Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Three

CHAPTER FORTY-THREE

INI-spray-an ko muna ng pabango ang buong kwarto para maging fresh ulit, bago nagpasyang lumabas na. I saw Kazi arranging the table. Hindi ko maiwasang mapangiti. He is not wearing anything until now bukod sa kaniyang boxers. Lumakad ako palapit sa kanya.

"Hey."

"Dove, sit already. I will just get us a fork and spoon," he said before turning to get some utensils.

Sumunod ako at umupo sa may kanan. Ilang sandali pa, bumalik na si Kazi dala ang mga kinuha niya. Inabutan niya ako ng kutsara tinidor pagkatapos ay nag-umpisa na kaming kumain. Nagpresinta na kong maghuugas ng plato dahil nakakahiyang walang ginagawa, at pumayag naman ang lalaki dahil naka-upo ito sa sala at nakabantay.

Pagkatapos kong hugasan ang mga ginamit namin kaagad din akong sumunod sa kanya. I was about to sat next to him but the bastard pulled me kaya napa-upo ako sa ibabaw ng hita niya. Pinanlakihan ko siya ng mata.

"Kazi!"

Dumiin ang hawak niya sa bewang ko. Inilapit niyang muli ang mukha niya sa 'kin para angkinin sa isang malalim na halik na maluwag kong ginantihan.

Nang huminto siya ay pinagdikit niya ang mga noo namin. I saw him closed his eyes tightly. Napahaplos ako sa itim na itim niyang buhok.

"Dove . . ."

"Dito ka na matulog, Kazi . . . kung okay lang." Madilim na sa labas, 'di ko na gustong umuwi pa ito kahit sabihing may driver siya.

He smile, "hm . . . what if ikaw na lang ang tumira kasama ko, dove?" Imunulat niya ang mga mata niya at seryosong tumingin sa 'kin.

Umawang ang labi ko. Mukhang nabingi yata ako.

"Ha?"

Bahagya niyang inilayo ang ulo ko. Sinalo niya ang magkabila kong pisnge upang hindi ko magawang umiwas sa mga mata niya.

"Live with me . . . I like s-staying close with you like this. Waking up next to you. It makes me feel unexplainable feelings that I want to sort out with you." He look around the place. "I know this is your home . . . but, can you . . . think about it?"

Napalunok ako.

Gusto niyang tumira akong kasama niya dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa 'kin? Gosh!

"I-I don't know, Kazi . . . hindi ba mabilis? Can't we wait?" mahina kong tanong. I cannot leave Liza alone here as well.

"I understand. I will give you time to think, and if you're hesitating leaving your friend. You can bring her there, and if she's qualified. I can give her work sa company para magkasama na rin kayo," anito na nagpatigil sa 'kin.

"Gagawin mo 'yon?" naninigurado kong tanong.

Ngumiti siya at tumango. Sumiksik ako sa leeg niya. Kung ganoon naman pala na maari ring makaalis dito si Liza ay baka pwedeng pumayag pa ako.

"Sige. Kakausapin ko si Liza. Kapag pumayag siya, payag na rin ako," ani ko.

"Okay, but she will have her own condo, dove, maybe next to our floor. Gusto kitang masolo palagi." Nagdala ng kilabot sa katawan ko ang pagtama ng mainit niyang hininga sa tenga ko.

Hinigpitan ko ang yakap sa kanya.

********

"OH, kumusta naman ang pagi-stay dito ng jowa mo?" maharot na tanong ni Liza ng makabalik ito kinabukasan.

Kaagad akong pinamulahan ng pisnge ng maalala ko ang mga nangyari sa 'min kahapon at kagabi. We made love a lot of times as well. Wala kasing kapaguran ang lalaking 'yon. Tapos anong oras na nagising kaya anong oras na ring nauwi kanina.

"Okay lang . . . nag-usap kami."

"Wow. Usap? Grabeng usap 'yan nakaka-iwan ng hickey!" anito sabay tawa ng malakas.

In my shock, mabilis akong lumakad papunta sa may salamin para tingnan ang sinasabi niya. And she's not joking nga, merong isang hickey sa leeg ko.

Shit talaga.

Si Kazimir!!

Hays.

"Wag ka ngang mahiya sa 'kin. Natural lang na ginagawa 'yan ng mag-jowa. Ako nga kahit hindi ko jowa o kakilala nakikipag-sex ako, eh," ani Liza sabay tawa ng magaan para hindi ako masyadong mahiya.

Lumingon ako sa kanya at mabilis lumapit.

"Liza, Kazimir asked me to lived with him na pero I'm hesitating kasi wala kang kasama dito—"

"HUY! Lukarit ka! Sumama ka! Wag mo kong isipin dito, noh. Kaya ko ang sarili ko. Para rin kasi sa inyo 'yong pagli-lived-in. Mas makikilala niyo ang isa't isa!" panghihikayat niya.

"Pwede ba namang hindi kita intindihin, eh, kapatid na turing ko sa 'yo?" Natigilan si Liza sa sinabi ko kaya inabot ko ang kamay niya at deretso siyang tiningnan sa mga mata. "Nag-offer din siya sa 'kin, Liz . . . pwede kang mag-work sa company para magkasama tayo sa trabaho tapos bibilhan ka niya ng condo malapit sa 'min para 'di tayo maghiwalay," excited kong turan.

Lumungkot ang mga mata nito.

"Ano namang gagawin ko do'n, Malaya? Ni hindi nga ako nakapagtapos ng pag-aaral."

"SO? Liz, this is a new opportunity sa 'yo para makaalis ka na diyan. You finished second year college naman for sure mayroong place do'n, kahit 'di kataasan pero yung mabubuhay ka na. Tutulong ako sa paglalagyan sa 'yo, Liz, kaya wag kang mag-alala," pagpapakitang linaw ko sa kanya.

"Pero . . . paano kung mag-fail ako, mapapahiya ka."

"Eh, ano? At least you are trying. This is your chance na, Liza. Think of it, hindi ka forever na may work diyan sa bar. At least now, you will have a decent job and malay mo doon mo pa makilala si Mr. Right!"

I can see hesitation in her face. Maybe because this is another big step for her. I just cannot see myself leaving her here. After all the kindness she gives me.

"Pag-isipan mong mabuti, okay? Tapos sabihin mo sa 'kin yung desisyon mo mamaya," ani ko para bigyan siya ng space.

Nagpaalam na akong papasok sa trabaho at umalis na. Habang naglalakad ay naisip ko ang mga kapatid ko. If I will leave here para sumama kay Kazi. Paano sila makakapunta sa penthouse ni Kazi ng malaya? But it's safer there for them.

Siguro kakausapin ko na lang sila kapag nagpunta ulit sila dito. Sa palagay ko kasi matatagalan pa ang pagbalik nila.

MAKISIG'S P.O.V.

"FATHER, I'm doing anything to find her. Sadyang mahirap hanapin ang taong ayaw magpahanap."

I watched how my father's face hardened. Where at the library inside our house to talk about my runaway sister.

Hindi namin mapag-usapan ito sa harapan ni Mama dahil aatakihin na naman siya ng lungkot at baka mauwi na naman sa depression niya.

"Do your best, Makisig Ares. It's been a year. Magdadalawang taon na simula ng tumakas ang kapatid mo pero hanggang ngayon wala pa ring matinong lead kung nasaan siya," he sound disappointed.

Parang may sumuntok sa sikmura ko sa paraan niya ng pagtingin sa 'kin. I let a heavy sigh. A thought keeps on lingering in my head, and I want to consult him about that pero sa tingin ko'y hindi pa ito ang oras.

Napansin niya sigurong may iniisip ako kaya tumikhim si Papa.

"What is it?"

I sigh, "this all start because we want her to be married. Papa, what if i-atras mo na lang ang kasal? Baka sakaling bumalik si Malaya."

"We can't, Makisig. Mapapanatag lang ako kapag naikasal na ang kapatid mo. The man I choose for her is already capable of giving the life she deserves."

Napa-iling ako.

He don't understand. Baka kapag nalaman ni Malaya na 'di niya kaylangang magpakasal ay kusa siyang bumalik.

"That's our reason, pa. To give her better life, but she doesn't want that. Ang gusto nga niya magtrabaho. Look now, hindi natin siya makita—"

"She will be found soon, Makisig. You will understand me kapag ikaw na ang nasa posisyon ko. Have a daughter first," malamig na sabi niya bago tumayo.

Napahawak ako sa tungki ng ilo ko saka napapikit ng mariin. Damn. Finding Malaya is really giving me headaches.

I know the reason why Papa is already setting up Malaya with someone pero dahil din kasi do'n kaya siya tumakas. Kung sana ay maiintindihan ni Papa na hindi namin kaylangang pilitin si Malaya. Pwede namang mag-usap muna sila ng mapapangasawa niya. To know each other better.

Pinatunog ko ang leeg ko bago dumilat.

Two years.

Kahit hibla ng buhok niya, hindi makita ng mga tauhan ko. It seems like someone is protecting her. Dahil kung wala, unang buwan pa lang ay nakita na sana namin siya. Ang tanong sino 'yon? Sa pagkakaalam ko'y tumutulong ang fiancée niya sa paghahanap sa kanya.

Limang minuto ang lumipas bago ako tumayo at lumabas ng silid. Naabutan ko ang kambal na naka-upo sa may sala. Seryosong nag-uusap kaya hindi nila namalayan ang pagpwesto ko sa likuran nila.

"Paanong gagawin natin ulit? Gusto mong sabihin kay Makisig na itigil ang kasal?"

"Oo!"

"Magkaka-idea sila! Wag kang tanga!" asik ni Dakila.

Namewang ako. Ano na namang pinasok na gulo ng dalawang 'to? Noong nakaraan, sa hospital ko dinampot si Dakila, tapos ngayon pati si Bayani mukhang nasisiraan na.

"Eh, paano natin malalaman? Dapat kasi itanong na lang natin—"

"What are you two talking about?" I asked, almost whisper.

Napatalon mula sa pagkaka-upo ang dalawa at gulat na napatingin sa 'kin. Para naman silang nakakita ng multo. Tss.

Dumeretso ako ng tayo.

"Anong pinag-uusapan niyong dalawa, ha? Baka mamaya kalokohan na naman 'yan lagot kayo kay papa," banta ko sa dalawa.

Walang imik silang umiling bago nagmamadaling tumakbo papunta sa may hagdan para pumanik sa ikalawang palapag. Napa-iling na lang ako.

MALAYA'S P.O.V.

"DOVE!"

Halata ang pagkabigla sa mukha ni Kazimir ng magisnan niya akong naghihintay sa kanyang opisina. Kababalik niya lang galing sa isang meeting sa labas.

Lumakad ako palapit sa kanya at niyakap siya na kaagad naman nitong ginantihan.

"I didn't know na papasok ka," anito pagkahalik sa 'king noo.

"Syempre naman. Sayang ang pasahod mo kung 'di ako magtra-trabaho, hano," ingos ko. Tumingin ako sa likod kung nasaan si Alexis. Kumaway ako sa kanya. "Hi!"

Kinawayan niya ako bago sinarado ang pinto para bigyan kami ng privacy ni Kazi. Inikot ko ang braso ko sa bewang niya.

"Kumusta ang meeting? Balita ko bigating deal 'yon, ah," tanong ko. Hinila ko siya papunta sa may couch para do'n maupo.

Pabagsak kaming umupo sa couch. He rested his arms in my shoulders. Mas lalo tuloy naglapit ang mga katawan namin.

"Good. Closed na actually ang deal. Ipapadala na lang ay Mr. Kazimoto ang papeles na kaylangan niyang pirmahan dahil may kaunti siyang pinapabago."

"Wow! Congratulations, Kazi! I'm so proud of you!" masiya kong turan. Tumaas ako sandali para humalik sa pisnge niya. "Galing-galing naman ng baby na 'yan!" dagdag ko pa.

Matamis niya akong nginitian at hinalikan sa labi pagkatapos ay niyakap ng mahigpit.

"Dapat pala mag-celebrate tayo. Hmm . . ." Habang abala sa pag-iisip ng kung paano mase-celebrate ang pagkaka-closed deal nito ay biglang pumasok si Alexis.

"Hi! Sorry sa isborto sa inyong pag-lalabing-loving pero kasi kaylangan na naming umalis ni Mr. Vasiliev. May importante kasi siyang meeting," anito.

Nakanguso akong humiwalay sa 'king boyfriend.

"Ganoon ba? Eh, anong oras naman kayo matatapos?"

Naramdaman kong hinaplos ni Kazi ang balikat ko, napatingin ako sa kanya. He is looking at me.

"I don't know kung anong oras matatapos ang meeting, pero you can go to my penthouse to wait," he said.

Napanguso ako. "I don't want to stay there. Dito na lang siguro ako at magtra-trabaho." Tumayo ako sa harapan niya.

Inayos ko ang nalukot niyang polo. "Goodluck sa meeting niyo!" masiglang sabi ko bago siya ni-tap sa balikat.

Lumakad ako palabas ng kaniyang opisina para magpunta sa 'king table. I started to do my work. Nagpaalam sila Kazi na aalis na and I wave him goodbye.

******

BUSY with the paperwork. Hindi ko na namalayang bumukas ang elevator. Naalis na lang roon ang tingin ko ng may kumatok sa 'king lamesa. Nag-angat ako ng tingin.

Nalaglag ang panga ng lalaki ng makita niya ako. Tipid akong ngumiti.

"Good day, sir. If you're looking Mr. Vasiliev, nasa meeting pa po," magalang kong ani.

Naguguluhan akong tumingin sa kanya dahil hindi siya gumagalaw. Is there something wrong with my face? Bakit ganoon siyang makatingin?

Pumitik ako sa mukha niya upang pabalikin siya sa reyalidad. Mukhang effective naman dahil ilang beses itong kumurap.

"Sir?"

"Ahm . . . w-what time he will come?" he said in a low voice. Para siyang kinakabahan na ewan.

Tipid akong ngumiti sa kanya. "Hindi po sigurado, pero you can wait inside his office. I will call him to say na andito ka to confirm na rin kung anong oras siya babalik. What do you want to drink while waiting?"

Sinamahan ko siya papunta sa may office. Pumuwesto sa pang-isahang upuan ang lalaki. When I knew he is already settle in lumabas na ko to make him a coffee. But first, tinawagan ko si Alexis.

"Oh, napatawag ka?" tanong nito sa kabilang linya pagkatapos ng ilang ring.

"May dumating na bisita si Kazi, Alexis. Hindi ko natanong ang pangalan pero palagay ko'y kakilala niya. Pinag-stay ko muna siya sa office." Lumakad ako papunta sa pantry para magtimpla na ng kape. "Sa tingin mo, anong oras kayo matatapos diyan?"

I can imagine him caressing his batok kasi hindi namomoroblema. Napangisi ako.

"Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos dito, pero sasabihin ko kay Mr. Vasiliev na may bisita siya diyan. Ano nga palang pangalan ng bisita niya?"

Napanguso ako.

"I actually forgot to ask, itanong ko na lang pagbalik ko mamaya. Sige, i-message mo na lang ako kung anong oras siya babalik, ha, sige na. Iaabot ko pa 'tong kape."

I heard him laugh bago namatay ang tawag. Umiling ako. Sinuksok ko ang phone ko sa bulsa ng slacks ko bago nilagyan ng tubig ang tasa. After that, nilagay ko 'yon sa platito para dalhin sa office ni Kazi. Doon ko naabutan ang visitor ni Kazi na naghihintay pa rin.

Nakangiti akong lumapit sa kanya. Binaba ko sa harapan niya ang tasa ng kape at dumeretso ng tayo.

"Sir, sorry for making you wait. Natawagan ko na ang secretary na kasama ni Mr. Vasiliev, hindi raw sure talaga kung anong oras siya makakabalik pero tatawagan na lang nila ako to be updated. Nga po pala, anong reason niyo and name? nakalimutan kong itanong kanina," nakangiti kong ani sa kanya.

Malawak na ngumiti ang lalaki. Lumabas tuloy ang mapuputi at pantay-pantay nitong ngipin.

"Actually, I have a business proposal to him na alam kong hindi niya matatanggihan. And I'm his cousin."

I stopped.

His cousin?!

My eyes widened when he said his name.

"My name's Jared Delos Santos," he proudly said while extending his hand. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro