ng tingin, what should I say? Huminga ako ng malalim.

"Genes lang po siguro, Sir. Dito na kasi ako pinanganak sa Pilipinas," mabilis kong sagot. Sorry, Mom. I'm about to use your story to us.

He doesn't look believing me pero he pointed the door na rin.

"You can go now, Miss Vallero. Take care and be early tomorrow. I want you to be here before seven o'clock, understood?" he strictly said.

Tumayo ako. "Okay, sir. Thank you po." After kong sabihin 'yon ay naglakad na ako palabas ng opisina niya. Nang maisarado ko ang pintuan ay saka pa lang ako nakahinga ng maluwag. Akala ko naman kung anong sasabihin nito tapos ganuon lang pala. Kinabahan ako sa wala.

Hays.

Lumakad ako palapit sa table ko. Inalis ko ang mga kalat at saka inayos ang gamit ko. Alas-cinco na kasi ng hapon, meaning tapos na ang shift ko. Kaylangan ko ng umuwi dahil baka wala akong masakyan.

Hinanap ko agad ang map na ginawa para sa 'kin ni Liza. Baka mawala 'to, hindi na ako makaka-uwi. Nang makita ko siya ay kaagad kong binulsa.

"Oh, uuwi ka na?"

Nakangiti kong nilingon si Alexis na kadarating lang na may hawak na kape. Tumango ako at tumayo ng deretso.

"Oo, baka kasi wala na akong masakyan kapag nagpagabi ako. Pinapaalis na rin naman ako ni Mr. Vasiliev kaya uuwi na ako," ani ko saka sinukbit ang bag sa balikat.

Nakalabing tumango si Alexis, "okay. Mag-ingat ka," anito nang maka-upo na sa table nito.

"Salamat!" ani ko. Nilingon ko si James na naka-upo lang din sa tabi. Nag-wave ako sa kanya ng ba-bye bago naglakad paalis. Medyo nahihiya pa rin ako dahil inakala kong siya ang amo ko. Lesson learned talaga 'to. Mag-fact check muna bago mag-assume.

Pagbaba ko sa lobby ay nagpaalam ako sa Guard bago lumabas, sinalubong ako ng maalinsangang panahon. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang nakakapasong sinag ng araw. Hindi naman ganito masyado ang araw sa Greece, hindi masakit sa balat. Kahit na walang payong na dala ay nagpatuloy ako sa paglabas. Nilakad ko ang papunta sa sakayan ng jeep.

Ang dami kong nakakasalubong na mga estudyante at ibang workers na pauwi na sa kanila. Karamihan sa kanila ay nakapayong tapos nagmamadaling naglakad.

Habang naglalakad ay tumutulo ang pawis ko sa katawan. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at nagpunas ng pawis. Nilabas ko ang papel at tiningnan kung saan ako sasakay pauwi. Sinuri kong mabuti ang hawak ko.

Hinanap ng mata ko ang Jollibee na nasa list kung saan naroroon ang sakayan. Sumasakit na ang paa ko kakalakad ay hindi ko pa rin nakikita ang Jollibee na 'yon. Ano ba kasi 'yon? Mall? Bumuntonghininga ako ng huminto ako sandali sa paglalakad. Sobrang basa na likuran ko't pati panyo.

Mangiyak-ngiyak akong tumingin sa paligid. Sobrang layo ko na sa kompanya ngunit hindi ko pa rin nakikita yung sakayan pauwi.

Nahihilo na rin ako dahil sa halo-halong amoy. Maasim, usok ng sigarlyo at mga sasakyan pati na basura. Pati bugso ng mga tao ay hindi nababawasan, bagkusa mas dumadami lang sila.

Kaya pa ba, Malaya?

Kinagat ko ang labi ko. I never thought this will be hard. Kanina kasi'y isang sakay lang ang ginawa ko at nakarating na ko sa VGC, unlike ngayon na para akong pinapahirapan ng panahon.

Tumingin ako sa isang matanda na nagtitinda ng candy and cigarettes. Lumapit ako sa kanya.

"Bibili ka, ineng?" tanong nito.

Umiling ako at pinakita ang papel ko sa kanya. "Gusto ko lang po magtanong. Saan po ba 'to?" Turo ko sa pangalan ni Jollibee.

Tiningnang mabuti ng matanda 'yon bago pumalatak. "Na ko, neng! Lagpas ka na. Doon sa may kanto 'yong Jollibee. Makikita mo naman agad dahil nakatayo sa harap yung statue ni Jollibee."

Napatingin ako sa nilakaran ko kanina. Kinagat ko ang labi ko. Meirda! Lumunok ako at tumingin kay Manong. Tipid akong ngumiti.

"Salamat po," turan ko bago tumalikod at naglakad pabalik. Napansin ko agad ang tinginan ng tao sa 'kin kaya napayuko ako.

Binilisan ko ang lakad ko at nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko na ang sinasabi nilang Jollibee. It's a big red bee with cap, the name is capitalized. Bakit ba hindi ko siya napansin kanina?

Pero nasa kabilang kalsada siya. Paano ako tatawid? Wala namang pedestrian lane at ang pinakamalapit na footbridge ay nadaanan ko na.

Tiningnan ko ang mga kasabay ko. Nakatingin din sila sa kabilang kasalda. Pinagmasdan ko ang gagawin nila dahil dumadami na kami. Paglagpas ng isang malaking truck ay naglakad na patawid ang mga tao. Nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla dahil huminto ang iilang sasakyan at sila pa ang umiwas sa mga ito.

Nakabawi naman akong agad ng mabunggo ng isang estudyante. Para hindi maiwan ay sumunod ako sa kanila. Nangangatog ang tuhod ko ng maglakad na ako sa gitna ng kalsada. May iilang bumubusina at yung iba ay humihinto na. Sa sobrang bagal ko sa paglalakad ay naiwan na ako halos ng mga kasabay ko kaya nagpapasalamat akong hindi ako nabundol.

"OH, ISA NA LANG! ISA NA LANG! AALIS NA! ISA NA LANG! ISA NA LANG!!!"

Lumingon ako pinanggagalingan ng boses na 'yon. Kumunot ang noo ko, when I saw a guy na nakatayo sa tabi ng jeep and mukhang naghahanap siya ng pasahero. Mabilis akong lumakad papunta doon ngunit mas may nauna sa 'kin at nakasakay.

Puno ng panghihinayang kong tiningnan ang papalayong jeep. Huminga ako ng malalim at tumingala. Kulay kahel na ang langit, tanda na gumagabi na. Ang hangin rin ay unti-unti nang nagbabago. Nagiging malamig na ito. Naglakad ako papunta sa may tent, pero agad din akong natigil ng maramdaman ang matatalim na tingin sa likuran ko.

Mayroong mahabang pila ng mga tao, pare-parehong masama ang tingin sa 'kin. Bakit, may ginawa ba akong masama? Sa pagkakaalam ko'y wala naman. Akma akong magpapatuloy ng may magsalita.

"Nako naman 'yan! Porke maganda sisingit! Eh, nasa likod ang pila!" sabi ng isang babae.

Kumunot ang noo ko, "may pila?" bulong ko sa sarili ko.

Lumapit ako sa tent at ngumiti sa chubby na old lady na naghahawak ng pera. Akmang ilalabas ko ang pera ko ng tingnan niya ako ng masama.

"Ineng, may pila sa likod. Doon ka muna para mauna yung naunang dumating!" paasik nitong ani sa 'kin.

"Po?" hindi ko maintindihan.

Tinuro nito ang pila sa likod. "Ayon, oh. Pumila ka, ineng. Bawal sumingit dito, doon ka," utos nito.

Nakanguso akong tumingin sa mahabang pila. Pumunta na ako sa dulo upang wala ng salitaan. Masyado akong pagod para makipag-away pa o kaya naman ay umalma. Simpleng buhay ang gusto mo kaya dapat mo 'tong maranasan. Ganito mamuhay ng simple.

Napabuntonghininga na lang ako ng makitang pahaba nang pahaba ang pila ngunit wala pa ring dumadating na jeep. Lumipas ang trenta minutos bago dumating ang kasunod na jeep. Umusad na ang pila. Pero mukhang gagabihin talaga ako ng uwi dahil nasa bandang gitna ako ng mahabang pila.

Nagkikita kong nagbabayad na ang nauna sa 'kin. Binuksan ko ang bag ko at naglabas ng pamasahe. Kaya lang ay umalis na ang jeep bago pa maubos lahat ng nasa harapan ko. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga.

LUMIPAS ang isang oras at nakatayo pa rin ako sa hintayan ng jeep. Namamanhid na ang binti ko sa kanina pang pagtayo. Gusto ko ng umiyak sa pagod. Ang nais ko na lang ngayong araw ay ang humiga at magpahinga pagkatapos ng mahabang araw na 'to.

"Oh, sino sisingit diyan na mag-isa lang, oh?! May isa pa dito! Isa na lang aalis na!" sigaw ng lalake. Aligaga akong nagtaas ng kamay.

"Ako po! Mag-isa lang ako! I'm alone! I can go!!" mabilis kong presinta.

Tumingin sa 'kin ang mga tao nang mabilis akong maglakad papunta sa entrance ng jeep.

"Osige. Aaalis na, ate. Pasok na!" anito. Sinilip ko ang loob at tiningnang mabuti. Puno na ang loob at lahat ng space ay okupado. Tiningnan ko ang lalake.

"M-may pwesto pa po ba?" nahihiyang tanong ko.

"Oo, teh! Meron pang isa sa kanan! Kuya, usad lang ng kaunti sa gilid. Meron pa diyan. Usad lang," anito.

Nagsikilos ang mga nasa kaliwa at umayos ng upo. May nakita akong isang space. Inabot ko ang bayad ko at umakyat na sa loob. Nahihiya akong naglakad papasok, nakayuko ako't nakaalalay dahil baka bigla akong mauntog o kaya naman mapatid. Tipid kong nginitian ang mga katabi ko bago ako umupo.

Kumunot ang noo ko ng hindi ako maayos na maka-upo. Sinubukan kong sumiksik but hindi ako nakaayos. I hold the railing sa taas upang magkaroon ng alalay. Parang isang side butt cheek ko lang yata ang naka-upo.

Sobrang init sa loob ng jeep. May mga amoy pang hindi ko magustuhan tapos maingay pa. Huminga ako ng malalim. I never knew commuting is this hard. Kaninang umaga'y hindi naman ako nahirapan.

Nang umandar na ang jeep ay isinandal ko ang noo ko sa braso ko. Dahil sa malakas na rin ang pumapasok na hangin ay medyo lumamig na.

Hindi ko namalayang dinala na ako ng antok.

******

"SORRY na late ako ng uwi," paumahin ko kay Liza ng makarating ako sa bahay.

Tiningnan niya ako at nag-thumbs up bago umupo sa may kawayang upuan. She's wearing a thin satin sando and a shorts' short. Hindi ito pumasok sa trabaho dahil masama ang pakiramdam niya. Lumakad ako palapit sa may pang-isahang upuan at nagtanggal ng sapatos.

"Okay lang 'yon. Kumusta work mo?" tanong ni Liza habang nakatingin sa TV.

Nagbuntonghininga ako. "Nakakapagod. Na-meet ko pa yung boss ko kanina. Sobrang nakakahiya dahil nagkamali pa ako!" Idinetalye ko lahat nang nangyari kanina sa office. Tinawanan naman ako ni Liza dahil daw sa katangahan ko.

"Gurl! Engs ka naman! Buti hindi nagalit!" tumatawang ani Liza.

Ngumuso ako. "Na-disappoint nga yata siya sa 'kin. Tapos kina-usap pa ako. Mukhang hindi satisfied sa ginawang interview sa 'kin ng HR."

Inilingan niya ako, "sa susunod kasi wag ka munang mag-assume, ha. Madaming nagkakamali diyan. Sige na. Kumain ka na tapos magpahinga, bukas ulit mahihriapan ka," anito.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Hindi na. Matutulog na ako pagkaligo ko. I'm so tired na rin kasi. Gusto ko na lang magpahinga."

"Sige, sabi mo, eh. Pero ilalagay ko sa ref yung pagkain para kung sakaling magutom ka," aniya.

"Salamat."

Hindi ko na ikinuwento sa kanya ang nangyari kanina sa jeep. Sa sobrang pagod ko kasi ay muntikan na akong lumagpas, mabuti na lang at nagpreno agad si Manong, nagising ako.

Nang magbuhos ako ng tubig ay parang nakahinga ang katawan ko. Hindi ako na-bother kung malamig ang water. After long tiring day, deserve ko ng masarap na paligo. Gamit ang cotton na tela ay naghilod ako ng katawan ko. I feel so dirty! Lahat ng dumi ay nadikit na yata sa katawan ko kanina.

Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako ng pantulog saka pumasok sa kwarto ko. Sinabit ko lang sa hanger ang towel and nagsuklay sandali bago pabagsak na humiga sa kama. Mabilis akong tinangay ang talukap ko ng hangin. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro