CHAPTER 2
Chapter Two
Favor
"Almera!" ilang beses pang umulit ang mga salitang 'yon sa mahina kong utak hanggang sa mapapikit nalang ako.
Bigla akong natakot na baka sa pagharap ko ay buhusan niya ako ng asido sa mukha, saksakin sa dibdib o barilin sa sintido!
Oh my God, nandito ako para mag-aral at hindi para maging biktima ng Ramiel na 'yon! Wala sa sariling napausal nalang ako ng isang dasal pero natigil ako ng marinig ang mga hakbang nito palapit sa akin at maya maya'y pagtawa ng malakas! I know that laugh!
Marahas akong pumihit paharap doon at nakita ang ibang Del Rio sa aking harapan!
"Rigel!" umalon pa ang boses ko sa matinding kasiyahan ng makita ang kanyang kabuuan!
Kung hindi nga lang siguro maraming mga matatalim na titig ang nakapukol sa akin ay nayakap ko na siya!
"Why do you look so surprised?" nakangiti niyang tanong sabay ng lahad ng kamay para kunin ang librong hawak ko. Binigay ko naman 'yon sa kanya bago sinabayan ang kanyang paglalakad.
Kung kanina ay pagmamakaawa ang mga dasal ko, ngayon naman ay purong pasasalamat na ang mga iyon!
Pakiramdam ko ay ang mga paghinga ko ngayong kasama siya ang pinaka-maluwag na paghingang nagawa ko ngayong taon. I'm just thankful that he's walking beside me, bukod sa feeling ko safe ako ay alam kong hindi rin ako pwedeng pag-usapan ng kahit na sino. I mean, this is Rigel Del Rio. Bukod sa kapatid niyang maangas at tinik sa lalamunan ng lahat ng narito ay gumagawa rin ito ng sariling ingay sa kabuuan ng San Martin de Dios sa larangan ng sports.
"Wala naman..."
"You sure? Hindi ba dahil kay Ramiel?"
Napanguso ako. Of course, he knew. Malaki man ang eskwelahang ito pero mabilis pa sa virus kung kumalat ang balita.
"Huwag mo nalang pansinin 'yon. Hayaan mo't kakausapin ko mamaya–"
"No! Hinding hindi mo 'yon dapat gawin!" pigil kong nagpabagal sa kanyang paglalakad.
"And why is that?"
Nahihiya akong napangiwi bago nagkibit ng balikat.
"Baka mas lalo akong pag-initan ng kapatid mo."
Muli siyang natawa. Me and Rigel became close weeks after Ate Skyrene and I became friends. Bukod sa kasing bait rin ito ng kapatid ay hindi rin mahirap pakisamahan. Actually, lahat naman ng Del Rio ay masasabi kong mabait maliban sa nag-iisang black sheep nila. Zuben and Cassy are obedient, matatalino at may respeto rin ang mga ito. At kahit na si Ate Skyrene lang ang nagpalaki ay masasabi kong maayos niyang nagampanan ang papel na maagang ibinigay sa kanya... Well, sumablay lang talaga sa lalaking maihahalintulad sa nag-iisang porsyento ng germs na hindi natatanggal kahit anong gawin.
Oo nga't hindi naman lingid sa akin ang kasamaan ng Ramiel na 'yon simula nang umpisa ko itong makita sa bakuran ng mansion ay hindi ko akalaing maghahasik pa ito ng lagim sa kabuuan ng bayan namin. Napapailing nalang ako sa tuwing naalala ang mga ginawang kalokohan nito.
Isang buwan simula ng pumasok ito sa San Martin ay ilang beses na itong nasangkot sa gulo. Ilang beses na pinatawag ang mag-asawang Deontelle dahil sa pagiging basagulero ni Ramiel. Sa pangalawang buwan ay nahuli naman itong nagbebenta ng sigarilyo sa loob ng campus. Sa pangatlo ay pati alak na ang binibenta at sa pang apat ay nagtayo na ito ng pasugalan sa likod ng engineering building na hanggang ngayon ay bukas pa rin at wala na yatang makakapagpasara.
Ilang beses kong nakitang namroblema si Ate Skyrene sa tigas ng ulo nito pero hindi naman nakontrol. Ramiel is different from all of his siblings pero nakuha nito kay Ate Skyrene ang dedikasyon at diskarte sa buhay. Ani Rigel, ginagawa lang 'yon ng kanyang kapatid dahil gusto nitong kumita ng pera at makatulong sa pag-iipon nila at paghahanda sa buhay nilang magkakapatid... Bukod syempre sa pagiging matigas lang talaga ang ulo.
"Uy..."
"H-Ha?" bumalik ako sa kasalukuyan ng maramdaman ang marahang pagsiko niya sa akin.
Doon ko lang napansing nasa harapan na pala ako ng silid ko ngayong araw at wala nang natandaan sa mga sinabi niya. He chuckled and gave me my books.
"Nothing. Masyado kang maraming iniisip and that's not healthy. Kung ako sa'yo, kalimutan mo na 'yon. Ramiel will not harm you, kahit gago 'yon hindi 'yon papatol sa babae."
"Chesca? Si Brigette? Si Aleah?" litanya ko sa mga babaeng pinatulan nito noong nakaraang buwan lang!
Napadiin ang mga labi ni Rigel sa isa't-isa at ngumiti ng hilaw.
"Well, let's just say that you're an exemption. Hindi ka gagalawin no'n, akong bahala sa 'yo."
Hindi ko alam kung dapat kong ikapanatag 'yon o mas lalo kong katakutan. Sa huli ay isang tango na lang ang ginawa ko bago nagpasalamat sa kanya't nagpaalam. Habang nasa klase ay alerto ako. Naghahanda sa posibleng ganti nito pero natapos at nakauwi ako ng buo.
"Tell me what he did this time?" napayuko ako para sana itago kay Ate Skyrene ang kailangan kong sabihin sa kanya ngayon sa pagpunta ko sa mansion pero huli na ang lahat. Alam na niyang magsisinungaling ako.
"Izzi?"
Napatuwid ako ng upo pero hindi ko magawang diretsahin siya. She waited for my answer.
"W-wala naman, ate–"
"Liar," sabay kaming napalingon nang lumitaw si Rigel sa patio habang nakapamulsa.
Sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko ang pagkunot ng noo ni Ate Skyrene sa aking harapan at bago pa makapagsalita ay nauna na ang bagong dating.
"May nangyari kanina and as usual, sangkot na naman ang kapatid mo." Rigel said, now walking towards me. Napaurong ako sa pang-dalawahang couch para makaupo siya sa tabi ko.
"What happened?" Ate Skyrene asked.
"It's your cousin right?" tanong naman ni Rigel.
Tipid akong tumango at wala ng nagawa kung hindi ang magsabi ng totoo rito.
Hindi ko yata nakitang kumurap si Ate Skyrene habang isinasalaysay ko sa kanya ang lahat. Kahit na gaano pa kasama ang ginawa ng kapatid niya hindi lang sa pinsan ko ay nagawa kong idagdag sa dulo na hayaan nalang ito. Hindi dahil ayaw kong mapagalitan ito kung hindi ayaw kong mas uminit ang mga mata nito sa akin.
"Call him."
"Ate Sky–"
"Rigel! Call him!"
Bahagya akong umiling nang tignan ako ni Rigel pero dahil utos ng kapatid ay pareho kaming walang nagawa. Umayos ito ng tabi sa akin nang nasa kabilang linya na ang lalaking kapatid. Hindi ko mapigilang mapapikit habang pinapakinggan si Ate Skyrene na pinapagalitan ito sa telepono habang hawak ni Rigel ang kanyang cell phone at naka-loudspeaker.
"Umuwi ka! Ano na namang ginagawa mo diyan sa pahingahan?! Ano?! Ramiel, hindi mo pwedeng gawing pasugalan o motel 'yang pahingahan ng mga trabahador! Umuwi ka rito ngayon din!"
Siniko ko si Rigel nang matawa ito habang pinapakinggan ang dalawa lalo na't kinuha na rin ni Ate Skyrene ang kanyang cell phone, nanggagalaiti kay Ramiel.
"Kasalanan mo 'to. Kapag binugbog ako ng kapatid mo bukas bubugbugin rin kita." bulong ko sapat para marinig niya. Kung hindi lang ito uminom ay baka humagalpak na ito ng tawa.
Nang matapos ang pag-uusap ng kanyang Ate ay tumayo na ito ay ginulo ang buhok kong nagpanguso sa akin bago kunin ang kanyang telepono sa kapatid.
"Oh, ikaw saan ka naman pupunta, aber?!"
"May practice kami ng basketball. I'll be back before dinner. "
Bumuntong-hininga si Ate Skyrene pero hindi na rin napigilan ang huli. Bagsak ang mga balikat niyang bumalik sa tabi ko. Ako naman ay nagpatuloy lang sa pagbabasa sa mga librong hiniram ko sa kanilang library.
"Izzi, pasensiya ka na sa kapatid ko. Hayaan mo't pagsasabihan ko."
"Ate wala 'yon. Okay lang 'yon. Hindi naman nila nasaktan si Ezekiel."
She heave another heavy sigh. Napatuwid ako ng upo ng pumihit siya paharap sa akin.
"Can I ask you a favor?"
Napakurap-kurap ako. "P-Po?"
"This maybe a little tricky but please, can you help me?"
Lumakas ang kalampag ng puso ko habang nakatitig sa kanyang mga mata pero ng hawakan niya ang aking kamay ay hindi na ako nakatanggi.
"Alam naman nating matigas talaga ang ulo ni Ramiel. Hindi lang rin naman siya. Rigel can also be a pain in the ass sometimes pero alam mo naman ang pinagdaanan ko kay Ramiel. Ngayong wala na ako sa university, nag-aalala ako lalo na't bago pa makarating sa akin ang mga kalokohan nito ay nahaharang na. Wala na akong tenga sa San Martin. Lahat na ay kontrolado ni Ramiel at takot ang mga itong magsumbong sa mga pinaggagagawa niya. Si Rigel naman ay walang pakialam sa ginagawa ng kapatid at wala ring balak na magsumbong sa akin sa bawat kasalanan nito..."
Hindi ako huminga sa haba ng litanya niya at mas lalo lang kinabahan sa kanyang pagpapatuloy.
"P-Pero Ate–"
"Please, Izzi? Hindi niya malalaman na ikaw ang nagsasabi ng mga ginagawa niyang kagaguhan. I just want to know kung ano ang mga nangyayari sa kanya maging sa iba ko pang mga kapatid. I want you to be my eyes and ears inside the university. I have so much on my plate right now pero kailangan ko pa ring unahin ang mga kapatid ko sa kahit na anong bagay. Please help me?" pinisil niya ang kamay ko nang siguro'y matanto ang aking pagtanggi. "Please, Azalea?"
Wala sa sariling nakagat ko nalang ang aking pang-ibabang labi ng makita ang pagmamakaawa sa maamo niyang mukha dahilan para dahan-dahan akong tumango at pumayag sa lahat ng mga hiling niya. Naputol ang aking paghinga ng maramdaman ang pagyakap niya matapos ang pagpayag ko.
"Thank you!" ilang segundo pang humigpit iyon bago ako pakawalan. "From now on you'll tell me everything, alright?"
"M-May choice pa ba akong iba, Ate?"
"Wala," tumawa siya saka binalingan ang meryendang nasa harapan naming lamesa. "You're free to use the library anytime. Twenty four hour privilege, Izzi. I can give you allowance too. Tawagan mo lang ako at ako nang bahala sa'yo."
Tipid akong ngumiti at umiling.
"Tama na sa akin ang library, Ate."
Kumalat ang tuwa sa kanyang mukha dahil sa sinabi ko. Kahit paano ay umalwan na rin ang pakiramdam ko. Malaking tulong na ang library para sa mga research ko at lalo na ang kanyang laptop na ipinapahiram sa akin. Siguro nga kung wala 'yon ay hindi ko mairaraos ng gano'n kadali ang unang taon ko sa San Martin de Dios. Naramdaman ko ang pag-uumapaw ng tuwa sa aking puso ng makita ang saya hindi lang sa kanyang mga labi kung hindi pati sa mga matang ngayon ay nagniningning.
Parang may kung anong humaplos sa aking puso ng makita 'yon. Halos dalawang taon bago ang araw na ito ay ni minsan hindi ko siya nakitaan ng gaan sa lahat. She was reserved and afraid to open up to someone. Naintindihan ko naman dahil una palang nang dumating ang magkakapatid sa aming lugar ay sinabi na ni Mama ang tungkol rito. Aniya'y malayo ang loob ng mga ito sa sariling kadugo at estranghero ang turing sa mga ito. Magaspang rin daw ang pakikitungo ni Ate Skyrene sa mag-asawa at hindi kailanman gustong humingi ng tulong sa kahit na anong paraan kaya noon ay hindi ko na rin inasahang makakasundo ko sila. But things change when she started visiting the farm.
Nasorpresa ako nang mabilis kaming nagkasundo. Sa mga unang buwan ng pagiging close namin ay naging maayos naman siya sa akin at mabait kaya mas lalong nagulo ang utak ko't hindi na malaman ang dahilan kung bakit iba siya pagdating sa mga Deontelle.
Nang sumapit ang pasukan ay bahagya kong naintindihan ang lahat lalo na ng magkaroon ng sagot ang mga tanong sa utak ko kung bakit napaka-pamilyar ng kanyang mukha sa akin. She was the girl who joined the TV series and was about to get married to the billionaire Eros Ziege Vergara. Kung ano ang dahilan bakit hindi natuloy ay hindi nasagot pero malinaw na isa ang pangyayaring iyon sa maraming bagay na nagpapalungkot sa kanya.
I never really like to watch TV series but I binged on the show when I heard it. Maging ako ay nalungkot ng hindi matuloy ang kanilang kasal at narito siya ngayon samantalang si Eros naman ay wala na ring balita.
"What?" tumatawa niyang tanong ng mahuli akong nakatitig sa kanyang masayang mukha.
Magiliw akong umiling at pilit na ibinalik nalang ang mga mata sa harapan ng librong binabasa. I'm happy to see her happy. Hindi lang 'yon, masaya rin akong tanggap na niya ang kanyang sitwasyon ngayon at natututo nang magtiwala kahit paunti-unti. Actually, it's awkward to see her talk to Jaycint without yelling or even trying to kill the guy. Gano'n ang relasyon nila noon pero ibang iba na ngayon.
Hindi nawala ang ngiti ko ng maisip na nakakagaling nga ang oras... Everything really takes time. Iyon ang napatunayan ko sa pagsaksi sa halos dalawang taong kasama ko siya. May lungkot pa mang natitira sa kanyang mga mata ngunit hiling kong isang araw ay mapawi iyon lahat dahil tama si Rigel... Ate Skyrene deserves every good things in life. Hindi lang dahil sa pag-ako nito sa lahat ng responsibilidad at pagbuhay sa kanila kung hindi dahil mabuti itong tao at hindi makasarili.
Hindi nawala ang init sa aking puso dahil sa mga naiisip habang nagpapatuloy sa ginagawang research. Nang bumaba ang araw at lumiwanag ang kabuuan ng patio sa mga maliliit na ilaw sa buong paligid ay nagpasya na kaming bumalik sa loob at kumain ng hapunan bago ako umuwi.
I was smiling while listening to her habang patungo kami sa dining area pero ang lahat ng ngiti sa aking mga labi ay bahagyang napawi ng masagi ng mga mata ko ang isang bultong nahinto rin sa paglalakad ng matapat sa amin.
Wala sa sariling napayakap ako sa mga librong ipinahiram sa akin ni Ate Skyrene lalo pa nang umibis kaagad sa akin ang matatalim na kahel na matang iyon na napapalibutan ng mahahabang pilik. Ang kilay niya ay bahagya ring nagdikit habang sinusuri ang kabuuan ko. Wala sa sariling napalunok nalang ako ng malaglag ang mga mata ko sa kanyang nakatangis na panga pero tuluyan ng naputol ang aking paghinga ng marinig ang mga salitang lumabas sa kanyang mapupulang labi.
"What the hell are you doing here?"
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro