Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Forty


CHAPTER FORTY

"MALAYA, who is he?" malamig na tanong ni Dakila.

Marahan akong dumilat at sumalubong sa 'kin ang nagtatangis bagang na si Kazi. Hindi na siya nakatingin sa 'kin bagkus nasa likod ko na. Mariin kong kinagat ang labi ko. Gusto kong magpapadyak sa inis. I'm not yet ready to introduce him! Not now!

"Dove, who are them?" mahinahon si Kazi which is not usual kaya mas nakakakaba.

"Ahm . . ." Dahil wala na rin naman akong choice ay umalis na ko sa may pinto para makapasok si Kazi. Nang nasa loob na ito ay sinarado ko ang pinto at inalalayan siyang maka-upo sa may sala.

The twins are now towering us nang ma-upo kami. Nakakahiya!

"Ahm . . . Kazi, they are my siblings," mahina kong ani. "Siya si Dakila and si Bayani naman yung isa. K-kadarating lang nila galing province." Tumingin ako sa dalawa at pinandilatan sila. "Boys, he is . . . Kazimir. M-my boyfriend."

"WHAT?"
"NO WAY!!"

Napangiwi ako sa reaksiyon ng dalawa, samantalang si Kazi sa tabi ko prente lang na naka-upo at nakatingin sa kanila. Pumaikot sa bewang ko ang braso ni Kazi at hinila palapit sa kanya. Napalunok ako. Ramdam na ramdam ko ang matatalim na tingin ng dalawa.

"Nice to meet you, boys. I'm Kazimir Vasiliev. I'm glad na nakilala ko na ang ibang pamilya ng girlfriend ko," ani Kazi. He didn't offer his hand sa dalawa kaya lalong napasimangot.

Tumikhim ako at bahagyang lumayo kay Kazi. Napatingin siya sa 'kin.

"Kazi, anong ginagawa mo rito? Hindi ba busy ka sa office?"

Hinaplos niya ang pisnge ko. "I bought you some medicine because you said you're sick. Akala ko walang mag-aalaga sa 'yo kaya ako nagpunta. Besides, I'm worried. Okay ka lang naman kasi kahapon," aniya.

"You're so thoughtful. Hindi naman na kaylangan, I already feel better . . . kaunti." Lies. Lies. Lies. Mabuti na lang at hindi ka si Pinocchio kundi abot na sa labas ang haba ng ilong mo.

"That's great, but don't worry. You are never a disturbance to me. Mas mabuti nga 'to, nakita kong ayos ka talaga," aniya. Hindi ko inaasahang pinadampi niya ang kaniyang labi sa 'king noo. Napapikit ako.

"Dove, take care of yourself, okay? I don't want you to be sick," paalala niya ng magtama ang mga mata namin.

Sunod-sunod akong tumango. I'm so drown with his gray eyes. Nakalimutan ko na ngang kasama lang namin ang mga kapatid ko at pinapanood kaming maglandian.

"EHEM! Wag PDA! Ehem!"

"Sobrang lapit! Ehem! Layo! Ehem!"

Natupol ang tingin namin dahil sa dalawa kong kapatid. Pasimple akong umirap at pilit na ngumiti sa kanila. Tumayo ako at tumabi sa kanila.

"Kazi, papapasukin ko lang sila sa—"

"No!"

"We're going to talk to him first!"

Pinandilatan ko silang dalawa. Not now! Like, they can't not now! Baka kung ano pang masabi nila ng hindi sayda kay Kazi.

"No, kami na lang—"

"Dove, let them. Gusto ko ring maka-usap ang mga kapatid mo." Nilingon ko si Kazi. Nakangiti siya sa 'kin. Nakaangat ang kamay hawak-hawak ang ilang paper bag na ngayon ko lang napansin. "Why don't you make us our meryenda habang kinaka-usap ko ang mga kapatid mo. Please?"

Nagpalit-palit ang tingin ko sa kanilang tatlo.

I can't decide kung iiwan ko ba sila or hindi. Kinakabahan ako sa kambal, lalo na kay Bayani. I know him!

"Ahm . . ." before pa ako makapag-make ng sentence na sasabihin ay namalayan ko na lang na hila-hila na ni Dakila ang braso ko papuntang kusina. Umawang ang labi ko. I tried to disagree but walang boses na lumalabas. Iniwan ni Dakila ang paper bags sa lamesa bago ako tinalikuran.

Gulat ko siyang sinundan ng tingin hanggang makabalik siya sa sala. Fuck. I'm really fuck kapag hindi nag-ingat ang mga kapatid ko! Shit! Malakas ang kabog sa dibdib akong tumalikod. Pinagpapawisan na ko ng malamig. I let a loud sigh and calm myself before ko kinuha ang paper bags.

Nilabas ko ang laman no'n. There's a few different fruits and some bread na mukhang mamahalin based on the name and the smell. I think it's a brand here in the Philippines. This is called Pan Casero.

I took out a cutting board and cut the bread. May dala ring chocolate spread si Kazi kaya ni-open ko, so if they want it to eat the bread with that makakapaglagay sila ng kanila. Nagtimpla na rin ako ng juice.

Kahit busy sa ginagawa ay hindi ko nakakalimutang tingnan ang tatlong lalaki sa sala. I can't hear them properly kasi may nakaharang na cabinet. Di ko rin naman masilip kasi makikita nila ako sa gilid.

DAKILA'S P.O.V.

"GAANO na kayo katagal na magkarelasyon?" seryoso kong tanong kay Kazi. Pwe!

Umayos ng upo si Kazimir at deretsong tumingin sa 'min. Bigla ring nawala ang emosyon sa mata nito kanina. Napalitan na ng emptiness at lamig ang buong mukha niya. I don't know why but I feel something is off about him.

And he gets my sister! My only sister!

Like we never really let her have a boyfriend. Or someone woo her without making background check on them. But this guy!

This guy got my sister! We don't know if he's a killer. Tss. Malaya should have done a background check kahit papaano.

"New as a couple. Ilang buwan pa lang, but I courted her almost a year din. Kayo, ba't ngayon ko lang kayo nakita? She never mentioned you before."

"Because we asked for privacy. Ikaw nga ngayon lang namin nakilala, eh," ani Bayani.

Pinag-krus ko ang braso ko sa tapat ng aking dibdib. "Paano naman namin malalamang malinis ang intensiyon mo sa kapatid namin? Paano ka namin mahahanap once na lokohin mo siya? Can't you give us your resume?"

"And tell us about yourself as well. Ano ang pros and cons ng pakikipag-relasyon sa 'yo."

Tinaasan ko ng kilay ang lalaki ng tumawa siya. Siraulo baa ng lalaking 'to? Wala namang nakakatawa, ah. I'm just curious.

"Is this an interview or a presentation?" He cross his legs. "Do you have emails? I can easily give my curriculum vitae and my pros and cons."

I was taken aback in his answer. Nagsalubong ang kilay ko at galit akong napatayo.

"Pinaglololoko mo ba ako?!"

"Dakila! You might want to turn it down! Baka marinig ka ni Malaya!" Bayani hissed.

Marahas akong tumingin sa kaniya, nakita kong tinuturo nito ang kusina. Nagtatakang nakatingin sa 'min. Pinilit kong ngumiti at bumalik sa pag-upo. Binalikan ko ng tingin si Kazimir. I frowned a bit. Bakit parang nakita ko na siya?

"Haha. You are easy to get angry, I see." He is still composed kahit umuusok na ang ilong ko sa kanya. Ang lakas naman ng loob niya. "My name is Kazimir Vasiliev, thirty-three years old. CEO of my own built company – Vasiliev Group of Companies. I own hotels and resorts worldwide. Now I'm trying my luck to enter the airline business. My pros, I'm a better boyfriend. I'll spoil my girl anything—"

"Then why are you not spoiling my sister? Does this look spoiled to you?!" Inis kong tinuro ang kabuuan ng bahay ni Ate. "You should give her a condominium or a house! She doesn't need to stay here! And buy her a car! Nice clothes!"

He smiled wickedly at me. "Oh, boy, you don't know how I'm spoiling your sister. Don't be a jerk to me, because I'm an asshole."

Hindi na ko nakasagot dahil sa pagbabantang nakikita ko sa mata nito. Damn! Ano kayang gulo ang pinasok ni Malaya at napalapit siya sa ganitong lalaki.

I feel something bad about him.

"And you're implying?" Bayani's turn to stir the man.

Kazimir sigh and look at us with his gray cold eyes. "You don't have to know that anymore. All you have to remember is I'm doing my best to be better boyfriend for your sister. Hindi ko naman siya pwedeng piliting umalis sa lugar na gusto niyang tirahan kasama ang kaybigan niya."

"Oh, kumain na kayo. Anong pinag-uusapan niyo?"

Nahinto si Bayani at umayos ng upo. Ganoon din ang ginawan ko dahil dumating si Ate dala-dala ang isan tray ng meryenda. Mayroong bread and juice.

Umupo si Ate sa gilid ni Kazimir. Inabutan pa niya ng juice at tinapay. Napatakip ako sa 'king bibig. I cannot believe it she's serving him?!

"Are you related to Jared V. Delos Santos?" Bayani asked again.

The name was familiar, I can't just pinpoint where I heard that. Nagtatakang tumingin si Malaya sa lalaki, naghihintay na rin ng sagot.

"Jared? Sino 'yon?"

"Some friend," ani Bayani. "So, kilala mo ba siya?"

Uminom ng juice si Kazimir bago ngumisi. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kislap ng galit sa mga mata niya. Galit saan? Kilala ba niya si Jared?

"Yes. I know him . . . he is my . . . cousin," sagot niya.

Tsk. Parang hindi pa siya sigurado sa isasagot niya, ha? Tss. And cousin? Does he know na—bigla akong natigilan sa naisip.

Napalingon ako sa kakambal ko. I think nagkaka-intindihan naman kami gamit ang mga tingin namin dahil tumango rin ito. Pinilit kong kumalma kahit gusto kong kwestiyunin ang lalaki ay hindi ko na rin ginawa. I don't have a heart to spoil my sister's happiness.

Dahil hindi ko na kayang tagalan pa ang pakikipag-usap sa lalaking 'yon na mukhang wala namang alam kung hindi manakit ay nagpaalam na kong papasok ng kwarto. Kasunod ko si Bayani na dali-daling sinasarado ang pinto.

Lumapit ako sa may gilid ng kama at umupo. Si Bayani naman ay sumandal sa may saradong pinto.

"Naiisip mo ba ang naiisip ko, Dakila?"

Sumeryoso ako at tumango. "Oo. Sa tingin mo ba may alam siya?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know, but we should ask the guy himself next time."

Naputol ang saglit na katahimikan sa pagitan namin ng mag-ingay ang telepono. It's not my ring tone kaya alam kong hindi sa 'kin 'yon. Lumakad palapit sa gilid ng isang maliit na lamesa si Bayani at kinuha ang phone niyang nakapatong doon. Humiga ako sa kama ng hindi inaalis ang tingin sa kanya.

"Sino 'yan?" tanong ko ng mapansing patuloy pa rin sa pag-ring.

Kinakabahan siyang tumingin sa 'kin sabay pakita ng screen ng phone niya. Namilog ang mga mata ko ng makitang pangalan ni Makisig ang nakarehistro doon. Bumalikwas ako ng bangon at nagmamadaling bumaba ng kama. Dinalawang hakbang ko ang pagitan namin.

"Should I answer him?" medyo may kaba na tanong nito.

Inungusan ko siya. "Malay ko! Ikaw sagutin mo! Baka mamaya hinahanap ka na niyan!" pagu-udyok ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng masama bago sinagot ang tawag. He put it in a loud speaker para marinig ko pero hininaan ko ang volume para kaming dalawa lang ang makarinig dito sa loob. I still can't trust that Kazimir!

"Where the hell are you, two, huh?! Nag-aalala na si Mama sa inyo dahil hindi kayo mahanap!" galit na bungad sa 'min.

Napangiwi ako. Bakit parang nakikita niya kaming magkasama. Napakamot sa batok si Bayani.

"S-somewhere, Makisig. Naglibot-libot lang," sagot nito. Nagkatinginan kami at pilit niyang inaabot ang phone sa 'kin pero tinatanggi ko 'yon hanggang sa hulihin niya ang kamay ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Panay ang mura ko sa isip ko.

"Bayani! Why are you not answering?! Nasaan ba kayo?!"

Napalunok ako.

"Answer it!" mariin kong bulong kay Bayani na nakatayo sa gilid.

Umiling siya sa 'kin. "Ikaw na!"

Para kaming mga tangang nagbubulungan. Muli kong tiningnan ang screen ng phone. On-going pa rin yung tawag. Napasampal ako sa noo ko. Shit naman talaga!

"H-hey!" Napangiwi ako ng marinig na magmura si Makisig sa kabilang linya.

"Hey?! Are you fucking kidding me, Dakila?! Where the fuck are you, huh?! Go home now or I will fucking make you!" gigil na gigil niyang sabi.

Nagkatinginan kami ni Bayani, kapwa may pangamba sa mga mata lalo na't alam naming malilintikan kami dahil nandito na sa Pilipinas si Papa.

Pinutol ko na ang tawag ng walang paalam. Ibinalik ko sa kanya ang phone.

"What should we do now? Magpapaalam na ba tayong aalis?"

"Oo. Mas delikado naman kung maabutan tayo ni Makisig dito. Okay ng makita niya tayo sa mall para akalaiing gumala lang tayo," sagot ko.

Kinuha ko ang bag ko pagkatapos nilagay doon ang ibang importanteng gamit. Ganoon din ang ginawa ni Bayani. At nang pareho na kaming matapos ay nauna akong naglakad palabas. Nasa sala pa rin sina Malaya at Kazimir.

Nga lang, nakakandong na ang kapatid ko sa hita ng lalaki.

Masama ko silang tiningnan.

Inantay lang talaga kaming makapasok, ha!

Lumingon sa 'min si Malaya. She frowned ng makitang dala namin ang mga bag namin.

"Oh, saan kayo pupunta?" nagtataka niyang tanong.

Lumakad ako palapit sa kanila bago huminto ng ilang dipa. Tiningnan ko siya sa mga mata.

"May lalakarin lang kami. Baka bukas o sa makalawa na kami makauwi," ani ko. "Tatawagan ka na lang kita mamaya." Pagkasabi ko no'n ay tumakbo na kami palabas ng bahay.

I heard my sister call my name but I didn't bother to look back. Ayoko. Naiinis lang ako lalo sa boyfriend niya.

Naramdaman kong naglalakad sa likod ko si Bayani. Huminto lang ako ng mapansin kong malayo na kami sa bahay ni Malaya.

Hinihingal na humawak sa balikat ko ang kakambal ko at pagod na tumingin sa 'kin. Naghahabol pa ito ng hininga. Nag-iwas ako ng tingin bago nag-umpisang maglakad ng mas mabagal. Sumunod siya sa 'kin.

"Fuck, bro! Ba't ka ba tumakbo? Hiningal ako sa 'yo!" reklamo ni Bayani sa 'kin.

Ewan ko rin kung bakit pero ng makapagpaalam ako kay Ate ay bigla ko na lang ginustong makaalis doon.

"So we can leave right away. Para hindi na rin magtanong pa yung boyfriend ni Ate kung saan tayo pupunta."

"Sa tingin mo ba hindi na magtatanong yun?"

I sigh. "Magtatanong, but I hope hindi na. Saka mas better na aalis tayo agad. Baka ipa-track ni Kuya ang phones natin malalaman niya kung saan nakatira si Ate."

Huminto ako at hinawakan sa magkabilang balikat si Bayani para magkaharap kami. Seryoso akong tumingin sa kanya.

"We cannot let Makisig and Papa to find her. We will hire her, even if it means we're not going back again." 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro