Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 12

Chapter Twelve

Incomplete


Hindi ako umalis sa pagkakayakap sa kanya kahit na naitayo na niya ako sa pagkakasadlak. Nanatili siyang nakatayo lang habang yakap ko pero nang manginig ang aking buong katawan habang patuloy na humahagulgol dahil sa takot ay sunod ko nalang naramdaman ang pagpulupot ng kanyang mga kamay para sagutin ang mga yakap ko.

Bahagyang napaawang ang aking bibig. Sa pagkakataong 'yon ay mas lalo kong nadama ang pangangailangan ng katawan kong huminga. My mind screamed at the thought of Ramiel hugging me... Ang init ng kanyang katawan ay pilit na pinupunan ang lahat ng puwang ng aking pagkatao...

I know he was just trying to comfort me pero parang gusto kong mabaliwan sa nagiging reaksiyon ko lalo na ang puso kong gusto na yatang sumabog sa loob ng aking dibdib.

Ilang minuto kaming nanatiling magkayakap. Bahagya akong nahimasmasan dahil doon pero kahit na hinahagod na ng mainit niyang kamay ang aking likod ay hindi ako umalis, ni hindi ko siya nagawang pigilan. Kung kanina ay imposibleng maramdaman ko ang kaligtasan sa tabi niya, sa pagkakataong ito naman ay wala akong ibang maramdaman kung hindi iyon.

I know I am safe... I am really really safe with him by my side... Napapikit ako ng maamoy ang bango ng kanyang katawan. It wasn't just an expensive perfume or the alcohol he consumed earlier. Maging ang ginamit niyang sabon sa katawan ay malinaw sa pang-amoy ko.

Nang umangat ang kanyang kamay upang haplusin ng marahan ang aking buhok ay doon na ako binalikan ng lakas upang dahan-dahang lumayo sa kanya. Buong tapang kong inangat ang aking nalilito't nagpapasalamat na titig sa kanyang mga mata ngunit bago pa ako makapagsalita ay nagsidatingan na ang mga pitbulls kaya imbes na makapag-pasalamat ay tuluyan na akong kumawala.

Bumalik ang takot na pilit niyang pinawi nang tuluyan akong malayo sa kanyang bisig. I felt like I was incomplete without his warmth. Na parang ang yakap niyang iyon ay pwedeng ihanay sa mga unang pangangailangan ko sa buhay sunod sa paghinga.

Umawang ang aking bibig, muling ibinalik sa kanya ang titig upang magpasalamat bago pa ang lahat but before I could even mutter the first word, Ramiel already left. Pinalitan ni Rigel ang pwesto nito at agad akong niyakap.

Wala sa sariling napasinghap ako pero ang kung anong naramdaman ko sa pagyakap sa akin ni Ramiel ay walang-wala sa payak na yakap na ito. This is just a plain hug... Nagmamadali kong pinunasan ang aking mga luha ng ilayo niya ako.

"Izzi, what happened? I'm sorry!"

Pinilit kong ngumiti.

"I-I'm okay... S-Si Ramiel, iniligtas niya ako..." nahinto ako't hinanap ang lalaki ngunit agad ring napaiwas ng tingin ng makita ang pagdapo ng malakas niyang suntok sa huling lalaking hindi nahabol kanina.

The guys who tried to do something bad at me was kneeling on the ground. Nasa likuran ng mga ito ang malalaking lalaking alagad ni Ramiel. Narinig ko ang pagmamakaawa nila but Ramiel didn't listen.

Kung hindi pa ako hinawakan ni Rigel at inilayo sa lugar ay baka habang buhay na akong naroon. I can't walk all by myself. Halo-halong emosyon ang naglalaro sa aking puso at utak habang nasa sasakyan na kami at pauwi sa bahay.

"I'm sorry, Izzi..." muling sambit ni Rigel na hindi ko na nabilang kung pang ilan.

He felt so guilty for leaving me but so am I. Ako ang may kasalanan dahil hindi ako nakinig sa kanya at sinunod lang ang sariling kagustuhang makalayo sa lalaking nagligtas sa akin. How ironic is that? Kung sino pa ang hindi dapat naro'n para iligtas ako ay siya pang gumawa.

"Rigel, ako ang may kasalanan. Umalis ako sa tabi ni Ramiel kaya kasalanan ko kung bakit muntik na akong mapahamak."

"But it's my fault too. Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka pupunta sa pit–"

"Pero kung hindi dahil sa akin ay hindi mangyayari ang event. I am the one who must take all the blame."

"Izzi..."

"What will happen to them?" I tried changing the subject pero nag-alinlangan siya sa pagsagot.

"Rigel?"

He heave a heavy sigh.

"It depends on how mad Ramiel was. Hindi ko rin alam. I've never seen him that angry."

Wala sa sariling napalunok ako.

"Is it bad?"

"For sure, enough for them to regret what they did to you."

"B-But I'm okay... Hindi nila ako nagalaw..."

"That was not enough to convince Ramiel to let all this pass," muli siyang napahugot ng isang malalim na paghinga. "I am so glad that he found you, Izzi... Sinabi ko sa'yong hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa'yo. My brother owe me one."

Napayuko ako, isinandal ko ang aking ulo sa headrest at sinubukang kalmahin ang utak. Habang nagpapatuloy sa pagsasalita si Rigel ay nagpatuloy naman ang ako sa pagbalik sa nangyari kanina, sa pagyakap niya, paghaplos at pag-alo sa akin...

The thought never left my mind even after he dropped me off our house. Kahit nakahiga na ako sa kama ay hindi ako nilubayan no'n. Nanatili ang takot ko sa tuwing naiisip ang mga mukha ng lalaking gusto akong gawan ng masama pero kapag naaalala ko naman ang ginawang pagsalba sa akin ni Ramiel ay kusang napapawi ang lahat... And in the end, I was left with the thought of how empty I am without his arms being wrapped around me.

Napapitlag ako sa tunog ng bell hudyat na tapos na ang klase sa panibagong Lunes. Sanay na akong palagi na akong magugulatin. Palibhasa ay dalawang araw palang ang nakalipas matapos ang insidente sa pit. Sa panibagong araw ay tahimik ang buong university gaya ng mga nakaraang linggo. Ang kaibahan lang, wala mang gulo ay kalat sa buong unibersidad ang pagkaka-hospital ni Alejandro pero hindi sa balitang nakipag-away ito sa pit kung hindi ang dahilang napagtripan raw, which of course isn't true. Iyon lang ang usap-usapan sa kahit saang sulok ng unibersidad.

Halos mapasigaw ako ng may humawak sa aking kamay pero ng makita ko si Mari ay mabilis na naglaho ang takot ko.

"Relax! Masyado ka namang magugulatin, Izzi! Halika doon tayo. Kailangan mo akong kwentuhan sa nangyari."

Nagpatianod ako sa kanya hanggang sa marating namin ang sulok ng cafeteria.

"So... Totoo bang bugbog sarado si Alejandro?"

May bigat sa puso akong tumango. Kahit na kasi ginawan ako ng masama nito ay naaawa pa rin ako sa nangyari sa kanya. Rigel was way stronger than him. Tahimik lang iyon pero iba kung gumalaw. Noong una nga ay in-expect kong masasaktan talaga ito sa laban dahil kilala sa pagiging barumbado si Alejandro pero mali ako. Nasayang lang tuloy ang mga gamot na dala ko para kay Rigel dahil bukod sa maliit na hiwa sa kanyang labi ay wala na siyang ibang natamo rito.

"Oh my God... Gano'n siya kalakas?" bulalas niya matapos kong ikwento ang nangyari sa buong pagbisita ko sa pit, maliban sa muntik nang mangyari sa akin.

"Nakalimutan nating galing sa Manila ang mga 'yon, Mari. Tsaka alam naman natin kung bakit hindi na nawala ang pag-aalala ni Ate Sky sa mga kapatid niya, siguro mas malala ang mga ito doon sa West Side."

"Tama ka pero hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Basag daw ang mukha ni Alejandro..."

Marahan akong tumango. Sa dugong umagas doon noong Sabado, baka wala nang natirang balat na walang galos ang lalaki.

"Oh, eh kailan naman daw ang laban ni Rigel kay Jacko?"

Marahas na bumalik sa kanyang mga mata ang aking paningin. I almost forgot about that...

"For sure mas madugo 'yon lalo na ngayong talo-talo na sila!"

"H-Ha?"

"Oo. Wala na si Jacko sa mahabang listahan ng mga alipores ni Ramiel dito sa SMDD habang si Alejandro naman ay permanente nang naka-banned. Ang balita nga raw ay gusto nang magpalipat ng ibang university ni Alejandro."

Nabibiglang napaawang ang aking bibig.

"Lahat ng may koneksiyon sa dalawa maliban sa feeling girlfriend niyang si Clare ay pilit nang inalis ni Ramiel at inutusang huwag lalapit sa kanila kahit kailan."

"B-Bakit daw?"

Nagkibit siya ng balikat.

"Hindi alam ni Glaiza ang dahilan at ayaw ring sabihin ni Raymundo."

"Si Raymundo, kabilang pa rin nila Ramiel?"

"Yep. Hindi aalis 'yon kahit pa sabihin ni Ramiel. Siya yata ang pinaka-loyal sa lahat ng kaibigan nito. Isa pa, iyong mga nambastos lang naman sa'yo't hindi nagsalita ang inalis ni Ramiel. They are forced to change schedules too."

"P-Pwede 'yon?"

"Ramiel have his ways to do that. Anyway, alam naman natin kung gaano kaimpluwensiya ang lalaking 'yon dito, 'di ba?"

A pit, a warehouse, a marijuana farm, what else, right?

Nagpatuloy ang usapan namin sa balitang nasagap niya kay Glaiza. Pagkatapos no'n ay napatunayan ko ang unang sinabi ni Mari tungkol kay Jacko ng makasalubong namin itong mag-isa at iniiwasan ang lahat.

"This is cool, Izzi..." mahina niyang bulong habang sinisiko pa ako. "Alam mo, feeling ko may gusto sa'yo si Ramiel."

"A-Ano?"

"Oh, come on! Alam naman nating dalawa ang dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. It's for you. I'm sure of it."

Itinikom ko ang aking bibig. Pwede, pero kung totoo man ay alam kong hindi lang tungkol sa pambabastos ng dalawa ang dahilan. Tingin ko ay may kinalaman rin ang nangyari sa pit noong Sabado.

When I thought things were being weird, hindi pa pala doon nagtatapos dahil may inilala pa. Isang oras bago matapos ang huling klase ko ay nag-text na si Rigel na susunduin ako't ihahatid. Noon ay isinasabay niya naman talaga ako pero ngayon ay parang isa na iyong task na kailangan niyang gawin.

"Anong meron?"

"Nothing. Gusto lang kitang sunduin at ihatid." kinuha niya ang mga librong hawak ko. Maging ang bag ko nga ay gusto niya na ring kunin pero napigilan ko lang.

"What's this all about, Rigel?"

"Nothing, Izzi. I just think that it would be safer for you kapag nasa tabi mo ako."

"Is this because you are still feeling guilty about what happened?"

"Not entirely. I just want you to be really safe this time, I don't want to take risk."

Hindi ko napigilang matawa.

"I'm in school Rigel. Wala nang makakagawa ng masama sa akin rito."

"You sure about that? Hindi ba dito ka unang nabastos?"

"Pero salita lang 'yon."

"Kahit na."

"Rigel–"

"From now on, ako ang susundo sa'yo at maghahatid sa bahay niyo."

"That's ridiculous, Rigel. You don't have to–"

"Trust me, this is what you need, Izzi."

Sa kaseryosohang nakapaloob sa kanyang boses ay hindi ko naiwasang kabahan. Nang mapunta na kami sa kanyang sasakyan ay saka niya lang inamin ang buong katotohanan at tama nga ako, it was his task at utos iyon ng kanyang kapatid.

"Ang isa sa mga lalaking gumawa ng masama sa'yo sa pit ay pinsan ni Alejandro. Manalo o matalo ay gagawan ka nila ng masama kaya kailangan nating mas mag-ingat simula ngayon."

"Oh, wow..." tulala kong sambit.

"You're safe as long as I'm here, I'll make sure of that."

Napangiti ako kahit na hindi ko pa rin alam kung paano tatanggapin ang mga nalaman.

"Thank you, Rigel but..."

Tumaas ang kilay niya ng maudlot ako sa pagsasalita.

"But? Say it."

"Pero baka hindi ka na talaga magka-girlfriend niyan dahil sa akin." pagbibiro ko.

Binuksan niya ang makina ng kanyang sasakyan at nakangising umiling.

"That's impossible. In fact, I have a date tomorrow."

Doon na gumaan ang aking paghinga.

"Really?!"

"Yeah, someone said yes."

"What?! Ang daya mo! Give me details!"

Imbes na 'yon ang gawin ay nanahimik lang ito. That's how he handle his relationship. Kung si Ramiel ay bulgaran ang pagiging fuck boy, ito naman ay gustong maging pribado ang lahat. Speaking of Ramiel, hindi ko siya nakita buong araw at gano'n rin sa mga sumunod pang araw.

Isang linggo matapos ang laban ni Rigel at Alejandro ay isang beses ko lang nakita si Ramiel at mabilis lang 'yon. These past few days, totoong tahimik sila. Like something big is going on after what happened to me. Dahil hindi ako nabibigyan ng pagkakataong makita siya ay natengga ang plano kong pasasalamat sa kanya.

Halos isang oras na akong nakatulala sa numerong naka-flash sa screen ng aking cellphone isang hapon matapos ang buong araw na trabaho sa barn. It was Ramiel's phone number, kinuha ni Mari kay Glaiza na kinuha naman nito sa walang malay na si Raymundo. Excited pa nga si Izzi na ibigay 'yon sa akin kahapon dahil noon pa man ay talagang gusto na niya akong ibugaw dito pero isa lang talaga ang pakay ko, ang pasalamatan siya.

Huminga ako ng malalim. Alam kong weird ang tawagan siya pero mas hindi ko yata kayang sa harap niya mismo magpasalamat. Plano kong sa telepono muna tapos to follow nalang sa personal para hindi na masyadong madrama.

Pumikit ako ng mariin makalipas ang ilan pang minuto kasabay ng pagpindot ko ng call button. That's it. Kapag hindi niya sinagot ang unang tawag ko ay hindi ko na siya...

"Hello?"

Shit... He answered it.

"Who's this?"

Shit, shit shit! Ano na?!

"Hello?" nang marinig ko ang pagkaubos ng pasensiya sa boses niya ay nagsalita na ako kahit na nanginginig na ang boses ko.

"R-Ramiel.. H-Hi! Busy ka ba? S-Si Izzi, 'to... Uhm..."

"Izzi?"

"Y-Yes! Iyong iniligtas mo noong Sabado. 'Yong kaibigan ni Rigel–"

"I know. Why are you calling me?"

Of course! He knew me! Nasapo ko ang aking noo sa kabaliwan ko.

"Ano kasi... May gusto lang akong sabihin... Ano, gusto ko lang magpasa–"

"I'm busy, I'll talk to you later." aniya at agad nang naglaho sa kabilang linya!

Two syllables. Dalawa nalang pero hindi ko pa naituloy para matapos na! Bagsak ang balikat kong sumandal sa dingding ng aming bahay matapos ang tawag. Nasapo ko ang aking dibdib dahil sa mabilis na pintig nito. It was just a quick conversation pero kung mag-alburuto ang puso ko ay sobra-sobra.

Hindi ko nagawa ang pakay ko ng araw na 'yon pero hindi ako sumuko sa panibagong linggo.

San Martin was really quiet... Like something has really change pero ang pagbabagong 'yon ay hindi lang sa unibersidad kung hindi pati na rin sa akin.

Kung noon ay puro mga kamalian lang ni Ramiel ang nakikita ko, ngayon, habang nakatingin sa kanyang nagbabasa ng libro sa ilalim ng isang malaking puno ay hindi maiwasan ng utak kong mamangha sa kanya. He's reading a book about law. Kilala ko ang hilatsa ng mga librong iyon dahil mayroon rin noon si Papa.

Tahimik akong naupo sa pwestong sapat ang distansiya para panuorin siya. He really reads a lot dahil malayong malayo rito ang course na kinukuha. Hindi doon nagtapos. Sa gitna ng linggo ay nakita ko naman siyang kaswal na nakikipaglaro ng basketball sa matiwasay na paraan. Sa huling araw naman ay kasama nito ang mga alagad sa library. Nakita ko pang tinuturuan niya ang ilang alipores na ni minsan ay hindi ko nasaksihan.

I remember Ate Sky told me something about Ramiel being a tutor when they were still in West Side. Bukod sa totoong matalino ay talagang maabilidad at madiskarte ito. Nagtu-tutor raw ito para kumita ng extrang pera para sa pagkain nila o pambayad sa bills. Minsan gumagawa rin ng projects ng mga kaklase noong bata pa kapalit ng malaking halaga. Baka dahil nga raw doon kaya nito pinili ang kursong education.

Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako habang nakadungaw sa labas at pinapanuod itong magturo. Kung hindi ko pa naramdaman ang pag-vibrate ng aking telepono ay hindi pa ako magigising sa kahibangan ko.

Nanatiling malawak ang aking ngiti habang kinukuha 'yon sa aking bulsa ngunit ng mabasa ko ang dumating na text ay nagwala nang muli ang aking puso.

Ramiel:

Stop distracting me, Almera. Go away.

~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : CengCrdva/Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro