CHAPTER 4
Chapter Four
Virginity
"Izzi! Saan ka ba nagpunta?!" sinalubong ko ang naguguluhang mukha ni Mari habang palapit sa akin pero imbes na hilahin ko siya sa sunod naming silid ay sa restroom ko siya hinila.
"Anong nangyari? Bakit hingal na hingal ka diyan at parang nakakita ka ng multo?! Uy!" nagpatuloy ako sa pagtitig sa aking repleksiyon sa nasa harapang salamin habang pinupunasan ang mga pawis sa aking mukha, leeg at likuran.
Pakiramdam ko'y mas lalo akong nanlagkit sa bawat ulit nang utak ko sa paraan ng pagtitig ni Ramiel sa akin kaninang nahuli akong pinapanuod ang ginagawa nila ng girlfriend niya. Shit! Kung bakit ba kasi hindi man lang sila humanap nang tagong lugar para gawin 'yon? This is not a motel and clearly, malawak ang lupaing tinutuntungan niyang nagsasabing bawal gawin ang bagay na 'yon!
Napapikit ako't pilit na iwinaglit ang kung anong nasa utak. I just couldn't believe what I've witnessed pero mas lalong hindi ko mapaniwalaan ang sarili kong pinanuod talaga 'yon! My mind cursed again pero nagising ako ng maramdaman ang pagyugyog ni Mari sa akin.
"Ano ba kasing nangyari, ha?"
"J-Jogging! Oo! Nag-jogging ako!" pagsisinungaling kong sinegundahan ko pa dahil alam kong hindi siya maniniwala. "Hindi ko naman talaga balak pero naisip ko lang kasi makulimlim kanina. Akala ko rin uulan kaya napatakbo ako pabalik."
Nagsalubong ang mga kilay niya, pinapakiramdaman ang sarili kung paniniwalaan ako o hindi. Nagtaas siya ng isang kilay.
"Eh saan ka nga galing?"
Gumilid ang mga eyeballs ko at muling nagsinungaling.
"S-Sa gym." sagot ko bago naghilamos para hindi na siya magtanong pa.
Pinilit kong lunurin ang lahat ng mga katanungan niya para na rin maiwasan kong isipin 'yon habang nasa klase pero bigo ako. Hanggang sa pag-uwi ay naging tahimik ako. Maging sa hapag-kainan ay wala akong mai-kwento kay Mama.
"Ano, Izzi? Wala kang iku-kwento sa buong araw mo sa eskwela?"
Nalunok ko ng wala sa oras ang pagkaing nasa aking bibig dahil sa tanong nito. Sinubukan ko siyang titigan pero ng makita ko ang kaseryosohan sa kanyang mga mata ay agad akong nag-iwas ng tingin dahil alam kong kahit kailan ay hindi ko magagawang magsinungaling doon at kapag naging totoo naman ako, baka masakal niya ako ng wala sa oras.
"Okay lang naman po, Ma. Medyo napagod ako kanina pero kayang kaya naman."
"Hmm..."
"Ang sarap ng luto niyo ngayon Ma, ha!" pilit kong pagbabago ng topic dahil anong topic ba naman ang gustong marinig ng isang ina kung hindi ang komento tungkol sa luto nila?
Nagpatuloy ako sa pambobola hanggang sa mawala nalang sa kanya ang tanong kung anong ginawa ko buong araw. Kung alam niya lang ang totoo ay baka pinabuhusan na niya ng holy water ang mga mata ko! I mean, may isip na ako tama, pero ang makakita ng live action? It's still inappropriate! Gano'n ba talaga sa Manila? Gano'n ba sila ka-liberated at walang pakialam? Palibhasa iyong Clare na 'yon ay galing rin sa ibang bansa kaya walang pakialam. Bagay nga sila. Masamang ugali at malandi.
Pagkatapos kumain ay inatupag ko ang pagbabasa. Halos matapos ko na ang isang nobelang kanina ko lang sinimulan pero hindi pa rin ako nilubayan ng mga nasaksihan ko. Kung bakit ba kasi nakita ko pa 'yon! Kung bakit hinanap ko pa ang mokong na 'yon at kung bakit pumayag pa ako kay Ate Skyrene! Ngayon tuloy ay hindi na ako makapag-focus sa pag-aaral ko!
Pabagsak kong inihiga ang aking katawan pabalik sa kama pero maya maya lang ay tumunog na ang aking telepono. Mabilis akong napaahon ng makita ang pangalan ni Ate Skyrene sa screen. Gustuhin ko mang patayin 'yon pero ayaw kong maging bastos. Sa huli, wala na rin akong nagawa kung hindi ang sagutin.
"Hello, Ate?"
"Izzi! Ang tagal mo namang sagutin! Busy ka ba? Wala kang research? Homework? O kailangang gawin para bisitahin mo ako ngayon?"
"Wala!" mabilis pa sa alas-kwatro kong sagot. "I-I mean, tapos ko na pong gawin lahat Ate at medyo busy rin ako ngayon pati sa mga susunod na linggo dahil malapit na ang exam kaya–"
"Oh, tamang tamang bumisita ka para makapag-review ka. Tutulungan kita."
"Ate Sky, sorry pero si Mari po kasi ang kasama ko.
"Oh, eh 'di isama mo na rin si Mari." giit niya.
Hindi ko na napigilang maiparinig sa kanya ang malalim kong pagbuntong-hinga.
"What? Is there something wrong?"
"Wala, Ate... Medyo pagod lang ako ngayon sa school pero okay naman po ako."
"It's good to hear that. Anyway, any news? Naghasik ba ng lagim ang magaling kong kapatid ngayon?"
Hindi lang lagim Ate Sky... Gusto kong sabihin pero hindi ko magawa.
"Tahimik po ngayon, Ate. Sige na po. Kailangan ko nang ibaba dahil tinatawag na ako ni Mama! Tatawagan ko po kayo kapag may nabalitaan akong ginawang masama ni Ramiel. Bye Ate!"
"Izzi–"
Pinatay ko na ang tawag at hindi na siya pinagsalita dahil baka kapag tumagal pa 'yon ay masabi ko na sa kanya ang lahat ng nasaksihan ko. Muli akong bumalik sa pagkakahiga at pilit na ipinikit ang mga mata, nagdasal na hindi ko makita ang mga imahe ng nangyari sa pagitan nito at nang girlfriend pero hanggang sa panaginip ko ay sinundan ako no'n!
Nagising akong pawis na pawis at habol ang paghinga. Sa panaginip ko kasi ay hindi lang ako tinitigan ni Ramiel ng masama kung hindi hinabol pa at gustong patayin! Nagkukumahog akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig.
Sabado ngayon at wala akong klase. Sa mga ganitong araw ay nasa mansion ako at nag-aaral pero dahil iyon ang pinaka-masamang gawin ngayon ay pipilitin kong manahimik nalang muna rito sa bahay. I don't know when will I set foot in that place again. Baka kapag nagka-amnesia ako or nabulag si Ramiel. Iyon lang.
Pagkatapos uminom ay nagwalis ako sa bakuran habang hinihintay si Mari. Wala pang isang oras ay dumating na ito pero ang plano kong pagtatapat sa kanya kung ano talaga ang dahilan ng paghapo ko kahapon ay hindi ko na naituloy dahil sa dala niyang tsismis.
"T-Totoo ba 'yon?" gulat kong tanong.
Tumango-tango ito habang abala sa pag-ngasab ng nilagang mais na dala.
"Oo nga! Bakit ayaw mong maniwala?"
"May girlfriend na si Ramiel. Si Clare."
Agad siyang umiling.
"Hindi niya girlfriend 'yon. Ever heard of the word fling? 'Yon lang ang relasyong mayroon sila. Hindi totoo ang balita. Kaya nga 'di ba, iyong magandang nursing raw ay na-virginan nito ilang buwan noong simula palang ang klase ngayong taon."
I've heard the news but I never really listened to it. Akala ko purong tsismis lang dahil natural na 'yon lalo na sa pamilyang bagong salta pero simula ngayon ay dapat ko na yatang paniwalaan ang lahat dahil ako na mismo ang nakasaksi ro'n.
"Kung girlfriend niya si Clare, I don't think he will fool around..." bumagal ang kanyang pag-nguya. "O baka nag-cheat lang siya. Pwede rin. It's not that hard to believe knowing his status on the university..."
"Saan mo ba nakuha ang mga balitang 'yan?" pinili kong mag-concentrate sa pagkaing hawak ko kahit na nagkakabuhol-buhol na ang aking utak.
"Sinabi nga ni Vanessa. Hindi ka talaga nakikinig! Uulitin ko, kwento ng ate niya, noong isang linggo lang raw iyon nangyari! At naku te, maloloka ka dahil ang sabi ay daku daw si Ramiel!"
Nahinto ako't napatitig sa kanya.
"D-Daku?"
Tumango tango ang nakangisi niyang mukha!
"Big, thick, long, hard, massive, sizable, hefty, malaki..." nagpatuloy siya sa pagpapaliwanag and then the image of his Ramiel's manhood flashed in my head again!
Mabilis kong ipinilig ang aking ulo.
"Huwag ka ngang maniniwala doon! Tsismis lang 'yon!"
"Tsismis na malaki ang titi niya?"
"Mari!" nanlalaki ang mga mata kong hiyaw dahil sa narinig!
What the hell! Gosh, what is wrong with her!
Humagalpak ito ng tawa na hinawakan pa ang tiyan dahil hindi na mapigilan ang sobrang katuwaan dahil sa nasabi.
"Sorry! Eh bakit, normal lang namang salita 'yon! It's part of a human's body–"
"Pero ang sagwang pakinggan!"
"Ano pala? Dick? Penis? Titi?!"
"Neither!" nagsisitayuan ang balahibo ko sa katawan dahil sa pasmado niyang bibig! "Kailan pa tayo nag-usap tungkol sa... sa..."
"Ti–"
"Mari! Ano ba!"
Tumayo na ako pero mas lalo lang nanakit sa tiyan ng kakatawa ang kaibigan kong tuwang tuwa sa salitang 'yon! She's crazy!
"Kung ano-anong nasasagap mong balita! Nakakadiri ka!"
"Excuse me! Information 'yon! Oh at least alam na nating daku ang thing niya down there! Kaya nga tuwang tuwa iyong kapatid ni Vanessa. Solve daw siya! God, I can't imagine how lucky she was!"
"Lucky?! Mari, naririnig mo ba ang sarili mo?!"
Tinigilan niya ang pagkain at tumatawa pa ring humarap sa akin. Hinawakan pa ang kamay ko.
"Izzi, alam mo hindi na tayo bata para sa mga gano'ng bagay. Ako, kung isang araw magkakaro'n ako ng experience gusto kong–"
Mabilis kong tinakpan ang aking magkabilang tenga dahil hindi ko na talaga kinakaya ang lahat ng mga naririnig sa kanyang bibig! Marami pa siyang sinabi habang humahalakhak na kinukuha ang mga kamay ko sa pagkakatakip pero hindi ko na talaga siya pinakinggan. Bumalik lang ang wisyo ko sa kanya nang magsalita na siya ng ibang bagay at malayo kay Ramiel.
I can't deal with her and that topic. Kahit na isa na ako pwedeng magpatunay na totoo ang tsismis ay hindi ko sasabihin sa kanya. I just can't tell anyone that I watched him have sex in front of me! Bukod sa moralidad ko ang nakataya ay napaka-bastos no'n!
"Si Rigel kaya? Tingin mo may experience na siya?" kuryosong tanong nito ilang oras matapos matabunan ang gano'ng usapan.
Hindi ko siya maintindihan ngayon at bakit ganito ang trip niyang topic pero dahil wala na rin yata kaming mai-tsismis sa isa't-isa ay napasagot na ako.
"Siguro. Galing sa Manila ang mga 'yon. Doon, hindi na masyadong mahalaga ang virginity kumpara rito na mas marami pa rin ang mga sumusunod sa nakasanayan noong mga panahon ng kastila."
Napakurap-kurap siya, mukhang hindi makapaniwala sa mga narinig.
"Kung sabagay... tayong dalawa kasama ang halos kalahati ng klase ay intact pa rin ang virginity."
I nodded at her.
"Izzi, weird ba kung sasabihin kong bago mag-graduation gusto kong mawala na 'to?"
Ako naman ang natawa.
"Parang sakit lang na gusto mong mawala?"
Napanguso siya.
"Pagkatapos kong mag-aral ay susunod ako kay Tiya Selya sa Manila para magtrabaho. Sabi, doon raw ay loser ang mga virgin kaya gusto ko bago ako grumaduate ay hindi na ako virgin."
Natigil ako sa pagbabasa sa hawak na libro ng makita ang kaseryosohan sa kanyang mukha.
"Seryoso ka?"
Pinagdiin niya ang kanyang mga labi at pagkatapos ay marahang tumango. Yep. She's serious!
"Importante na hindi loser ang tingin sa'yo ng ibang tao kaysa sa virginity mo? Hindi ba dapat baliktad? Hindi ba dapat ika-proud mo 'yon dahil naiiba ka sa ibang mga nasa Manila? That's a gem–"
"Masyadong makaluma ang gano'n, Izzi. Hindi na uso 'yong sa mapapangasawa mo lang 'yon dapat ibibigay. Kung talagang mahal ka ng magiging asawa mo, dapat matatanggap ka niya virgin man o hindi."
Hindi ako nakapagsalita. I get her point. Tama naman 'yon pero hindi ba mas maganda pa rin ang makalumang kaugalian? Hindi ba iyon pa rin naman ang pinaka-magandang regalong maibibigay mo sa mapapangasawa mo?
"So kailangan mong magka-boyfriend bago tayo magtapos para mawala 'yan?" tanging naitanong ko imbes na ang sandamakmak na katanungan sa aking utak.
Muli siyang natawa bago nagkibit ng balikat. "It doesn't matter. Kahit hindi dahil kung magkaka-boyfriend rin naman ako, iiwan ko rin pagkatapos. Hindi kami mabubuhay rito sa probinsiya. Hindi gaya sa Manila na malaki ang kikitain ko at makakapagpadala pa ng malaki-laking pera kina Mama..." she continued telling me her plans.
Ngayon ko lang narinig ang lahat ng 'yon kaya buong atensiyon ko ang nakatutok sa kanya. Nakalimutan ko na ang mga pangyayaring pilit kong kinakalimutan dahil sa mga paniniwala ni Mari. Oo nga't kaibigan ko siya pero alam kong kahit naman anong sabihin ko ay ang gusto niya pa ring mangyari sa buhay niya ang kanyang gagawin. In the end, I just promised that I'll support her in any decisions that she will make.
Naging bukas ako sa lahat dahil hindi naman porket iba ang paniniwala niya kaysa sa akin ay mali na 'yon at hindi rin porket iba ang akin ay mali ako. We deal with things differently at para sa akin, hangga't wala ka namang nasasaktan tao ay gawin mo lang kung ano ang mga bagay na gusto mo't magpapasaya sa'yo. Kung 'yon ang paniniwala niya ay wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang intindihin at suportahan siya. Maybe that's the beauty of friendship, you may disagree with one's opinions and even beliefs but you'll still end up supporting each other.
Buong puso akong ngumiti nang matapos siya.
"So anong gusto mong role ko kapag nangyari 'yon? Scorer, referee or audience?" pagbibiro ko nalang upang kumbinsihin na rin ang aking sarili na may mga opinyon kaming magkaiba at pwedeng wala sa amin ang mali... At pwedeng wala ring tama.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro