Chapter Two
Chapter Two
AISCELLE.
Two years ago...
Tama, dalawang taon na simula nang huli ko siyang makita.
November 23. Siguro kung kami pa rin hanggang ngayon, sine-celebrate na namin ang ika-third anniversary namin.
Kaso hindi. Dahil sa akin.
Pinaka malaking pagkakamali ko nang araw na iyon nung isinama ko si Jasper sa amin.
I know, I didn't mean to say all those horrible things about him. Wala naman talaga ni-isa ang totoo doon eh. Sana nakita niya yun.
Mahal ko siya at sinusuportahan ko siya. Pero nung panahon na 'yun, natakot akong malaman ng parents ko. Natakot ako na maghinala sila. Pagnagkataon, paghihiwalayin nila kami ni Jasper.
Hindi nila nagustuhan ang piniling path ng kakambal kong si Ice. Iniisip nila na kalokohan lang ang pag p-pursue ni Ice sa pag b-banda. Paano na lang kapag nalaman pa nila na ang taong mahal ko eh ka-banda ni Ice?
Pero nagsisisi ako. Kasi hindi man nalaman ng parents ko ang about kay Jasper, si Jasper naman mismo ang lumayo sa akin. Siya na mismo ang bumitiw.
Naiintindihan ko yun. I really do. May mali rin naman ako eh. Nagpaka-duwag ako. Ni-hindi ko siya pinaglaban. At nung nawala siya? Hindi ko sinubukan nun na ibalik siya. Hindi ako nag reach out. Nag focus lang ako sa goal ko na makatapos at sundin ang gusto ng parents ko.
Pero habang tumatagal, nawawalan ako ng gana. Para akong robot na sunod-sunuran na lang sa kanila. Kung ano ang sinabi nila, ayun ang ginagawa ko. Up until now iniisip ko, ito ba talaga ang gusto ko?
Hindi ko na alam.
Pero isa lang ang malinaw sa akin---I still love him.
Sinubukan kong makipag relasyon sa iba, pero wala eh. Mahal ko talaga si Jasper.
Akala ko okay lang na mag break kami. Itinatak ko sa utak ko na hindi siya kawalan sa buhay ko. Sino ba siya? Eh nung highschool kami habol siya nang habol sa akin.
No. Hindi ako magpapaapekto sa kanya. Kaya kong wala siya sa buhay ko.
Pero mali ako.
Kada may lalapit na lalaki sa akin, lagi ko silang na-i-co-compare kay Jasper.
Si Jasper kaya akong patawanin ng walang ka-effort effort. Si Jasper, isang tawag ko lang pupunta na sa akin yun. Si Jasper kaya akong i-handle pag stress na ako o may tantrum o pini-PMS.
Si Jasper....
..kay Jasper masaya ako at ramdam ko ang pagmamahal.
Nakakainis. Bakit walang humihigit sa kanya?
Nung maka-graduate ako ng college, nag punta ako sa ibang bansa para mag training doon. Akala ko pag nalayo na ako, mas makaka move on na ako.
Pero hindi pa rin.
Ngayon, nasa harapan ko ulit siya. And shit lang, ang bilis ng tibok ng puso ko. I feel a tight knot in my stomach. Gusto kong lapitan siya at yakapin ng mahigpit.
Ang tagal na nang huling beses ko siyang makita. Ang gwapo gwapo na niya ngayon.
Jasper, may chance ba tayong dalawa?
Pumasok ako sa elevator. Hindi siya umiimik. Hindi ko alam kung dapat ko siyang kausapin o hindi.
Pero miss na miss ko na siya.
Huminga ako ng malalim at hinugot lahat nang lakas ng loob na itinatago ko.
"Hi Jasper. How are you?" halos pabulong kong sabi.
Hindi siya umimik.
Galit pa rin kaya siya sa akin hanggang ngayon?
"Naiwan ni Ice yung phone niya sa bahay. Ibibigay ko sa kanya," sabi ko bilang pagpapaliwanag kung bakit ako nandito.
Bumuntong hininga si Jasper at nagulat ako nang lingunin niya ako at ngitian.
"Please don't talk to me okay? Hindi kasi ako marunong mag panggap na okay ako sa isang tao kung ang totoo eh ang laki ng galit ko rito," naka-ngiti pa rin niyang sabi.
My heart sank.
Yung ngiti na yun, hindi na katulad ng ngiti na ibinibigay niya sa akin noon.
Well, what do you expect Aiscelle? Sinaktan mo siya ng husto.
Bumukas ang pinto ng elevator at napansin kong pababa na si Jasper. Kaya lang agad kong hinila ang braso niya pabalik sa loob ng elevator.
"What the hell?!" inis niyang sabi.
I immediately press the close button at pinindot ko ang pinaka top floor which is 10 floors pa mula sa kinalulugaran namin.
"What the hell is your problem, woman?! Late na ako! Bakit mo ginawa yun?!"
"S-sorry!" nag peace sign ako.
Mas lalong nag dikit ang kilay niya.
"Ano bang gusto mong mangyari ha?!"
"M-magusap tayo?"
He raised his eyebrow, "at bakit? May dapat pa ba tayong pagusapan?"
"M-matagal tayong hindi nagkita. K-kwentuhan?"
"Kwentuhan?" bigla siyang napahagalpak ng tawa. "What the fuck?! Are you insane?"
"Galit ka pa ba sa akin Jasper?"
"Seriously Aiscelle? Tinatanong mo sa akin yan? Mukha ba akong masaya na nakita ka? Mukha ba akong hindi galit sa'yo?"
Tinitigan ko siya. Kita ko sa mata niya ang galit at inis sa akin. Kita ko na gustong gusto niya nang bumaba sa elevator na 'to at iwan ako.
Huminga ako ng malalim...
...then I smiled at him.
"Okay! I'm glad!"
"What?!"
"I'm glad kasi galit ka sa akin. Naisip ko, siguro masasaktan ako kapag nagkita tayo ulit tapos galit ka pa rin. But then naisip ko, mas masasaktan ako kapag hindi ka na galit sa akin and totally wala ka nang paki sa akin. At least nalaman kong galit ka, alam ko nang naapektuhan ka pa rin sa akin."
Jasper look at me in disbelief. Alam kong may gusto siyang sabihin sa akin ngayon pero hindi niya makuha ang tamang salita.
Hindi ko alam kung bakit, pero napangiti ako ng malawak.
"Well, that's good. Naapektuhan ka pa rin sa akin. You know what Jasper? I still love you at ngayon okay na ako, ngayon nagawa ko nang makarating sa kinalulugaran ko, isa na lang ang kulang. Ikaw yun. And I'll do anything para bumalik ka sa akin."
~*~
JASPER.
Shit. Shit shit shit shit.
She's back.
Bakit pa siya nagpakita sa akin? Bakit niya sinabi ang mga bagay na yun?!
Ako na lang ang kulang sa buhay niya at gagawin niya ang lahat bumalik lang ako sa kanya? Wow. Gago ba siya? Ano ako, aso na ipaampon kapag hindi na kayang alagaan tas babawiin kung kelan niya gusto? Ganun ba tingin niya sa akin?!
But damn! I really hate her! Dahil sa sinabi niya, hindi ako mapakali. Nawawala ako sa sarili! Buong shooting ng music video, nagkakamali ako.
Napagalitan na ako ng manager naming si Rochelle dahil late ako, ilang beses pa akong nasigawan ng director namin dahil nagkakamali ako.
Hindi ako makapag concentrate. Paulit ulit na pumapasok sa utak ko ang itsura niya.
Dati, mahaba at diretso lang buhok niya. Ngayon, below the shoulder length na ito at may style. May bangs na rin siya. Medyo nag mature ang mukha niya, nagkakorte ang katawan niya pero yung labi niya ganun pa rin, pati yung mata niya, yung ngiti niya..
Holy shit.
Bakit gandang ganda pa rin ako sa kanya? Bakit nung nakita ko siya, ang una kong naramdaman eh gusto ko siyang yakapin?
Fuck.
I don't like this feeling. I seriously don't like this feeling.
Oo, tama nga siguro siya, naapektuhan pa rin ako sa kanya. Tama siya, ang tindi pa rin ng dating niya sa akin.
Oo, tama siya, mahal ko pa siya.
Hindi ako maka move on. Ang hirap hirap.
Bakit kailangan niya pang sabihin ang mga bagay nay un?
Ang lupit naman nun. Ngayong okay na siya babalikan na niya ako? Talagang ipinamukha niya sa akin na hindi niya ako kayang i-prioritize 'no?
Naiintindihan ko noon ang priority niya. Pero ang sakit kasi nung nakipaghiwalay ako, ni hindi siya nag-abalang kausapin ako. Hinayaan niyang mawala ako sa kanya.
And now...babalik siya?
Wow. Wow talaga. Nakakabullshit.
Nung matapos ang shooting, humiwalay ako agad sa kanila at dumiretso sa bar.
Alam kong naglasing ako kagabi.
Pero mukhang kailangan ko ulit maglasing ngayon.
Kailangan kong makalimutan ang nararamdaman ko.
~*~
NICA.
Ang hirap kumita ng pera. Dala-dalawa na nga ang trabaho ko, kulang na kulang pa rin.
Leche kasi 'yang tatay ko na sugarol. Hayop talaga yun sa buhay ko leche. Napaka walang kwentang nilalang. Pupuntahan lang ako pag ubos na ang pera niya at kukunin ang akin. Tapos ano? Pag hindi ako nagbigay magugulpi na naman ako.
Dalawang beses na akong pumapasok sa trabaho ng may pasa. Hayop siya. Nung isang beses pa, sa restaurant pa siya ni chef Timi nag wala. Buti na lang at mabuting tao si Chef Timi, hindi niya ako tinanggal sa trabaho nun.
Pero yung gagong yun talaga, pagka ako natanggalan ng trabaho dahil sa kanya isusuplong ko na siya sa pulis. Hayop siya.
At ngayon, nandito ako sa bar kung saan ako nagtatrabaho kada gabi. Samu't-saring usok ang nasa paligid gawa ng mga naninigarilyo. Bwiset. Mga sunog baga ang mga 'to. Sarap ipalamon sa kanila ang sigarilyo nila eh. Hayop.
Ang dami na namang lasing. Yung restroom nangangamoy suka na naman. Yung isang lalaki na mukhang dirty old man doon sa dulo kanina pa tawag nang tawag sa akin. Maya't maya humihingi ng tubig. Tas biglang manghihingi ng cellphone number. Gago ba siya? Sarap lubluban ng sili ang tubig niya eh.
"Naka-simangot ka na naman Nica! Smile! Mahahawa customer sa pagka busangot ng mukha mo eh!" sabi ng manager ko.
Pinilit kong ngumiti. Ayun lang naman ang magagawa ko eh. Kesa matanggalan pa ako ng trabaho.
Sa totoo lang, ayoko sa lugar na 'to. Ayoko rin sa trabaho kong 'to. Kaso wala eh, kailangan ko ng extra income. Kailangan kong makaipon agad nang makabalik na ulit ako sa college. Ang hirap ng ganito na walang natapos. Ang hirap humanap ng maayos na trabaho.
"Itong buffalo wings, doon sa lalaki sa may bar counter, yung naka-stripes na blue na polo," sabi nung isang waitress.
Agad kong dinala yung buffalo wings doon sa nag order.
Napahinto ako bigla nang makita ko kung sino 'to.
Oh, it's him.
Napangiti ako. Well, ayoko man sa trabaho ko rito, kahit papaano medyo naeexcite ako dahil sa regular customer namin na 'to.
Matangkad, gwapo, mestizo. Naka eyeglass siya at medyo geeky ang dating. Tahimik lang din siya. Pero para siyang fictional character sa isang romance book na masasabi mong pang book boyfriend ang dating.
Lagi siyang magisa na pumupunta rito. Dyan lang siya sa bar counter at lagi niyang order, mojito at buffalo wings.
Pero ang pinagtataka ko, lagi siyang may dalang libro. Nandoon lang siya sa bar counter, nagbabasa.
Ang weird 'di ba? Karaniwan ng ganyan sa coffee shop mo makikita at hindi sa bar.
Nilapitan ko siya at nilapag ko yung order niya sa harap niya.
"Here you go sir!" masigla kong sabi.
"Thanks," matipid niyang sabi nang hindi man lang inaangat ang tingin niya sa akin.
Sinilip ko yung binabasa niyang libro.
Vicious by V.E Schwab.
Parang nagkaroon ako ng kiti-kiti sa tyan. Gusto kong sabihin sa kanya na, SHET SIR! ANG GANDA NG LIBRO NA YAN! ANONG PAGE KA NA? KAMUSTA? ANG GANDA 'DI BA? ANG TWISTED!
Kaso nahihiya ako. Mamaya sabihin niya feeling close ako. Pero chance ko na ito na makausap siya eh. Pero kasi... ano ba!! Lalapit na ba ako? Kakausapin ko na ba?
Okay. Okay. Short conversation lang. Yun lang. Wala namang mawawala eh.
"Si---"
"Miss penge tubig!" sabi ng customer na nasa likod ko at kinakalabit ako.
Ay tangina! Hayop 'to ah?!
Nilingon ko yung kumalabit sa akin.
Isang lalaking naka t-shirt na blue at nakasuot ng cap. Hindi ko maaninag ang mukha niya.
Pasalamat siya dahil kapag nakilala ko siya, paabangan ko siya sa kanto! Hayop siya!
Inangat nung lalaki ang tingin niya sa akin.
"Kilala kita!" sabi niya
"Ha?"
Lumawak ang ngiti niya, "kilala kitaaaa! Server ka ni Timi 'di ba?"
"E-eh?!"
Nataranta ako at napatingin ako sa mukha niya.
Shit na malagkit!
Si Jasper Yu 'to ah?! Shit! Anong ginagawa ng kumag na 'to 'dito?!
Bigla niya akong inakbayan.
"Akala ko waitress ka eh! Gumigimik ka rin ba? Are you alone? Sama ka sa akin?"
Napatingin ako sa mukha niya. Namumula na siya. Mukhang nakainom na.
Punyeta.
Agad kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin.
"Hands off, sir," bulong ko sa kanya.
"Oh? Why? Maraming hiwaga ang nagagawa ng kamay ko!"
Sapakin ko kaya 'to?
"Sir tubig?"
Napatingin kami pareho kay Jet, ang bartender namin. Agad napahiwalay sa akin si Jasper Yu.
Sinenyasan ako ni Jet na umalis na. I mumbled a thank you at dali-dali akong umalis sa kinalulugaran ng hayop na spoiled brat, rich kid, playboy na artistang yun.
Bwiset yun ah! Mula kaninang tanghali hanggang ngayong gabi eh ma-e-encounter ko siya?!
Buong shift ko, iniwasan ko na ang bar counter. Doon na lang ako sa dining area. Nakakainis naman, ni hindi ko na nagawang makipagusap sa crush ko! Nakakayamot talaga na Jasper Yu yan!
Dahil part time lang ako, nakapag out na ako ng mga bandang 11pm. Gustong gusto ko na ring umuwi. Masakit na ang buong katawan ko. Buti na lang talaga bukas off ko na. Makakapagpahinga na rin ako. Makakaupo na rin ako sa wakas sa harap ng mumurahin kong laptop at maisusulat ko na yung nasa isip kong screenplay.
Dali-dali akong lumabas ng bar at naglakad papunta sa sakayan ng jeep.
"Psst miss!"
Napatalon ako sa gulat nang biglang may humawak sa braso ko. Nagulat ako nang makita ko si Jasper Yu. Ang pula na talaga ng mukha niya. Amoy alak siya at parang sabog na sabog na sa kalasingan.
"A-ano?!"
"Hindi ko mahanap ang kotse ko."
"Huh?"
Nginitian niya ako, "tulungan mo naman akong hanapin ang kotse ko."
Anong nangyayari.
"Hindi ko alam itsura ng kotse mo. Bitiwan mo nga ako!" hinila ko pabalik ang braso ko na hawak hawak niya at nagulat ako nang gumewang siya at muntik-muntikanan nang matumba sa semento kung hindi ko pa nahawakan ang tagiliran niya.
"Paano ako uuwi..." nanghihina niyang sabi.
Wow, wasted na wasted na ang isang 'to. Pero paki ko ba? Iwan ko na lang siya sa daan. Bahala siya sa buhay niya.
"Bakit tanga ang tao pag nagmamahal?" bulong niya.
Napalingon ulit ako sa kanya at nagulat ako ng may luha sa mata niya.
Ay tangina umiiyak siya?!
"Huy! Problema mo?"
"Hindi ko mahanap kotse ko.." pahikbi-hikbi niyang sabi.
Napakamot ako sa likod ng ulo ko.
Ay juskoday!
Nakokonsensya naman akong iwan 'to rito. Best friend pa rin 'to ng amo ko. Kung tumawag na kaya ako ng tulong?
"Nasaan ang cellphone mo?" sabi ko sa kanya.
"Wala. Tinangay na niya lahat."
"E-eh? Na-holdap ka ba?"
Tumango siya.
"Shit, totoo?! Saan?! Ano nakuha niya sa'yo?!"
Inangat niya ang tingin niya sa akin at tinitigan ako sa mata ng seryoso.
"Yung puso ko."
Hayop! Sipain ko kaya sa bayag ang isang 'to nang mawala ang kalasingan 'no?!
"Kailangan ko ang phone mo. Tatawag ako ng pwedeng sumundo sa'yo okay? Hindi ko kasi alam number ni chef Timi at wala akong load."
Nginitian niya ako. Yung ngiting aso na pag nakita mo, kikilabutan ka.
"Ang ganda mo naman."
"Tangina umayos ka ah! Sasapatusin na kita! Amin na cellphone mo!"
Kumunot noo niya, "holdaper ka ba? Ang ganda mong holdaper."
"Leche!"
Kinapa ko ang bulsa niya at ipinasok ko ang kamay ko rito para kunin yung phone. Bigla naman siyang nag likot.
"Nakikiliti ako. Ba't ang bilis mo! Teka!"
"Sasapakin na kita Jasper Yu ha! Wag kang nang-aano! 'Di porket artista ka gaganyan ka ha!"
"Eh nakikiliti ako sa ginagawa mo eh. Ba't mo pinapasok kamay mo diyan? Ikaw ah!"
"Gago ka! Kinukuha ko phone mo!"
"W-wag. Teka mali ka na ng dinudukot!"
"Wala akong planong dukutin ang iniisip mong dudukutin ko. Nakakainis ka na talaga! Umayos ka!"
"Wag dito. Masyadong public. Baka magka-scandal ako. Sa private place tayo."
"Hayop."
"Ay wag pala sa headquarters! Magagalit si Ayen!"
"Hayop ka talaga!"
Nakuha ko na ang phone sa bulsa niya. Jusko pahirapan.
"Hindi ako hayop. I am Jasper Yu and I am made just for you! HAHAHAHA. Kuha mo? Hahahahahhaaha! Astig 'no?"
O pasensya, humaba ka!
Pinakielamanan ko ang phone niya kaso langya, may passcode!
"Anong password nito?"
"I love you too!"
Bumuntong hininga ako.
Iwan ko na kaya 'to dito? Hayaan ko nang maging wasted sa kalsada? May makakapulot naman sa kanya na iba dyan.
Tinignan ko siya. Nakangiti pa rin siya sa akin.
Kanina umiiyak ngayon nakangiti.
Ang tindi malasing ng isang 'to.
Ibinalik ko ang phone niya.
"Aalis na ako. Bahala ka dyan!"
"Eeeeeh. Don't leave me! Lahat na lang ba ng babae iiwan ako? Ganyan naman kayo eh! Matapos kong mahalin ng tapat, iiwan lang ako! Ganyan kayong mga babae kayo! Mag-sama sama kayo!"
"Pakyu!"
"Hindi ako pa-cute! Nagmamahal lang ng tunay!"
O jusko!
Sige na nga! Hindi ko siya kayang iwan. Kahit hayop siya, best friend siya ni Chef Timi at malaki ang utang na loob ko kay Chef Timi.
Kinuha ko ang braso ni Jasper at ini-akbay ko sa akin.
"Hindi ka naman nan-re-rape pag lasing 'no?"
"Babae ang gumagawa nun sa akin."
Kapal ng isang 'to ah? Dictionary ang peg?
"Sa sofa ka matutulog! At wag kang susuka sa bahay ko!"
Hindi na siya umimik. Mukhang masaydo nang lasing para makapagsalita.
Agad akong pumara ng taxi.
Sana lang talaga hindi masamang tao itong tutulungan ko.
To be continued...
Aly's Note:
Ang daming nag react sa R16 rating ng story na itey! Wahaha. Sa mga nag iisip (o nag eexpect) ng hardcore SPG sa storya na ito, eh sorry to tell you, hindi po iyon mangyayari. Kung sakali mang mag susulat ako ng hardcore SPG, aba, R-18 ang gagawin kong rating ng storyang ito. (AT SI ALYLOONY MAG HA-HARDCORE SPG?! SAMANTALANG DI NIYA NGA NATAGALAN ANG PAGBABASA NG 50 SHADES OF GREY XD)
Anyway, ang main reason kasi kung bakit in-R-16 ko ito is the usage of language. Yes, may mga mura dito at kung tinatanong niyo kung KAILANGAN ba talaga yun, tingin ko, oo. Dahil sa personality and upbringing ng isa kong character dito. (You'll understand as the story progress) Ayoko naman i-filter o i-censored. Pag tinype ko ang word na sh*t! o t*ng1na, ganun pa rin naman ang basa natin 'di ba? :D
Kaya ayun. Wag kayo mag focus sa SPG. Kayo ah! Porket Jasper Yu, SPG NA AGAD? (LOL. Kung sabagay, Jasper Yu nga pala 'to. Hahahaha)
Anyway, ito ang official "love team" name ng mga team team niyo XD
Jasper and Aiscelle = Jaiscelle (pronounced as jeysel)
Jasper and Nica = JaNica (pronounced as Ja-Nica)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro