Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Chapter Eight


CHAPTER EIGHT

PEOPLE are keep staring at me, and it's making me nervous. Mas lalo kong iniyuko ang ulo ko. What if makilala nila ako and sabihin nila sa family ko kung nasaan ako? What if ibalik nila ako sa kanila?! No. It can't be! I'm just starting my life!

Pasimple kong tiningnan ang paligid, lahat sila ay nakatingin sa 'kin pero agad ding nag-iiwas ng tingin kapag napapansin ko. Wala naman siguro akong dumi sa mukha.

"Hoy! Di ka man lang nagsabing bababa ka na. Pinuntahan pa kita sa table mo sa taas!"

Mabilis hinanap ng mga mata ko ang galit na boses at napamaang ng makita si Jane 'yon. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa 'kin. Ilang beses akong kumurap.

"A-ano?"

Inirapan niya ako. "Huwag mo kong anuhan diyan! Nagpunta ako sa top floor kasi akala ko nandoon ka nandito ka na pala at kumakain!" Padabog itong umupo sa harapan ko at saka inilabas ang mga pagkain niya.

"I-I'm sorry . . . I didn't k-know—"

"Wala na! Nalipasan na ko ng gutom. Sabi sa'yo na tawagan ako, tsk!"

"Sorry again." Nahihiya akong nagbababa ng tingin. Hindi ko siya gustong paghintayin. Ayoko lang na umasa. "I will not do it again—"

"Talaga! Kasi simula bukas kakain ka ng mag-isa dahil nagmamarunong ka!" asik pa nito.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. Bigla akong nawalan ng gana sa pagkain. Naging mabigat ang pakiramdam ko. Hindi ko inaasahang ganito ang mangyayari sa unang araw ko. I thought I will have someone na makakasundo but hindi pala.

Hirap na hirap akong lunukin ang chicken fillet. Parang may nakabara kasi sa lalamunan ko.

"Natapos mo na ba yung mga pinapagawa ko sa 'yo?" mataray niyang tanong.

Dahan-dahan akong tumango. Kinuha ko ang tissue at nagpunas ng bibig. "Most of it. Pero may naiwan pa sa taas. Siguro I'm going to finish it today."

"Good. Kasi bukas darating si Alexis," anito habang sumusubo ng sariling pagkain. Bumaba ang tingin ko sa dala niya. Lunchbox. Napangiti ako. I remember Mama . . .

Umiling ako at tiningnan sa mukha si Jane. "Who is Alexis?"

"Sir Vasiliev's secretary."

Namilog ang mata ko. "He has a secretary and he hires me?! Anong mangyayari kay Alexis?"

Binigyan niya ako ng malamig na tingin. "Don't be so dumb and act like surprise. Malamang aalis na 'yong luma kaya ngayon may bago! Saka sandali lang siya, itre-train ka lang niya then aalis na siya."

"Okay . . ." Bumaba ang tingin ko sa plato ko.

******

"ANG galing mo, Malaya! Hindi ko akalaing mabilis mong makukuha 'yan!" puro ni Alexis sa 'kin.

Nakangiti akong tumingin sa kanya, "hindi naman . . . magaling ka lang magturo."

Mahina niya akong tinulak. "Uy, pa-humble siya, oh!"

"Hindi naman." Tinuturuan niya kasi ako kung paano mag-ayos ng excel para makita kung tama ba yung pinasa ng ibang department, tapos kung paano rin iayos ang calendar ni Sir Vasiliev upang mag-set ng date sa tuwing may meetings ito.

Isang linggo na rin ang lumipas simula ng dumating si Alexis at turuan ako sa mga dapat kong gawin. Sabi niya ay busy sa ibang bansa si Sir kaya hindi niya kasama ngunit pabalik na rin 'to kasama ang pinakahuling secretary na natanggal. Kaya pala ako pinalit agad kasi may papalitan na.

Sa loob ng isang linggo ay hindi ko pa rin nakikita ang hitsura ni Sir, halos wala kasi siyang picture dito sa building. Sa online naman hindi ako makapag-search kasi nakikita ng ITs ng company 'yon, and bawal and I don't have a phone yet.

Nai-imagine ko na kung ano ang hitsura niya. Sa nai-imagine ko kasi ay isa siyang matandang mataba na masungit na medyo may kaliitan. Naririnig ko kasi sa ibang workers dito na masama raw ang ugali ni Sir, nakakatakot.

"Dahil diyan bibigyan kita ng donut mamayang breaktime. Wag kang mag-alala. Libre 'yon!"

Mahina akong tumawa. "Okay. Thank you. Nga pala, after mo kong turuan saan ka na pupunta?"

Nilingon niya ako, we have a separate table pero magkatabi lang. May sarili siyang computer.

"Babalik na ko sa Russia para sa branch ng isa pang company do'n," anito.

Nagningning ang mga mata ko ng marinig ang salitang Russia. "You're going to Russia?!" Shock kong tanong.

Nakangiti siyang tumango sa 'kin, "yes. Merong company ang Vasiliev doon at ako ang nagha-handle, pero secretary pa rin ako."

"Wow. That's cool. Para kang Secretary na mas mataas ang work."

"Yap. Kaya galingan mo rin. Malay mo ipadala ka niya sa branch ng US at doon ka na mag-stay forever," anito saka bumalik ang tingin sa computer.

Nawala ang ngiti ko. I actually don't want to go anywhere but here in the Philippines. I will not go there, dito na lang ako. Baka makita pa ako ng tauhan nila Papa at ibalik sa Greece, which is hindi ko na papahintulutan.

Nang matapos namin ang pag-aayos ay inabutan ako ni Alexis ng isang folder na kunot noo kong tinanggap.

"Anong gagawin ko dito?" nagtatakang tanong ko habang tinitingnan ang laman nito.

"Paki-xerox naman ako niyan. Ten pages tapos tig-sasampu para a board of directors plus two na rin para sa 'tin bale seven lahat," anito ng hindi tumitingin sa 'kin.

Umawang ang labi ko. "That many?"

"Oo, eh. Wag ka mag-alala, madali lang naman 'yon. Punta ka lang sa stock room tapos nandoon ang Xerox machine tapos yung mga papel. Sa A4 mo sila ilalagay, ha. Hindi short, hindi rin long. A4," bilin niya.

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod. Tumayo ako at naglakad papunta sa storage room. VGC is really rich, kada floor ay may sarili silang storage area and panty plus the cafeteria pa. Alagang-alaga ang mga empleyado nila, bawing-bawi sa sama ng ugali ng amo.

Binuksan ko ang nakasaradong pinto saka pumasok sa loob. I saw the copying machine. Tiningnan ko 'tong mabuti. I didn't ask Alexis on how to use this one. Lumapit ako sa machine at inangat ang cover sa ibabaw ng glass. Siguro dito ilalagay ang papel. Nilagay ko paharap ang document saka tinakpan.

"What should I do next?" mahinang tanong ko sa sarili ko. There's a numbers here, with on-off, enter and cancel. I think ito ang pipindutin, I push the number one and zero after that ay narinig ko na ang ingay ng machine.

Napangiti ako. Ang dali lang pala nag-copy ng documents. For sure matutuwa ulit si Alexis kapag naibigay ko 'to ng maayos sa kanya. Nang makumpleto ang unang page ay pinagsunod-sunod ko na sila. Tapos hinihiwa-hiwalay ko na rin para isa-isa kong ii-stapler mamaya, I saw something kasi sa gilid ng machine parang stapler something.

Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa mga papel. Okay naman sila, kaya lang ay medyo may space sa ibaba kasi masyadong mahaba pero ipinagkibit balikat ko na lang 'yon. Lumabas ako ng storage room para bumalik sa table namin. Habang naglalakad ay nagpupunas ako ng pawis. Wala kasing aircon sa loob kaya pinagpawisan na ako.

When I came back ay wala pa si Alexis kaya binaba ko na lang sa table niya 'yon. Tumalikod ako at naglakad papunta sa CR. Break naman namin kaya okay lang kung gumala-gala ako dito sa floor.

Actually mayroong ilang rooms dito sa top floor pero yung iba bakante. Ang may laman lang is yung office of the CEO, storage, board room, pantry and bathroom and aside from that wala na. Sayang yung four more office dahil walang gumagamit.

Hinarap ko agad ang salamin pagkapasok ko ng CR. Tiningnan ko ang reflection ko sa salamin. Namumula ang mukha ko dahil sa init, isama pa 'yung nangingitim kong ilalim ng mga mata dahil sa puyat nitong nagdaang araw pero okay pa rin naman ang hitsura ko. Kaunting ayos lang ay babalik din sa dati.

Gamit ang kamay ay sinuklay ko ang nakalugay kong buhok. Bumuntonghininga ako saka pumasok sa isang cubicle.

KAPANSIN-PANSIN ang pagiging aligaga ni Alexis ng bumalik ako sa table namin. Ang kaninang maayos na neck tie ay lose na ngayon. Magkasalubong ang kilay na lumapit ako sa kanya. Wala ba siyang nabiling food sa ibaba?

"Bakit ka natataranta?"

Mabilis itong lumingon sa 'kin. Pinakita niya ang hawak na papeles na xi-ne-rox ko. Nagtatanong akong tumingin sa kanya.

"Sinabi ko ng A4, 'di ba? Ba't sa long mo nilagay?" nahihirapang tanong nito.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. "Did you said it ba? S-sorry." Napayuko ako. "I didn't know kung saan nakalagay yung mga papel, I thought it's the same."

Napakamot sa batok niya si Alexis. "Hindi! Sa ilalim no'ng machine may drawer tas need mo palitan. Hays!"

Nakanguso akong tumingin sa kanya. "I'm really sorry. Hindi ko alam na ganoon pala dapat." Hindi pa naman kasi ako nakakagamit ng gano'n. Iyon ang nais kong idugtong pero pinili ko na lang manahimik.

"Okay. Ako ng bahala dito pero please lang mag-ayos-ayos ka na dahil darating si Mr. Vasiliev ngayon!" humahangos niong ani.

Namilog ang mga mata ko, "ha?! I thought he'll come back next week!"

"I know! I thought that, too but plans changed! He's already at the lobby talking to some investors. Papanik na siya so be ready! Greet him! I will just finish this one quickly!" he said while running towards the stock room.

My heart is beating so fast! I'm not ready to meet him yet! How will I approach him? Will he fired me because of those failed copies? I gulped when I heard the elevator ting. Shocks. Mabilis akong naglakad papunta sa may gilid ng elevator para salubungin si Sir. Hinawi ko ang sarili ko para maging presentable.

Huminga ako ng malalim. I will impress him para mapakitang worthy ako bilang secretary niya. Magiging okay lang ang lahat.

Tumigil yata ang pagtibok ng puso ko ng bumukas ang pinto ng elevator. Lumabas doon ang isang may katangkarang lalake like what I expected he is maliit and chubby na may edad na guy. Napangiti ako, I knew it. He has a round belly.

Nauna siyang maglakad kaya sumunod ako sa kanya. Mukha talagang CEO si Sir, nasa age fifties to sixties na siguro siya. He does really have a lot of experience dahil sa laki at ganda ng kompanya niya.

"Good afternoon, Sir, we didn't expect your—"

Natigil ako sa paglalakad ng makarinig ng tikhim. Lumingon ako at nakita ang isang matangkad na lalaki. Kaibahan ng nauna, malaki ang pangangatawan nito at halatang nagwo-work out.

Napunta ang tingin ko sa mukha niya. Shit!

Nalaglag ang panga ko ng makita ang mata niya. He has a grey eyes. Bumaba ang tingin ko sa ilong nitong matangos, makapal ang eyebrow niya, he has prominent jaw, too. A black hair and sexy lips.

What is he?!

A . . . fucking . . . God?

Bumilis ang tibok ng puso ko ng magsalubong ang mga mata namin. His eyes are cold and merciless. I gulped when he started to walk towards me. Gusto kong humakbang paatras but my feet are nailed in the floor. His presence is too much to handle. Parang nagdilim ang paligid dahil sa kanya.

"Who the hell are you and what are you doing here?" he asked coldly.

He stopped in front of me. Ilang dangkal lang ang layo namin sa isa't isa. I can smell his manly cologne and a mint from his mouth.

"I-I . . ." Skata! Why am I stuttering?! "I-I'm . . . M-Malaya, sir. S-secretary of Mr Vasiliev," nanginginig kong sagot at saka lumingon sa isa pang lalake. He is already frowning while looking at us.

The man laugh without humor. "Did you already see Mr. Vasiliev?"

Lumunok ako. No. Wala naman kasi siyang litrato dito . . . "N-No, Sir . . ." Napayuko ako.

"Look at me when I'm talking to you, Miss Malaya. Don't be rude," he said in cold voice.

Mabilis akong nag-angat ng tingin. Sinalubong ko ang malamig niyang mga mata. Nag-uumpisang manlambot ang mga tuhod ko sa paraan niya ng pagtingin sa 'kin. Nasaan ka na ba Alexis?! Natatakot ako sa kanya.

"How did you know that he is Mr. Vasiliev if you didn't see him yet?"

Lumingon ako sa lalake, wala siyang kibo na nakatingin sa 'kin. Bakit nga ba siya ang naisip kong Boss ko?

Because of my imagination.

"Ahm . . . I-I just a-assume, Sir."

"You assume." Masama niya akong tiningnan bago humarap sa lalaking inakala kong si Mr. Vasiliev kanina. "You like to introduce yourself?" anito dito.

Lumingon ako sa lalake, nakangiti siya sa 'kin. "Good morning, ma'am. I'm James, Mr Vasiliev secretary, U.S based."

Namilog ang mga mata ko sa narinig. "Y-you're the secretary?!" Ibig bang sabihin ay ang . . . oh, God! Nilingon ko ang lalaking kausap ko kanina. "Y-you are . . . Mr V-Vasiliev?"

Tumaas ang isang sulok ng labi nito sabay lapit ng mukha sa mukha ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat, hindi ako naka-atras.

"Yes. Kazimir Vasiliev. Don't ever forget this face, lady! Don't ever think of someone else except for me," parang hari niyang utos.

Wala sa sariling napatango ako. Dumeretso ng tayo ang lalaki at naunang naglakad papunta sa kanyang opisina. Sumunod si James sa kanya. Nakasunod ang tingin ko sa dalawa hanggang mawala sila sa paningin ko. Tulala akong nakatingin sa nakasardong pinto.

Nagkamali ako ng akala! I thought he is old man. Pero hindi . . . damn Malaya! Giatí den káneis néa érevna? O Aléxis eínai ekeí! Giatí den rótises!

Nanghihina akong lumapit sa table para kumuha ng lakas. Ang tanga ko sa part na 'yon.

"Oh, anong ginagawa mo diyan? Okay ka lang?" rinig kong tanong ni Alexis sa likuran ko.

Mangiyak-ngiyak ko siyang nilingon, nagtatanong siyang tumingin sa 'kin saka lumapit. Hinawakan niya ako sa braso.

"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya.

Ngumuso ako, "I just met Mr. Vasiliev!" malakas kong ani.

Ngumiti ito, "Eh, 'di mabuti! Kumusta?"

Pinanglakihan ko siya ng mata. "Anong mabuti?! Inakala kong si James si Mr. Vasiliev! Tapos nakita pa ni Sir!" nahihiya at nahihirapan kong sabi.

Umawang ang labi ni Alexis at halatang hindi makapaniwala sa tinuran ko. Inalis nito ang suot at salamin saka tiningnan akong mabuti.

"Malaya, ba't mo naman inakalang si James ay si Mr Vasiliev? Hindi ka ba na-orient? Hindi mo pa ba siya kilala o nakita man lang?" marahan niyang tanong.

Ngumuso ako. "Hindi . . ."

"Ay, shit! Alam mo, buti maganda ka. Halika ka nga." Sinuot nitong muli ang salamin saka siya hinila papunta sa pinto ng office ni Mr. Vasiliev. "Mag-uumpisa na ang board meeting maya-maya at kaylangang maipakilala na kita."

Tatlong beses kumatok si Alexis bago nito inikot ang door knob at pumasok sa loob. Naiwan akong nakatingin sa likod nito.

"Good afternoon, Sir. I'm surprised to your early come back," rinig kong ani Alexis.

"I have more important thing to do here. What's my schedule for today?"

His voice is cold like ice. Nakakatakot na pumasok sa loob dahil baka pagalitan niya ako. Nanginginig akong lumakad palapit kay Alexis ng banggitin niya ang pangalan ko.

"Sir, by the way, you already have meet Malaya Vallero. She's your new secretary. I'm currently training her—"

"Training her but she doesn't seem to know me, Alexis. Are you hiring incompetent people in my company?" 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro