Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Fifteen

CHAPTER FIFTEEN

ISANG linggo ang matuling lumipas simula ng maligaw-ligaw ako pagpasok sa office. Hindi na naulit ang bagay na 'yon dahil nga may phone na ako. Madalas tinatanong ni Mr. Vasiliev sa 'kin kung nasaan na ko para ma-check niya.

Pinatunog ko ang leeg ko habang nakatingin sa screen ng laptop ko. Saturday today at walang pasok sa office, pero may inuwi akong trabaho para pagpasok sa lunes walang masyadong gagawin.

Inabot ko ang tasa ko ng kape at uminom doon pagkatapos ay nag-type na ako ulit. Ginagawa ko ang presentation ni Sir para sa Tuesday. Actually, wala naman ng masyadong gagawin dito. Nire-recheck ko na lang kung tama ba yung data na nandito at sa hawak ko.

"Wow, busy-ng busy ka naman diyan, bossing!"

Mahina kong tinawanan ang sinabi ni Liza. "Kaylangang tapusin para hindi busy sa Monday," sagot ko saka ni-save ang gawa at lumingon dito. "Ang aga mong gumising," puna ko.

Ten am pa lang kasi ng umaga. Hindi pa ako nakakapag-saing. Umupo ito sa katabi kong upuan, nag-angat ng isang mug at nag-umpisang magtimpla ng kape niya. Humigab pa ito.

"Sabado kasi ngayon. Kaylangan nating maglaba ng damit kung gusto mo lang namang may masuot sa lunes," aniya.

Namilog ang mga mata ko. "Oh, today pala 'yon?" Tumingin ako sa basket na nasa tabi ng pintuan ni Liza. "Kaya nakalabas yung basket mo?"

"Oo. Natulog lang ako sandali para hindi pagod kapag naglaba. Yung damit mo ilabas mo na rin kasi lalabhan natin 'yan," utos nito saka kumagat sa monay.

Tumango ako. Binigyan ko ng huling tingin ang bawat slides sa powerpoint bago ni-send kay Mr. Vasiliev, aaralin niya kasi yung report.

"Sige. Kukuhanin ko lang yung damit ko tapos lalabas na rin ako," ani ko habang pinapatay ang laptop.

"Okay."

I stand up and bring my laptop with me in my room. I put it in the middle of the bed before taking my dirty clothes. Lahat ng madumi ay nilagay ko sa basket bago lumabas ng kwarto. Wala na si Liza sa kusina. Sa tingin ko'y nasa harapan na siya dahil nakalapag na ang mahabang hose papuntang labas.

Sinilip ko kung anong ginagawa ni Liza sa labas. Ibinaba ko ang basket sa tabi at lumabas. Pinupuno niya ng tubig ang dalawang malaking tub. I can't remember what it is called pero doon naglalaba si Liza.

"So, anong gagawin ko?" tanong ko, nakakahiya naman kasing wala akong maitulong man lang sa kanya. Marahan itong lumingon sa 'kin saka tinuro ang tindahan.

"Bumili ka muna ng tide tapos zonrox. Pagkatapos ilagay mo dito yung isang pack ng tide." Tiningnan ko ang tinuturo nito. Tumango ako.

"Okay." Pumasok ako sa loob ng bahay para kumuha ng pera. I took two hundred pesos pambili. Habang naglalakad papunta sa tindahan, I can feel the gaze of people. I wonder why? Palagi naman nila akong nakikitang pumapasok and umuuwi pero why sila nakatitig sa 'kin?

Matipid akong ngumiti sa mga babaeng nakatayo sa tabi ng tindahan nang makarating ako do'n. Hindi ko pa sila maintindihan dahil masama ang tingin nila sa 'kin habang nagbubulungan. Inalis ko ang tingin sa kanila at sumilip sa tindahan. Nakatingin sa 'kin ang matandang tindera.

"Pabili po ako ng six na tide tapos po zonrox," pag-uulit ko sa sinabi kanina ni Liza.

Nakapamewang itong tumingin sa 'kin. "Aba, aba. Sino ka naman, ha?! Bago kang recruit ni Liza? Aba, baka uutang ka lang, ha!" galit niyang sabi.

Dalawang beses akong umatras dahil sa gulat. Bakit siya nagagalit? Wala naman akong ginawang kasalanan sa kanya?

"Ba't po kayo galit? W-wala naman akong ginagawa sa inyo . . . I'm not her recruit pa. Kaybigan niya ako m-mula sa p-probinsiya. P-pwede ko na po bang makuha 'yung binibili ko?" mahina kong tanong.

Namula ang mukha ng matanda kasabay ng paniningkit ng mata nito bago padabog na tumalikod. Inigahis nito ang mga pinamili ko sa pasimano.

"Otchentay singko," sabi nito sabay paglalagay sa mga binili ko sa plastic.

Umawang ang labi ko. Otchentay singko? How many is that? Alanganin akong tumingin dito.

"M-magkano po 'yon?" mahina kong tanong.

Inirapan ako ng matanda. "Maganda nga, tatanga-tanga naman," narinig kong bulong nito na nakarating naman sa pandinig ko. Napayuko ako sa kahihiyan.

"Eighty-five. Akin na!" marahas nitong dugtong pagkatapos.

Nanginginig kong inabot ang buong one hundred sa kanya bago kinuha ang pinamili ko. Mahigpit kong hinawakan ang plastic. From where I'm standing, I hear the girls murmur something while laughing and looking at me.

Parang gusto ko ng lamunin ng lupa sa kahihiyan. Masama bang hindi ko alam kung anong English ng o-otchenta'y singko? I'm not used to hear deep Tagalog words but why they are looking at me like I'm stupid?

Hindi ko na hinintay na ibalik ang sukli ko. Nagmartsa ako pabalik ng bahay namin. Napatigil ako sa paglalakad ng makita ang nakahintong paa sa harapan ko. Tumaas ang ulo ko para tingnan kung sino 'yon. I pouted my lips.

"Liza," I called her name.

Seryoso siyang nakatingin sa likuran ko. Mukhang nakita niya ang nangyari kanina. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti sa kanya.

"L-Liza . . . a-ano—nabili ko na yung s-sabon," pilit kong pinasigla ang boses ko kasabay pagtaas ko sa hawak.

Matiim siyang tumingin sa 'kin, "anong sinabi nong matandang 'yon sa 'yo? Gusto mo resbakan ko?" maangas na tanong nito.

Hinawakan ko siya sa braso at hinila paharap sa bahay. Naglakad kami.

"Huwag na, Liza. Wala naman silang ginawa sa 'kin," ani ko. Ayaw ko man silang pagtakpan pero mas ayaw kong mapaaway siya.

Hinawakan niya ang kamay ko at akmang aalisin ang kapit sa braso niya pero mas humigpit lang ang kapit ko.

"Liza, o-okay lang talaga," seryoso kong ani.

Saglit niya akong tinitigan na para bang hinahanap niya ang sagot sa mga mata ko. Tumango ako sa kanya. Walang nagawa kundi magbuntonghininga.

"Okay," talong sagot nito.

Kinuha niya sa 'kin ang sabon saka naunang bumalik sa bahay. Sighing, I look back to those people. They are still looking at me. I should put in my mind na not all people are good, but I forgive them.

******

"UNA, paghihiwalayin mo yung puti, dekolor at initiman. Ihiwalay mo rin yung sinuot mong skirt at blouse kasi hindi 'yon pwedeng i-washing," pagpapaliwanag nito habang hinihiwalay ang mga damit.

Binuhos ko rin sa lapag ang mga damit ko para mas madaling mapaghiwalay. Kinuha ko lahat ng office uniform. Itinabi ko 'yon sa gilid. Sinunod kong pagsama-samahin ang mga puti, dekolor at initiman. Nang matapos ako ay sinundan ko si Liza.

"Dito mo ilagay yung puti, ibababad muna natin tapos mamaya siya lalamasin." Binabad nito ang mga damit na magkakakulay sa iisang tub hanggang sa maubos ang damit. "Magluluto ako ng lunch natin. Yung uniform mo, labhan mo na. Lagyan mo ng sabon yung washing tapos kaunting zonrox."

"Okie!" Nag-thumbs up pa ako sa kanya. Binuhat ko ang damit at nilagay sa washing. I put two powder soap there and the zonrox. I glance Liza inside, she's busy cutting onion, so, I didn't bother to ask her. Hindi ko alam kung gaano dapat kaya binuhos ko na lang hanggang maramdaman kong nangalahati na.

Tinodo ko ang ikot sa timer. I put it to normal lang kasi normal clothes lang naman ang lalabhan. Pinanood kong umikot ang mga damit, nabubuo na rin ang mga bula. Matagal pa bago 'to matapos kaya naman pumasok ako sa loob ng bahay.

This is my first time na mag-wash ng clothes. In Sicily, we never do any chores. I just let the maids do the work for me or us. I stand next to Liza to observe what she's cooking. There's a big can of corn beef na binili niya last day with potatoes.

"Anong pwede kong maitulong, Liz?"

"Wala naman na. May sinaing na tayo kagabi isasangag ko na lang para uminit," anito.

"Why mo ginigisa yung potatoes?"

May inabot itong sachet ng black pepper before niya ko lingunin.

"Para hindi siya madurog mamaya kapag ginisa na kasama ng cornbeef. Mas masarap kasi kapag may crunchiness."

"Ahh." I sigh and watch her para next time I know how to cook na for us. Kaya ko pa lang kasing lutuin is mga prito and laga, safest way 'yon for me.

I went out when I heard the washing stopped. Lumabas ako at nakita kong lumalabas na ang bula. Naalarma ako dahil do'n.

"Liz! What should I do next?! Lumalabas yung bubbles from wasching machine!" natataranta kong tanong sa kanya.

"Alisin mo yung mga damit mo tapos sabunin mo ulit sa isang planggana!" sigaw nito from inside. I nod.

"Where shou—I mean, saaan ko ilalagay?"

"Sa basket!"

Sinunod ko ang sinabi niya. Kinuha ko from the washing machine ang clothes ko and then nilagay ko sa basket. Mabigat at tumutulo ang tubig sa damit ng tingnan ko. I look around to find a p-plangganang walang laman. Naglagay ako ng tubig at sabon saka binuhos yung damit ko doon.

Umupo ako sa small upuan. But the problem is I don't know what to do next. I pouted my lips and look down. How ko siya sasabunan? Kinamot ko ang leeg ko.

Akma kong tatanungin ulit si Liza nang bigla na lang itong umupo sa tabi ko. Napahawak ako sa tapat ng dibdib ko at gulat na tumingin sa kanya.

"LIZA!"

Tinawanan niya ako ng mahina, "di mo alam gagawin, noh?"

I nod. Totoo naman. Madaling gamitin ang machine kasi common sense lang naman 'yon kahit papaano, but this one is hard.

"Okay. Tingnan mong mabuti, ha. Kumuha ka ng damit tapos kusutin mong ganito."

Pinanood kong mabuti ang kamay nito, matapos kusutin ang damit ay pinalipitan niya 'yon at nilagay sa ibang basket. Tumango ako.

I'm amazed dahil habang nagkukusot kasi siya ay tumutunog 'yon. Ang galing-galing naman niya maglaba. Sanay na sanay siya.

"Kaya ko nang gawin, Liza, thank you!" nakangiting ani ko.

"Oh, sige. Laba well, pagkatapos niyan babanglawan mo ha. Ayun yung isang timba, doon ka na magbanlaw."

Tumango ako. Wala na akong ibang narinig pa sa kanya. Ginaya ko ang ginawa nito kanina. Madiin ang pagkakakusot ko pero napasimangot ako ng hindi ko magaya ang pagpapatunog ni Liza. Idinikit ko ang dila ko sa pisnge ko.

Why?!

Baka kulang sa sabon. Nakangiti kong nilagyan 'yon. Binasa ko ang sabon at saka kinusot siya ulit. Nakangiti kong pinalipitan ang blouse ko and nilagay ko sa basket. Ilang beses kong ginawa 'yon hanggang sa makaramdam ako ng hapdi sa kamay ko.

"Ouch . . ." Kunot noo kong inangat ang kamay ko. Inalis ko ang sabon at tiningnan ng mabuti. I checked it kung may sugat ba but wala naman.

Ginawa ko 'yon hanggang sa matapos ako. Pinuno ko ng tubig ang timba and then binanlawan ang mga damit ko. Buong maghapon yata naming pinagtutulungan ni Liza na labhan ang mga damit namin.

Nag-aagaw na ang liwanag at dilim ng matapos kami sa pagsasambay. Pagod akong nagbuntonghininga habang tinitingnan ang mga damit naming nakasampay sa sala. Wala kasing pagsasampayan sa labas, mananakaw daw kung hindi namin ipapasok. Ayoko namang mawalan ng damit kaya pumayag ako.

Pabagsak na umupo si Liza sa kawayang upuan saka tumingin sa 'kin.

"Anteh, hindi na ako makakakain. Ikaw na lang kung gusto mo. Borlogz na ako," nahihirapan nitong sabi.

Walang buhay na rin akong umiling. "Hindi na. Pagod na rin ako." I can't feel my stomach din kasi. We haven't able to eat lunch dahil naging tutok kami sa paglalaba.

She waved her hands to me, then went to her room. Nagpunta akong kusina at uminom ng water, ni-lock ko lang ang pinto sa sala and then pumunta na rin ako sa kwarto ko. I yawned, while sitting in my bed.

I take my phone. My eyes widened when I saw my phone has a lot of missed call from Mr. Vasiliev. Tinambol ang dibdib ko ng kaba.

Mabilis kong ni-dial ang number niya. I gulped when he answered it.

"Why are you not answering your phone?" his voice feels like ice that runs through my spine. 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro