Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifty-Four


CHAPTER FIFTY-FOUR

ZAMBALES.

I read the province name in the arc when we stopped for some passengers to get down from the bus. Napangiti ako dahil kahit wala pa sa mismong bayan ay may nakikita na akong dagat. Habang nakatingin sa dagat at na-engganyo na rin ako, kaya bago pa man umandar ang bus ay bumaba na rin ako.

Pinanood kong lumayo ang sinasakyan kong bus hanggang mawala ito sa pangin ko. Humarap ako sa malawak at maputing dalampasigan at napangiti. Naglakad ako papunta roon. Hindi pa man ako tuluyang nalalapit ay parang tinatangay na ng agos lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nang malapit na ako sa dulo ay hinagis ko sa buhangin ang mga gamit ko. Hinubad ko rin ang suot kong sapatos saka luamakad papunta sa basang bahagi ng dalampasigan. Hinarap ko ang dagat at tipid na ngumiti.

Pumikit ako. The sounds of the waves started to calm the chaos in my head. I sigh loudly. Dumilat ako at naglakad patungong dagat. Huli ko na bago na-realize na nagtatampisaw na ako sa tubig. Napatili ako ng dumampi sa balat ko ang malamig na tubig ng dagat. Tumawa ako ng malakas dahil doon.

Nagtampisaw lamang ako sa tubig, not minding anything, just living the moment.

Paharap sa langit akong nagpalutang sa tubig, I'm still wearing my clothes but I didn't mind. Its just clothes.

Unti-unti ng nagliliwanag ang kalangitan. Nagpapasikat na si haring araw, humahalik na rin ito sa tubig.

Para akong bumalik sa pagkabata.

Walang restrictions. Walang magagalit. Walang nagbabantay. Walang media na nakasunod. I feel free.

Freedom at least.

********

"OH, ayan na pala si Malaya."

Nakangiti kong sinalubong sina Aling Fely na may dalang sariwang isda. Nagmano ako sa kanila.

"Mabuti naman at nandito ka na. Halika, kumain ka muna ng almusal," masiya nitong aya.

Umiling ako at hinawakan ang kamay niyang nasa braso ko

"Hindi na po muna, Aling Fely. Kailangan na po kasi nina Kuya Francis yung isda dahil maraming bisita sa resort," magalang kong paalam.

Nakakaintindi itong tumango. "Oh, siya. Siya. Sa susunod ay mas agahan mo pa ang punta rito para makapag-almusal ka man lang."

"Sige po." Pagkatapos noon ay kinuha ko na ang isang basket na may lamang isda. Katulong ko ang isa sa apo ni Aling Fely dahil masyado iyong mabigat kung ako lamang mag-isa ang magdadala.

It's been six months since I left the city. Sa loob ng mga buwang iyon ay marami na ring nangyari sa 'kin.

I learn to live with the truth. Because for the first time, I used my real name here. And ang nakakatuwa, hindi nila ako kilala. Nag-apply ako sa beach resort bilang isang house keeper, pero madalas ay para na rin akong manager since ako ang bumabati sa mga guest na dumadating at nagi-stay. Ako rin ang may hawak sa supply namin ng seafoods.

Tinuro ko sas mga bata ang paglalagyan nila ng balde at doon nila pinatong. Before they left I gave them some macaroons as a thank you.

Saktong kakapasok lang ni Niño sa loob ng kusina. Ang head chef namin.

"Good morning, Aya!" masiglang bati nito.

"Good morning din! Nga pala, Niño, nakalimutan kong ibilin kagabi na may darating na guest, sabi ni Sir dapat daw ay medyo classy yung pagkain natin today," mahinahon kong paliwanag.

"Ah, oo, nasabi niya na sa 'kin 'yan kagabi pero salamat sa pagpapaalala. Nakakain ka na ba ng almusal? Gusto mong ipagluto kita ng almusal?"

"Hindi na. May aayusin din ako sa labas. Salamat!"

Pagkatapos kong magpaalam ay lumabas na ko ng kusina at nagtuloy sa reception kung saan ko nakita ang iba naming tauhang nagbubukas na. Binati ko lang sila ng magandang umaga bago nagtuloy sa may dalampasigan. Eight o'clock pa ang duty ko kaya may isang oras pa akong manuod ng pagsikat ng araw.

In those six months ay wala akong naging communication sa kahit kanino sa kanila. I can say that I healed while I'm here. Still healing.

I'm still in the process of trusting myself and other people since what happened gave so much trauma on me. Naalala ko pa noong nag-apply ako sa resort, I have to make sure, hindi lang double check ang ginawa ko para masiguradong walang kinalaman ang mga magulang ko o si Ares sa pagkakatanggap ko rito.

Forgiving those people who don't even sorry for what they did is kinda hard . . . but I'm trying. In every possible way, I'm trying. Pero I don't want to rush besides, natuto rin naman ako. Na-realize ko ang mali ko.

I should not run away and lied about for who I really am, because I'm a unique individual and changing myself just to fit in is not good. First, I was wrong to fake my identity, like it's a crime, and I just committed it. I should be honest to my partner as well, kung naging honest lang siguro ako . . . ganoon din siya sa 'kin.

My parents . . . remembering our last conversation makes me sad, always. Nagsisisi ako sa mga sinabi ko sa kanila. I shouldn't speak when I'm mad, because I says words that I will regret afterwards that hurt them.

Ang daming realization kapag tinanggap mo pala sa sarili mo ang mga nangyari. Ang dami-dami.

Someday, makakapag-sorry din ako sa kanila, sana lang sa panahong magkita-kita kami ay napatawad ko na sila 'cause now, I don't want to rush things. I only trust the process of my healing.

"Wow, this place is beautiful!"

Napalingon ako bigla sa nagsalita. I blinked multiple times while looking at her. Mabilis akong napatayo.

"L-Lei wonders," puno ng paghanga kong tawag sa pangalan niya.

Nakangiti siyang kumaway sa 'kin at naglakad palapit. Hindi ako makapaniwala. My idol is just here! Standing next to me!

"Ahm . . ."

"Ang ganda naman dito and you know my name, ha! Kilala mo ba ko? Nanunuod kang videos ko?"

Tumango ako, mas lalo itong ngumiti.

"Y-yes . . . I-I'm Malaya Vasilios, by the way." Kabado kong inilahad sa harap niya ang kamay ko.

Malawak niya akong nginitian at inabot ang kamay ko para i-shake hands.

"I'm Lei Wonders. Thank you sa pag-support sa 'kin! Sobrang thankful ako sa inyo!"

Nag-umpisang mamasa ang mga mata ko. Remembering how she inspire me to run and live my life.

"And I'm thankful to you as well. You inspired me to . . ."

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napa-iyak na ako. Sinalo ko ang pisnge ko upang itago ang pangit kong pag-iyak. Yumakap sa 'kin si Lei Wonders.

"Oh, bakit ka umiiyak?!"

Umiling ako at lumayo sa kanya. Pinilit kong ngumiti.

"I-I'm just h-happy I meet you in person . . . you inspire me to live my l-life . . . to make my own journey!" I cannot help but to stutter.

"Iiyak na rin tuloy ako! I'm glad na nakatulong ako sa 'yo," aniya at niyakap ako ng mahigpit. Gumanti ako ng yakap sa kanya.

Matagal din kaming nasa ganoong posisyon bago niya ako inayang umupo sa buhangin at laruin ang tubig.

Nakatingin kaming pareho sa kalmadong karagatan, kung saan unti-unti ng napupuno ng mga tao.

"Ano nga palang work mo rito?" tanong niya.

"House keeper pero minsan nagre-greet din ako sa mga bisitang dumadating, ako naga-accommodate sa kanila."

"Ahhh! Okay. Hindi ba nakakapagod 'yon? Naglilinis ka na ng room tapos nag-aasikaso ka pa ng mga bisita?"

"Nakakapagod lalo na yung ibang bisita hindi naman iniiwang maayos yung rooms nila, bale double work pa. Tapos yung ibang guest na darating hindi rin naman mabait," paliwanag ko. When I first started to work as a cleaner, grabeng iyak ko dahil hindi naman ako naglilinis noon sa 'min ng madalas. Kahit sa bahay ni Liza kwarto ko lang ang nililinisan ko, and hindi pa masyadong marumi 'yon.

"Wow. I'm amazed. Pero, you're fluent in English. Nakapag-aral ka ba?" curious niyang tanong.

I nod, "yes. I finished college. Like I told you, you inspired me to live myself kaya ako nandito." I cannot help to be sad.

"I'm happy na ginagawa mo na 'yon ngayon. Kaya nga YOLO an gating pinaniniwalaan, 'di ba? Kasi we only lives once, kaya maging masaya ka na, masaktan, magpatawad, makasakit, mag-sorry, mag-enjoy at mabuhay para at the end of the day, hindi ka magsisisi at wala kang regrets na sana pala ginawa mo 'yung gano'n noon."

"Yeah. But can you forgive people who wants to control your life? Cutting them off is the key right?" I asked.

"Yes and no, since its depend on how they treated you. I don't want to be toxic, ha, pero kasi depende 'yan. Yung iba naman kasi, like sa case ko, hindi naman nila ako pinakitaan ng masama, minahal nila ako ng buo at never pinaramdam na may kulang sa 'kin, hindi nila ako pinagbuhatan ng kamay o kaya naman minaltrato pero ang ayaw ko lang sa kanila is yung may pagka-toxic yung mindset nila minsan. Well, don't think I just let them be like that, actually, it's a no, kapag ano pinagsasabihan ko sila, but do I cut them off? No, because I know I can easily shrugged their opinions. Pasok sa kanan, labas sa kaliwa. Mas pinapahalagahan ko yung mas maganda nilang nagawa sa 'kin kesa sa bad. Pero kung toxic naman, sinasaktan ka, walang ambag sa buhay mo or lahat ng kabaliktaran ng sinabi ko kanina, you can cut them off. Depende lang talaga sa pagtingin mo sa bagay 'yan. It's your choice. Basta piliin mo kung saan ka may peace," mahaba niyang paliwanag.

Mahina niyang tinapik ang balikat ko.

"Basta wag mo lang i-pressure ang sarili mo, ha. You can cut them off kahit naging mabuti sila sa 'yo. Like I said, it's based on our experience. Choose to listen to the calmness of this." She pointed the part of my chest where my heart is, "than to this." And pointed my head.

After she said that ay nagpaalam na siyang babalik sa kaniyang kwarto. I said thank you for her advice. While watching her back, I smiled.

"Maybe what I'm doing right now is good. Slowly while trusting the process. I have to listen to this." Itinapat ko ang palad ko sa 'king dibdib, "than to this." Using my free hand I pointed my head. I nod.

Okay. I understand.

****

AFTER a long day of working—such as cleaning vacant rooms, entertaining the guests, checking the kitchen if something is missing or need to restock I can now finally rest. By eating a burger, fries, and ice cream on the shore while watching the sun to go down and listening to the waves.

Kakaiba talaga ang peace na dala ng mga alon sa pandinig ng tao. This is the life I wanted since the beginning. Peaceful. And tomorrow, I will teach people to surf bukas, and gosh, I'm so excited since it's been week's simula no'ng huli akong mag-surf. And today magtuturo pa ako kaya mas lalong exciting.

Uubusin ko na lamang ang pagkain ko at papasok na rin ako sa cottage ko. Which is nasa likuran ko lang din naman. When I entered here as a worker, they made me choose, dorm with other workers or my own na ikakaltas na lang sa sweldo ko. I choose my own bungalow since I'm living alone and don't support any family yet.

I choose the one farther to the resort and to people, it has it's own beach, too kaya mas lalo kong nagustuhan.

Mas better na mag-isa muna ako kaysa may kasama dahil I'm still working on my trust issues. But this is better. I have peace.

Kasabay ng tuluyang paglubog ng araw ang pagka-ubos ng pagkain ko. Niligpit ko na ang mga pinagkainan ko't naglakad papasok sa bahay. Since mag-isa lang ako, kahit anong oras ako umuwi ay okay lang pati na kung makalat ako o hindi.

Pagpasok ko sa loob ng bahay binuksan ko lang ang ilaw at nagtungo na sa basurahan para itapon ang mga hawak ko. And then, I went to my room to take my towel since I'm going to take a shower. I feel so sticky dahil sa mainit na panahon kanina.

It was quick lang naman dahil anong oras na rin, when I finished I went inside my room and change into my nighties. It is a red silk see-through nighty. Pinatuyo ko muna ang buhok gamit ang blower before humiga sa kama.

Then I opened my laptop.

Simula ng tumira ako sa Zambales ay napakadalang kong gumamit ng phone, I used the resorts landline kung may need akong kausaping tao. But I usually use my laptop to copy the pictures I've taken using my DSLR camera. I took a lot of pictures kanina sa beach. Some are scenery and some guest na nagpa-picture.

Inilipat ko lahat sila sa laptop and I put it in the drive where other staff can access to post it on our social media pages.

Nang matapos ko ang pinaka-last task ko ngayong araw ay pinatay ko na rin ang laptop ko. Ipinatong ko sila sa side table bago pinatay ang ilaw. Wala na akong AC or electric fan since palaging malamig ang simoy ng hangin dito.

My windows are open kaya nakakasilip ang buwan at dagat sa 'kin. I sleep with a smile afterwards.

********

WHEN I woke up the next day I feel so energize. Ginawa ko lahat ng gawain ko sa bahay bago ako nagbihis ng uniform ko sa tuwing nagtuturo ako ng surfing. A short-shorts that it looks like a granny panties and a black tee. The most comfortable one I have.

Humarap ako sa salamin, I tied my hair into pony before leaving the house. Pagdating ko sa main beach ay marami ng naghihintay na guest kasama ang ibang kasama kong magtuturo. Nakangiti ko silang sinalubong.

"Hi! Ready na ba kayong matuto mag-surf?!" excited kong tanong sa kanila.

Naghiyawan sila at tumango. Tumabi ako sa isa sa mga kasama kong instructor. Nasa lapag na ang isang surfboard na gagamitin ko pang-demonstrate sa kanila.

"Sino mga beginners' dito?" Nagsitaasan ng kamay ang karamihan sa mga guest. "Okay, then, lapit kayo sa 'kin and yung mga may experience na sa mga kasama ko kayo lumapit para ma-refresh sa inyo ang dapat niyong gawin. Thank you!"

Sumunod naman sila sa 'kin and lumapit yung mga wala pang experience sa pagsu-surf. Pinakita ko sa kanila ang board ko.

"Hi, my name is Aya and I will be your instructor to surfing. The first thing you have to know about it is boards because we have different kind of surfboard to use. There are five, the shortboard, fish, funboard, longboard and gun but since you all are beginners, you are going to use this funshapes." Kinatok ko pa ang board na nakatayo sa gilid ko.

"So, ready?"

They nod.

"Okay. The first thing you have to do is to watch waves, okay? Small or big, it's the same waves that we will ride on. Ang pinagka-iba lang is kung paano natin sasakyan. When you're in the water already, you have to paddle on your sides until you caught the wave, and if you're not sure if you caught it, you have to paddle twice. And then you have to put your both hands flat on the surfboard next to your chest. And do push ups, dapat yung toes niyo is nakatingkayad sa dulo para magkaroon ng space yung katawan niyo sa board.

Then, when going up, dapat hindi tumatama yung tuhod, legs, and waist niyo sa board. After this slide your back foot forward on the board. Dapat kapantay niya yung isa niyong knee before sliding your front foot between in your hands. Habang tumatayo kayo dapat nakahawak pa rin kayo sa board para mapanatili niyo yung stableness niyo, and maintains the speed. When you are stable and comfortable, let go of the board and keep your knees bend while riding the wave. Do you understand?" Ginagawa ko rin ang mga pinapaliwanag ko para makita nilang mabuti.

I looked at them. Some of them are nodding but some didn't give a nod. Gusto ko na lang umirap. Kapag 'tong mga 'to nalunod mamaya sa waves walang sisihan, ah.

Pinaliwanag ko uli 'yon hanggang sa tingin ko naman ay may naka-gets na. Pagkatapos, dinala ko na sila sa tubig at doon sila pinagsanay. Pero hindi mag-isa, kasama nila yung kasamahan kong isa.

Umupo ako sa buhangin at pinanood ang mga kasama kong mag-take over. Kitang-kita ko kung paano bumagsak yung iba sa tubig na kinatawa ko.

"AYA!" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro