Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty-Eight

CHAPTER FORTY-EIGHT

HALOS madapa ako sa bilis ng paglalakad habang hawak ang dalawang echo bag na naglalaman ng stocks namin. Panay ang lingon ko sa paligid sa pakiramdam na may nagmamasid sa 'kin.

Kapos ng hininga akong pumasok sa loob ng bahay. Malakas kong tinulak pasara ang pinto saka sumandal ako sa likod, pabagsak kong binaba ang mga bag. Hinihingal akong tumingin sa magkabila kong braso. It's swollen pretty bad. Pati ang kamay ko namumula, isama pa ang pamamanhid.

Habol-habol ang hiningang hinila ko papunta sa kusina ang mga echo bags. Nanghihina ako umupo sa silya. Sinabunutan ko ang sarili ko.

I'm starting to think that you look familiar but I can't pinpoint where I saw you. First time kitang nakita but you look really familiar to me. Have we met somewhere?

I keep on thinking about what he said. In my two years of hiding ngayon lang may nagsabing namumukhaan nila ako. Where does he saw me? Kakilala ba niya ang pamilya ko? Para akong sinasakal. Sobrang naninikip ang dibdib ko.

Biglang umikot ang paningin ko. I slap myself multiple times. What if he knew my parents, or my brother? What if sabihin niyang nakita niya ako? Then they will take me away from Kazi and I cannot let that happen.

Ipapakasal nila ako sa taong 'di ko naman kilala!

Dapat talagang iwasan ko na ang lalaking 'yon. Not just because he has feelings for me but also because of what he knows.

Prevention is better than cure.

Magiging madali naman ang pag-iwas ko sa kanya dahil hindi sila magkasundo ni Kazi.

Nang naging kalmado na ako ay inayos ko na ang mga pinamili ko. Nilagay ko sila sa tama nilang lalagyan. Pumasok ako sa kwarto.

I took out my phone to see if there's any messages from Kazi but I see none kaya binaba ko itong muli. Then I heard the rain poured so hard again.

*******

I decided to call Kazi when I woke up from a short nap. Hindi naman nagdalawang ring before masagot.

"Hi, dove. How are you?" he asked sweetly.

Biglang lahat ng mabigat na nararamdaman ko ay gumaan ng marinig ko ang boses niya. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga. Napangiti ako.

"Wala naman. Nga pala may goodnews—" Hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko ng kumunot ang noo ko. May ibang boses pa kasi akong naririnig. Nanlaki ang mga mata ko. "Nasa meeting ka ba?!"

Worry is written in my voice.

I heard him chuckle, "yes, dove. Why?" Nawala sandali sa linya si Kazi, pero rinig na rinig ko ang malamig na boses nito sa kabilang linya. "Let's take a break first. Take ten minutes recess and come back here after."

My lips parted in shock.

He just put his meeting on hold because I'm calling him?! Napasampal ako sa 'king noo. What a freaking man!

"There. No meeting anymore, dove," he said in sweet voice na para bang wala lang yung ginawa niya.

I can't help to smile. Am I crazy if I found it . . . sweet?

"What you want to say to me, dove? Hungry? Or miss me?"

"Well, I will not tangi na nami-miss na kita pero hindi ako gutom. Saka I have a good news to you, Kazi." I cannot help to squeal. He hummed in another line to urge me to continue. "I've talk to Liza na, and she already agreed to move! Like, she will go with me na sa paglipat!"

"Really?" Puno ng kasiyahan ang boses nito.

"Yes! Naka-usap ko na siya and ikaw, kung kelan mo gustong lumipat—"

"Baby! Kung ako ang masusunod ay ngayon pa lang gusto na kitang i-uwi sa bahay. I'm just waiting for you two. The condo unit is already finished. Pwede ng tirahan. Anytime you two want to move out, pwede na, dove," sunod-sunod niyang turan.

Sumandal ako sa may headboard, "okay. I will ask Liza later kung kelan kami magi-start na mag-pack ng gamit para makalipat na rin." Excited na kong makasama sa iisang bahay si Kazi.

Like, we're going to live like husband and wife, less the marriage contract na lang. Ano kayang pakiramdam nang araw-araw na gigising at matutulog na kasama ang binata? Yung uuwi siya from work then I'm done cooking and vice versa since he will help me to build my own business.

"Okay. Then tell me when you want to move okay? I will send people to carry your things."

"Okay. Thank you, Kazi. I can't wait to live with you," pag-amin ko.

Suddenly, Kazi's smiling face pop up in my head. Hindi ko tuloy napigilan din ang pag-ngiti ko.

"I too, dove. Me too."

Pagkatapos ng pag-uusap naming iyon ay nagpaalam na siyang tatawag na lang ulit mamaya, kapag makakadaan siya ay pupunta raw siya rito na agad kong tinanggihan. Wala kasing tigil ang ulan at may ilang kalsada ng binaha, baka ma-stuck pa siya sa daan kung sakaling tutuloy siya rito.

Pwede naman kaming mag-video call o kaya magkita bukas, huwag lang ngayong masama pa ang panahon.

Jared's P.O.V.

SINUNDAN ko lang ng tingin ang papalayong bulto ng babae habang pilit inaalala kung saan ko ba siya nakita.

Unang beses ko pa lang siya na nakita sa office ng magaling kong pinsan ay namukhaan ko na ito pero hindi ko lang matukoy kung saan ko siya nakita. She really looks familiar. Napahinga ako ng malalim.

This is bad. Dapat ang inaasikaso ko ay ang paghatak ng mga investors para muling lumakas ang kumpanya ko at ang paghahanap sa nawawala kong fiancé. I should not following my cousin's girl like a stalker.

I sigh. But I cannot help it.

She's so interesting. Gustong-gusto ko siya. Wala akong pakialam kung sila pa ng pinsan ko ang magkarelasyon, but I want her to be mine. She should be mine. Napangiti ako sa naiisip na idea para maging akin siya.

Nahinto ako sa pagpapantasya ng magiging buhay namin ng biglang mag-ring ang telepono ko. Pangalan ni Ares ang nakita kong registered name kaya agad ko 'tong sinagot. Kapatid siya ni Aya, ang babaeng papakasalanan ko dapat ngunit biglang nawala.

"Yes, Ares?" Nag-umpisa na kong maglakad palapit sa kotse ko.

"Can you go here now? We have something to discuss about the wedding," he coldly said.

I smiled. Another thing kaya gusto kong pakasalan si Aya ay dahil sa kapangyarihan ng pamilya nila. Kapag nakasal kami ay maari na ring lumago ang company ko katulad ng sa kanila. Mahahatak nila ako pataas.

"Okay. Are you at your house or in your office? I'm actually near."

"Office. See you in five," he said before ending the line.

I rolled my fucking eyes. Such a bossy person. Kung wala lang akong kaylangan sa kanya ay hindi ko siya pagtitiyagang kausapin. Binuksan ko ang pinto ng kotse ko't sumakay na sa loob, pagkatapos ay nag-drive papunta sa kompanya nito.

Hindi naman ako naipit sa traffic kaya mabilis lang akong nakarating doon. I parked in front of the company. When I went inside ay binati ako ng guard pero tiningnan ko lang ito mula ulo hanggang paa. What a low rat.

Karamihan sa nakakasalubong ko'y tumitingin sa 'kin. They are greeting me but I give them no expression. Nang huminto ako sa tapat ng elevator ay maraming naghihintay na makagamit. Masama ko silang tiningnan.

'Di ba nila ako kilala? Nakikita na nila ako pero hindi pa sila tumatabi. I scoff. Ganito ang gagawin nila sa susunod na may-ari ng kompanya na 'to? I'm the future CEO, known in the world CEO. Dapat ay nirerespeto na nila ako ngayon pa lang.

Kapag ako na ang may-ari ng kompanyang ito ay matatanggal silang lahat sa trabaho. They should respecting me dahil magiging brother-in-law ko na rin ang may-ari nito.

Nang bumukas ang pinto ng elevator at nagsilabasan ang sakay ay nauna akong pumasok. Masama kong tiningnan ang mga empleyadong magtatangka sanang sumabay sa 'kin. I heard them murmuring something but instead na mainis ay nginisihan ko lang sila.

I pushed the closed button, next the top floor. I waited a couple minutes before ako makarating sa top floor kung nasaan ang office ni Ares. Humakbang ako palabas ng lift ng bumukas 'yon. His secretary is waiting outside.

"Sir, just wait here for a minute. May kausap lang po sa loob si Sir Ares," ani ng babae.

Inirapan ko siya. Paghihintayin pa talaga ako.

Lumakad ako papunta sa may waiting area. Dapat ay sa conference room na lang sila nag-usap ng ka-meeting niya ngayon para nasa office ako. Mukha ba akong pang-waiting area lang? Tsk. Umupo ako sa may upuan at sinenyasan ang babaeng lumapit sa 'kin na agad naman niyang sinunod.

"Make me a coffee, with cream and sugar. Make it sure it's good or else I will throw it on your face," I said bossily before looking at my watch. Kapag naglimang minuto at hindi pa lumalabas si Ares ay ako na ang papasok sa loob.

Tumalima naman agad ang assistant ni Ares papunta sa kanilang pantry. Ngumisi ako habang nakatingin sa papalayong likod nito. She's sexy.

Nawala roon ang paningin ko ng biglang bumukas ang opisina ni Ares. Lumabas doon ang isang matandang lalaki na seryosong nakatingin sa may elevator. He didn't even acknowledge my presence which makes my blood boil. Such an asshole.

Tumayo na ko't naglakad papunta sa office. I walked inside and closed the door. Nag-angat ng tingin si Ares na abala sa pagtipa sa computer nito. Tumayo siya at minuwestra ang upuan sa harapan.

"Sorry for keeping you wait, Jared. Matagal ka bang naghintay?" tanong nito sa malalim na boses.

Tipid akong ngumiti at umiling. Umupo ako sa upuan, "hindi naman. Actually kadarating ko lang."

Mabait kong sabi, pero sa utak ko ay pinagmumura ko na siya sa paghihintay niya sa 'kin.

Tumango si Ares saka seryosong tumingin sa 'kin. I started to feel na hindi maganda ang magiging usapan naming ito. Lalo na sa paraan niya ng pagtingin.

"Ano nga palang gusto mong pag-usapan natin?"

Ares sigh, "you know, my sister went missing . . . she run away, right?"

"Yeah?"

"And the reason of that is because we want her to married to Kazimir—"

"She will be married to me. Ako na ang pinalit sa kanya, hindi ba? Bakit niyo ngayon 'to sinasabi sa 'kin?" pagalit kong tanong.

Masama niya akong tiningnan.

"Sit down, Jared. We should talk calmly like civilized people," he said before resting his back on the chair.

I composed myself.

"Sorry," I apologized but my first are balled firmly.

"Yes, dahil kinausap lang ng Uncle mo ang Papa, but kung ako ang papapiliin I will not choose either of you because you are both not worth it for my sister's hand. But to please my father, I agree, and this is the fucking reason why my sister are now missing. And I want her back in our lives. In our family. Hindi magpapakita sa 'kin—sa 'min si Aya hanggang alam niyang may kasal na naghihintay sa kanya," mahaba nitong lintanya.

My jaw clenched.

"Are you saying is . . ."

"Yes. There's no arrange marriage anymore. Not you. Not Kazimir," he coldly said before pointing the door. "Leave now. That's all."

Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. My lips parted before smiling in an annoyed way. Padabog akong tumayo kaya bumagsak sa lapag ang upuan.

"NO!"

Malaya's P.O.V.

MAGDAMAG kaming nagka-usap ni Kazi. He was not able to come dahil binaha nga yung daan. Napalabi ako habang pinapanood ang binata habang nagto-toothbrush. Kakatapos lang kasi nito maghapunan at matutulog na. Nakasuot ito ng itim na sando at puting panjama. Nakakain naman na kami ni Liza at nakapaghugas na rin ako ng plato kaya naman pwdee na kaming mag-video call ni Kazi kahit ilang oras pa.

"Are you going to sleep after this?" he asked.

"I don't think so. Nakatulog kasi ako kaninang hapon. Baka manuod muna ako ng series bago ako matulog."

Nag-gargle si Kazi bago sumagot, "Okay. Let's watch a movie or series. What do you like to watch?" he asked.

"You will watch it with me?" I asked happily. He nod and then smile.

"Yes, dove, its Saturday tomorrow we can watch and sleep tonight."

Nagwala na naman ang mga paru-paru sa sikmura ko. Ang pinapanood ko kasi is Supernatural. This is the first time na mapapanood ko 'to since tinapos ko muna last time yung NCIS.

The story is about two brothers finding their missing dad that went hunting. Season one pa lang ako kaya 'di ko alam kung anong mangyayari.

I'm not using laptop, where I shared my screen so Kazi can watch the episode as well. The lights are out in my room at tanging ilaw from the laptop lang ang liwanag. While kay Kazi there's a lamp na bukas pa.

We started the series together where they are fighting a while lady. It makes me amazed how well the story. The man cheated on his wife kaya pinatay nito yung mga anak nila and then killed herself maybe because of guilt? It saddens me lang talaga.

Attentive rin namang nanunuod si Kazi noong nagu-umpisa. He is complimenting the cinematography and how good the actors. Nakakatuwa ngang may ganitong side pala ito. He is really focused sa kanila.

Nawala ang atensyon ko sa pinapanood ko ng mapatingin ako kay Kazi. Nakahiga na rin kasi ito katulad ko, and his eyes are closed. Kinabisado ko ang mga mata niya, hindi ko maiwasang mapangiti sa taglay nitong kagwapuhan. His pointed nose, thick eyebrows, sexy lips, and long eye lashes. Damn. Ang gandang genes na dala niya.

"Goodnight, Kazi . . . I love you," I whispered before closing my eyes.

*****

HINDI ako makapaniwala sa bilis ng paglipas ng mga araw. Because today is the last day we are going to pack our things and move out na. It's been a week since Liza agreed on leaving here. Nang maipasok ko na lahat ng damit ko sa loob ng maleta ay mabilis kong sinarado ang zipper nito.

The bed is already made at may nakatakip na kulay puting kumot dito para hindi malagyan ng alikabok. I rechecked if the windows are close right para hindi kami mag-alalang may makapasok.

Binaba ko sa kama ang maleta at hinila 'yon palabas. I only have two maletas kasi kaunti lang naman ang clothes ko and ilang pairs of shoes lang ang meron ako. Inilagay ko sa may sala ang gamit ko at saka kumatok sa pintuan ng silid ni Liza.

Nakabukas naman ito pero kumatok pa rin ako bilang respeto. She looked back at me.

Ngumiti siya.

"Tapos ka na maglipat?" tanong nito sabay tayo.

Tumango ako at pumasok sa loob ng kwarto niya. Umupo ako sa may gilid ng kama at pinanood itong mag-pack.

"Kaunti na lang 'tong ilalagay ko sa maleta ko. Yung iba ilalagay ko na lang sa kahon," ani Liza.

"Gusto mo ba tulungan kita? Wala naman na akong ibang dadalhin, eh," pag-aalok ko.

"Hindi na. Itanong mo na lang sa boyfriend ko kung nasaan na sila. Baka kasi malapit na sila rito."

"Nag-message siya sa 'kin kanina, papunta pa lang daw sila so we still have a plenty of time."

Liza smiled and nod. Tiningnan ko ang kwarto niya. This is the first time na makapasok ako rito. Her room is always closed. Ang ganda pala ng room niya. It's a combination of color pink and purple. Mayroong iilang gamit katulad ng vanity mirror na mukhang nabili lang online, there's a white cabinet also, and a ring light with phone holder.

She have a single bed sa may gilid ng window. Siguro kasi mag-isa lang siya kaya ganoon. More space nga naman.

"Kaunti na lang 'tong babalutin ko. Knows mo namang medj importante sa 'kin 'tong mga dadalhin ko."

"Ano ka ba okay lang. Take your time!" Tumayo ako at tinulungan siya sa paglalagay ng mga damit sa bag niya. Napakunot ang noo ko ng mapansing isang mamahaling dress ang hawak ko. Nagtataka akong tumingin kay Liza.

Hindi naman sa mapanglait ako, pero she will never buy this kind of cloth lalo na kung wala namang okasyon at hindi niya magagamit madalas. If she will attend a party like the last time she will rent a gown.

Napansin yata ni Liza na natigilan ako kaya lumingon siya sa 'kin. Bumaba ang tingin niya sa damit na hawak ko bago matamis na ngumiti.

My eyes widened in a realization.

"Oh, someone give that to you?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Oo." Kinuha niya sa 'kin ang dress at matamis na ngumiti. "Sa unang beses nakatagpo ako ng lalaking hindi ako binastos no'ng nagpaka-esccort ako. Alam mo bang hindi niya ko hinawakan sa parteng nakakabastos? Sa kamay at bewang lang siya nakahawak sa 'kin ng gabing 'yon. Tapos binigay pa niya sa 'kin 'tong dress na 'to dahil deserve ko raw," she said dreamily.

Napangiti ako. "You deserve naman talaga, and I'm happy someone treated you right, Liza."

Kinuha nito ang kamay ko at ilang beses pinisil. "Salamat. Salamat kasi aalisin mo ko sa hawla na 'yon. Kung 'di dahil sa 'yo . . . baka habang buhay ako nagsasayaw at nagpapaka-pokpok para may makain."

Hindi ko nagawang magsalita.

"Pero ngayon . . . magkakaroon na ako ng bagong pagkakataon dahil sa inyo ng boyfriend mo. Kaya sobrang thankful ako sa 'yo. Salamat ng marami, Malaya," naiiyak nitong ani.

Imbis na magsalita ay hinila ko na lang siya payakap. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro