Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 1

Chapter One

Azalea Franciere Inigues Almera


I never really liked to be linked romantically with guys who are not five years older than me. Sabi ko noon sa sarili ko, hindi ako kailanman magkakagusto sa lalaking kasing edad ko o hanggang apat na taon lang ang tanda sa akin. I preferred guys who are mature. Hindi lang sa tindig, sa pag-iisip kung hindi sa lahat.

Mayroon akong sariling standard na dapat, kung isang araw magkakaroon ako ng taong mamahalin ay limang taon o higit ang magiging tanda sa akin. I don't know. Siguro dahil maagang namulat ang bata kong puso sa nag-iisang anak ng mag-asawang Deontelle na higit limang taon ang tanda sa akin... O baka kay Papa na walong taon ang tanda kay Mama.

Kung sabagay, sino ba naman gustong magmahal ng taong immature? At sino ba namang babaeng tatanggi sa isang Deontelle?

Si Jaycint Ace... Ang lalaking naging batayan ko't sukatan pagdating sa mga lalaki simula ng magkaro'n ako ng isip.

Though my mother was not allowing me yet to have a boyfriend, alam kong handa na rin naman siya kapag nagkataon. Hindi lang dahil sa maraming nanliligaw sa akin simula ng tumuntong ako noon sa high school kung hindi dahil doon rin naman pupunta ang lahat.

I will eventually have a boyfriend. Gayunpaman, hindi ko iyon itatago sa kanya kapag naging totoo na.

My mother and I shared an unbreakable bond even if Papa was still alive. Bukod sa best friend kong si Mari, siya pa rin ang pinaka-pinagkakatiwalaan ko sa lahat. We promised ourselves that there will be no secrets between us. Kahit ano pa at maging ano pa man.

"Izzi! Izzi!" napapitlag ako ng makita ang pagsugod ni Mari palapit sa akin.

Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni nang istorbohin niya ako! Humahangos ito nang maupo sa aking harapan at agad na hinawakan ang aking kamay.

"Izzi, may gulo! May gulo na naman!"

Naningkit ang aking mga mata pero hindi niya pa man sinasabi kung ano, bakit at sino ang may gawa ng bagong gulo ay alam ko na ang lahat ng detalye.

"Tara na! Pigilan natin!" mabilis niyang hinila ang kamay ko pero agad ko iyong nabawi bago pa man umangat ang pwet ko sa aking kinauupuan.

"Mari, hayaan na natin 'yon. Wala naman tayong magagawa kung magkagulo at isa pa–"

"Si Ezekiel, Izzi! Siya ang puntirya ng grupong 'yon ngayon!" aniyang nagpatayo sa akin lalo na ng marinig ang pangalan ng nakababatang pinsan ko!

"Anong ginagawa ni Eze rito?!" tanong ko habang nauuna nang maglakad sa kanya palabas ng aming silid.

"Hindi ko alam! Baka magtatanong na rin tungkol sa susunod na taong pag-aaral ng kolehiyo."

Halos takbuhin ko simula sa aming silid hanggang sa pinangyayarihan ng krimen! Malayo palang ay nakikita ko na ang bunbunan ng lalaking simula ng mapunta rito sa amin ay nagulo na ang lahat. That guy who acted superior among us! The nerve! The asshole! The moron!

"Hindi ko naman sinasadya! Hindi na po mauulit!" nagpintig ang tenga ko ng marinig ang malakas na pagmamakaawa ng pinsan ko sa nanginginig na boses!

Parang mas lalong tumaas ang inis sa aking kabuuan ng marinig ang tawanan nila't kantiyawan para mas lalo itong takutin.

"Bata, kung pupunta ka rito alamin mo muna kung sino ang mga hindi mo dapat binabangga para hindi ka nagkakamali. Eh ngayon pa lang sablay ka na!"

"Sorry na po! Parang awa niyo na!"

"Sapakin na 'yan! Sapakin na!" kantiyawan ng lahat dahilan para mas bumilis ang mga hakbang ko hanggang sa tuluyan na akong makalapit sa kumpulan.

Nanlaki kaagad ang mga mata ko ng makita ang pag-amba ni Ramiel ng suntok sa aking pinsan dahilan para kumawala ang malakas kong sigaw.

"Ramiel Del Rio!" umaalingawngaw kong sigaw para lang mapigilan ito!

Parang gusto kong magpasalamat sa Diyos dahil naging matuwid ang malakas na pagsambit ko ng kanyang pangalan at hindi man lang pumiyok kahit na alam kong delubyo ang kakaharapin ko ngayon!

Dahan-dahang luminga ang kanyang mukha para hanapin ang sumigaw pero dahil sa madaliang paghawi ng mga estudyanteng nakapalibot sa kanila't nakaharang sa akin ay madaling nagtama ang aming mga mata. Para akong naubusan ng hangin sa baga ng makita ang sarkastikong pag-arko ng isang gilid ng kanyang labi. Shit!

"Bitiwan mo si–"

"It's you again, Almera," bahagya niyang ibinaba ang kapit sa kwelyo ng kawawa kong pinsan kaya bumalik ang paglapat ng mga paa nito sa damuhan pero hindi pa rin tinanggal ang mahigpit na kapit rito. "Talaga bang hobby mo ang makialam?"

Nagtawanan ang lahat maging ang mga babaeng nasa gilid ng lalaki na akala mo'y mga palamuti nito. Sa kabila ng kapit sa akin ni Mari ay matapang akong kumawala at humakbang para ilapit ang sarili sa mata ng panganib.

"Hindi tama ang ginagawa mo! Hindi ka ba nagsasawang mam-bully ng mga walang kalaban-labang estudyante rito?! Pati bagong salta pinagti-tripan mo!" singhal ko pero nanatili ang ngisi ng walang hiya!

"Nagpapapansin lang 'yan Ramiel palibhasa hindi mo pinapansin sa farm niyo!" anang lalaking hindi ko alam ang pangalan, isa sa mga alalay niya!

Inismiran ko ito at handa na sanang bulyawan rin pero marami pang nagsalita.

"Oo nga pala! Pansinin mo naman kasi Ramiel! Aba araw-araw raw 'yang nasa farm niyo at nag-gagatas ng mga baka! Baka kaya nagpapapansin ngayon dahil hindi mo napapansin doon!"

"Papansin ka girl! Umalis ka na nga!" hiyaw naman ng mga malalanding hitad sa paligid.

Marami pang nagsasalita pero nang itaas ni Ramiel ang kanyang kamay sa ere ay natigil ang lahat. Gusto kong manliit pero determinado akong mas makialam sa pagkakataong ito dahil sa pinsan kong mahihimatay na yata habang hawak niya!

"Tell me something I don't know."

Naningkit lalo ang mga mata ko at hindi na napigilan ang sariling hawakan ang kamay niya't marahas na hawiin sa pagkakahawak sa kwelyo ni Ezekiel!

"Tumigil ka na sa pagiging bully!" agad kong hinila ang pinsan ko patungo sa aking likuran.

Lumakas lalo ang hiyawan ng lahat kaya ang ngisi ng lalaki ay nawalan ng kinang hindi gaya ng suot niyang hikaw sa magkabilang tenga! Mas lalong tumindi ang tensiyon ng makita ko ang unti-unting pag-igting ng kanyang mga panga.

"Alam mong mali ang ginagawa mo! At isa pa, para sa kaalaman niyong lahat, hindi ako kailanman nagpapansin sa lalaking ito!" ibinaling ko ang tingin ko sa mga babaeng nanggagalaiti na rin sa akin.

"Hindi gaya niyo!" singhal ko. "Wala akong pakialam sa'yo at hindi magkakaro'n kahit kailan. Never in my wild imagination that I wished to get an attention from assholes! Never!" galit na galit at madiin kong singhal pero bago pa kami makaalis doon ay agad niyang nahuli ang aking kamay.

Pakiramdam ko'y nangatal ang aking mga tuhod ng maramdaman ang init ng kanyang palad sa aking palapulsuhan. Para iyong bakal na nakapulupot sa akin at imposibleng maalis ng basta nalang!

"Bitiwan mo ako–"

His sarcastic laugh cut me off. Lalo pa ng humigpit ang kanyang kapit sa akin na parang gustong durugin ang mga buto ko doon.

"May nakakalimutan ka," aniyang dahilan ng pagdikit ng aking mga kilay.

"Bitiwan mo ako kung ayaw mong isumbong kita sa presidente–"

"Hindi kita pipigilan. Kung gusto mo, sasamahan pa kita, Almera."

"Let me go–"

"Hindi ka ba magsisisi bago umalis?"

"Ano?!" para akong mababaliw sa mga narinig.

Lumuwag ang hawak niya sa akin pero hindi pa rin ako pinakawalan. Hindi ko naman magawang hawiin ang kamay ko dahil parang naubos na ang lakas ko sa mga sinabi kanina.

Ang lahat naman ng mga nakapalibot sa aming nanunuod ay alam kong gusto na rin akong ibaon six feet under the ground dahil sa kapangahasan ko!

"Ngayon pa lang binibigyan na kita ng pagkakataong magsisi–"

Ako naman ang natawa ng malakas dahil sa narinig. Doon ko na naigalaw ang mga kamay ko paalis sa kanya.

"Hinding hindi, Ramiel." akmang aalis na ako pero nagawa kaming harangan ng alagad niyang may pinaka-malaking katawan sa lahat.

"Ano ba Raymundo! Tumabi ka nga!" seryoso itong umiling habang nakatingin sa lalaking nasa aking likuran.

Napalingon ulit ako sa leader ng mga bibeng may dalang kasamaan!

"What now? Sasaktan mo na rin ako gaya ng mga pananakit mo sa mga estudyanteng walang kamalay-malay rito?!"

Matalim ang titig nito sa akin habang ngumingisi. Nanliit ako ng muli siyang lumapit sa akin. Kainis, kung bakit kinulang ako sa height at napaka-tangkad naman ng isang ito! Hindi ko tuloy siya masindak! I swallowed hard when his lips opened again.

"That would be easy Almera and I wouldn't make it easy for you," aniya sabay tango sa taong humaharang sa amin ni Ezekiel.

Nang maramdaman ko 'yon ay hinawi ko ito kaagad at mabilis na hinila ang aking pinsan pero bago pa kami makalayo ay hindi nakaligtas sa aking pandinig ang mga huling salita nitong pagbabanta sa akin.

"Remember that I gave you a chance to take back what you said. Remember this day, Almera." anitong imbes na intindihin ko ay mas binilisan ko nalang ang aking mga hakbang para makalayo kaagad sa mga 'yon!

Pare-pareho kaming hinihingal nila Mari ng mahinto sa likurang building ng college of hospitality. Nanghihina kong binitiwan ang kamay ng pinsan ko at pagod na napaupo.

"Ate, dapat hindi mo na ginawa 'yon. Hindi naman nila tototohaning sasaktan ako kanina–"

"Ezekiel, hindi mo kilala ang mga 'yon," si Mari. "Lahat ng sinasabi nila, lalo na ang Ramiel na 'yon ay talagang ginagawa niya. Ano ba kasing ginagawa mo rito at hindi ka man lang nag-text muna bago pumunta?"

Napabuntong hinga nalang ako habang pinakikinggan ang kanilang pag-uusap. Hindi matanggal sa utak ko ang mga nangyari at kahit na alam kong kakayanin ko lahat ng mga pagbabanta ng lalaking 'yon at posibleng pagganti dahil sa ginawa ko kanina ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan.

What Ramiel wants, Ramiel gets. Siya na ngayon ang depinisyon ng batas sa paaralang ito!

"Bakit pala tayo nandito? Akala ko ba isusumbong natin siya sa Presidente, Ate?"

Napapikit ako ng bahagya at napalingon kay Mari. Umiling ito. Isa pa ang bagay na 'yon. One year ago, simula ng lumipat ang magkakapatid na Del Rio at nag-aral sa San Martin De Dios ay hindi na natahimik ang lahat.

Hindi ko alam kung paanong na-kontrol ng pangalawang kapatid ni Ate Skyrene ang buong university pero iyon ang nangyari. Kahit na hindi ito parte ng student council o kahit anong organisasyon ay hawak niya sa leeg ang mga nagpapatakbo nito... At marami pang iba maging ang presidente ng unibersidad.

Wala sa sariling napahilot na lang ako sa aking sintido bago nagkaroon ng lakas na tumayo.

"Ayos ka lang? Hindi ka ba nasaktan?"

Umiling ito.

"Ano bang gagawin mo?"

"Ga-graduate na ako next year at ang sabi ni Mama ay maghanda na raw ako at pumunta rito para mag-inquire."

"Dapat tinawagan mo muna ako."

"Sandali lang naman sana ako kaso iyon nga, nabangga ko iyong lalaki kanina kaya nagkaroon ng problema."

Sa kada salitang lumalabas sa bibig ni Ezekiel ay hindi ko mapigilang mapabuntong hinga.

Hindi na ako naka-attend sa klase ko ng mga oras na 'yon dahil sinamahan ko siya sa kailangang gawin. Mabuti na lang at naintindihan iyon ng professor ko na kahit nalaman ang ginawa ni Ramiel ay wala ring magawa.

"Sigurado ka bang gusto mo pa ring mag-aral rito?" nag-aalala kong tanong nang ihatid siya sa gate.

Hindi ko na kasama si Mari dahil bumalik na ito sa kanyang klase. Nagkibit ito ng balikat.

"Wala nang mas malapit na university rito, Ate. Isa pa, dito rin nagtapos si Mama at Papa kaya baka dito pa rin talaga ang bagsak ko."

Tumango tango ako.

"Marami tayong pag-uusapan pero huwag mo nalang sanang banggitin kay Tiya ang nangyari ngayon, maliwanag ba?"

He nodded slowly. Hindi na ako nagtagal dahil kailangan ko pa ring tapusin ang araw na ito. Matapos magpaalam ay bumalik na ako sa loob ng unibersidad.

I've never been conscious all my life pero sa bawat hakbang ko pabalik doon ay parang gusto ko nang magtakip ng mukha. Parang mas lalong kailangan kong maghanda dahil malayo palang ay nakikita ko na ang mga mapanuring tingin ng mga estudyanteng tiyak na ako na rin ang nasa utak. Kailan nga ba natapos ang mga issue tungkol sa mga taong si Ramiel at ang grupo niya ang nakabangga? Wala at ngayon ay isa na rin ako doon!

Kung noon ay akala ko sa palabas lang nangyayari ang ganito, ngayon ay malinaw na malinaw na sa aking hindi. Siguradong nakalista na ako sa mahabang listahan ng mga paparusahan ni Ramiel.

Humigpit ang kapit ko sa aking librong hawak. Kung sana hindi pa nakatapos ng pag-aaral si Ate Skyrene... Kung sana ngayon ay pwede ko siyang puntahan sa klase para isumbong ang balahura niyang kapatid pero wala na. Bukod kay Rigel na wala rin namang magagawa sa kasamaan ng kapatid ay wala na akong pwede pang pagsumbungan.

Muli akong napabuntong hinga habang naglalakad sa gitna ng mga estudyanteng nagbubulungan habang dumaraan ako.

"Siguro masaya na ang loka dahil napansin na."

"True! Mabuti nga at hindi siya sinabunutan ni Clare! The nerve na sagot-sagutin si Ramiel sa harapan ng lahat!"

"May araw rin 'yan at 'yun ang aabangan natin!"

"Girl, I'm excited!"

Binilisan ko ang mga hakbang ko at pinilit na huwag nalang makinig. I still have three years in this university at dalawa naman sa lalaking 'yon kaya bahala na si batman.

Siguro naman sa haba ng listahan niya, may mga tao pa rin siyang malalagpasan, 'di ba? All I need is to wish that he'll forget about me... Or sana magbago nalang siya para matahimik na ang lahat ng tao rito dahil kung hindi ay baka maraming hindi makapagtapos dahil sa kanya.

"Almera!" pakiramdam ko'y binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ang baritonong pagtawag na 'yon sa aking pangalan!

Marahas na huminto ang aking mga paa at tuluyan nang hindi nakagalaw ng maalala ang lahat at maisip kung ano na ngayon ang gagawin niya! Isa lang ang alam ko, patay ako. Patay na patay na!

~~~~~~~~~~~~~~~

Facebook Page : Ceng Crdva

Facebook Group : CengCrdva Wp

Instagram : Cengseries

Twitter : CengCrdva

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro