CHAPTER 9
Chapter Nine
Blackmail
Naging tahimik ang mga sumunod na araw. It felt like the calm before the storm. Nagpatuloy ang buhay ko pero sa pagkakataong ito ay mas tahimik ang buong San Martin. Hindi ko alam kung paranoid lang ba talaga ako, sanay nang magulo o talagang hindi lang kapani-paniwalang tahimik ang lahat ngayon? Maybe all of the above.
"Mari..." kinalabit ko si Mari na nasa harapan ko, tahimik itong nagte-take ng notes.
"Ano?"
"May napapansin ka bang kakaiba?"
Nalukot ang kanyang noo at nilingon ang paligid. Pagbalik ng mukha niya sa akin ay kabado na ito.
"May nakikita kang hindi ko nakikita?"
"Hindi. Banyo tayo?"
Tumango siya. Kumuha kami ng tamang tiyempo para magpaalam.
"Wala ka talagang napapansing kakaibang nangyayari ngayon sa university?" tanong ko matapos siyang hilahin papasok sa ng women's bathroom.
"Ano 'yon? Wala naman, bakit?"
"Hindi ba parang tahimik? May balita ka ba sa grupo ni Ramiel?"
Sabay kaming naglakad patungo sa lababo.
"Wala naman. Mukhang busy sila ngayon. Baka kaya nananahimik kasi busy."
"Exactly! Anong kinabi-busyhan nila?"
"Wala akong idea."
"May narinig ka na bang tsismis tungkol sa Pit?"
"Pit? Pitbull?"
"No. Pit as in parang boxing ring."
"Para saan?"
Sumandal ako sa lababo at humarap sa mga cubicle. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin sa kanya ang nangyaring pagpunta namin ni Rigel para kausapin si Ramiel at yayain sa isang suntukan ang mga alipores niya. Speaking of Rigel, maging ang isang 'yon ay tahimik rin at ayaw magsabi kung kailan ang pag-haharap nila ng mga bumastos sa akin. Halata ko ring iniiwasan niya akong makasama lately. Sa tuwing pumupunta ako sa mansion ay wala ito. Isang tanong isang sagot rin lang kung mag-reply. Kahapong nakasalubong ko naman siya ay nagmamadali pero mukhang buo pa naman at walang galos kaya tiyak kong hindi pa natutuloy 'yon.
"Ano bang meron do'n?"
"Hindi ko rin alam sa ngayon, Mari. May mapagkukunan ka ba ng balita tungkol do'n at kung nasaan iyong pit na 'yon?"
"Itatanong ko kay Glaiza."
"Seryoso? Si Glaiza ang source mo?" gulantang kong tanong dahil hindi ako naniniwalang ang tahimik na nerd na 'yon ang pagkukunan niya ng balita!
Tumango siya. "She's a reliable source. Baka hindi mo alam, secret boyfriend niya si Raymundo na kanang kamay ni Ramiel dito sa loob ng San Martin. Huwag kang maingay, okay? Tsaka ayaw mo ba? Ikaw rin."
Nalaglag ang panga ko dahil sa nalaman pero hindi nalang inintindi. Now I understand kung bakit gano'n nalang karami ang balitang nasasagap niya tungkol sa grupo ni Ramiel. Bukod sa kapit-bahay lang nila si Glaiza ay boyfriend rin pala nito si Raymundo!
"Gusto ko. Kahit sinong source ay okay lang basta dapat malaman natin sa lalong madaling panahon kung may magaganap ba doong event. Tsaka ko nalang sasabihin sa'yo lahat."
Hindi ko na siya pinagsalita. Pagkatapos ng usapan ay hinila ko na ulit siya pabalik sa klase. Nang matapos naman 'yon ay agad kaming naghiwalay. Dumiretso ako sa canteen at siya naman ay para kausapin na ang babae.
Kung tutuusin ay dapat kong ipagpasalamat ang kalmadong kapaligiran pero mas lalo lang akong kinakabahan sa bawat oras na lumilipas na hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari.
Hinintay ko si Mari malapit sa gate two ng unibersidad matapos ang huling klase. Kapag wala kasi si Rigel at siya lang ang kasama ko ay naglalakad lang kami pauwi. Bukod sa malapit lang naman ang bahay namin ay nakakatipid rin kami.
"Izzi!"
Lumawak ang ngiti ko kasabay ng kaba sa aking puso ng matanaw siya. Nagmamadali akong tumalon pababa sa inuupuan kong mababang bakod.
"Oh, may nakuha ka?"
Ngumisi siya at agad na ikinawit ang mga kamay sa aking baso. Sabay na kaming lumabas sa gate.
"Marami. Alam ko na kung saan 'yong Pit na 'yon. Naalala mo 'yong abandonadong resort malapit sa bayan?"
"Oh?"
"Doon raw sabi ni Glaiza. Hindi lang 'yon, sa susunod na Sabado ay may event raw doon. Tanging ang grupo lang ni Ramiel ang nakakaalam at ilang mga inimbitang bisita."
Lumakas ang kalabog ng puso ko. "Kasali ba si Rigel sa event na 'yon?"
"Oo," sumimangot siya. "Ikaw ha, hindi mo sinabi sa akin 'yon. Akala ko pinag-tripan ka lang nila Alejandro 'yon pala binastos ka pati si Rigel."
"Alam mo nang mag-susuntukan sila sa Pit na 'yon?"
"Oo."
"Good! Sasamahan mo ako sa Sabado!"
"Ano?! Nababaliw ka na, Izzi? Hindi pwede!"
"Bakit hindi?"
"Pribado 'yon at paniguradong maraming bantay! Isa pa, ang sabi ni Glaiza ay hindi basta-basta makakapasok ang mga walang imbitasyon."
"Pero si Rigel paano?"
"Right! Bakit hindi si Rigel ang tanungin mo tungkol do'n?"
"Hindi niya sinasagot lahat ng tanong ko kapag tungkol na sa Pit."
"Siya lang ang pag-asa mong makapasok doon! Kung tayong dalawa, wala tayong mapapala. Baka kainin lang tayo ng lamok!"
Bumagal ang paglalakad ko at kinuha ang telepono. I dialed Rigel's number. May kaunting pag-asang sumibol sa puso ko ng sagutin niya 'yon.
"Rigel!"
"Hey! What's up?!"
"Kailan mo sasabihin sa aking sa Sabado na ang laban mo kay Alejandro sa Pit na 'yon?!"
Isang tawa ang isinagot ng loko sa akin!
"Rigel!"
"Izzi, I told you it's none of your business. Hindi mo na kailangang malaman."
"Rigel ako ang dahilan kaya ka makikipagsuntukan sa mga lalaking 'yon! Paanong hindi ko dapat malaman?!"
"You don't have to worry about it–"
"Wow thanks! Napalagay kaagad ang loob ko!"
"Izzi listen, hindi mo na kailangang problemahin 'yon, okay? I got this. Hindi ako masasaktan."
"How can you be so sure about that?!"
Muli siyang natawa na parang biro lang ang lahat.
"Trust me."
"Psh! Rigel, kung ayaw mong pigilan kita at least isama mo nalang ako do'n!"
"No way. Kaya ko na ang sarili ko at hindi ka bagay do'n. Hindi ka pupunta period."
"Rigel–"
"I have to go. Talk to you later, bye!"
"Rigel! Shit!"
"Ano raw?" nag-aalalang tanong ni Mari ng ibaba ko ang aking telepono.
Inis kong sinipa ang batong nakaharang sa dinaraanan ko.
"He won't let me watch the event! Hindi raw ako bagay do'n! Anong klaseng sagot 'yon!"
"Izzi, hindi ba mas okay 'yon? You don't need to watch him suffer."
"Mari, kailangan kong pumunta. Ako ang dahilan ng lahat at hindi ako pwedeng mawala doon. Hindi man makakatulong kay Rigel pero gusto kong naroon ako. Paano kung mapuruhan siya?"
"Ramiel wouldn't let that happen."
"Oh, and why? Walang pakialam ang lalaking 'yon sa kahit kanino!"
"Blood is always thicker than water, Izzi. Hindi mapapasama si Rigel habang nando'n si Ramiel at tama siya, hindi ka bagay sa lugar na 'yon–"
"May paraan pa bang iba? Magkano ang kailangang bayaran para makakuha ng ticket?!" buo ang desisyon kong tanong dahilan para mahinto na rin siya sa paglalakad.
"Izzi..."
"Mari, tell me please? Meron pa ba?"
Malalim ang naging paghugot niya ng hangin sa baga. Pinagdiin niya ang mga labi at hinanda ang sarili sa sunod na sasabihin sa akin.
"Walang nagbebenta ng ticket do'n dahil sabi ko naman sa'yo, pili lang ang mga imbitado..."
Napapikit ako ng mariin at inis na nilagpasan siya sa paglalakad, muling sinipa ang batong gumulong kanina.
"Pero may isa pang paraan!"
Awtomatikong huminto ang mga paa ko dahil sa narinig at agad na pumihit paharap sa kanya. Nakita ko ang pag-aalinlangan niya pero dahil desidido ako sa gagawin ay wala na siyang nagawa kung hindi ang sabihin.
"Through Ramiel..."
"W-What?"
"Si Ramiel na lang ang pag-asa mong makapasok do'n. Kapag hindi mo napapayag si Ramiel ay wala nang chance na masuportahan mo pa si Rigel sa laban niya." aniyang nagpalaglag na sa aking panga.
Dalawang araw kong pinag-isipan ang lahat. May dalawang araw pa ako para buohin ang mga desisyon ko pero matapos ang cuarenta y ocho oras ay nakapagdesisyon na ako. Pagkatapos ng klase sa araw ng Miyerkules ay nag-abang na kaagad ako malapit sa parking lot para hintayin si Ramiel. Hindi man bukal sa loob kong siya ang kakausapin at hihingan ng pabor ngayon pero wala na akong magagawa. Siya nalang ang tanging pag-asa ko para kay Rigel.
"Ang tagal..." tamad akong nagpangalumbaba habang nakatunganga sa kanyang sasakyan.
It's already seven o'clock in the evening pero wala pa ring Del Rio'ng sumusulpot. Napabuga ako ng hangin sa kawalan. Baka busy pa sa likod ng building kasama 'yung isa sa mga fuck buddy niya. Nalunod ako sa malalim na pag-iisip.
Rigel is already home. Si Cassy ang nagsabi no'n at tamang tama naman dahil hindi niya ako makikitang kakausapin ang kapatid. Ipinapanalangin ko lang na sana ay pumayag siya. Wala naman sigurong mawawala kung manunuod ako, 'di ba?
Napatuwid ako ng upo sa bench at tinitigang maigi ang lalaking bumaba sa mahabang hagdan patungo sa parking lot. Sinigurado ko pa kung siya nga 'yon dahil wala itong kasama ni isang alagad. Nang makita ko ang direksiyon niyang patungo sa itim na sasakyan na ginagamit niya ay nagmamadali na akong umahon at patakbong lumapit rito.
"Ramiel!" pagkuha ko ng kanyang atensiyon na bubuksan na sana ang pinto ng sasakyan para umalis.
Hinagilap ng mga mata niya ang pinanggalingan ko habang ako naman ay lumapit pa.
"What now?" magkasalubong ang kilay niyang tanong.
Okay, Izzi... This is your chance. Your only chance so don't screw it!
"I'm here to ask you for a favor." wala nang pasakalye kong sambit dahilan para matawa siya at ma-weirduhan sa akin.
"What do you think I'll do you a favor?"
Napaisip ako. Nakipaghilahan sa aking dila para lang masagot ang lalaking nasa harapan kahit na nakakaramdam na naman ako ng pagka-duwag!
"Marami akong alam sa'yo at oo, I'm blackmailing you this time. Huwag kang mag-alala, madali lang naman ang hihilingin ko. Alam kong sa Sabado na ang laban ni Rigel at Alejandro sa Pit at kailangan mo akong hayaang mapanuod 'yon."
Humigpit ang kapit ko sa aking bag ng makita ang pag gapang ng mga mata niya simula sa aking mga mata, pababa sa aking katawan at pabalik ulit sa taas bago ako muling tawanan.
"Do you want me to be scared because of 'what you think you knew' or laugh?"
Itinaas ko ang isang kilay ko bilang sagot.
"Well let me tell you something, Almera," parang pinigilan ang mga hanging dumaloy sa aking katawan ng bitiwan niya ang sasakyan at ilagay ang mga kamay sa kanyang magkabilang bulsa bago ako lapitan.
Napasinghap ako ng matapat sa malapad niyang dibdib na bahagyang nakalitaw dahil sa mga butones na nakabukas! Pasimple akong napalunok!
"Hindi mo ako matatakot sa kung anong alam mo at wala akong pakialam kung kanino ka magsusumbong. It's your word against mine. Kung gusto mong magsumbong sa pulis sabihin mo kung kailan at sasamahan kita," napapikit ako nang dutdutin niya ng mariin ang noo ko. "You don't call the shots. Hindi gagana sa akin ang pamba-blackmail mo."
Agad kong nasapo ang aking noo ng tumigil siya sa tatlong beses na pagdutdot rito. Kung sa ibang pagkakataon ay tumakbo na ako pero ngayon ay hindi ko ginawa. Imbes na matakot ay agad kong hinawakan ang kamay niya nang akmang tatalikod na siya sa akin.
"Please! Ako ang dahilan kaya napunta si Rigel sa sitwasyong ito kaya hayaan mo akong pumunta. Kahit hindi na para pigilan siya kung hindi suportahan nalang! Hindi makakaya ng konsensiya ko kapag may nangyaring masama kay Rigel."
Pakiramdam ko'y naging yelo ang mga kamay kong nakahawak sa kanyang braso nang tapunan niya iyon ng malamig na tingin. Nang hawakan niya iyon para hawiin ay agad na nanghina ang mga tuhod ko!
"You've said it yourself, ikaw ang may kasalanan kaya huwag mo nang dagdagan pa ang mga kasalanan mo."
"But please–"
"What the fuck is wrong with kids these days, huh?! Masyado kang in love sa kapatid ko–"
"I am not!" mabilis kong putol sa kanya. "Wala kaming relasyon ng kapatid mo bukod sa pagiging magkaibigan at hindi magkakaro'n kahit kailan! Rigel is just a brother to me at hindi ko siya type!"
"You're stupid! Akala mo maniniwala ako sa mga alibi mo? You've caused my brother so much trouble. Tigilan mo na."
"Hindi totoo 'yan! Kayo lang naman ang nagsasabing may relasyon kami kahit na ang totoo ay wala! Para sabihin ko sa'yo, hindi ako pumapatol at hindi papatol sa mga kasing edad ko! I want someone older than me dahil 'yon ang preference ko pagdating sa lalaki!"
"Good for you! Now get lost!" walang pakialam niyang sabi bago ako talikuran kaya wala na akong nagawa kung hindi ang ilabas ang huling alas ko.
"Isusumbong ko kay Ate Skyrene ang lahat ng illegal na nakita ko sa warehouse at ang pagpayag mong makipagsuntukan si Rigel sa Pit na 'yon kapag hindi mo ako pinayagang manuod!"
Sa kabila ng pagpalakpak ng utak ko dahil sa paghinto niya matapos ang sinabi ko ay hindi pa rin nawala ang pagkaupos ko! Sa muling pagharap niya sa akin ay tila nasa mata na ako ng malupit na bagyo. His brown eyes became darker now, hindi lang kulay kung hindi maging ang pakiramdam habang nakatitig sa mga 'yon! Shit!
"What did you say?"
"I-Isusumbong ko sa kapatid mo ang lahat ng ilegal mong gawain at ang pagkunsinti mo sa pag-aaway na ito. Alam kong hindi pulis si Ate Skyrene pero alam mo na siguro ang mangyayari kapag nalaman niya ang lahat ng kalokohang ginagawa mo."
Sa madilim na parte ng San Martin de Dios ay malinaw sa mga mata ko ang naging pag-igting ng kanyang panga at mas pagtalim ng titig sa akin, nanunubok, naghahamon, nagagalit ngunit sa huli ay wala na ring nagawa kung hindi ang pumayag sa lahat ng mga kagustuhan ko.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro