Chapter Fifty-Two
happpy new yearrrrr! na late ng bati at update, eh HAHAHAHAHHAH
---------------
CHAPTER FIFTY-TWO
LAHAT ng kulay na natagpuan ko noong nakatakas ako sa pamilya ko ay unti-unti ng naglalaho sa 'kin. Habang lumalayo kami sa taong mahal ko'y nauubos na rin ako. I only see gray and black.
Hindi tumigil sa pagbagsak ang luha mula sa mga mata ko. I already feel being suffocated. Nararamdaman ko na ang mga bakal na magpipiit sa 'kin sa kung saan man ako dadalhin ni Ares. If they are too strict before, I know it will be doubled this time.
Hindi na ko nabigla ng pumasok ang sasakyan sa loob ng isang magarbong bahay sa isang private subdivision. Huminto ang kotse sa front door ng mansion. The driver went out and open the door in my side while Ares used his own door to get out.
Masama kong tiningnan ang driver na naghihintay sa labas ng sasakyan. Panay kasi ang tingin nito sa 'kin at mukhang hininhintay akong lumabas. Hmp! Nadala nga nila ako rito pero hindi ko sinabing kusa akong lalabas mula sa sasakyang ito.
Umalis sa may pinto ang driver, pinalitan ito ni Ares na seryosong nakatingin sa 'kin. Masama pa rin ang tingin dahil nang maipit kami kanina sa matinding traffic ay sinubukan kong tumakas. Pinigilan ako ni Ares kaya sinapak ko ito. Tumama iyon ngunit ang mga sumunod kong atake ay nalabanan niya.
"Aya, don't make me come there and get you. Baba!" may pagbabantang anito.
Nag-cross arm ako. "Hindi ba't ayaw mo kong bumaba kanina? I'm just doing it. Pwede ba! Stop acting like I'm still a twelve years old! I'm old enough and can handle my—AHH!"
Napatili ako ng mag-lean in sa loob ng kotse si Ares at kargahin ako na para bang isang sakong bigas. Pinaghahampas ko ang likuran nito ng mag-umpisa siyang maglakad papasok ng mansion.
"You!!! Let go of me!!" sigaw ako nang sigaw na pakawalan niya ako ngunit napa-igik ako ng marahas niya akong ibinagsak sa mahabang puting couch. Masama ko siyang tiningnan ng makabawi ako. "Alam mo! You are such an asshole!!"
"Yeah, and I don't care," bale-walang anito bago tumalikod sa 'kin.
Tiningnan kong mabuti ang sala. Maganda. Simple but shouts with luxury as usual. Walang masyadong tao sa paligid I can sneak—bago ko pa man matuloy ang iniisip ko ay bigla na lang may nagsalita mula sa likuran. My body froze.
It's been a long time since I heard her voice.
Nangilid ang mga mata ko sa luha. My lips began to tremble.
"Ares, what are you doing here this early? Akala ko gagabihin ka pa," malambing na tanong ni Mama kay Ares.
"I saw something and bring it home, ma. Kaya maaga ako," ani Ares na para vang isa lang aso ang tinutukoy niya.
I heard her footsteps approaching, and her gasped echoed in this huge living area. Nang lumingon ako sa pinangalingan noon ay agad nagtama ang mga mata namin ni Mama. Nanlalaki ang mga mata nito at nakaawang ang labi na nakatingin sa 'kin. Her eyes are glistering from the tears na pinipigilang tumulo.
Tumayo ako at napa-atras ng hakbang ng bigla siyang lumakad palapit sa 'kin.
"Oh . . . M-Malaya."
Mama started to sobbed as she's looking at me. Napalunok ako. I don't know what to do anymore. Bumaling ako kay Ares na malamlam ang matang nakatingin kay Mama. Nanunuyo ang mga lalamunan ko. I want to say something but every time I open my mouth there's no words coming out.
"God . . . you look b-beautiful, anak," paos nitong sabi habang nakatitig sa 'kin.
Tiningnan ko siyang mabuti mula ulo hanggang paa. I want to ask what happened to her dahil sobrang namayat si Mama. You can see her white hairs na rin, unlike before na alagang-alaga iyon at nakukulayan pa. Malalim din ang mga mata nitong nakatingin sa 'kin.
Nang mapansin niya sigurong hindi ako lalapit sa kanya at binalingan nito si Ares pero hindi pa rin niya inaalis ang mga mata sa 'kin.
"W-where did you find your sister? D-dapat malaman 'to ng papa mo. C-call him, A-Ares," halos magmakaawa na si Mama rito.
Ngunit 'di pa man nasusunod ni Ares ang inuutos sa kanya ay may narinig kaming humitong makina ng sasakyan galing sa labas. Napabaling ako sa main door ng bumukas iyon. Iniluwa noon sina Bayani at Dakila na nagtatalo pa.
"I don't know where she lives now!"
"Bakit kasi hindi siya nag—"
They both stopped talking when they noticed me standing next to Ares and Mama. Parehong nanlalaki ang mga mata nila habang papalit-palit sa 'ming tatlo iyon.
"THE FUCK!" malakas na mura ni Bayani.
"Malaya! Hindi namin sinabi!" ani naman ni Dakila.
Pinilit kong ngumiti sa kanila, they run to me and hugged me tight. Paulit-ulit nilang binubulong sa 'king wala silang pinagsabihan. Na tinatago nila ako. And I believed them. I know they will not betray me.
"What the two of you mean? You know where she is all this time?!" dumadagungdong na tanong ni Ares sa 'min.
Nagkatinginan kaming tatlo.
"Yes, they knew kung nasaan ako," matapang kong ani. Inilagay ko sila sa likuran ko para ma-protektahan mula rito. "Huwag mo silang pagalitan. It's my fault dahil pinilit ko silang itago kung nasaan ako.'
I'm just thankful na pinatapang ako ng nagdaang taon para makasagot-sagot sa kanya ng ganito. If I was still the old Malaya I wouldn't have the courage.
I bit my lip and look at my mother na ngayon ay nakahawak na sa tapat ng dibdib nito. I sigh in my head. Mama open her arms, urging me to a hug. Dahil sa naalalang kwento sa 'kin ng kambal noon sa nangayri kay Mama ay lumambot na rin ang loob ko.
Mabagal akong naglakad palapit sa kanya at ganoon na lamang ang gulat ko nang makayakap ako sa kanya ay humagulgul siya ng malakas. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa 'kin na akala mo ako mawawala anumang sandali.
"Oh, my God! My daughter is b-back! Malaya is back!" anito sa pagitan ng pag-iyak.
Mariin akong napapikit ng maramdaman ang mainit na yakap nito. Hindi ko na pa pinigilan ang sarili ko at gumanti na ko ng yakap sa kaniya. We both cried after that.
I missed her so much.
I miss Mama so much.
I thought hindi ko na siya mayayakap ng ganito ulit. Gosh. I have a lot of stories to tell. And suddenly, I feel like I'm the young Malaya again, who's excited to end her class with her private tutors to tell stories to her mother about how her day went and what she learn.
"I missed you so much! I'm happy that you are back, baby," Mama said while hugging me.
After we cried our hearts in the living area, hinila niya ako papunta sa kwartong nakalaan para sa 'kin. She hasn't leave since she brought me here, samantalang sina Aris, Dakila at Bayani ay magkakasama.
"Anak, I hope you don't leave us anymore. Miss na miss ka na namin. Sobra akong nag-alala noong wala ka. Akala ko kung napano ka na. Look at your hair, baby, you shorten it," aniya.
Tipid akong ngumiti sa kanya. "Yeah. I find it better."
Ngumiti si mama habang nakatingin sa 'kin. Her eyes never left my face. I feel like kinakabisado niya ang mukha ko. Inaalam kung anong nagbago.
"Mas naging . . . buhay ang kulay mo, anak," mahina niyang bulong na nakarating din naman sa 'kin.
"Yeah. I learn how to live, ma," tipid kong sagot.
Mahal ko naman ang mama ko but sitting with her inside this room kinda makes me feel suffocated. I mean, almost two years . . . we don't have communication—syempre, I ran away, eh. In short lang naman para mas madali is maraming nangyari and hindi ko na alam kung paano sila papatunguhan.
I cannot act like how I was before because that is the old version of me. The old Malaya and I'm not like that anymore.
Mama sigh.
"You know what, your father will be glad na nandito ka na, anak. Ang tagal-tagal ka naming hinanap. He misses you so much."
I doubt that. Maybe he misses to scold me.
Huminga ako ng malalim.
I don't want to meet him right now. I don't think I can. So, I held my mother's hand and pushed myself to smile.
"Ma . . ." I called her.
She hummed.
"Can you please let me leave?" mahinahong kong tanong sa kanya.
Ang kaninang nakangiting mukha ni Mama ay napalitan ng pagkaseryoso at lungkot.
"Why?"
"B-because I have a life already, ma. I-I don't belong in this . . ." Inilibot ko ang tingin ko sa lugar. "I don't belong here anymore."
Umiling siya sa 'kin at hinawakan ang magkabila kong pisnge. Ngayon ay hindi na ako maka-iwas ng tingin sa kanya.
"You . . . belong here, Malaya. This is yours," puno ng diin niyang sabi.
Mariin ko na lamang na itinikom ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Kamuntikan ko ng makalimutang hindi ako mananalo pagdating sa kanila.
Maybe she felt that our moment is already done, so, she left the bed, kissed my forehead before leaving. Nang ako na lang mag-isa ang nasa kwarto ay napahiga ako sa malambot na kama. I closed my eyes while feeling the softness of the mattress. Kazi's bed is soft like this but his is much warmer. Unlike this room.
It feels so cold.
Dumilat ako.
Baka nag-aalala na siya sa 'kin. Ilang oras na rin akong nawawala at siguradong tumawag ng tulong sa kanya si Liza. Bumangon ako sa pagkakahiga at tiningnan ang kabuuan ng kwarto. Walang teleponong nakakabit dito kaya lumapit ako sa may veranda. Lumabas ako at tumingin sa ibaba.
Hindi masyadong mataas. I think I can go down using some rope, or sheet na itatali. Wala rin namang nagbabantay kaya siguradong makakatakas akong muli. I'm thinking my plan na ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko.
Mabilis akong lumingon. Pumasok sa loob sina Dakila at Bayani. Parehong may tipid na ngiti sa labi at nahihiyang nakatingin.
Nginitian ko sila. Lumakad ako palapit sa kama kung saan silang dalawa umupo.
"Hi," mahina kong bati.
But then, Dakila started to tear up na ikinalaki ng mga mata ko. Hinawakan ko ang pisnge niya at nagtatanong na tumingin.
"I-I'm sorry, Aya . . . i-its because of us, s-sorry we didn'—"
I laugh softly, "oh, don't be sorry, Dakila. I know you two didn't do it. Nakuha ako in a way na hindi ko akalain."
Saglit itong natigilan. Kinunutan niya ako ng noo.
"Huh?"
"What do you mean?"
Sabay pa silang nagtanong ni Bayani. Punong puno ng katanungan ang mga mukha nilang nakatingin sa 'kin.
"Well . . . will you believe that I was caught in my friend's condo unit? He was there talking to her. Kaya ako nahuli dahil nagkagulatan kami and he already got me. Kaya I know na hindi niya ko sinumbong dahil ni hindi niyo alam kung saan ako lumipat," mahinahon kong paliwanag.
"Yes. Nagpunta nga kami sa bahay niyo pero sarado. Sabi ng neighbours niyo lumipat na kayo pero hindi alam kung saan," Bayani said.
"Yap. We thought na tinaguan mo na kami," dagdag ni Dakila.
Umiling ako, "you remember Kazi, right? I'm already living with him, and Liza is living in a condo unit below his penthouse."
I smiled happily but I remember how I was caught. Napalunok ako at nawala ang saya ng maalalang nakakulong na naman ako. I will never be happy again.
"That asshole! Hindi man lang niya pinaalam sa 'min!"
"Oo nga! You shouldn't be living with him without marriage!"
Hindi ko na napigilan ang pagtawa dahil sa sinabi ni Bayani. Nakakaloko ko siyang tiningnan.
"Ilang buwan na ba kayong nagi-stay sa Pinas to be that conservative? It's okay to lived with your partner in Santorini," natatawa kong tanong.
Pero mukhang seryoso ang dalawa dahil lalo lang nila akong sinimangutan. Nag-cross arm pa at parang magulang na manenermon.
"Kahit na. We're still Filipino and mom teaches us not to go lived with someone without the assurance."
I rolled my eyes.
"I think it's too late to be protective of me," I whispered to myself but I think nakarating sa kanila 'yon kaya sabay silang umungol.
Tinawanan ko lang sila ng malakas at saka niyakap ng mahigpit. Nasa ganoong posisyon kami ng biglang bumukas ang pintuan. Pumasok ang isang katulong.
"What is it?" tanong ni Dakila.
Saka pa lamang ito nag-angat ng tingin at deretso pa sa 'kin 'yon. Humiwalay ako sa mga kapatid ko at dumeretso ng tayo.
"Pinapatawag po kayong tatlo sa dining room. Naroroon na po si Sir," magalang nitong wika bago nagpaalam na aalis na.
He is here already.
He'll be disappointed and glad that I'm now caught, for sure. He will make me marry someone I don't know again. In that thought, my hearts began to feel heavier while it's pumping very fast.
What do I expect? I'm nothing but a thing to be given away for him. Hah, so much for a loving father.
Nawala roon ang pag-iisip ko ng maramdamang may humakay sa kamay ko. I saw Dakila, ilang beses niyang pinisil ang kamya ko. Pilit akong ngumiti at gumanti sa kanya.
Sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto ko at nagtungo sa kusina. Habang pababa ng hagdan ay pumuwesto sa magkabilang gilid ko sina Bayani at Dakila para alalayan akong makababa. I can already feel my palm sweating.
When we reach the kitchen it is so quiet. Father is sitting on the center like a king he is and mama sits on his right. What a powerful couple.
Nakaupo si Ares sa kaliwa ni Papa like a prince who has more than two horns on his head. Lumakad kami papunta sa pwesto ni Ares. Dakila pulled a chair for me then I sat down, then they sit next to me. This is our routine before.
Mama looked at one of the staff, then they move. Putting foods on our plates. I bit my lips while looking to the maid serving me. She was just about to put food into my plate when I held her hand. She seems startled because of it.
"You don't have to. I can do it," mahina kong wika sa kanya bago siya binitawan. Then, I pick the food that I want. Napatigil lang ako ng mapansing maraming mata ang nakatingin sa 'kin. Nang mag-angat ako ng tingin ay kitang-kita ko ang mga magulang ko at si Ares na nakatingin sa 'kin na para bang isang malaking bagay ang ginawa ko. Pero kina Bayani at Dakila wala namang kaso at kumakain silang mabuti.
"What? Can't I serve my own plate?" pairap kong tanong sa kanilang dalawa.
Pinunasan ni Papa ang labi niya.
"You learn a lot. Didn't thought that you will be able to serve yourself," mapanuyang ani Papa.
"Yeah, paano nga naman malalaman when you locked me up like a prisoner. Outside is much more better," puno ng pait kong sabi.
Bigla na lang bumagsak ang spoon and fork ni Ares na masamang nakatingin sa 'kin. Inirapan ko lang siya at dinala sa bibig ko ang pagkain.
A loud silece surrounded us. Mama is worriedly.
"Ahm . . . do you want anything else, Aya? Or you—"
"You don't have to. I don't have an appetite." Tumigil na ako sa pagkain at seryosong tumingin sa kanila. "I cannot play this game anymore. I cannot seat here while you are trying to manipulate my life again."
"Manipulate? All we want is for you to have a good life!" asik ni Ares.
"Which I'm thankful for! But choosing someone to be with me for the rest of my life is the line you all have crossed! Why you cannot understand that I only wanted to be free of my life? Like to choose my boyfriend! Like I have one, he is the nicest guy in the whole world. He treats me like a queen even though he knew I'm from nothing! That kind of love is what I want!" matapang kong wika sa kanila.
Nagtataas baba ang dibdib ko.
I wait for my father's reaction dahil kanina pa ito walang emosyong makikita sa mukha. My mother is already sobbing softly while looking at me while Ares is actually mad. Pero sina Dakila at Bayani ay tahimik lang na nakamasid.
"Wow. The power of love, Malaya. Hm . . . let's see, who's this guy?" mapang-uyam niyang tanong.
"His name is Kazimir. Kazimir Vasiliev," I proudly said his name. "He is the best man I know. He treats me well, Papa. He loves me!" pinagdiinan ko ang salitang love.
"The fuck?!" malakas na mura ni Ares.
Nagtataka akong tumingin dito dahil sa asta niyang iyon. I can already imagine the smoke getting out of his ears because of his red face.
Then I looked with my father. Ang kabang-kaba ako dahil hindi man lang ito nagre-react, akala ko nga lalabas na sa dibdib ko ang puso ko. Pero natigilan ako ng biglang tumawa ito ng malakas ngunit walang saya roon.
Naguguluhan akong tumingin sa kanya bago ako lumingon sa kambal na puno rin ng pagtataka ang mga mata na nakatingin sa 'min.
"You just prove to me that you are so naïve, my kóri. So naïve that you are fooled by a man," he said with a glint of anger.
"What do you mean?" my heart is pounding hard. "What do you mean?!" pasigaw kong tanong ng hindi niya ako sinagot no'ng una.
Malamig siyang tumingin sa 'kin.
"Because Kazimir Vasiliev is supposed to be your fiancé."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro