CHAPTER 14
Chapter Fourteen
Love, Joy And Contentment
Ang isiping makakasama ko si Ramiel sa halos araw-araw ng buhay ko ay hindi ko pa rin mapaniwalaan. I thought he was just kidding pero iyon ang nangyari. Nang sumikat ang araw matapos ang pag-uusap namin at bago pa ako umuwi ay napagkasunduang hindi malalaman ng ibang tao ang nangyari ng gabing 'yon kapalit ng lahat ng gusto ni Ramiel.
I am okay with it. Okay ako sa lahat pero hindi ko alam na ang araw na 'yon ang simula ng lahat ng malaking pagbabago sa buhay ko.
"Oh my God, what is she doing in Ramiel's car?! Bakit sila magkasama?" sinadyang iparinig sa akin 'yon ng mga kasama ni Clare ng mauna akong bumaba sa sasakyan nito.
Napayuko ako ngunit bago pa makaalis ay naharangan na ng huli ang daraanan ko.
"Anong ginagawa mo sa sasakyan ni Ramiel? Bakit kayo magkasabay?" kalmado lang ang pagkakasabi niya no'n pero damang dama ko ang galit sa kanyang tinig.
"S-Sumabay lang ako." umatras ako dahil parang hindi ako makahinga ng mabuti sa agaran nilang pag-corner sa akin.
Mabuti nalang at lumabas na rin si Ramiel kaya bahagya silang umatras.
"Ramiel!" masayang sambit ni Clare at patakbong lumapit rito sabay pulupot ng kamay sa braso. Pinigil kong mag-iwas ng tingin ng abutin pa niya ang labi nito upang halikan. "Bakit kasama mo si Izzi?"
"Why not?" aniya habang tinatanggal ang pinaka-unang butones sa suot na itim na polo shirt.
Napalunok si Clare dahil sa lamig ng tinig nito pero tuluyang nawala ang kulay sa kanyang mukha ng balingan ako ng lalaking hawak niya. Umatras ang mga babaeng nasa gilid ko na parang gusto na akong sakmalin kanina nang pasadahan rin sila ng tingin nito. Iginalaw ko ang mga paa ko pero bago pa ako makalayo ay narinig ko na ang habilin ng lalaki. Napalingon ako.
"Don't forget about what we agreed, Almera. I'll fetch you later." aniyang dahilan ng paglukob ng kaba sa aking dibdib ngunit hindi ko nalang sinagot dahil talagang matalas na ang tingin ni Clare sa akin.
Narinig ko pa ang pagtatanong nito pero sinupla lang ito ni Ramiel at pinatahimik gaya ng lahat ng nagtatanong.
"Anong nangyayari, Izzi?"
"H-Ha?"
"Huwag kang magsisinungaling!" hinila niya ang upuang nasa tabi ko at pasalampak na naupo doon.
Katatapos lang ng klase namin at hindi pa man nakakalabas ang aming professor pero heto siya, hindi na makapagpigil sa kung ano.
"Bakit ako magsisinungaling?"
"Bakit kailangang sabay kayo ni Ramiel pumasok, huh? At ang balita ay susunduin ka pa mamaya! Totoo ba 'yon?!"
"H-Ha?"
"Don't lie, Izzi."
Wala sa sariling natutop ko ang aking bibig. Of course, mabilis nga talagang kumalat ang balita lalo na ang mga balita tungkol kay Ramiel. Ngayong nakadikit na ako rito at dapat dumikit ay nasisiguro kong ito palang ang simula ng malakihang tsismis.
"I-I..."
Tumaas ang isang kilay niya ngunit hindi 'yon naging hadlang para hindi ko maituloy ang pagsisinungaling.
"Well, nagkataon lang 'yon. May inutos kasi si Ate Skyrene na ibigay rito kay Mama kaya nakasabay ko siya kanina."
"Oh, eh bakit susunduin ka raw mamaya?"
"Ah... 'Yon naman, ako naman ang pupunta sa mansion. May kailangan akong ibigay kay Ate Sky."
"At gaano kaimportante 'yon para makalimutan mong ayaw mo siyang maging parte ng buhay mo?"
"W-What?"
Tumango-tango siya. Doon ko naalala ang lahat ng mga sinabi kong sumpa noong mga panahong hindi pa nangyayari ang lahat. Iyong mga panahong palagi pa akong nadadamay sa mga kagaguhan niyang ginagawa at palaging napagbubuntunan ng galit.
"Sinabi mo 'yon. Nasa barn pa tayo tapos sabi mo kahit kailan ay ayaw mong mapalapit sa lalaking 'yon dahil bad vibes lang ang maibibigay niya sa'yo–"
"Okay! Okay! Sinabi ko nga 'yon pero hindi na ba pwedeng mabago?"
Umiling siya.
"Not unless may ginawa siyang mabuti sa'yo or something na makakapag-kumbinsi sa utak mong may kabutihan siyang taglay at iba sa unang impresyon mo."
Napangiwi ako.
"Paano kung meron?"
"At ano 'yon?"
Nagkibit ako ng balikat. Ano nga ba? Kung iisa-isahin ko ang mga bagay na nagpabago ng tingin ko sa kanya nitong mga nakaraan ay baka maubos ang oras namin hanggang sa matapos ang klase. Iyong pagtatanggol niya palang sa akin ay halos sobra na. It's more than enough to think that he is a good person.
"Mari, hindi ko rin alam," tanging sagot ko. "Basta ang importante, makakauwi ako ng maayos at mabilis mamaya. Kung gusto mong sumabay, sasabihin ko sa kanya–"
"No way! Hindi na, 'no! Okay na, pwede nang magbago! Isa pa, baka makaistorbo lang ako sainyo at tsaka okay na rin 'yon para mas lalong magngitngit ang feelingerang girlfriend niya."
"No. Actually, sumabay ka na–"
"Nope! Hindi na!" aniyang nakangisi at agad na bumalik sa kanyang pwesto.
Nakakalungkot mang kailangan kong magsinungaling sa ilang taong malapit sa akin pero ayaw ko nang lumala pa ang lahat. Isa pa, tungkol rin naman ito sa kaligtasan ko kaya kung marami mang masasabi ang ilan ay titiisin ko nalang.
Pagtitiis.
Iyon ang nabuo sa isip ko sa buong durasyon ng pag-aaral pero ng makita ko si Ramiel sa labas ng silid nang huling klase ko ay parang ayaw ko nang magtiis.
Bukod kasi sa asaran ay hindi rin ako nakaligtas sa mga galit na matang galing sa mga babaeng may gusto rito. Mari joined the teasing club while I was walking towards him. Magkadikit ang mga makakapal niyang kilay na mukhang naiinip na sa kahihintay sa akin ngunit ng makita ako ay agad na nawala.
"Let's go." utos niyang hindi na inintindi ang sigawan sa loob ng klaseng pinanggalingan ko.
Mari was smiling from ear to ear. Parang gusto niya pang mangisay habang ikinukumpas ang mga kamay para sabihing sundan ko na ang lalaki.
"Ramiel..." nagmamadali ko siyang pinantayan.
"Hmm?"
"T-Tingin ko hindi naman kailangang puntahan mo ako sa classroom ko at sunduin. Pwede naman akong pumunta sa parking lot para doon ka kitain."
Bumagal ang paglalakad ko ng lingunin niya ako.
"That's not what we agreed."
"Pero alam mong magiging malaking issue 'to. Marami rin ang mas magagalit sa akin at maiistorbo ka lang sa ginagawa mo. Ipinangako ko naman nang tutupad ako sa mga napag-usapan natin and trust me, I'm good with promises."
Inalis niya ang tingin sa akin sabay sabing, "Alright, sure."
Tuluyan na akong nahinto sa paglalakad dahil sa narinig na hindi ko inasahang gano'n lang pala kadali!
"S-Sure? Sure as in pumapayag ka na kaagad?" muli ko siyang hinabol.
"Just text me whenever your class is finished."
"Alright! Cool! Fine!"
Hindi nawala ang ngiti ko hanggang sa maihatid niya ako sa bahay. Bukod sa wala naman kaming napag-uusapan ay maayos naman ang lahat kaya alam kong okay lang ang ganito. Tatagal ako sa ganitong set-up.
Isang thank you lang ang sinabi ko bago bumaba ng kanyang sasakyan. Kumaway ako ng umatras na ito at lumiko pabalik sa direksiyon ng mansion.
"Sino 'yon, Izzi?"
Napapitlag ako ng marinig ang boses ni Mama sa aking likuran. Nagmamadali kong inayos ang aking sarili at tinanggal ang ngising mahirap patirin sa aking mga labi.
"Ma!" niyakap ko siya't hinalikan.
"Iyon rin ang sumundo sa'yo kaninang umaga at kotse iyon ng mga Deontelle."
Pinagdiin ko ang aking mga labi saka tumango.
"Si Ramiel po."
"Ramiel?"
Maingat akong tumango. Sabay kaming naglakad papasok sa bakuran.
"At bakit kasama mo 'yon? Sa pagkakaalam ko ay magkaiba kayo ng antas sa unibersidad at kahit kailan ay hindi mo nakasundo ang isang 'yon."
Again, base iyon sa mga kwento ko noong mga panahong tanging pagkamuhi lang ang nararamdaman ko sa kanya.
"Nagmamagandang-loob lang po. Tsaka, hindi po ba mas okay 'yon para makauwi ako kaagad at hindi ka na nag-aalala kapag nale-late ako?"
"Kasama ang lalaking 'yon, Izzi? Hindi ko alam."
"Ma, alam kong marami akong nasabing masama tungkol kay Ramiel noon pero hindi ko pa siya kilala."
"At kilala mo na ngayon?"
Hinawakan ko ang kamay niya upang pigilan sa paglalakad. Iniharap ko siya sa akin at pinisil ang mga ito.
"Ma, wala naman pong masama kung magiging magkaibigan kami gaya ng pakikipag-kaibigan ko kay Rigel hindi ba?"
Nalunod ako sa pag-aalalang nabanaag ko sa kanyang mga mata.
"Ma–"
"Hindi lang tungkol sa mga pagkamuhi mo ang dahilan kung bakit hindi ako palagay na makita kayong magkasama, Izzi. Nanay ako at hindi mo maiaalis sa akin ang pag-aalala."
"Ma, huwag po kayong mag-isip. Nakikisabay lang talaga ako para makauwi ng maaga at makagawa ng homework ko. Kapag maaga akong natapos, mas marami akong maitutulong sa inyo rito sa bahay."
Marami man siyang gustong itanong pero sa huli ay hindi nalang nagsalita.
I never really thought of lying to my Mom. Sabi ni Papa, mas mabuti pa raw ang makasakit dahil sa pagiging totoo kaysa sa makapagpasaya gamit ang pagsisinungaling. Iyon ang pinaniwalaan kong tama habang nagkaka-isip ako pero ngayon, habang nagninilay ako sa mga nangyayari ay hindi ko na alam kung ano ba talaga ang tama at mali. I lied to her. Hindi lang sa kanya kung hindi pati na rin sa mga kaibigan ko.
Una, nagsinungaling ako kay Mari dahil ayaw kong malaman niya ang nangyari sa akin at mag-alala siya. Kapag nag-alala kasi siya ay siguradong magsasabi 'yon kay Mama at kapag nalaman ni Mama ang lahat ay malalaman ni Ate Skyrene at mapapahamak si Ramiel at Rigel... And that goes with the second incident. Kapag sinabi ko kay Mama na muntik na akong ma-rape ay hindi 'yon titigil sa pagtatanong and again, sa dalawang magkapatid pa rin ang dulo ng lahat ng ito.
I don't think I can turn Ramiel in after he saved my life twice... Regardless kung may kinalaman siya kung bakit nagiging ganito na ang buhay ko. Still, I should be thankful to him for saving me. Hindi man magiging proud si Papa sa akin pero alam kahit paano ay maiintindihan niya ang mga desisyon ko.
Nagpatuloy sa pagsundo at hatid sa akin si Ramiel. Nagpatuloy ang buhay ko sa San Martin De Dios at nagpatuloy rin ang mga kasinungalingan ko.
"Akala ko naman kasi may something talaga kayo..." si Mari makalipas ang tatlong linggong set-up namin ni Ramiel.
Gaya ng unang alibi ko, sinabi kong magkaibigan na kami nito gaya ni Rigel para hindi na siya magtakang palagi ako nitong sinusundo at hinahatid. Mabuti nalang rin at napapakiusapan ko si Rigel na huwag magdala ng sariling sasakyan minsan at sa amin sumabay para kahit paano ay maiwasan ang tsismis.
"I told you, we're just friends. Gaya ng pagiging magkaibigan namin ni Rigel."
Umiling-iling siya. Nalilito at hindi makapaniwala sa mga sinabi ko. Well, I need her to believe me at iyon ang gagawin ko.
"No. Parang may kulang sa kwento. Kumbaga may plot holes that's why it doesn't really makes sense."
"Walang sense na posible kaming maging magkaibigan pagkatapos ng lahat?"
"Ang ibig kong sabihin ay iyong bilis ng pagiging magkaibigan niyo. It's instant to think na hate pa ang ugat ng pagkakakilanlan niyo."
"Mari, kung sumasama ka sa akin sa mansion ay malalaman mo kung paano kami nagsimulang maging magkaibigan."
That was enough to convinced her... for now. I still need more good lies para hindi na siya magtanong pa sa susunod.
Nagpangalumbaba ako at sinundan ng tingin ang babaeng nasa tabi ni Ramiel habang naglalakad palayo sa pwesto namin. I never really expect myself to get intrigue by him being a womanizer pero pagkatapos ng lahat ng nangyari ay doon na yata nakatuon ang utak ko.
Sa tuwing nakikita ko ang iba't-ibang babaeng kasama niya mapa-loob o labas man ng unibersidad ay lumalawak ang pagiging kuryoso ko.
Marami akong nakalap na balita tungkol sa kanya pagdating sa pagiging playboy. Hindi iyon mahirap dahil proud na proud naman ang mga babaeng dumaan sa buhay niyang magbahagi ng karanasan.
I never thought of myself talking about him and his girlfriends pero nakita ko nalang ang sarili kong unti-unting nahuhulog sa misteryo ni Ramiel.
"Do you think he's really single? Na fling lang ang lahat ng ito?" lutang kong tanong kay Mari habang nakapila sa labas ng sunod naming silid para sa klase ngayong araw.
Namilog kaagad ang mga mata niya sa naging tanong ko. See, pati siya ay hindi rin inasahan ang ganitong topic lalo na't galing sa akin!
"Hindi ba magkaibigan kayo? Bakit kaya hindi mo itanong sa kanya?"
"He doesn't really like to talk. We're friends pero maraming boundaries ang pagkakaibigan na 'yon."
That's true. Sa tatlong linggong pinagsamahan namin ay ni hindi ko ito nakausap ng matagal sa sampung minuto. Ang huling mahaba pa naming pag-uusap ay iyong gabing muli niya akong isinalba. Pagkatapos no'n ay kaswal lang ang lahat. No anything attached.
"Really? Pero bakit? Hindi ba ang magkakaibigan nagkukwentuhan? Nagkakakilanlan?"
"Not our friendship."
Napanguso siya.
"Pero sa tingin ko, wala. I don't think he is looking for a girlfriend too. I mean look, bakit ka maghahanap at magsi-settle sa isang babae kung kaya mo namang kunin lahat?"
"W-What–"
"Nang sabay-sabay. Take note of that, Izzi."
"Nakikita ko naman 'yon..." at nakikita ko siya...
Sandali akong natigil sa pagsasalita ng mahagip ng aking mga mata ang lalaking laman ng usapan namin.
Hindi ko mapigilang makagat ang aking pang-ibabang labi ng maramdaman ang mga paglalaro ng kung ano sa loob ng aking tiyan. Alam ko na ang ibig sabihin no'n pero pilit kong itinatanggi. This shouldn't be an unexpected romance for someone who just saved me from danger. Hindi ako dapat maging assuming o hoping sa lahat ng kabutihan niya sa akin because it's just a humane thing to do.
"Uy, Izzi! Bakit para yatang curious ka na, ha?"
Agad kong ipinilig ang ulo ko bago pa niya masundan ang aking mga mata.
"Saan naman?"
"Kay Ramiel kanino pa ba! Hindi ka naman magtatanong kung hindi na curious!"
"Masama bang maging curious?"
Lumawak lalo ang ngisi niya.
"Sige nga, anong gusto mong malaman sa kanya? Let me hear it."
Naitikom ko ang aking bibig. I don't want Mari to assume that I have a mild crush on Ramiel kahit na iyon ang tingin kong totoo dahil alam kong hindi na siya titigil.
"L-Like why do girls drool over him?"
She chuckled. Tila nabaliwan sa tanong ko gaya ng sarili kong nababaliw na rin talaga.
"Hello! Izzi, this is Ramiel Del Rio! Nephew of the Deontelle's na nagmamay-ari lang naman ng malawak na lupain ng halos buong Puerto Prinsesa at kapatid ng babaeng sumali sa isang sikat na reality show! Iyon palang talagang pag-aagawan na 'yan!"
Dumiin ang pagdidikit ng aking mga labi sa narinig.
"At bukod do'n ay marami pang bagay na dahilan ng pagkabaliw ng lahat sa kanya! Bukod sa daku ang ti–"
"Mari!"
"I'm just saying na bukod do'n ay marami pa siyang maio-offer! He is smart, ambitious, cruel in a hot way and let's not forget his gorgeousness! He is known for so many things kaya hindi na ako magtataka kung bakit pati ikaw ay magkagusto–"
"Hindi ko siya gusto, Mari. Nagtatanong lang—"
"Parehas lang 'yon! Alam ko na kung saan pupunta 'yang pagiging curious mo pero ngayon palang binabalaan na kita, ha?" hinarap niya ako at tinitigan ang aking mga mata bago nagpatuloy. "Alam kong hindi imposibleng maging isa ka sa mga babaeng hahanga sa kanya o mas malalim pa pero alam mo naman ang galawan ni Ramiel. Kung pipiliin mong sundin ang puso ko, sana isabay mo ang utak mo. Hindi ba nga sabi ni Tiya Winny, walang masama sa pagmamahal pero nagiging masama 'yon kapag nakakasakit ka at hindi ibig sabihin no'n ay ibang tao... Unang una doon ang sarili mo. Love because that's what you want to receive along with joy and contentment. Kapag iba na, maging matalino ka." mahaba niyang pagpapa-alala sa akin na kahit hindi ko kailangan sa ngayon ay isinapuso ko.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro