CHAPTER 11
Chapter Eleven
Hug
Hindi ko na napigilan ang sarili kong takbuhin ang distansiya namin para yakapin siya. I know it was the most romantic thing ever but we are just really friends. Kahit na palagi kaming napagkakamalang may relasyon at maraming nagsasabing bagay kami ay hinding hindi 'yon mangyayari.
"What are you doing here?" hinawakan niya ang bewang ko't bahagya akong inilayo sa kanyang katawan matapos ang isang yakap.
"I'm here to support you. Sinabi ko sa'yong gusto kitang suportahan kaya nandito ako."
Sabay kaming naglakad patungo sa upuang para sa kanya. Kinuha ng lalaking sumunod sa akin kanina ang bag ni Rigel at may sinabi sandali. Nang matapos ay naupo na ito sa upuan, ako naman ay naupo rin sa nasa tabi nito.
"And I told you not to do that."
"Nandito na ako at wala ka nang magagawa kung hindi ang hayaan ako."
"But how did you get in? Nag-crash ka ba?" kabado niyang hinawakan ang kamay ko gamit ang kanang kamay habang ang kaliwa niya naman ay agad inihawak sa aking hood para ibalik sa aking ulo.
Natawa ako dahil sa kabang nakita ko sa kanyang mukha.
"I didn't!" tinanggal ko ulit. "Maayos akong pumasok rito at walang halong pwersa."
"You're kidding me, right? Like how?"
Nilingon ko ang gawi ni Ramiel at itinuro ito.
"No way..."
"Yes way kaya wala ka nang magagawa, Rigel! Now, what should I do? May magagawa pa ba ako para pigilan ka sa gagawin mo ngayon?"
"No," binitiwan niya ang kamay ko at pagkatapos at inabala ang sarili sa bag na dala. "You can't do anything to drag me out of this now. All you can do is watch."
"Rigel..."
Natigil ako ng lingunin niya ang aking gawi.
"Trust me, okay?"
Hindi ako nakasagot kaagad. Nakipagtitigan ako sa kanyang mga matang puno ng determinasyon at mayroon ng pinal nang desisyon.
"Fine..."
Napangiti siya at agad tumango. Hindi na muna nakasagot dahil kinausap na ng lalaking nasa gilid. Maya maya pa ay umingay na ang kabuuan ng lugar dahil sa pagsasalita ng lalaking nagpatahimik sa lahat kanina pagdating namin.
Bago pa tumayo si Rigel ay nagmamadali ko nang kinuha ang first aid kit na dala ko. Kinalabit ko siya.
"May ice bang available?" inangat ko ang ice bag na dala ko.
Alam kong wala namang joke sa sinabi ko pero tanging tuwa ang nakita ko sa kanya. Ni isang hibla ng kaba ay wala. Ginulo niya ang aking buhok.
"You don't need to bring first aid kit."
"Pero wala akong nakita."
"Because we don't need it."
"Paano kung masugatan ka? I have topical antiseptic–"
"It's unnecessary,"
"But–"
Tumayo na siya, nakangisi pa rin at kampante sa labang sasabakan. Naitikom ko ang aking bibig pero nang hubarin niya ang kanyang suot na puting t-shirt ay muli iyong napaawang.
"You look funny."
Bumalik ang mga mata ko pabalik sa dapat tinititigan at hindi sa mga nagmumura niyang abs!
"And you have abs..."
Ginulo niya ulit ang buhok ko at hindi na 'yon inintindi.
"Can I ask you a question before I go inside the pit?"
Lito akong tumango.
"Ilang rounds mo gustong matapos 'to?'
"W-What?"
"Do you want a bloody match or not?"
"R-Rigel–"
"Never mind. I'll make sure he'll have a broken face after this, watch me." hindi na ako nakapagsalita ni isang letra dahil sa sinabi niya.
Inilapag niya ang damit na hinubad sa kanyang upuan at walang hirap na tumalon pababa sa pit. Nilingon ko ang kanyang katunggaling si Alejandro na hindi gaya nito ay hirap iyong bumababa sa hagdan ng lumang pool.
"Good evening gentlemen and you lady," anang emcee na bato-bato ang katawan. "Tonight is another night of history! We'll begin in a moment,"
Marami pa siyang sinabi pero parang gusto akong lubayan ng kaluluwa ko ng makita ang pag-aabutan ng pera ng mga tao sa mga lalaking nakabantay at mukhang alagad ni Ramiel sa lugar na ito.
Hindi ko napigilang mabaliwan ng mapirmi ulit ang mga mata ko sa lalaki na gaya ng lahat ay nakikipagtawanan rin sa katabi habang inaabot ang makakapal na pera! The nerve! Nagpupustahan sila! Talagang ginawa niyang manok ang kapatid niya?! Does Rigel know about this?! Nagpatuloy ang sandaling kumosyon ng mga kalalakihan habang ako naman ay nakinig lang sa lalaking nagsasalita.
"You know the rules, kung sino ang unang mag-tap out ay siyang talo. As long as the player is conscious regardless if it's dying, hangga't hindi nagta-tap out ay walang pakialaman at tuloy pa rin ang laban!"
Shit... It's way different than boxing! Kahit boxing gloves ay walang suot ang mga ito. They will just use their bare hands in the game! It's was raw than mixed martial arts too! Sinong nakaimbento ng patayang larong ito?!
Marami pa akong katanungan pero pinilit kong ituon nalang ang buong atensiyon kay Ramiel. Naikumo ko ang aking mga kamay, patawa-tawa pa ang kapatid niyang 'yon! Hindi na inisip ang kalagayan ng kapatid na posibleng masaktan sa gagawin! He's selfish!
Kabado kong naipagsalikop ang aking mga kamay. Ang narinig ko ay si Rigel lang ang unang laban ngayong gabi pero may dalawa pang kasunod 'yon. Kung sino, hindi ko na alam at hindi na rin dapat alamin dahil tiyak na pagtapos niya ay uuwi na kami. I don't have plans on finishing the event! Si Rigel lang talaga ang pakay ko.
Habang pahaba ng pahaba ang speech ng emcee ay pakaba naman ako ng pakaba. Tahimik lang si Rigel na nakikinig sa instructions ng referee na kasama nila ni Alejandro sa baba.
"Now let's here from Pinuno!" bumalik ang mata ko sa damuhong itinaas ang alak at pagkatapos ay tumungga doon bago umahon sa pagkakaupo.
Naningkit ang mga mata ko ng makitang wala talaga itong pakialam. Ni hindi man lang nagawang pigilan ang kapatid! Nakakainis!
"Thank you for coming to this event! May isa lang akong gustong sabihin," tumungga siya ulit. lasinggerong makasarili! Psh!
"Let the fucking game begin!" halos mabingi ako hindi lang sa malakas niyang pagsigaw sa mikropono kung hindi pati sa ugong ng matinis na bell na umalingawngaw sa kabuuan ng lugar hudyat na simula na ang laban!
Kung ang lahat ay excited at naghihiyawan sa pag-uumpisa ng laro, ako naman ay nagdarasal na hindi sana masaktan si Rigel. Ako lang ang nanatiling nakatayo habang kabadong sapo ang dibdib!
Ilang beses akong napalunok ng makita ang ilang beses na pagkawala ng suntok ni Alejandro pero hindi naman tinatamaan ang kaaway. He was talking dirty to trigger Rigel but the latter remained calm. Mukhang alam na kung paano laruin ang laban.
They exchange more punches on the second round. Nang mahagip sa unang pagkakataon ang mukha ni Rigel ay naghiyawan ang lahat kasabay ng pag ngisi nito't marahas na pagpunas sa dugong lumandas sa gilid ng labi, mukhang mas ginanahan lang imbes na masaktan sa natamo.
"You got this Rigel... You got this!" mahina kong bulong habang patuloy sa pagdarasal na huwag siyang mapuruhan.
Hate consumed me when my eyes drifted again to his brother. Nakangisi ang walang hiya at painom-inom lang! Hindi ko alam kung sanay na sa ganito pero hindi pa rin ako makapaniwalang nagagawa niyang panuorin ang kapatid at pagpustahan pa! He is truly awful!
Awtomatiko akong napailing kasabay ng pag-ikot ng aking mga mata nang lumihis rin ang titig nito patungo sa akin. As if like he was not only watching his brother, pati ako. Ibinalik ko ang tingin sa baba at nang makitang muling nasuntok sa mukha si Rigel ay wala sa sariling napasigaw na ako.
"Rigel be careful!" hiyaw kong hindi ko alam kung narinig niya ba dahil matapos 'yon ay agad niyang napatid ang duguang si Alejandro at agad na inibabawan upang idiin sa sahig ng ring at ipulupot ang braso sa leeg nito.
"Fuck you, Rigel! Fuck you!" malakas nitong sigaw gaya ng mga sigaw nito noong araw na nasampal ko siya.
Rigel throw more punches but the guy kept on cursing. Nagdurugo na ang bibig at kaliwang pisngi ni Alejandro pero hindi nagawang tumigil sa pagmumura. That's all he could do. Marami pa siyang natamong sapak sa mukha na halos maligo na sa dugo. Ang mga kaibigan nito ay nagmamakaawa nang mag-tap out siya pero nanatili itong pumipiglas kay Rigel.
I felt relieved at the scene. Naaawa man ako kay Alejandro pero wala akong magawa. Mali man pero mas gugustuhin ko ang gano'ng ayos kaysa ang kaibigan ko ang masaktan.
Nawala sandali ang tingin ko sa dalawa ng makita ko sila Raymundo na umahon na sa pagkakaupo para puntahan si Ramiel. Naningkit ang mga mata ko ng halos lumuhod na si Jacko sa harapan nito pero tanging pagtawa lang ang nakita ko kay Ramiel. Baliw na talaga ang lalaki.
Bumalik ang mata ko kina Rigel.
"Tap the fuck out, Alejandro. Just accept defeat kung ayaw mong mangyari rito ang huling hininga mo.
Nagpumiglas ito bilang sagot pero mukhang mahina na. Isa pang minuto ang lumipas nang wala na itong nagawa kung hindi ang sumuko. Halos mapatalon ako ng bitiwan ni Rigel ang lalaki. Walang bakas ng sakit nitong hinawi ang dugo sa gilid ng kanyang labi. Wala sa sariling napasinghap ako ng iangat niya ang tingin para hagilapin ang sa akin. Kumaway ako pero agad ring natigil ng magsalita ang referee at iproklamang ito ang panalo.
"Let bygones be bygones." dagdag ng referee na hindi na inintindi ng lahat.
My heart pounded a little bit more because of the noise. Malakas ang hiyawan ng lahat lalo na ng mga nanalo sa pustahan. Habang binubuhat si Alejandro ng mga kaibigan palayo sa ring ay umalis na si Rigel doon para bumalik sa aking pwesto.
Agad kong inabot sa kanya ang tuwalyang dala ng lalaking hindi nawala sa gawi namin.
"Thank you."
Nagkukumahog kong kinuha ang betadine at bulak na dala ko pero bago ko pa iyon mabuksan ay natigil na ako ng marinig ang pagtawa niya.
"There's no need for that, Izzi. Maliligo lang ako–"
"Pero dumudugo ang gilid ng bibig mo."
"I know. It will heal in no time," kinuha niya ang mga bag namin at sabay na naglakad patungo kay Ramiel na kahit naubos na ang isang bote ng alak at may hawak nang panibago ay mukhang matino pa naman. He looks hot though. I mean, mukhang ang init na ng katawan niya dahil namumula na ang pisngi, pababa sa leeg at dibdib na bahagyang nakadungaw sa loob ng kanyang damit.
Sasabihin ko palang sana kay Rigel ang ginawa nitong pagpusta sa buhay niya pero nalaglag na ang panga ko ng ang unang ginawa nito ay iabot sa kapatid ang isang makapal na sobre na tiyak na pera ang laman dahil sa pustahan.
"Congratulations, you fucker." nakangisi niyang niyakap at tinapik ang balikat ni Rigel kaya napabitiw ako.
Tumawa na rin si Rigel na mas lalong nagpawindang sa aking pagkatao! Oh God he knew about the bet!
"How much did you won?"
"Gago." sagot lang nitong nagpatawa sa kapatid na may sugat sa labi.
Binalingan ako ni Rigel.
"Iiwan ko muna si Izzi sa'yo. Maliligo lang ako at aalis na rin kami pagkatapos."
"H-Ha?" siniko ko siya. "Bakit iiwan mo ako?" lutang kong tanong.
"Gusto mong sumama sa'kin sa banyo?"
Sinapak ko ang braso niya kasabay ng pag-irap.
"Eww, of course not pero hindi ako dito maghihintay. Doon nalang ako sa pwesto natin–"
Naudlot ako sa pag-atras nang mahuli niya ang kamay ko't hawakan iyon ng mahigpit, na parang bukod sa mga mata niyang nangungusap ay isa rin iyong secret message na gustong ipaintindi sa akin.
"You need to be with Ramiel."
Hindi ko na napigilang matawa ng sarkastiko dahil sa narinig.
"Naalog ang utak mo?"
Sinubukan kong kalasin ang kamay niyang nakahawak sa akin ngunit bigo ako.
"You need to stay with him, Izzi. I need you to be safe bago at pagkatapos kong maligo."
"And I'll be safe with him?" may inis kong sinulyapan ang lalaki pero umiling lang ito at bumalik na sa pagkakaupo.
"Let him roam around, Rigel. Isa pa, hindi ako taga-bantay ng mga bata–"
"Excuse you! I'm not a kid!"
"Hey!" pigil ni Rigel sa aming dalawa.
Hinawakan niya ang magkabila kong balikat, kinalma.
"Hindi ko alam kung anong gagawin sa'yo ng mga kasama ni Alejandro pero alam kong mayroon silang balak pagkatapos ng nangyari sa lalaki and I don't want that to happen to you. Stay with my brother, please? Kahit mahirap 'yon para sa'yo."
"Sobrang hirap ng hinihingi mo."
"Just making you safe." giit niya.
Kumawala ang malalim na buntong-hininga sa aking bibig at sa huli ay tumango nalang. Ngumiti si Rigel at nagpaalam na ulit bago ako iwan. Tahimik akong naupo sa tabi ng kanyang kapatid.
"Relax, maliligo lang 'yung kapatid ko at babalikan ka rin."
Naghalukipkip ako.
"Alam ko pero hangga't wala si Rigel hindi ko feel na safe ako lalo na sa'yo."
He chuckled softly at that. Binalingan ako.
"You shouldn't be." he said proudly.
"You are the worst! Really? Kailangan mo talagang pagpustahan ang kapatid mo imbes na awatin nalang? Pinili mo pa 'yang pera kaysa sa kapakanan ng kapatid mo!"
Bahagyang nawala ang ngiti niya pero ilang sandali pa ay lumawak ito.
"Well congratulations. Hindi lang si Rigel ang idinadamay mo sa lahat ng ito kung hindi pati na rin ang buong pamilya mo. I hope that would make you so proud of yourself! Nagkakapera ka dahil sa kapatid mong nasasaktan ng ganito. You're so selfish!"
Tumango siya habang nasa bibig pa rin ang kasarkastikuhan.
"I am proud of all these, Almera. You don't need to remind me about that," aniya pagkatapos ay nagseryoso na. "Ngayon ano pang gusto mong sabihin na hindi ko alam?"
Hindi ko na natiis ang iritasyong patuloy na bumubuo sa buo kong pagkatao habang nasa tabi niya. Padabog na akong tumayo para lumayo, wala nang pakialam kung manganib pa ang buhay ko gaya ng ipinag-aalala ni Rigel. I mean, marami namang tao sa paligid at imposible ang sinasabi ni Rigel na mapapahamak ako. Kung meron man, alam kong mahuhuli rin kaagad. I mean this place is secluded...
Natigil ako sa paglalakad nang mapansin kong dumidilim na ang daang tinatahak ko. Where was I?
Nang lingunin ko ang dinaanan ko kanina ay wala akong nakita kung hindi ang mga naaagnas na estatwa sa lumang resort.
"Shit..." usal ko nang maisip na naliligaw na ako.
Pinilit kong alalahanin ang mga daang nilikuan ko makalayo lang sa lalaking 'yon pero tuluyan na akong binalot ng kaba ng maisip na tila nasa dulo na ako ng resort at malayo na sa pit. Maliban kasi sa sariling tibok ng puso ko ay tanging mga kuliglig nalang rin ang naririnig ko sa paligid!
Napayakap ako sa aking katawan ng magsitayuan ang balahibo ko nang umihip ang pang-gabing hangin! Napatakbo ako pabalik sa alam kong pinanggalingan ko pero sa dami ng lilikuang hindi ko alam kung saan patungo ay mas lalo lang akong naligaw!
I tried checking my phone to call Rigel but there was no signal! Napasiksik ako sa isa sa mga estatwang nasa gilid nang makarinig ako ng kaluskos. Mabilis kong pinatay ang ilaw ng aking hawak at ibinalik ito sa aking bulsa. Sinubukan kong sumilip para makita ang mga parating na yapak pero nang makita ko ang isang lalaking tila may hinahanap ay napatakbo na ako.
Hindi ko na napigilang sumigaw ng marinig kong nagsitakbuhan na rin ang mga ito nang siguro'y makita ako!
"Where do you think you are going?!" nanginig ang aking mga tuhod at takot na napahinto ng makita ang isa pang lalaking sumulpot sa harapan ko!
"S-Sino kayo?! Naliligaw lang ako pero babalik na ako kay Ramiel!"
Napaatras ako ng makita ang pag ngisi niya pero agad ring nahinto ng magsalita naman ang mga lalaking nasa likod ko!
"Bingo! Akala mo natatakot kami? Par, mukhang tama nga ang kwento na malaki ang suso ng isang ito!"
Kung sa ibang pagkakataon ay nasampal ko na rin siya pero dahil mukhang may gagawin nga talaga silang masama sa akin ay hindi ako nakakilos sa aking kinatatayuan!
Itinaas ko ang isang kamay ko ng gumalaw ang isa sa kanila at akmang lalapit na sa akin.
"Hindi ako nagbibiro! M-Malalagot kayo kay Ramiel kapag ginawan niyo ako ng masama!"
"Talaga? Eh paano kung hindi niya malaman? Malalagot pa rin ba kami?" mala-demonyong sabi ng pinaka-matangkad sa kanila habang malawak ang ngisi at inisang hakbang lang ang distansiya namin.
Agad niyang hinaklit ang braso ko at pinatalikod para hawakan pa ang isa at ilagay sa aking likuran!
"Ano ba! Bitiwan mo ako!" malakas kong sigaw sa nanginginig na boses.
They smell alcohol pero alam kong hindi lang 'yon ang tinira nila. Ang lalaking nakaharap sa akin ay namumula na ang mga mata na parang isang albinong hedgehog! Sinubukan kong magpumiglas sa gitna ng pangangatal ng aking katawan ngunit natigil ako ng lapitan ako't hawakan ng isa sa panga.
Magulo ang buhok nito at may ilang mantsa sa damit gawa siguro ng alak. Payat at matangkad rin pero mukhang walang nagawang maganda sa tanang buhay niya!
"Please! Hindi ako magsusumbong pakawalan niyo lang ako!" lumuluha nang sabi ko habang siya naman ay dumidiin ang mga daliri sa aking pisngi.
"Huwag kang umiyak. Masarap naman ang gagawin natin." ngumisi siya kaya muli akong sumigaw.
Agad akong binusalan ng panyo ng nakahawak sa akin kaya mas lalong nanlabo ang aking mga mata. Sa pagkakataong 'yon ay parang gusto ko nalang tawagin ng paulit-ulit ang pangalan ni Ramiel baka sakaling marinig niya ako't mailigtas sa peligrong ito pero hindi ko magawa. Nalulunod ang malinaw kong pagmamakaawa sa bagay na nakaharang sa aking bibig!
Nanlaban ako kahit na alam kong wala na akong magagawa pa. Sa pagbuhat ng isa sa akin at nagpapapadyak ako. Patuloy ako sa pag-iyak habang ang mga ito naman ay patuloy sa pagtawa na parang tumama sa lotto! Naglakad ang lalaking may buhat sa akin, maraming instructions ang isa kung saan ako dadalhin at kung anong gagawin pero tila mga bulong ang dating ng mga iyon sa aking tenga dahil sa takot na nararamdaman!
I closed my eyes and prayed that someone would hear me. Kahit ang mahihina nalang na ungol ng pagmamakaawang lumalabas sa aking bibig. I've lost count on how many times I called God and Ramiel's name in between my attempts to shout and I was relieved that someone finally listened.
Sa nanghihina kong pandinig ay alam kong sinagot ang panalangin ko ng maramdaman ang paghinto ng lalaking may buhat sa akin.
"Really? You chose to fuck up within my premises?" mahina lang ang pagdating ng salitang iyon sa aking tenga pero hindi ko na ito kailangang makita dahil nakilala ko kaagad ang tinig nito.
Binuksan ko ang mga mata ko and I saw Ramiel upside down. Ang isang kamay niya ay nasa bulsa habang ang isa ay hawak ang vape at prenteng humihithit doon.
"Ramiel! Help! Help! Help me!" I shouted pero alam kong hindi 'yon ang dating sa kanya dahil sa nakaharang sa bibig ko.
Nagpumiglas ako dahilan para malaglag ang mga mata niya sa aking mukha. Nakita ko ang marahas niyang pagbuga sa usok na hinithit.
"Put her down." madiin at may pagbabanta niyang sabi pero bago pa gawin ng lalaki ay muli na kong napasigaw ng makita ang pagsugod ng tatlo rito upang saktan!
Nalaglag ang vape na hawak niya at hindi ko na nakita ang sunod na nangyari dahil tumatakbo na ang lalaking may hawak sa akin. Muli akong nagpumiglas hanggang sa maramdaman kong lumuluwag ang pagkakahawak niya sa akin. Iginalaw ko ang aking mga kamay. Dama ko ang pagtama ng mga iyon sa kanyang ulo. Ilang beses ko pang ginawa kaya wala na itong nagawa kung hindi ang bitiwan ako at tumakbo para sa sarili niyang buhay!
Napapikit ako ng mariin ng maramdaman ang simentadong binagsakan ko. Nanginginig ang mga kamay kong tinanggal ang aking busal at sinubukang tignan ang gawi ni Ramiel pero imbes na makita kong nakikipagsuntukan ito ay tumatakbo na ito palapit sa akin. Ang mga lalaki naman ay nakahandusay na sa damuhan.
"Ramiel!"
"Are you okay?"
Pinalis ko ang aking mga luha at marahang tumango. Tinapik niya ang aking balikat at marahan iyong pinisil.
"Y-Yes! Yes! I-I'm okay!" natataranta at nanginginig ang boses kong sagot dahil sa takot ngunit bago pa ito makaalis upang sundan ang lalaking tumatakas ay hindi ko na napigilan ang sarili kong iyapos ang mga nanghihinang kamay sa kanya at higpitan ang mga iyon sa kanyang katawan.
I hugged him.
~~~~~~~~~~~~
Facebook Page : Ceng Crdva
Facebook Group : CengCrdva Wp
Instagram : CengCrdva/Cengseries
Twitter : CengCrdva
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro