Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Four

CHAPTER FOUR

LIZA'S house is small but clean. It's one story house. The living room is small, there's a small flat-screen TV at the center, plus the small wooden sofa na mayroong foam na pang-salo ng pang-upo.

"Upo ka muna diyan sandali. Magbihis lang ako and ituturo ko na ang kwarto mo," aniya.

Umupo ako. "Take your time lang. Thank you nga pala ulit sa pagpapatuloy sa'kin dito."

Ngumiti siya. "Wala 'yon! Feel at home lang!"

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay pumasok siya sa isang kwarto. Nang sumarado ang pinto ay muli kong nilibot ang paningin ko sa lugar.

Mula sa pwesto ko makikita na ang kusina. Merong lamesang bilog at apat na upuan doon, yung sink niya is hindi naman kalakihan, ayos na para makapagluto at mag-wash ng plates.

Napatingin ako sa labas ng biglang umugong ang malakas na tunog, sumunod ang malakas na sigawan.

Nanlaki ang mga mata ko. I saw a man and a woman, a married couple. Slapping and smacking each other!!

What the hell?!

Why are they doing that?!

Do they have to make away outside their house? Nakikita ng ibang tao ang ginagawa nila. And bakit nila sinasaktan ang asawa nila? Hindi ba nila kayang mag-usap ng mahinahon without hurting each other?

Naalis lang sa kanila ang atensyon ko ng biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako doon. Lumabas si Liza na nakasuot na ng pambahay. maikling shorts at sando.

"Masasanay ka rin sa ganiyan. Araw-araw silang nag-aaway," nakangiti niyang ani sa'kin. Tumango ako sabay tayo.

"Hindi ba sila...nahihiya? I-I mean...why?" naguguluhang tanong ko.

Malakas niya akong tinawanan. Lumapit siya sa'kin, "nako, ganiyan talaga. Sa lugar na 'to wala nang hiya-hiya! Lahat nang tao dito walanghiya!" aniya.

Namilog ang mata ko dahil doon. Hinila niya ako papunta sa may katabing pinto ng pintuang nilabasan niya. Binuksan ang pinto at naunang pumasok sa loob si Liza. Sinilip ko 'yon.

A guest room?

The room is small, there's a small bed in the side, an electric fan and a plastic cabinet, I think?

"Extra room ko lang talaga 'to, dati pinapa-rent ko sa mga students na kaylangan ng bed space. Pasok ka. Pasensya na kung di malaki at malinis, di ko kasi nadadalaw 'to madalas." Pumasok ako sa loob.

"Okay lang ito, basta may matulugan ako," ani ko.

Actually, hindi na nga dapat siya nagpapasensya kasi ako naman ang nakikituloy. Ang bait na nga siya sa lagay na 'to. Kung baka ibang tao ang nasamahan ko hindi pa ko tinulungan. Malala ay baka ginawan pa niya ako ng masama. Pero fate is kind enough to give Liza to me.

"Magpahinga ka na diyan. Titingnan ko kung may damit akong kasya sa'yo at hindi pa gamit na panties." Pagkasabi niya no'n ay tumalikod na siya paalis. Naiwan naman akong mag-isa.

"Thank you!" habol ko kahit walang kasiguraduhang narinig niya.

Huminga ako ng malalim nang sumarado ang pinto. Tiningnan ko ulit ang paligid. Wala siyang sariling banyo? Edi, makikipag-share ako ng comfort room sa kaniya?

This is not what like I used to live in Greece. The bed...it's not that soft. There's no air conditioner or mosquito killer.

Pero kaya ko namang magtiyaga. This is the conquences of my choices.

Leaving my family means leaving my extravagant life, too.

I cannot take things easily now. I should work to have what I want. There are no parents to give me what I want in a snap.

Umupo ako sa gilid ng kama, kakayanin ko ba?

Wala akong alam tungkol sa outside world. All my life I'm surrounded by people who will gladly serve me.

Huminga ako ng malalim. I should not think negatively. I should be thinking things na pwede kong gawin ngayong malaya na ako.

So what if I don't know how to live in the outside world? I can learn that!

Ngumiti ako't humiga.

Once na makuha ko ang mga papeles makakapag-umpisa na ko ng bagong buhay. For now, tutulong na lang muna ako kay Liza dito sa bahay niya para hindi nakakahiya. Saka na ko babawi kapag may trabaho na ako.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako dahil sa pagod.

Nagising ako ng maramdamang may gumagalaw sa loob ng kwarto. My body easily get alerted.

Mabilis akong bumalikwas ng bangon at hinanap ang pinanggaalingan ng tunog. Nagtakot pa ako ng magisnan ang ibang silid na kinaroroonan ko. Ngunit ng malingunan ko si Liza ay biglang bumalik sa'kin ang lahat.

Dumating ako sa Philippines, my things got stolen from me and nakikitara lang ako sa ibang bahay.

"Ay, nagising ba kita?! Sorry ha! Iiwan ko lang sana 'tong mga damit," nahihiyang aniya.

Bumalik ako sa reyalidad nang marinig ang boses nito. Bumangon ako at tipid na ngumiti sa kanya.

"Okay lang. Salamat...ahm..." Tumingin ako sa labas ng bintana. Mataas na ang sinag ng araw. Binalik ko ang tingin sa kanya. "Wala kang trabaho?"

Mahinhing tumawa si Liza bago naglakad palapit sa'kin. Umupo siya sa gilid ng kama ko.

"Mamaya pa ang pasok ko! Pang-gabi ako!"

Namilog ang mga mata ko. "Ay! Eh 'di, hindi ka nakapasok kagabi?" Sinamahan kasi niya ako.

"Day off ko naman kagabi kaya okay lang. Nga pala, gusto mo ng mag-almusal?"

Saktong kumalam naman ang sikmura ko. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko't ngumisi bago binalik ang tingin sa'king mukha. Malambing ang tingin niya.

"Lumabas ka na lang, okie?! May gagawin lang ako do'n, feel at home ka lang," anito at tumayo. Pinanood ko siyang naglakad papunta sa may pinto.

Nang mag-isa na lang ako sa kwarto ay bumalik ako sa pagkakahiga. Tumingin ako sa taas, pero na ang sumalubong sa'kin ay medyo kinakalawang na roof instead of white ceiling.

Kung nasa sariling bahay lamang ako ay baka inabot pa ko ng ilang oras sa paghiga ng kama ngunit, nakikitira lamang ako.

Dahil nakakahiyang paghintayin si Liza, bumangon ako ulit pagkalipas ng ilang minuto. Ginaya ko ang ginagawa ng mga maids namin sa bahay once na nakaalis na kami ng kama. Inayos ko ito tulad ng ginagawa nila.

Lumapit ako sa dala ni Liza. Isang shorts na about siguro hanggang gitna ng hita ko at isang sando. Spagehetti strap style. May towel ring kasama. May toothbrush, suklay na mukhang 'di pa nagagamit.

Kinuha ko ang toothbrush at naglakad palabas ng silid. Naabutan kong nagsusuklay ng buhok si Liza, ako naman ay nagderetso sa kusina.

Tiningnan kong maigi ang lababo niya. Malinis kaya ang tubig dito? Can I use it? Wala ba silang clean water--no. No. Stop it, Malaya.

Hindi tayo mayaman dito. We cannot ask things like that.

Kahit na meron akong pangamba ay pinagsawalang bahala ko iyon. Kumuha ako ng baso, nilagyan ko 'yon ng laman. Nag-toothbrush ako para hindi nakakahiyang makipag-usap ng tuloy-tuloy kay Liza. Nang matapos ay binalik ko ang takip sa ulo at nilagay muna sa tabi 'yon.

Nilapitan ko si Liza pagkatapos. Umupo ako sa wooden sofa na pang-isahan. Tinitigan ko siya.

Makapal ang labi't kilay ni Liza, may katangusan ang maliit niyang ilong ang mga mata niyang kulay brown...typical na babaeng taga-Philippines nga siya. She has the same skin color like my Mother. A dark brown or morena, in my mom's term.

"May nabili akong almusal sa may lamesa, kumain ka na muna."

Tiningnan ko iyon. Merong nakatakip na pagkain.

"Sopas 'yan. Iyan lang muna sa ngayon kasi wala tayong budget. Kapag nakaluwag-luwag spaghetti naman na may lasa ang bibilhin natin," nakangiting aniya.

What is sopas?

"Okay lang. Hindi naman ako maarte sa mga pagkain. Salamat, ha," ani ko.

"Nue ka ba! Wala 'yon! Nga pala, taga-saan ka ba? Porenjer na Porenjer ka kasi," tanong nito.

"Taga-Greece ako, but my Mom is a Filipina."

Nanlaki ang mga mata niya. "Wow! True ba 'yon?!"

"Yappp. Ikaw? Taga-saan ka talaga?"

"Dito na ko pinanganak sa Maynila. Sa ampunan kasi ako lumakit," aniya.

Umawang ang labi ko, nalungkot ako para sa kanya. Malungkot sigurong mabuhay na hindi niya alam kung sinong mga magulang niya. I feel bad for her. I want to hug her pero 'di ko sure kung bet niya ba.

"Sorry for hearing that..." mahina kong ani.

She waved her hand to me, "No drama, please!" She laughed. "Mabuti pa. kumain ka na, ha, tapos ako, raraket lang ako sa labas ng pang-tanghalian natin. Huwag ka na lang munang maglalabas kasi bago ka lang dito. Baka mamaya mapagtripan ka ng mga kapitbahay ko."

"Sa-saan ka r-raraket?"

Tumayo ang babae. "Diyan lang sa tabi-tabi. Kain ka na ha."

Hindi naman na niya ko hinintay na makasagot, ang ginawa niya'y tumayo na at lumakad palabas ng bahay. Naiwan na naman akong mag-isa. Nagbuntonghininga ako. I'm hungry na rin kaya lumapit na ko sa lamesa. Inalis ko ang takip ng pagkain, tumambad sa'kin ang isang mangkok ng...sopas?

Umupo ako, kinuha ko ang isang kutsara at hinalo ito. It's a maraconi...with hotdog, cabbage and chicken? I tasted it. The soup taste cream...masarap siya. Kumain ako, may tinapay rin pero 'di ko ginalaw. Ang sabi lang kasi ni Liza ay sopas lang ang sa akin. Naubos ko naman ito pagkaraan ng ilang minuto.

Nilagay ko sa lababo ang pinagkainan ko...tiningnan ko ito pati na rin ang mga nakataob na plato. Hugas na yata ito. Gusto kong hugasan ang plato pero hindi ako marunong. Kinagat ko ang labi ko at kinuha ang sponge na nakita. Where is the soap?

For minutes I'm staring the bowl and a spoon. Hindi ko malaman kung anong gagawin sa kanila. Nakakahiyang madatnan pa ito ni Liza. She might think that I'm lazy.

Nagbuntonghininga ako. Mamaya ko na lang tatanungin si Liza kung paano hugasan ang mga ito. I never tried it. Baka makabasag pa ko, tapos ikagalit ni Liza.

Habang walang ginagawa ay bumalik ako ng kwarto. Kinuha ko ang mga damit ko para makaligo. Sa may gilid ng kusina ang daan papuntang banyo. Maliit lamang ito nang makapasok ako. Toilet is in the side, katabi nito ang bucket na may tatak na Boysen. May dipper rin doon. Hmm... I have my soap here, and a shampoo.

Inangat ko sa ere ang shampoo, it's a Palmolive pink in sachet. Tiningnan ko ang paligid. May mga undies na nakasabit sa sampayan. Should I do it ba?

Binuksan ko ang faucet, hinayaang tumulo ang water sa bucket. I remove my clothes and hanged it to clothesline. I left my undies and bra. After that I scoop a water and directly pour it to my body.

Napatili ako ng tumama sa katawan ko ang malamig na tubig. Nabitawan ko ang hawak na dipper. There is no hot shower?!

Nginig na nginig akong umupo sa toilet, niyakap ko pa ang sarili ko. Gosh!

Nagbuhos ulit ako ng tubig sa katawan ko. Para sana maalis ang ginaw ay nagsabon ako ng katawan. May dalawang sabon ang andon, isang kulay pink at orange. Both namang mabango pero I choose the orange one. Yung pink kasi ay may small strand of hair pa, kaya baka pangbuhok 'yon ni Liza.

Tiniis ko ang malamig na tubig, tinapos ko ng mabilis ang pagligo ko.

*****

"ANAK mayaman ka, noh?!" tanong ni Liza habang nasa hapagkainan kami.

Tumingin ako sa kanya. "Paano mo nasabi?"

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, at binalik ang tingin sa mukha ko na para bang nakakatawa ang tanong ko.

"Gurl, magtatanong ka pa?! Tingnan mo nga." Inabot niya ang kamay niya sa'kin. "Ang lambot-lambot ng kamay mo, tapos." Sinunod niyang inabot ang buhok ko. "Yung buhok mo ang lambot rin, alagang-alaga. Kanina ng sinabi ko sa'yo yung ulam tinitigan mo pa muna, tapos yung kutsara-tinidor hindi mo knows gamitin. Basta andami pang iba."

Binitawan niya ako. "Hindi naman sa sinasabi kong yung mga Pinoy hindi pwedeng maging ganyan kakinis ha o kaputi o kalambot ang balat, pero may iba kasi sa'yo. Yung kilos mo, yung aura mo pa lang sumisigaw na ng pagka-elegante nga! Kaya ayorn! Sagutin mo anak ka ng mayaman?"

Napatakip ako ng bibig at tumawa ng mahina. Napaka-observant naman ni Liza, napansin pa niya 'yon?

Kung napansin ni Liza mapapansin rin ng ibang tao. Dapat ay gayahin ko sila o magbago ako. Dapat walang makapansin ng pagkaka-iba ko sa kanila. I should blend in.

"Anak mayaman ako...like what you said...my father is a businessman." I'm proud of my parents. "Ahm...sadyang maalaga lang ako sa katawan kaya ako ganto..."

Ngumisi siya. "Ay na ko. Hindi ako naniniwala sa'yo. Maalaga rin ako sa katawan pero never namang naging ganyan! Pero sige na. Okay na. Kumain ka na muna, ha, aalis kasi ako mamaya."

Kinunutan ko siya ng noo. "Pupunta ka sa trabaho mo?"

Tumango siya. "Oo. Hanggang umaga ako do'n."

Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain ulit. Hanggang sa naggabi na nga ng ganoon kabilis. Wala naman akong ginawa bukod sa umupo at panuorin si Liza na kumilos nang kumilos. Nang gumabi ay bumili ng dinner namin sa labas si Liza, actually, para lang sa'kin talaga dahil hindi daw siya kumakain kapag may trabaho siya.

"Ang bilin ko ha. Isarado mo ng mabuti ang mga pinto at bintana. Huwag kang magbubukas ng pinto ha. Lalo na kapag ka hindi ako nagsasalita ha. Kapag ka ano daraanan ko na yung papeles mo."

Sunod-sunod akong tumango. Pinapanood ko si Liza na nag-aayos na sa harapan ng salamin. Isang wide pants ang suot nito at jacket.

"Naiintindihan ko." Inabot ko sa kanya ang bag niya.

Ngumiti siya sa'kin at tumango. "Mabuti kung gano'n. Mauuna na ako ha. I-lock mo ang pinto. Magluto ka na lang ng itlog kung nagugutom ka."

Pagkasabi niya no'n ay umalis na rin siya. Ni-lock ko ang pintuan kagaya ng gusto niya. Pati ang mga bintana ay sinarado kong mabuti para hindi kami manakawan. Ang kwarto ko naman ay naka-lock ang bintana. Hindi naman ako gutom kaya pumasok na ako sa kwarto ko pagkatapos kong mag-ayos sa sarili.

Inilagay ko sa may gilid ang toothbrush ko, pati ang towel na ginamit ko. After that I went to bed. I sat down and look at the roof. It's been a week since makatakas ako sa bahay. Sure as hell na hinahanap na nila ako at hindi sila titigil hanggang hindi nila ako nakukuha pabalik.

May lungkot na dumaan sa dibdib ko.

I kinda miss them.

Pero hindi ko na muna dapat 'yon iniisip. This feeling will be gone soon. I'm not just yet used to being away with them.

Ang dapat kong isipin ay kung ano ang dapat kong gawin kapag may mga papeles na ako. I should start finding a job online or kahit sa mga newspaper para may work na ako. I don't have any money right now, and I can't stay in just one place. I can't risk my safety.

Hindi naman ako makakaalis nang walang pera kaya kaylangan ko talagang magtrabaho. I sigh.

Sana naman may mahanap na akong trabaho bukas. But how? I don't have a phone or a laptop to use para makapag-seek ng job. Hassle naman if maglalakad ako personally kasi walang kasiguraduhan 'yon, and wala akong pera panggastos.

Sumimangot ako. Kaylangan talaga marami kang pera sa buhay, ang hirap ng ganito!

Tumagilid ako ng higa at nag-isip ng marami pang paraan kung paano makakahanap ng trabaho. Hindi ko na nga namalayang tinangay na pala ako ng kadiliman. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro